Friday, April 27, 2018

When in Rome...

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


kung igigiit mo sa iba na dapat ay gawin nila yung tama..
eh dapat gawin mo rin yung parte mo, at simulan mo yung paggawa ng tama sa sarili mong bakuran..
hindi yung puros pera at oportunidad lang ang habol mo, tapos eh makikimando ka sa patakaran sa ibang lugar..
hingi ka nang hingi ng respeto, pero kayo mismo eh walang respeto sa sistema nila...

-----o0o-----


update ulit (345 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
  • yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
  • yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020
  • yung pahiwatig na gusto niyang ipatupad yung Martial Law na katulad nung sa Dictator Clan
  • ang paulit-ulit na pagre-relate ng mga tao sa kanyang mga rape comments na para bang ginagawa pang katatawanan ang bagay na yun
  • ang pambabastos sa lider ng isang bansa na mahilig sa mga delikadong armas, kahit na hindi naman kaya ng bansa na lumaban in case na mapikon ang mga yun
  • yung pati kaso ng pagnanakaw sa bayan ay gustong iareglo para lang sa Dictator Clan kahit na pang-bobo yung alibi ng tagapamagitan nila
  • yung statement tungkol sa kagustuhang bombahin ang mga Lumad schools
  • yung pag-iimbento ng bank accounts at kuwento na rin tungkol dun at pagre-relate nun sa hindi nila kakamping opisyales, na inilabas pa sa publiko
  • yung 16 million lang ang gusto niyang i-consider, kumpara sa mahigit 100 million na mamamayan ng bansa
  • yung atat na magdeklara ng kalayaan kahit na may mga labanan pa, may mga terorista pa, at may mga bihag pa
  • eh yung lahat na lang ng mamamayan na may reklamo tungkol sa maling pamumuno eh gusto kaagad na i-classify bilang rebelyon
  • yung nagse-set ng ultimatum na ni hindi rin nga feasible ayon dun sa mismong ahensiya
  • yung ang pagkalkal ng history ay tila base lamang sa nakukuhang pabor
  • yung nainsulto sa mga sinabi ni Justin Trudeau kahit na totoo naman ang mga nangyayaring pagmamalabis, tapos patalikod pa ang pag-atake
  • yung sila na mismo ang nagsisimula ng ideya at usapan tungkol sa pagbalewala sa konstitusyon
  • yung shoot to kill ang gusto laban sa mga idineklarang terorista, considering na nili-label-an rin nila yung mga hindi armadong grupo bilang bahagi nung mga rebelde
  • ang fusion ng Hokage na Mahilig, at ng mga Jonin at Chunin para muling makapa ang Dictator's Law
  • yung biglang naging pabor na rin siya sa same sex marriage, kasabay ng kagustuhan nilang baguhin na ang konstitusyon
  • yung idinidiin yung mga piling tao na madalas mag-travel, samantalang hindi naman pinarurusahan yung mga taong nag-a-approve nung mga official trip
  • yung mga piling tao lang ang kayang patalsikin sa puwesto, samantalang nananatiling untouchable yung iba
  • yung nangsususpinde ng tao na kini-claim nila na nagpakalat ng maling impormasyon, samantalang ganun rin naman ang lantarang ginawa niya noon laban sa isang Jonin
  • yung kagustuhan na busalan ang mga estudyante na may kakayahan na mag-isip, samantalang hindi naman nila pera ang ipinapampaaral sa mga yun, at considering na rin na kasalanan rin naman nila kung bakit may mga nais na magparating ng kanilang mga mensahe
  • yung hilig na magbakasyon at magpabakasyon sa Hong Kong
  • yung pro-prostitution na nga, tapos pro- pa sa pagpapalaganap ng HIV at STDs
  • yung hindi nila naiintindihan kung gaano ba talaga kalawak at sinu-sino ba ang mga nabangga ng TRAIN
  • yung tila yung mga lugar na madali lang makita at maobserbahan ng mga tao, o yung accessible sa marami, ang kayang i-regulate para sa pagpapanatili ng likas na yaman at ng kalinisan
  • yung ASAP parati ang pagtatanggol sa kanyang mga kaibigan
  • yung kagustuhan na gawin pang lehitimo ang pananakop ng mga teritoryo ng Bestfriend Empire sa pamamagitan ng joint exploration kuno
  • yung siya na lang ang nasunod na kesyo ayaw na niyang maging bahagi ang bansa ng International Criminal Court
  • yung panghihikayat sa iba pang mga bansa para kumalas na rin sa International Criminal Court
  • yung damay-damay na sa parusa yung ilang libong empleyado ng MIASCOR
  • yung sinukuan na niya ang pangako niya laban sa contractualization, kesyo ibang branch daw ang may kayang labanan iyon
  • yung matandang Australian missionary, na inaresto at d-in-etain ng Bureau of Immigration, at tinakot pa na ipade-deport

