Wednesday, April 16, 2014

A Laptop Sideline - Second to the Last Week of January 2014

January 18, 2014...

mga pasado 9:30 na..
nakita ko siya sa may malapit na tindahan kaya nag-ambush 1 na kaagad ako...

medyo wrong move..
kasi bagong gising palang pala siya noon..
ayun, parang conscious na conscious tuloy sa itsura niya..
silly me..
i should have told her not to worry, dahil maganda pa rin naman siya kahit na bagong gising pa...

anyway.....
natanong ko na siya kung meron na bang magagalit kung sakaling lalapit na ulit ako sa kanya (maliban sa kanya at sa tatay niya)..
'wala naman' daw, kaya siguro kahit papaano pabor na yung ganung sagot niya para sa mga gagawin ko..
tungkol naman sa tatay niya - edi kausapin ko daw yung tatay niya..
tapos inihabol ko na rin yung mga hindi ko nasabi sa kanya last time - na good luck at galingan na lang niya sa training niya, na sana nga ma-absorb na siya sa PAL eventually, at na ingatan nya parati ang sarili nya..
nag-sorry din ako, though hindi ko na naipaliwanag kung bakit..
nag-thank you naman siya bago ako magpaalam na sa kanya...

ang next goal..
ang kausapin naman ang tatay niya...

wala nang urungan 'to...


---o0o---


Courtship 101:
Tip #1 - "..wag bigyan ng 'options' ang babae at ang mga bantay nito.. ikaw dapat ang magdikta ng 'laban'..."

haha!
hindi ko alam kung kaya ko nga yun..
hindi ko talaga ugaling mamuwersa eh..
at mukha namang wala akong convincing aura..
bahala na..
haha!


---o0o---


January 20, 2014...

hmmm..
hindi ako makapag-ambush 2 ah..
last Sunday pa kasi siya hindi umaalis eh, kaya paano ko naman siya maihahatid nun *dugoink*..? >,<
sa tantsa ko sa mga pangyayari, baka mag-asikaso na naman yun ng application for graduation bukas, tas baka bukas na rin siya lumuwas..
dahil kasi 'to sa pista eh... T,T

abalang bata yun ah..
binawasan pa yung panahon ko na gagamitin ko sa pagpapaalam sa tatay at stepmom niya eh..
haha...


---o0o---


January 21, 2014...

ambush 2 failed..
tama yung hinala ko na ngayong Tuesday nga siya luluwas, para makabisita pa rin siya sa school..
halos 3 days yung sinayang kong pagkakataon para makuha yung cellphone number niya..
i was hesitant na lapitan ulit siya nang ganitong kaaga, since hindi ko pa naman nakakausap yung tatay niya eh...

ang ending, isinabay siya ng stepmom niya sa kotse nila sa pagluwas nito ngayong hapon..
sad.. T,T
nasayang lang ang 3 araw nang paghihintay ko..
at ang masama pa nito, nasa 37.8 degrees na ang body temperature ko at mukhang nataas pa, since Sunday ko pa kasi siya sinubukang i-ambush 2, tas sa halip na magpahinga na ngayong hapon eh pinagpilitan ko pa rin yung gusto kong gawin..
i'm not blaming you, FATE, it's my fault... T,T

lesson(s) learned:
- i only have the weekends para malapitan siya, kaya kailangan kong sulitin na lahat, kahit na bagong gising pa siya o ano...
- wag mag-plano ng ambush 2 kung lahat ng auto nila eh hindi naman naka-garahe...

change of plan..
unahing kausapin si tatay..
at sa susunod na pagkakataon na lang yung cellphone number ni crush...

sa ngayon, kailangan ko munang mapabuting muli ang aking kalusugan bago ko magawang humarap kina tatay at stepmom...


---o0o---


January 23, 2014...

this is not good..
Tuesday pa ng hapon pabago-bago ang body temperature ko..
naglalaro sa 37.5 hanggang 38.3..
sabi naman ng retired nurse kong biological mother, eh baka kulang lang daw ako sa ligo... >,<

hala!
bukas na yung last day ko eh..
kailangan ko nang makausap ang parents ni crush..
sana talaga gumaling na ako bukas..
John Lloyd, ikaw na ang bahala sa akin ha......

