ang entry na ito ay related sa isa pang nakaraan na entry:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2014/04/k-ture-big.html
bale hindi pa pala doon sa huli kong review nagtatapos yung pagiging komplikado ng istorya nitong 'Big'..
ang nangyari kasi eh, bukod sa pagiging magkaribal sa babae..
eh nagkataon din naman na magkapatid pala sina Darius Kang at Dr. Eugene So..
pareho
lang naman sila ng mga magulang, pero kinailangan ng nakababatang si
Darius Kang ng surrogate mother, at ginawa lang siya para mailigtas ang
buhay ng kapatid niyang si Eugene..
in addition to that, nabanggit
rin ng biological mother nila na dahil nga sa kondisyon niya nang
pagbubuntis eh posibleng magkakambal pa nga talaga sina Darius Kang at
Eugene So..
bale, test tube baby nga pala si Dr. Eugene, yun siguro yung dahilan kung bakit siya nagkasakit...
yung surrogate mother ni Darius Kang ay minahal talaga ang biological father niya..
at isa yun sa mga ikinasama ng loob ni Darius..
paano
daw kasi nagawa ng biological father niya na pilitin ang babaeng alam
niyang nagmamahal sa kanya na dalhin ang kanyang anak sa ibang babae..
at eventually lumabas naman yung katotohanan na minahal ng biological father ni Darius ang babaeng nagsilang sa kanya..
at na ang biological mother din ni Darius ang pumilit sa kinagisnan niyang ina na maging surrogate mother..
at
napagkasunduan nga nila na iwan na lang sa pangangalaga nung surrogate
mother yung bata, since yung umbilical cord lang naman nito yung
kailangan nila para mailigtas si Eugene..
yun din siguro yung
dahilan kung bakit noong una ay ayaw na ayaw ng biological mother ni
Darius sa kanya - dahil inianak siya ng babaeng minahal din ng kanyang
asawa...
bale yung milagro pala ng pagtatagpo ng magkapatid eh dulot na rin ng totoong pagkakaugnay nila sa buhay...
hindi masyadong naging epektib yung istorya..
unang dahilan eh dahil parang nagkatuluyan pa rin sina Teacher Diane at ang estudyante niya noon na si Darius..
habang
nagkakagusto si Diane kay Darius ay ang anyo naman ng kasintahan niyang
si Eugene yung nakikita niya, tas attitude lang bale yung nare-reflect
ni Darius..
so paano yun..? nagkagusto siya sa ugali nung bata habang katawan ng totoo niyang kasintahan noon ang nakikita niya..?
parang
nabalewala tuloy sa istorya na 'to lahat ng sakripisyo nina Dr. Eugene
para kay Diane at nung kababatang babae ni Darius para kay Darius..
napatunayan pa man din nila na minahal nga ni Eugene si Teacher Diane, at na hindi naman talaga ito nagtaksil sa bidang babae..
tas
ang layo pa nung age gap nung mga bida, na para tuloy ang hirap
tanggapin nung istorya kahit na nangyayari naman talaga yun sa totoong
buhay...
sa katapusan nga eh muling nagkita sina Darius at Diane..
hindi ko sigurado kung anong nangyari sa magkapatid, dahil hindi ko na napanood nang ayos..
basta kamukha na ni Darius si Eugene So (siguro nga eh dahil supposedly eh kambal naman talaga sila)..
tas
isina-suggest na muling nagmahalan yung dalawa, kahit na nakalimutan pa
ni Darius lahat ng mga nangyari sa pagitan niya at ng teacher niya
noong mga panahon na nag-switch sila ng katawan ng kuya niya..
isa na namang patunay kung gaano kalakas yung tinatawag na 'love'...

No comments:
Post a Comment