Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (May 2, 2013 - Ikalawang Pagtatagpo)

* ambush - ang term para sa sapilitan kong pag-i-initiate ng pagtatagpo (other than ice encounter) namin ni Miss 068...

May 2, 2013..
ambush sequence #03 - completed..
though hindi ko pa rin nakuha yung mga gusto kong sagot mula sa kanya...

white long sleeves (basta yung parang sa mga sinaunang pormal na pormal na mga teachers na babae o librarian)..
black o dark gray office skirt..
black flat shoes..
at ang medyo basa pa niyang nakalugay na buhok...

hindi ko nakuha yung time nang pag-alis namin..
basta pasado 07:00 na yun..
tas sabi niya 07:30 yung class niya today (which is a Thursday)...

ayun nga, siyempre maagang nag-shutdown muna ng computer for this mission..
pagka-spot ko na lumabas na siya sa gate nila, eh hinabol ko na kaagad siya..
medyo pasimple lang na lakad sa tapat ng bahay nila dahil baka matunugan kaagad ako ng parents niya..
tas pagdating sa unang kanto eh hinabol ko na siya nang takbo..
siya yung unang nakakita sa akin eh..
narinig niya siguro akong tumatakbo dahil sa tsinelas ko, kaya napalingon siya..
tas nginitian niya ako, kaya nginitian ko rin siya..
tapos sabi ko 'pasabay', kaya wala na siyang nagawa..
nalaman ko na may kinukuha siyang 12 units this summer class, with OJT yun..
and Tourism student siya..
so siguro nasa 3rd year or 4th year siya, pero since 19 pa lang siya, eh mas safe i-assume na nasa 3rd year lang siya...

after ng introductory conversation..
eh siyempre dumako na ako sa gusto ko talagang itanong kay Miss Robledo (again, dahil sa time constraint)..
so i asked her, kung sakali bang yayain ko siyang lumabas kami minsan, posible bang payagan siya ng parents niya..?
puros siya reasons at first..
kaya i honestly thought to myself, na 'hala, ba't parang hindi talaga siya interesadong makipagkilala man lang saken..?' T,T
kesyo busy nga daw ang schedule niya..
Mondays to Saturdays ang pasok niya..
and with OJT nga yun..
tas parati lang siyang napapangiti o tumatawa habang sumasagot siya..
i hate that, kahit na bagay sa kanya ang naka-smile, kasi hindi ko mabasa kung anong iniisip niya eh.. >,<
tas may ka-text pa yata siya habang nag-uusap kami (kaka-selos >,<, LOL!)..
ayun..
pero may mali rin nga naman ako dun (sorry naman! >,<)..
i mean, may summer class siya at On the Job Training pa..
so busy nga talaga siya (antanga ko para makalimutan ang tungkol sa buhay estudyante)..
sa halip na pinag-isip ko pa siya..
dapat pala sinabi ko na willing naman akong maghintay hanggang sa magka-libre na siyang oras..
na hindi naman kailangan na nitong summer na kaagad kami lumabas...

