Wednesday, April 16, 2014

Untimely Love Story (October 10, 2013 - Fear of DON'Ts)

October 7, 2013..
morning...

another bad news, i guess..
mukhang 5:00 AM siya umalis today..
at mukhang start na ng OJT niya sa PAL...

ang hindi ko alam eh kung dito ba siya nagmula sa subdivision..
o kung may bahay na ba siya doon malapit sa location ng training niya, at kahapon pa siya inihatid ng 4:20 PM noong lumarga yung kotse nila..
kasi hindi ko na namalayan ang pag-uwi nung auto nilang yun eh...

bakit ganun..?
akala ko ba November pa..?
eh early October pa lang ngayon eh..
asan na yung tinatawag na Sem Break..???

it's either uupa o may matitirhan na siya dun sa malapit sa PAL..
o baka naman magba-biyahe siya araw-araw, kung sobrang istrikto talaga ni Tatay-in-law..
pero maalin man dun..
eh mas pabababain lang nun ang encounter rate namin..
hay..... T,T

makikita natin pamayang gabi kung uuwi nga ba ang Espasol o hindi...

tapos mukhang ginawa na niyang Private yung setting niya sa Instagram..
eh wala naman akong smartphone o tablet para makapag-sign-up dun..
super damot talaga...T,T

kaka-sad naman... T,T
[ feeling nalito na sa takbo ng panahon... ]

---o0o---


noong hapon...

correction..
'LUWAS' pala yung term na ginamit niya...

---o0o---


in the evening...

7:47 PM na siya nakauwi ng bahay..
bale kung ganun na nga ang masusunod niyang schedule - na 5:00 AM to 8:00 PM..
eh bale 15 hours siyang mawawala sa range ko..
bababa na nang kainaman yung tsansa naming magpanagpo tuwing umaga..
pero masasabi kong hindi naman talaga mawawala yung tsansa na magpanagpo pa kami tuwing gabi...

napagod naman ang bata..
anyway, under observation pa naman 'tong schedule niya na 'to..
hindi pa din naman kasi officially pumapasok ang November..
eh paano kaya tuwing weekend...?
[ feeling ..umaasa na tatama rin ng oras ang mga bagay-bagay... ]

end of Day 7...

---o0o---


October 8, 2013...

parang before 5:00 AM pa lang eh lumarga na siya..
umaalis siya habang madilim pa, at umuuwi nang madilim na rin...

kinahapunan eh may malawakang brownout..
kaya kinabahan ako na baka hindi ko siya mai-spot-an dahil walang mga ilaw sa kalye..
kritikal pa naman 'tong ganitong panahon para sa akin, dahil nagbabalasa siya ng kanyang schedule...

mga 8:58 PM na siya nakauwi..
yun na yung pinaka-late niyang uwi na nasaksihan ko..
she got home safe, kaya wala na akong masasabi...

pero kung ganun yung tayo ng schedule niya..
eh parang nakakapagod naman yun..
andami pang oras na nasasayang sa biyahe...

tsaka bakit kaya parang siya lang sa klase nila ang nagte-training sa PAL..?

end of Day 8..
para tuloy wala nang silbi kung magbibilang pa ako ng mga araw..
eh nagsimula na rin naman kasi siya nang maaga sa training niya eh..
although, hindi ko nga rin masabi pa kung may magbabago pa sa schedule niya pagpasok ng November...
[ feeling concerned para sa Espasol... ]

---o0o---


October 9, 2013...

5:12 AM na siya umalis kahapon..
at 8:18 PM na yata nakauwi, mas maaga kesa noong sinundang araw..
kaso hindi ko naman siya nakita..
naging busy dahil sa kliyente eh...

end of Day 9...

---o0o---


October 10, 2013...

since masyado siyang maagang mag-aalis nitong nakaraang tatlong araw..
eh naisip ko na ihatid naman siya..
eh kasi nag-aalala ako sa kanya, dahil umaalis siya nang madilim pa at hindi pa matao ang lansangan dito sa subdivision namin...

so ayun nga..
ang ginawa ko eh 4:40 AM ako gumising..
nag-toothbrush pa ako nang mainam at nag-ayos ng buhok..
hintay lang ako nang hintay na lumabas siya ng pinto nila..
ang balak ko kasi eh paglabas niya pa lang ng pinto eh sasabayan ko na siya..
bubuksan ko yung lock ng gate namin..
magkukunwaring nagkataon lang na nakita ko siya..
at mag-o-offer na ihatid siya hanggang sa may labasan..
alam kong parang tanga yung plano kapag inaamin ko na..
pero minsan kailangan na ikaw na mismo ang magmanipula sa sarili mong FATE eh - parang sa My Sassy Girl lang...

