(journal entry)
3 days after nung 117th day..
bumalik na naman siya para bumili sa amin..
naka-contribute nga kaya yung pagsasara ng tindahan sa tabi nila..?
2 yelo yung binili niya eh at tanghaling tapat pa noon..
hmmm..
ano kayang iniisip niya..?
hindi ba siya nag-aalinlangan na baka magkita kami..?
i mean, pagkatapos ng mga nangyaring confession at pagtataboy sa pagitan namin...?
untikan pa siyang maabutan ng malakas na ulan..
pinapapasok na nga siya sa loob ng bakuran namin nung biological demon father ko eh..
at yung lokong yun naman, eh talagang paulit-ulit pang tinawag yung pangalan ko na parang nagbibiro..
nice joke ha! >,<
akala mo naman eh nakakatawa pa yung mga biro niyang yun sa panahon ngayon eh..
eh kitang yung biological mother ko na nga ang nagbenta dun sa dalagita..
pero patawa-tawa lang daw yung Espasol sabi ng biological mother ko..
ano naman ang nakakatawa dun..?
eh ibinaba ko nga ang sarili ko dahil lang dun sa birong yun eh.. T,T
tas nung nag-alburoto na nga ang langit, eh umuwi na muna daw sa kanila yung bata para kumuha ng payong, tas saka na lang niya binalikan yung binili niya...
as usual..
biological mother ko ang nagsabi sa akin na yung Espasol yung bumili sa amin..
yun daw magandang dalaga na nakatira sa tapat, dun sa malaking bahay..
yung may crush daw sa akin..
kaganda na sanang pakinggan eh..
sana nga lang eh tunay... T,T
at nasaan naman ang magaling na ako ng mga oras..?
ayun!
nasa banyo at naliligo kahit na brownout..
sayang tuloy!
hindi na naman kami nagkatagpo eh..
hala!
baka akalain ng Espasol na yun na iniiwasan ko na rin siya ngayon..?
eh kasi nakaka-2 na ulit siyang balik sa amin, pero hindi pa rin kami nagkikita eh..
samantalang sa iba kong customer eh ako madalas ang nag-aasikaso..
kagusto ko ga siyang makita nang harapan..
siya lang naman areng nagpapalayo sa akin eh.. T,T
topak naman na pagkakataon yan, o'-o'!
parang ayaw na ng tadhana na pagtagpuin ang aming mga landas ah... T,T
---o0o---
at noong Samba-time nila eh..
naka-white blouse..
black skirt..
at basic black heels..
parang garine:
No comments:
Post a Comment