(medyo journal entry)
basic uniform pa rin..
at naka-headband siya...
at ayun..
madaling araw niya nakita yung reply ko..
hindi pa ako naka-block noong umaga..
pero pag-check ko ulit noong bandang tanghali eh naka-block na ako..
tanghali na kasi yung pasok niya, so siguro nag-online siya noong mga bandang 8:00 AM..
tas ginawa nga niya yung suggestion ko..
b-in-lock niya ako nang walang awa..
salbahe...T,T
nakakalungot..
at masakit - yung pakiramdam na talagang iniiwasan ka ng babaeng gustung-gusto mo, lalo na't hindi mo naman naiintindihan yung lahat ng nangyayari..
nawalan na naman tuloy ako ng paraan para makausap siya..
dahil naman sa masyadong pranka kong mga tanong sa kanya eh, hindi ko alam kung kakayanin ko pa siyang kausapin muli nang harapan..
pero, wala ng ibang choice eh..
yun na lang ulit yung naiwang paraan...
---o0o---
sana lang makuha ko na yung kailangan ko today (July 10)..
sana ito na nga yung hinihiling kong katahimikan...
No comments:
Post a Comment