(napanaginipan ko 'to despite knowing na nakaluwas na talaga sa totoong buhay si Crush)...
ayun..
nakita ko pa daw si Crush sa poder nila..
doon sa may garahe..
naka-parang dark blue na nakatuping pa-3/4 na medyo thick sweater, at tsaka green skirt..
parang umupo pa nga daw siya sa may sofa..
pumasok tuloy sa isip ko noong mga sandaling iyon na nandito pa siya sa lugar namin..
but then, na-realize ko na may mga mali sa setup nung bakuran nila..
at naalala ko nga na panaginip lang iyon...
ganito yung ilang kaso kung saan parang nakukumbinsi ako ng panaginip ko na totoo yung ipinapakita nila sa akin..
siguro ganito yung napanaginipan ko kasi gusto ko pa talagang makita at makausap si Crush noong mga panahon na yun (matapos kong magtapat sa parents niya, at matapos rin nila akong matanggihan at mapayuhan na maghintay pa hanggang sa maka-graduate na siya)...
---o0o---
February 7...
ito na yata yung pinakamahaba at pinakamalapitan kong dream about (or with) her..
parang naidugsong pa ito sa isa sa mga panaginip ko noong time na yun...
basta ang alam ko nasa isang underground or cave-like location kami ng mga kasama ko (na hindi ko na maalala kung sinu-sino)..
naghahanap daw kami ng isang 'livable' place dun..
parang naging survival yata yung tema nung panaginip ko noon..
may i-p-in-resent sa aming isang portion doon sa underground..
may mga gamit dito katulad sa isang normal na bahay (upuan, etc.. pero hindi kagaya nung usual look nila)..
sa bandang gitna eh parang may taniman ng mga halaman, for survival purposes..
tapos sa kabilang dulo nung kuwebang-silid na yun eh parang bintana kung saan tumatagos ang sikat ng araw mula sa ibabaw (o labas) ng mundo...
paglapit ko sa area na yun saka parang nag-start mag-shift yung istorya nung panaginip ko..
parang biglang na-extend yung lugar..
tas naging 2-storey mansion na yung setting..
habang medyo naglilibot doon, eh bigla ko na lang napansin na may bumababa mula doon sa medyo paikot na staircase..
si Crush pala iyon..
makailang ulit ko pa siyang nagawang pagmasdan doon sa loob nung malaking bahay na yun..
kung hindi ako nagkakamali eh naroon din si half-sister..
dumating yata sa point na kinailangan na nilang umalis..
at doon yata nagtapos yung panaginip ko...
No comments:
Post a Comment