(non-journal entry)
spotted her in the morning (madalas naman eh)..
white tee shirt..
faded o grey jeans..
black flat shoes..
at basang nakalugay na buhok...
nakatambay lang ako kagabi sa may terrace..
tas narinig ko na may dumating sa bahay nila..
pero hindi ko naman narinig na dumating yung kanilang sasakyan..
siya yata yun, nakipagtalo pa sa aso nila nung paalis na ulit siya, tas may kausap pa..
ilang minuto lang siyang nagtagal dun eh..
hala, sino kaya yung kasama niya nun..?
hindi ko pa naman sila nasilip man lang... >,<
parang tanga ako kagabi..
hindi ako makatulog puwerket hindi pa umuuwi yung family nila kahit late na..
wala naman dapat akong pakialam dun..
i mean, buhay nila yun eh..
siyempre magagawa nila kung anong gusto nila..
tsaka para namang matagal silang mawawala..
eh taga-dun nga lang sila sa tapat ng bahay namin eh..
bakit, umaasa ka ba na magkikita ulit kayo dahil weekend na ulit sa wakas, kaya kabado ka kagabi na baka hindi sila umuwi..?
tungaw!
huwag mo ngang i-obsess yang sarili mo sa babae - bad yun..
mabuti na lang kamo at umuwi pa rin sila..
kahit na late na late na siguro yun...
---o0o---
hindi ko lang maalis sa isip ko..
noong 10 years old na ako, nasa Grade 4 na ako noon at siyempre nag-aaral..
samantalang si Miss Robledo eh nasa 2 or 3 years old pa lang noong mga panahon na yun..
siguro nag-aaral pa lang siyang maglakad at magsalita noon...
naalala ko lang, dahil 10 years old kasi ako noong lumipat kami dito sa kasalukuyan naming tinitirhan..
naisip ko na kung sakaling nagkasabay ang mga family namin na lumipat sa subdivision na ito, eh malamang nasubaybayan ko pa ang paglaki ng batang yun..
makikilala ko siya bilang isang baby...
medyo nakakatanda nga sa pakiramdam..
pero tama naman ang ibang tao..
hindi na mahalaga yung agwat ng edad sa ngayon..
lahat naman talaga eh dumadaan sa stage na yun - ng pagkabata..
iisipin ko na lang na nasa mga wastong edad na naman kami nung nagkakilala kaming dalawa...^_^
No comments:
Post a Comment