and i missed her 3 times...
---o0o---
October 3, 2013...
ewan, but i couldn't sense her tuwing umaga ngayong week na 'to..
sa gabi ko na lang siya naii-spot-an dahil sa 8:00 PM niyang mga uwi..
hindi ko pa yata siya ulit nakikita nang harapan na naka-ponytail..
seksi rin kasing mag-ponytail yung batang yun eh...
well, Friday na naman..
i hope umuwi siya by 5:00 PM..
at sana, magpanagpo na ulit kami...
end of Day 3...
---o0o---
October 4, 2013...
teka..
bakit nga ba ako nalulungkot na kaagad..
hindi naman kaya mag-uwian yung Espasol sa panahon ng training niya..?
kasi posible naman eh, dahil may mga kakilala akong gumagawa nun..
unless balak nilang mag-apartment ng mga makakasama niya dun..?
or kung my relative sila malapit dun sa location..?
well..
makikita natin kung gaano ka-istrikto nito si Tatay-in-law...
---o0o---
straight na 8:00 PM (at madalas pasado pa) ang uwi niya nitong dumaang weekdays..
mukhang masyado yata silang busy sa school lately..
tas may Teacher's Day pa..
swerte na lang ako at naka-regular schedule pa rin siya kahit papaano last September 27, kung hindi - eh nawasak lahat ng plano ko noong araw na yun...
she's been really quiet lately..
siguro dahil nga busy na sa school at sa pag-aayos ng training nila..
all her thoughts simula noong May hanggang September eh tila tumutukoy nga sa love life niya at dun sa luckiest guy on Earth na yun..
lahat ng yun eh natigil last September 16 pa, wherein parang pamamaalam na yung tono ng pahayag niya..
ang sumunod dun eh isang may pagka-malabong pahayag last September 28, na may kinalaman sa 'pagiging mapanghusga'..
that was a day after nung Rose Incident...
mahirap 'to..
paubos na ang buwan ko ng October..
at hindi na siya naglalabas ng mga clue..
paano ko pa malalaman ang kalagayan ng puso niya neto... T,T
[ feeling ..hiling-hili pa rin sa luckiest guy on Earth... ]
end of Day 4...
---o0o---
October 5, 2013...
galing pala sila sa seminar sa BiƱan, Laguna kahapon..
kaya pasado 8:00 PM na nakauwi ang bata...
at dahil din busy sa school lately..
eh ngayon lang nagawang isulpot sa Instagram yung roses..
same caption lang..
"Kanino ka galing?"..
hindi ko masabi kung nagmamahili lang yun sa mga followers niya..
o kung interesado ba talaga siyang malaman kung sino yung nagpadala sa kanya nung flowers...
well..
nakakakilig din naman kahit na papaano..
i mean, at least naiisip niya ako - kahit na hindi naman niya talaga alam na ako pala yung iniisip niya..
at tsaka umaabot pa online yung ginagawa ko for her..
at kahit papaano, eh parang hindi na siya naaapektuhan dun sa luckiest guy on Earth na yun...
[ feeling ..kinikilig.. pero - 'konti' lang (Mcdo style)... ]
---o0o---
at heto naman ang script na paulit-ulit nang naglalaro sa isip ko..
wala 'to sa realidad ha..
pero, pasok na lang siya nang pasok sa utak ko eh..
masyado kasing mapag-pantasya:
so ang nangyari eh may nagpadala sa'yo ng bulaklak..?
pero walang sinabi kung kanino mismo galing yun..?
at iniisip mo na isa ako sa posibleng gumawa nun..?
hindi ko alam kung ano 'tong pakiramdam na 'to, siguro i'm flattered na malaman na isa ako sa MGA pinaghihinalaan mo...
pero sa ngayon, i don't think it's safe for me na magbigay ng definite na sagot..
tingin ko kasi na ako yung LUGE kahit na ano pang ibigay kong sagot eh..
kung sasabihin ko kasing 'HINDI ako yun' - eh parang tinutulungan naman kitang makilala kung sino nga yung nagpadala sa'yo nung flowers, dahil mababawasan nun ang bilang nung mga suspek mo..
kung sasabihin ko namang 'OO, ako nga yun' - eh baka masira ko lang lalo ang pagtingin mo para sa akin.. ang alam ko kasi eh ayaw na ayaw mo dito sa nararamdaman ko para sa'yo...
hindi pa ba sapat para sa'yo na hindi na kita nilalapitan..?
hindi pa ba sapat na hindi na rin kita kinakausap online..?
eh halos ubusan mo na nga ako ng paraan para mailabas ko pa 'tong nararamdaman ko para sa'yo eh..
kinikimkim ko na nga lang lahat yun sa loob ko..
sinusubukan ko namang sundin lahat ng pakiusap mo sa akin..
eh kahit nga nagkakasalubong na tayo sa daan eh hindi na kita magawang batiin, para lang hindi ka mailang sa akin..
ngayon, hindi pa ba sapat yun..?
mabuti na nga lang at kahit papaano eh paminsan-minsan ay pumupunta ka pa rin sa amin at bumibili eh..
kahit papaano eh nakikita pa rin kita..
kahit na papaano eh nakakausap pa rin kita kahit na tungkol sa sobrang simple lang na bagay..
gusto kita, [name of Espasol]..
hanggang ngayon eh gusto pa rin kita..
