i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
hindi ako naniniwala sa komunismo, dahil pipigilan lang nito ang hangarin ng mga tao na mapaunlad ang mga sarili nila..
hindi rin ako naniniwala sa kabuluhan ng revolutionary tax..
hindi ako naniniwala sa paggamit ng dahas (laban sa mga inosente at walang kinalaman) para lang marinig kung anuman yung ipinaglalaban ninyo...
pero..
hindi rin ako naniniwala sa sistema na sumusuporta sa Dictator Clan..
hindi ako naniniwala na may kapatawaran ang panggagahasa sa bayan, sa kapangyarihan, at sa mga mamamayan..
hindi ako naniniwala sa mga 6-months promises..
at hindi rin ako naniniwala sa mga kasinungalingan na ang intensyon lang ay maghabol ng mas mataas na antas ng kapangyarihan...
kung pwede lang sanang labanan parehas..
edi wala na sanang malawakang banta laban sa bayan...
---o0o---
update ulit (217 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
- yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
- yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020
- yung pahiwatig na gusto niyang ipatupad yung Martial Law na katulad nung sa Dictator Clan
- ang paulit-ulit na pagre-relate ng mga tao sa kanyang mga rape comments na para bang ginagawa pang katatawanan ang bagay na yun
- ang pambabastos sa lider ng isang bansa na mahilig sa mga delikadong armas, kahit na hindi naman kaya ng bansa na lumaban in case na mapikon ang mga yun
- yung pati kaso ng pagnanakaw sa bayan ay gustong iareglo para lang sa Dictator Clan kahit na pang-bobo yung alibi ng tagapamagitan nila
- yung statement tungkol sa kagustuhang bombahin ang mga Lumad schools
- yung pag-iimbento ng bank accounts at kuwento na rin tungkol dun at pagre-relate nun sa hindi nila kakamping opisyales, na inilabas pa sa publiko
- yung 16 million lang ang gusto niyang i-consider, kumpara sa mahigit 100 million na mamamayan ng bansa
- yung atat na magdeklara ng kalayaan kahit na may mga labanan pa, may mga terorista pa, at may mga bihag pa
- eh yung lahat na lang ng mamamayan na may reklamo tungkol sa maling pamumuno eh gusto kaagad na i-classify bilang rebelyon
- yung nagse-set ng ultimatum na ni hindi rin nga feasible ayon dun sa mismong ahensiya
- yung ang pagkalkal ng history ay tila base lamang sa nakukuhang pabor
- yung nainsulto sa mga sinabi ni Justin Trudeau kahit na totoo naman ang mga nangyayaring pagmamalabis, tapos patalikod pa ang pag-atake
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
- yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
- yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
- sa Lanao del Norte, yung mag-ina, kasama na rin yung bata sa sinapupunan, na nadamay sa pagkapatay ng mga pulis sa nanlaban daw na kapatid ng suspek nila
- yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
- yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
- yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
- yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
- yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
- sa Caloocan, yung bahay ng matandang babae na nilooban at pinagnakawan ng mga pulis at ng iba pa nilang kasamahan na hindi naman mga pulis
- sa Maragondon, Cavite, yung miyembro ng SOCO na sangkot sa nakaw-ebidensya regarding sa kaso ng pagpatay sa mag-asawang matanda
- sa Olongapo, yung 2 pulis na nasangkot sa robbery extortion matapos pagnakawan ng higit daw sa Php 100,000 ang mag-asawang drug suspect
- sa Zambales, yung nag-AWOL daw na pulis na sangkot sa rentangay modus
- yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
- sa Zamboanga del Sur, yung nakunan sa CCTV na sundalo na pinagbabaril ng 2 na-identify bilang mga pulis
- yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
- sa Ozamiz City, yung pagpatay o pagtumba daw ng mga pulis sa grupo ng mga suspek, at tila i-d-in-isplay pa ang mga bangkay nila sa harap ng munisipyo
- yung kaduda-dudang raid laban sa mga Parojinog sa Ozamiz
- sa Tondo, yung pulis na nakunan ng ibang CCTV na ipinaling sa ibang direksyon ang isa pang CCTV camera habang may police operation daw ang mga ito
- yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
- yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
- yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
- yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
- yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
- sa Tondo, yung 2 lalaki na napatay ng mga pulis dahil nanlaban daw, at tila binutas-butas pa daw yung katawan, pero nakunan naman ng CCTV yung maayos nilang pagsama sa mga pulis
