(non-journal entry)
one piece blue dress (meron akong kopya neto ^_^)..
black pumps (siguro mga 1 to 2 inches yung heels nun), mukhang hindi naman talaga siya yung tipo na mahilig sa matataas na takong..
isa rin yun sa pinakamagaganda niyang form...
so it's only a week now before her birthday..
eh paano ko ba siya babatiin man lang sa araw na yun, eh para na akong naka-TRO (temporary restraining order) neto..
haaay..
ayaw pa kasing bawiin yung mga sinabi niya..
ano ba namang trouble ang posibleng dalhin ko sa buhay niya..?
minsan-minsan ko lang naman siya sinasabayan, malaking abala na ba yun..?
hindi ko naman siya kinukulit sa text (at kahit may number pa niya ako eh hindi ko naman talaga siya balak na kulitin sa ganoong paraan, siyempre mas gusto ko na personal ang mga atake ko)..
hindi ko rin naman siya kinukulit sa Facebook (dahil baka mamaya i-block pa niya yung account ko)...
ano ba kasi talaga yung dahilan nung rejection..?
pakiramdam ko tuloy may itinatago pa talaga siya sa akin...
napansin ko na may mga bago silang kasamang mga bata sa bahay nila lately...
---o0o---
this is stupid..
ni wala man lang akong diversion tuwing hapon..
bale, pagkatapos ng Sine Mo 'To hanggang bago mag-TV Patrol, eh wala akong magawa kundi isipin lang siya nang isipin..
mabuti na lang paminsan, kung may laban ang Team Tajima...
bakit ba kasi ako sobrang malas..?
malas sa genes..
malas sa biologicals..
malas sa pera..
malas sa internet..
malas sa pets..
malas sa gamit..
malas sa lovelife..
sa totoo lang..
halos wala akong nakuha kundi average na tipo ng utak eh... >,<
nakakapagod na 'to ah..
gusto ko na talagang umalis sa bahay na 'to..
para makawala na ako sa lahat ng gumugulo sa isip ko ngayon..
siguro kung hindi ko na siya makikita, baka sakaling maka-move on na ako...T,T
eto talaga yung problema sa mga katipo ko ng utak eh..
once na preoccupied yung isip ko ng kung anong bagay - lalo na kung problema o kamalasan..
eh nagiging idle na ako, hindi productive, at hindi tumitigil sa kaiisip hanggang sa maka-recover na - at matagal bago mangyari yun...
---o0o---
masyado kong pinapagod ang sarili ko trying to answer questions na tanging yung ibang tao lang naman ang makapagbibigay ng tama at malinaw na kasagutan... >,<
ang tanga ko na naman kasi, andun na kanina si Stepmom eh, dapat talaga nagpakita na ako to see if i can lure her..
mukhang mahihirapan akong mag-lure ng kapamilya niya, pero no choice naman ako kundi gawin 'to..
unless si Miss Robledo na mismo yung maglabas ng buong katotohanan... >,<
---o0o---
tanga na nga ako by default..
tas mas natatanga pa ako pagdating sa babae...T,T
No comments:
Post a Comment