tas sinita ko siya, haha!
'tawa ka lang naman nang tawa sa akin eh, sagutin mo kaya yung tanong ko'..
tas sabi niya, 'anong tanong'..?
sabi ko naman, 'yun na yung tanong ko - '..
'ikaw ba, sa sarili mo, papayag ka ba kung sakaling yayain kitang lumabas minsan..?'
sabi niya tuloy 'maglakad na lang tayo tuwing umaga', habang tumatawa..
LOL! natawa at natuwa naman ako dun sa sagot niya..
dahil invitation ang dating nung sinabi niyang yun sa akin..
aba, pabor yun sa akin kapag nagkataon..
wala muna akong kailangan na i-invest habang nangangalap ako ng data..
tas makakapag-ipon pa ako ng pang-date namin sa Jollibee (LOL! jowk XD)..
sabi ko nga eh, edi kahit diyan lang muna tayo sa malalapit, mag-lomi haus tayo o maghalu-halo minsan..
that time, nalito na naman ako..
ang priority objective ko kasi eh malaman nga yung effect sa kanya netong advancement (or kung anuman ang mas accurate na term) na ginagawa ko sa ngayon..
she's not totally rejecting me..
and at the same time, hindi ko rin naman masabi kung interesado ba siyang makipagkilala sa akin..
pero dahil sa mga pinapakita niya, sa tantsa ko hindi naman siya yung tipo na iiwas..
kaya naman, dahil dun - may na-unlock akong new ability..
haha! parang computer game lang eh..
from now on parati ko na siyang babatiin sa tuwing magkikita kami..
para feeling close, at para makapagpa-cute na rin (kahit na hindi naman ako guwapo T,T, at napagkakamalan pa ngang babae minsan >,<)...
(kagaya kahapon, may bading na tumawag saken, sabi ko ano po yun, tas sabi namimigay lang po ng free sample ng lotion, CRAP! >,<)
susubukan ko na rin pala siyang i-add sa decoy Facebook account ko, baka sakali lang na kumagat sa patibong eh, sayang rin yung pagkakataon...^_^

since hindi pa masagot ni Miss Robledo yung tanong ko, eh ibang topic muna..
tinanong nga pala niya ako, kung pasaan ba daw ako..
akala niya siguro may lakad na naman ako..
pero hindi ko na kailangan ng alibi this time..
wala na akong choice kundi maging pranka at direkta pagdating sa kanya simula ngayon..
sabi ko na siya talaga yung pakay ko..
na gusto ko siyang sabayan dahil may gusto akong itanong sa kanya..
na nakita ko siyang umalis sa kanila , kaya sinundan ko siya..
well, i hope things wouldn't be creepy ngayong alam na niya na kaya ko talagang gawin yun...

and dahil nga gusto ko nang maging totoo..
siguro para na rin makuha ko yung trust niya..
eh sinabi ko na lahat sa kanya yung pinagmulan nitong pakiramdam na 'to..
mukhang nakikinig naman siya kahit na may ka-text siya (multi-tasker), dahil nagre-react siya eh..
sabi ko na seryoso ako noong isang araw nung sinabi ko na interesado akong makilala siya..
kaya naman, kung pwede sana..
hayaan niya akong makalapit lang sa kanya, gaya kanina, para naman mas makilala ko siya..
tas panay naman ang tanong niya, 'pero bakit ako?'..
napaka-inosente ng tanong niya..
sus, kung alam ko rin lang sana ang sagot sa tanong niya, edi sana wala nang problema..
naikuwento ko rin sa kanya na since September 27, 2011, eh naging interesado na ako sa kanya..
na gusto ko sana siyang makilala simula noong araw na bigla na lang niya akong kinausap at pinauna sa tindahan..
pero hindi ko na lang tinuloy..
dahil sa tingin ko hindi naman ako deserving na makilala siya..
na sa tingin ko na wala namang mangyayari kahit na magkakilala pa kami..
tas siya naman eh manghang-mangha na tanda ko pa yung mga date at ang mga detalye..
siyempre naman, may journal kaya ako - every note is a key to a certain memory..
kaya mas madali kong natatandaan ang mga interesanteng mga bagay-bagay..
antagal na daw pala, pero bakit nga ba daw siya pa..
tas ayun nga..
i also told her about her Sunday dress..
na last March 31, 2013, eh nakita ko na lang siya na suot yun..
again, manghang-mangha na naman siya sa bawat detalye..
kaso i think i forgot to tell her how lovely she was back then, at na yun yung talagang nag-trigger dito sa nararamdaman kong ito...