- sa Caloocan, yung ginawang pagtumba ng mga pulis sa 17 y/o na Grade 11 student na pinalabas nila na nanlaban
- yung hinihinalang pagtumba dun sa 19 y/o na UP Passer
- yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera
- yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao
- yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
- sa Davao del Sur, yung hepe ng pulis na nagwala sa isang tindahan o bar dahil nakainom daw ito
- yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
- sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
- yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
- sa Ozamiz, yung nakunan ng video na pananakit ng isang police chief inspector sa isang nahuling suspek
- sa Quezon City, yung pulis na dati nang nasuspinde, na inaresto dahil sa pambubugbog daw sa kanyang stepson
- sa Baguio, yung traffic enforcer na nakunan ng CCTV na pinagsusuntok ang isang taxi driver mula sa labas ng sasakyan nito
- sa Pasay, yung pulis na nanakit ng bata, na gumamit pa daw ng tabo sa pananakit
- sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
- sa Bacolod City, yung babaeng pulis na nanutok ng baril sa nakaalitan niya sa bar
- sa Parañaque, yung pulis na hindi nagbayad ng mga nakuha niya sa isang karinderya, na nanutok ng baril, at nanuntok pa ng isang customer
- yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
- yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
- yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
- sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
- yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
- sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
- sa Caloocan, yung 2 pulis na nagbarilan ng dahil lang DAW sa toothpick
- yung pulis na nang-rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
- sa Olongapo, yung 6 na pulis na nasangkot sa pag-rape at pagpapa-rape sa isang babaeng drug suspect at sa isang lalaking bilanggo
- yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
- yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
- sa Angeles, Pampanga, yung 16 y/o na nagmomotor na aksidente daw na nabaril ng 1 sa mga pulis na sumita sa kanya
- sa Manila, yung pulis na namaril sa isang bar, na napatigil gamit ang phaser gun
- sa Agoncillo, Batangas, yung pulis na pumatay ng isang municipal nurse nang dahil lang sa away-pag-ibig
- yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
- sa Camarines Norte, yung binata na pinagbabaril daw ng isang pulis
- sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
- yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
- sa Mandaluyong, yung 2 lalaki na hinuli dahil sa pag-iinuman sa kalye, pero nakunan ng cellphone video na pinagpapapalo ng kahoy ng isang pulis
- yung sa General Trias, Cavite, yung 3 pulis na nang-torture rin daw ng 2 preso at pinilit pa yung 2 na maghalikan habang nanonood sila
- sa Norzagaray, Bulacan, yung 6 na preso na biktima ng pag-torture, mainly sa pamamagitan ng paggamit ng paddle, na ang unang itinurong promotor ay ang Warrants Officer, pero biglang nagpaiba-iba na yung istorya
- sa Tondo, yung pulis na pinaghahanap dahil sa indiscriminate firing, na posibleng handa lang daw para sa birthday yung pinag-ugatan
- sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
- sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
- yung nakunan sa CCTV na police escort na nakabundol ng batang estudyante, pero itinanggi daw na siya yung nakabundol at tinakasan pa yung biktima
- yung pulis na nakabangga ng nasa pedestrian lane
- sa Rodriguez, Rizal, yung road rage na nauwi sa barilan sa pagitan ng isang pulis at isang retired US navy, dahil dun ay nadamay at nabaril yung pasahero nung US navy
- sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
- yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
- yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
- yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
- sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
- sa Taguig, yung magkakasabwat na mga barangay officials at isang pulis sa pangingikil sa mga taong hinuhuli nila
- sa Quezon City, yung pulis na nangingikil daw sa isang bus company na nahuli sa entrapment operation
- sa Laguna, yung Kagawad at ang mga kasamahan niya na nangingikil daw ng mga dayuhan at mga kilalang personalidad bilang pangsuporta daw sa adhikain ng Hokage na Mahilig
- sa Antipolo City, yung 4 na pulis na inaresto dahil sa pangingikil daw sa isang PWD, mukhang may mga props rin sila na mga baril at ilegal na droga
- yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
- yung nasa 200 pulis daw na mukhang nandaya sa kanilang entrance exam
- sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
- sa malapit sa lugar ng giyera, yung kaso ng harassment ng isang sundalo yata yun laban sa mga estudiyante
- ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
- sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
- yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga at miyembro rin daw ng sindikato
- yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
- yung nasa 160 pa na mga pulis na inire-recommend ng PNP-IAS na pagsisibakin na dahil sa involvement nila sa ilegal na droga
- sa Bacolod, yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation
- sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
- sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
- sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan
- yung babaeng biktima daw ng tanim-droga teknik ng 11 Pulis Malabon
- yung New Bilibid prison guard na sinubukang magpuslit ng hinihinalang ilegal na droga sa pamamagitan ng pagtatago nito sa loob ng kanyang brief
- sa Cainta, Rizal, yung dating military intelligence officer na nahuling nagtutulak ng ilegal na droga
- sa Pagadian City, yung bahay ng nag-AWOL na pulis na nakunan ng nasa Php 89,000 worth daw ng ilegal na droga
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
- yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
- yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
- yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
- yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
- yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
- yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
- yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
- yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
- sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
- yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
- sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
- hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
- sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
- sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
- yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa
- sa Tondo, yung taxi driver, na kolektor daw na asset ng mga pulis, na itinumba ng riding-in-tandem, kaso ay tumagos pa yung bala sa ulo nito kaya may babaeng nadamay at natamaan din
- yung pagtumba sa foreigner na sangkot daw sa ATM skimming
- sa Caloocan, yung tricycle driver na itinumba sa hindi pa malamang dahilan dahil wala naman ang pangalan niya sa listahan ng mga drug-related personalities, at may nadamay at natamaan pa na ibang tao sa pamamaril na yun
- yung pagpatay sa 14 y/o na supposedly ay kasama nung pinatay ng mga pulis na 19 y/o UP Passer, na sa Nueva Ecija na natagpuan
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
- sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
- sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan
- regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
- sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
- in general, ang pagiging maluwag ng batas laban sa mga menor de edad na mga kriminal
- yung kung sino pa yung mga aminado sa mga krimen na paulit-ulit na ginagawa nila o yung may solid na ebidensya regarding sa ginawa nilang krimen, eh sila pa talaga yung nananatiling buhay
- sa Baguio, yung mga nahuling sangkot sa Basag-Kotse pero pinalaya rin naman kaagad matapos makapagpiyansa
- regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
- dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
- yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
- ang naging pag-atake sa Resorts World Manila
- yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
- yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
- sa Maynila, yung nakunan sa CCTV na matanda na tinutukan ng baril ng 2 naka-sibilyan na mga pulis dahil napagkamalan daw siyang magnanakaw
- sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
- sa Lanao del Norte, yung bilanggo na pinatay sa loob ng kulungan ng mga kakosa niya
- yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
- eh yung pagtutumba sa mga persons of interest na iniuugnay sa Bulacan Massacre, gayung dapat ay pinoprotektahan na sila ng mga pulis para naman mapalabas talaga yung totoo tungkol doon sa kaso
- yung kapabayaan ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang pageant winner sa Samal Island na nauwi sa panlalaban DAW nito at sa pagpatay sa kanya