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • sa Lanao del Norte, yung mag-ina, kasama na rin yung bata sa sinapupunan, na nadamay sa pagkapatay ng mga pulis sa nanlaban daw na kapatid ng suspek nila
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • sa Makati City, yung army reservist na namaril at nakapatay ng kapwa niya driver ng dahil daw sa away sa utang
  • sa North Cotabato, yung CAFGU na namaril at nakapatay ng kapwa niya CAFGU nang dahil lamang sa agawan sa videoke yata yun
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • sa Caloocan, yung bahay ng matandang babae na nilooban at pinagnakawan ng mga pulis at ng iba pa nilang kasamahan na hindi naman mga pulis
  • sa Maragondon, Cavite, yung miyembro ng SOCO na sangkot sa nakaw-ebidensya regarding sa kaso ng pagpatay sa mag-asawang matanda
  • sa Olongapo, yung 2 pulis na nasangkot sa robbery extortion matapos pagnakawan ng higit daw sa Php 100,000 ang mag-asawang drug suspect
  • sa Zambales, yung nag-AWOL daw na pulis na sangkot sa rentangay modus
  • sa Makati, yung pulis na nagnakaw daw ng motorsiklo ng kanyang kapitbahay at nanutok pa daw ng baril, at sinabi pa ng kapwa niya pulis na dati na siyang natanggal sa tungkulin dahil sa naging involvement niya sa ilegal na droga
  • sa Quezon City, yung pulis na nagwala at naglabas ng kanyang baril
  • sa Mandaluyong, yung mga tanod at mga pulis na nagkamali ng pinagbabaril na AUV, kung saan 2 ang namatay at 2 ang nasugatan
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • sa Occidental Mindoro, yung pagpatay sa tauhan ng money lending company na posible daw na nag-ugat sa pautang, kung saan pulis yung isa sa mga suspek
  • sa Zamboanga del Sur, yung nakunan sa CCTV na sundalo na pinagbabaril ng 2 na-identify bilang mga pulis
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • sa Ozamiz City, yung pagpatay o pagtumba daw ng mga pulis sa grupo ng mga suspek, at tila i-d-in-isplay pa ang mga bangkay nila sa harap ng munisipyo
  • yung kaduda-dudang raid laban sa mga Parojinog sa Ozamiz
  • sa Tondo, yung pulis na nakunan ng ibang CCTV na ipinaling sa ibang direksyon ang isa pang CCTV camera habang may police operation daw ang mga ito
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • sa Tondo, yung 2 lalaki na napatay ng mga pulis dahil nanlaban daw, at tila binutas-butas pa daw yung katawan, pero nakunan naman ng CCTV yung maayos nilang pagsama sa mga pulis
  • sa Caloocan, yung ginawang pagtumba ng mga pulis sa 17 y/o na Grade 11 student na pinalabas nila na nanlaban
  • yung hinihinalang pagtumba dun sa 19 y/o na UP Passer
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • sa iba't ibang lugar sa NCR, yung mga pulis, kasama na rin ang mga opisyal nila, na nahuli during inspection na nag-iinuman o di kaya ay natutulog sa mismong istasyon sa oras ng duty nila
  • sa Davao del Sur, yung hepe ng pulis na nagwala sa isang tindahan o bar dahil nakainom daw ito
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
  • sa Ozamiz, yung nakunan ng video na pananakit ng isang police chief inspector sa isang nahuling suspek
  • sa Quezon City, yung pulis na dati nang nasuspinde, na inaresto dahil sa pambubugbog daw sa kanyang stepson
  • sa San Mateo, Rizal, yung pulis na nambugbog ng 18 y/o na binatilyo nang dahil lang sa naharangan nito ang kanyang motor
  • sa Baguio, yung traffic enforcer na nakunan ng CCTV na pinagsusuntok ang isang taxi driver mula sa labas ng sasakyan nito
  • sa Pasay, yung pulis na nanakit ng bata, na gumamit pa daw ng tabo sa pananakit
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
  • sa Bacolod City, yung babaeng pulis na nanutok ng baril sa nakaalitan niya sa bar
  • sa Parañaque, yung pulis na hindi nagbayad ng mga nakuha niya sa isang karinderya, na nanutok ng baril, at nanuntok pa ng isang customer
  • sa General Santos City, yung pulis na nanutok ng baril at nanuntok ng isang guard matapos DAW itong matalo sa pagsusugal
  • sa Davao City, yung 2 pulis na nang-abuso at nanakit ng 4 na menor de edad na nahuli nang dahil sa curfew
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • sa Caloocan, yung 2 pulis na nagbarilan ng dahil lang DAW sa toothpick
  • sa Sampaloc, yung 11 y/o na dalagita na hinipuan DAW ng mga pulis, yung kinapkapan nang walang present na representative ng barangay 
  • yung pulis na nang-rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • sa Olongapo, yung 6 na pulis na nasangkot sa pag-rape at pagpapa-rape sa isang babaeng drug suspect at sa isang lalaking bilanggo
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
  • sa Angeles, Pampanga, yung 16 y/o na nagmomotor na aksidente daw na nabaril ng 1 sa mga pulis na sumita sa kanya
  • sa Taguig, yung pulis na aksidente daw na nabaril sa dibdib at napatay ng kanyang kapwa pulis
  • sa Manila, yung pulis na namaril sa isang bar, na napatigil gamit ang phaser gun
  • sa Agoncillo, Batangas, yung pulis na pumatay ng isang municipal nurse nang dahil lang sa away-pag-ibig
  • yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
  • sa Camarines Norte, yung binata na pinagbabaril daw ng isang pulis
  • yung nangyaring pamamaril ng tauhan ng Air Force sa kapwa tauhan ng Air Force na nagsimula DAW sa pag-iinuman
  • sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
  • yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
  • sa Mandaluyong, yung 2 lalaki na hinuli dahil sa pag-iinuman sa kalye, pero nakunan ng cellphone video na pinagpapapalo ng kahoy ng isang pulis
  • yung sa General Trias, Cavite, yung 3 pulis na nang-torture rin daw ng 2 preso at pinilit pa yung 2 na maghalikan habang nanonood sila
  • sa Norzagaray, Bulacan, yung 6 na preso na biktima ng pag-torture, mainly sa pamamagitan ng paggamit ng paddle, na ang unang itinurong promotor ay ang Warrants Officer, pero biglang nagpaiba-iba na yung istorya
  • sa Tondo, yung pulis na pinaghahanap dahil sa indiscriminate firing, na posibleng handa lang daw para sa birthday yung pinag-ugatan
  • sa Montalban, Rizal, yung PO1 na nasangkot sa indiscriminate firing
  • sa Bauan, Batangas, yung lasing na pulis na nagpaputok ng kanyang baril dahil daw sa hindi pagkakaunawaan habang nasa inuman
  • sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
  • sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
  • yung nakunan sa CCTV na police escort na nakabundol ng batang estudyante, pero itinanggi daw na siya yung nakabundol at tinakasan pa yung biktima
  • yung pulis na nakabangga ng nasa pedestrian lane
  • sa Rodriguez, Rizal, yung road rage na nauwi sa barilan sa pagitan ng isang pulis at isang retired US navy, dahil dun ay nadamay at nabaril yung pasahero nung US navy 
  • sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
  • yung kaso sa Caloocan, yung naka-AWOL na pulis na napatay sa pananaksak ng isa pang naka-AWOL na pulis na nasangkot na daw noon sa ilegal na droga
  • sa Quezon City, yung naka-AWOL daw na pulis na nabangga at napatay matapos na pagtangkaan ng grupo nila ang buhay ng isang abugado 
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
  • sa Taguig, yung magkakasabwat na mga barangay officials at isang pulis sa pangingikil sa mga taong hinuhuli nila
  • sa Quezon City, yung pulis na nangingikil daw sa isang bus company na nahuli sa entrapment operation
  • sa Laguna, yung Kagawad at ang mga kasamahan niya na nangingikil daw ng mga dayuhan at mga kilalang personalidad bilang pangsuporta daw sa adhikain ng Hokage na Mahilig
  • sa Antipolo City, yung 4 na pulis na inaresto dahil sa pangingikil daw sa isang PWD, mukhang may mga props rin sila na mga baril at ilegal na droga
  • sa Cebu at/o Lapu-Lapu City rin yata, yung pulis at konsehal na nahuli na nasa loob ng casino
  • sa Baliuag, Bulacan, yung konsehal, sundalo, dismissed at active na mga pulis, at iba pang tauhan ng LGU na nahuli sa isang retaurant kung saan lantaran ang pagsasagawa ng ilegal na online sabong
  • yung police superintendent, na hinuli dahil sa pagsusugal sa isang casino, na nasa Php 600,000 DAW yung worth nung chips
  • yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
  • yung hepe ng Sasmuan na hinuli dahil sa pangingikil daw laban sa isang peryahan
  • sa Nueva Ecija, yung nasa 6 (o hanggang 8 yata) na mga pulis na hinuli rin dahil sa pangongotong
  • yung 5 o 15 na pulis (kung alinman ang tama) na under ng Southern Police District na nangikil sa pamilya ng isang babae na nahuli nila nang dahil sa paglo-loteng
  • yung nangyari sa isang police station sa Tondo, yung 1 pulis at 2 kasamahan DAW niya na hinuli sa entrapment operation dahil sa extortion laban sa isang doktor, kesyo tinatakot daw yung doktor na kakasuhan ng rape
  • sa Malate, yung Egyptian national na kinikilan daw ng nasa Php 50,000 ng mga pulis, na pinagbintangan daw siyang tumanggap ng ilegal na droga
  • sa Quezon City, yung non-uniformed personnel ng AFP, na nahuling nangingikil sa biyuda ng isang sundalo kapalit ng pag-aayos ng mga dapat na benepisyo nito
  • sa Agusan del Sur, yung opisyales ng LTO na hinuli ng NBI sa entrapment operation dahil sa pangingikil kapalit ng mabilis na paglabas ng driver's license
  • yung nasa 200 pulis daw na mukhang nandaya sa kanilang entrance exam
  • sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
  • sa malapit sa lugar ng giyera, yung kaso ng harassment ng isang sundalo yata yun laban sa mga estudiyante
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
  • yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga at miyembro rin daw ng sindikato
  • yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
  • yung nasa 160 pa na mga pulis na inire-recommend ng PNP-IAS na pagsisibakin na dahil sa involvement nila sa ilegal na droga
  • sa Bacolod, yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • sa may Cubao, yung dating pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Marikina City, yung 1 pulis at 2 pa niyang kasama na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Quezon City, yung 2nd Lieutenant na sundalo at 2 kasamahan niya na nahuli sa buy-bust operation 
  • sa Quezon City, yung pulis na kasama sa mga nahuli sa drug den sa may Payatas
  • sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
  • sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
  • sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan
  • yung babaeng biktima daw ng tanim-droga teknik ng 11 Pulis Malabon
  • yung New Bilibid prison guard na sinubukang magpuslit ng hinihinalang ilegal na droga sa pamamagitan ng pagtatago nito sa loob ng kanyang brief
  • sa Cainta, Rizal, yung dating military intelligence officer na nahuling nagtutulak ng ilegal na droga
  • sa Pagadian City, yung bahay ng nag-AWOL na pulis na nakunan ng nasa Php 89,000 worth daw ng ilegal na droga
  • sa Calamba, yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Taguig City,  yung tanod na nakuhanan ng nasa Php 10,000,000 worth ng ilegal na droga, at maging ng ilang armas
  • yung 2 pulis na natakasan daw ng binabantayan nilang illegal recruiter sa ospital
  • sa Cavite, yung konsehal na nahuli dahil sa pagtatago ng mga baril na wala daw kaukulang mga dokumento
  • sa Quezon City, yung retiradong pulis na nahulihan ng baril sa checkpoint sa kabila ng umiiral na gun ban dahil sa nalalapit na eleksyon
  • yung mga dating opisyales ng Special Action Forces na pinagsisibak na, na mga nakasuhan ng plunder sa Ombudsman

