Wednesday, April 16, 2014

Untimely Love Story (August 11, 2013 - Regret)

August 11, 2013..
(non-journal entry)
halos wala nang magandang nangyayari lately para magsulat pa ako sa mismong journal ko...

isang linggo na naman ang lumipas..
na-miss ko siya ng 4 na beses nitong buong week..
(considering a week na sa Monday nag-i-start)...

hindi ko rin siya nakita today - Samba-day..
dahil bantay-sarado na naman ako ng mga kasama kong demonyo dito sa bahay..
pero somehow, nalaman ko pa rin naman kung anong klase yung mga suot niya..
ewan ko pa rin ba..
hindi ko maipaliwanag nang husto..
i know she's not perfect..
ni hindi nga siya top class pagdating sa kagandahan..
at hindi pa kasali neto sa usapan yung kagandahan ng loob ng isang tao, ng isang babae..
pero may mga pagkakataon talaga na kakaibang aura yung ini-emit niya..
yung kakaibang radiance..
na kung saan parang lutang na lutang kung anuman yung taglay niyang kagandahan..
at isa yun sa mga nagustuhan ko sa kanya...

---o0o---


wala na talaga akong kaide-ideya sa mga nangyayari..
masyadong vague yung mga clues para makagawa ng conclusion..
at saka ko rin lang napansin na wala akong mako-contact ni isa sa kanila, nang palihim..
kung gagawin ko man, eh mapipilitan akong ibunyag sa kanila ang sarili ko...

mukhang may nagugustuhan na nga siyang lalaki..
yung tipo ng lalaki na nababalewala siya..
at yung nasasaktan siya..
hindi ko alam kung sino ba yun..
wala naman kasi akong nakikita pang concrete o pisikal na ebidensya dito sa lugar namin..
basta parang gustung-gusto nung Espasol yung guy..
na kahit may mga pagkakataon na nalulungkot siya dahil dun..
eh willing pa rin siyang maghintay para lang sa kanya...

such a lucky bastard..
anong klase ba talaga siya para magustuhan siya ng babaeng gusto ko..?
at bakit parang hindi niya magawang pakawalan ang lalaking yun kahit na nasasaktan na siya nito..?
deserving ba talaga siyang maituturing para sa pagtingin nung Espasol..?

---o0o---


habang tumatagal at mas nabababad ako sa pakiramdam na 'to..
parang puros regret na lang yung pumapasok sa isip ko...

malaki ang pagsisisi ko..
pakiramdam ko kasi na nagulo ko lang ang natural na takbo ng mga bagay-bagay simula nung gawin ko yung hakbang ko last April 22..
nagpatukso ako sa mga hinala ko..
at sa bandang huli na-reject lang ako at ipinagtabuyan palayo...

sabi nung isa sa mga kakilala ko..
bale, babae siya..
hindi ko daw dapat pinanghawakan yung istorya na may crush yung batang Espasol sa akin..
maging totoo man yun o purong biro nga lang..
dahil yung mga ganung konsepto ng 'crush' eh pwedeng mawala..
lalo na pagdating sa mga babae..
dahil ganun talaga yung nature nila eh..
magulo at pabagu-bago ang takbo ng isip (ayon yun dun sa kapulong ko ha)..
at ang isang punto pa niya eh..
baka daw na-turn-off yung Espasol nung malaman niya na alam ko na nagka-crush siya sa akin..
pero ang sa akin naman eh, kelan ko lang ba nalaman ang tungkol dun sa bagay na yun..?
eh di ba noong pagkatapos ko pa naman ma-reject sa unang pagkakataon..
kaya hindi pwedeng sabihin nung Espasol na ginagamit ko lang yun laban sa kanya..
na yun yung basehan ko ng pagkakaroon ko ng gusto sa kanya..
dahil ang totoo halos 2 taon na akong interesado sa kanya..
tsaka hindi ko naman hiniling na malaman ko pa ang tungkol sa istoryang yun ah, lalo na sa ganung paraan - sa tsismis...

nakakatampo..
dahil hindi na talaga siya nabili dito sa bahay..
kahit na sino sa kanila eh hindi na nabili dito sa bahay..
yung stepmom niya, si brother-in-law, at pati si sister-in-law..
nakakapanghinayang..
kasi parang pati yung simpleng samahan namin na yun bilang magkaka-subdivision eh nasira dahil lang sinubukan kong mapalapit sa isa nilang kapamilya..
at isa talaga yun sa mga pinagsisisihan kong naging outcome ng istorya kong ito..
dahil pakiramdam ko na hindi ko na ulit makikita pa nang malapitan at makakausap yung Espasol na yun sa ganitong paraan - yung ganitong 'natural' lang sana...

sa ngayon..
parang pabigay na areng tindahan sa tabi nila..
mukhang susuko na daw..
kapag nangyari yun..
edi saka magkakaalaman kung talagang ilag na nga sa akin ang pamilya nila..
kaso - may nagbukas naman ng maliit na tindahan na katabi nitong naghihingalo ng tindahan, whadapak!?? >,<
pero mukhang maliit na maliit lang naman...

sobra-sobra na ang kadiliman dito sa puso ko..
and it only grows sa bawat maling desisyon na nagagawa ko...


No comments:

Post a Comment