Friday, July 26, 2019

Reverse Destabilization

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...

July 25, 2019...

may nagsabi kahapon..
kesyo marami rin naman daw nagagawang mabuti ang pamunuan...

kapag may hinuli ang mga tauhan nila na totoong mga kriminal - trabaho nila yun..
kapag may ipinatayo o isinagawa silang proyekto na may purpose at hindi overpriced at dumaan sa proseso - trabaho nila yun..
kapag gumawa sila ng mga patakaran na para sa ikabubuti ng nakararami at pati sa kalikasan - trabaho nila yun...

ang hindi dapat maging bahagi ng kanilang trabaho..?
ang magprotekta ng mga kriminal..
ang magprotekta ng mananakop..
ang ipagtanggol ang paninira sa kalikasan..
ang linisin ang kasaysayan..
ang mag-endorse ng mga kriminal..
ang magluklok ng mga kriminal..
ang magtumba ng mga hindi kaalyadong kriminal lamang..
ang gatasan ang marami, at paasahin sa limos ang iba..
ang bumili ng suporta gamit ang reward system..
ang mag-imbento at manira..
ang may paboran pagdating sa mga ginagastusang mga proyekto...

hindi kailanman dapat maging utang na loob ng mga mamamayan kapag ginagawa ng pamunuan nang tama ang trabaho nila..
hindi dapat maging utang na loob kapag ginagastos nila nang tama yung gatas na nakokolekta nila mula sa mga tao..
yung paggawa ng tama eh dapat maging natural na lang para sa lahat..
besides, eh bayad sila sa paggawa nila ng kanilang mga trabaho..
samantalang dapat patuloy na labanan ang paggawa ng kasamaan...

is feeling , kung hindi ia-apply ng 100% at pantay-pantay para sa lahat, eh mananatiling palabas lamang lahat ng ginagawang tama...

-----o0o-----

lumampas na sa 500 ang bilang eh, kaya mag-i-start na lang ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html

update ulit (503 + 467 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung nagluklok ng tao sa isang mahalagang branch, sa kabila ng kawalan ng kakayahan ng tao na iyon na sumunod sa sarili nilang mga patakaran
  • yung nagtuturo ng iba, maging yung hindi nila maidawit dun sa kaso, habang ipinagtatanggol naman yung ibang nalusutan DAW ng supply ng ilegal na droga
  • yung idolo noon si Hitler, pero noong nagpunta sa Israel eh ginamit pa yung alaala ng Holocaust para magkunwari na mabuti sila
  • yung inuna pa ang mga armas kesa sa isipin ang tungkol sa isyu ng kahirapan sa bayan
  • yung gustong bawiin yung amnesty na ibinigay noon sa isang taong lumaban sa tiwaling gobyerno, na ang sinisilip na butas ay yung pinagdaanan na proseso
  • yung umamin siya na meron nga at kasalanan niya ang pagkakaroon ng extrajudicial killings
  • yung nagagawa pa nilang magbakasyon sa ibang bansa sa gitna ng bagsak na ekonomiya ng bayan at sa kabila ng pagtanggi nila na tumulong sa pamamagitan ng pagpapagaan muna sa bagong sistema ng pagbubuwis
  • yung tutol kuno sa political dynasty pero kinukunsinti ang political dynasty ng sariling angkan
  • yung gustong ipaaresto yung witness sa pagpapasok ng mga ilegal na droga sa BOC
  • yung wala namang naparurusahan at papalit-palit lang naman ng katungkulan yung mga pinuno na nadadawit sa mga malalaking kaso ng kapabayaan
  • yung kagustuhan niya na ituring na rin siyang isang santo
  • yung mula sa lahi ng mga Bestfriend na suspected bilang drug-related personality, na itinanggi na may koneksyon sa pamahalaan, pero napatunayan na may papel nga sa pamahalaan
  • yung sobrang dali siyang makumbinsi pagdating sa ibang intel kuno at mga listahan, pero in denial pa noong una sa isyu ng magnetic lifters
  • yung balak pala tayong ipahamak dahil sa pangungutang niya sa Bestfriend Empire na malaki kung magpatubo kumpara sa ibang mga nasyon
  • yung gusto ngayon ng ROTC, pero siya mismo eh umamin na tinakasan niya ang ROTC noong kapanahunan niya
  • yung sinabi noon na dapat daw sundin ang seniority rule, pero hindi naman niya sinunod para sa 2nd reward
  • yung pagbanat sa isang taong simbahan nang wala namang ebidensya na ipini-present; kesyo nagbubulsa daw ng pera at baka drug-related din daw
  • yung seryoso daw sila sa kampanya laban sa ilegal na droga, pero siya mismo eh ginagawa lang biro ang tungkol sa pagdodroga
  • yung gusto nang ipapatay ang mga obispo, at ang pagtira sa bibliya
  • yung iniutos na ayaw makakita ng mga pari sa event na may kinalaman sa simbahan
  • yung pati bintang tungkol sa pagpapatumba ng tao eh joke lang
  • yung sexual attack sa kanilang kasambahay noong teenager pa siya base sa kanyang kuwento
  • yung tagalinis siya ng pangalan ng mga nabuking na magnanakaw ng pera ng bayan
  • yung planong palitan ang pangalan ng bayan para sa kapakinabangan ng amo nila
  • yung claim na wala daw patunay na nakaw ang mga yaman ng Dictator Clan
  • yung puros paninira ang iginanti sa mga karibal ng kanyang mga tauhan, na ni hindi naman naka-base sa facts
  • yung gusto na namang maglabas ng Narco-list, pero hindi pa naman pala 100% verified yung mga pangalan na nasa listahan
  • yung ginagamit yung banta tungkol sa giyera para masunod ang kagustuhan na magpalit ng anyo ng gobyerno
  • yung as early as 2004 pa pala nadadawit sa ilegal na droga ang pangalan nung banyagang economic adviser o dating economic adviser
  • yung paspas ang pagtatanggol sa banyagang economic adviser o dating economic adviser
  • yung tauhan na utak sa likod ng daan-daang social media account na nagpapakalat ng FAKE news na pabor sa alyansa nila
  • yung pagbibida sa titi niya
  • yung madalas na ibinibida na pagre-rely sa teknolohiya sa pag-eespiya ng ibang bansa
  • yung wala daw black propaganda, pero nagpapakalat ng mapanirang matrix
  • yung Party List na sobrang lakas kung magpa-commercial sa TV
  • yung commercial na nagke-claim na matapat yung dating tauhan ng MMDA na gumawa ng bistadong pandaraya
  • yung pagdadawit sa 2 athlete sa inilabas na matrix
  • yung pag-asa sa social media para sa intelligence kuno
  • yung cleaning effect ng family name
  • yung bagong batas laban sa pambabastos, paninipol, o kahit pagkindat man lang sa mga babae, pero ang mismong pinuno ng bansa eh unlimited ang pambabastos sa mga kababaihan
  • sa Japan, yung gusto na namang makipag-lips-to-lips sa hindi kaano-anong mga kababaihan
  • yung COA pa ang nasisisi dahil sa paggawa nila nang tama sa trabaho nila
  • anong silbi nung 5 minutes na travel time, kung hindi naman direkta ang access ng mga taga-probinsya sa NCR
  • yung paggigiit na normal lang na pangyayari ang hit-and-run sa gitna ng dagat
  • yung parating ipinapahiwatig na sa giyera lang hahantong ang paggigiit ng karapatan ng mga taga-probinsya
  • yung pagdepensa na kesyo sideswiped lang DAW yung nangyaring banggaan sa gitna ng dagat
  • yung pambabastos sa isang miyembro ng Judiciary para lang ipagtanggol ang Imperyo
  • yung wala ng respeto at paniniwala sa sariling konstitusyon
  • yung sa utos daw niya nag-ugat yung pagbibigay ng libu-libong pabahay sa mga armadong opisyales, bukod pa yung daan-daan sa mga ito ang nakatanggap ng 2 units each
  • yung may mga kaalyado silang mga bistadong tiwali, tapos ay may gana pang magtanong kung kailan daw magtatapos ang korupsyon
  • yung niloko at pinaasa ang mga contractual workers sa isang pangako na alam niyang imposible talagang matupad nang 100%

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa QCPD, yung Criminology student na nag-o-OJT sa presinto na hinuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga
  • yung Criminology Student pala yung lalaki dun sa video kung saan hinahayaang uminom ng alak at manigarilyo ang isang 2 y/o na bata
  • sa Nueva Ecija, yung Barangay Chairman na nahuling kasama ang kalaguyo niya
  • yung 3 PNPA cadets na inirereklamo dahil sa sexual harassment laban sa 2 lower classmen sa loob mismo ng academy nila
  • yung pulis na inirereklamo ng panggagahasa laban sa isang 15 y/o na dalagita kapalit ng paglilinis sa pangalan ng ama nito na idinadawit naman sa ilegal na droga
  • yung 2 pulis Novaliches na inirereklamo ng dahil daw sa panggagahasa sa isang babaeng nahuli ng dahil sa pagsusugal sa loob ng police mobile
  • sa Marcos, Ilocos Norte, yung Barangay Chairman na tinangkang halikan ang isang singer habang ito'y nagpe-perform
  • sa Baguio City, yung mga tinatawag na POSD Enforcers na nakunan ng video na nang-aagaw ng paninda ng isang taho vendor
  • yung nag-viral na Traffic Enforcer na nang-agaw ng susi at ng motor, bukod pa sa nagmura at nagbanta laban dun sa rider
  • sa Makati, yung 2 dating empleyado ng MMDA na ginagamit yung wangwang, blinker, at MMDA uniform sa pag-e-escort sa negosyante
  • yung mga police escort na namalo ng side mirror ng isang taxi habang naka-off-duty at nag-e-escort sa isang private individual
  • sa Pandacan, Maynila, yung pulis na motorcycle rider na nakabangga ng isang tumatawid na senior citizen
  • sa Iloilo, yung 3 tricycle na nabangga ng AUV na minamaneho ng isang pulis, kesyo nakatulog daw ito habang nagmamaneho at may sinasabi rin na mukhang nakainom daw ito
  • sa Dagupan City, yung 2 y/o na bata na namatay matapos na mabundol ng van na minamaneho ng isang pulis
  • sa Davao City, yung Traffic Enforcer na muntik nang makabangga ng taong tumatawid sa pedestrian lane
  • sa isang kampo sa Tagaytay, yung nakunan ng video na pamamalo ng isang Superintendent sa mga junior police gamit ang isang baseball bat
  • yung Hepe ng Eastern Police District, yung nakunan sa video na nananakit ng babaeng pulis
  • sa Pasig City, yung naka-off-duty na pulis, yung nakunan ng CCTV na nananakit ng 8 y/o na bata sa isang basketball court
  • sa Moriones, Tondo, Manila, yung mga pulis na inirereklamo ng pananakit sa mga hinuli nila at paggalaw sa mga CCTV camera
  • sa Cebu City, yung hinihinalang police brutality na ginawa ng isang armadong grupo na nakunan ng video
  • sa San Jose del Monte, Bulacan, yung drug-related suspek daw na napatay ng mga pulis, pero may nawawalang mga oras ng footage yung CCTV na nakunan sana yung pangyayari
  • sa Navotas, yung pulis at ang kasama niyang naka-AWOL na pulis, na inireklamo dahil sa pananakit
  • sa Legazpi City, Albay, yung Party-list Representative na nanakit ng isang waiter
  • sa Guimbal, Iloilo, yung mag-amang Representative at Mayor na inireklamo ng pang-aabuso laban sa isang pulis
  • sa Santa Cruz, Manila, yung nagtatagong Kapitan at ang mga Kagawad niya na nanggulpi sa isang binatilyo kesyo hindi daw siya nakilala bilang kapitan nung biktima
  • sa Sampaloc, Manila, yung babaeng Barangay Kagawad na nanakit ng binatilyong nasita dahil sa curfew
  • sa Barangay Commonwealth, Quezon City, yung mga tauhan ng Barangay na inirereklamo dahil sa pananakit sa mga na-detain nila
  • sa Tarlac, yung tumatakbo bilang Bokal na nanapak ng Election Officer
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nagpositibo sa isinagawang random drug test
  • sa Pasay City, yung Barangay Tanod na kabilang sa mga nahuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga
  • sa Quezon City, yung dating Barangay Tanod at isang naka-AWOL na pulis na nahuli sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation
  • sa Bacoor City, Cavite, yung dating pulis na nag-AWOL at isang SK Kagawad na nahuli sa anti-illegal drugs operation
  • sa Bacoor, Cavite, yung dating Barangay Tanod na sangkot sa ilegal na droga, na ginagamit pa ang sarili niyang 12 y/o lamang na anak bilang courier
  • sa Tanauan City, yung dating Konsehal ng Barangay na kasama na nahuli sa buy-bust operation
  • sa San Pablo City, Laguna, yung babaeng Barangay Kagawad na damay sa nahuli sa buy-bust operation, nabuking sa mobile phone niya na nagsisilbi siyang taga-timbre sa iba pang drug-related personalities
  • sa Bacoor City, yung Barangay Kagawad at Hepe ng mga Tanod na nahuli sa buy-bust operation sa loob mismo ng Barangay Hall
  • sa Bacoor, Cavite, yung number 1 na SK Kagawad na nakunan ng video at hinuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga
  • sa Davao City, yung SK Kagawad na napatay sa buy-bust operation, bukod dun ay suspek din daw ito sa pagnanakaw base sa kuha ng CCTV
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung Barangay Chairman na nahuli na gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga, at nahulihan din ng hindi lisensyadong baril
  • sa Tondo, yung anak ng Barangay Chairman na hinuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga, at nahulihan rin ng hindi lisensyadong shotgun
  • yung naka-AWOL daw na doktor na empleyado ng DOH na kasamang nahuli sa isang buy-bust operation
  • yung senior officer na tauhan ng Bureau of Fire Protection na nahuli sa anti-illegal drugs operation
  • yung Traffic Enforcer na kabilang sa mga nahuli sa anti-illegal drugs operation ng QCPD
  • sa Isabela, yung Traffic Enforcer at kasama niya na napatay sa buy-bust operation
  • sa Davao City, yung Provincial Administrator ng BJMP na arestado matapos magpositibo sa ilegal na droga
  • sa Naic, Cavite, yung dating pulis at ang karelasyon niya na active jail guard na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Laguna, yung retiradong pulis na target at napatay daw sa anti-illegal drugs operation
  • sa Parañaque City, yung nahuling dating army officer na dawit sa kaso ng milyon daw na halaga ng ilegal na droga na naipasok sa parking lot ng isang mall
  • sa Davao City, yung sundalo na nahulihan ng ilegal na droga
  • sa Sampaloc, Manila, yung pulis na nahuli sa buy-bust operation dahil sa pagbebenta at paggamit ng shabu
  • sa Pasong Tamo, Quezon City, yung pulis na kasama sa nahuli sa buy-bust operation sa isang bilyaran
  • sa isang bar sa Taguig, yung pulis na naki-Halloween party habang naka-full alert ang kapulisan, na nahuli pa na gumagamit ng cocaine
  • sa Sta. Cruz, Laguna, yung pulis na protektor daw ng mga drug lord na napatay sa engkuwentro
  • yung 4 na pulis ang suspek ng PDEA, na posible daw na nakipagsabwatan para maipuslit yung nawawalang nasa Php 6.8 Billion na ilegal na droga na isinilid sa mga magnetic lifters
  • sa Fairview, Quezon City, yung 10 na naaresto sa buy-bust operation, na dating Quezon City police ang itinuro bilang source nila
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli ng mga Sampaloc police dahil sa pagdadala daw ng ilegal na droga
  • yung Hepe ng Agoncillo PNP na nahuling ginagamit ang isang nakaw na sasakyan at nahulihan rin ng hindi lisensyadong baril
  • sa Lemery, Batangas, yung Traffic Enforcer na hinuli dahil sa ilegal na pag-iingat ng mga bala, mga magazine, at mga holster ng baril
  • sa Balete, Batangas, yung dating Konsehal ng bayan ng Balete na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Iloilo, yung kandidato sa pagka-Mayor na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Abra, yung kandidato sa pagka-Mayor na nahulihan ng mga high-powered na mga baril
  • sa Mabini, Batangas, yung Barangay Chairman na inaresto dahil sa pagtatago ng hindi lisensyadong M16 at mga bala
  • sa Quiapo, yung Barangay Tanod na damay sa nahuli sa buy-bust operation, na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Basilan, yung TESDA Provincial Director na nahulihan ng CIDG ng bala at pampasabog
  • nitong katapusan ng 2018, yung 7 pulis na nasangkot daw sa indiscriminate firing nitong nakaraang holidays, bukod pa yung mga opisyales at sundalo na gumawa rin ng kaparehong offense
  • sa Davao Oriental, yung sundalo na nagpaputok ng baril at yung kasama niya na nambugbog sa 2 nakaupo sa may harapan ng tindahan
  • sa Iloilo City, yung Barangay Captain na naaresto dahil sa pamamaril sa convenience store
  • sa Pangasinan, yung Barangay Kagawad na namaril ng bahay
  • sa Balete, Batangas, yung Barangay Captain na nagpaputok ng hindi lisensyadong baril dahil sa pagkainis sa resulta ng halalan sa lugar nila
  • sa Marilao, Bulacan, yung dating Vice Mayor na aarestuhin sana dahil sa kasong qualified theft, pero may granada at baril pala at nag-resist
  • yung pulis Makati na nagpaputok ng baril sa kalagitnaan ng pista
  • sa Davao City, yung pulis na hinuli dahil sa pagpapaputok ng kanyang baril habang lasing, at kesyo nakikipag-away pa daw sa kanyang live-in partner noon
  • sa Cavite, yung Traffic Enforcer na nahulihan ng 2 baril habang naka-duty, na dati na rin daw nasangkot sa insidente nang pamamaril
  • sa Caloocan City, yung pulis na nakabaril at nakapatay ng 6 y/o na bata at namaril din sa lola nito
  • yung dating kaso sa Cebu, yung lumabas sa imbestigasyon ng NBI na baril nga ng pulis yung nakatama dun sa bata na nadamay lang sa anti-illegal drugs operation
  • sa Rodriguez, Rizal, yung 3 y/o na batang babae na nadamay at napatay sa buy-bust operation, kesyo ginamit daw ito bilang human shield nung suspek
  • sa Pangasinan, yung 17 y/o na binatilyo na player ng DOTA na sasali lang daw sa tournament sa Baguio na napatay DAW ng mga pulis sa engkwentro
  • yung findings ng Public Attorney's Office na mukhang t-in-orture yung Santillan at posibleng staged yung pagkapatay sa kanya
  • sa Quezon, yung tinaguriang Tayabas Armed Encounter kung saan isa sa napatay ay anak ng isang Mayor, yung umamin yung mga pulis na involved na hindi totoo yung police report nila at na scripted yung encounter
  • yung pagtumba DAW sa 14 na mga magsasaka sa Negros Oriental
  • yung madalas nang ginagawang palusot ang pagiging involved DAW ng mga tao sa ilegal na droga kapag nabubuking na pinatay sila ng mga pulis
  • sa Capas, Tarlac, yung nangyaring barilan ng mga pulis na nag-ugat sa road rage, na ikinamatay ng 2 pulis, 1 tanod, at 1 trabahador
  • sa Isabela, yung pulis na binaril ang isang sundalo nang dahil lang sa agawan sa parking space
  • yung pulis na sangkot sa road rage na sumuko sa Quezon PNP, yung nakapatay ng isang negosyante yata iyon at ang driver nito matapos na picture-an yung sasakyan ng suspek na nakabanggaan daw ng kanila namang sasakyan
  • sa Bocaue, Bulacan, yung babaeng teacher na pinatay sa pamamaril ng karelasyon niya na sundalo na nagbaril din sa sarili matapos yung krimen
  • sa Calamba City, yung may 1 patay at 2 sugatan matapos ang pamamaril at pananaksak ng retired na pulis at ng kanyang anak
  • sa Pasig City, yung 2 pulis at asset nila na inaresto dahil sa panghu-hulidap, kung saan nangikil sila ng pera at tinangay pa yung wedding ring nung lalaking biktima
  • sa Pasay City, yung 19 y/o daw na Chinese na nangmolestiya ng 3 babaeng estudyante, kung saan inudyukan daw ng mga pulis yung mga biktima para makipag-areglo na lang at humihingi din daw ng cut nila
  • sa Bocaue, Bulacan, yung hepe ng mga pulis na hinuli dahil sa pangingikil daw at sa paggamit ng mga sasakyan ng mga nahuhuli nilang mga drug suspect
  • sa Tanza, Cavite, yung Hepe ng Maritime Police Station, yung nahuli sa entrapment operation na tumatanggap ng marked money dahil sa pangingikil laban sa mga mangingisda
  • sa Taguig City, yung 2 pulis na nangingikil laban sa pamilya ng drug suspect daw para mapababa ang kaso nito
  • sa NCRPO, yung pulis na hinuli dahil sa pangingikil laban sa pamilya ng isang drug suspect, posibleng dawit rin daw ang buong team ng Eastern Police District - Drug Enforcement Unit
  • sa Pasay City, yung pulis na nahuli sa entrapment operation dahil din sa pangingikil, yung natunugan kaya nakatakas yung iba pang mga pulis
  • sa Las Piñas, yung 7 miyembro daw ng Drug Enforcement Unit din, yung nasangkot naman sa pangingikil laban sa kapatid ng isang nahuli nilang drug suspect
  • sa Barangay Commonwealth, Quezon City, yung mga tauhan ng Barangay na hinuli dahil sa pangingikil, kesyo may hinuli daw sila sa palengke at tinakot nila na gagawin nila itong sangkot sa ilegal na droga
  • sa Baguio City, yung Chief ng Police Intelligence Unit na nahuli sa entrapment operation dahil sa robbery extortion laban sa hinuli niyang suspect sa kasong robbery
  • sa Cagayan de Oro, yung babaeng pulis na nangikil daw ng Php 3,000 laban sa aplikante para sa non-uniformed personnel ng PNP kapalit ng pangakong matatanggap yung biktima sa trabaho
  • sa General Santos City, yung pulis na hinuli dahil sa pangingikil laban sa aplikante sa pagka-pulis
  • sa Iloilo City, yung dating sundalo na hinuli dahil sa extortion, kesyo kaya daw niyang ipasok yung mga magbibigay sa kanya ng pera sa Philippine Coast Guard
  • sa Lipa City, yung pulis na nahuli sa entrapment operation dahil sa pangingikil, na may kasabwat pa daw na miyembro ng Philippine Air Force
  • yung opisyal ng PNP-HPG, yung inaresto dahil sa robbery extortion, kesyo nanghihingi daw ng pera para simulan ang imbestigasyon tungkol sa isang nawawalang sasakyan
  • sa San Fernando, Pampanga, yung pulis na nahuli sa entrapment operation, kesyo nanghihingi daw ng pera kapalit ng sasakyan na na-impound dulot ng isang buy-bust operation
  • yung pulis na miyembro ng HPG na hinuli dahil sa pangingikil laban sa mga service vehicle ng isang call center company
  • yung Pulis Makati na hinuli dahil sa pangongotong sa mga habal-habal driver
  • sa Pasay City, yung pulis na hinuli ng PNP-CITF dahil sa pangongotong laban sa mga habal-habal driver
  • yung MMDA Enforcer na nagpapanggap na pulis para makapangikil laban sa mga service vehicle ng isang offshore gaming company
  • yung nahuli ng NBI na dating sundalo na nagpapanggap daw bilang abogado at naniningil pa ng malaking professional fee
  • sa Taguig City, yung Army Reservist na kabilang sa 3 hinuli dahil sa robbery extortion laban sa isang negosyanteng Mainlander
  • sa Quezon City, yung MMDA enforcer na nahuli sa isang kainan na tumatanggap ng lagay mula sa hinuli nilang motorcycle rider
  • sa Makati City, yung traffic enforcers na nakunan ng video na nangikil laban sa dayuhan, MAPSA at trainee daw yung involved
  • yung Team Leader ng Manila Traffic and Parking Bureau na hinuli dahil sa pangingikil
  • sa Maynila, yung Traffic Enforcer na nakunan ng CCTV na nangongotong ng motorista
  • sa Pasig, yung 2 Traffic Enforcer na hinuli dahil sa pangongotong laban sa isang UV Express Driver
  • sa San Jose del Monte, Bulacan, yung kawani ng barangay na naaktuhan na nangingikil sa isang piggery, na baboy at pera ang hinihingi
  • yung mga agents ng Intelligence Division ng Immigration na inirereklamo dahil daw sa panggigipit at pangingikil laban sa mga Korean
  • sa Muntinlipa City, yung pulis na hinuli dahil sa pag-o-operate ng tupada
  • sa Tondo, Manila, yung 2 pulis na naaktuhan ng mga counterintelligence na pulis na nasa tupada
  • sa Quezon City, yung may 3 nahuli mula doon sa grupo na responsable daw sa serye ng mga panghoholdap sa mga e-games at bingo establishments, isa sa mga nahuli ay kasalukuyang Barangay Kagawad ng Maynila, tapos ay dating pulis daw ang leader nung grupo
  • sa Las Piñas City, yung grupo ng mga pulis na nasangkot sa kidnapping
  • yung BIR supervisor at examiner na inireklamo dahil sa pangingikil, na nahuli sa Batangas
  • sa Quezon City, yung 2 BIR officers na nahuli sa entrapment operation na isinagawa ng NBI, dahil sa pangingikil laban sa isang private company na naka-base sa Pasig City
  • sa Tagaytay City, yung 5 naaresto dahil sa pagbebenta ng ekta-ektaryang lupa na may mga pekeng titulo, na ang lider ay dating empleyado ng DENR
  • yung dating empleyado ng Maritime Industry Authority na hinuli sa entrapment operation dahil sa pagbebenta ng pekeng certificate of proficiency, na dati na ring nahuli dahil sa pagbebenta ng mga sagot sa exam, pero pinayagan na magpiyansa noon
  • yung Anti-Jaywalking Unit ng MMDA na nag-i-issue ng mga pekeng resibo sa mga nahuhuli nila para sila ang kumita ng pera
  • yung dating Customs Deputy Commissioner na inaresto dahil sa pagtanggap daw ng pera bilang pang-areglo sa mga kargamento
  • sa isang mall sa Makati City, yung trainee para sa pagiging LGU Traffic Enforcer na nagnakaw ng motor
  • yung airport security screener, yung hinalungkat ang bag at pinagnakawan ang isang pasaherong Taiwanese
  • yung mga ghost employee daw sa Makati na tao ng Konsehal
  • yung pulis na sangkot daw sa multi-million scam na related daw sa casino
  • yung 3 police officials na sangkot sa Php 2 Billion worth na paluwagan scam
  • yung pulis ng Eastern Police District na inaresto dahil sa estafa, bukod dun ay may pending rin daw siyang kaso regarding sa pangingikil laban sa isang sibilyan
  • sa Fiscal's Office ng Quezon City, yung empleyado na hinuli dahil sa kasong estafa laban sa mag-asawang ginustong magtayo ng laundry shop

