Saturday, April 12, 2014

May 21, 2013

sasabihin ko ang totoo..
nag-ugat lahat ng problema ko sa mga biologicals ko..
dahil kung sinuwerte lang sana ako na magkaroon ng responsableng mga magulang at pamilya, let's say kagaya ng sa nag-iisa-isa kong Ninong sa buhay, o gaya ng pamilya ng mga hipag ko, o gaya ng pamilya ng karamihan sa mga blood relatives ko sa mother side..
eh wala naman talaga akong magiging problema...

ang malas ko lang talaga dahil ipinanganak na nga ako sa isang mahirap lamang na pamilya..
tas hindi pa mabubuti ang mga kasama kong nilalang dito sa bahay..
tas bukod pa yung obvious na pagpapakita ng favoritism...

kailangan ko lang naman ng starting resources eh..
at kahit na konting pang-unawa..
kahit na wala nang pagmamahal...

kaso ayun..
minsan na nga lang ako mag-request sa kanila..
tas sila rin naman mismo yung dumudurog sa mga balak ko...

naiinggit ako sa mga taong nakukuha ang mga gusto nila nang dahil basta na lang may nagbibigay sa kanya o sa kanila ng mga ganun..
bata pa sila pero libu-libo na ang investment sa kanila ng ibang tao..
tas nadudurog o nasisira rin naman kaagad yung mga binibigay sa kanila na yun na parang wala lang halaga sa kanila yung mga bagay na pinaghirapan ng ibang tao..
minsan naiisip ko, na kung sakaling meron mang ganoong kabuting mga tao sa akin - eh hinding hindi ko sasayangin ang mga bagay na binibigay nila...

buong buhay ko na lang kailangan kong paghirapan ang lahat ng bagay na gusto kong makuha..
habang pinapanood ko kung gaano kaalwan ang buhay para sa iba..
at kahit na kasama ko yung mga nilalang na sila rin mismong sumira sa pagkatao ko, eh wala naman akong magawa para matakasan sila...

all i need is one shot..
para malaman ko kung may ibubuga nga ba talaga ako sa totoong buhay..
gusto kong maibalik yung tiwala ko sa sarili ko..
yung tipo ng seguridad na kahit na alam kong delikado na talaga ang mundo sa panahon ngayon, eh at least makakasiguro ako na hindi na ako maga-gago pa ng sarili kong mga biologicals..
gusto kong malaman kung mai-improve ko nga ba ang sarili ko kapag nawala na lahat ng buwisit sa buhay ko..
gusto kong masubukang mapag-isa sa buhay..
pero bago yun, kailangan ko muna ng ligtas na lugar para sa mga bagay na mahahalaga para sa akin...

so please..
just lend me that one shot..
alam mong bahagya na akong naging masaya buong buhay ko..
mas madalas nga na nag-aalala lang ako tungkol sa mga bagay-bagay..
hirap na hirap na akong mag-isip nang mag-isip..
do i not deserve to be happy..?
if 'YES', then bakit hindi mo pa tapusin ang paghihirap ng kalooban kong ito..?
if 'NO', then bakit hindi mo ibigay sa akin yung munting kahilingan ko..?


No comments:

Post a Comment