Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (April 27, 2013)

April 27, 2013..
(non-journal entry)

i'm not really sure kung nai-spot-an ko nga ba siya yesterday..
ewan, parang masyado yatang maraming babae sa bahay nila kahapon kaya nalito na rin ako... >,<

nung umaga..
eh may nakita akong kasabay ng nakababata niyang kapatid na babae (yata) na bumili sa tindahan..
green tee shirt na may iba pang kulay..
white shorts..
kung anumang slippers yun..
kaso parang naka-bun siya at may bangs..?

nung hapon naman, may nakita ako..
naka-light blue na short sleeves na blouse..
with matching black office skirt..
seksi..
tas parang shorter at straight na straight yung putol ng buhok niya sa likod..?

ewan..
isa lang naman yung common sa mga nakita kong yun eh..
yun eh walang iba kundi yung mala-porselanang kutis...

nung hapon kasi eh andaming babae na pumasok sa bahay nila..
kaya ayun, hindi na ako naging sigurado sa sarili ko..
Saturday kahapon, pero hindi umalis yung auto nila..
kaya baka nagkanya-kanya na muna sila ng samba...

ewan ko ba..
parang hindi na naman umaayon ang pagkakataon saken eh..
hindi kasi nagbukas yung halo-halo-an kahapon, kaya hindi ko tuloy nasubukan na mag-lure..
hindi ko pa naman siya pwedeng sadyain sa kanila, dahil hindi pa naman ako kilala sa kanila - sa mukha pa lang..
siyempre scared pa din ako sa parents ng taga-ibang sekta.. >,<
bukod pa yung kailangan kong tantsahin na reaksyon niya para dun sa last move ko...

bukod pa dun areng kinaiinisan kong bagong tindahan sa harapan namin..
una - dahil suportado nila si Sabili.. >,<
tapos ever since nagkatindahan na nga dun eh hindi na pumupunta sa medyo malayong tindahan yung family members nila - na may punto nga naman..
parati na lang sa kanila nabili..
tas parehas pa yata silang mga Iglesia.. >,<
mas mabilis na silang nakakabili, mas maikli pa yung lakaran nila ngayon..
kaya hindi ako basta-basta nabili sa tindahan na yun eh - dahil basag trip sila... >,<

hay..
patience..
huwag ka kasing magpadala sa bugso ng damdamin mo..
ika nga sa chess eh, baka 'ma-touch-move ka'..
wala ka sa tamang kondisyon lalo na sa ngayon..
pabayaan mo na lang muna na maging natural ang daloy ng mga bagay-bagay..
huwag mong subukang isiksik sa kanya ang sarili mo sa ganitong kaagang estado...


No comments:

Post a Comment