- yung kapabayaan rin ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang 8 y/o na bata sa Nueva Ecija, na dahilan kung kaya't nagawa DAW nitong mang-agaw ng baril at makapagpakamatay
- yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
- yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
- ang hindi pagtupad ng PHLPost sa kini-claim nilang bilis ng paggawa at pagde-deliver ng Postal ID, at ang kahinaan ng support center nila
- yung mali at mapanlinlang na paraan ng evaluation ng Department of Tourism sa performance ng kasalukuyan at nakaraang administrasyon
- yung mga isyu na lumalabas ngayon tungkol sa BOC at sa mga mambabatas dahil sa ginagawang pananabon ngayon sa Customs
- yung problema sa mamahaling elevator para sa pedestrian overpass sa Lipa City
- yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
- yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Taguiwalo bilang secretary ng DSWD dahil DAW hindi magagamit na gatasan yung ahensya sa ilalim ng pamumuno niya
- yung pagri-reveal ni Attorney Anderson sa tangka ng isang mataas na opisyales na mag-promote ng isang hindi qualified na tao para sa Bureau of Customs
- ang kabulukan ng hustisya, yung ginawan na nga ng grupo nina Failon ng pabor ang buong bansa, pero talagang sila pa yung kinasuhan dahil lang sa binayaran na yung obvious na ninakaw na pera ng gobyerno noon
- yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
- sa Alfonso, Cavite, yung 2 preso na nakatakas at nadala pa yung police mobile, matapos na maisipan na kumain na muna nung 4 na police escort nila
- ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
- yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR
- sa Pandacan, yung 7 buwan na sanggol na nagtamo ng 3 tama ng baril dahil sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa kanilang lugar
- follow up para sa 7 months old na sanggol news, hindi pala nagkusa yung mga pulis na imbestigahan kung sinu-sino nga ang totoong nakabaril doon sa bata, at may claim pa na diniktahan lang daw para pumirma sa affidavit yung lola nito
- sa Pasay, yung pulis na naglabas at nag-display ng kanyang baril habang nakikipagtalo sa 2 binatilyo
- sa Pasay, yung itinumba na negosyante na may-ari ng furniture shop na hindi daw kaagad hinayaan ng mga pulis na maisugod sa ospital
- yung 73 y/o na lalaki na nakaladkad at nagulungan pa daw ng bus, na hindi na naman hinayaan kaagad ng mga pulis na maisugod sa ospital
- yung hindi magkatulad na magkahiwalay na statements nung taxi driver na hinoldap daw nung 19 y/o UP Passer, na hindi rin tugma sa report ng mga pulis, at tila nagtatago na yung driver ngayon
- yung kuwestiyonable at kusang pagpapa-DNA test ng mga pulis sa bangkay nung 14 y/o na kasama ni UP Passer kahit na wala namang nagre-request nito, at yung pagdedeklara na hindi naman dun sa 14 y/o yung bangkay na yun
- yung hinihinalang bagong kaso ng paglabag sa Anti-Hazing Law kung saan napatay yung isang UST Law Student
- yung kuwestiyonableng naging kahinaan ng seguridad sa Marawi sa kabila nang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao, sa kabila ng patuloy na mga bantaan mula sa magkabilang panig, at sa kabila ng pagkakaroon ng malaking halaga ng intelligence fund
- yung pagkatumba sa 4 na suspected na miyembro ng Maute habang ibinabiyahe sila, ito ay sa kabila nang may ipinapatupad ng Martial Law sa region na yun
- yung lalaking napagkamalan daw na miyembro ng Maute at hinihinalang t-in-orture ng mga sundalo
- yung may mga nangyayari pa rin daw na nakawan sa mga lugar sa Marawi na kontrolado na ng mga militar
- yung posibilidad daw na nakatakas na yung mga lider ng mga terorista sa lugar ng digmaan, gayung may claim rin ang mga awtoridad na kesyo natunugan naman daw nila yung tungkol sa pagtakas
- yung pagpapadala ng mga tiwaling pulis sa lugar ng digmaan, sa halip na sibakin na sila sa trabaho at hindi na pasuwelduhin pa ng mga mamamayan
- yung mukhang may nakapasok na daw ulit na mga armadong grupo sa lugar ng giyera
- yung hindi muna lubusang siguraduhin ang kaligtasan sa Marawi bago palipatin ang mga mamamayan
- yung pagpapababa daw ng DOJ sa kaso ng Marcos Police Group
- kasali pala yung Dictator Clan sa problema ngayon sa Norte
- ang pag-amin ng miyembro ng Dictator Clan na binalewala nga nila ang proseso ng bidding sa kanilang pamimili
- yung VIP treatment sa isang opisyales, kahit alam naman nila yung patakaran na nagbabawal nga sa kanila na pumunta sa mga casino
