May 21, 2013..
(non-journal entry)
8 days before her birthday...
nasulyapan ko lang siya noong umaga..
suot yung white long-sleeves niya na pang-OJT...
palingon-lingon pa siya dito sa bahay bago siya umalis..
bakit..?
akala ba niya susundan ko na naman siya habang papalabas siya sa subdivision..?
eh na-check na nga niya ako eh, kaya paano ko pa gagawin yun..?
i'm suffering from over-exposure syndrome..
siguro pwede na ring sabihin na obsession..
dahil sa attempt ko na makakuha ng mas reliable at mas accurate na mga data tungkol kay Miss Robledo, eh
mas nagkagusto lang ako sa kanya..
at ang masama pa nito, eh wala pa naman akong nalilinaw sa mga bagay-bagay na gusto kong makunan ng totoong mga sagot..
bukod pa yung pakiramdam na anlapit-lapit ko lang sa kanya..
yung pakiramdam na anlapit ko nga, pero parang hindi naman ako nag-e-exist para sa kanya..
siguro mga 1 year pa ang kailangan kong hintayin hanggang sa umalis na rin siya dito sa lugar namin... >,<
kahit sa panaginip ko, andun na rin siya..
katulad na lang kagabi..
pinagmamasdan ko daw siya sa may bintana ng bahay namin..
tas parang napansin niya ako..
kaya ang ginawa niya eh tinitigan niya rin ako..
medyo matagal rin yun..
ako naman eh hindi na umalis sa puwesto ko, at hinayaan ko na lang siya na mahuli ako..
haaaaay...T,T
basta..
ang primary target ko ngayon is yung stepmom niya..
tama na muna ang paghahabol kay Miss Robledo..
bawal na muna akong gumawa ng aksyon hangga't hindi pa nasasagot yung ibang katanungan..
kung mata-timing-an ko lang sana talaga si Mrs. Robledo..
o di kaya kung mata-timing-an ko lang sila na magkausap ng biological demon father ko..
c'mon..
ibigay nyo naman sa akin yung mga pagkakataon na hinihiling ko...
ang pakiramdam na 'to..
sobrang bigat na..
na parang gustung-gusto ko nang itapon..
pero hindi naman ako makakuha ng sapat na dahilan para magawa ko yun...T,T
No comments:
Post a Comment