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • dahil hindi tiyak kung paano nagkaroon ng access sa VIP na plaka, sa Angeles City, Pampanga, yung sakay ng SUV na may plakang 8 na nanakit ng kapwa niya motorista
  • sa Laoag City, yung nakunan ng video na naka-uniform ng pang-pulis, na nagmomotor nang walang suot na helmet
  • sa Sampaloc, Manila, yung 2 suspek sa pagiging hired killer na in-ambush sa police mobile na sinasakyan nila, pero hindi idinamay sa pagtumba yung mga kasamang pulis
  • sa Quezon City, yung mag-anak na m-in-assacre ng hinihinalang nakaalitang pulis habang natutulog
  • yung pagpatay sa Quezon City Deputy Prosecutor kung saan suspek ang 3 pulis
  • yung pag-kidnap dun sa Fajardo, na kakilala ng pinatay na si Mayor Halili, ng organisadong armadong grupo

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung mga nasa katungkulan na hati ang atensyon
  • yung agawan ng mga magkakaalyado sa pagiging Speaker
  • yung gusto na kaagad magdagdag ng bituin sa watawat kahit na hindi pa naman nalutang yung area
  • yung pagiging maselan at overprotective sa term na base naman sa pangalan ng dating hari ng Spain
  • yung pag-atake sa kalayaan ng Rappler gamit ang existence ng isang lumang article na mula pa sa panahon na hindi pa saklaw ng makabagong batas na ipinatupad
  • yung mga Barangay na nag-iimbento ng schedule para sa paghahakot ng mga basura, pero saka lang naman naghahakot sa araw kung kailan ang naka-schedule ay yung mga basurang pwede pang ikalakal 
  • yung mga batas na pro-pets and pro-pet owners na mga asal peste naman
  • yung pati mga nagkalat na domesticated animals eh panira sa mga mamahaling proyekto ng pamahalaan
  • yung protektado pa rin ang mga ligaw na alaga sa kabila ng problema sa supply ng anti-rabies
  • sa Isabela City, Basilan, yung 5 y/o na bata na inatake ng nasa 10 aso daw
  • sa Tagkawayan, Quezon, yung 2 y/o na bata na pinagkakagat ng nasa 20 daw na aso
  • yung paglaganap ng mga batang palaboy na lantarang umaatake ng mga pasahero sa mga pampublikong jeepney
  • sa Meycauayan, Bulacan, yung mag-aama at kaibigan nung isang anak, na suspek sa pagpatay sa mag-asawang senior citizen nang dahil lang sa away tungkol sa mangga, kung saan may 14 y/o at 15 y/o na involved na suspek
  • sa Makati City, yung lider ng Ipit-Bus Gang na ilang beses nang nakukulong pero parati rin namang pinakakawalan
  • sa Caloocan City, yung kaso nung anak na napatay ang sarili niyang ina noong 2017 at ang sarili naman niyang ama nitong simula ng 2019
  • sa Bacolod City, yung ama na pinagsasasaksak ng gunting yung 3 at 2 y/o niyang mga anak, pero ayaw namang kasuhan ng mga kamag-anak
  • yung ganap na batas na ang pagbibigay ng limos
  • yung aprubado na yung 25% na increase sa opisyal na pamasahe sa jeep
  • yung nagtaas na rin ang pamasahe para sa mga pampasaherong bus sa kabila ng sunud-sunod na pagbaba naman kahit papaano ng presyo ng petrolyo
  • yung sa halip na tulungan muna ang mga mananakay na mapababa ulit ang halaga ng pamasahe kasunod ng paulit-ulit na pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo, eh mas gustong unahin ng mga economic advisers na pataasin na ulit ang rate ng taxation para sa mga produktong petrolyo
  • yung hanggang sa Php 9.00 lang daw pwedeng ibalik ang base fare sa mga jeep
  • yung kagustuhan na i-ban na ang mga provincial buses sa NCR
  • yung may mga piling provincial buses na pwede pa ring pumasok sa NCR hanggang sa Parañaque area 
  • yung dagdag travel time at dagdag pamasahe nga ang idinudulot ngayon ng PITX
  • yung kagustuhan na gawing point-to-point o terminal-to-terminal na lang ang biyahe ng mga provincial buses sa area ng EDSA
  • yung aminado na walang ginawang public consultation para sa provincial bus ban sa EDSA
  • yung panibagong late na tanggalan ng mga vehicle type na hindi suitable para sa TNVS
  • yung nasa 9,000 na motorcycle riders na kumuha ng exam sa road safety daw, pero 7 lang ang nakapasa
  • yung data from 2017 to 2018 na nagpapakita na tumaas daw ng 40% ang bilang ng mga reklamo laban sa mga pulis na hindi nagsusustento sa kanilang pamilya, at sa kabila iyon ng paglaki na ng sweldo nila
  • yung 2 MMDA Enforcer na magkaangkas sa motor na nasita ng ordinaryong motorista, yung blinker ang ginagamit na ilaw at hindi pa nakasuot ng tamang helmet
  • sa Manila, yung MTPB Enforcer na nahuli dahil hindi nakasuot ng helmet, pero nakipagsagutan pa rin sa taga-HPG yata yun
  • sa Cagayan de Oro, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nakikipagtalo sa driver ng ambulansya
  • sa Cavite, yung nasita sa checkpoint na nagpakilala bilang isang pulis, pero nasibak naman na pala sa serbisyo
  • yung pulis San Juan, yung nakunan ng video dahil sa pag-init ng ulo sa karinderya matapos na masingitan daw sa pila
  • sa Tagaytay City, yung firing range sa kampo daw ng Cavite Police kung saan may mga umaabot na slug ng bala sa isang subdivision sa hindi kalayuan
  • yung panibagong surprise inspection na isinagawa ng NCRPO, kung saan may mga nahuli na naman na nakainom at natutulog na pulis habang nasa duty
  • sa Anilao, sa Iloilo daw, yung mga pulis na naabutan na natutulog sa mismong presinto
  • sa Cavite, yung 6 na pulis na nahuling natutulog habang naka-duty
  • sa National Shrine of St. Padre Pio, yung 4 na pulis na nakatalaga sa public assistance center na inalis sa puwesto matapos na maabutan ng opisyales na bagong gising lang at marumi ang lugar na nasasakupan
  • yung presinto kung saan walang inabutan na naka-duty o nakatao na pulis during inspection
  • sa Davao City, yung 3 pulis na sinibak DAW dahil nahuli at na-video-han na nag-iinom sa pampublikong lugar
  • yung nakuhanan rin ng video, yung 2 (yata iyon na) pulis na sinita ng mga kasamahan din nilang pulis dahil sa pag-iinuman
  • sa Cubao, Quezon City, yung 4 na pulis at iba pa na hinuli dahil sa pagsusugal at pag-iinom sa pampublikong lugar
  • sa Quezon City, yung 5 sundalo na nahuling nag-iinuman sa kabila ng ipinapatupad na liquor ban
  • yung palpak pala yung mga police escort nung mga PDEA agent and company na natambangan sa Lanao del Sur
  • yung mga pulis na iniimbestigahan ang naging response time sa kidnapping case nung Fajardo
  • ang kahinaan ng seguridad sa kabubukas lang na Boracay
  • yung kaso ng mistaken identity DAW sa ginawang panghuhuli ng PNP-CIDG sa isang journalist sa airport
  • yung panibagong reklamo tungkol sa tanim-bala sa Tuguegarao City airport kung saan pamilya ng isang babaeng Mayor ang naging biktima
  • yung MPD Police na may warrant para sa kasong kidnapping since 2015 daw, na nagpatuloy pa sa serbisyo at ang tagal bago nahainan nung warrant
  • yung farm ng mga panabong na manok sa Lipa City kung saan may nasabat na Php 60 Million plus na halaga ng shabu, na nasa Bilibid daw yung source at maging yung drug lord
  • sa Davao City, yung mga atleta ng Palarong Pambansa at coach na nabiktima ng nakawan
  • yung nagsayang ang Comelec ng pondo para sa marking pens na hindi maganda ang kalidad
  • yung mga ulat tungkol sa mga pumapalpak na Vote-Counting Machines para sa 2019 election
  • yung mga nagpalpakang Voter Registration Verification Machines para sa 2019 election
  • sa Lanao del Sur DAW, yung video na nagpapakita ng mga pre-shaded na balota at additional pre-shading act
  • yung pagtatanggol ng Comelec dun sa video ng pre-shading, at pagdadahilan na kesyo pagpirma lang daw yung ginagawa nung mga taong nakuhanan ng video
  • sa Comelec - Bacolod, yung natagpuang mga resibo ng Voter Verified Paper Audit Trail na tila itinapon
  • yung Senator na nag-generalize na kaagad na kesyo wala daw nangyaring dayaan sa 2019 election, sa kabila ng maraming nagpalpakan at sa kabila ng mga nakunang video evidence
  • yung hindi pa rin 100% na nababayaran ng gobyerno ang lahat ng mga binilhan nila ng lupa para sa TPLEX project
  • sa iba't ibang lugar, yung mga construction contractors na hina-hire ng iba't ibang level ng gobyerno, na hindi muna pinag-aaralan kung may masisira bang linya ng patubig o linya ng kuryente sa dadaanan ng project nila bago sila magsimula
  • yung nasasayang na pondo ng TRAIN dahil sa mga contractors na hindi marunong magplano nang maayos ng kanilang mga dapat gawin
  • sa Amoranto Street sa Quezon City, yung 22-wheeler truck na lumubog ang mga gulong sa bagong gawa lang daw na kalsada
  • sa Pakil, Laguna, yung gumuho yung ginagawang extension ng tulay, na blacklisted pa pala yung nagtipid na contractor
  • yung may nag-collapse na sa hindi pa man natatapos at matagal nang itinatayong mamahalin na Ifugao General Hospital
  • yung kagustuhan na magdagdag pa ng mga dam kahit na alam na nila ang negatibong naidudulot ng mga yun dahil nga sa na-enhance ng mga simpleng ulan at bagyo
  • yung planong itayo na dam sa may Sierra Madre, kung saan mas pinapaboran daw yung pautang ng Imperyo na malaki ang patubo kumpara sa proposal ng mga Japanese na mas mababa ang interes
  • yung planong paglilinis ng Manila Bay na sa reclamation rin naman pala hahantong
  • yung balak daw magsira ng mga historical structures kapalit ng pagtatayo ng mamahalin na Bestfriend Imperial Bridge
  • yung maanumalya yung Imperial contractor na gagawa sa mga bagong tulay sa NCR, at naka-ban na sa World Bank
  • yung worth Php 10 Million daw na Stairway to Heaven project ng MMDA na hindi naman pala totoong kailangan dahil may alternative naman palang daanan
  • yung mga footbridge na nag-i-intersect sa mga kable ng kung anu-ano
  • yung planong kasuhan ng MMDA yung nag-upload nung video na nag-reveal muli tungkol sa iregular na pagtatayo ng isang footbridge
  • yung hindi matapos-tapos na road repair sa MacArthur Highway
  • yung project sa [Name of City] na mga poste na may pangalan ng mga street na madali lang nasira dahil mahuna yung ginamit na metal na materyales
  • sa [Name of City], yung pupuwersahin ka ng nasa kapangyarihan para gamitin yung venue na ipinatayo ng pamunuan nila, tapos biglang maniningil ng bayad
  • yung marami pa ring lugar sa NCR ang binabaha kahit na hindi pa naman ga-bagyo ang lakas ng ulan
  • yung sabwatan daw ng 14 na tao ng National Center for Mental Health, kung saan nasa Php 60 Million worth yung niluto nilang kontrata para sa pagpapatayo ng isang depektibong pavilion
  • sa Cebu City, yung dating Mayor na sobra-sobra ang ginawang pagsisira sa babakantehin niyang opisina
  • sa DFA, yung natangay daw ng dating contractor yung mga data ng mga passport holders
  • yung data leak sa freedom of information request website ng gobyerno
  • yung mga katiwalian daw sa APO printing ng gobyerno na may kinalaman sa travel at sa sistema na rin sa printing
  • sa Mabini, Batangas, yung pabrika ng semento na 3 taon na DAW paso ang permit pero nag-o-operate pa rin
  • yung ginagamit ng mga political clans and alliance ang Party List system para mas makakuha ng mas maraming kapangyarihan
  • yung Representative na hindi sumunod sa security procedure sa NAIA
  • yung babaeng Representative na inirereklamo dahil DAW sa pagpapasagawa ng Gluta-drip session sa mismong opisina niya
  • yung pati naman mga bagay na hindi na dapat pinakikialaman pa dahil sa historical value eh talagang gusto pang pag-aksayahan ng panahon para lang masabi na nagtatrabaho sila
  • yung gustong sirain ng Bureau of Customs yung nasa Php 12,000,000 worth daw ng smuggled na mga sibuyas na nasabat nila sa halip na mapakinabangan ng mga mamamayan
  • yung nasa Php 120 Million daw na halaga ng nasabat na smuggled na bigas na nasa poder na ng BOC sa Zamboanga, pero talagang nawala pa
  • yung tila protektadong-protektado yung isyu tungkol sa mga magnetic lifters
  • yung pagtataas ng rate ng documentary stamp tax sa kuhanan ng foreign remittance
  • yung mas nagmahalan pa ang presyo ng mga bigas sa lugar namin noong ipinatupad na yung panibagong naming system, kahit na kaparehas lang naman sa dati ang mga klase ng bigas na ibinibenta
  • yung madadamay pala sa pagtataas ang presyo ng mga karneng de lata sa oras na ipatupad na ang rice tariffication bill
  • yung naging masamang epekto ng Rice Tariffication Law, yung nawalan ng totoong murang bigas sa merkado, samantalang mas nagmura pa ang presyo ng inaani ng mga lokal na magsasaka
  • yung may shortage na rin daw sa supply ng siling labuyo
  • sa Laguna, yung tone-toneladang mga kamatis na nasayang lang dahil hindi maibenta
  • sa Albay, yung oversupply ng sitaw sa kabila ng kakulangan ng supply sa ibang mga rehiyon
  • sa Candaba, Pampanga, yung oversupply ng Melon
  • sa Benguet, yung naging oversupply ng mga gulay
  • yung oversupply ng talong sa Nueva Ecija
  • yung naging oversupply ng mangga sa Rosario, Batangas, noong May 2019
