(non-journal entry o baka gawin ko rin palang journal entry yung ibang detalye dito)
ayun..
7 years old na si unit01 at madalas talaga siyang magparamdam sa tuwing malapit na ang birthday niya..
pero masaya pa rin ako at tinutulungan pa rin niya ako sa mga gawain ko kahit na papaano...
naalala ko lang..
natanga na naman ako sa biological mother ko noong isang araw..
bigla niya kasi akong kinausap, tas ang unang pumasok sa isip ko talaga eh tungkol yun dun sa batang babaeng nagugustuhan ko.. >,<
inumpisahan niya kasi yung kuwento niya sa ganitong linya:
"uy, nagkukuwento na naman sa akin si ano.." (as in 'ano' talaga yung word kasi mahilig yun sa ganun, yung hindi kaagad matapos yung mga statement niya, kaya madalas mahirap sundin yun kapag nag-uutos siya kasi nga puros 'ano' lang ang nasasabi niya)..
anyway, balik sa istorya..
dinugtungan pa niya yun ng "yung anak niya daw.."..
edi ako naman eh napaisip..
yung mag-stepmom kaagad ang pumasok sa isip ko na tinutukoy niya..
bigla akong kinabahan sa loob-loob ko..
tinanong ko tuloy siya, "sino gang 'ano'?"..
tapos eh itinuloy na nga niya yung kuwento niya..
yun pala eh gusto lang niyang ibida na yung anak ng isang kakilala niya ay may regular ng portion na sa entertainment page ng isang diyaryo dahil sa paggagawa nung tao ng comic strips..
balak pa akong inggitin na kesyo 300 Php per comic strip ang kita nung tao, eh daig pa yun ng arawan na kita ng isang karpintero eh.. >,<
ayun, napaasa tuloy ako nang wala sa oras..
kadaldal naman kasi eh...
---o0o---
at mabalik tayo sa July 27..
mga 10:00 AM umalis na siya ng bahay nila..
akala ko nga eh may klase siya..
pero bumalik rin siya kaagad..
at may mga kasama na..
mga lalaki eh..
pero meron rin namang bata o mga bata..
tapos ayun, habang nagkukuwentuhan sila..
hindi ko naman sinasadyang marinig, eh kasi naman malakas yung boses nila..
ilang ulit ko na namang narinig yung kaisa-isang bagay na nag-uugnay sa amin dati - yelo..
ewan, basta parang hanap sila nang hanap ng yelo eh..
pero parang hindi rin naman sila bumili kahit dun sa kalapit nilang tindahan..
tas nagkabiruan pa..
hindi ko alam kung sino yung tinutukoy nila, eh kasi naman hindi ko naman kita kung sinu-sino yung nagsasalita..
kesyo nagkukunwari lang daw yung isa na may sakit o masama ang pakiramdam..
na kapag nasa bahay pa sila eh lagi lang nakahiga sa kama..
pero kapag nakaalis na daw sila ng bahay ay hase sa pagko-computer..
naisip ko lang na baka yung bata yung tinutukoy nung nagkukuwento..
kasi nga ilang araw rin siyang hindi pumasok nitong nagdaan na linggo..
pero sa totoo lang, wala namang sign na nag-aadik siya sa computer eh..
after that eh nakailang alis at balik pa sila at ang mga bisita nila...
tapos nung bago sila umalis noong hapon..
may parang nagbibiro pa na kesyo magtatatag na daw ng sariling relihiyon...
---o0o---
at sa panaginip naman kagabi..
na-invade na naman niya yung subconscious mind ko..
parang normal na araw lang para sa akin..
namboboso daw ako sa kanya as usual..
pero parang medyo elevated yung lokasyon ko sa panaginip ko...
mukhang paalis na daw siya ng bahay kaya todo boso muna ako..
naka-tourism attire daw siya, yung uniform nila sa school na may grey na vest..
tas hindi siya nakasuot nung ribbon o tie o kung anuman yun (kagaya nung porma niya dun sa isa niyang picture sa akin)..
umalis na daw siya, marami siyang dalang gamit at may hila-hila pang bag na parang pang flight attendant..
akala ko daw eh nun ko na lang siya makikita noong araw na yun..
pero maya-maya pa ay bumalik rin siya..
oo nga pala, iba yung version ng bahay nila dito sa panaginip ko, walang gate at may extra door sa right side kagaya ng bahay ng biyanan ng panganay kong biological brother..
ayun nga..
bumalik daw siya, at iniwan na muna niya sa may labas yung hila-hila niyang bag..
maya-maya ay may kasunod na siyang bata na pumasok sa bahay nila na naka-school uniform..
siya yung bata na kasama niya sa isa sa mga pictures niya na nasa akin eh..
mukhang ihahatid daw niya yung bata sa school nito..
nagsama na silang dalawa..
pero sa halip na papalabas ng subdivision yung lakad nila, eh sa papaloob pa yung direksyon na tinahak nila...
kahit paputul-putol yung panaginip ko..
eh ilang beses ko pa ding nabalikan yung setting na yun...
dun sa isang scene eh nakita ko daw siya na nakatambay na sa may labas ng bakuran nila..
parang sekyu yata yung ka-istoryahan niya noon eh..
tas naka-tourism outfit pa rin siya..
dun naman sa ibang eksena eh parang paulit-ulit ko lang sinisilip yung bahay nila, kagaya lang ng nakagawian ko nang gawin sa totoong buhay noon...
ano ba yan..?
hanggang sa panaginip, nakikita ko pa rin siya..
ganun ko ba talaga siya kagusto na parating makita..?
No comments:
Post a Comment