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
  • sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
  • yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
  • sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
  • hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
  • sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
  • sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
  • yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa
  • sa Tondo, yung taxi driver, na kolektor daw na asset ng mga pulis, na itinumba ng riding-in-tandem, kaso ay tumagos pa yung bala sa ulo nito kaya may babaeng nadamay at natamaan din
  • yung pagtumba sa foreigner na sangkot daw sa ATM skimming
  • sa Caloocan, yung tricycle driver na itinumba sa hindi pa malamang dahilan dahil wala naman ang pangalan niya sa listahan ng mga drug-related personalities, at may nadamay at natamaan pa na ibang tao sa pamamaril na yun
  • yung pagpatay sa 14 y/o na supposedly ay kasama nung pinatay ng mga pulis na 19 y/o UP Passer, na sa Nueva Ecija na natagpuan
  • sa Makati, yung 1 y/o na sanggol na nadamay at nabaril sa ginawang pagtumba sa isang lalaki na nasa barangay drugs watchlist 

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan 
  • regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
  • sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
  • in general, ang pagiging maluwag ng batas laban sa mga menor de edad na mga kriminal
  • yung kung sino pa yung mga aminado sa mga krimen na paulit-ulit na ginagawa nila o yung may solid na ebidensya regarding sa ginawa nilang krimen, eh sila pa talaga yung nananatiling buhay
  • sa Baguio, yung mga nahuling sangkot sa Basag-Kotse pero pinalaya rin naman kaagad matapos makapagpiyansa
  • regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
  • dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
  • yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
  • ang naging pag-atake sa Resorts World Manila
  • yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
  • yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
  • sa Maynila, yung nakunan sa CCTV na matanda na tinutukan ng baril ng 2 naka-sibilyan na mga pulis dahil napagkamalan daw siyang magnanakaw 
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
  • sa Lanao del Norte, yung bilanggo na pinatay sa loob ng kulungan ng mga kakosa niya
  • yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
  • eh yung pagtutumba sa mga persons of interest na iniuugnay sa Bulacan Massacre, gayung dapat ay pinoprotektahan na sila ng mga pulis para naman mapalabas talaga yung totoo tungkol doon sa kaso
  • yung kapabayaan ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang pageant winner sa Samal Island na nauwi sa panlalaban DAW nito at sa pagpatay sa kanya
  • yung kapabayaan rin ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang 8 y/o na bata sa Nueva Ecija, na dahilan kung kaya't nagawa DAW nitong mang-agaw ng baril at makapagpakamatay
  • yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
  • yung kagustuhan ng DTI na ipantay ang SRP para sa mga grocery, supermarket, at sari-sari store
  • yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
  • ang hindi pagtupad ng PHLPost sa kini-claim nilang bilis ng paggawa at pagde-deliver ng Postal ID, at ang kahinaan ng support center nila
  • yung mali at mapanlinlang na paraan ng evaluation ng Department of Tourism sa performance ng kasalukuyan at nakaraang administrasyon
  • yung mga isyu na lumalabas ngayon tungkol sa BOC at sa mga mambabatas dahil sa ginagawang pananabon ngayon sa Customs
  • yung problema sa mamahaling elevator para sa pedestrian overpass sa Lipa City
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Taguiwalo bilang secretary ng DSWD dahil DAW hindi magagamit na gatasan yung ahensya sa ilalim ng pamumuno niya
  • yung pagri-reveal ni Attorney Anderson sa tangka ng isang mataas na opisyales na mag-promote ng isang hindi qualified na tao para sa Bureau of Customs
  • ang kabulukan ng hustisya, yung ginawan na nga ng grupo nina Failon ng pabor ang buong bansa, pero talagang sila pa yung kinasuhan dahil lang sa binayaran na yung obvious na ninakaw na pera ng gobyerno noon
  • yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
  • yung nagbebenta at nagpaparenta na ang ibang miyembro ng Kadamay ng mga bahay na sapilitan lang nilang kinuha
  • sa Alfonso, Cavite, yung 2 preso na nakatakas at nadala pa yung police mobile, matapos na maisipan na kumain na muna nung 4 na police escort nila
  • ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
  • yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR
  • sa Pandacan, yung 7 buwan na sanggol na nagtamo ng 3 tama ng baril dahil sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa kanilang lugar
  • follow up para sa 7 months old na sanggol news, hindi pala nagkusa yung mga pulis na imbestigahan kung sinu-sino nga ang totoong nakabaril doon sa bata, at may claim pa na diniktahan lang daw para pumirma sa affidavit yung lola nito
  • sa Pasay, yung pulis na naglabas at nag-display ng kanyang baril habang nakikipagtalo sa 2 binatilyo
  • sa Pasay, yung itinumba na negosyante na may-ari ng furniture shop na hindi daw kaagad hinayaan ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung 73 y/o na lalaki na nakaladkad at nagulungan pa daw ng bus, na hindi na naman hinayaan kaagad ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung hindi magkatulad na magkahiwalay na statements nung taxi driver na hinoldap daw nung 19 y/o UP Passer, na hindi rin tugma sa report ng mga pulis, at tila nagtatago na yung driver ngayon
  • yung kuwestiyonable at kusang pagpapa-DNA test ng mga pulis sa bangkay nung 14 y/o na kasama ni UP Passer kahit na wala namang nagre-request nito, at yung pagdedeklara na hindi naman dun sa 14 y/o yung bangkay na yun
  • yung hinihinalang bagong kaso ng paglabag sa Anti-Hazing Law kung saan napatay yung isang UST Law Student
  • yung kuwestiyonableng naging kahinaan ng seguridad sa Marawi sa kabila nang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao, sa kabila ng patuloy na mga bantaan mula sa magkabilang panig, at sa kabila ng pagkakaroon ng malaking halaga ng intelligence fund
  • yung pagkatumba sa 4 na suspected na miyembro ng Maute habang ibinabiyahe sila, ito ay sa kabila nang may ipinapatupad ng Martial Law sa region na yun
  • yung lalaking napagkamalan daw na miyembro ng Maute at hinihinalang t-in-orture ng mga sundalo
  • yung may mga nangyayari pa rin daw na nakawan sa mga lugar sa Marawi na kontrolado na ng mga militar
  • yung posibilidad daw na nakatakas na yung mga lider ng mga terorista sa lugar ng digmaan, gayung may claim rin ang mga awtoridad na kesyo natunugan naman daw nila yung tungkol sa pagtakas
  • yung pagpapadala ng mga tiwaling pulis sa lugar ng digmaan, sa halip na sibakin na sila sa trabaho at hindi na pasuwelduhin pa ng mga mamamayan
  • yung mukhang may nakapasok na daw ulit na mga armadong grupo sa lugar ng giyera
  • yung hindi muna lubusang siguraduhin ang kaligtasan sa Marawi bago palipatin ang mga mamamayan
  • yung pagpapababa daw ng DOJ sa kaso ng Marcos Police Group
  • kasali pala yung Dictator Clan sa problema ngayon sa Norte
  • ang pag-amin ng miyembro ng Dictator Clan na binalewala nga nila ang proseso ng bidding sa kanilang pamimili
  • yung VIP treatment sa isang opisyales, kahit alam naman nila yung patakaran na nagbabawal nga sa kanila na pumunta sa mga casino
  • yung Representative na gusto ng VIP treatment para sa kanilang hanay regarding traffic violations
  • yung pagbibigay ng mga naluklok sa katungkulan ng Php 1,000 lamang na budget para sa CHR, at iba pang ahensya ng gobyerno para lang ipakita ang kakayahan nila na manggipit
  • yung hindi masusing pinag-aralan na mamahaling modernization plan para sa mga jeep
  • yung sa mga naghihirap na mananakay rin pala balak ipapasan ang magiging gastusin para sa pagbili ng mga kapritsosong PUV na ipapalit sa mga jeepney
  • yung ginamit ang Data Privacy Act para itago ang ilang detalye sa mga SALN at SOCE
  • yung babaeng abugado na nanuhol sa NBI para aregluhin yung kaso nung kaanak niya na nagpanggap na doktor
  • sa Davao City, yung 2 traffic enforcer na magkasabay pa talagang gumamit ng kambal plaka
  • yung mga pulitiko na gusto pa ring ipagpatuloy ang operasyon ng MRT kahit na mapanganib na ito para sa mga mananakay
  • yung VIP ang trato nila sa mga problema patungkol sa MRT, pero halos wala silang pakialam sa mga problema ng mga pangmahihirap lang na PUV
  • yung hindi pala reliable yung tagasulong nung impeachment complaint laban sa Chief Justice, at pwede palang base lamang sa mga balita yung mga reklamo
  • yung itutuloy pa rin ang planong impeachment laban sa Chief Justice kahit na kuwestiyonable na yung mga reklamo
  • yung inabsuwelto ng DOJ si Faeldon sa kaso nung shipment ng droga sa BOC, kahit na ito nga yung ginigisa noon
  • regarding sa mga road accidents, yung parati na lang kinakasuhan yung nagmamaneho nung sasakyan na nakadisgrasya o nakapatay, na hindi na kino-consider kung may kasalanan ba o naging kapabayaan yung taong nadisgrasya
  • yung 1% na nawawala ngayon sa mga jackpot prize sa Lotto at yung hindi pagtaas ng jackpot prize kahit na may tumataya naman dun sa mga partikular na Lotto game
  • yung kagustuhan ng DSWD na taasan pa ang limos para sa mga piling mamamayan sa kabila nang posibleng pagtataas ng iba't ibang klase ng mga buwis
  • yung halos wala namang mga kwenta at walang solid proof yung mga testimonya ng mismong mga taga-justice branch
  • yung akala mo eh pagka-Hokage yung napanalunang posisyon ni Representative Boss kung makapag-utos siya sa iba
  • yung mas malaki pa yung ulo nung Hokage na Mahilig kesa sa mukha nung magmamay-ari nung ID
  • sa PCUP, yung aprubado naman na mga international na lakad na biglang na-convert bilang mga alegasyon
  • yung mga perang walang mukha na naisama pa talaga ng BSP sa sirkulasyon
  • yung laya na yung miyembro ng Gwapings kahit na drug-related yung kaso niya, at yung minor na kaso na lang daw niya ang kailangan niyang harapin
  • yung may bago pang ibinigay na posisyon sa dating pinuno ng customs kahit na nahaharap pa ito sa maraming akusasyon
  • eh yung pati isang mahalagang assembly eh pinaspasan na ng mga Chunin
  • yung lantarang nananakot ang Representative Boss ng zero budget para sa mga Chunin na hindi magpapadikta sa kanila
  • yung hinayaan na palang mapasok at mapag-aralan ang Benham Rise ng mang-aagaw at certified na mapanirang Imperyo
  • yung huli na yung ginawang pagpapatigil sa mga research na ginagawa ng mga dayuhan sa Benham Rise
  • yung pati sistema ng pag-iipon eh nabangga ng TRAIN
  • yung pamunuan ang gustong magdikta kung ilang porsyento ba ng kita ang dapat itabi ng mga mamamayan sa kanilang pangangalaga
  • yung nabangga na rin ng TRAIN ang mga in demand na documents mula sa PSA
  • yung pati basic need na kuryente ay binangga pa rin ng TRAIN ang transmission charge
  • yung nabundol na rin ng TRAIN ang presyuhan ng NBI clearance
  • yung may access sina Bobong sa kini-claim nilang mga ebidensya, samantalang dapat ay na-secure ang mga yun sa mga box kung totoo ngang nabilang ang mga yun
  • yung hindi kaagad ni-regulate ang industriya ng TNVS mula sa umpisa, tapos biglang maglilimita ng bilang at magba-ban ng maliliit na klase ng sasakyan para dun sa serbisyo kung kailan nakapangutang na yung iba na gustong maging TNVS driver
  • yung nauna yung panggagatas, samantalang wala pa namang nakahandang pang-ayuda
  • yung February 2018 na pero wala pa rin yung sinasabi na 1-year validity ng mga prepaid load na makakatulong sana kahit na papaano sa lalo pang naghihirap na mga mamamayan
  • yung palpak na management ng NFA sa murang bigas
  • yung pati sa bidding para sa imported na bigas na gagawing NFA rice ay nagkakaproblema na rin
  • yung nagsira ng mga mamahaling sasakyan sa halip na pakinabangan ang mga yun sa mabuting paraan
  • sa Tacloban, yung hinayaan lang ng mga kinauukulan na mabulok ang daan-daang sako ng mga kumpiskadong bigas sa halip na mapakinabangan ang mga yun
  • yung gustong damay-damay na ang lahat, at alisan ng hanapbuhay maging yung mga OFW na wala namang problema sa kanilang mga pinagtatrabahuhan
  • yung palakihin lang ang contribution ng mga members ang tanging alam na paraan ng SSS para mapalago yung perang mina-manage nila
  • yung palpak na sistema ng SSS
  • yung gusto nilang padaliin ang paghihiwalay ng mga iresponsableng nag-aasawa
  • yung halos wala rin naman palang maitutulong yung ipinangako nilang tulong sa mga PUV operators at drivers dahil nga maya't maya rin ang pagtataas ng presyo ng petrolyo
  • yung may nakapasok daw na miyembro ng Maute sa NCR
  • yung nag-convert na nga ng ibang pondo para mabigyan ng ayuda ang mga piling mahihirap, at isang bagsakan pa yung ibinigay na ayuda na para sa isang taon
  • sa Biñan, Laguna, yung mga nagmarunong na pulis na kesyo hindi na daw kailangan ng SOCO dahil wala naman daw foul play, pero lumalabas sa imbestigasyon na pinatay nga yung babaeng biktima
  • yung kagustuhan na magpabida sa isang sekta sa pamamagitan ng paglalaan ng nationwide holiday sa araw ng foundation day ng mga ito
  • yung UN special rapporteur na inilista bilang isang communist terrorist
  • yung ibinasura ng DOJ yung kaso laban sa mga sinasabi nila noon na mga drug lord, pero sa kabila nun ay valid pa rin yung ginawang pagtestigo noon nung iba sa kanila
  • yung provisional na ang status nung NGO Queen para sa Witness Protection Program
  • yung sobra-sobrang pagtatanggol sa mga hayop, maging dun sa mga nakakaperwisyo na sa ibang tao
  • yung nag-suspend ng pasok dahil sa fake news na may threat daw dahil sa transport strike
  • yung mga error sa napa-print na ID ng PCOO, na kesyo hindi daw dumaan sa tamang protocol
  • yung mahabang 6 months ang inabot na parusa ng Boracay, kung ikukumpara sa mga land and water areas na nasira ng mga mining sites
  • yung pati supply ng tubig mula sa Angat Dam ay may problema sa hatian
  • yung makakatipid na nga sana dahil walang gustong bumuo ng SK sa ibang lugar, pero ang gusto ng mga namamahala ay may magtatalaga na lang
  • yung iginigiit yung Nose In, Nose Out Policy kahit na imposible na yun para dun sa ibang existing na bus terminals, kaya mga mananakay na naman ang pahihirapan
  • yung mga nagmarunong habang nasa teritoryo ng iba, tapos eh saka hihingi ng paumanhin