PS: hmmm..
maganda rin nga pala at mala-porselana yung isa kong kliyente ah..
kanina ko lang ulit siya naka-transaksyon pagkatapos ng first semester eh..
kaso, mukhang mas bagets pa siya kay crush, mga nasa first year o second year college lang siya ngayon..
haha!
ano ba 'tong iniisip ko..? - eh wala na nga palang pwedeng sumunod na prospect after ni crush eh.. &gt;,&lt;

ako naman eh marunong lang talagang maka-appreciate ng kagandahan... :)

---o0o---


January 24, 2013...

mission failed..
medyo nakakalungkot yung nangyari, pero sabihin na nating liberating din naman..

at least alam na ngayon nung parents niya kung ano ba yung nararamdaman at intensyon ko sa anak o anak-anakan nila...

ganito kasi yung istorya..
halos 11:00 na nung may mai-spot-an ako sa teritoryo nila..
nagkataong si tatay yun, at nagche-check ng Toyota nila..
siyempre kabado ako, pero lumabas na rin ako ng gate namin..
habang nasa may sidewalk pa ako sa linya ng bahay namin eh in-encourage ko ang sarili ko..
sabi ko '[name], gawin mo na since naumpisahan mo na rin naman 'to eh'..
so ayun, lumiban na ako at in-approach ko si tatay sa may gate nila..
binati ko siya, tas sinabi ko na gusto ko sana silang makausap..
pinapasok niya ako sa poder nila, tas sabi niya okay lang naman na kausapin ko siya kaso habang nagbubutinting na lang siya ng kotse..
tapos natanong na nga niya kung tungkol ba saan yung sasabihin ko, sabi ko gusto ko sana silang makausap ni ma'am tungkol kay crush, sabay tanong kung andun rin ba si ma'am noong mga oras na yun...

pinuntahan ni sir si stepmom sa loob ng bahay nila, tas maya-maya lang eh pinapasok na rin niya ako..
si stepmom na lang daw ang kausapin ko sabi ni tatay..
hanggang sa puntong yun, he seemed nice naman...

pagpasok ko ng bahay eh pinaupo na ako ni ma'am..
una, nag-apologize muna ako para sa mga palihim kong moves last year..
tas nakalimutan ko pa ngang unahing ipakilala ng pormal sa kanila ang sarili ko dahil sa kaba ko..

so tumayo ako saglit para magpakilala ng personal at makipagkamay kay ma'am..
nung sinabi kasi ni sir na si ma'am naman ang nakakaalam tungkol sa mga 'bagay' na yun, eh parang biglang naging istrikta yung tingin ko sa kanya, kaya kahit isa na lang yung kaharap ko sa kanila eh mas kinabahan yata ako..

ang totoo, inakala ko pa naman na si stepmom yung mas madali kong malalapitan at mahihingan ng tulong sa  pagitan nilang dalawa ni sir..
anyway, sinabi ko na matagal ko nang gusto si crush, at gusto ko sanang ipakita at iparamdam dun sa bata kung gaano na siya kahalaga para sa akin, ka-espesyal pa nga yung sabi ni ma'am nung napansin niyang i was thinking for the right word..
tapos ayun, hindi pa daw niya pinapayagan si crush na magka-boyfriend o manliligaw eh..
para daw hindi 'to ma-distract sa pag-aaral nito..

may konting background din yung bata na medyo naka-discourage sa akin..
kailangan muna daw nitong maka-graduate, tas naulit din ni ma'am na konting time na lang naman daw...

hindi sa hindi ko naiintindihan si ma'am sa patakaran nila..
naalala ko tuloy yung isa kong kaibigan dahil sa ganung istorya (although naging good girl naman sa sarili niyang istorya yung kakilala ko)..hindi ko lang talaga in-expect na ganun yung magiging desisyon nya, kahit na papalapit na naman ang graduation ni crush..
tapos hindi ko nga rin inasahan na seryoso yung naging kuwento niya dati noong nasa La Salle pa siya..
bilang resulta..
ayun, naputol nang maaga yung inihanda kong script (LOL!)..
tapos nagi-guilty pa ako na parang naging bastos ako sa harapan ni stepmom..
para kasing hiniritan ko pa siya matapos kong marinig yung final decision nila eh, sinabi ko ba naman na 'eh halimbawa po may okasyon, hindi po ba pwede..... halimbawa magpadala po ako ng regalo sa kanya (i was referring sa papalapit na Valentines Day)???'..
pagkatanong ko nun, eh istrikta talaga si ma'am sa patakaran niya, hindi daw niya talaga ini-encourage si crush na magkaroon na ng boyfriend o manliligaw para hindi ito magpaloko-lokong muli sa pag-aaral, at kailangan daw nitong maka-graduate muna..
bukod dun sa parang pag-kontra ko, hindi ko rin na-acknowledge nang husto yung naging desisyon ng family nila, dahil na-mental block na ako ni hindi ko man lang nasabi kay ma'am na naiintindihan ko at ire-respeto ko yung patakaran nila at na willing naman akong maghintay hanggang sa makatapos na nga si crush..
isa pa nga pala, itinanong ko sa kanya kung 'stepmom' siya ni crush..
hindi ko naman yun nilagyan ng word na 'lang' or 'lamang' which might make her feel na binabalewala ko siya for being a 'step-', kaso hindi ko naman nadugsungan yung tanong ko ng mga statement na hindi magbibigay sa kanya ng impression na binabalewala ko nga siya..
ang totoo kasi, inakala ko talagang mag-ina sila noong mga panahon na hindi ko pa sila kakilala, and judging the way she treat her stepdaughter - yun na lang pag-encourage niya dito na magtapos ng college at yung paggawa niya ng patakaran sa lovelife para hindi na maulit yung nangyari dati - eh sobrang laking bagay na nun na nakakuha ng respeto ko..
sobrang stupid ko lang talaga na hindi ko yun naiparating kay ma'am noong mga oras na yun...

