Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (August 1, 2013 - Untimely Love)

August 1, 2013..
(non-journal entry)

puros sentimiyento lang 'to...


garine yung reply ko sa suggestion sa akin ng ilang kaibigan ko:

eto yung mga pagkakataon na hindi talaga gumagana yung mga diploma o IQ kung gaano pa man kataas yun..
na kahit gaano ko subukang maging praktikal pagdating sa mga desisyon ko..
eh wala naman akong magawa, na parang wala akong kontrol sa mga nangyayari..
dahil kahit ako mismo hindi ko maintindihan kung ano ba talagang gusto ng sarili ko..
at lumabas..?
oo, maganda nga sanang experiment..
thank you sa advice..
kaso sa totoo lang, wala naman talaga ako sa tamang kondisyon para magkagusto sa kung sino pa mang babae - kesyo Espasol pa yun o hindi..
wala naman kasi akong maipagmamalaki pa..
ako'y hamak na basura pa rin hanggang ngayon..
na tinamaan pa ng kamalasan..
hindi ko naman kasi talaga 'to hiniling na dumating sa buhay ko..
wala naman talaga sa checklist ko dati na makakita ng babaeng magugustuhan ko, puros hanggang date lang yung mga andun dati..
gusto kong umabot ako sa punto na pwede na akong magyabang..
yung tipo na sobrang literal na mukha na akong guwapong-guwapo sa pera..
na wala ng babae na makakatanggi pa sa akin..
yung ganung tipo ba ga..
hindi naman sa nangmemenos ako ng mga kababaihan..
pero sa tingin ko importante talaga yun, na mas gusto ng mga babae ng ganun..
na mas guwapo ang tingin ng mga babae sa mga successful na lalaki..
hindi yung loser na katulad ko - na naghahabol lang sa mga simple kong pangarap..
kaya ang totoong plano eh ang umabot muna ako sa puntong yun bago ako maghanap ng dalagang mamahalin ko ba ga..
kaso nga, hindi ko naman in-expect na mahuhulog ang loob ko sa babaeng taga-tapat lang namin ih..
kaya ayun..
useless na humanap ng pamalit..
kasi malamang sa malamang, eh sa kabiguan rin lang mauuwi ang lahat ng dahil nga sa estado ko sa buhay..
tama naman ako di ga..?

---o0o---


hindi ko na alam kung ano nga bang susundin ko..
originally, binigyan ko yung mga blog entries ko ng Untimely Love Story na title since during that time na nag-i-intensify na yung attraction ko to her eh naisip ko nga rin na wala naman ako sa tamang katatayuan para magkagusto sa isang babae..
and honestly, ganun pa rin naman ang tingin ko sa sitwasyon ko sa ngayon..
hindi ko na nga maintindihan kung ano pa bang nagbibigay sa akin ng drive o yung ideya man lang para i-push pa 'to eh..
wala naman akong maipagmamalaki pa..
parang puros bisyo o hobby lang naman ang mga hinahabol kong pangarap sa buhay ko..
walang maraming salapi..
walang career, as in pang-professional na career..
at kahit biological family ko eh puros kahihinayan na lang ang dala dito sa subdivision, dahil sa araw-araw nilang pagsisigawan at pagmumurahan..
ewan ko ba..
kahit na iniisip kong maging praktikal naman sana ako sa mga desisyon ko..
kahit man lang sana pagdating sa love life..
eh parang may bahagi pa rin ako na kontra sa akin...

gusto pa kitang makilala..
ayoko na puros assumption na lang ako kung ano ka ba talaga..
kung mabait ka rin ba, o talagang salbahe ka lang..
ayoko na puros boso na lang ako..
gusto ulit kitang makita nang malapitan..
yung makasabay kang maglakad papuntang kung saan man..
gusto kong marinig ulit yung boses mo..
gusto kitang makakuwentuhan..
marami pa akong gustong malaman tungkol sa'yo..
gusto kong makita ulit nang malapitan ang ngiti mo..
gusto kong maranasan na makasama ka, kahit minsan lang..
yung maka-date ka, para naman ma-crossout ko na yung pangarap ko na yun sa checklist ko..
gusto kong mapalapit sa'yo..
gusto kong malaman kung posible bang magkagusto ka sa isang katulad ko:
na halos halfway na sa pagiging isang senior citizen..
na hindi naman guwapo..
at kahaba pa ng buhok..
na hindi naman Iglesia..
na ni hindi nga kabilang sa kahit na anong sektang pangrelihiyon..
na sobrang talunan sa buhay..
at lagi pang tinatamaan ng kamalasan..
gusto kita kahit na ambata mo kumpara sa akin..
gusto kita kahit na Iglesia ka pa..
gusto kita kahit na wala naman akong ideya kung anong klase ba ang mga parents mo at ang pamilya nyo..
gusto kita kahit wala pa akong ideya kung anong klase ba talaga yang mundong ginagalawan mo...

basta ang alam ko..
gusto pa rin kita kahit na 3 beses ka nang naging salbahe sa akin..
na kahit na itinataboy mo na ako, eh naghahabol pa rin ako sa'yo..
hindi ko alam kung ano ba talaga ang nakikita ko sa'yo na dahilan para ikaw ang pangarapin kong babae..
yung tipo ng babaeng gusto ko namang magmahal sa akin..
basta ang punto eh, gusto pa rin kita sa ngayon...


No comments:

Post a Comment