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • ang maya't mayang pagpapalabas ng fake news o mind-conditioning news ng mismong mga nasa katungkulan
  • yung mali-maling listahan na inilabas ng Napolcom
  • yung Oplan Cyber Tokhang
  • yung mga sundalo sa Marawi na napatay sa sarili nilang air strike na laban sana sa mga terorista
  • yung isa pang air strike na sa labas naman daw ng Marawi nangyari
  • yung isa na namang air strike na nakapatay sa sariling mga kakampi, pangalawa yata yun na nakapatay at ikatlo ng error
  • ang maya't mayang pag-target ng gobyerno sa basic needs para gawing gatasan ng buwis
  • yung kagustuhan na patawan ng malaking buwis ang papremyo sa Lotto
  • yung naaprubahan na 24% increase sa cargo handling tariff
  • eh yung pati pagkanta sa Pambansang Awit ay balak nang lagyan ng limpak-limpak na halaga ng penalty
  • yung pahayag ng ilang kabilang sa Bilibid 19 na babaliktarin nila ang kanilang nakaraang mga statements kung ililipat sila ng piitan
  • yung paggamit ng PNA sa logo ng kompanya ng agricultural products para sa Department of Labor and Employment
  • yung naparangalan ang isang pulis na posibleng may ginawang iregularidad sa pagpapatupad ng batas 
  • yung ayaw mag-imbestiga nang husto puwerket may kilalang apelyido na nadadamay, di tulad sa kaso ng ibang mga tao na paspas ang mga pagpapahiya at panghuhusga
  • yung kapag nasa tuktok ang nagsasalita ng kung anu-anong masasama ay hindi nila kinokontra, pero kapag hindi na nila kakampi sa pulitika yung nagsasalita ng hindi kanais-nais para sa pananaw nila eh idinadaan nila sa sistema
  • ang pag-tolerate ng ibang mga mamamayan sa mga pinuno na obvious na mga magnanakaw
  • yung pakikilinis ng One Social Family Credit Cooperative sa pangalan ng Dictator Clan
  • yung sinasabing hacking daw ng mga e-mail address ng mga tauhan ng mga kalaban sa pulitika
  • yung tila mind-conditioning na ginagawa sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pag-a-announce na may kinalaman sa kinamumuhian nilang ilegal na droga ang ilang mga pinuno, kahit na wala namang maipakitang solid proof
  • ang paglalabas ng commemorative stamp para sa isang Diktador
  • yung "welcome to the Philppines" na mga tarpaulin na talagang umabot pa sa punto ng pagkakabit
  • yung nangyaring mismanagement ng crowd sa ASEAN Music Festival nitong 2017
  • yung kinokondisyon na at pinakikiramdaman ang magiging pulso ng mga mamamayan para sa mga ipapambato nila para sa 2019, kagaya rin nung commercial noon nung nagmo-motor na wala daw balak tumakbo sa eleksyon
  • yung mas inuuna pang kuwestiyunin parati ni Kalbo yung motibo sa pagre-report tungkol sa mga kuwestiyonableng gawain ng mga tauhan niya, kesa kuwestiyunin kung bakit nga ba ganun yung kinahihinatnan ng ibang mga nagiging operasyon nila
  • yung special treatment para sa mga may HIV in general, na hindi na kino-consider kung sino ba yung posibleng attacker
  • yung mga balimbing na pulitiko na sumasang-ayon lamang sa mga may kapangyarihan at impluwensiya
  • yung kabobohan ng mga nasa itaas, na akala eh lahat ng mga mamamayan ay may regular na suweldo
  • eh yung nasa Php 6,000,000 (to 10,000,000 according naman sa nagrereklamo) daw yung nagastos para sa christmas party ng PCSO para sa nasa 1,500 na katao
  • yung lumilitaw na yung mga planong MAS multiple at unli-term
  • eh yung ang mga teacher na hindi naman gaanong kadelikado laban sa mga mamamayan ang sila pang hindi mabigyan ng priority para sa increase ng suweldo
  • yung gusto rin nila na makalibre sa pagbabayad ng buwis at mabalasa ang justice branch
  • yung planong magbawas ng posisyon para lang makapagpatalsik ng mga hindi kaalyado
  • ang pananahimik ng mga kilalang personalidad kung kailan ang mga ordinaryong tao na ang inaatake ng panggagatas
  • yung mga bobong PUV operator at driver na sa mga ordinaryong mananakay rin gustong ipapasan ang mga dagdag sa gastusin nila, sa halip na hilingin sa pamunuan na gawing patas ang panggagatas
  • yung ipinagkalkal pa ng lumang kaso ang Rappler
  • yung mga taong nagpapalaganap ng impormasyon, na kesyo bababa daw ang gastusin ng mga negosyante sa kabila ng reporma sa pagbubuwis, despite the fact na patuloy na nga ang pagtaas ng presyo ng basic need na petrolyo
  • yung pati Geography ng bayan eh pinakikialaman na ng Kape at nagbibigay na naman siya ng maling impormasyon
  • yung mga nagpapanggap na mapagkakatiwalaan at hindi bias na media, pero yung grupo nila eh nakapangalan sa kanilang idolo
  • yung idinadamay pa yung reyna sa pagpapabango ng pangalan
  • yung pagyurak nila sa essence ng matagumpay na People Power habang makakapal ang mukha nilang pinakikinabangan ang demokrasyang idinulot nito upang lasunin ang kaisipan ng iba pang mamamayan
  • yung sadyang may nagpapakalat ng history o alamat nila sa online media
  • yung pag-aagawan sa slot ng mga kaalyado na patunay kung gaano sila kauhaw sa kapangyarihan
  • yung mga taong nagpapanggap na makakalikasan, yung ayaw kuno sa mapolusyon na mga petroleum products, pero habol naman nang habol sa paggamit ng mga air conditioner
-----o0o-----