tapos pag-alis ko pa ng bahay nila..
eh nawala na rin sa isip ko si sir..
hindi ko na kasi siya naabutan sa may garahe nila eh..
hindi ko nasabi kay ma'am na siya na ang bahalang magkuwento kay sir nung mga napag-usapan namin, at pasensya na rin kung hindi ako nakapagpaalam at nakapagpasalamat dito nang personal dahil nga hindi ko na ito inabutan..

ayun...



PS: naulit nga din pala sa akin ni ma'am na kesyo nagkakausap naman daw kami ni crush eh, nakita daw niya kasi kami noong isang araw, at naulit nga din sa kanya nung bata ang tungkol dun..
nasabi niya rin sa akin na 'konting oras na lang naman' daw, siguro napansin niya rin na parang nawalan na ako ng loob at naligaw na sa mga sasabihin ko noong mga oras na narinig ko yung desisyon niya...


alam ko na kung bakit ako malungkot at hindi na nakapag-react nang ayos matapos kong marinig yung desisyon ni ma'am kanina..
yun eh dahil alam kong limitado lang yung capacity ko para mapanindigan 'tong nararamdaman ko..
i had planned a 40-day move, wherein mama-maximize ko sana yung output o impression nung mga gagawin ko - tapos yun pala eh hindi ko naman yun magagamit na... T,T

siguro malungkot din kasi more or less alam ko na din yung kahihinatnan ng gagawin ko eh..
kumbaga, kailangan ko ba talagang maghintay - eh mabibigo rin naman ako sa bandang huli..?
para ngang gusto kong sabihin kay ma'am na, 'naku, huwag po kayong mag-alala at malabo naman pong ma-inlove sa akin ang stepdaughter nyo eh'..
kaso naiintindihan ko siya..
at inirerespeto ko yung patakaran nila para kay crush..
nagawa kong itago at kimkimin itong nararamdaman ko para sa kanya for more than a year..
at kahit na matapos niya akong i-reject last year, eh hindi pa rin nawala at nagawa ko pang panghawakan 'tong nararamdaman ko for 8 months kahit na gaano ko pa siya sinubukang iwasan sa personal..
kaya naman magagawa kong maghintay para sa kanya kahit na gaano pa katagal..
kahit na ano, basta bigyan lang nila ako ng pagkakataon na maipakita at maiparamdam sa kanya 'tong pagmamahal ko o kung anuman 'to na nasa puso ko...

wait after maka-graduate..?
eh paano ba ang tamang interpretation dun..?

na sunggaban na agad si crush right after ng graduation niya???
parang may mali naman yata dun..?
o kailangan ko bang maghintay din na magkatrabaho siya..?
eh paano kung tuluyan na siyang umalis dito sa lugar namin pagdating nung time na yun..? - paano na lang ako...?? T,T

siguro mga March hanggang April yung graduation ng LCC..
kahit na ano, basta wag lang aabot ng May, please..
kung may ikinabuti man yung pangyayari - yun eh dahil na-absuwelto na ako para sa Saint Valentines Day..
ngayon, kailangan ko namang humanap ng necklace na airline-related yung design bilang graduation gift...

ang maghintay para sa isang babae na hindi ko naman alam kung nararapat ko nga bang hintayin..
bahala na..
basta ang alam ko, siya yung nilalaman ng puso ko, at sa kanya ko gustong ipakita at ipadama lahat-lahat ng nakatagong damdamin dito sa loob ko..
tapos ang pulong...