- yung Representative na gusto ng VIP treatment para sa kanilang hanay regarding traffic violations
- yung pagbibigay ng mga naluklok sa katungkulan ng Php 1,000 lamang na budget para sa CHR, at iba pang ahensya ng gobyerno para lang ipakita ang kakayahan nila na manggipit
- yung hindi masusing pinag-aralan na mamahaling modernization plan para sa mga jeep
- yung ginamit ang Data Privacy Act para itago ang ilang detalye sa mga SALN at SOCE
- yung babaeng abugado na nanuhol sa NBI para aregluhin yung kaso nung kaanak niya na nagpanggap na doktor
- sa Davao City, yung 2 traffic enforcer na magkasabay pa talagang gumamit ng kambal plaka
- yung mga pulitiko na gusto pa ring ipagpatuloy ang operasyon ng MRT kahit na mapanganib na ito para sa mga mananakay
- yung hindi pala reliable yung tagasulong nung impeachment complaint laban sa Chief Justice, at pwede palang base lamang sa mga balita yung mga reklamo
- yung itutuloy pa rin ang planong impeachment laban sa Chief Justice kahit na kuwestiyonable na yung mga reklamo
- yung inabsuwelto ng DOJ si Faeldon sa kaso nung shipment ng droga sa BOC, kahit na ito nga yung ginigisa noon
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
- yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
- isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
- ang maya't mayang pagpapalabas ng fake news o mind-conditioning news ng mismong mga nasa katungkulan
- yung mali-maling listahan na inilabas ng Napolcom
- yung Oplan Cyber Tokhang
- yung mga sundalo sa Marawi na napatay sa sarili nilang air strike na laban sana sa mga terorista
- yung isa pang air strike na sa labas naman daw ng Marawi nangyari
- yung isa na namang air strike na nakapatay sa sariling mga kakampi, pangalawa yata yun na nakapatay at ikatlo ng error
- ang maya't mayang pag-target ng gobyerno sa basic needs para gawing gatasan ng buwis
- yung kagustuhan na patawan ng malaking buwis ang papremyo sa Lotto
- yung naaprubahan na 24% increase sa cargo handling tariff
- eh yung pati pagkanta sa Pambansang Awit ay balak nang lagyan ng limpak-limpak na halaga ng penalty
- yung pahayag ng ilang kabilang sa Bilibid 19 na babaliktarin nila ang kanilang nakaraang mga statements kung ililipat sila ng piitan
- yung paggamit ng PNA sa logo ng kompanya ng agricultural products para sa Department of Labor and Employment
- yung naparangalan ang isang pulis na posibleng may ginawang iregularidad sa pagpapatupad ng batas
- yung ayaw mag-imbestiga nang husto puwerket may kilalang apelyido na nadadamay, di tulad sa kaso ng ibang mga tao na paspas ang mga pagpapahiya at panghuhusga
- yung kapag nasa tuktok ang nagsasalita ng kung anu-anong masasama ay hindi nila kinokontra, pero kapag hindi na nila kakampi sa pulitika yung nagsasalita ng hindi kanais-nais para sa pananaw nila eh idinadaan nila sa sistema
- ang pag-tolerate ng ibang mga mamamayan sa mga pinuno na obvious na mga magnanakaw
- yung pakikilinis ng One Social Family Credit Cooperative sa pangalan ng Dictator Clan
- yung sinasabing hacking daw ng mga e-mail address ng mga tauhan ng mga kalaban sa pulitika
- yung tila mind-conditioning na ginagawa sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pag-a-announce na may kinalaman sa kinamumuhian nilang ilegal na droga ang ilang mga pinuno, kahit na wala namang maipakitang solid proof
- ang paglalabas ng commemorative stamp para sa isang Diktador
- yung "welcome to the Philppines" na mga tarpaulin na talagang umabot pa sa punto ng pagkakabit
- yung nangyaring mismanagement ng crowd sa ASEAN Music Festival nitong 2017
- yung kinokondisyon na at pinakikiramdaman ang magiging pulso ng mga mamamayan para sa mga ipapambato nila para sa 2019, kagaya rin nung commercial noon nung nagmo-motor na wala daw balak tumakbo sa eleksyon
---o0o---
November 18, 2017...
kawawa naman yung mga taga-Marawi..
patuloy na pinaglololoko... :(
malaya na daw kaagad noon, pero patuloy namang naghahanap ng mga nagtatagong terorista..
tapos napagnakawan pa nga yung supposedly ay controlled areas...
tapos yung pinaka-latest..?
eh yung binigyan ng go signal yung ibang mga mamamayan para makabalik na sa kanila..
tapos biglang binawi din kaagad dahil daw sa security issue...
eh bakit ba kasi sila nagbibigay ng go signal nang hindi pa naman siguradong-sigurado ang kaligtasan ng lahat..?
ano ba yun, naghihintay na naman ba sila ng trahedya at ng mga biktima gaya noong una (para ring yung MRT ngayon)...?
was feeling , andami namang Change nyan..? Change nang Change...