  • yung mag-i-isang buwan na daw na oversupply ng pinya sa Calauan, Laguna
  • yung hindi rin naman napababa ang presyuhan ng kamatis sa kabila ng labis-labis na supply nito dahil sa manipulasyon ng ibang supplier
  • yung mas pinagbabawalan na ang mga magsasaka na magbilad ng kanilang naaning mga palay sa kalsada, samantalang wala pa namang konkretong plano na nagagawa ang pamunuan para makapag-provide ng accessible na facility para matulungan sila
  • yung reklamo na ipinarating sa Ombudsman, yung ipinambayad pala ng NFA sa utang yung pondo na nakalaan para sa pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka
  • yung magreresultang unemployment dahil sa magiging pagbabago ng function ng NFA
  • yung bawal pala ang paggamit ng synthetic acetic acid sa produksyon ng suka sa loob ng bansa, pero ayaw pang pangalanan kung alin-alin bang mga brand ang lumalabag dun sa patakaran na iyon
  • yung walang sumasagot sa mga tawag sa isang opisina ng SSS kahit na office hours pa naman
  • yung hindi pagsunod ng mga empleyado ng SSS sa [Name of City] sa patakaran tungkol sa kung ilan ang valid IDs na pwede nilang tanggapin
  • yung hindi pagtanggap ng mga empleyado ng SSS sa [Name of City] ng latest na format ng form na downloadable naman sa kanilang official website
  • yung kagustuhan ng SSS na damay-damay ang mga miyembro sa pagsalo ng mga magiging dagdag na gastusin dulot ng pagpapalawig sa Maternity Leave and Benefits
  • ang kagustuhan ng SSS na gawin ng 15% ang porsyento nila sa kita ng mga tao para daw masalo ang kakulangan sa pondo ng ahensya nila
  • yung puwersahang paghuhulugin ng SSS ang mga OFW ng 100% ng amount na proportional sa monthly na kita nila
  • yung gusto ng SSS na obligahin na maging members ang mga OFW, at gusto pang gawing requirement yung paghuhulog ng contribution bago sila makaalis ng bansa
  • yung nasa maalin sa more than Php 10 Billion o 400 Billion pa pala ang mga hindi nasisingil na obligasyon ng SSS
  • yung gustong taasan ng PhilHealth ang contribution ng mga members para lang masalo ang Universal Health Care Bill, 50% na pagtataas ang gusto nila para sa pinakamababang rate ng contribution
  • yung may mafia daw sa loob mismo ng PhilHealth
  • yung matagal nang ini-recommend ng COA na milyun-milyong disallowances laban sa PhilHealth na sinubukan pang kontrahin nung institusyon
  • yung panay pro-health ang mga panukala sa kabila ng kakulangan sa pondo, at sa kabila ng patuloy na pagkasira ng kalikasan dahil sa dami na ng mga tao
  • sa Batangas, yung nasilip ng COA na nasa Php 295 Million worth ng mga expired at malapit nang ma-expire na mga gamot at medical supplies na nakaimbak lang sa warehouse ng DOH
  • yung panukala ng iba tungkol sa Death Penalty kung saan bibitayin na nga yung tao eh pagmumultahin pa ito
  • yung panukala para pahabain ang termino ng mga local officials, samantalang may konsepto naman ng re-election
  • yung bumaba ang kita ng PCSO matapos na ipatupad yung documentary stamp tax
  • yung sinasabi ng nasibak na General Manager ng PCSO tungkol sa mga taong gustong manipulahin ang sistema nila
  • yung patataasin rin ng pinahintulutang taas-singil ng mga supplier ng tubig sa NCR area ang VAT na kailangang bayaran ng mga consumers
  • yung pagpapagamit ng Marawi Fund para sa pilgrimage sa Mecca
  • yung babaeng mastermind daw sa ibang kaso, na c-in-laim kaagad nila na may kinalaman daw sa mga rebelde, tapos eh binawi rin yung paratang, kesyo wala daw pala silang sapat na ebidensya
  • yung mga pulis na nagpapaapekto sa isang fictional na TV program sa kabila ng pagkakaroon naman talaga ng katiwalian sa totoong buhay
  • yung naging pagkilos ng PNP at DILG laban sa isang TV program
  • yung planong bumuo ng Death Squad laban DAW sa mga rebelde
  • yung panawagan na huwag magbigay ng suporta sa mga rebelde, samantalang hindi naman lubos na maprotektahan ang mga investment ng mga negosyante
  • yung panay ang benefits para sa mga armadong tauhan, samantalang kulang pa sa benepisyo yung mga walang armas
  • yung dagsa kaagad sa Senado yung mga tuta at bobong mga pulis na sabik na mang-aresto ng Senador kahit na wala namang warrant
  • yung tumanggap na nga ng panibagong criminal witness para sa isinampang kaso ng sedition
  • yung profiling na ginagawa ng mga pulis sa mga miyembro ng ACT
  • yung hindi tugma-tugma ang statements patungkol sa bombing sa Mindanao
  • yung may pruweba naman na posible ngang may nagmamasid sa bahay ng isang Senador, pero kini-claim na kaagad ng mga nasa itaas na kesyo paranoid lang yung tao kahit na wala naman silang ginagawang imbestigasyon
  • yung namamanipula ang mga records o documents sa mga base
  • yung napatunayan na peke lang ang ibang bintang laban sa Senador na dating nasangkot sa mutiny
  • yung parang wala namang silbi ang mga desisyon sa mababang level na nagpapatupad ng hustisya, dahil hindi naman final ang desisyon hangga't hindi yun umaabot sa tuktok, pero ayaw naman nilang buwagin yung mga level sa ibaba kahit na ganun na nga yung setup
  • yung applicable yung seniority rule kahit na para sa mga taong gumagawa ng mali at hindi patas
  • yung inabsuwelto na ng Supreme Court ang asawa ng Diktador, sa kabila ng presence ng nakaw na yaman
  • yung pwede palang magpiyansa kapag ang nahatulan mong kaso ay kaugnay ng panggagago sa buong bayan
  • yung pwede daw ipang-bid sa mga nakaw na gamit ang nakaw na pera
  • yung parang lumalabas sa naging desisyon ng korte na may mga opisyales na hindi namo-monitor kung saan napupunta yung malalaking budget na dumadaan sa kanila
  • yung pati NGO Queen eh magkakaroon rin ng pagkakataon na ipa-dismiss yung kaso niya matapos yung mga nabunyag na noon at sa kabila ng mga yaman na ebidensya
  • yung bagong batas na magagamit ng mga halal na opisyales para protektahan ang mga SALN nila
  • yung nasa bilyong piso na tinatawag na Congressional insertions na napunta sa teritoryo ng head Representative
  • yung hindi pala tinanggap bilang mga ebidensya iyong findings ng Anti-Money Laundering Council na nasa Php 80 Million plus daw na pinaikot na pera ng mga suspek within just 30 days
  • yung tila daw may pinaboran na contractor at area ang Budget Secretary
  • yung Motor Vehicle Users’ Charge na ipinapaipit pala ng palasyo sa Budget Secretary

  • yung nasa bilyong piso rin na budget allotment para sa iba pang mga Representatives
  • yung matagal na tinulugan yung franchise renewal ng isang TV network dahil sa kapritso ng isang pinuno
  • yung ginagamit na dahilan ang mga importanteng budget para lang mapilitang aprubahan na rin ang mga kuwestiyonableng budget
  • yung hostage rin pala ang budget sa pagho-host ng SEA Games 2019 sa paglalabas nung budget na may mga kuwestiyonableng realignments
  • yung inamin ng pinuno na ang Solicitor General ang trumabaho sa kaso ng Senador na dating nasangkot sa mutiny, pero iisang tao lang ang kanilang pinuntirya
  • yung may kinalaman ang opisina ng Solicitor General sa pagwi-witness nung kriminal na video actor
  • yung hindi naman hinahabol ng Solicitor General yung mga sundalo at miyembro ng Philippine Constabulary na umabuso sa panahon ng Martial Law
  • yung premature campaigning na gumagamit ng term na "gusto namin ang boses mo sa ....."
  • yung pagpapakalat ng mukha at pangalan sa Liga ng mga Barangay
  • yung Representative na nagbanta na hindi magri-release ng PRC license sa mga hindi nakakakilala sa kaibigan niyang premature campaigner
  • yung 2 nasa katungkulan na pinagtatakpan ang medical condition ng pinuno ng bansa, tapos saka nila sasabihin na hindi nila alam ang totoong nangyari kapag lumabas na ang totoo
  • yung hindi na alam ng Spokesperson ang pinaggagagawa ng pinaglilingkuran niya at may mga pagkakataon na mali-mali na ang kanyang mga pinagsasasabi sa publiko
  • yung pinagtakpan na naman yung istorya ng pinuno ng bayan tungkol sa sexual abuse laban sa kanilang kasambahay, na kesyo gawa-gawa lang daw iyon
  • yung mga opisyales na nagke-claim na nagawa daw ng pamahalaan nila na mapababa ang presyo ng bigas at ng mga pangunahing bilihin, kahit na ang totoo ay matataas pa rin ang presyo ng maraming bilihin
  • yung presidential appointee sa board para sa mga State University, na pabirong nag-uudyok ng karahasan sa social media regarding collegiate basketball
  • yung kaalyado ng mga nasa posisyon na, pero ang plataporma kuno para sa panahon ng kampanyahan ay salungat sa mga patakaran na ipinatutupad na ng kanilang alyansa
  • yung opisyales na bastos na kinukuwestiyon kung bakit niya kailangang sumunod sa tamang procedure
  • yung miyembro ng Dictator's Youth na nakakuha ng posisyon, na ginagamit ngayon ang kapangyarihan para i-suppress naman ang mga aktibistang kabataan
  • yung miyembro ng Dictator's Youth na gustong tanggalan na ng scholarship ang mga estudyante na magpapahayag ng pagtutol sa pamamalakad ng pamunuan
  • yung miyembro ng Dictator's Youth na nagpa-meeting pa sa dati niyang nahawakan na posisyon kahit na nag-resign na siya
  • yung miyembro ng Dictator's Youth na kuwestiyonable ang edad at ang ginawang substitution para i-represent ang grupo nila
  • yung tutol sila sa mga patakaran laban sa pagmumura sa mga piling lugar puwerket hilig gawin iyon ng pinuno ng bansa
  • yung may kalayaan yung isang government official na mag-post sa kanyang fake blog kahit na during office hours
  • yung binastos na rin ng isang government official at ng kanyang kaibigan ang mga PWD para lang i-promote ang gusto nilang anyo ng pamahalaan
  • yung ang balak na i-represent na partido ay sangkot sa anumalya ng NGO Queen
  • yung pinuri pa ng gobyerno yung university na nagkulang sa pagha-handle sa kaso ng bullying
  • yung istorya mula sa miyembro ng dating gobyerno, na bagsak ang ekonomiya at ibinaon ng Dictator Clan sa mga utang ang bayan, at pinuwersa ang pumalit na pamahalaan para bayaran yung mga utang
  • yung opisyal ng lokal na pamahalaan na pabor sa pagsisinungaling tungkol sa school credentials
  • yung opisyal ng lokal na pamahalaan na kapag kaso ng mga kakampi niya ang pinag-uusapan eh kesyo korte lang daw ang makakapaghatol dun, pero kapag kaso ng mga hindi kakampi ang pinag-uusapan eh kaagad siyang nanghuhusga
  • yung local official na gusto nang i-exempt ang Davao City sa Martial Law
  • yung bagong halal na pinuno na iniisip na giyera lang ang kagustuhan ng mga mamamayan na tumututol sa pamimigay ng bayan sa Imperyo
  • yung pinagbabawalan na ang mga mangingisda na magpasakay ng media papunta sa pinag-aagawang teritoryo
  • yung opisyal na sinabihan ng mapanlait na pananalita ang kapwa niya opisyales para lang ipagtanggol ang Imperyo, kahit na may ginamit namang reference yung isa
  • yung mga opisyal ng mga ahensya na hindi naman directly related dun sa isyu yung pinapapunta dun sa mga nabanggang mangingisda
  • yung mga opisyales ng gobyerno na naggigiit na normal lang na pangyayari ang hit-and-run sa gitna ng dagat
  • yung maliliit lang yung bangkang ipinamigay kapalit ng nabanggang bangka para hindi na makabalik ang mga probinsyano sa pinag-aagawang teritoryo
  • yung pagsasayang ng pera sa pagbili ng mga makabagong barko, eh wala naman palang balak na dumepensa laban sa mga mananakop
  • yung bawal daw magtrabaho bilang construction workers ang mga foreign workers, pero may mga nahuli na may special permit
  • yung binigyan pala ng DENR ng Environmental Compliance Certificate noong 2018 yung Imperial vessel na gusto ngayong manguha ng buhangin sa Lobo, Batangas
  • sa Lobo, Batangas, yung Imperial vessel na gustong manguha ng buhangin at ayaw nang umalis
  • yung natural resources pala ng bayan ang ipinangakong pambayad kung sakaling hindi mababayaran ng pera yung mga inutang sa Imperyo
  • ang pagdami ng mga negosyanteng Imperyalista at iba pang banyaga sa Boracay
  • yung pakikipag-agawan din daw ng mga mamamayan ng Imperyo ng space para sa palaisdaan sa Taal Lake
  • yung paulit-ulit na pagkukunwari ng gobyerno na kesyo may mga ginagawa silang aksyon para maprotektahan kuno ang inaagaw na teritoryo
  • ang pagkukunwari ng gobyerno at ng Imperyo na kesyo hindi nila alam ang tungkol sa walang-habas na pangunguha ng mga Giant Clams sa pinag-aagawang teritoryo
  • sa Las Piñas City, yung Imperial food plaza na nakitaan ng napakaraming violations kabilang na ang paggamit ng resibo na may foreign characters na hindi daw rehistrado sa BIR
  • sa Bulacan, yung factory ng pekeng sigarilyo ng mga taga-Imperyo, bukod pa yung kaso nila ng pagmaltrato sa mga local workers
  • yung depensa ng mga Imperyalista, na kesyo ordinaryo lang para sa kanila yung mga kaso ng hit-and-run sa gitna ng dagat