April 24, 2018...

loko rin talaga 'tong mga namumuno eh...

ayaw na nga ng mga tao mismo sa SK..
bilang patunay ay walang nagpapa-rehistro na kandidato sa ibang mga lugar..
tapos ang gusto nila eh may mag-a-assign na lang kung sinong pwedeng bumuo sa mga SK na hindi dadaan sa halalan...?

ano bang plano nila..?
para lang talaga mapaandar ang pera at ang mga komisyon..?
kung walang SK, edi i-save nila yung budget para dun, para magamit naman sa ibang purpose..?
bakit ba nila pipilitin na ilabas yung mga budget kung wala namang mangangasiwa...??

mas matalino pang hakbang kung buwagin na ang SK, at yung budget para dun ay itulong na lang sa mga totoong biktima ng panggagatas ng train...

okay lang yung mga project ng paliga eh..
pero yung kada-termino eh magpapagawa ng mga bago at hindi naman tugma-tugma na mga house number eh lokohan na..
lantarang pangungurakot na yun..
kapag kami eh naka-3 house number, at may tumanggal dun sa naunang 2, eh pasensyahan na...

is feeling , gigil na gigil kayong budget-an yung mga hindi naman kapakipakinabang, samantalang yung mga totoong naghihirap eh patuloy ninyong ginagatasan ng mga itinatapon nyo lang na pera...


>
kalokohan ng Nose In, Nose Out policy na yan...

ang mahirap sa kagustuhan ng MMDA..?
eh matagal nang na-establish yung mga lugar, ibig sabihin eh kasama yung mga establishments sa paligid..
isa sa mga nasitang terminal eh sakayan ko noong nasa college pa ako eh..
ano bang gusto nila, na bilhin pa ng mga bus companies yung mga katabing properties para lang may madaanan ng bus sa likod ng terminal..?
eh paano kung walang pumayag..?
tsaka yung kalsada, gaano sila kasigurado na may madadaan rin na kalsada papunta dun sa likod...?

kaya nga may konsepto ng buwelta eh..
eh kahit saan namang parking eh ginagawa yun kung kinakailangan..
malaki nga lang ang mga bus..
tsaka sino ba namang nag-expect na sobrang lalala ang traffic sa NCR..?
eh dahil rin naman yun sa kapalpakan ng pamunuan sa pagre-regulate ng mga sasakyan...

yun na lang mga nangutang ng pambili ng mga sasakyan para makapasok sa TNVS industry eh patunay sa katangahan ng pamunuan eh..
tapos taxi-type pa sa halip na carpooling yung madalas na sistema..
kaya yung nilalabanan nilang traffic, eh mas lumala pa...

kung totoong may malasakit ang pamunuan sa mga mananakay..
edi gamitin nila yung kakayahan nila na bumili ng mga private properties, para lang masunod yung Nose In, Nose Out nila...

is feeling , mga mananakay na naman ang bibiktimahin ninyo...

---o0o---


April 25, 2018...

yung mga nagmarunong habang nasa teritoryo ng may teritoryo..
pero tumiklop rin naman at nag-apologize sa taga-Middle East...

is feeling , eh kung linisin nyo muna kaya ang sistema sa bayan para wala nang makapunta sa ibang teritoryo sa ilegal na pamamaraan...


>
sunog na ang visa nung Australian Missionary..
eh sa ayaw ng pamunuan na lumalabas at kumakalat ang katotohanan eh...

malas lang niya..
kung nagkataon na singkit siya..
kahit pa mambraso siya eh hindi siya papatulan ng pamunuan..
baka nga bigyan pa siya ng isla eh..
kaso eh taga-Oceania niya, at kabilang sa lahi na pwedeng pagnasahan o bastusin ng Hokage na Mahilig... :(

yung mga klase ng pinuno na takot sa patakaran ng Bestfriend Empire..
pero ang kakapal ng mukha na magmando sa mga taga-Middle East..
tapos eh racist at naghahari-harian pa sa bayan, basta ba't hindi singkit ang makakalaban... :(

is feeling , anti-humanitarian...

---o0o---


April 27, 2018...

yung mga nag-inspect ng mga palyadong pabahay..
pero napili pa talagang magkumpulan sa iisang lugar sa tulay..
kaya ayun, nakasira pa talaga sila lalo..
at nasaktan at nabasa pa sila..
kuhang-kuha nga naman sila doon sa video eh, yun nga lang nakunan rin yung nangyari...

nakakatawa lang kasi na yung pagiging defective nga yung binalak nilang i-check doon..
pero hindi nila naisip na mag-ingat sa pagpapakuha ng video...

is feeling , well at least napatunayan nila na marurupok nga yung ginamit na mga materyales doon...


>
may problema pa ngayon sa bidding para sa mga bigas na gagawing NFA rice..
namamahalan na rin daw ang NFA sa turing ng mga foreigner eh...

is feeling , lagot...


>
sa Bauan, Batangas..
yung lasing na pulis na nagpaputok ng kanyang baril..
kesyo nagkaroon daw ng hindi pagkakaunawaan habang nasa inuman sila...

is feeling , lugi na naman sa almost Php 30,000 or up ng isang are...


