Wednesday, April 16, 2014

Ang Alamat ng Espasol (A Laptop Sideline)

nope, i'm not yet back..
this is just a laptop sideline...


Ang Alamat ng Espasol


noong unang panahon, may isang ubod ng pangit na binata na nagmula sa isang mahirap na pamilya lamang..
bukod sa pagiging pangit, eh masama rin ang ugali niya..
wala siyang maipagmalaking propesyon, dahil isa lang siyang hamak na amateur line artist..
at ang pinakamasama tungkol sa kanya, ay ang naparusahan siya na madalas na makaranas ng mga kamalasan sa buhay...

sa may di kalayuan mula sa munting tirahan ng pamilya ng binata, ay nakatira ang pamilya ng isang prinsesa..
nasa Category B lang ang teenager pa lamang noon na prinsesa..
tila hindi pa nadadalaw noon ang dalagita ng kanyang fairy god mother..
hanggang sa isang araw, bigla na lang nakuha ng batang prinsesa ang atensyon ng pangit na binata..
simula noon, unti-unti nang naging interesado ang lalaki na makilala ang babae...

lumipas pa ang maraming panahon, hanggang sa nagdalaga na nga ang prinsesa..
natuto na siyang maglagay ng mga kolorete sa kanyang mukha..
naging conscious na siya sa kanyang figure..
mas kumupis na ang hugis ng kanyang mukha, at lumitaw na rin yung cheekbones niya..
at kapansin-pansin rin na tila naging mala-porselana na ang kanyang kutis...

isang araw sa panahon ng tag-init, ay nakagawa na ng desisyon ang binata patungkol sa nagugustuhan niyang prinsesa..
agad niyang sinunggaban ang pagkakataon nang lumapit na ito sa kanya..
nangahas ang binata na ilapit ang kanyang sarili sa dalaga upang lubos pa niya itong makilala..
subalit makalipas lamang ang ilang araw, ay kaagad ring gumuho ang mga pangarap ng lalaki..
dinurog ang puso niya ng babaeng matagal na niyang pangarap na maka-date...

ipinakiusap ng dalaga sa pobreng binata na kung maaari ay huwag na siya nitong gambalain pang muli..
at dahil sa sobrang respeto nito sa babaeng kanyang nagugustuhan, ay sinunod nga ng loko ang kahilingan ng prinsesa..
hindi na niya ito muling inabala sa kung paano pang paraan, at pasadya pa ngang iniiiwas ng lalaki ang kanyang sarili mula sa dalaga kahit na sobrang sakit at bigat na nito para sa kanyang damdamin - ang magmahal at magpahalaga sa taong wala namang pakialam sa'yo...

at dumaan ang napakaraming linggo..
sa wakas, natapos na din ng binatang basahin ang paborito niyang istorya na nilikha ng isang Japanese manga artist..
si Eiichiro Oda at ang kanyang mundo ng One Piece..
saktong pagkatapos na basahin ng binata ang pinakahuling chapter ng mangang nabanggit, ay na-activate ang kanyang Death Note..
kaagad na tumigil ang pagtibok ng kanyang puso..
misteryoso ngunit mapayapa siyang binawian ng buhay, isang bagay na matagal na niyang pinangarap - ang mamatay nang hindi gaanong nakakadama ng paghihirap at sakit..
sa mga oras na yun nakamit na ng pangit na binata ang gift of eternal slumber...

PS: at hindi na rin siya muli pang dumaan sa process of reincarnation...

--- THE END ---

No comments:

Post a Comment