Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (June 6, 2013 - Failed Ambush)

June 6, 2013..
(may pagka-journal entry)

white short-sleeved blouse..
black office skirt na may parang mesh na tela pa on top of the actual skirt..
at black flat shoes...

fail, major fail..
nauna nga akong umalis, pero karipas naman siya ng lakad..
mas nauna akong lumabas ng gate namin eh, pero talagang binilisan niya ang lakad niya..
kumuha siya ng ilang distansya, tapos saka siya tumawid sa side ng kalsada na dadaanan ko rin..
akala niya siguro hahabulin ko na naman siya..
natakot na sigurong masabayan ko na naman siya ulet..
mas maganda siguro kung nauna talaga ako..
para makita ko naman kung anong gagawin niya sa ganung klase ng sitwasyon..
parang madaling-madali siya eh, nilagpasan pa nga niya yung mga naglalakad sa unahan niya..
hindi ko masabi kung talagang iniiwasan na niya ako o dahil pasado 07:00 na siya nakaalis..
tas nakigulo pa areng biological mother ko..
nakasalubong ko kasi siya habang papalabas na ako ng subdivision..
tas ayun, todo interview sa akin - sobrang pakialamera talaga sa buhay..
ayun, mas naiwanan nga tuloy ako ni Miss Robledo..
ni hindi ko na siya nakitang sumakay doon sa may labasan eh...

nakakaasar..
na saka pa nawala yung link ko sa kanya kung kailan may mga interesante ng nangyayari..
pasaway talaga yung drone na yun..
curiosity is killing me...

---o0o---


kailangan ko na nga sigurong itigil 'to..
babae lang yun..
babaeng espasol.. >,<
palayain mo na ang sarili mo, bitter na matanda..
oo nga't matagal mong kinimkim yang nararamdaman mo..
oo nga't sinubukan mo naman na mapalapit sa kanya..
eh sa ayaw sa'yo nung babae eh..
hindi naman natin inasahan na magiging ganito siya pagdating sa'yo eh..
eh sa iba yung trato niya sa'yo kumpara sa ibang mga lalaki na kakilala niya at nakikipagkilala sa kanya eh..
whatever it is na meron sa likod ng pagkatao mo na ayaw niya, eh siya na lang ang nakakaalam nun...

tama na..
kalimutan mo na ang schedule niya ng pagpasok..
itigil mo na ang 'pamboboso' mo sa kanya..
kung kinakailangan na lumayo ka sa mga lugar kung saan posible mo siyang matanaw, eh gawin mo..
sa tuwing maririnig mong nagbubukas yung gate nila, eh huwag mo nang lingunin..
huwag mo na ring subukang basahin pa ang mga iniisip niya..
ikaw lang naman yung tumatanggap ng damage eh..
mas nao-obsess ka lang sa kanya nang dahil sa ginagawa mo..
tigil-tigilan mo na rin ang pagsusulat ng tungkol sa kanya..
burahin mo na yung album niya..
burahin mo na rin yung mga pictures niya sa cellphone mo..
at huwag mo na siyang gawing background image - feeling ka naman kasi eh..
huwag mong parusahan nang parusahan ng ganito ang sarili mo..
siguro nga you do not deserve an espasol like her..
siguro you do not really deserve anyone after all..
isa ka lang basura sa lipunan..
isang nilalang na puros negatibong bagay lang ang alam tungkol sa mundo..
kung maibibigay ko lang sana sa'yo yung kahilingan mo, hindi na ako magdadalawang isip pa..
kaso hindi natin kaya yun eh..
kaya maghintay na lang tayo...

ang kailangan lang nating gawin sa ngayon..
eh patayin na lahat niyang walang kuwenta mong iniisip..
nakakatakot na baka ikabaliw mo pa yan eh..
kaya tama na please...

kung ano man yung mga tanong na naiwan na walang sagot, eh pabayaan mo na..
kung ipagkaloob ng tadhana na malaman mo pa yung katotohanan sa likod ng mga yun, edi pakinggan mo..
at kung huli na ang lahat sa puntong yun, edi manumbat ka - manakit ka..
pero sa ngayon, mas makakabuti na iiwas mo na nga ang sarili mo kay Miss Robledo..
wala kang karapatan na magmahal..
wala ka ring karapatan na mahalin..
tapos ang pulong...

kundangang ang bulok kong pumili ng babae..
hay..
kung may 3D-capable unit lang sana ako ngayon..
o di kaya scanner para sa
o di kaya kahit unit na may Microsoft Office para natatapos ko na 'tong pinaka-brutal na nobela sa mundo..
edi sana kahit na papaano eh nalilibang ko ang sarili ko...T,T

ayaw mo pa kasing maniwala..
your fate has already been decided, matagal na..
you'll surely get what you ultimately desire..
pero maliban dun, hindi mo makukuha lahat ng ibang bagay na gusto mo - hinding-hindi..
dahil kung anuman yung mga entity na yun na naghahari sa lahat, eh obvious na hindi sila pabor sa existence mo..
isa ka lang laboratory rat para sa kanila na testing-an ng mga dagok sa buhay...


No comments:

Post a Comment