Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (May 7, 2013)

May 7, 2013..
(non-journal entry)

isa pa sa pinakamasakit na pakiramdam sa mundo eh yung pakiramdam na wala talagang nakakaintindi sa'yo..
yung akala mo kung sino talaga silang magagaling kung magsalita at makapangaral..
yung akala mo naranasan na nila lahat ng pagsubok sa buhay, pero hindi naman..
yung akala mo alam nila yung pakiramdam na lahat ng ginagawa mo eh nasisira lang at nauuwi sa wala kahit na gaano mo pa gustong lumaban sa buhay..
pero sa totoo lang nakakapagsalita lang sila ng mga ganung bagay dahil wala namang nangyayaring hindi maganda sa kanila sa kasalukuyan...

kapag okay ang balita tungkol sa buhay ng isang tao, natural lang na hindi yun basta mapansin ng iba..
pero kapag sa oras ng problema, natural din na mag-express ka ng mga hinaing mo..
o di kaya umiyak..
hindi pwerket madada ka sa isang punto ng buhay mo eh nangangahulugan na ganun na yung buo mong pagkatao..
lasa ko naman eh kahit na sinong dumaan na noon sa problema eh nagawa nang maglabas ng sama ng loob sa kahit na anong paraan na gusto nila...

natural lang sa akin na magsulat nang magsulat..
dahil ito yung isa sa mga linya ko..
wala akong pakialam kung gaano ka-personal o kasama ang mga sinusulat ko..
buhay ko naman yun eh..
tsaka wala naman akong pinapangalanan..
sino ba ang pinilit kong magbasa..?
wala naman..
andyan lang ang mga post na yan dahil pakiramdam ko may kausap na rin ako sa tuwing nagsusulat ako..
yun ang paraan ko ng paglalabas ng mga sama ng loob - para hindi naman ako mapuno nang mapuno...

minsan naiisip ko..
kung gusto ko talagang maintindihan ako ng ibang tao, lalo na yung mga obvious na nagmamaalam lang sa buhay..
bakit kaya hindi iparanas sa kanila ng kapalaran yung pinakamatitinding bangungot sa kanilang mga buhay..
lahat ng bagay na pinakakinatatakutan nila sa lahat..
gusto kong makita kung masasabi pa nila yang mga 'move on' at 'grow up' na yan pagkatapos nilang mawalan ng mga bagay o tao na pinakamahahalaga para sa kanila..
halimbawa bakit kaya hindi sila ma-gang-rape, mawalan ng buong pamilya, o maputulan ng mga braso at mga paa..
kapag nagawa nilang bumangon matapos dumaan sa pinakamasasakit at pinaka-traumatic na pangyayari sa kanilang mga buhay..
saka lang ako maniniwala - na talagang napakahina at walang kakwenta-kwenta akong nilalang...


No comments:

Post a Comment