siguro nga hindi ko pa masasabi na pagmamahal na 'tong nararamdaman ko para sa'yo..
pero naging mahalaga ka ng parte ng buhay ko..
kaya naman ayoko nang bigyan ka pa ng dahilan para mas iwasan mo pa ako...
kaya ayun..
sorry, pero sa NGAYON, mas gusto ko munang maging selfish..
kung sinuman yung lalaking nagbigay sa'yo nung bulaklak - eh ayokong makilala mo siya..
besides, i think unfair naman kung sasagutin ko ang tanong mo, samantalang hindi mo pa naman sinasagot ang mga tanong ko sa'yo..
kaya hindi na lang ako magbibigay ng DEFINITE na sagot..
maaaring may mabuo kang assumptions..
pero mananatili lang na assumptions ang mga yun hangga't walang naamin...
pero ayoko namang isipin mo na sobrang damot ko..
kaya bibigyan kita ng advice..
alam mo ba na may meaning ang mga bulaklak..?
pero depende pa rin yun kung sentimental nga o hindi yung nagbibigay nun..
sabihin mo, nasubukan mo na bang i-analyze yung flowers na natanggap mo..?
kung anong type ng bulaklak..?
anong color..?
ilang piraso ba sila..?
paano sila inayos..?
maging yung date kung kailan mo natanggap yun eh baka may meaning rin para dun sa nagpadala..?
o wala bang iniwan na message..?
baka may makita kang pattern, baka sakaling pamilyar sa'yo yung sulat niya, o yung style niya sa pagbuo ng mga sentences o style ng paggamit niya sa mga punctuation..
ayun...
kung ako sa'yo, huwag mo nang masyadong isipin yun..
sa tingin ko kasi walang lalaki na basta na lang mag-e-exert nang ganung klase ng effort nang wala man lang balak na umamin sa ginawa niya..
unless tuluyan nang mabahag yung buntot niya..
yung pagiging anonymous - he probably did that for a reason..
eventually, aamin rin yun...
isa pa..
kung sino man yung masuwerteng lalaki na yun..
yung luckiest guy on Earth na yun..
yung lalaking nagugustuhan mo..
at yung lalaking bumabalewala at nakakapagpalungkot sa'yo..
eh i just hope na ma-realize niya kung gaano kagandang pagkakataon 'tong pinapakawalan niya..
totoong wala naman akong ni gatiting na alam tungkol sa ugali mo..
pero sa tingin ko naman eh you deserve to be loved...
script lang yan..
huwag seseryosohin..
at yun nga..
end of Day 5...
---o0o---
October 6, 2013...
Sunday Samba-day..
naka-white blouse..
black skirt..
parang checkered black flats..
at lugay lang...
pagkabalik nila ng tanghali eh hindi na muna sila umalis...
i'm not sure..
pero mga bandang 4:00 PM na siguro noon..
kinuha namin yung baby sa kabilang bahay dahil aalis yung parents nito..
tas dahil may araw noon eh naisip kong payungan naman yung bata..
since yung early morning na sikat ng araw lang naman ang sinasabing healthy para sa katawan ng mga tao...
pagkabalik namin ng bahay..
eh inayos at itinali ko na yung payong, since hindi naman nag-uuulan na lately..
ewan ko ba kung coincidence lang ulit..
pero habang ginagawa ko kasi yun eh may nagsalita naman mula sa bakuran nila ng 'PAYONG' daw..
hindi ko narinig nang malinaw kung ano pa yung ibang sinabi..
pero naisip ko na ako lang naman yung may hawak ng payong noong mga oras na yun eh...
bale, third word o phrase na 'to..
yung unang dalawa kasi eh:
- CRUSH - kauuwi lang nila noon ng bahay at sabi ni half-brother-in-law eh "ayun yung crush mo", habang papunta ako noon sa may tindahan.. wala akong kini-claim ha, hindi ko sinasabing ako yung tinutukoy dun.. basta nagkataon na kalalabas ko lang noon ng gate namin, at hindi ko rin naman alam kung kaninong crush yung tinutukoy nung batang lalaki...
- YELO - una namang nangyari 'to noong minsan na nagwawalis ako sa terrace namin, kasabay 'to nung 'red tanktop incident'.. basta pagdaan nung magkapatid na babae sa tapat namin eh may nagsalita sa kanila na "bili na ng yelo", pero hindi din naman sila bumili.. sa pagkakataon na 'to eh hindi ko din sigurado kung sino yung umimik nung mga keywords.. may isa pang kagaya na insidente nito eh, noong minsan na may mga bisita sila, pero wala naman ako noon sa labas ng bahay namin para masabi na pinariringgan lang nila ako.. sa kaparehong insidenteng iyon eh hindi rin naman sila bumili ng yelo...
wala lang..
feeling ko lang na ako yung pinapatamaan nila..
eh makapal kasi ang mukha ko eh..
feelingero...
by 4:20 PM eh may mga umalis mula sa bahay nila..
hindi ko alam kung sinu-sino..
basta parang may bisita rin sila noon eh..
at yung kotse lang yung ginamit..
sigurado akong may mga naiwan sa bahay nila dahil may movements naman..
although hindi ko masabi kung kaninong grupo napasama yung Espasol..
at hindi ko na namalayan yung pagbalik nung kotse..
siguro sobrang ginabi na yun ng uwi...
at ganun na lang natapos ang Day 6...
No comments:
Post a Comment