---o0o---
November 20, 2017...
ah..
kaya pala mahal ang produkto ng mga lokal na magsasaka..?
dahil sa mga NPA..
hindi naman pala dahil sa kakulangan ng suporta mula sa pamunuan eh...?
naiintindihan ko na ngayon kung bakit patuloy silang nilalabanan ng pamunuan..
pero hindi naman sila nalulupig at inuubos kahit na logically eh tukoy naman kung nasaan sila..
dapat pala talaga eh hindi kinalaban noon ang Martial Law at hinayaan itong tugisin at kalabanin ang mga rebelde nang habambuhay..
kulang nga naman yung mahigit pa sa katumbas ng 3 regular na termino para mawakasan ang rebelyon... :(
okay..
mga terorista na sila..
pwede na ngayong magdeklara ng Martial Law sa buong bansa dahil nationwide naman ang saklaw ng mga NPA...
totoong may mga malalaking kompanya ang nagbabayad ng revolutionary tax sa mga mapanirang mga rebelde (yung nang-aatake ng mga properties o facilities)..
pero hindi naman nila ginagawa yun para lang talaga suportahan ang komunismo..
ginagawa nila yun dahil hindi naman kayang protektahan ng pamunuan ang mga investment nila...
was feeling , Direktor Hipolito technique...
---o0o---
November 21, 2017...
hindi naman personal yung pag-atake sa tuktok ng Judiciary eh..
parang ganun lang kasi nagkataon na may history..
pero mas malalim pa talaga dun ang motibo..
at paspasan ang pag-atake nila ngayon..
gagawan nila ng iskandalo, igigiit na alam nila ang totoo, tapos papipiliin yung inaatake kung magre-resign o patatalsikin siya by numbers..
kapag hindi nag-resign eh sasabihan na walang delikadesa at nakakaabala na siya sa dapat na function niya sa pamunuan...
basically, gusto lang talaga nilang ma-control ang mga puwesto na walang definite na termino..
parang yung Cosplayer, kung paano niyang natadtad ng mga alipores nila yung branch na yun sa loob ng mahabang panahon..
at nasaan siya ngayon..?
ligtas na ligtas sa mga ginawa nilang pambababoy noon sa bayan..
maging ang NGO Queen eh ligtas na...
siyempre gusto nilang tauhan lahat ng mga maimpluwensiyang branch..
para oo na lang sila nang oo sa sasabihin ng bawat isa..
para aprubado kaagad lahat ng sasabihin ng Hokage na Mahilig..
kesyo ideklara na terorismo ang komunismo at oposisyon..
kesyo tanggapin ang yaman na iniaalok ng Dictator Clan kapalit ng kapatawaran at malinis na record para sa angkan nila..
at siyempre para magahasa na ulit nila nang husto ang kapangyarihan...
2017 pa lang..
pero pinupunuan na nila ang mga mababakanteng upuan..
isinasakay nila ang lahat ng mga yun sa pangalan ng Hokage na Mahilig, at aasa na madadala silang lahat ng kanyang popularidad..
ewan ko na lang kung ano pang kahihinatnan ng bayan na 'to kapag si Kape na FAKE NEWS maker na ang nasa puwesto..
ewan ko na lang kung ano pang kahihinatnan ng bayan na 'to kapag nakabalik pa sa puwesto yung Playgirls Client na nakapagpatunay na hindi makaka-classify na pagnanakaw sa bayan kung ibabalik yung pera kapag may nakabisto..
saan pa kaya dadalhin ng mga zombie na panatiko ang bayan na 'to...??
was feeling , sa mga asawa at pamilya nga nila eh hindi maging tapat eh - sa bayan pa kaya...?
---o0o---
November 22, 2017...
sa Camarines Norte..
yung binata na pinagbabaril daw ng isang pulis..
wala pang masyadong background yung istorya eh...
was feeling , ano na naman kaya ang dahilan...?
>
sa Baguio naman..
yung traffic enforcer na nakunan ng CCTV na pinagsususuntok ang isang taxi driver mula sa labas ng sasakyan nito...
kesyo kung anu-ano daw yung pinagsasasabi nung driver eh..
pero siyempre, kapag salitaan lang ang labanan eh dapat hanggang salitaan lang..
at tsaka siya yung inaasahan na mas magiging pasensyoso eh...
was feeling , hindi naman daw siya nakatama ng suntok eh...
>
so far pinakamatalino ng hakbang yung implementation ng yellow lane..
tama lang yun, na i-prioritize pa rin ang mga mananakay ng PUVs, lalo na yung mga pang-mass transport..
yung mga may-ari naman ng private at company vehicles, edi ituring na lang nilang kapalit ng pribilehiyo nila yung pakikipagsiksikan nila sa daan...
pero may mga pagkakataon na parang masyadong maluwag yung yellow lane..
kailangan pa siguro na mas balansehin..
siguro pwede na rin dun yung mga malalaking delivery trucks...
was feeling , sino ba naman ang aayaw sa mga mala-ASEAN lane...?