---o0o---


early January 25, 2014..
(wala eh, dito ko na lang naalalang magpalit ng mga 'case')...

siyempre i was worried about her..
nabanggit naman niya sa akin last year na wala pa siyang boyfriend kasi hindi pa naman pwede..
pero hindi ko naisip na may istorya talaga behind that..
nag-alala ako na baka nasisita na siya ng parents niya dahil sa paglapit-lapit ko sa kanya lately, maging yung noon..
bakit ba niya kasi sinabi sa akin na 'wala naman' magagalit..? >,<
na baka dahil sa ginawa kong pagpapakilala at pagsasabi ng mga plano ko kahapon sa parents niya (or at least isa sa tumatayong magulang niya), at dahil din nakita nila kami ni Crush na magkausap noong isang araw, eh baka isipin nila na magkasabwat kami..
kasi hindi naman talaga - walang feelings para sa akin yung bata, at ni hindi niya alam yung tungkol sa plano ko na kausapin sina Tatay...

parang luto sa sarili tuloy yung nagawa ko..
dahil personal kong sinabi sa kanila yung feelings ko para sa anak nila, eh siyempre sa bawat pagkakataon na makikita nila kami eh hindi na nila maaalis sa mga sarili nila na isipin na baka sinusuyo ko yung anak nila at na parang ini-entertain naman ako ni Crush on her part...

tapos pasado 10:00 PM na siya nakauwi kagabi..
at kasabay pa sa kotse ni Stepmom..
nag-meet siguro sila somewhere..
hala! bakit kaya..??
sermon-mode...? T,T

kaya ayun..
i decided na kailangan kong ma-ambush 1 yung bagets today, para makumusta siya at masabi ko man lang sa kanya yung desisyon ko regarding sa rules ng parents niya...

mga bandang 9:40 nai-spot-an kong bukas yung gate nila..
usually, that would mean na may lumabas sa bakuran nila..
kaagad kong ch-in-eck yung malapit na tindahan, and there she was..
mukhang bagong gising at naka-pony-bun..
untikan pa niya akong matakasan, kasi wala na siya dun sa ikalawa kong pagsilip..
mabilis akong lumabas ng pintong screen ng bahay namin, hoping na maabutan ko naman sana si Crush..
at nung nakita ko na ngang padaan siya eh tinawag ko na kaagad yung pangalan niya kahit na nasa loob pa ako ng bakuran namin, sabay mustra sa kamay na 'wait' at na-gets naman niya yun..
tumigil siya sa tapat ng bahay nila, at nilapitan ko na nga siya..
at laking gulat ko pa..
kasi ang alam ko, maagang umalis si Stepmom dala yung kotse..
tapos pagkalabas ko ng gate namin, eh nakita kong naka-park na pala sa labas ng bahay nila yung Toyota..
napa-'hala, lagot na naman ako neto!' tuloy ako sa sarili...

sinabi ko sa kanya na gusto ko sana siyang makausap eh..
at na kung pwede doon na lang muna kami mag-usap sa may playground..
kaso tumanggi naman siya, kasi daw maglalaba pa siya..
well, naramdaman ko ngang busy siya..
kita ko rin naman kasi yung mga sachet ng panlaba na binili niya dun sa tindahan eh..
so inuna ko na munang sabihin sa kanya yung major concern ko...

sabi ko na nag-aalala ako sa kanya, na mukhang may mali akong nagawa..
tinanong ko siya kung may nabanggit na ba sa kanya ang Stepmom niya..
sabi niya 'nabanggit na ano?'..
i told her na kinausap ko na yung parents niya kahapon..
sabi niya 'ano ba yung sinabi mo?'..
medyo nagulat ako dun sa tanong  niya, naisip ko na 'aba't gusto pa talagang marinig ng batang 'to mula mismo sa akin yung sinabi ko sa parents niya T,T'..
pero since wala naman akong choice eh sinabi ko na rin nga sa kanya, pero yung kabaak lang nung inamin ko kina Ma'am..
inamin ko kay Crush na 'sinabi ko na GUSTO KITA', hindi ko na lang sinabi yung plano ko..
tapos dinugsungan ko na lang ng tanong, 'eh ano? okay ka lang ba? hindi pa kita naipahamak dahil sa ginawa ko?'..
tas nabanggit niya sa akin na nakausap na nga siya ng Stepmom niya tungkol dun, itinawag pa nga daw sa kanya yung tungkol dun kahapon eh..
naisip ko na, 'hala! at talagang itinawag pa yun ni Ma'am..? ganun ba kaseryoso yung nagawa kong gulo sa kanila..???'...

ayun..
sorry ako nang sorry sa kanya, at hingi nang hingi ng pasensya sa pagpapahamak sa kanya..
well, wala naman talaga siyang in-affirm sa akin, kung nasermonan ba siya o napaghinalaan nga o ano..
pero, it seems okay naman siya..
and since busy nga siya that time..
eh nagpaalam na rin ako...

gusto ko pa ulit sana siyang makausap today para mas malinawan ako sa mga nangyari sa kanila..
kasi responsable talaga ako dun eh..
besides, hindi ko pa nasasabi sa kanya na willing akong maghintay para sa kanya... T,T


No comments:

Post a Comment