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa Bacoor, Cavite, yung itiniwalag na pari na nahuli na gumagamit ng ilegal na droga for research daw
  • yung nauuso na naman yung mga pari na nasasangkot sa mga kaso regarding sexual abuse
  • yung nahuli ng Cubao PNP, yung Pastor na naaktuhang nagbebenta ng ilegal na droga
  • yung pagkauso lately ng mga death threat laban sa mga taong simbahan
  • yung mga taong ang kakapal ng mukha na magsabi ng "i feel you" patungkol sa krisis na hinaharap ngayon ng bayan, pero patuloy naman ang pagsuporta sa mga palpak at tiwaling mga pinuno
  • yung pagiging bias ng maraming tao sa pagsagot sa mga survey lalo na yung mga taga-Southern Island
  • yung hindi rin tugma ang survey tungkol sa pagsuporta sa pinuno at pagtutol sa pananakop ng Imperyo
  • yung negatibong epekto ng mga survey, kung saan ilang daan lang naman ang tinatanong, sa desisyon ng maraming mga mamamayan
  • yung hindi tugma sa kasalukuyang lagay ng ekonomiya yung sagot DAW ng mga tao sa survey tungkol sa kahirapan
  • yung mga taong nagpapasalamat pa sa mga promotor, na kesyo hindi muna paaandarin ang kasunod na train, na para bang nasolusyunan yung problema na sila rin naman ang gumawa
  • yung tuwang-tuwa yung mga hindi nag-aambag dahil sa Universal Health Care Bill
  • yung adjustment na ginagawa ng mga ospital sa bill na ipapasa sa PhilHealth
  • yung dialysis center na kumukubra sa PhilHealth kahit na patay na yung mga pasyente
  • yung mga espesyalistang propesyonal na hindi nagbibigay ng resibo
  • yung mga iresponsableng mamamayan na nakakasira o naninira kaagad ng mga mamahalin na goverment projects
  • yung kung sino pa ang mga nililimusan ng gobyerno, eh sila pa talaga yung mas mapanira sa kalikasan, particularly yung mga tumitira malapit sa mga anyong tubig
  • yung gustong gawin na Php 10 ang minimum na pamasahe sa jeep, at hindi na pasok dito yung kapritsosong modernization plan
  • yung gusto nang paabutin ng ibang transport group sa Php 12 ang minimum na pamasahe sa jeep
  • yung mga tusong transport group na mas gusto ang taas-pasahe kesa sa cancellation ng excise tax at VAT, dahil alam nila na mas malaki yung makukuha nila sa per passenger na taas-pasahe kumpara sa per litro na bawas-gastos 
  • yung mga masasamang jeepney driver na Php 9.00 ang iginiit na 20%-discounted rate na pamasahe, samantalang Php 8.00 lang dapat iyon
  • yung sistema ng pagbebenta ng gasul sa tindahan, kung saan nagagawa pa pala nilang magpatong ng additional na Php 50 sa rate kung saan may tubo na sila
  • yung ginawang pag-atake ng mga netizens sa ipinakalat na maling address nung Prestigious Bully
  • yung ina-assume na kaagad ng mga mamamayan na maraming mapaparusahan na mga kabataan kapag naibaba na ang age for criminal liability
  • yung mga mamamayan na inaakala na kapag nagpalabas ka ng uri ng krimen sa TV, eh ibig sabihin na ipino-promote mo na yung paggawa ng ganung klase ng krimen
  • yung mga batang sinasadyang makipagpatintero sa mga dumadaang sasakyan sa lansangan
  • yung maging mga batang kababaihan sa panahon ngayon eh nanggugulpi na rin sa kalye habang kumukuha pa ng video ng karahasan nila
  • sa General Trias, Cavite, yung Grade 9 na babaeng estudyante na kinuyog ng mga kapwa niya estudyante dahil lang daw na-insecure ang mga ito dun sa biktima
  • yung may gang war na rin sa [Name of City], malapit pa sa mismong munisipyo
  • sa Quezon City, yung babaeng hinoldap at hinipuan pa daw ng 2 menor de edad na lalaki na armado ng patalim
  • sa Caloocan, yung tila tino-tolerate na ng maraming tao ang patayan, at talagang may mga tao pa na nagchi-cheer para mangyari ito
  • yung maging mga sanggol na lalaki sa panahon ngayon eh nagiging biktima na rin ng rape-slay ng kapwa lalaki
  • yung kompanya ng Fake News na na-ban na sa kilalang social media platform
  • yung tila statistical defense na ginagamit ng ibang mga tao para bigyan ng katuwiran ang nangyayari ngayon sa ekonomiya ng bayan, sa kabila nang presensya ng mga totoong ebidensya
  • yung maraming mamamayan na nagse-celebrate sa mga pampublikong parke, pero nag-iiwan naman ng napakaraming nakakalat lang na mga basura 
  • yung negative impact ng Climate Change sa agrikultura ng buong bansa
  • yung endangered na pala ang species ng Tawilis, pero mababa pa rin ang pagpapahalaga sa mga ito ng mga mamamayan ng bansa
  • yung pakikipag-agawan ng maraming non-mass transport vehicle sa supply ng limitadong petroleum products
  • yung isyu ng sexual harassment sa Miss Earth pageant
  • yung may mga nag-claim kaagad na nakakamatay daw ang Dengvaxia mismo, dahilan kung bakit marami tuloy mamamayan ang natakot na sa lahat ng klase ng mga vaccine
  • yung pinakamataas daw ang bilang ng mga insidente ng rape sa Safest City
  • yung parati na lang kini-claim ng pamahalaan na kesyo nahahaluan ng mga rebelde ang mga protesta laban sa palpak na pamumuno nila
  • yung pagiging balimbing ni MRT Man, na kaalyado na ngayon ng kaalyado ng mga dating magnanakaw at abusado sa katungkulan
  • yung inilaglag na kaagad ni MRT Man ang mahalay na halik ng kanyang dating amo nang mawala na siya sa katungkulan
  • yung maraming mga kandidato o campaign team nila ang pasaway sa pangangampanya
  • sa Quezon City, yung pamimigay ng isang TV host ng pera sa kampanya ng ilang kandidato
  • sa Makati, yung bangayan ng mga Binay sa forum sa isang simbahan
  • yung kandidato na ginawang katatawanan ang nakaraan ng isang babaeng celebrity
  • yung mga kandidato na may plataporma kuno na tutol sa korupsyon, pero may mga kagrupo naman na mga magnanakaw
  • yung mga kandidato na may plataporma na laban kuno sa masamang bisyo, pero may mga kagrupo na nauugnay sa masamang bisyo
  • yung may mga artista na gumagamit ng pangalan nila para sa demolisyon, para sa kapakanan ng kaalyado nila sa pulitika
  • yung artista na iniisip na giyera lang ang paraan para maprotektahan ang mga inaagaw na teritoryo ng bansa
  • yung artista na nagsabi na walang "MALI" na boto, kahit na alam niyang may mga kriminal sa mga pagpipilian
  • yung singer na marumi kung mag-isip, na pro- sa muling pagbusal sa media
  • yung mga hacker ng private content para sa layunin ng character demolition
  • yung basta-basta na lang nagpapakalat ng hindi verified na listahan ang anak ng pinuno ng bansa sa social media
  • yung mga pinuno na nag-e-endorse ng mga bistadong kriminal
  • yung religious group na nag-e-endorse ng mga kriminal
  • yung isa pang religious group na puros mga kriminal rin ang ini-endorse
  • sa isa sa mga venue para sa overseas absentee voting, yung may nagpakalat ng campaign materials
  • sa Cavite, yung mga supporters na nahuli dahil daw sa pamimili ng boto
  • yung report ng PCIJ tungkol sa paglobo ng yaman ng mga practitioner ng nepotismo
  • yung may bagong version na naman ng Dictator's Law history yung balimbing na tuta ng dating Diktador
  • yung sinasamantala ng Dictator Clan ang kakulangan sa recording technology at ang kawalan ng mga record noong panahon ng paghahari nila para palabasin na gawa-gawa lang ang mga pang-aabuso sa panahon ng Dictator's Law
  • yung kandidato na siniraan ang mga survey, pero ni hindi naman factual yung istorya
  • yung may nagpapauso na rin ng parang suicide bombing sa Sulu
  • yung mang-aagaw na nga ng mga teritoryo ang Bestfriend Empire, tapos eh mang-aagaw pa ng mga trabaho yung mga mamamayan nila
  • yung sinisilip dito sa bansa ang pagkakaroon ng maraming mga taga-Bestfriend Empire na ilegal na nagtatrabaho, samantalang ang dami na ng mga Filipino na bumastos sa patakaran ng iba't ibang mga bansa nang dahil din sa paghahabol sa hanapbuhay
  • yung mga ekonomista na takot na takot mawalan ng koneksyon sa Imperyo
  • ang lantarang paninigarilyo ng mga mamamayan ng Imperyo sa mga NO SMOKING area sa kanilang probinsiya
  • yung ang mga Mainlanders ang nangunguna sa paglabag sa mga patakaran sa rehabilitated na Boracay
  • yung mamamayan ng Mainland na tinapunan ng taho yung isang pulis na nagpapatupad ng anti-terrorism procedure sa pampublikong mass transport system dito sa bansa
  • sa Makati City, yung 2 Mainland citizens na nagpapatakbo daw ng prostitution den gamit ang mga probinsyana, kung saan 11 ay mga menor de edad
  • yung mga offshore online casino ng mga Imperyalista na posible daw na hindi nagbabayad ng kaukulang buwis para sa kita at para sa pasuweldo sa mga empleyado
  • yung naangkin na rin ng Imperyo ang Banaue Rice Terraces ayon sa travel guide
  • yung vacation bullying ng Imperyo gamit ang autonomous territory nila
  • yung hindi pagtulong ng mga Imperyalista DAW sa mga probinsyanong mangingisda matapos nilang mabangga daw at mapalubog ang bangka ng mga ito
  • yung mga insidente laban sa Vietnam na nagpapakita na ugali na talaga ng mga taga-Imperyo na mang-hit-and-run sa gitna ng dagat
  • yung papalapit na nang papalapit sa mga teritoryo ng bayan yung lugar na pinangingisdaan ng kung anu-anong lahi ayon sa satellite images
-----o0o-----

July 20, 2019...

[Pets / Pests]

sa Tagkawayan, Quezon..
yung 2 y/o na bata na pinagkakagat ng nasa 20 daw na aso..
tapos nagbigay lang yung may-ari ng Php 500 na tulong dun sa biktima...

mas malala pa 'to kesa dun sa last time na nasa 10 aso ang sangkot...

is feeling , mabuhay ang mga iresponsableng amo.. mabuhay ang mga basurang batas na nagpoprotekta sa kanila...

---o0o---

July 22, 2019...

15 out of the 25 products na inire-retail ko eh hindi pa rin nakababalik man lang sa dati nilang rate ng presyuhan matapos ang pinatinding gatasan...

maging pamasahe sa PUV eh hindi pa rin...

saka ninyo ipagyabang yang mga concrete projects na ginastusan ng mga mamamayan (at gagastusan pa sa pamamagitan ng pagbabayad sa mga utang) kapag totoong nagkaroon na yan ng magandang economic impact...

is feeling , ang tanong ay kailan, kung magkakaroon nga...?

>
sa Maynila..
yung Traffic Enforcer na nakunan ng CCTV na nangongotong ng motorista...

is feeling , tama lang na hindi siya naging Senator dati.. hindi matututukan ng iisang tao ang buong bansa.. samantalang mas maige nga kung naka-focus yung pagbabago sa mas controllable na laki ng area.. yun lang, marami pang bayan ang kailangan din ng matino na pinuno...

>
kailan daw magtatapos ang korupsyon sa bayan...??

Cosplayer..?
Princess Dictator..?
Playgirls' Client..?
Kap (ini-endorse ni Sarah ang Matabang Prinsesa)..?
Lottery Partier..?
Solicitor Assassin..?

anak ng put*..
eh ilan lang sila sa mga popular na kaalyado nila eh..
mga pinagaling mula sa sakit..
mga pinalaya..
mga nilinis ang pangalan..
mga tinulungan na paikutin ang proseso..
mga tinulungan na makabalik sa kapangyarihan..
mga pinaupo..
mga kapalitan ng pabor...

is feeling , may gana pa siyang magtanong...??

---o0o---

July 23, 2019...

hindi kaya non-intelligence fund ang ipinangpopondo sa mga pa-survey...??

is feeling , ang laking pera nun eh.. pero hindi naman ipinapaalam kung saan talaga napupunta...

>
sa General Santos City..
yung pulis na hinuli dahil sa pangingikil laban sa aplikante sa pagka-pulis...

gaya nung mga kaprehong kaso recently..
ang kapalit daw ay ang pagpasa ng aplikante...

is feeling , sulit na sulit ang mga reward na pabahay...

>
nga pala..
natanggap na ni Chunin Bald yung reward niya..
siya muna ang mamumuno sa Chunin House for now...

is feeling , loyalty rewards...

>
sabi na nga ba eh..
may kinalaman na naman ang Solicitor Assassin dun sa panibagong malawakang pag-atake sa mga pangalan...

silang 2 ni Middle Fingerer..
mga character assassin ng mga tiwali nilang mga amo..
ng Cosplayer..
ng Dictator Clan...

noong nagsasalita yung Criminal Witness na video actor laban sa ginagamit nilang front na santo, eh nagreklamo siya na bakit daw tinutulungang magsalita yung mga ganung klase ng tao..
pero ngayong na-reveal na nila ang totoong purpose nung video actor, na palabasin na amo niya ang mga hindi kaalyado, eh sila pa ang mabilis ngayon na kumikilos para maging Criminal Witness ito...

inilagay siya doon bilang tauhan ng Dictator Clan, na benefactor ng Hokage na Mahilig..
mula sa patraydor na pagbabaon sa lupa ng basurang Diktador na iyon..
sunod ang pagpapalit ng order ng kapangyarihan sa J Branch gamit ang reward system..
maging ang attempt na baliktarin ang naigawad ng kalayaan laban kay Oakwood Man...

lahat ng 'to eh preparation para sa kapakanan ng Dictator Clan..
wawasakin nila lahat ng posibleng lumaban sa clean up drive na ginagawa nila...

is feeling , at sobrang tatanga ng maraming mga tao para hindi mapansin ang totoong nangyayari...

---o0o---

July 25, 2019...

sa Batangas..
yung nasilip ng COA na nasa Php 295 Million worth ng mga expired at malapit nang ma-expire na mga gamot at medical supplies na nakaimbak lang sa warehouse ng DOH...

is feeling , sulit na sulit ang nakokolektang gatas...

>
parang tanga yung panukala tungkol sa mas mahabang termino for local officials..
yun na nga yung silbi nung re-election eh..
kapag gusto yung paraan ng pamamahala (kahit na tiwali pa) edi posibleng mailuklok ulit siya..
at kapag bulok naman ang pamamahala, edi pwedeng palitan na siya sa susunod...

malaking pahirap na nga kapag mga tiwali ang nauupo sa national level eh..
tapos ang gusto nila eh ie-extend pa yung mga nasa local...??

is feeling , tama-tama na ang mga basurang patakaran...

---o0o---

July 26, 2019...

hindi pa rin ba nahahalata ng mga contractual na ginamit lang sila noong panahon ng pilian...??

magiging posible lang ang ganung sistema kung magkakaroon ng paraan para accurately na masabi kung sinu-sino nga ba ang mga nagtatrabaho nang maayos, at sinu-sino yung mga nag-aabang lang ng pera...

is feeling , napangakuan ng imposible...

>
sa Pasig..
yung 2 Traffic Enforcer na hinuli dahil sa pangongotong laban sa isang UV Express Driver...

is feeling , maige sa Pasig at mukhang totoong matino ang pinuno...

>
sa Quezon City..
yung 2 BIR officers na nahuli sa entrapment operation na isinagawa ng NBI, dahil sa pangingikil laban sa isang private company na naka-base sa Pasig City...

meron pa daw 2 kasabwat yung 2 suspek na nadakip...

is feeling , milk madness...

>
mukhang ang gagamitin na ebidensya nung Criminal Witness na video actor ay yung mga nakuha niya noong panahon na sinusubukan NILANG kumbinsihin ang mga hindi kaalyado na kesyo may nalalaman siya tungkol sa kaugnayan ng santo sa masamang bisyo...

naalala ko tuloy noong panahon na nag-produce ng mga ebidensya ang Dictator Clan..
yung kesyo gumawa daw ang kalaban nila ng mga form na hindi sumusunod sa official na format..
mga ebidensya na sila ang may hawak...

is feeling , tanim-tao technique...

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Full Week of July 2019 (Light & Dark Dream)

Loveless Story

July 23, 2019...

[Strange Dream]

sa isang pamilyar na maliwa-liwanag na kuwarto na madalas kong makita sa mga panaginip ko lately..
tipong parang nasa 2nd floor..
hindi ko alam kung paano ba yun nagsimula..
kung ako ba yung nauna sa lugar na iyon, o yun bang mga babae...

kasama ko daw ang ilang miyembro ng grupo nila..
parang there were 5 or more of them..
sina Miss Jw at Miss Cn yung natatandaan ko, at si Miss Pal rin yata yung isa..
para sa retired naman, eh nandun si Miss Jo..
tinatanong nila ako tungkol sa kung anu-anong mga bagay-bagay..
parang pinatatamaan daw nila ako tungkol sa ginagawa kong paghahanap...

tila panaginip siya tungkol sa pagdedesisyon ko..
kumbaga nasa harapan ko na yung mga choices, at kailangan ko na lang pumili..
dahil rin sa ganun na nga na setup eh parang nakakahiya naman na hindi pumili..
parang naiisip ko na daw to just go with Miss Cn..
pero hindi ko talaga magawang magdesisyon...

for some reason eh biglang nagka-meron rin ako ng kasama na isang kaibigan..
napuna niya na parang hindi nga ako makapagdesisyon..
at nasabi ko sa kanilang lahat na ang hirap kasi..
that time eh si YAM yung laman nung isip ko, na hindi ako makapag-decide dahil baka malugi na naman ako..
na baka wala naman sa kanila ang kayang tapatan yung kaya niyang gawin...

is feeling , pati sa panaginip, eh ayaw nang sumugal...

---o0o---

July 24, 2019...

[Strange Dream]

nasa medyo madilim naman daw ako na malawak na lugar..
may screen sa bandang harapan..
at nanonood daw ako sa elevated section..
parang comic book convention yung dating...

nandun din yung ilang miyembro ng grupo nila, at parang nag-a-usherette doon sa venue..
ipinapalabas daw sa screen yung pictorial ng bawat member..
then i was surprised noong nakita kong naglabas ng pictorial ni Miss C..
siguro dahil ang alam ko sa realidad eh currently inactive siya..
parang light colored na corset yung suot niya, at mahaba na ulit ang kanyang buhok..
may 3 set yata yung release niyang iyon..
tapos sa may bandang dulo nung video eh ipinakita rin yung mga taong nasa likod nung pictorial..
parang foreigner pa yung dalawa dun...

ewan..
nakita ko din yata siya sa mismong crowd..
nang biglang may mga kalalakihan na dumating..
nagsi-upuan na sila sa lapag..
kakilala ko naman ulit ang isa sa kanila, yun ding nasa previous kong panaginip..
napag-usapan namin yung tungkol dun sa video..
at doon na nagtapos yung panaginip kong iyon...

is feeling , simpleng pangalan lang, pero hindi ko pa makuha...

-----o0o-----

July 21, 2019...

[Sports]

wala..
mahina rin yung Thor-Man..
tinalo ng matanda..
kahit na humihina na yung Jonin noong later rounds, eh hindi pa rin napabagsak..
useless... :(

is feeling , kapag nagkataon eh magagamit pa ang fanbase niya ng kung sinong miyembro ng alyansa sa susunod na panahon ng pilian...

>
[Movies]

Black Widow

i see..
so yung istorya niya ay right after ng Civil War..
MMK-mode pala..
hindi parallel universe na Romanoff...

pero bakit pang-Phase 4..?
meron kaya silang ii-introduce...??

Thor movie series

bakit may Thor 4..?
sino na naman ang kumuha ng Mjolnir sa ibang parallel universe..??
parang action love story yung dating nung title...

Padme as Lady Thor..?
hindi na masama, pero depende pa rin sa magiging movie version nung costume..
hindi ko pa siya kailanman napanood as a fighter-type..
hanggang pamamaril lang, wala pang astigen na fighting technique..
so malaking bagay kung maiaangat siya sa level ni Sif...

sana naman eh may Sif.. :(
nabiktima rin daw siya ng Thanos' Snap..
meaning naibalik rin yung existence niya after ng Endgame...

