(non-journal entry)
multiple sightings...
nung umagang-umaga..
naka-orange o tangerine tee shirt siya..
faded denim shorts..
flip-flops..
at high ponytail (oo nga pala, mas madalas nga pala talaga siyang naka-high-pony)..
hindi ko pa siya nakita ni minsan na naka-low ponytail gaya ng sa akin..
tsaka nga pala yung bagong gising niyang itsura...
tas nung second sighting..
yun pa rin naman yung bihis niya..
naka-tuck in na nga lang siya tas naka-black belt yung shorts..
noong una niyang pagdaan papuntang tindahan eh naka-ponytail pa siya..
tas nung pabalik na siya eh naglugay na siya ng buhok..
maliligo na siguro siya..^_^
ewan ko ba..
pero noong pabalik na kasi siya, eh siyempre napapatitig ako sa kanya..
tas bigla na lang tumibok nang mabilis ang puso ko..T,T
nakakaasar na talaga ang ginagawa o naidudulot sa akin ng batang yun...T,T
nung third partial sighting..
naka-black or dark blue tee shirt na siya...
tas nung fourth sighting..
magkasamang lumabas sina Miss Robledo at si sister-in-law (LOL, peace XD)..
akala ko papunta lang sila dun sa tindahan sa tapat namin..
pero bigla na lang silang nag-dire-diretso doon sa mas malayong tindahan..
alam nyo yun, yung bantay na bantay sana ako sa pamboboso..
tas bigla na lang may dumating na kliyente.. >,<
panira ng mood..
ayun, wala akong nagawa kundi asikasuhin yung kliyente ko..
tas habang abala ako sa kanila, eh dumaan na nga ulit yung magkapatid..
mukhang school supply yung binili nila kaya kinailangan pa nilang pumunta doon sa isang tindahan..
(at least alam ko na ngayon na may rason pa rin para pumunta sila doon sa mas malayo)..
naka-black or dark blue tee shirt nga siya..
denim shorts..
flip-flops..
tas nakalugay lang yung buhok niya..
pero this time, eh kita yung tainga niya, na may pearl-shaped na hikaw..
siyempre medyo nainis ako sa pagka-wrong timing nung mga kliyente ko..
tas nakaharang pa si sister-in-law sa view nung dumaan sila pabalik...T,T
umalis sila noong hapon tas mga 21:30 na yata umuwi... >,<
after that eh nawala na ulit lahat ng pagkakataon ko para malapitan siya noong araw na yun..
sobrang torpe ko naman kasi..T,T
kahit tawagin man lang yung pangalan niya at kawayan siya eh hindi ko pa magawa..
habang tumatagal at mas napapansin ko na sila ng family niya eh mas nagiging insecure na ako..
ayoko man ng ganung pakiramdam, pero hindi ko maiwasang ikumpara yung sarili ko sa kanya eh..
pakiramdam ko sobrang busy nila sa buhay nila..
hindi ko naman masasabi na wala na ngang pagkakataon..
dahil ang totoo, may mga nakikita naman ako, talagang engot lang ako..
kaya natitigilan na lang ako sa tuwing andyan na sa harapan ko yung hinihiling kong chance...
hindi naman sa nababagalan ako sa sarili kong diskarte..
para kasing kailangan ko na lang parating i-push nang sobra yung sarili ko to make a certain move..
pero siguro kung may dapat man akong ika-kampante sa ngayon, yun eh yung sinabi niya na wala pa siyang boyfriend at hindi pa siya pwedeng ligawan...
---o0o---
ang totoo may nagawa kasi akong mali sa move ko..
sabihin na nating napaaga ako..
well, technically speaking, late na late na yung ginawa kong pakikipagkilala in the sense na hindi pa naman ako handa para sa mga ganitong bagay ulit..
mabuti na nga lang kamo at single pa rin nga siya..
may hinihintay pa kasi akong isang bagay, bago sana ako tuluyang maging handa man lang para sa mga paglabas-labas o date-date na yan..
kaso yung pagiging impulsive ko eh mahirap talagang kontrolin minsan, lalo na at nasa kasukdulan na..
sa tuwing may gusto akong bagay, ang gusto ko sugod na kaagad kahit na walang konkretong plano..
kaya mas madalas na napapahiya ako sa mga ikinikilos ko sa harap ng ibang tao...
kagaya na lang ngayong umaga..
ang plano ko kasi eh sasabayan ko ulit siya hanggang sa may labasan..
may kailangan kasi akong itanong sa kanya na gustung-gusto ko nang malaman ang sagot..
i honestly thought na tama yung timing ko kanina..
pero may nakahanda naman akong alibi ulit just in case..
kaso paglabas niya ng gate nila eh sa tindahan pa lang pala yung punta nya.. >,<
hindi pa naman ako dumidiretso sa mga mission kapag natatangahan na ako sa sarili ko..
ayun..
wrong timing..
mission failed..
hanggang sa i totally lost her na..
ewan..
hindi ko na ulit siya nakita eh..
nasalisihan yata ako sa pag-alis niya today...T,T
hay..
ganun talaga pag bopols..
better luck next time na lang...
sa ngayon..
i'm afraid that this thing inside me might BREAK me even more...T,T
No comments:
Post a Comment