lumampas na sa isang buwan yung papeles ng biological mother ko sa
GSIS, kahit na nasa policy nila mismo na within a month after
makapag-file ng retirement eh gumagana na dapat ang pension ng mga
miyembro..
kung tutuusin September pa last year nang na-detect
yung error ng record niya, April nitong taon eh tinutukan na niya yung
pagpapaayos nun..
pero ano ba ito't pabagu-bago ang statement ng bulok na GSIS na yan..?
bukod pa dun..
maging yung panganay kong biological brother eh nagkakaproblema na rin sa pananalapi..
eh siya nga itong akala naming maayos na maayos na ang pamumuhay sa ngayon...
ano ba talaga 'tong parusang 'to..?
kumakalat na ba yung curse..?
sino ba talaga ang nagdadala ng kamalasan sa biological family na 'to..?
No comments:
Post a Comment