Doctor Strange movie series

pero ang pinakamahalaga sa ngayon ay kasama dun sa movie si Wanda Maximoff...

is feeling , Phase 4...

---o0o---

July 22, 2019...

nakaka-insulto na 'tong diskriminasyon na ginagawa lately ng GCash... :(

matagal na akong verified user..
at noon, eh personal appearance pa sa branch ng Globe ang nire-require nila...

tapos ngayong nauso na ang mga smartphone at mga app, eh bigla silang magre-require na dumaan sa pinapauso nilang verification process..
kailangan ko daw gamitin yung lecheng app nila para ma-verify ko ulit ang sarili ko..
may link rin naman na ipinapadala, kaso eh hindi naman nabubuksan gamit ang computer... :(

so ayun..
balik ako nang balik sa ugat ng lahat ng problema ko sa Globe..
luma ang SIM mo..?
so hindi ka makakagamit ng mga up to date na smartphone..
luma ang SIM mo..?
so hindi mo rin magagamit yung mga app na nagre-require ng mga up to date na smartphone...

ang mas malala pa lately..?
sobrang hirap na nilang ma-contact..
wala na yatang e-mail support, wala na yung dati na systematic at mabilis ang response..
wala na yung dating special mobile contact number..
hindi pa rin nagbibigay ng contact detail yung malapit na branch..
at maging yung ipinagyayabang nila na Messenger eh hindi na rin naman sumasagot..
halos lahat eh kino-convert na nila sa automated na taga-turo ng basic troubleshooting...

and to think na panahon 'to kung kailan batas na yung mobile number retention... :(

is ⚠ feeling , deadline ko na sa katapusan ng August.. at hindi ko alam kung anong mangyayari sa account at pera ko pagdating ng oras na iyon...

Friday, July 19, 2019

Sedition & Criminal Witnesses

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...

halata kung niluluto ang isang kaso kung..?
may record na ng mga kasinungalingan yung tao, pero pinilit pa rin na gawing testigo..
at kung certified na kriminal yung witness...

tapos galit na galit sila kapag ipinapalabas sa publiko yung masasama nilang gawain sa likod ng paggamit nila ng kapangyarihan... :(

kriminal ang mga kakampi ng mga kriminal...

-----o0o-----

lumampas na sa 500 ang bilang eh, kaya mag-i-start na lang ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html

update ulit (503 + 457 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung nagluklok ng tao sa isang mahalagang branch, sa kabila ng kawalan ng kakayahan ng tao na iyon na sumunod sa sarili nilang mga patakaran
  • yung nagtuturo ng iba, maging yung hindi nila maidawit dun sa kaso, habang ipinagtatanggol naman yung ibang nalusutan DAW ng supply ng ilegal na droga
  • yung idolo noon si Hitler, pero noong nagpunta sa Israel eh ginamit pa yung alaala ng Holocaust para magkunwari na mabuti sila
  • yung inuna pa ang mga armas kesa sa isipin ang tungkol sa isyu ng kahirapan sa bayan
  • yung gustong bawiin yung amnesty na ibinigay noon sa isang taong lumaban sa tiwaling gobyerno, na ang sinisilip na butas ay yung pinagdaanan na proseso
  • yung umamin siya na meron nga at kasalanan niya ang pagkakaroon ng extrajudicial killings
  • yung nagagawa pa nilang magbakasyon sa ibang bansa sa gitna ng bagsak na ekonomiya ng bayan at sa kabila ng pagtanggi nila na tumulong sa pamamagitan ng pagpapagaan muna sa bagong sistema ng pagbubuwis
  • yung tutol kuno sa political dynasty pero kinukunsinti ang political dynasty ng sariling angkan
  • yung gustong ipaaresto yung witness sa pagpapasok ng mga ilegal na droga sa BOC
  • yung wala namang naparurusahan at papalit-palit lang naman ng katungkulan yung mga pinuno na nadadawit sa mga malalaking kaso ng kapabayaan
  • yung kagustuhan niya na ituring na rin siyang isang santo
  • yung mula sa lahi ng mga Bestfriend na suspected bilang drug-related personality, na itinanggi na may koneksyon sa pamahalaan, pero napatunayan na may papel nga sa pamahalaan
  • yung sobrang dali siyang makumbinsi pagdating sa ibang intel kuno at mga listahan, pero in denial pa noong una sa isyu ng magnetic lifters
  • yung balak pala tayong ipahamak dahil sa pangungutang niya sa Bestfriend Empire na malaki kung magpatubo kumpara sa ibang mga nasyon
  • yung gusto ngayon ng ROTC, pero siya mismo eh umamin na tinakasan niya ang ROTC noong kapanahunan niya
  • yung sinabi noon na dapat daw sundin ang seniority rule, pero hindi naman niya sinunod para sa 2nd reward
  • yung pagbanat sa isang taong simbahan nang wala namang ebidensya na ipini-present; kesyo nagbubulsa daw ng pera at baka drug-related din daw
  • yung seryoso daw sila sa kampanya laban sa ilegal na droga, pero siya mismo eh ginagawa lang biro ang tungkol sa pagdodroga
  • yung gusto nang ipapatay ang mga obispo, at ang pagtira sa bibliya
  • yung iniutos na ayaw makakita ng mga pari sa event na may kinalaman sa simbahan
  • yung pati bintang tungkol sa pagpapatumba ng tao eh joke lang
  • yung sexual attack sa kanilang kasambahay noong teenager pa siya base sa kanyang kuwento
  • yung tagalinis siya ng pangalan ng mga nabuking na magnanakaw ng pera ng bayan
  • yung planong palitan ang pangalan ng bayan para sa kapakinabangan ng amo nila
  • yung claim na wala daw patunay na nakaw ang mga yaman ng Dictator Clan
  • yung puros paninira ang iginanti sa mga karibal ng kanyang mga tauhan, na ni hindi naman naka-base sa facts
  • yung gusto na namang maglabas ng Narco-list, pero hindi pa naman pala 100% verified yung mga pangalan na nasa listahan
  • yung ginagamit yung banta tungkol sa giyera para masunod ang kagustuhan na magpalit ng anyo ng gobyerno
  • yung as early as 2004 pa pala nadadawit sa ilegal na droga ang pangalan nung banyagang economic adviser o dating economic adviser
  • yung paspas ang pagtatanggol sa banyagang economic adviser o dating economic adviser
  • yung tauhan na utak sa likod ng daan-daang social media account na nagpapakalat ng FAKE news na pabor sa alyansa nila
  • yung pagbibida sa titi niya
  • yung madalas na ibinibida na pagre-rely sa teknolohiya sa pag-eespiya ng ibang bansa
  • yung wala daw black propaganda, pero nagpapakalat ng mapanirang matrix
  • yung Party List na sobrang lakas kung magpa-commercial sa TV
  • yung commercial na nagke-claim na matapat yung dating tauhan ng MMDA na gumawa ng bistadong pandaraya
  • yung pagdadawit sa 2 athlete sa inilabas na matrix
  • yung pag-asa sa social media para sa intelligence kuno
  • yung cleaning effect ng family name
  • yung bagong batas laban sa pambabastos, paninipol, o kahit pagkindat man lang sa mga babae, pero ang mismong pinuno ng bansa eh unlimited ang pambabastos sa mga kababaihan
  • sa Japan, yung gusto na namang makipag-lips-to-lips sa hindi kaano-anong mga kababaihan
  • yung COA pa ang nasisisi dahil sa paggawa nila nang tama sa trabaho nila
  • anong silbi nung 5 minutes na travel time, kung hindi naman direkta ang access ng mga taga-probinsya sa NCR
  • yung paggigiit na normal lang na pangyayari ang hit-and-run sa gitna ng dagat
  • yung parating ipinapahiwatig na sa giyera lang hahantong ang paggigiit ng karapatan ng mga taga-probinsya
  • yung pagdepensa na kesyo sideswiped lang DAW yung nangyaring banggaan sa gitna ng dagat
  • yung pambabastos sa isang miyembro ng Judiciary para lang ipagtanggol ang Imperyo
  • yung wala ng respeto at paniniwala sa sariling konstitusyon
  • yung sa utos daw niya nag-ugat yung pagbibigay ng libu-libong pabahay sa mga armadong opisyales, bukod pa yung daan-daan sa mga ito ang nakatanggap ng 2 units each

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa QCPD, yung Criminology student na nag-o-OJT sa presinto na hinuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga
  • yung Criminology Student pala yung lalaki dun sa video kung saan hinahayaang uminom ng alak at manigarilyo ang isang 2 y/o na bata
  • sa Nueva Ecija, yung Barangay Chairman na nahuling kasama ang kalaguyo niya
  • yung 3 PNPA cadets na inirereklamo dahil sa sexual harassment laban sa 2 lower classmen sa loob mismo ng academy nila
  • yung pulis na inirereklamo ng panggagahasa laban sa isang 15 y/o na dalagita kapalit ng paglilinis sa pangalan ng ama nito na idinadawit naman sa ilegal na droga
  • yung 2 pulis Novaliches na inirereklamo ng dahil daw sa panggagahasa sa isang babaeng nahuli ng dahil sa pagsusugal sa loob ng police mobile
  • sa Marcos, Ilocos Norte, yung Barangay Chairman na tinangkang halikan ang isang singer habang ito'y nagpe-perform
  • sa Baguio City, yung mga tinatawag na POSD Enforcers na nakunan ng video na nang-aagaw ng paninda ng isang taho vendor
  • yung nag-viral na Traffic Enforcer na nang-agaw ng susi at ng motor, bukod pa sa nagmura at nagbanta laban dun sa rider
  • sa Makati, yung 2 dating empleyado ng MMDA na ginagamit yung wangwang, blinker, at MMDA uniform sa pag-e-escort sa negosyante
  • yung mga police escort na namalo ng side mirror ng isang taxi habang naka-off-duty at nag-e-escort sa isang private individual
  • sa Pandacan, Maynila, yung pulis na motorcycle rider na nakabangga ng isang tumatawid na senior citizen
  • sa Iloilo, yung 3 tricycle na nabangga ng AUV na minamaneho ng isang pulis, kesyo nakatulog daw ito habang nagmamaneho at may sinasabi rin na mukhang nakainom daw ito
  • sa Dagupan City, yung 2 y/o na bata na namatay matapos na mabundol ng van na minamaneho ng isang pulis
  • sa Davao City, yung Traffic Enforcer na muntik nang makabangga ng taong tumatawid sa pedestrian lane
  • sa isang kampo sa Tagaytay, yung nakunan ng video na pamamalo ng isang Superintendent sa mga junior police gamit ang isang baseball bat
  • yung Hepe ng Eastern Police District, yung nakunan sa video na nananakit ng babaeng pulis
  • sa Pasig City, yung naka-off-duty na pulis, yung nakunan ng CCTV na nananakit ng 8 y/o na bata sa isang basketball court
  • sa Moriones, Tondo, Manila, yung mga pulis na inirereklamo ng pananakit sa mga hinuli nila at paggalaw sa mga CCTV camera
  • sa Cebu City, yung hinihinalang police brutality na ginawa ng isang armadong grupo na nakunan ng video
  • sa San Jose del Monte, Bulacan, yung drug-related suspek daw na napatay ng mga pulis, pero may nawawalang mga oras ng footage yung CCTV na nakunan sana yung pangyayari
  • sa Navotas, yung pulis at ang kasama niyang naka-AWOL na pulis, na inireklamo dahil sa pananakit
  • sa Legazpi City, Albay, yung Party-list Representative na nanakit ng isang waiter
  • sa Guimbal, Iloilo, yung mag-amang Representative at Mayor na inireklamo ng pang-aabuso laban sa isang pulis
  • sa Santa Cruz, Manila, yung nagtatagong Kapitan at ang mga Kagawad niya na nanggulpi sa isang binatilyo kesyo hindi daw siya nakilala bilang kapitan nung biktima
  • sa Sampaloc, Manila, yung babaeng Barangay Kagawad na nanakit ng binatilyong nasita dahil sa curfew
  • sa Barangay Commonwealth, Quezon City, yung mga tauhan ng Barangay na inirereklamo dahil sa pananakit sa mga na-detain nila
  • sa Tarlac, yung tumatakbo bilang Bokal na nanapak ng Election Officer
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nagpositibo sa isinagawang random drug test
  • sa Pasay City, yung Barangay Tanod na kabilang sa mga nahuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga
  • sa Quezon City, yung dating Barangay Tanod at isang naka-AWOL na pulis na nahuli sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation
  • sa Bacoor City, Cavite, yung dating pulis na nag-AWOL at isang SK Kagawad na nahuli sa anti-illegal drugs operation
  • sa Bacoor, Cavite, yung dating Barangay Tanod na sangkot sa ilegal na droga, na ginagamit pa ang sarili niyang 12 y/o lamang na anak bilang courier
  • sa Tanauan City, yung dating Konsehal ng Barangay na kasama na nahuli sa buy-bust operation
  • sa San Pablo City, Laguna, yung babaeng Barangay Kagawad na damay sa nahuli sa buy-bust operation, nabuking sa mobile phone niya na nagsisilbi siyang taga-timbre sa iba pang drug-related personalities
  • sa Bacoor City, yung Barangay Kagawad at Hepe ng mga Tanod na nahuli sa buy-bust operation sa loob mismo ng Barangay Hall
  • sa Bacoor, Cavite, yung number 1 na SK Kagawad na nakunan ng video at hinuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga
  • sa Davao City, yung SK Kagawad na napatay sa buy-bust operation, bukod dun ay suspek din daw ito sa pagnanakaw base sa kuha ng CCTV
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung Barangay Chairman na nahuli na gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga, at nahulihan din ng hindi lisensyadong baril
  • sa Tondo, yung anak ng Barangay Chairman na hinuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga, at nahulihan rin ng hindi lisensyadong shotgun
  • yung naka-AWOL daw na doktor na empleyado ng DOH na kasamang nahuli sa isang buy-bust operation
  • yung senior officer na tauhan ng Bureau of Fire Protection na nahuli sa anti-illegal drugs operation
  • yung Traffic Enforcer na kabilang sa mga nahuli sa anti-illegal drugs operation ng QCPD
  • sa Isabela, yung Traffic Enforcer at kasama niya na napatay sa buy-bust operation
  • sa Davao City, yung Provincial Administrator ng BJMP na arestado matapos magpositibo sa ilegal na droga
  • sa Naic, Cavite, yung dating pulis at ang karelasyon niya na active jail guard na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Laguna, yung retiradong pulis na target at napatay daw sa anti-illegal drugs operation
  • sa Parañaque City, yung nahuling dating army officer na dawit sa kaso ng milyon daw na halaga ng ilegal na droga na naipasok sa parking lot ng isang mall
  • sa Davao City, yung sundalo na nahulihan ng ilegal na droga
  • sa Sampaloc, Manila, yung pulis na nahuli sa buy-bust operation dahil sa pagbebenta at paggamit ng shabu
  • sa Pasong Tamo, Quezon City, yung pulis na kasama sa nahuli sa buy-bust operation sa isang bilyaran
  • sa isang bar sa Taguig, yung pulis na naki-Halloween party habang naka-full alert ang kapulisan, na nahuli pa na gumagamit ng cocaine
  • sa Sta. Cruz, Laguna, yung pulis na protektor daw ng mga drug lord na napatay sa engkuwentro
  • yung 4 na pulis ang suspek ng PDEA, na posible daw na nakipagsabwatan para maipuslit yung nawawalang nasa Php 6.8 Billion na ilegal na droga na isinilid sa mga magnetic lifters
  • sa Fairview, Quezon City, yung 10 na naaresto sa buy-bust operation, na dating Quezon City police ang itinuro bilang source nila
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli ng mga Sampaloc police dahil sa pagdadala daw ng ilegal na droga
  • yung Hepe ng Agoncillo PNP na nahuling ginagamit ang isang nakaw na sasakyan at nahulihan rin ng hindi lisensyadong baril
  • sa Lemery, Batangas, yung Traffic Enforcer na hinuli dahil sa ilegal na pag-iingat ng mga bala, mga magazine, at mga holster ng baril
  • sa Balete, Batangas, yung dating Konsehal ng bayan ng Balete na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Iloilo, yung kandidato sa pagka-Mayor na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Abra, yung kandidato sa pagka-Mayor na nahulihan ng mga high-powered na mga baril
  • sa Mabini, Batangas, yung Barangay Chairman na inaresto dahil sa pagtatago ng hindi lisensyadong M16 at mga bala
  • sa Quiapo, yung Barangay Tanod na damay sa nahuli sa buy-bust operation, na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Basilan, yung TESDA Provincial Director na nahulihan ng CIDG ng bala at pampasabog
  • nitong katapusan ng 2018, yung 7 pulis na nasangkot daw sa indiscriminate firing nitong nakaraang holidays, bukod pa yung mga opisyales at sundalo na gumawa rin ng kaparehong offense
  • sa Davao Oriental, yung sundalo na nagpaputok ng baril at yung kasama niya na nambugbog sa 2 nakaupo sa may harapan ng tindahan
  • sa Iloilo City, yung Barangay Captain na naaresto dahil sa pamamaril sa convenience store
  • sa Pangasinan, yung Barangay Kagawad na namaril ng bahay
  • sa Balete, Batangas, yung Barangay Captain na nagpaputok ng hindi lisensyadong baril dahil sa pagkainis sa resulta ng halalan sa lugar nila
  • sa Marilao, Bulacan, yung dating Vice Mayor na aarestuhin sana dahil sa kasong qualified theft, pero may granada at baril pala at nag-resist
  • yung pulis Makati na nagpaputok ng baril sa kalagitnaan ng pista
  • sa Davao City, yung pulis na hinuli dahil sa pagpapaputok ng kanyang baril habang lasing, at kesyo nakikipag-away pa daw sa kanyang live-in partner noon
  • sa Cavite, yung Traffic Enforcer na nahulihan ng 2 baril habang naka-duty, na dati na rin daw nasangkot sa insidente nang pamamaril
  • sa Caloocan City, yung pulis na nakabaril at nakapatay ng 6 y/o na bata at namaril din sa lola nito
  • yung dating kaso sa Cebu, yung lumabas sa imbestigasyon ng NBI na baril nga ng pulis yung nakatama dun sa bata na nadamay lang sa anti-illegal drugs operation
  • sa Rodriguez, Rizal, yung 3 y/o na batang babae na nadamay at napatay sa buy-bust operation, kesyo ginamit daw ito bilang human shield nung suspek
  • sa Pangasinan, yung 17 y/o na binatilyo na player ng DOTA na sasali lang daw sa tournament sa Baguio na napatay DAW ng mga pulis sa engkwentro
  • yung findings ng Public Attorney's Office na mukhang t-in-orture yung Santillan at posibleng staged yung pagkapatay sa kanya
  • sa Quezon, yung tinaguriang Tayabas Armed Encounter kung saan isa sa napatay ay anak ng isang Mayor, yung umamin yung mga pulis na involved na hindi totoo yung police report nila at na scripted yung encounter
  • yung pagtumba DAW sa 14 na mga magsasaka sa Negros Oriental
  • yung madalas nang ginagawang palusot ang pagiging involved DAW ng mga tao sa ilegal na droga kapag nabubuking na pinatay sila ng mga pulis
  • sa Capas, Tarlac, yung nangyaring barilan ng mga pulis na nag-ugat sa road rage, na ikinamatay ng 2 pulis, 1 tanod, at 1 trabahador
  • sa Isabela, yung pulis na binaril ang isang sundalo nang dahil lang sa agawan sa parking space
  • yung pulis na sangkot sa road rage na sumuko sa Quezon PNP, yung nakapatay ng isang negosyante yata iyon at ang driver nito matapos na picture-an yung sasakyan ng suspek na nakabanggaan daw ng kanila namang sasakyan
  • sa Bocaue, Bulacan, yung babaeng teacher na pinatay sa pamamaril ng karelasyon niya na sundalo na nagbaril din sa sarili matapos yung krimen
  • sa Calamba City, yung may 1 patay at 2 sugatan matapos ang pamamaril at pananaksak ng retired na pulis at ng kanyang anak
  • sa Pasig City, yung 2 pulis at asset nila na inaresto dahil sa panghu-hulidap, kung saan nangikil sila ng pera at tinangay pa yung wedding ring nung lalaking biktima
  • sa Pasay City, yung 19 y/o daw na Chinese na nangmolestiya ng 3 babaeng estudyante, kung saan inudyukan daw ng mga pulis yung mga biktima para makipag-areglo na lang at humihingi din daw ng cut nila
  • sa Bocaue, Bulacan, yung hepe ng mga pulis na hinuli dahil sa pangingikil daw at sa paggamit ng mga sasakyan ng mga nahuhuli nilang mga drug suspect
  • sa Tanza, Cavite, yung Hepe ng Maritime Police Station, yung nahuli sa entrapment operation na tumatanggap ng marked money dahil sa pangingikil laban sa mga mangingisda
  • sa Taguig City, yung 2 pulis na nangingikil laban sa pamilya ng drug suspect daw para mapababa ang kaso nito
  • sa NCRPO, yung pulis na hinuli dahil sa pangingikil laban sa pamilya ng isang drug suspect, posibleng dawit rin daw ang buong team ng Eastern Police District - Drug Enforcement Unit
  • sa Pasay City, yung pulis na nahuli sa entrapment operation dahil din sa pangingikil, yung natunugan kaya nakatakas yung iba pang mga pulis
  • sa Las Piñas, yung 7 miyembro daw ng Drug Enforcement Unit din, yung nasangkot naman sa pangingikil laban sa kapatid ng isang nahuli nilang drug suspect
  • sa Barangay Commonwealth, Quezon City, yung mga tauhan ng Barangay na hinuli dahil sa pangingikil, kesyo may hinuli daw sila sa palengke at tinakot nila na gagawin nila itong sangkot sa ilegal na droga
  • sa Baguio City, yung Chief ng Police Intelligence Unit na nahuli sa entrapment operation dahil sa robbery extortion laban sa hinuli niyang suspect sa kasong robbery
  • sa Cagayan de Oro, yung babaeng pulis na nangikil daw ng Php 3,000 laban sa aplikante para sa non-uniformed personnel ng PNP kapalit ng pangakong matatanggap yung biktima sa trabaho
  • sa Iloilo City, yung dating sundalo na hinuli dahil sa extortion, kesyo kaya daw niyang ipasok yung mga magbibigay sa kanya ng pera sa Philippine Coast Guard
  • sa Lipa City, yung pulis na nahuli sa entrapment operation dahil sa pangingikil, na may kasabwat pa daw na miyembro ng Philippine Air Force
  • yung opisyal ng PNP-HPG, yung inaresto dahil sa robbery extortion, kesyo nanghihingi daw ng pera para simulan ang imbestigasyon tungkol sa isang nawawalang sasakyan
  • sa San Fernando, Pampanga, yung pulis na nahuli sa entrapment operation, kesyo nanghihingi daw ng pera kapalit ng sasakyan na na-impound dulot ng isang buy-bust operation
  • yung pulis na miyembro ng HPG na hinuli dahil sa pangingikil laban sa mga service vehicle ng isang call center company
  • yung Pulis Makati na hinuli dahil sa pangongotong sa mga habal-habal driver
  • sa Pasay City, yung pulis na hinuli ng PNP-CITF dahil sa pangongotong laban sa mga habal-habal driver
  • yung MMDA Enforcer na nagpapanggap na pulis para makapangikil laban sa mga service vehicle ng isang offshore gaming company
  • yung nahuli ng NBI na dating sundalo na nagpapanggap daw bilang abogado at naniningil pa ng malaking professional fee
  • sa Taguig City, yung Army Reservist na kabilang sa 3 hinuli dahil sa robbery extortion laban sa isang negosyanteng Mainlander
  • sa Quezon City, yung MMDA enforcer na nahuli sa isang kainan na tumatanggap ng lagay mula sa hinuli nilang motorcycle rider
  • sa Makati City, yung traffic enforcers na nakunan ng video na nangikil laban sa dayuhan, MAPSA at trainee daw yung involved
  • yung Team Leader ng Manila Traffic and Parking Bureau na hinuli dahil sa pangingikil
  • sa San Jose del Monte, Bulacan, yung kawani ng barangay na naaktuhan na nangingikil sa isang piggery, na baboy at pera ang hinihingi
  • yung mga agents ng Intelligence Division ng Immigration na inirereklamo dahil daw sa panggigipit at pangingikil laban sa mga Korean
  • sa Muntinlipa City, yung pulis na hinuli dahil sa pag-o-operate ng tupada
  • sa Tondo, Manila, yung 2 pulis na naaktuhan ng mga counterintelligence na pulis na nasa tupada
  • sa Quezon City, yung may 3 nahuli mula doon sa grupo na responsable daw sa serye ng mga panghoholdap sa mga e-games at bingo establishments, isa sa mga nahuli ay kasalukuyang Barangay Kagawad ng Maynila, tapos ay dating pulis daw ang leader nung grupo
  • sa Las Piñas City, yung grupo ng mga pulis na nasangkot sa kidnapping
  • yung BIR supervisor at examiner na inireklamo dahil sa pangingikil, na nahuli sa Batangas
  • sa Tagaytay City, yung 5 naaresto dahil sa pagbebenta ng ekta-ektaryang lupa na may mga pekeng titulo, na ang lider ay dating empleyado ng DENR
  • yung dating empleyado ng Maritime Industry Authority na hinuli sa entrapment operation dahil sa pagbebenta ng pekeng certificate of proficiency, na dati na ring nahuli dahil sa pagbebenta ng mga sagot sa exam, pero pinayagan na magpiyansa noon
  • yung Anti-Jaywalking Unit ng MMDA na nag-i-issue ng mga pekeng resibo sa mga nahuhuli nila para sila ang kumita ng pera
  • yung dating Customs Deputy Commissioner na inaresto dahil sa pagtanggap daw ng pera bilang pang-areglo sa mga kargamento
  • sa isang mall sa Makati City, yung trainee para sa pagiging LGU Traffic Enforcer na nagnakaw ng motor
  • yung airport security screener, yung hinalungkat ang bag at pinagnakawan ang isang pasaherong Taiwanese
  • yung mga ghost employee daw sa Makati na tao ng Konsehal
  • yung pulis na sangkot daw sa multi-million scam na related daw sa casino
  • yung 3 police officials na sangkot sa Php 2 Billion worth na paluwagan scam
  • yung pulis ng Eastern Police District na inaresto dahil sa estafa, bukod dun ay may pending rin daw siyang kaso regarding sa pangingikil laban sa isang sibilyan
  • sa Fiscal's Office ng Quezon City, yung empleyado na hinuli dahil sa kasong estafa laban sa mag-asawang ginustong magtayo ng laundry shop

