Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (May 10, 2013)

May 10, 2013..
(might also make it to my journal)

nitong araw na 'to eh wala talaga akong p-in-lano na pagkikita namin..
nautusan lang akong bumili ng ilang 3-in-1 coffee sa tindahan dahil naubusan na pala kami ng asukal..
pagkabukas ko ng gate namin, narinig ko na lang na nagbubukas na rin yung gate nina Miss Robledo..
kaya medyo nag-panic ako sa loob-loob ko..
naisip ko nga na baka siya yun, considering yung oras noon..
kaya naman hindi ko na nilingon kung sino man yung lumabas sa may gate nila..
dire-diretso lang akong naglakad papunta doon sa suki naming tindahan..
tas yung lumabas naman mula sa kanila eh pakinig ko na naglalakad naman papunta doon sa malapit sa kanilang tindahan...

pagdating ko dun sa suki naming tindahan..
habang bumibili na ako..
saka ko na lang naisip na silipin kung sino nga ba yung lumabas sa kanila..
at nakita ko nga na siya nga yun..
para ngang nakita ko rin siyang tumitingin sa direksyon ko, siguro akala niya iniiwasan ko siya kaya doon pa ako sa mas malayong tindahan pumunta...

naka white tee shirt siya na may malalaking print..
green na jogging pants..
flip-flops..
at naka mid-ponytail yung tuyo pa niyang buhok...

tapos na ako sa pagbili, pero napansin kong hindi pa rin siya umaalis dun sa tindahan sa may tapat ng bahay namin..
naisip ko tuloy na mukhang madadaanan ko pa yata siya..
basta naglakad na lang ako nang dire-diretso..
hindi ko siya pinapansin..
ni hindi ko siya nililingon..
tumungo na lang ako para wala na akong makita...

ewan..
siya naman yung humiling nun eh..
hindi siya interesado sa akin..
at gusto niyang huwag ko na siyang kulitin..
so kapag pinagsama ko yun, ang dating sa akin nun eh lumayo na lang ako sa kanya..
edi yun ang gagawin ko..
hindi ko na siya muling lalapitan pa na ako yung gagawa ng move..
kung ma-guilty man siya o manibago sa pakikitungo ko sa kanya, eh problema na niya yun...

---o0o---


noong hapon naman..
i tried talking to my biological mother..
siyempre, iniwasan kong magtunog na concern na concern ako tungkol dun sa tsismis niya noong isang gabi..
basta pinalabas ko na lang na hindi sila dapat nakikipag-tsismisan tungkol sa mga ganung bagay..
lalo na kapag kausap yung mismong mga Robledo...

at napaamin ko naman siya..
yun daw magandang dalaga na taga-tapat yung sinasabi niyang nagkaka-crush sa akin..
(magandang dalaga? sa totoo lang masyado kayong madaling malinlang ng mga paningin nyo - iba pa naman kasi yung maputi kesa sa maganda)..
for some reason, noong narinig ko na yung sinabi niyang yun, eh pakiramdam ko na mas lalong nagkalamat sa puso ko...

so may ideya rin pala ang mga biologicals ko tungkol sa kung ano ang totoo..
sa bagay, madami naman talagang tao ang pranka na pagdating sa mga ganung bagay..
kaya siguro wala namang itinatago na yung family nila...

bale yung pinaka-source pala nitong tsismis eh yung biological demon father (BDF) ko..
and because of that, eh mas bumaba pa yung accuracy nung data na hawak ko ngayon - dahil may pagka-bingi yun eh.. >,<
at may pagkamali-mali sa pag-intindi ng mga istorya...

ang nangyari daw kasi eh..
nasa may tindahan noon ang BDF ko..
nagkataon na pumunta rin doon si Miss Robledo at yung tumatayo niyang ina..
biniro daw nitong si Mrs. Robledo yung dalaga nila, 'are ang iyong biyanan' ang sabi niya kay Miss Robledo nang makita niya ang BDF ko..
are namang BDF ko eh nagtaka sa biro nung ale, 'bakit' daw..?
at naulit nga ni Mrs. Robledo na may crush daw yung dalaga nila sa akin...