>
[Heroes]

sa Tanauan City, Batangas..
yung 2 lalaki na nakunan ng CCTV na nang-holdap sa isang gasolinahan..
kung saan isa ang napatay matapos nitong makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis..
kaso nakatakas yung isa matapos na maghagis daw ng granada.....
kesyo nagkaroon daw ng hindi pagkakaunawaan habang nasa inuman sila...

is feeling , ganun ang sulit na almost Php 30,000 or up.. krimen (with evidence), responde, patay na kriminal...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of April 2018 (Banking)

Loveless Story


April 22, 2018...

napaka-mapanghusga mo, Facebook...

maiintindihan ko pa kahit papaano yung sina-suggest mo na nasa [Name of City] lang..
pero yung pati mga massage spa sa NCR eh isa-suggest mo rin sa akin, eh kalabisan na yun...

may kasabihan nga..
huwag mong iasa sa ibang tao yung mga bagay na kaya mo nang gawin para sa sarili mo...

is feeling , wala akong pakialam kahit na Nuru Massage pa yan...

---o0o---


April 27, 2018...

[Strange Dream 18+]

nagsimula daw yung panaginip ko habang papaakyat ako sa isang pataas na lugar..
medyo nakakatakot pa nga noong una dahil may mga lalaki daw na pawang mga hindi ko kakilala..
at tila ay sinusundan nila ako...

hanggang sa makarating daw ako sa itaas kung saan nakita kong nagpapahinga ang ilan kong kakilala..
may lalaki at babae..
kaya naman naisip ko daw na baka ligtas na ako sa lugar na yun..
at nag-decide ako na mahiga sa isang kama doon at magpahinga na rin...

after some time..
may iba pa daw na dumating doon sa area..
hindi naman nagkagulo, pero kapansin-pansin na naging aktibo sa isang side nung kuwarto...

nagsimula pa lang mag-shoot ng isang eksena..
at talagang si Valentina Nappi pa yung bidang babae...

so relax lang ako noong una..
crowd lang naman kako ako eh..
hanggang sa bigla kong na-realize na tinabihan na pala ako mismo ni Miss Nappi, on her glorious birthday suit..
tapos, in English daw, ay parang niyayaya na niya akong sumali dun sa video shoot..
wala namang boses na lumalabas sa bibig ko kahit na ilang beses kong sinubukan na magsalita..
hanggang sa nagsimula na ang Italy's finest na sumupsop kahit na nasa labas pa lang ng shorts ko ang kanyang bibig..
hindi nagtagal ay nakumbinsi na rin niya ako na hubarin na nga ang aking shorts..
at sinimulan na niya akong papakin, bilang isang professional..
lumapit na nga sa amin yung isa niyang kalbong foreigner na cameraman..
tila nagrereklamo pa ito kung bakit ako kailangang isali sa eksena..
nakakailang dahil madaming tao sa paligid, may katabi pa nga akong lalaki na hindi ko kakilala eh..
parang public scene na rin..
pero hindi nanaig sa akin ang hiya, dahil na rin sa tuluy-tuloy na pagtatrabaho para sa akin ni Miss Nappi..
sunod naman ay inupuan na niya ako sa mukha ko..
sobrang puti ng kutis niya..
hindi ko na napansin pa kung may buhok ba siya o ano, dahil na rin sa bilis ng ginawa niyang pagkilos..
basta kinain ko na lang kung anuman yung ini-offer niya sa akin...

kaso hanggang doon na lang nagtagal yung panaginip kong iyon...

is feeling , sayang.. hindi ko pa naipasok eh...

-----o0o-----


[V-League]


UAAP Season 80 - Women's Volleyball (Final 4)


April 21, 2018...

ADMU versus FEU - Men's Volleyball (Final 4)

ang lupet ni Espejo..
league record na 55 points..
pucha, lampas pa sa score na pang-2 sets yung puntos niya..
tapos 11 out of the 15 points ng Ateneo para sa Set 5 eh puros siya ang gumawa...

is feeling , godlike..


ADMU versus FEU

3-1..
panalo ang FEU...

yung Set 1 at 2 ay parehong nagsimula in favor of Ateneo, pero parehong nakuha ng FEU makalampas ng first technical timeout..
ang Set 3 naman ay talagang nadomina ng Lady Eagles..
nag-umpisa naman ang Set 4 nang dikitan ang puntos, pero matapos ang first technical timeout eh nang-iwan na ang FEU...

after 4 seasons, natanggal na rin si Coach Tai sa Finals ng UAAP..
at posibleng pakawalan na siya ng Ateneo next school year...

as expected, hindi nga kaya ng current Lady Eagles..
depleted kasi ang lineup nila this season..
converted Libero pa si Gaston sa halip na attacker..
at wala silang substitute na attacker..
wala rin silang maituturing na Ace Player, yung reliable talaga, gaya ni Rondina, ni Caloy, o ni Jaja..
hindi rin naman kasing-consistent ng mga attackers ng La Salle ang players ng Ateneo..
pero ang mas masama ay walang na-discover at nahasa na magaling na rookie para sa Lady Eagles sa taong ito...

this only proves na tama nga ang naging desisyon ni Morado...

sa wakas, nakabalik na ang FEU sa Finals..
pero ang problema..?
eh wala pa silang naipapakitang kakayahan para talunin ang La Salle...

is feeling , NU, please.. pa-request naman ng 3-peat destroyer...

---o0o---


April 22, 2018...

NU versus DLSU

3-0..
wala..
walang naging milagro para sa NU... :(

La Salle ang mas naghabol para sa Set 1..
pero tinapos pa rin nila yun, 27-25..
hindi naman masyadong agwatan yung Set 2, at natapos yun sa 25-22..
kaso halatang nawalan na ng loob ang karamihan sa players ng NU para sa Set 3, kaya tinambakan na sila ng La Salle sa score na 25-11...

sayang talaga si Jaja..
dinurog ng Generation of Miracle ng Ateneo yung pag-asa sana nila noon na mag-ate na mag-champion sa UAAP..
yung strongest lineup naman ng mga attackers ng NU noon, eh hindi na-backup-an ng setter na kasing-husay ni Nabor..
at kung kailan naging all-around player na si Jaja, eh saka naman siya nawalan ng reliable na mga kakampi..
sumagad siya sa 5 years, pero walang Finals experience sa UAAP... :(

ito namang kasalukuyang team ng La Salle na siguro yung may pinakamalakas na lineup ng attackers magmula noong Season 75..
malakas nga si Galang, pero yung meron kang 4 na magkakasabay na players sa court na kayang pumalo ng power at speed type, eh mas malakas yun..
si Cobb naman eh kahit na hindi pa kasing-galing ni Fajardo, eh reliable na rin bilang Setter dahil na rin nga sa kakayahan ng mga teammates niya na patayin yung bola..
at siyempre lubhang pinalakas ni Miss Everywhere yung depensa ng La Salle, yung Libero na panay ang Dolphin Save pero hinding-hindi nai-injury..
isa pang kapansin-pansin sa La Salle eh bihira silang pumalo nung basta palobo lang (na madaling depensahan), hangga't maaari eh ikakanyon at ikakanyon nila pababa yung bola..
sa tingin ko yun yung main difference ng paraan ng opensa nila kumpara sa ibang teams kaya mas magaling sila sa pagpatay ng bola...

is feeling , FEU, please.. nandiyan na rin lang kayo sa Finals, eh kayo na ang dumurog sa plano ng La Salle...

---o0o---


April 25, 2018...

ADMU versus FEU - Men's Volleyball (Final 4)

3-1..
ganun ang totoong volleyball..
yung binabalewala yung mga twice-to-beat advantage...

is feeling , sayang lang at wala ng may kayang gumawa nun sa Women's.. si Baldo lang yata talaga ang kayang bumuwag ng mga dynasty...

-----o0o-----


April 21, 2018...

connected na online..
pero oobserbahan at pag-aaralan pa..
basta libre eh okay lang...

sunod namang iko-connect sa PayPal...

is feeling , ipag-sideline ang pera...

---o0o---


April 22, 2018...

