Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (May 20, 2013)

May 20, 2013..
(non-journal entry)

9 days before her birthday...

kagabi parang nakita ko ang biological demon father ko na kausap yung stepmom niya..
and kung hindi ako nagkakamali eh kasama rin siya..
medyo matagal rin silang tumambay doon sa kinaiinisan kong tindahan eh..
at base sa mga naikuwento niya noong pagkabalik niya ng bahay, eh mukhang tungkol lang sa masamang naging resulta ng eleksyon ng mga lokal na opisyal ang napag-usapan nila...

naaasar ako sa isang yun..
naikuwento niya yung tsismis sa biological mother ko..
pero hindi nya nagawang i-share sa akin yun..
i'm just wondering kung ano ba yung version niya..
baka naman kasi nagkamali lang ng kuwento yung biological mother ko..
i need to know everything na makakapagbigay linaw sa lahat ng data na meron ako sa ngayon..
dahil hangga't hindi nagiging concrete ang bawat piraso ng puzzle..
eh mananatiling may malaking katanungan dito sa isip ko...


"Sorry pero hindi ako intresado sayo eh."

ito ang pinaka-mabigat at pinakamasakit na klase ng rejection na inabot ko sa buong buhay ko..
and obviously, i can't get over it..
1) dahil masyadong masakit ang dating nito saken
i mean, we've been in the same neighborhood for several years now..
and Miss Robledo had been nice to me noong mga panahon na hindi pa namin formally kilala ang isa't isa..
i really thought na magiging interesado man lang siyang makipagkilala sa akin..
pero sa tuwing nire-review ko yung message niya..
pakiramdam ko na wala ng significance ang existence ko..
na para bang wala akong kakwenta-kwentang tao sa paningin ng iba..
na basura na lang yata talaga ako sa lipunan..
at madalas na natatanong ko sa sarili ko ngayon, ito ba talaga ang nagawa ko sa sarili ko..?
may ideya naman ako kung anong klase ang ilan sa mga kakilala niyang mga lalaki..
maloko, palabiro, hindi naman talaga mako-consider na mga guwapo, malandi, ganun..
kaya nga nagtataka ako why i couldn't make it..
bakit hindi ako pwedeng maging parte ng buhay niya..?
how much does this girl know about me..?
ilang araw ko pa lang siyang nakikilala, tapos ibinasura na niya kaagad ako...

2) siguro dahil na rin nga bigla na lang lumabas yung tsismis na kumontra doon sa naging statement na niya..
na although hindi pa naman 100% confirmed yung data na yun..
eh pinanghahawakan ko na nga sa puso ko na may possibility na yun yung totoo...


sobrang nahihirapan na ako..
pakiramdam ko naghahabol ako ng isang bagay na kailanman ay hindi naman pwedeng maging akin..
isang bagay na hindi naman ako talaga deserving na magkaroon sa buhay...

sa ngayon andaming pantasya na naglalaro sa isip ko..
gaya ng 'kaya ba niya ako ni-reject eh dahil takot pa siyang pumasok sa isang relasyon?'..
'dahil ba hindi pa siya nagkaroon ng manliligaw ni minsan?'..
'dahil ba hindi pa siya nagkaroon ng boyfriend ni minsan?'..
'dahil ba takot siya na baka nagustuhan ko lang siya dahil posibleng mas nauna kong nalaman na may crush na siya sa akin?'..
'o dahil ba mas gusto niya lang talaga yung pakiramdam na hinahabol siya ng mga lalaki?'..
these are all stupid thoughts..
pero talagang andyan lang sila at naglalaro sa isip ko..
siguro bilang pampalubag loob sa sarili ko...


pero seriously..
ano na ba talaga ang dapat kong gawin..?
para tuloy gusto kong makuha na mismo yung sagot sa stepmom at sa mga half-siblings niya eh...T,T


No comments:

Post a Comment