Wednesday, April 16, 2014

Untimely Love Story (September 27, 2013 - Rose Incident)

[originally entitled 'Roses']

September 27, 2013..
(definitely a journal entry)

early in the morning...

paano ko ba sasabihin 'to..
Happy 27th of September...? T,T

umamin ka nga FATE..
sinadya mo bang hindi ako masyadong ma-attach dun sa Espasol..?
inilayo mo ba ako nang inilayo sa kanya dahil alam mong eto naman talaga yung plano niya simula't sapul - ang eventually lumayo rin sa lugar na 'to..?
bukod pa yung fact na alam mong may 'luckiest guy on Earth' na siya sa buhay niya...?
[ feeling sobrang broken na para maka-move on pa... ]

---o0o---


after makauwi ng bahay galing sa flower shop...

ayun..
halos kauuwi ko lang..
naikasa na nga..
kaya wala nang urungan 'to..
kumbaga sa Counter Strike eh - 'naitanim na ang kamote'..
pero sa istoryang 'to - eh wala nang defuse-defuse na option..
oras na lang ang bibilangin..
sabi ko mga 5:30 PM eh pwede na sigurong i-deliver yun...

kaya ayun..
mga in-laws, please stay at home..
saka na ang layas..
November pa naman yung alis niya, kaya saka na ang despedida..
kung gusto nyo naman siyang i-treat dahil sa pagkatanggap niya sa training program ng PAL..
eh sa Saturday na lang ha..
please lang..
ibalato nyo na sa akin areng araw na 'to...
[ feeling hoping na matapos naman nang maayos ang mga plano ko for today... ]

---o0o---


sabi nga dun sa kantang Foolish Heart - eh '..don't be wrong anymore...'..
kaya next time, eh bawal na talaga ang bobopols-bopols...

---o0o---


delivery time...

ang totoo nakita ko pa yung Espasol bago 'to..
kaya napaisip ako na parang hindi yata siya pumasok today..
tsaka bakit kaya siya nagtatagal masyado dun sa kung anumang lugar yun sa direksyon ng basketball court sa looban...?

6:10 PM sa phone ko noong ma-deliver yung flowers (i believe 15 minutes ahead yun sa tamang oras)..
at nakita ko yun..
it's a good thing na hindi na maulan kahapon ng hapon..
yung guy nga kahapon na pinakitaan nung sketch ko yung nag-deliver..
pero di tulad nung una nilang sinabi sa akin sa shop, grayish o bluish car yung naghatid instead na van..
hindi ko sigurado kong sinong nag-receive nung flowers..
hindi kasi ako makapag-espiya nang ayos dahil baka mahuli kako ako, parehas nung taga-flower shop at pati na rin nung Espasol..
but i think i heard her or them, na puzzled nga, nagtataka at nagtatanong kung kanino galing yun...

pagkatapos nun..
ayun..
i was really curious kung makakaabot ba online yung technique ko..
kaso, kinabukasan (September 28) ko pa yun malalaman...

---o0o---


insert..
mula sa dinner time...

as usual..
kumakain lang ako nang biglang may i-open na naman na topic yung biological mother ko..
nag-iistorya siya tungkol sa isang [name]..
akala ko noong una eh yung isa sa kambal kong blood-niece na nasa Canada na yung tinutukoy niya..
hindi ko siya narinig nang malinaw..
kaya tinanong ko ulit siya, "anong sinasabi mo kanina..? si [name] eh hindi pa nakakapasa ng board..?"..
ganun yung tanong ko kasi nga ibang tao yung nasa isip ko...

tapos eh nakasagot-sagot ba naman siya..
"hindi.. kako si [name] eh sa PAL pala nag-o-OJT.."..
'tang ina! kinabahan ako dun sa istorya niya..
andun yung feeling na 'hala, bakit parang pamilyar 'tong kuwento na 'to', kasi nga eh September 26 pa lang eh nabasa ko na yung plano nung Espasol ko..
tas takang-taka ako na swak na swak yung mga detalye..
napatanong tuloy ako, ''paano naman napunta sa PAL si [name]", para lang ma-verify ko yung istorya niya..
tas nilinaw na nga ng biological mother ko yung buong kuwento..
si [name] daw na anak nung [father's name] yung sinasabi niya..
edi kinilabutan pa ako lalo, napaisip ako na 'ano na naman bang ginagawa ng biological mother kong are at nakakapulong niya ang pamilya nila..?'..
baka kako puros kahihiyan na naman ang dalhin niya sa akin..
kaya sinabihan ko siya, "bakit ga kayo nakikipag-usap sa mga yun (pero what i meant is bakit siya nanghihimasok sa buhay nila)..? baka kung anu-ano ang sinasabi nyo sa mga yun ha"..
at dinepensahan naman niya yung sarili niya..
"hindi" daw..
nakita daw kasi siya nung mag-stepmom, i guess noong umaga pa yun habang nasa flower shop ako, kaya mas tumibay yung hinala ko na baka nga hindi pumasok yung Espasol..
naghahanap daw kasi yung bata ng pwedeng maging reference para sa papeles niya sa PAL nga, at naghahanap sila mula sa mga kapitbahay, pangalan at contact number lang naman daw ang kailangan..
kaya nung makasalubong nila ang biological mother ko, eh s-in-uggest nung stepmom niya na baka pwedeng
ang bio-mom ko na nga lang..
at pumayag nga yung isa, at iniwan dun sa mag-stepmom yung cellphone number niya...