tapos areng BDF ko naman eh sa halip na sa akin mismo magkuwento eh sa asawa niya ibinalita yun..
at dahil likas na madaldal areng biological mother ko, eh siya naman yung nagkuwento sa akin...

kung yung mismong kuwento yung pagbabasehan ko, eh mukha nga namang pumapabor pa rin sa akin yung sitwasyon..
yun eh kung ia-assume ko na ganun nga mismo yung nangyari..
pero dahil sa mga 'source' mismo, eh duda na ako sa accuracy nung istorya na yun..
baka kasi nagkamali lang sila ng interpretation sa mga pangyayari...

kung ako ang mag-a-analyze, marahil ganito yung totoong nangyari:
malamang naikuwento na ni Miss Robledo sa family niya kung ano man yung mga ginawa kong paglapit sa kanya noon..
probably dahil magkalapit lang ang mga bahay namin, at para sa magkakapamilya eh mukhang interesante ang mga ganung topic..
siguro naikuwento niya na baka may gusto o crush ako sa kanya dahil sa mga paglapit-lapit ko, na (1) posibleng na-misinterpret ng tumatayo niyang mom - na baka nabaliktad nito yung istorya at inakala niyang si Miss Robledo yung may crush sa akin...
ngayon..
noong time na nagkita-kita sila ng BDF ko sa may tindahan..
posible rin naman na binibiro lang ni Mrs. Robledo ang kanilang dalaga..
(2) alam nyo yung mga klase ng biro na parang binabaliktad yung istorya, yung tipo na kahit na ayaw na ayaw ng isang babae sa isang lalaki eh bibiruin pa rin ito ng mga kakilala niya na parang palalabasin na may gusto siya dun sa lalaki - just for the sake of teasing her..
o (3) baka naman areng BDF ko nga ang nagkamali ng interpretasyon sa mga biro ni Mrs. Robledo dahil nga sa kabingihan niya - na baka ako nga yung tinutukoy noong isa na may crush sa dalaga nila, sa halip na Miss Robledo ang nagkaka-crush sa akin...


and since mas tama pala na siya yung tinutukoy dun sa tsismis..
naisip ko tuloy, siya rin kaya talaga yung binibiro nila sa akin na magkakapatid..?
pero parang imposible talaga...


i mean, her Facebook account looks legitimate..
pati mga connection, conversations, and mga tags eh mukhang tama naman..
dahil kung poser account yun, edi dapat matagal na nilang nahuli yun..
besides, tamang-tama yung timing nung account niya nung nag-send ito nung message tungkol sa pag-reject niya sa akin..
maliban na lang siguro kung may iba pang may access sa account niya..
i gave her my number, pero hanggang ngayon hindi naman niya ako kinakausap sa phone, na baka nga tinapon na niya yung contact number ko doon pa lang sa jeep eh.. >,<
pero sa totoo lang, wala akong way sa ngayon para mapatunayan kung siya nga ba yung nakausap ko o hindi..
hindi ko naman siya pwedeng lapitan dahil mapapahiya lang ako in case na mas totoo yung naging rejection niya sa akin noon - and i cannot risk on that..
napahiya na ako nung ni-reject niya ako..
hindi ko naman kaya na hiyain pa yung sarili ko sa mismong harap niya - dahil baka wala namang matira sa akin nun...

sa ngayon wala akong magagawa..
kundi ang maghintay..
kung isang araw muli siyang lumapit o kung gumawa siya ng paraan para makausap ako..
baka magkaroon pa ako ng pagkakataon para malaman ang katotohanan mula mismo sa kanya..
pero kung hindi na..
wala na akong magagawa kundi tanggapin ng buong-buo na ganito talaga yung dapat kahantungan ng mga pangyayari - isang kabiguan...T,T

No comments:

Post a Comment