Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (May 6, 2013 - Questions)

May 6, 2013..
(non-journal entry)

yellow tee shirt..
white shorts with print..
bakya style..
tuyong nakalugay na buhok...

gusto kong malaman yung dahilan kung bakit ayaw niya saken..
kung bakit ayaw niya man lang akong makilala..
akala ko talaga na dahil magkalapit lang kami ng bahay sa loob ng ilang taon na rin, eh posible naman kaming maging magkakilala - acquaintance man lang..
akala ko may posibilidad na maging interesado siyang makilala ako, dahil sinubukan niya akong kausapin noon, mahigit isang taon na rin bago pa man ako nakipagkilala sa kanya...

bakit..?
dahil ba matanda na ako nang higit kesa sa kanya..?
dahil dukha lang ako at siya ay isang mala-prinsesa..?
dahil ba alam niyang wala akong propesyunal na trabaho..?
dahil ba akala niya na tambay lang talaga ako dito sa bahay namin..?
dahil ba akala niya na magbenta lang ng yelo ang kaya ko sa buhay..?
dahil ba sa buhok ko, ayaw ba niya sa lalaking mahaba ang buhok..?
dahil ba sa height ko..?
dahil ba tuwing nakikita niya ako, eh naka-pambahay lang ako..?
dahil ba may ideya siya tungkol sa masamang ugali ko..?
o dahil ba halos araw-araw nilang naririnig kung gaano kagulo ang mga tao sa bahay namin..?
dahil ba alam nilang hindi naman ako Iglesia at nagce-celebrate ang biological family ko ng xmas..?
natakot ba siya na na-search ko siya kaagad sa Facebook..?
o ang naging dating ba ng kuwento ko sa kanya eh ilang taon ko na siyang palihim na minamatyagan..?
ano ba talaga yung rason..?

ngayong naalala ko ang tungkol sa bagay na yun..
medyo matagal na nga rin pala talaga kaming magka-subdivision..
ni hindi ko na nga nagawang itanong sa kanya kung ilang taon na ba silang nakatira sa lugar namin..
it's either may ideya nga siya tungkol sa buhay ko..
or posible rin naman na wala nga talaga siyang pakialam - as easy as that...T,T


No comments:

Post a Comment