Wednesday, April 16, 2014

Ang Alamat ng UAAP Women's Volleyball Season 76

hindi po akin areng picture ha, kitang-kita naman doon sa taas (upper right portion) kung para kanino ang copyright nare eh.. thank you sa kanya..
ako'y nakiki-share lang po ng moment dahil wala naman ako doon sa venue para makuhanan ng litrato yung naganap na kasaysayan...

sa totoo lang, ngayon ko lang talaga tinutukan ng panonood ang isang UAAP Women's Volleyball League..
noon kasi eh Shakey's V-League lang ang nakahiligan ko dahil madali lang silang mapanood noon sa Channel 11 ng GMA (noong panahon na malinaw pa yung 11 namin T,T)..
pero since luminaw na rin naman ang Channel 36 namin lately (dating Studio 23, na naging ABS-CBN Sports & Action na), eh sa wakas eh nakapanood na rin ako ng halos isang buong UAAP Season...

kahit na hindi ko naman napanood yung mga nakaraang season eh masasabi kong are na yung Best Season Ever para sa history ng Women's Volleyball..
simula pa lang eh Ateneo Lady Eagles na ang team ko dahil kay #5 Mae Tajima..
kung may nakakalungkot man sa istorya na are, eh yun eh dahil hindi pa nade-develop nang husto yung laro ni Tajima - na enough sana para maging key player na siya ng Lady Eagles...

pero anyway, heto yung importanteng kuwento dito:

hindi man ako isang Atenista (pero naging kapitbahay naman nila ako dati XD), eh sobrang kahanga-hanga talaga yung naging performance nila this season..
halos isa lang silang rookie team, pero nakagawa sila ng isang alamat..
mula sa pagiging 3rd seed sa naunang dalawang rounds ng liga..
eh sumuong sila sa isang nakakatakot na ladderized type ng elimination para makarating sa Finals..
una nilang tinalo ang AdU Lady Falcons nina Pineda at Zapanta, na isa ring napakahusay na team sa kabila ng hindi naman talaga pagiging sobrang tatangkad ng mga players nila..
sunod nilang pinabagsak ang newly improved at naging sobrang lakas na team ng NU Lady Bulldogs
na nagkaroon ng twice-to-beat na advantage - ang team na inisip ng karamihan na siyang haharap sa DLSU sa Finals..
pero hindi doon nagtapos yun..
Lady Eagles ang nag-draw ng first blood para sa first game ng Finals (though technically speaking, eh may 1 match advantage na rin naman noon ang DLSU for sweeping the first two rounds)..
bukod sa unang talo yun ng DLSU sa season na ito, eh yun rin yung talo na tumapos sa napakahaba na nilang winning streak na nagsimula pa sa ibang season..
hindi naman naging maganda ang 2nd game para sa ADMU, nagka-injury si Lazaro at maging si Valdez eh parang nagkaroon rin ng iniinda.. lumaban pa rin yung team nila sa pamamagitan ng pagbabalasa ng bench, na na-prove naman na may potential din.. pero hindi naging sapat yung puwersa nila noon para makuha ang ikalawa sana nilang panalo..
sa pagpasok ng 3rd game, eh kapansin-pansin na ang improvement ni Ahomiro sa kanyang laro, na parang determinado na siyang ipapanalo ang team niya ulit.. isang talo na lang kasi nila, at DLSU na ang makakakuha ng kampeonato.. sobrang naging higpit ng naging labanan.. nahuka man ng Lady Eagles ang first 2 sets, eh nakabawi naman ang Lady Spikers sa 3rd at 4th set.. sobrang naging nakakakaba ang 5th set, pero sa bandang huli eh ADMU pa rin ang nanalo, at isang medyo crucial na tawag ng error sa last play ang tumapos sa larong iyon..
Game 4 - ang best game ever.. kinuha ng Ateneo ang match na iyon kasama na rin ng championship sa isang napakagandang 3-0 na laban..
tinalo nila ang noon eh tila hindi matitinag na DLSU, na nagkaroon pa ng thrice-to-beat advantage - ang team na meron ng 3 sunud-sunod na championship..
hindi lang nila tinapos ang winning streak ng La Salle, pero dinurog rin nila ang goal ng mga ito na makamit ang pang-apat nilang kampeonato - na isang record sana (to think na kakailanganin ulit nilang mag-ipon ng mga kampeonato bago nila muling i-attempt na magawa yung record)...

isang team na hindi inasahan ng nakararami na makararating sa Finals..
ang team na hiniling ko lang na sana ay makapasok sa Finals kahit na papaano..
pero sa bandang huli, eh sila pa ang rookie team na nakapagbigay sa Ateneo ng first championship 'daw' nila sa larangan ng Women's Volleyball..
tamang-tama lang para sa kanila ang naging battle cry nila na #HeartStrong..
isa talagang alamat ang team nila..
si Captain Baldo, ang best Libero na si Lazaro, ang rookie setter na si Morado, ang elevator na si De Jesus, ang lefty na si Ahomiro, kasama pa ang iba nilang teammates (what happened to Llaneta by the way..???)..
well-deserving rin si Coach 'Thai' Bundit sa bonus na matatanggap niya..
at dahil doon - eh para sa kanila talaga ang UAAP Women's Volleyball Season 76... T,T


No comments:

Post a Comment