[Business]

had a very busy day...

akala ko makakabalik na ako sa trabaho..
pero hindi pa rin talaga...

grocery (nang wala na namang Emoji-Girl)..
tapos for the third time eh gusto na naman akong i-verify ng PayPal, dahil naman sa bank account ko, kaya hinihingan na naman ako ng maraming requirements..
nag-update ng ledger para sa nano-store..
tapos nakisabay pa yung pag-a-update ng ledger para sa nano-ice business...

lately napapaisip na ako para dun sa mga nano-scale business na hawak ko..
especially nitong nanagasa na ang train sa gatasan, at nabawasan na nga yung mga items na paninda ko..
maliit na talaga noon ang kita, para nga makatulong sa mga tao, habang nagdadagdag sa savings..
kaso mas pinaliit pa yun ngayon ng sistema ng pamunuan, na parang pinapatay na nila yung mga nasa nano-scale..
gaya nung sa yelo, halos 3 months na, pero hindi pa rin nakakaubos ng 1 pack nung plastic ng yelo..
samantalang kapag tag-init noon eh nauubos yun after 10 hanggang 20 days..
mainit naman ang panahon ngayon, pero madalang na ang nabili ng yelo, siguro kasi hirap na ang mga tao na bumili ng juice o tea..
basta parang hindi na tugma yung effort sa kinikita...

is feeling , sana someday mapalaki ko siya.. yung tipong kahit na pang-SRP ang bentahan, eh kayang kumita ng neto na kahit nasa Php 10,000 a month...

---o0o---


April 23, 2018...

wala na yatang araw na hindi ko maririnig yung utos na kesyo bantayan yung mga bata... :(

mahirap..
kasi parang likas na sa mga tao yung ayaw nilang nakakakita ng dumadanak na dugo..
o di kaya eh mga nawawasak na katawan ng kapwa tao...

pero kailangan na hindi na talaga ako makialam..
baka sakali..
kapag may nadisgrasya na..
baka mas matutunan ng mga magulang nung mga bata na kailangan nilang pumili..
kung sila ba ang magsasakripisyo ng oras nila para matutukan yung mga bata..?
o kung lalakasan ba nila yung mga loob nila, para mag-hire ng matino at hindi lang yung basta palamunin at cosplayer na tagapag-alaga...?

ang hirap nung pakiramdam na nakikita mo sila..
na maluho at relax sa uri ng pamumuhay nila..
na nakakagalaw nang malaya sa sarili nilang oras..
tapos ikaw eh adjust nang adjust ng oras para lang makatapos ng project...

is feeling , Lottery, please.. gusto ko na talagang umalis sa mala-impiyernong bahay na 'to...

---o0o---


April 24, 2018...

nag-initiate ng test withdrawal papunta sa sarili kong bank account..
sayang naman ang 0.50%, kaya dapat lubusin...

sana naman ay walang maging problema...

is feeling , dapat pulido...


>
kanina nag-compute ako ng interest gamit ang isang lumang passbook..
at doon ko nga nalaman yung ilang mga bagay na hindi basta-basta dini-disclose ng mga bangko..
siyempre mas naunawaan ko yun sa tulong na rin ng online reference material...

so basically, yung mga interest rate na ipinapakita ang mga value ay annual ang application..
at kapag ch-in-eck ang mga ganung information sa mga website ng mga bangko, ay hindi rin nila basta-basta isinusulat dun yung term na 'annual'..
most probably dahil mawawalan ng impact kapag nagkuwentahan na...

ngayon eh nauunawaan ko na kung bakit napapangiti ang mga empleyado ng bangko kapag natatanong sila tungkol sa ganung aspeto...

basta ang main idea ay..
given ang interest rate para sa isang partikular na bangko at para sa partikular na klase ng ipon, ay saka nila kinukuwenta yun depende kung tuwing kailan ang schedule nila ng pagpapatong ng interes...

pero ang totoong horror parati ay yung rate ng gatasan..
laging more than the tithe... :(

is feeling , at least ay natututo.. tsaka mas mabuti pa rin yung may medyo gumagalaw na ipon kesa sa wala.. ang importante ay ang umiwas sa mga charges at fees...

---o0o---


April 26, 2018...

basag na naman ang araw ko dahil sa [Name of Electric Cooperative]...

wala na..
iba na ang sistema ngayon dahil sa lecheng pag-asa nila sa Facebook..
kung noon eh may nag-a-announce na nag-iikot sa mga maaapektuhan na areas, na a few days in advanced..
ngayon eh sa main road na lang daw ang daan ng mga putang ina...

tang ina..
akala mo eh hindi nagbabayad sa kanila eh..
at akala mo eh libre ang data at internet para sa lahat ng mamamayan para araw-araw na maka-connect sa Facebook..
at maige sana kung sunud-sunod lang yung mga post nila at specific eh..
pero tang ina, puros prominenteng mga lugar lang ang binabanggit nila dun..
kailangan mo pang isipin kung saan ba malapit yung lugar ninyo...

ang masama pa nito..?
kung noon eh naiiiwas yung UPS sa mga scheduled brownout..
ngayon eh 2 beses na rin siyang naaabutan ng mga patraydor na brownout..
at bukod pa talaga dun yung mga unannounced...

nakaka-miss yung dating sistema..
kahit papaano, basta't scheduled ang brownout, eh walang nasisirang gamit at naiaayos ang sariling schedule..
pwede na sanang gamitin yung araw sa paggo-grocery, at bawiin na lang yung trabaho sa dapat na araw ng grocery..
hindi katulad nitong ni wala ngang pambuhos ng toilet bowl...

is feeling , sayang ang bayad at ang iginagatas ninyo para sa pamunuan, mga putang ina ninyo...


>
[Movie]

Avengers: Infinity War

Entry 1: eh yung tumambay si Thanos sa teritoryo ng mga Ifugao...

is feeling , sana sirain na lang ni Thanos ang pamunuan.. siya na lang ang mag-Hokage para sa bayan...


Entry 2: okay..
hindi kagaya ni Oda ang Marvel... :(

sobrang sama nila..
may 16 yun eh..
bakit si Scarlet Witch pa..? :(
bakit si Black Panther pa...?

buti pa yung Civil War, civil lang sila..

next time, isali na si Hawkeye..
tsaka gamitin na ulit yung Ultraman-mode ni Ant-Man..
siyempre kakampihan rin siya ni Wasp..
si Captain Marvel eh dapat mala-Miss Marvel ang kaseksihan at ang lakas..
tsaka si Sif eh pwede pang tumulong kay Thor..
tapos i-recruit na ang lahat ng generation ng X-Men, lalo na si Wolverine..
pati Fantastic 4 at si Silver Surfer eh isali na..
tsaka pala si Deadpool...

is feeling , maghihintay pa ng hustisya...


Entry 3: may pag-asa pa pala siguro yung mga naging biktima ng Infinity Stones..
kung tutuusin, mukhang lahat eh may pag-asa pang maisalba..
gamit yung Soul, Time, Space, at Reality...

is feeling , gamitin na ang mga Dragon Balls...

---o0o---


April 27, 2018...

ayos!
matapos yung test withdrawal ko..
it only took 3 days for both institutions para ma-process yung paglilipat..
at nakikita ko na nga siya sa bank account ko...

kaso..
hindi ko pa magamit nang husto yung online mode..
eh nakakatakot kasi yung mga nakapaskil sa website nila eh..
transaction history lang eh may fee na kaagad...

is feeling , sa ngayon ang importante ay ang mag-reflect yung balance...


Friday, April 20, 2018

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of April 2018 (Her Third Name)

Loveless Story


April 18, 2018...

ilang taon na rin..
lumampas na ako sa half-life..
pero hindi ko pa rin makita yung halaga ng araw na yun..
kaya alam nyo na kung bakit hindi ko pa rin magawang magpasalamat para dun...

anyway..
ginamit ko na rin ngang palusot yung okasyon..
sinubukan kong tawagan yung babaeng gusto ko..
at hinayaan naman niya ako..
that's 2 minutes & 44 seconds of quality time..
3 minutes pa nga yung paalam ko sa kanya eh, pero hindi ko in-expect na tatagal yung usapan namin nang halos 3 minutes nga...

so i managed to get a name..
pa-3 na 'tong pangalan na ibinigay niya sa akin, since day 1..
hindi ko alam kung magagamit ko ba yung data na yun, pero susubukan ko pa rin...

is feeling , pero mas magandang gift kung talagang mahahanap na kita...

-----o0o-----


[V-League]


UAAP Season 80 - Women's Volleyball (Round 2)


April 14, 2018...

UP versus UE

3-1..
panalo ang UP..
nagtabla pa tuloy ang record ng UP at Adamson sa huli...