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • dahil hindi tiyak kung paano nagkaroon ng access sa VIP na plaka, sa Angeles City, Pampanga, yung sakay ng SUV na may plakang 8 na nanakit ng kapwa niya motorista
  • sa Laoag City, yung nakunan ng video na naka-uniform ng pang-pulis, na nagmomotor nang walang suot na helmet
  • sa Sampaloc, Manila, yung 2 suspek sa pagiging hired killer na in-ambush sa police mobile na sinasakyan nila, pero hindi idinamay sa pagtumba yung mga kasamang pulis
  • sa Quezon City, yung mag-anak na m-in-assacre ng hinihinalang nakaalitang pulis habang natutulog
  • yung pagpatay sa Quezon City Deputy Prosecutor kung saan suspek ang 3 pulis
  • yung pag-kidnap dun sa Fajardo, na kakilala ng pinatay na si Mayor Halili, ng organisadong armadong grupo

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung mga nasa katungkulan na hati ang atensyon
  • yung agawan ng mga magkakaalyado sa pagiging Speaker
  • yung gusto na kaagad magdagdag ng bituin sa watawat kahit na hindi pa naman nalutang yung area
  • yung pagiging maselan at overprotective sa term na base naman sa pangalan ng dating hari ng Spain
  • yung pag-atake sa kalayaan ng Rappler gamit ang existence ng isang lumang article na mula pa sa panahon na hindi pa saklaw ng makabagong batas na ipinatupad
  • yung mga Barangay na nag-iimbento ng schedule para sa paghahakot ng mga basura, pero saka lang naman naghahakot sa araw kung kailan ang naka-schedule ay yung mga basurang pwede pang ikalakal 
  • yung mga batas na pro-pets and pro-pet owners na mga asal peste naman
  • yung pati mga nagkalat na domesticated animals eh panira sa mga mamahaling proyekto ng pamahalaan
  • yung protektado pa rin ang mga ligaw na alaga sa kabila ng problema sa supply ng anti-rabies
  • sa Isabela City, Basilan, yung 5 y/o na bata na inatake ng nasa 10 aso daw
  • yung paglaganap ng mga batang palaboy na lantarang umaatake ng mga pasahero sa mga pampublikong jeepney
  • sa Meycauayan, Bulacan, yung mag-aama at kaibigan nung isang anak, na suspek sa pagpatay sa mag-asawang senior citizen nang dahil lang sa away tungkol sa mangga, kung saan may 14 y/o at 15 y/o na involved na suspek
  • sa Makati City, yung lider ng Ipit-Bus Gang na ilang beses nang nakukulong pero parati rin namang pinakakawalan
  • sa Caloocan City, yung kaso nung anak na napatay ang sarili niyang ina noong 2017 at ang sarili naman niyang ama nitong simula ng 2019
  • sa Bacolod City, yung ama na pinagsasasaksak ng gunting yung 3 at 2 y/o niyang mga anak, pero ayaw namang kasuhan ng mga kamag-anak
  • yung ganap na batas na ang pagbibigay ng limos
  • yung aprubado na yung 25% na increase sa opisyal na pamasahe sa jeep
  • yung nagtaas na rin ang pamasahe para sa mga pampasaherong bus sa kabila ng sunud-sunod na pagbaba naman kahit papaano ng presyo ng petrolyo
  • yung sa halip na tulungan muna ang mga mananakay na mapababa ulit ang halaga ng pamasahe kasunod ng paulit-ulit na pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo, eh mas gustong unahin ng mga economic advisers na pataasin na ulit ang rate ng taxation para sa mga produktong petrolyo
  • yung hanggang sa Php 9.00 lang daw pwedeng ibalik ang base fare sa mga jeep
  • yung kagustuhan na i-ban na ang mga provincial buses sa NCR
  • yung may mga piling provincial buses na pwede pa ring pumasok sa NCR hanggang sa Parañaque area 
  • yung dagdag travel time at dagdag pamasahe nga ang idinudulot ngayon ng PITX
  • yung kagustuhan na gawing point-to-point o terminal-to-terminal na lang ang biyahe ng mga provincial buses sa area ng EDSA
  • yung aminado na walang ginawang public consultation para sa provincial bus ban sa EDSA
  • yung panibagong late na tanggalan ng mga vehicle type na hindi suitable para sa TNVS
  • yung nasa 9,000 na motorcycle riders na kumuha ng exam sa road safety daw, pero 7 lang ang nakapasa
  • yung data from 2017 to 2018 na nagpapakita na tumaas daw ng 40% ang bilang ng mga reklamo laban sa mga pulis na hindi nagsusustento sa kanilang pamilya, at sa kabila iyon ng paglaki na ng sweldo nila
  • yung 2 MMDA Enforcer na magkaangkas sa motor na nasita ng ordinaryong motorista, yung blinker ang ginagamit na ilaw at hindi pa nakasuot ng tamang helmet
  • sa Manila, yung MTPB Enforcer na nahuli dahil hindi nakasuot ng helmet, pero nakipagsagutan pa rin sa taga-HPG yata yun
  • sa Cagayan de Oro, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nakikipagtalo sa driver ng ambulansya
  • sa Cavite, yung nasita sa checkpoint na nagpakilala bilang isang pulis, pero nasibak naman na pala sa serbisyo
  • yung pulis San Juan, yung nakunan ng video dahil sa pag-init ng ulo sa karinderya matapos na masingitan daw sa pila
  • sa Tagaytay City, yung firing range sa kampo daw ng Cavite Police kung saan may mga umaabot na slug ng bala sa isang subdivision sa hindi kalayuan
  • yung panibagong surprise inspection na isinagawa ng NCRPO, kung saan may mga nahuli na naman na nakainom at natutulog na pulis habang nasa duty
  • sa Anilao, sa Iloilo daw, yung mga pulis na naabutan na natutulog sa mismong presinto
  • sa Cavite, yung 6 na pulis na nahuling natutulog habang naka-duty
  • sa National Shrine of St. Padre Pio, yung 4 na pulis na nakatalaga sa public assistance center na inalis sa puwesto matapos na maabutan ng opisyales na bagong gising lang at marumi ang lugar na nasasakupan
  • yung presinto kung saan walang inabutan na naka-duty o nakatao na pulis during inspection
  • sa Davao City, yung 3 pulis na sinibak DAW dahil nahuli at na-video-han na nag-iinom sa pampublikong lugar
  • yung nakuhanan rin ng video, yung 2 (yata iyon na) pulis na sinita ng mga kasamahan din nilang pulis dahil sa pag-iinuman
  • sa Cubao, Quezon City, yung 4 na pulis at iba pa na hinuli dahil sa pagsusugal at pag-iinom sa pampublikong lugar
  • sa Quezon City, yung 5 sundalo na nahuling nag-iinuman sa kabila ng ipinapatupad na liquor ban
  • yung palpak pala yung mga police escort nung mga PDEA agent and company na natambangan sa Lanao del Sur
  • yung mga pulis na iniimbestigahan ang naging response time sa kidnapping case nung Fajardo
  • ang kahinaan ng seguridad sa kabubukas lang na Boracay
  • yung kaso ng mistaken identity DAW sa ginawang panghuhuli ng PNP-CIDG sa isang journalist sa airport
  • yung panibagong reklamo tungkol sa tanim-bala sa Tuguegarao City airport kung saan pamilya ng isang babaeng Mayor ang naging biktima
  • yung MPD Police na may warrant para sa kasong kidnapping since 2015 daw, na nagpatuloy pa sa serbisyo at ang tagal bago nahainan nung warrant
  • yung farm ng mga panabong na manok sa Lipa City kung saan may nasabat na Php 60 Million plus na halaga ng shabu, na nasa Bilibid daw yung source at maging yung drug lord
  • sa Davao City, yung mga atleta ng Palarong Pambansa at coach na nabiktima ng nakawan
  • yung nagsayang ang Comelec ng pondo para sa marking pens na hindi maganda ang kalidad
  • yung mga ulat tungkol sa mga pumapalpak na Vote-Counting Machines para sa 2019 election
  • yung mga nagpalpakang Voter Registration Verification Machines para sa 2019 election
  • sa Lanao del Sur DAW, yung video na nagpapakita ng mga pre-shaded na balota at additional pre-shading act
  • yung pagtatanggol ng Comelec dun sa video ng pre-shading, at pagdadahilan na kesyo pagpirma lang daw yung ginagawa nung mga taong nakuhanan ng video
  • sa Comelec - Bacolod, yung natagpuang mga resibo ng Voter Verified Paper Audit Trail na tila itinapon
  • yung Senator na nag-generalize na kaagad na kesyo wala daw nangyaring dayaan sa 2019 election, sa kabila ng maraming nagpalpakan at sa kabila ng mga nakunang video evidence
  • yung hindi pa rin 100% na nababayaran ng gobyerno ang lahat ng mga binilhan nila ng lupa para sa TPLEX project
  • sa iba't ibang lugar, yung mga construction contractors na hina-hire ng iba't ibang level ng gobyerno, na hindi muna pinag-aaralan kung may masisira bang linya ng patubig o linya ng kuryente sa dadaanan ng project nila bago sila magsimula
  • yung nasasayang na pondo ng TRAIN dahil sa mga contractors na hindi marunong magplano nang maayos ng kanilang mga dapat gawin
  • sa Amoranto Street sa Quezon City, yung 22-wheeler truck na lumubog ang mga gulong sa bagong gawa lang daw na kalsada
  • sa Pakil, Laguna, yung gumuho yung ginagawang extension ng tulay, na blacklisted pa pala yung nagtipid na contractor
  • yung may nag-collapse na sa hindi pa man natatapos at matagal nang itinatayong mamahalin na Ifugao General Hospital
  • yung kagustuhan na magdagdag pa ng mga dam kahit na alam na nila ang negatibong naidudulot ng mga yun dahil nga sa na-enhance ng mga simpleng ulan at bagyo
  • yung planong itayo na dam sa may Sierra Madre, kung saan mas pinapaboran daw yung pautang ng Imperyo na malaki ang patubo kumpara sa proposal ng mga Japanese na mas mababa ang interes
  • yung planong paglilinis ng Manila Bay na sa reclamation rin naman pala hahantong
  • yung balak daw magsira ng mga historical structures kapalit ng pagtatayo ng mamahalin na Bestfriend Imperial Bridge
  • yung maanumalya yung Imperial contractor na gagawa sa mga bagong tulay sa NCR, at naka-ban na sa World Bank
  • yung worth Php 10 Million daw na Stairway to Heaven project ng MMDA na hindi naman pala totoong kailangan dahil may alternative naman palang daanan
  • yung mga footbridge na nag-i-intersect sa mga kable ng kung anu-ano
  • yung planong kasuhan ng MMDA yung nag-upload nung video na nag-reveal muli tungkol sa iregular na pagtatayo ng isang footbridge
  • yung hindi matapos-tapos na road repair sa MacArthur Highway
  • yung project sa [Name of City] na mga poste na may pangalan ng mga street na madali lang nasira dahil mahuna yung ginamit na metal na materyales
  • sa [Name of City], yung pupuwersahin ka ng nasa kapangyarihan para gamitin yung venue na ipinatayo ng pamunuan nila, tapos biglang maniningil ng bayad
  • yung marami pa ring lugar sa NCR ang binabaha kahit na hindi pa naman ga-bagyo ang lakas ng ulan
  • yung sabwatan daw ng 14 na tao ng National Center for Mental Health, kung saan nasa Php 60 Million worth yung niluto nilang kontrata para sa pagpapatayo ng isang depektibong pavilion
  • sa Cebu City, yung dating Mayor na sobra-sobra ang ginawang pagsisira sa babakantehin niyang opisina
  • sa DFA, yung natangay daw ng dating contractor yung mga data ng mga passport holders
  • yung data leak sa freedom of information request website ng gobyerno
  • yung mga katiwalian daw sa APO printing ng gobyerno na may kinalaman sa travel at sa sistema na rin sa printing
  • sa Mabini, Batangas, yung pabrika ng semento na 3 taon na DAW paso ang permit pero nag-o-operate pa rin
  • yung ginagamit ng mga political clans and alliance ang Party List system para mas makakuha ng mas maraming kapangyarihan
  • yung Representative na hindi sumunod sa security procedure sa NAIA
  • yung babaeng Representative na inirereklamo dahil DAW sa pagpapasagawa ng Gluta-drip session sa mismong opisina niya
  • yung pati naman mga bagay na hindi na dapat pinakikialaman pa dahil sa historical value eh talagang gusto pang pag-aksayahan ng panahon para lang masabi na nagtatrabaho sila
  • yung gustong sirain ng Bureau of Customs yung nasa Php 12,000,000 worth daw ng smuggled na mga sibuyas na nasabat nila sa halip na mapakinabangan ng mga mamamayan
  • yung nasa Php 120 Million daw na halaga ng nasabat na smuggled na bigas na nasa poder na ng BOC sa Zamboanga, pero talagang nawala pa
  • yung tila protektadong-protektado yung isyu tungkol sa mga magnetic lifters
  • yung pagtataas ng rate ng documentary stamp tax sa kuhanan ng foreign remittance
  • yung mas nagmahalan pa ang presyo ng mga bigas sa lugar namin noong ipinatupad na yung panibagong naming system, kahit na kaparehas lang naman sa dati ang mga klase ng bigas na ibinibenta
  • yung madadamay pala sa pagtataas ang presyo ng mga karneng de lata sa oras na ipatupad na ang rice tariffication bill
  • yung naging masamang epekto ng Rice Tariffication Law, yung nawalan ng totoong murang bigas sa merkado, samantalang mas nagmura pa ang presyo ng inaani ng mga lokal na magsasaka
  • yung may shortage na rin daw sa supply ng siling labuyo
  • sa Laguna, yung tone-toneladang mga kamatis na nasayang lang dahil hindi maibenta
  • sa Albay, yung oversupply ng sitaw sa kabila ng kakulangan ng supply sa ibang mga rehiyon
  • sa Candaba, Pampanga, yung oversupply ng Melon
  • sa Benguet, yung naging oversupply ng mga gulay