pero ayun..
inabot na ako ng 5:45 AM at hindi pa rin lumalabas ng bahay yung target..
napaisip tuloy ako kung inurong ba niya sa 4:00 AM ang oras ng alis niya, o i-p-in-ush ba niya yun hanggang 6:00 AM...

sa bandang huli, eh nabigo lang ako..
ni hindi ko nga na-detect kung kailan nga ba siya umalis ng bahay nila eh.. T,T
malas talaga..
bukas ipapaliwanag ko kung anong nangyari..
basta areng si FATE eh talagang inuubos na talaga ang pasensiya ko... >,<

at medyo good news yata..
mukhang may makakasama naman siyang ka-batch niya doon sa PAL...
[ feeling napaglaruan na naman ng pagkakataon... ]

---o0o---


ano ba 'tong pakiramdam na 'to..?
feeling ko na parang gusto ko ulit na subukang manuyo ng Espasol..
pero ang gusto ko - personalan na ulit..
pero kapag iniisip ko naman eh parang magsasayang lang ulit ako ng effort..
i don't know..
medyo traumatic kasi ang dating para sa akin nung dalawang sobrang iikli niyang pahayag online eh...

weakness ko pa naman talaga yun..
natural na nga akong ilag sa mga tao..
tas mararanasan ko pa na ipagtabuyan ako palayo..
okay pa sa akin kung sasabihin lang na hindi ako gusto eh..
na wala namang kaibig-ibig o kagusto-gusto sa akin..
na hindi ako interesanteng nilalang..
pero yung sasabihan ako ng mga 'HUWAG'..
eh sobrang nakaka-down..
tingin ko kasi eh kapag nare-reject ang 'inipong lakas ng loob' eh nagiging 'kakapalan na lang ng mukha ang dating nun'..
at sobrang nakakalamon ng pagkatao yung kahihiyan na mararamdaman mo after..
na parang itatanong mo sa sarili mo na:

  • naging malaking abala lang ba ako para sa kanya..?
  • sinayang ko lang ba ang oras niya..?
  • binuwisit ko lang ba siya..?
  • hindi man lang ba nakaka-flatter na magustuhan ng isang katulad ko..?
  • ginawa ko lang bang katatawanan ang sarili ko sa harap niya..?
  • pinagmukha ko lang bang tanga ang sarili ko sa paghahabol ko sa kanya..?


totoong hindi pa naman niya nasasabi sa akin ng personal yung mga ganung linya niya..
pero yun na nga yung ikinakatakot ko dun..
ibig bang sabihin na kapag wala na yung luckiest guy on Earth sa buhay niya eh tataas na yung tsansa ko dun sa Espasol..?
kasi parang hindi rin naman eh..
dahil ako pa rin naman 'to..
walang nagbago sa akin..
ako pa rin yung mahirap lang at walang ni gatiting na kagwapuhan na taglay sa katawan..
ako pa rin yung hamak na aspiring line artist na hindi kailan man magiging legal ang linya ng trabaho..
sa madaling salita - ako pa rin yung lalaking inayawan o tinanggihan na niya noon..
at ayun nga..
natatakot ako na baka sa susunod kong pag-approach sa kanya ng personal..
eh baka tuluyan na niyang isampal sa pagmumukha ko yung mga salitang yun..
palangiti nga siya - pero malamang depende yun sa takbo ng usapan...

ano ba talaga dapat ang maging mas matimbang..?

  • yung sumugal ako para malaman ko kung ano ba talaga 'tong nararamdaman ko para sa batang Espasol..?
  • o yung i-preserve ko na lang 'tong natitirang kahihiyan at respeto ko sa sarili ko...?

[ feeling kailangan ko bang tanggapin na nga na pangarap ko na lang siya...? ]

---o0o---


gusto ko sanang maging busy gaya ng dati - noong nagagamit ko pa ang drawing table ko..
at least noon nagiging productive ako..
at hindi ko pa namamalayan ang paglipas ng oras..
tsaka mas matipid pa ako sa paggamit ng kuryente..
para lang sana maiwasan kong mag-isip nang mag-isip..
pero pati yun kinuha na sa akin ng pagkakataon eh...

bakit ba talaga hindi pwedeng maging ulila na lang ako sa biological demon sperm donor..?
bakit ba hinding-hindi siya namamatay..?
dati naman ipinapapatay pa ng diyos ang mga Palestino sa mga pinili niyang Israelitas..
pero ngayon, bawal na bawal na ang pumatay... T,T

---o0o---


noong gabi na..
eh 8:18 PM ulit siya nakauwi..
kagayang-kagaya sa sinundan nitong araw...

end of Day 10...


No comments:

Post a Comment