(non-journal entry)
since wala namang nangyayari ng maganda sa istorya kong 'to, malamang wala na akong maisulat pa sa mismong journal ko...
Sunday yesterday..
i'm not sure pero siguro siya yung nakita ko bago umalis yung family nila..
naka-white na long-sleeves o 3/4 na may black stripes..
tas nakalugay yung basa pang buhok...
(sorry for the details, pero ganun talaga akong klase ng tao eh)...
what hurts me the most..?
siguro dahil during my last 3 encounter with her, eh mas nagmarka sa isip ko yung smile at yung boses niyang yun..
pakiramdam ko tuloy nakakilala ako ng dalawang magkaibang tao..
yung inakala kong madaling pakisamahan na siya - na dahilan kung bakit mas nagustuhan ko yata siya lately..
at yung totoong siya - na bigla na lang nag-reject sa akin...
---o0o---
i can't believe na a few days ago eh nakakangiti pa ako nang marami..
i feel so stupid..
siguro nga dahil na rin nasa melee range lang yung babaeng t-in-arget ko ngayon..
ewan ko ba..
gaya ng sabi ko, akala ko talaga ligtas na ako sa kinaroroonan ko ngayon mula sa mga babae..
na siguro naman hindi ako magkakagusto sa kung sino sa lugar lang na 'to..
antagal ko nang sinasabi noon sa sarili ko na hindi naman siya maganda, na Category B lang siya..
pero bigla na lang hinatak nang hinatak ng kaputian niya at kaseksihan ang atensyon ko eh...
naiinis na talaga ako..
siguro dahil na rin sa sobrang kahihiyan na naiisip ko..
i mean, almost 2 years kong naisip na makipagkilala sa kanya..
tas sinuway ko lang nang sinuway ang sarili ko, hanggang sa umabot na nga dun sa Sunday Dress yung sitwasyon..
if not for that, baka nga hindi na ako nakagawa pa ng move..
almost 2 years, tas nauwi lang sa ganito ang lahat..?
nagkamali talaga ako sa mga tantsa ko..
akala ko friendly man lang siya dahil bigla na lang niya akong kinausap noon..
akala ko posibleng maging interesado siyang makipagkilala man lang since matagal na rin naman kaming magka-subdivision lang at bumibili pa nga sila sa amin eh..
akala ko talaga mabuti yung meaning nung mga ngiti niya..
pero nung nabasa ko na yung message niya, parang nabasag yung dati kong pagkakakilala sa kanya eh..
para tuloy lumalabas na isa lang siyang 'charmer'...
dapat yata talaga hindi ko na muna binigay yung number ko at yung facebook..
at least baka tumagal pa nang kaunti yung boksing..
pero sa bagay, mas matagal - baka mas masakit lang yung damage...
ni hindi ko maintindihan kung bakit ako nasasaktan nang ganito..
hindi ko naman siya minahal..
nagustuhan ko lang naman siya..
siguro gawa nga nung mga ngiti niya...
bakit ba kasi hindi siya kaagad naging totoo..?
bakit sumagot-sagot pa siya sa mga interview ko..?
tas yun pala zero interest siya at nakukulitan pa sa akin nung tayong yun (na minsan ko nga lang siyang kausapin)..
tas s-in-uggest pa niya na sabayan ko na lang siya tuwing umaga..? >,<
bakit naman ganun..?
sinadya ba niyang pakagatin lang ako..?
nagsisisi tuloy ako na nakipagkilala pa ako sa kanya...T,T
No comments:
Post a Comment