  • yung oversupply ng talong sa Nueva Ecija
  • yung naging oversupply ng mangga sa Rosario, Batangas, noong May 2019
  • yung mag-i-isang buwan na daw na oversupply ng pinya sa Calauan, Laguna
  • yung hindi rin naman napababa ang presyuhan ng kamatis sa kabila ng labis-labis na supply nito dahil sa manipulasyon ng ibang supplier
  • yung mas pinagbabawalan na ang mga magsasaka na magbilad ng kanilang naaning mga palay sa kalsada, samantalang wala pa namang konkretong plano na nagagawa ang pamunuan para makapag-provide ng accessible na facility para matulungan sila
  • yung reklamo na ipinarating sa Ombudsman, yung ipinambayad pala ng NFA sa utang yung pondo na nakalaan para sa pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka
  • yung magreresultang unemployment dahil sa magiging pagbabago ng function ng NFA
  • yung bawal pala ang paggamit ng synthetic acetic acid sa produksyon ng suka sa loob ng bansa, pero ayaw pang pangalanan kung alin-alin bang mga brand ang lumalabag dun sa patakaran na iyon
  • yung walang sumasagot sa mga tawag sa isang opisina ng SSS kahit na office hours pa naman
  • yung hindi pagsunod ng mga empleyado ng SSS sa [Name of City] sa patakaran tungkol sa kung ilan ang valid IDs na pwede nilang tanggapin
  • yung hindi pagtanggap ng mga empleyado ng SSS sa [Name of City] ng latest na format ng form na downloadable naman sa kanilang official website
  • yung kagustuhan ng SSS na damay-damay ang mga miyembro sa pagsalo ng mga magiging dagdag na gastusin dulot ng pagpapalawig sa Maternity Leave and Benefits
  • ang kagustuhan ng SSS na gawin ng 15% ang porsyento nila sa kita ng mga tao para daw masalo ang kakulangan sa pondo ng ahensya nila
  • yung puwersahang paghuhulugin ng SSS ang mga OFW ng 100% ng amount na proportional sa monthly na kita nila
  • yung gusto ng SSS na obligahin na maging members ang mga OFW, at gusto pang gawing requirement yung paghuhulog ng contribution bago sila makaalis ng bansa
  • yung nasa maalin sa more than Php 10 Billion o 400 Billion pa pala ang mga hindi nasisingil na obligasyon ng SSS
  • yung gustong taasan ng PhilHealth ang contribution ng mga members para lang masalo ang Universal Health Care Bill, 50% na pagtataas ang gusto nila para sa pinakamababang rate ng contribution
  • yung may mafia daw sa loob mismo ng PhilHealth
  • yung matagal nang ini-recommend ng COA na milyun-milyong disallowances laban sa PhilHealth na sinubukan pang kontrahin nung institusyon
  • yung panay pro-health ang mga panukala sa kabila ng kakulangan sa pondo, at sa kabila ng patuloy na pagkasira ng kalikasan dahil sa dami na ng mga tao
  • yung panukala ng iba tungkol sa Death Penalty kung saan bibitayin na nga yung tao eh pagmumultahin pa ito
  • yung bumaba ang kita ng PCSO matapos na ipatupad yung documentary stamp tax
  • yung sinasabi ng nasibak na General Manager ng PCSO tungkol sa mga taong gustong manipulahin ang sistema nila
  • yung patataasin rin ng pinahintulutang taas-singil ng mga supplier ng tubig sa NCR area ang VAT na kailangang bayaran ng mga consumers
  • yung pagpapagamit ng Marawi Fund para sa pilgrimage sa Mecca
  • yung babaeng mastermind daw sa ibang kaso, na c-in-laim kaagad nila na may kinalaman daw sa mga rebelde, tapos eh binawi rin yung paratang, kesyo wala daw pala silang sapat na ebidensya
  • yung mga pulis na nagpapaapekto sa isang fictional na TV program sa kabila ng pagkakaroon naman talaga ng katiwalian sa totoong buhay
  • yung naging pagkilos ng PNP at DILG laban sa isang TV program
  • yung planong bumuo ng Death Squad laban DAW sa mga rebelde
  • yung panawagan na huwag magbigay ng suporta sa mga rebelde, samantalang hindi naman lubos na maprotektahan ang mga investment ng mga negosyante
  • yung panay ang benefits para sa mga armadong tauhan, samantalang kulang pa sa benepisyo yung mga walang armas
  • yung dagsa kaagad sa Senado yung mga tuta at bobong mga pulis na sabik na mang-aresto ng Senador kahit na wala namang warrant
  • yung tumanggap na nga ng panibagong criminal witness para sa isinampang kaso ng sedition
  • yung profiling na ginagawa ng mga pulis sa mga miyembro ng ACT
  • yung hindi tugma-tugma ang statements patungkol sa bombing sa Mindanao
  • yung may pruweba naman na posible ngang may nagmamasid sa bahay ng isang Senador, pero kini-claim na kaagad ng mga nasa itaas na kesyo paranoid lang yung tao kahit na wala naman silang ginagawang imbestigasyon
  • yung namamanipula ang mga records o documents sa mga base
  • yung napatunayan na peke lang ang ibang bintang laban sa Senador na dating nasangkot sa mutiny
  • yung parang wala namang silbi ang mga desisyon sa mababang level na nagpapatupad ng hustisya, dahil hindi naman final ang desisyon hangga't hindi yun umaabot sa tuktok, pero ayaw naman nilang buwagin yung mga level sa ibaba kahit na ganun na nga yung setup
  • yung applicable yung seniority rule kahit na para sa mga taong gumagawa ng mali at hindi patas
  • yung inabsuwelto na ng Supreme Court ang asawa ng Diktador, sa kabila ng presence ng nakaw na yaman
  • yung pwede palang magpiyansa kapag ang nahatulan mong kaso ay kaugnay ng panggagago sa buong bayan
  • yung pwede daw ipang-bid sa mga nakaw na gamit ang nakaw na pera
  • yung parang lumalabas sa naging desisyon ng korte na may mga opisyales na hindi namo-monitor kung saan napupunta yung malalaking budget na dumadaan sa kanila
  • yung pati NGO Queen eh magkakaroon rin ng pagkakataon na ipa-dismiss yung kaso niya matapos yung mga nabunyag na noon at sa kabila ng mga yaman na ebidensya
  • yung bagong batas na magagamit ng mga halal na opisyales para protektahan ang mga SALN nila
  • yung nasa bilyong piso na tinatawag na Congressional insertions na napunta sa teritoryo ng head Representative
  • yung hindi pala tinanggap bilang mga ebidensya iyong findings ng Anti-Money Laundering Council na nasa Php 80 Million plus daw na pinaikot na pera ng mga suspek within just 30 days
  • yung tila daw may pinaboran na contractor at area ang Budget Secretary
  • yung Motor Vehicle Users’ Charge na ipinapaipit pala ng palasyo sa Budget Secretary
  • yung nasa bilyong piso na tinatawag na Congressional insertions na napunta sa teritoryo ng head Representative
  • yung nasa bilyong piso rin na budget allotment para sa iba pang mga Representatives
  • yung matagal na tinulugan yung franchise renewal ng isang TV network dahil sa kapritso ng isang pinuno
  • yung ginagamit na dahilan ang mga importanteng budget para lang mapilitang aprubahan na rin ang mga kuwestiyonableng budget
  • yung hostage rin pala ang budget sa pagho-host ng SEA Games 2019 sa paglalabas nung budget na may mga kuwestiyonableng realignments
  • yung inamin ng pinuno na ang Solicitor General ang trumabaho sa kaso ng Senador na dating nasangkot sa mutiny, pero iisang tao lang ang kanilang pinuntirya
  • yung hindi naman hinahabol ng Solicitor General yung mga sundalo at miyembro ng Philippine Constabulary na umabuso sa panahon ng Martial Law
  • yung premature campaigning na gumagamit ng term na "gusto namin ang boses mo sa ....."
  • yung pagpapakalat ng mukha at pangalan sa Liga ng mga Barangay
  • yung Representative na nagbanta na hindi magri-release ng PRC license sa mga hindi nakakakilala sa kaibigan niyang premature campaigner
  • yung 2 nasa katungkulan na pinagtatakpan ang medical condition ng pinuno ng bansa, tapos saka nila sasabihin na hindi nila alam ang totoong nangyari kapag lumabas na ang totoo
  • yung hindi na alam ng Spokesperson ang pinaggagagawa ng pinaglilingkuran niya at may mga pagkakataon na mali-mali na ang kanyang mga pinagsasasabi sa publiko
  • yung pinagtakpan na naman yung istorya ng pinuno ng bayan tungkol sa sexual abuse laban sa kanilang kasambahay, na kesyo gawa-gawa lang daw iyon
  • yung mga opisyales na nagke-claim na nagawa daw ng pamahalaan nila na mapababa ang presyo ng bigas at ng mga pangunahing bilihin, kahit na ang totoo ay matataas pa rin ang presyo ng maraming bilihin
  • yung presidential appointee sa board para sa mga State University, na pabirong nag-uudyok ng karahasan sa social media regarding collegiate basketball
  • yung kaalyado ng mga nasa posisyon na, pero ang plataporma kuno para sa panahon ng kampanyahan ay salungat sa mga patakaran na ipinatutupad na ng kanilang alyansa
  • yung opisyales na bastos na kinukuwestiyon kung bakit niya kailangang sumunod sa tamang procedure
  • yung miyembro ng Dictator's Youth na nakakuha ng posisyon, na ginagamit ngayon ang kapangyarihan para i-suppress naman ang mga aktibistang kabataan
  • yung miyembro ng Dictator's Youth na gustong tanggalan na ng scholarship ang mga estudyante na magpapahayag ng pagtutol sa pamamalakad ng pamunuan
  • yung miyembro ng Dictator's Youth na nagpa-meeting pa sa dati niyang nahawakan na posisyon kahit na nag-resign na siya
  • yung miyembro ng Dictator's Youth na kuwestiyonable ang edad at ang ginawang substitution para i-represent ang grupo nila
  • yung tutol sila sa mga patakaran laban sa pagmumura sa mga piling lugar puwerket hilig gawin iyon ng pinuno ng bansa
  • yung may kalayaan yung isang government official na mag-post sa kanyang fake blog kahit na during office hours
  • yung binastos na rin ng isang government official at ng kanyang kaibigan ang mga PWD para lang i-promote ang gusto nilang anyo ng pamahalaan
  • yung ang balak na i-represent na partido ay sangkot sa anumalya ng NGO Queen
  • yung pinuri pa ng gobyerno yung university na nagkulang sa pagha-handle sa kaso ng bullying
  • yung istorya mula sa miyembro ng dating gobyerno, na bagsak ang ekonomiya at ibinaon ng Dictator Clan sa mga utang ang bayan, at pinuwersa ang pumalit na pamahalaan para bayaran yung mga utang
  • yung opisyal ng lokal na pamahalaan na pabor sa pagsisinungaling tungkol sa school credentials
  • yung opisyal ng lokal na pamahalaan na kapag kaso ng mga kakampi niya ang pinag-uusapan eh kesyo korte lang daw ang makakapaghatol dun, pero kapag kaso ng mga hindi kakampi ang pinag-uusapan eh kaagad siyang nanghuhusga
  • yung local official na gusto nang i-exempt ang Davao City sa Martial Law
  • yung bagong halal na pinuno na iniisip na giyera lang ang kagustuhan ng mga mamamayan na tumututol sa pamimigay ng bayan sa Imperyo
  • yung pinagbabawalan na ang mga mangingisda na magpasakay ng media papunta sa pinag-aagawang teritoryo
  • yung opisyal na sinabihan ng mapanlait na pananalita ang kapwa niya opisyales para lang ipagtanggol ang Imperyo, kahit na may ginamit namang reference yung isa
  • yung mga opisyal ng mga ahensya na hindi naman directly related dun sa isyu yung pinapapunta dun sa mga nabanggang mangingisda
  • yung mga opisyales ng gobyerno na naggigiit na normal lang na pangyayari ang hit-and-run sa gitna ng dagat
  • yung maliliit lang yung bangkang ipinamigay kapalit ng nabanggang bangka para hindi na makabalik ang mga probinsyano sa pinag-aagawang teritoryo
  • yung pagsasayang ng pera sa pagbili ng mga makabagong barko, eh wala naman palang balak na dumepensa laban sa mga mananakop
  • yung bawal daw magtrabaho bilang construction workers ang mga foreign workers, pero may mga nahuli na may special permit
  • yung binigyan pala ng DENR ng Environmental Compliance Certificate noong 2018 yung Imperial vessel na gusto ngayong manguha ng buhangin sa Lobo, Batangas
  • sa Lobo, Batangas, yung Imperial vessel na gustong manguha ng buhangin at ayaw nang umalis
  • yung natural resources pala ng bayan ang ipinangakong pambayad kung sakaling hindi mababayaran ng pera yung mga inutang sa Imperyo
  • ang pagdami ng mga negosyanteng Imperyalista at iba pang banyaga sa Boracay
  • yung pakikipag-agawan din daw ng mga mamamayan ng Imperyo ng space para sa palaisdaan sa Taal Lake
  • yung paulit-ulit na pagkukunwari ng gobyerno na kesyo may mga ginagawa silang aksyon para maprotektahan kuno ang inaagaw na teritoryo
  • ang pagkukunwari ng gobyerno at ng Imperyo na kesyo hindi nila alam ang tungkol sa walang-habas na pangunguha ng mga Giant Clams sa pinag-aagawang teritoryo
  • sa Las Piñas City, yung Imperial food plaza na nakitaan ng napakaraming violations kabilang na ang paggamit ng resibo na may foreign characters na hindi daw rehistrado sa BIR
  • sa Bulacan, yung factory ng pekeng sigarilyo ng mga taga-Imperyo, bukod pa yung kaso nila ng pagmaltrato sa mga local workers
  • yung depensa ng mga Imperyalista, na kesyo ordinaryo lang para sa kanila yung mga kaso ng hit-and-run sa gitna ng dagat