---o0o---
November 23, 2017...
eh yung lumalaki na daw ulit yung grupo ng mga teroristang nakatakas sa Marawi...?
sabi na nga ba eh, dapat tinambangan sila sa lahat ng ruta...
may estimate na bilang..
may tantsa kung nasaang lugar..
the usual intel tungkol sa mga kalaban, na ang siste ay mula pa sa lumang panahon..
pero lagi namang walang napupulbos at napagpapapatay...?
was feeling , more WAR in the Philippines...
>
eh yung hindi naman pala reliable yung naatasan na magsulong ng impeachment complaint...?
sinungaling..
eh wala palang personal knowledge eh..
hindi rin naman daw nakausap talaga yung isang justice personality..
tapos sa mga balita lang daw galing yung mga reklamo...
holy crap!
para lang talaga makapang-iskandalo laban sa mga gustong patalsikin sa puwesto..
tapos kung makapag-comment sa mga interview eh akala mo eh first hand yung experience nila dun sa mga istorya..??
bakit, sila ba ang mga nagtanim nung mga istorya o ebidensya kaya alam na alam nila...???
tapos bawal mag-cross-examine yung mga abugado..?
para ano, para mas hindi lumabas ang mga butas nung kaso...??
was feeling , mana kayo sa Hokage na Mahilig ninyo.. may mga imbento-teknik...
>
eh yung naabsuwelto na ng DOJ si Faeldon dun sa kaso nung ilegal na droga sa BOC...?
ano na naman kaya ang motibo..?
kapalit ba ng silence para wala nang lumutang na mga pangalan ng mga gumagahasa sa BOC..?
o para wala nang lumutang na mga pangalan ng mga nakakapagpalusot ng mga kontrabando sa BOC...?
ano ba ang bargain at napakabilis na naabsuwelto nung tao na iginigiit nila noon na isa sa may kasalanan...??
was feeling , justice department...?
>
lagot na..
kating-kati na naman yata sila na pumatay ng mga inosente...?
ito ay sa kabila ng pagbaba ng crime rate sa ibang region na dulot daw ng pagtutuon ng atensyon ng mga pulis sa iba pang klase ng mga krimen...
sa tingin ko mas tama pa rin na tutukan na lang nila yung mga kaso kung saan may nabibiktima na mga inosente..
kesa naman manugod na naman sila sa mga bahay-bahay at mandamay ng mga inosente para lang may magawa silang accomplishment report...
was feeling , hindi naman matatapos yung giyera dahil nga may nagpapadaan ng supply sa Customs eh...
>
eh yung tuloy pa rin yung pagluluto ng kaso kahit na napatunayan na hindi naman pala reliable yung naatasan na magsulong nung complaint...?
tang ina!
pwede naman palang base lang sa mga balita ang complaint eh..?
baka nga pwede pang base lang sa mga FAKE NEWS nina Kape et al...?
samantalang yung mga utak-kriminal eh inaabsuwelto ASAP..
yung ibang angkan ng mga kriminal eh gusto pa ngang patawarin at binibigyan pa ng karangalan... :(
minamadali ba nila ang pagpapatalsik para mas lumakas ang protest ng Dictator Clan sa highest court, para makalapit na sila sa tuktok ng manipulasyon...?
was feeling , para lang talaga ma-control na rin ang Judiciary...
>
astig naman si Senator..
nang-abala pa sa MRT at LRT eh..
nag-testing pa kung kailan hindi naman rush hour...
so ganun ba katanga ang pamunuan..?
na hindi nila ma-realize yung problema kung hindi pa isa sa kanila ang susubok dun sa public transport..?
hindi pa ba sapat yung paulit-ulit na lang na mga balita sa TV...?
kung sumakay siya doon nang palihim at mag-isa, baka naniwala pa ako sa stunt niya...
naalala ko na naman tuloy yung commercial nung nagmo-motor..
yung hindi daw siya tatakbo..
tapos nagkunwari na masamang tao ang anak ni FPJ dahil lang sa minsan na nitong tinalikuran yung citizenship niya, na kesyo siya na lang ang pag-asa ng Dictator Clan, este ng bayan pala...
was feeling , magpa-Playgirls naman kayo diyan...