nakalimutan kong isali sa kuwento ko kahapon sa Facebook..
sinisi ko nga rin pala siya nang harap-harapan..
sabi ko 'siya kasi, ginugulo niya ako'..
'bakit daw siya?'..
hindi ko lang sigurado kung na-gets niya yung ibig ko talagang sabihin - na ginugulo niya 'tong damdamin ko T,T..
sabi ko na lang na pag-isipan naman niya yung tanong ko..
nag-agree naman siya..
tas sinamahan ko muna siya sa may labasan sa highway, habang naghihintay ng jeep..
tas nung nakakita ako nang maluwag na pa-Lipa..
eh pinasakay ko na siya..
nagpaalam na siya..
nagba-bye na ako at sinabihan ko siya ng 'ingat'...

natatawa ako..
dahil yung p-in-repare ko palang script eh medyo sobra doon sa walking time namin..
kaya ayun, may mga hindi na naman ako nasabi sa kanya..
di bale..
marami pa namang next time..
yun na nga ba yung problema kapag nagamit pa ng script eh..
madalas hindi naman nasusunod..
lalo na kapag hindi rin naman sumunod sa daloy nung script yung babae..
pero wala naman akong naging problema kay Miss Robledo, nakikiayon pa naman siya sa akin...

sa totoo lang medyo proud ako sa sarili ko ngayon..
kung ginawa ko ang mga bagay na 'to 5 years ago..
malamang nabubulol pa rin ako tuwing nasa harap ako ng isang babae na gusto ko..
at malamang nasapak na niya ako dahil wala naman siyang maintindihan sa mga sinasabi ko sa kanya..
pero kakaiba ang pakiramdam ko tuwing kausap ko siya..
hindi siya mahirap pakisamahan..
at nakaka-relax yung pangiti-ngiti niyang yun..
ni hindi nga ako inaatake ng hyperhidrosis ko eh..
basta nagiging madali para sa akin na maging totoo lang sa kanya..
na kahit na anong pumasok sa isip ko sa oras na kasama ko siya, eh madali ko lang na nasasabi sa kanya..
nagiging masyado na yata akong komportable with her, ah..?

ayun..
siyempre - toothpaste-mode na naman ako..
peanut-mode pa..
HAPPY eh...^_^

after that, umikot ako sa subdivision para maghanap ng mga halo-halo-an..
para mayaya ko naman siya kahit sa free time man lang niya tuwing Sundays...^_^


mga 20:20 siya umuwi sa bahay nila kagabi..
natuwa nga ako na nakita ko pa siya nang ganung oras..
tas lumabas na naman siya para mag-chi-chiriya..
naka-white tee shirt siya, tsaka ponytail..
hindi ko na lang maaninag yung iba niyang suot dahil madilim na sa labas noon...

tapos, parehas kaming home alone noong mga oras na yun..
maaga kasing umalis yung family niya kahapon, akala ko nga eh sabay-sabay pa silang uuwi eh..
ako naman eh, yung iba kong biologicals eh pinagbabantay ng bahay ng panganay kong biological brother, tas yung biological demon father ko naman eh um-attend ng pa-meeting ng mga kandidato para sa eleksyon..
oo, naisip ko na 'ano kaya kung dalawin ko siya sa kanila'..
para samahan man lang siya, at makipagkuwentuhan..
pero, that was just a silly thought..
hindi naman ako kilala pa sa kanila ng personal, kaya nakakahiya kung papasukin niya ako sa bahay nila..
tsaka halos kabago-bago lang naman naming nagkakilala eh...

---o0o---


bakit ko nga ba iniisip na nakakahiya na sinasadya ko siyang abangan at sabayan..?
hindi naman kasi tama na iasa ko na lang talaga lahat sa pagkakataon - na magkikita kami tuwing kailan lang kami nagkataong magkita..
lalaki ako..
kaya normal lang siguro na gumagawa ako ng paraan para magawa kong makalapit sa kanya..
ano ngayon kung isipin ng mga tao na taga-sa-amin na dinidiskartihan ko siya..?
sa bagay, medyo totoo naman yun..
eh sa interesado ako sa kanya eh..
another silly thought... >,<


No comments:

Post a Comment