June 14, 2013..
(non-journal entry)
missed her for 2 days..
wala eh, nag-restart dahil sa holiday...T,T
ano nga ba..?
talo na nga ba ako..?
game over na ba talaga..?
pero, bakit ganun..?
umiiyak na nga ako pero parang kulang pa rin..
parang hindi pa sapat yung damage..
hindi pa sapat para tuluyan ko na siyang ayawan...
nararamdaman ko pa rin siya sa puso ko..
kapag naaalala ko yung ngiti niya..
sa tuwing naaalala ko yung medyo malalim niyang boses (para sa isang babae)..
at sa tuwing naaalala ko yung mga pose niya na nakanguso..
totoong hindi siya yung best..
hindi siya yung pinakamaganda..
pero bakit ba sa kanya ako sobrang attracted..?
nasa kalahati na ng buwan ng June..
pero zero encounter pa rin kami..
hindi ko na ba siya talaga makikita pang muli..?
pakiramdam ko tuloy sinira ko lang yung natural na daloy ng mga bagay-bagay..
hindi na nga yata talaga ako dapat na nakipagkilala pa sa kanya...
hanggang ngayon..
kumakapit pa rin ako doon sa posibilidad na isa lang 'tong pagsubok mula sa kanya - kung gaano ba ako kaseryoso sa kanya..
feelingero kasi ako eh...
pero kailan nga ba dapat na sumuko ang isang lalaki..?
alam kong hindi ito yung tamang pagkakataon para pag-isipan ko ang tungkol sa mga garineng bagay..
dahil wala pa naman ako sa tamang kondisyon talaga para magmahal..
ni hindi ko pa nga nakikita yung BETTER me eh..
yung masasabi ko na mas deserving na magmahal at mahalin rin in return..
eh kaso ngayong panahon na 'to ko naramdaman areng nakakalitong bagay na 'to eh... >,<
kasi considering the fact na ako'y isang TAGA-HANAP..
eh tama lang naman siguro na malaman ko kung kailan ako dapat na sumuko pagdating sa isang babae..
dahil kung ibababad ko nang matagal ang sarili ko sa isang babaeng wala namang interes sa akin..
o di kaya ay sa isang babaeng umiibig na sa ibang lalaki..
aba'y baka naman ako'y mabulok na lalo bilang isang single...
sa akin kasing palagay, ay mas mahirap talaga yung papel naming mga TAGA-HANAP..
dahil asa lang kami sa trial and error..
samantalang ang mga babae ay TAGA-HINTAY lamang..
sino ba namang napapahiya o nawawalan basta-basta ng pag-asa sa kahihintay lang..?
pero paano nga ba yung nanliligaw nang paulit-ulit sa iisang babae lamang..?
yung pangmatagalan..?
naranasan ko na rin naman yun noon..
pero dati kasi, may mga HINT naman akong sinusunod - kumbaga senyales na pwede na muling umatake..
kaso sa sitwasyon ko ngayon eh, hindi ko mapagtugma-tugma yung mga CLUES eh..
hindi sila gaanong ka-concrete para masabing safe pa rin na gumawa ako ng isa pa o ilan pang pag-atake..
sobrang desperado na nga ako na ipag-konek-konek yung dots eh..
na kesyo sana ako na lang talaga yung lalaking tinutukoy niya...
may mga naririnig na akong mga panliligaw na ang duration ay umaabot ng taon..
yun ngang kahapon eh 3 taon daw yung itinagal..
at gusto kong malaman kung paano ba ang sistema nun..?
kung tuluy-tuloy ba yun..?
o may mga pahinga naman..?
gaano katagal ba ang resting period..?
bakit kailangan ng resting period..?
may mga pamba-basted ba within that duration..?
gaano ba kabigat yung naging rejection..?
ano bang dapat na maging approach kapag parang itinataboy ka na nung babae..?
tama bang isiksik o ipagpilitan pa rin ang sarili sa isang babae kahit na sinasabi na niya na huwag na..?
o gaano ba kaseryoso ang mga babae sa tuwing pinapalayo na nila ang isang lalaki..?
gusto kong malaman ang lahat..
gusto kong maging eksperto..
gusto kong mabasa kung anuman ang iniisip nitong babaeng gustung-gusto ko sa ngayon...
pero bago ang lahat..
mas tama nga siguro na isipin ko na muna kung paano ko ba made-develop ang sarili ko..
mukhang mas gusto talaga ng mga babae yung mga lalaking may kakambal na may apat na gulong..
at yung marunong gumamit ng wallet eh..
yun yata ang batayan ng pagiging pogi eh... T,T
sinabi na kasing Star Wars na lang ang atupagin sa halip na babae eh... >,<
No comments:
Post a Comment