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa Bacoor, Cavite, yung itiniwalag na pari na nahuli na gumagamit ng ilegal na droga for research daw
  • yung nauuso na naman yung mga pari na nasasangkot sa mga kaso regarding sexual abuse
  • yung nahuli ng Cubao PNP, yung Pastor na naaktuhang nagbebenta ng ilegal na droga
  • yung pagkauso lately ng mga death threat laban sa mga taong simbahan
  • yung mga taong ang kakapal ng mukha na magsabi ng "i feel you" patungkol sa krisis na hinaharap ngayon ng bayan, pero patuloy naman ang pagsuporta sa mga palpak at tiwaling mga pinuno
  • yung pagiging bias ng maraming tao sa pagsagot sa mga survey lalo na yung mga taga-Southern Island
  • yung hindi rin tugma ang survey tungkol sa pagsuporta sa pinuno at pagtutol sa pananakop ng Imperyo
  • yung negatibong epekto ng mga survey, kung saan ilang daan lang naman ang tinatanong, sa desisyon ng maraming mga mamamayan
  • yung hindi tugma sa kasalukuyang lagay ng ekonomiya yung sagot DAW ng mga tao sa survey tungkol sa kahirapan
  • yung mga taong nagpapasalamat pa sa mga promotor, na kesyo hindi muna paaandarin ang kasunod na train, na para bang nasolusyunan yung problema na sila rin naman ang gumawa
  • yung tuwang-tuwa yung mga hindi nag-aambag dahil sa Universal Health Care Bill
  • yung adjustment na ginagawa ng mga ospital sa bill na ipapasa sa PhilHealth
  • yung dialysis center na kumukubra sa PhilHealth kahit na patay na yung mga pasyente
  • yung mga espesyalistang propesyonal na hindi nagbibigay ng resibo
  • yung mga iresponsableng mamamayan na nakakasira o naninira kaagad ng mga mamahalin na goverment projects
  • yung kung sino pa ang mga nililimusan ng gobyerno, eh sila pa talaga yung mas mapanira sa kalikasan, particularly yung mga tumitira malapit sa mga anyong tubig
  • yung gustong gawin na Php 10 ang minimum na pamasahe sa jeep, at hindi na pasok dito yung kapritsosong modernization plan
  • yung gusto nang paabutin ng ibang transport group sa Php 12 ang minimum na pamasahe sa jeep
  • yung mga tusong transport group na mas gusto ang taas-pasahe kesa sa cancellation ng excise tax at VAT, dahil alam nila na mas malaki yung makukuha nila sa per passenger na taas-pasahe kumpara sa per litro na bawas-gastos 
  • yung mga masasamang jeepney driver na Php 9.00 ang iginiit na 20%-discounted rate na pamasahe, samantalang Php 8.00 lang dapat iyon
  • yung sistema ng pagbebenta ng gasul sa tindahan, kung saan nagagawa pa pala nilang magpatong ng additional na Php 50 sa rate kung saan may tubo na sila
  • yung ginawang pag-atake ng mga netizens sa ipinakalat na maling address nung Prestigious Bully
  • yung ina-assume na kaagad ng mga mamamayan na maraming mapaparusahan na mga kabataan kapag naibaba na ang age for criminal liability
  • yung mga mamamayan na inaakala na kapag nagpalabas ka ng uri ng krimen sa TV, eh ibig sabihin na ipino-promote mo na yung paggawa ng ganung klase ng krimen
  • yung mga batang sinasadyang makipagpatintero sa mga dumadaang sasakyan sa lansangan
  • yung maging mga batang kababaihan sa panahon ngayon eh nanggugulpi na rin sa kalye habang kumukuha pa ng video ng karahasan nila
  • sa General Trias, Cavite, yung Grade 9 na babaeng estudyante na kinuyog ng mga kapwa niya estudyante dahil lang daw na-insecure ang mga ito dun sa biktima
  • yung may gang war na rin sa [Name of City], malapit pa sa mismong munisipyo
  • sa Quezon City, yung babaeng hinoldap at hinipuan pa daw ng 2 menor de edad na lalaki na armado ng patalim
  • sa Caloocan, yung tila tino-tolerate na ng maraming tao ang patayan, at talagang may mga tao pa na nagchi-cheer para mangyari ito
  • yung maging mga sanggol na lalaki sa panahon ngayon eh nagiging biktima na rin ng rape-slay ng kapwa lalaki
  • yung kompanya ng Fake News na na-ban na sa kilalang social media platform
  • yung tila statistical defense na ginagamit ng ibang mga tao para bigyan ng katuwiran ang nangyayari ngayon sa ekonomiya ng bayan, sa kabila nang presensya ng mga totoong ebidensya
  • yung maraming mamamayan na nagse-celebrate sa mga pampublikong parke, pero nag-iiwan naman ng napakaraming nakakalat lang na mga basura 
  • yung negative impact ng Climate Change sa agrikultura ng buong bansa
  • yung endangered na pala ang species ng Tawilis, pero mababa pa rin ang pagpapahalaga sa mga ito ng mga mamamayan ng bansa
  • yung pakikipag-agawan ng maraming non-mass transport vehicle sa supply ng limitadong petroleum products
  • yung isyu ng sexual harassment sa Miss Earth pageant
  • yung may mga nag-claim kaagad na nakakamatay daw ang Dengvaxia mismo, dahilan kung bakit marami tuloy mamamayan ang natakot na sa lahat ng klase ng mga vaccine
  • yung pinakamataas daw ang bilang ng mga insidente ng rape sa Safest City
  • yung parati na lang kini-claim ng pamahalaan na kesyo nahahaluan ng mga rebelde ang mga protesta laban sa palpak na pamumuno nila
  • yung pagiging balimbing ni MRT Man, na kaalyado na ngayon ng kaalyado ng mga dating magnanakaw at abusado sa katungkulan
  • yung inilaglag na kaagad ni MRT Man ang mahalay na halik ng kanyang dating amo nang mawala na siya sa katungkulan
  • yung maraming mga kandidato o campaign team nila ang pasaway sa pangangampanya
  • sa Quezon City, yung pamimigay ng isang TV host ng pera sa kampanya ng ilang kandidato
  • sa Makati, yung bangayan ng mga Binay sa forum sa isang simbahan
  • yung kandidato na ginawang katatawanan ang nakaraan ng isang babaeng celebrity
  • yung mga kandidato na may plataporma kuno na tutol sa korupsyon, pero may mga kagrupo naman na mga magnanakaw
  • yung mga kandidato na may plataporma na laban kuno sa masamang bisyo, pero may mga kagrupo na nauugnay sa masamang bisyo
  • yung may mga artista na gumagamit ng pangalan nila para sa demolisyon, para sa kapakanan ng kaalyado nila sa pulitika
  • yung artista na iniisip na giyera lang ang paraan para maprotektahan ang mga inaagaw na teritoryo ng bansa
  • yung artista na nagsabi na walang "MALI" na boto, kahit na alam niyang may mga kriminal sa mga pagpipilian
  • yung singer na marumi kung mag-isip, na pro- sa muling pagbusal sa media
  • yung mga hacker ng private content para sa layunin ng character demolition
  • yung basta-basta na lang nagpapakalat ng hindi verified na listahan ang anak ng pinuno ng bansa sa social media
  • yung mga pinuno na nag-e-endorse ng mga bistadong kriminal
  • yung religious group na nag-e-endorse ng mga kriminal
  • yung isa pang religious group na puros mga kriminal rin ang ini-endorse
  • sa isa sa mga venue para sa overseas absentee voting, yung may nagpakalat ng campaign materials
  • sa Cavite, yung mga supporters na nahuli dahil daw sa pamimili ng boto
  • yung report ng PCIJ tungkol sa paglobo ng yaman ng mga practitioner ng nepotismo
  • yung may bagong version na naman ng Dictator's Law history yung balimbing na tuta ng dating Diktador
  • yung sinasamantala ng Dictator Clan ang kakulangan sa recording technology at ang kawalan ng mga record noong panahon ng paghahari nila para palabasin na gawa-gawa lang ang mga pang-aabuso sa panahon ng Dictator's Law
  • yung kandidato na siniraan ang mga survey, pero ni hindi naman factual yung istorya
  • yung may nagpapauso na rin ng parang suicide bombing sa Sulu
  • yung mang-aagaw na nga ng mga teritoryo ang Bestfriend Empire, tapos eh mang-aagaw pa ng mga trabaho yung mga mamamayan nila
  • yung sinisilip dito sa bansa ang pagkakaroon ng maraming mga taga-Bestfriend Empire na ilegal na nagtatrabaho, samantalang ang dami na ng mga Filipino na bumastos sa patakaran ng iba't ibang mga bansa nang dahil din sa paghahabol sa hanapbuhay
  • yung mga ekonomista na takot na takot mawalan ng koneksyon sa Imperyo
  • ang lantarang paninigarilyo ng mga mamamayan ng Imperyo sa mga NO SMOKING area sa kanilang probinsiya
  • yung ang mga Mainlanders ang nangunguna sa paglabag sa mga patakaran sa rehabilitated na Boracay
  • yung mamamayan ng Mainland na tinapunan ng taho yung isang pulis na nagpapatupad ng anti-terrorism procedure sa pampublikong mass transport system dito sa bansa
  • sa Makati City, yung 2 Mainland citizens na nagpapatakbo daw ng prostitution den gamit ang mga probinsyana, kung saan 11 ay mga menor de edad
  • yung mga offshore online casino ng mga Imperyalista na posible daw na hindi nagbabayad ng kaukulang buwis para sa kita at para sa pasuweldo sa mga empleyado
  • yung naangkin na rin ng Imperyo ang Banaue Rice Terraces ayon sa travel guide
  • yung vacation bullying ng Imperyo gamit ang autonomous territory nila
  • yung hindi pagtulong ng mga Imperyalista DAW sa mga probinsyanong mangingisda matapos nilang mabangga daw at mapalubog ang bangka ng mga ito
  • yung mga insidente laban sa Vietnam na nagpapakita na ugali na talaga ng mga taga-Imperyo na mang-hit-and-run sa gitna ng dagat
  • yung papalapit na nang papalapit sa mga teritoryo ng bayan yung lugar na pinangingisdaan ng kung anu-anong lahi ayon sa satellite images
-----o0o-----

July 15, 2019...

sa Lipa City..
yung pulis na nahuli sa entrapment operation dahil sa pangingikil...

according sa babaeng biktima ay may inilapit lang siyang kaso tungkol sa pagbawi ng titulo ng mga ari-arian niya na naisangla ng kanyang caretaker..
(stupid system, paanong pinabayaan na ibang tao ang nagsasangla ng mga properties?)..
pero according naman dun sa pulis ay napag-utusan lang siyang maningil..
(nagamit na rin yung ganung paliwanag kamakailan lang, pero sa ibang lugar)...

bukod dun sa pulis, ay may kasabwat rin daw ito na miyembro ng Philippine Air Force...

is feeling , nakakatakot.. nagpapatulong ka, pero ikaw pa yung mas lalong gagawing biktima at tatakutin na kesyo kayang patayin...

>
yung sabwatan daw ng 14 na tao ng National Center for Mental Health..
nasa Php 60 Million worth yung niluto nilang kontrata para sa pagpapatayo ng isang depektibong pavilion...

bukod dun ang iba pa daw na maanomalyang mga paggastos ng National Center for Mental Health...

is feeling , inabuso at pinaikot ang para sa mental health...

---o0o---

July 16, 2019...

parang tanga na naman ang sistema ng SSS..
this time pagdating sa pag-a-apply ng UMID Card... :(

una, sa phone inquiry..
nagtanong ako kung pwede pa bang gamitin yung application form na 2013 version..
sinabi sa akin na luma na daw iyon, at mas makabubuti kung sa branch na lang nila ako kukuha ng kopya..
pero nakakita ako ng 2019 version sa official website din nila, at yun na nga ang ginamit ko (thinking na iyon yung updated form)..
note, downloadable, pwedeng i-reproduce, at free ang mga ganitong klase ng form...

ikalawa, pagdating sa mga valid ID..
clearly, hindi naiintindihan ng mga empleyado ng SSS kung ano yung malinaw na patakaran..
parehas na naka-state yun dun sa 2013 at 2019 version nung application form (though wala yung page na iyon sa mga photocopy na ibinibigay nila sa mga applicants)..
actually, hindi naman kasi 2 valid IDs ang requirement, na iginigiit nung mga empleyado..
1 kinikilalang primary document or ID lang ang kailangan..
at magiging 2 lang iyon, kung classified lang as secondary yung dalang document or ID..
based sa 2019 changes, eh mas dumami pa yung mga documents or ID na kinikilala na ng SSS bilang primary document...

ikatlo, sa pagpila..
for most applicants, eh nane-negate nila yung benefit nung paggamit nung website nila..
una nilang tsini-check kung tama yung mga dalang ID..
then tsini-check sa database kung anong ID o UMID Card na yung na-apply-an dati ng applicant..
tapos ay saka pa bibigyan ng form yung tao, para doon fill up-an..
at malaki ang kinakain na oras nung ganung sistema..
ang paraan nila eh magve-verify ng batch of 10 applicants..
tapos ay hihintayin nilang matapos ang lahat sa pagpi-fill up..
kokolektahin iyong mga form at muling iche-check sa record..
tapos ay saka ka pa sila makakapila sa capturing booth..
malaking abala iyon, dahil kung tutuusin ay pwede namang may nakahanda ng na-fill up-an na form, tatanggapin na lang yung mga qualified at ire-reject yung mga hindi..
pero sa halip ay naghihintayan pa ang mga tao sa pagsusulat...

ikaapat, yung form mismo..
nabalewala yung itinawag ko sa kanila..
napansin ko na kaagad na 2013 version pa rin yung ginagamit nilang mga form..
so nung turn ko na, itinanong ko kung pwede bang iyong 2019 version na nasulatan ko na ang gamitin ko tutal eh latest nga iyon..
pero sa halip..?
eh sinabi sa akin nung screener na hindi daw iyon pwede, luma na daw kasi iyong sa akin..
at isa na naman iyong patunay na hindi nila naiintindihan ang mga trabaho nila..
nakasulat naman yung date doon sa mismong form eh, month and year..
tapos yung sa akin pa yung luma..?
o hindi lang nila alam na may bago nang ginagamit..??
anyway, konti lang naman yung pagkakaiba..
sa 2019 version kasi ay itinatanong kung pensioner na ba yung applicant o hindi, at kung regular UMID or as ATM ba yung ina-apply-an..
sinabi sa akin na kesyo ii-e-mail daw iyon, kaya hindi ako pwedeng gumamit ng ibang form..
so ang ending ay nagsulat pa rin nga ako...

is feeling , hay.. kung matatalino lang sana ang nakukuhang mga empleyado ng gobyerno.. sa tingin ko eh mas bibilis at mas magiging reliable ang bawat sistema...

>
sa Pasig City..
yung 2 pulis at asset nila na inaresto dahil sa panghu-hulidap..
nangikil sila ng pera at tinangay pa yung wedding ring nung lalaking biktima...

is feeling , wala na talagang pag-asa.. mula sa tuktok, pababa sa mga tauhan - ang daming masasama...

>
hindi kailangan ng bayan ang UN..
bahagi tayo ng Impiyerno..
este, Imperyo pala...

diktadurya ang susi para sa isang malaganap na Imperyo...

is feeling , sawsaw pa nang maige si Princess Dictator...

---o0o---

July 17, 2019...

sa Makati City..
yung rape-slay case kung saan 1 y/o na batang lalaki ang biktima..
isang lalaking construction worker daw yung suspek...

is feeling , nakakatakot talaga ang mga male-based na tao dahil sa kakayahan nilang pumatay...

>
yung Anti-Jaywalking Unit ng MMDA..
yung may modus kung saan nag-i-issue sila ng mga pekeng resibo sa mga nahuhuli nila para sila ang kumita ng pera...

is feeling , Recto No Jutsu...

---o0o---

July 18, 2019...

ang bobo na naman ng maraming tao..
so ang logic pala nila eh kapag nagpalabas ka ng rape scene sa national TV, eh ibig sabihin na ipino-promote mo yung rape..?
nasaan yung comprehension dun..?
hindi ba pwedeng ipinapakita yung masamang gawain na dapat labanan...??

so mali rin pala yung ginagawang pagpapalabas sa news, Maalaala Mo Kaya, Ipaglaban Mo, SOCO, Imbestigador, at iba pang TV programs ng mga isyu tungkol sa rape..
eh sa pangre-rape daw ang itinuturo ng rape topics eh...??

tapos ikukumpara na naman yung isyu sa Hokage na Mahilig..
kaiba naman na yung tao mismo ang nagsusulong ng rape..
kesyo sana eh siya ang gumawa nung ganun, o kesyo sagot niya ang pangre-rape ng mga piling tao..
kaiba na siya mismo yung nagpapasimula ng pambabastos sa mga babae...

samantalang ang daming bed scenes at adultery na nagpapakita talaga ng skin sa di hamak na mas maaagang oras...

ang mali lang dun sa istorya nung mga babaeng pulis eh hindi sila nanlaban noong nasukol na sila..
eh parang ang gusto ng mga tao eh puwerket pulis eh hindi na pwedeng mabiktima ng pang-aabuso eh..?
kung tutuusin eh implied lang naman yung rape scene at hindi talaga nagpakita ng skin..
mas gusto ba nila na naalis sana yung mga uniform...??

naalala ko tuloy yung isyu sa isang academy..
yung nagpa-oral sex at nagpa-live viewing pa yung mas nakatataas na estudyante..
yun ba yung tinutukoy nila na sapat na training, na dahilan para maging imposible yung ganung pangyayari...??

is feeling , sining ang pagsusulat ng script...

>
maganda nga naman yung punto ng Mayor ng Manila..
na hindi puwerket gusto mong gayahin yung magagandang projects ng isang tao, eh ibig sabihin na gusto mo nang tularan nang 100% yung taong iyon - lalo na kung demonyo iyon...

hangga't hindi niya nililinis ang pangalan nung kriminal na angkan..
hangga't hindi niya iginigiit na tama ang lahat ng ginawa nila..
hangga't hindi niya ginagaya ang level nila ng Dictatorship..
hangga't hindi siya nagnanakaw gamit ang mga proyekto..
hangga't hindi siya ang nagbubusal sa media..
hangga't hindi siya nagpapapatay ng mga tao..
eh hindi pwedeng sabihin na magiging demonyong pinuno na rin siya...

is feeling , under observation...

---o0o---

July 19, 2019...

masyadong malawak ang saklaw ng gustong imbestigahan ng UN..
though marami na ring napatunayan na mga itinumba lang, kahit mga hindi naman popular...

pero siguro, para mas malinawan ang buong mundo..
dapat siguro na mag-focus na lang ang international community sa pag-i-imbestiga tungkol dun sa mga high profile daw na obvious na itinumba, at pinagpatayan pa ng mga CCTV camera..
dapat malaman ng lahat kung bakit sila pilit na ipinapatay, at kung bakit ganun na lang kabilis ang pagtatanggol noon sa mga taga-tumba ng Hokage na Mahilig at ni Jonin Kalbo..
dapat ring malaman kung anong pinanghahawakan ng mga Criminal Witnesses, dahilan kung bakit hindi sila itinutumba sa kabila ng patuloy daw na operasyon ng illegal drug trade mula sa loob ng kulungan..
at isama na ring imbestigahan yung Imperyalistang negosyante DAW, na hindi naman pala kasamahan ng iba pang mga negosyante, at nadadawit pa nga ang pangalan sa industriya ng masamang bisyo sa loob ng mahabang panahon...

is feeling , nandun ang sagot na hinahanap nila.. kung bakit hindi talaga matatapos ang giyera laban sa masamang bisyo...

>
yung oversupply ng pinya sa Calauan, Laguna..
mag-iisang buwan na daw yung ganung sitwasyon nila doon...

is feeling , sayang na naman...

>
yung panibagong reklamo tungkol sa tanim-bala sa Tuguegarao City airport...
pamilya ng isang babaeng Mayor ang naging biktima...

is feeling , paulit-ulit...

>
ayan na nga..
gumawa na naman sila ng panibagong Criminal Witness..
Sedition na ang kaso...

yung nature ng mga dating kaso nung Criminal Witness..?
tapos ngayon nga eh reliable na siyang testigo...??

is feeling , ang kakampi ng masasama ay masasama rin...

>
naka-drugs yata ang grupo ng Hokage na Mahilig...

bumaba na DAW ang presyo ng mga commercial na bigas..?
eh nasa Php 20 plus nga lang yung NFA rice dati..
nasa Php 30 plus yung ipinagmamalaki nila ngayon..
yung binibili namin eh nasa Php 50 plus na, pero dahil wala ng mga pangalan eh hindi namin masabi kung imported nga ba iyon o yun pa ring local brand na binibili namin dati...

ang presyo daw ng mga bilihin eh napababa na nila..?
samantalang kamamahal pa rin ng mga gulay, isda, at karne..
halos lahat naman ng mga nabibili ko sa grocery eh hindi pa rin nakakabalik sa mga dati nilang presyo...

at ang pamasahe din..
hanggang ngayon eh hindi bumababa yung provisional fare na Php 9.00...

is feeling , manipulahin nyo pa ang mga numero...