at yung pakiramdam ko..?
nakakahili siyempre..
buti pa sila - feeling close...

---o0o---


later that evening..
(pero ang totoo eh September 28 ko na nakuha 'tong mga data na 'to...)

i guess i can call it a success..
yes, she's puzzled..
and yes, it made its way online - sa Facebook..
ano, Ineng..?
edi alam mo na ngayon ang pakiramdam na pinag-iisip ka ng ibang tao...?

ayun nga..
pinasadya ko na may kopya yung card na ini-attach dun sa flowers..
wala lang..
remembrance para sa sarili ko..
at ebidensya na rin (baka sakaling kailanganin in the future eh)..
pina-print ko yung mismong message dun sa flower shop..
kasi may ideya na nga yung Espasol kung anong itsura ng penmanship ko (dahil dun sa note na ibinigay ko sa kanya dati na may kasamang mobile number ko)..
yung message ko is both a month delayed and a month in advance..
delayed kasi, she doesn't seem to feel lonely anymore this past (almost) 2 weeks..
at advance, kasi sa November pa naman yung start ng training nila..
tas iniwan ko lang yung bago kong pangalan dun sa hulihan nung message, kaya malamang hindi niya pa rin mahulaan yun...

about the flowers..
hindi ko kasi siya nakitang i-arrange mismo, kasi maaga nga akong um-order..
sa album na lang nung Espasol ko nakita yung mga photos..
kinda weird yung combination at ayos nung flowers, i think..
simple lang, pero maganda naman..
nakuha yung main idea...

about people's reaction..?
ang caption nung Espasol dun sa mga photos eh:
- sino ang nagpadala nito??
- kanino ka galing???

yung ibang tao eh binibiro siya..
normal lang kumbaga..
tas there's this guy na kini-claim na siya yung nagpadala nun (i think pabiro naman yung claim niya)..
also, there's this girl na nag-comment na may pagka-sweet naman daw yung approach ko..
tas ni-reply-an ba naman nung Espasol na 'hindi din'..
at ano namang ibig mong sabihin dun, Ineng...?

sabi nung panganay niyang sister (yata) (si Ate, LOL), eh 'sosyal' daw..
si Kuya naman (pero i think mas matanda ako sa kanya), eh nagtanong na "anong sabi ng tatay? haha"..
at nag-reply naman yung Espasol na "adi wala. haha!  sino daw nagbigay. hindi ko din naman kilala. naka kotse ang nag deliver e."
so i guess, nakatulong nga rin yung paggamit ng kotse nung delivery guy para mailigaw ang kanilang mga imahinasyon..
'Tatay' pala talaga ang tawag nila sa father nila, ang cute naman..
so wala rin pala masyadong nasabi si Father-in-law, since wala silang ideya kung saang direksyon nagmula yung pag-atake..
nakakatakot na tuloy...

anyway, are yung mga bago kong assumptions base sa pangyayaring 'to:
- mukhang istrikto nga si Father-in-law ah.. T,T
- wala pang nagba-violent reaction sa connections niya, gaya ng dati kong theory, either hindi naka-connect sa kanya yung boylet niya o masyado silang patago kung mag-usap..
- wala ring nagko-comment na parang ang dating ay 'mayroong dapat na magalit o magselos', except dun sa tatay niya.. so siguro kung nasa relasyon na nga siya ngayon o kamakailan lang, eh mga sobrang ka-close lang niya (gaya ng ate niya) ang nakakaalam ng daloy ng love life niya..
- so in general, eh malihim talaga ang dalagang 'to, either she's in or she used to be in a secret relationship, o possible rin naman na hanggang mutual lang yung inabot nila...

pero, naman!
luckiest guy on Earth, sino ka ba talaga..?
hindi ka man lang ba papalag...?
don't treat her like 'shit' kasi, okay!!?
susuntukin kita kapag nakilala kita eh, makita mo...


No comments:

Post a Comment