Wednesday, April 16, 2014

A Laptop Sideline - Late January, Early February 2014

late January...

alam mo..
i wanted to tell you yung tungkol sa naging desisyon ko..
hindi na nga kasi ako nakasagot nung narinig ko yung naging sagot sa akin ng parents mo, ng Stepmom mo..
kaso nga, wala ka namang time noong huli tayong nagkausap...

kaya heto..
hindi ko na lang sasabihin sa'yo yung tungkol dun..
kasi hindi mo naman obligasyon na pakinggan lahat ng sasabihin o gusto kong sabihin sa'yo..
besides, nag-decide na rin nga ako na sumunod sa patakaran ng parents mo, dahil may punto naman sila sa pagpapataw nila sa'yo ng rule na yun..
kaya sa ngayon, wala na ulit akong magagawa para lapitan ka...

kung may hindi man naging mabuting epekto yung pagharap at pagtatapat ko sa parents mo ng tungkol sa feelings at mga balak kong gawin para sa'yo..
yun eh - nalaman na nga nila kung anuman yung nararamdaman ko para sa'yo..
at nalaman ko na nga rin yung mga patakaran nila na may kinalaman dun..
ibig sabihin, obligado na akong sumunod dun sa rule nila dahil hindi na ako inosente dun - bawal na ang panunuyo nang patago..
tsaka imposible nang hindi nila mabigyan ng pakahulugan o malisya ang bawat gagawin kong paglapit sa'yo pagkatapos nung ginawa kong pag-amin..
kaya para naman hindi nila pagdudahan yung tiwalang ibinibigay nila sa'yo, eh ako na ulit ang kusang iiwas pansamantala...

at ang tungkol sa desisyon ko..
handa akong maghintay..
kahit na mag-repeater ka pa sa college o kumuha ka ng kung ano pang related sa kurso mo..
kahit na may iba ka ng boylet o Luckiest Guy on Earth na naghihintay rin lang na maka-graduate ka na..
maghihintay ako para sa pagkakataong yun - kung kailan pwede na..
sana lang talaga may hinihintay pa ako pagdating nung time na yun...

49 days to go... — feeling iniisip ko kung bakit sinabi mong okay lang na subukan kong ilapit na muli ang sarili ko sa'yo - na yun pala eh hindi ka pa naman pwedeng magpaligaw nga...?

8 months..
sobrang tagal kitang tiniis at na-miss..
at hindi ko naman inakala na kakailanganin na ulit kitang ma-miss sa loob ng ilang buwan... T,T

---o0o---


early February...

ano nga bang nangyari ngayong nagdaan na linggo..?

ayun, dahil February na..
habang nakikipaglaban ako sa hindi ko pa matukoy na sakit sa balat..
eh nag-iisip ako kung dapat ko pa nga bang ituloy yung Valentine plan ko o hindi na lang...

noong simula, naisip ko na baka naman pwede ko pang mailusot yun..
naisip ko na kung gagawin ko ulit yung ginawa ko last September, eh baka mapalampas pa yun ng parents ni Crush..
personal ko nang iaabot sa kanya yung flowers, pero gagamit na lang ulit ng initial..
naisip ko kasi na first Valentine 'to na daraan matapos naming personally na magkakilala ni Crush eh..
at nanghihinayang ako na palampasin na lang yung ganitong klase ng pagkakataon kung kailan pwedeng-pwede ko sanang i-express ang nararamdaman ko for her (considering na meron na nga akong naihandang draft ng love letter noong January pa)..
naisip ko rin na pwede kong idaan dun yung mga hindi ko na nagawang sabihin sa kanya na desisyon ko..
sa sobrang excited ko eh nagdugtong na nga ako ng version 2 dun sa original letter ko...

but then, na-realize ko na imposible nang lumusot yung initial..
kasi malalaman na nilang ako yun base dun sa nilalaman nung letter ko eh..
at hindi ako para mag-assume na hindi yun aaminin kina Ma'am at Sir ni Crush, o na hindi nya yun ipapabasa sa kanila...

oo, mahalaga 'tong dadaan na Valentines Day para sa akin..
kasi nga may plano na ako para sa araw na yun..
besides, hindi ko rin naman masisiguro na aabot pa ako sa susunod na February 14 eh..
kasi baka sa panahon na yun eh may nasagot ng boyfriend si Crush..
so waiting is not really an option...

but then kinailangan kong timbangin muli yung sitwasyon..
her parents expect me not to make a move, dahil sa napag-usapan namin..
not until maka-graduate na siya..
although wala naman akong iniwan talaga sa kanilang desisyon na kesyo 'hihintayin ko yung anak o anak-anakan nila'..
eh i think dapat automatic na sumunod ako sa patakaran nila..
as a sign of respect para sa mga taong nag-alaga at nagpaaral sa babaeng nagugustuhan ko..
ayokong masira yung tingin nila sa akin, para lang masabi ko kay Crush yung mga bagay na hindi ko na nagawang sabihin sa kanya..
at tsaka wala naman sa side ko yung babaeng gusto ko eh..
kaya siguro halos walang impact kung sasabihin ko pa sa kanya yung mga hindi ko na nga nasabi nitong huli...

tutal, nag-decide na rin naman akong maghintay para sa kanya..
edi ipapakita ko na lang yun..
kapag dumating na yung right time..
para naman wala na akong matapakan pa na kahit na kaninong patakaran..
at tungkol naman sa Saint Valentines Day..
oo, hindi ko na maibabalik yung pagkakataon kapag dumaan na yun..
kaya naman ang gagawin ko na laang eh - ako na ang magmo-move nung okasyon..
gagawa na lang ako ng sarili kong Saint Valentines Day kung kailan maaari na..
ang maganda pa nun, eh mas makakatipid na ako sa bulaklak sa time na yun dahil wala ng okasyon..
basta, wag ka na laang magtatampo Crush kapag wala kang natanggap mula sa akin sa Valentines ha, eh sa napagbawalan na ako nina Tatay at Stepmom mo eh..
gusto kong ipakita sa'yo kung gaano ka ka-espesyal para sa akin - pero may mga rules na hindi dapat binabali...

sana lang talaga gumaling na 'tong skin disease ko..
para naman makapag-hunt na ako ng graduation gift ko para sa'yo...

43 days to go...feeling pakiramdam ko ibang tao na ako nang dahil sa'yo.....


No comments:

Post a Comment