Dark Horse's Last Game

AdU versus UST

3-0..
nakaganti rin naman ang Adamson sa UST..
overkill na 25-6 ang Set 1...

hindi nakapasok ang Lady Falcons sa Final 4..
pero may kakaiba rin namang mga nagawa ang Adamson this Season 80..
tinalo nila ng 1 beses ang halos lahat ng teams, maliban sa Ateneo..
ang FEU, UP, DLSU, UE, NU, UST..
at pinakamaganda yung nagawa nilang pagtalo sa champion team ng La Salle..
unfortunately, nagtapon sila ng ilang mahahalagang laban na naipanalo sana nila; yung talo nila sa UE, sa UP, sa Ateneo sa Round 2, at FEU sa Round 2...

is feeling , hindi na masama, para sa huling laro...

---o0o---


April 15, 2018...

NU versus FEU

3-1..
panalo ang FEU..
iisang team lang ang natalo ng NU sa Round 2..
ang masama pa nun ay hindi pa nila nagagawang talunin ang FEU sa Season 80...


ADMU versus DLSU

3-0..
panalo na naman ang La Salle..
26-24, 25-17, 25-19...

is feeling , wala na.. mukhang sa La Salle na ang Season 80.. nakikinikinita na ang 3-peat...

-----o0o-----


April 16, 2018...

karibok na ang utak ko...

banking-mode muna..
sa mall na lang kako, para mas maliit naman yung tsansa na magsara yung branch...

nasabayan pa ng ibang errand..
doble-doble pa tuloy ang kailangan kong ipila neto...

is feeling , para sa ipon...


>
na-deny ako sa first attempt... :(

akala ko pwede na yung mga proof of payment..
kaso wala naman akong pangalan sa mga yun..
kailangan ko pa daw ng kopya ng agreement namin nung store...

buti na lang na-check ko yung mga documents ko..
at naka-address nga pala talaga sa pangalan ko yung agreement sa pagitan namin nung company..
yun nga lang, nasa Notepad lang...

is feeling , sana umubra sa susunod kong balik.. Pia Wurtzbach, huwag nyo na akong pahirapan...


>
ang medyo good news..?
wala pa rin namang bayad yung pagtanggap ko ng pera mula sa Belize..
compared dun sa malaki ang charge na galing sa Australia...

is feeling , ipon na ulit.. para sa totoong buhay...

---o0o---


April 17, 2018...

pinag-uusapan lang namin noong isang araw..
pero nagulat ako nung mapanood ko yung isang video...

kaya pala nawala sina Blaster at Zild sa Music Hero ng Eat Bulaga..
kasama na pala sila sa IV of Spades...

is feeling , ngayon ko lang napansin...

---o0o---


April 18, 2018...

banking-mode..
2nd attempt..
dala ko na yung agreement namin nung first store...

huwag nyo na akong pahirapan..
hindi rin naman perpekto ang bangko ninyo eh...

kailangan ko lang ng daanan ng pera..
at pati na rin ng as much as 0.25% interest rate, minus 20% gatas for interest earned...

is feeling , puwerket PayPal, duda na kaagad kayo...?


>

We Find Ways..... To Waste Your Time


yung nakaka-badtrip muna na istorya... :(

ayoko talaga sa mga taong pinapaikot-ikot ako, lalo na kung babae..
yung topak ng mga babaeng magugulo kung mag-isip at sumagot eh nakakabuwisit..
yung tipong ang ayos-ayos naman ng naging usapan ninyo, na nag-clarify ka pa nga..
tapos yun pala eh pauuliin ka lang at sasayangin pa ang oras mo...

Monday nang personally mag-inquire ako sa branch ng BDO sa SM [Name of City]..
so may mga dala akong IDs, yung perang pang-open ng bank account, at proof of payment mula sa website developer..
sinabi ko na self-employed ako, at kung saan-saan pwedeng magmula yung income ko, na dumadaan sa PayPal kung international yung transaction..
pero wala silang pakialam dun sa mga proof of payment..
at ang ni-request sa akin ay kopya ng agreement between me at ng ka-deal ko, kung saan nakalagay ang pangalan ko at nung kompanya...

that day, okay lang sa akin..
baka kako gusto lang nilang ma-establish kung saan nanggagaling yung perang dumadaan online..
that same day, nabasa ko nga na yung attached Notepad file nung agreement ay in fact nakapangalan pala sa akin, at nandun rin yung date kung kailan naging effective yung agreement na yun..
so inakala ko na okay na yun...

this f*cking day..
bumalik ako sa BDO branch na yun, para i-present yung documents na hiniling nila sa akin..
nandun pa yung mismong tao, manager yata yun, na nakausap ko noong Monday..
pagkabasa niya dun sa documents, eh biglang kambiyo siya..
kesyo kopya daw ng e-mail conversations namin nung website developer yung kailangan niya..
that b*tch..
andun yung mismong deal, yun yung proof ng approval para sa akin bilang isang licensor - tapos sasabihin niya na walang halaga yun..?
na e-mail conversations ang kailangan nila...??

noong marinig ko yung lintik na paliwanag niya, alam kong wala na akong mapapala sa putang inang branch na yun..
alam kong tarantaduhan na lang yung nangyari..
mapapalampas ko pa yung nangyari noong Monday, dahil noon lang naman siya nag-request ng papers..
pero yung pina-specify ko sa kanya kung anong dokumento yung kailangan niya, tapos biglang hahanapan niya ako ng ibang bagay matapos kung i-present yung ni-request niya - eh gaguhan na yun...

tang ina mong babae ka..
sinayang mo ang oras ko..
nag-request ka sa akin ng mga documents..
tapos noong makita mo na, bigla mong idi-deny at hahanapan ako ng printout ng e-mail conversations (lamang)..
matagal na rin akong minamalas-malas sa buhay ko..
halos araw-araw nga eh..
pero kahit papaano naniniwala pa rin ako sa karma..
kaya yung kamalasan na ibinigay mo sa akin ngayong araw na 'to, hintayin mo na bumalik yun sa'yo..
sana pagdusahan mo yang katangahan at kawalan mo ng respeto sa oras ng ibang tao sa masahol na paraan...

is feeling , kailan ba made-detect kung nagsasabi ang babae ng totoo...??


>
dahil walang kuwenta ang ibang empleyado sa ilalim ng ini-endorse ni Pia Wurtzbach..
eh kina Anne Curtis ko na lang siguro susubukan sa susunod...

hindi ko pa maintindihan..
nasa Php 5,000 pa rin naman ang minimum maintaining balance nila..
pero tumaas na yung required Monthly Average Daily Balance (MADB) para mag-earn ng interest, nasa Php 10,000 na, though hindi ko pa sure kung yun rin yung requirement para hindi magkaroon ng mga penalty..
pero compared naman sa 0.25% lang na interest rate ng BDO at BPI, eh tumaas na sa 0.50% yung sa PSBank...

in addition, na-prove ko na din last time na kaya niyang mag-withdraw ng pera mula sa PayPal...

naman Anne, please lang..
sana naman eh hindi na gumaya sa mga tangang empleyado ng BDO yung sa ibinibida mong bangko...

is feeling , at may libre pang masahe...

---o0o---


April 19, 2018...

paubos na ang mga araw ng April..
pero hindi ko pa rin nasisimulan yung 7th project..
andami kasing mga hindi inaasahan na nangangain ng oras ko...

nasa character design pa..
pero kahit papaano ay last character na..
sunod ang costumes..
after that, setting naman ulit, ire-readjust lahat ng lighting..
tapos umpisa na ulit ng panibagong istorya...

ang totoo, mas excited akong simulan yung 8th project...

is feeling , hanggang June na 'to...

---o0o---


April 20, 2018...

no nap Friday..
pero kahit papaano eh nakagawa na ako ng bank account... ^_^

purong passbook lang for security purposes..
kapag ako naman eh nanakawan pa sa tayong iyan, eh lokohan na...

pumunta ako sa bangko by 9:00 AM..
inabot ng 1 hour yung processing, kasama na yung pagkuha ng mga image files ko..
may pagka-cheerful din yung mga empleyado dun, lalo na yung buntis (na last day na sa branch na yun)..
hindi gaya sa BDO na yun sa SM, na nangdi-discriminate sa mga self-employed at paiba-iba pa ng mga nire-require, na akala mo eh galing sa ilegal yung perang iipunin mo..
saka kayo magyabang kung hindi nananakawan ang mga kliyente ninyo!

ang Step 2..
may less than 4 years na lang yung kontrata ko..
Php 5,000 ang minimum maintaining balance..
Php 10,000 naman ang minimum required na Average Daily Balance to earn interest..
0.50% ang interest rate sa ngayon..
not sure, pero nasa 20% yung dating rate ng gatasan para sa mga regular na savings account..
so siyempre, mas maige kung kikita rin siya ng interes habang nagtatrabaho ako...

salamat kay Anne Curtis, na binigyan pa ako ng [Name of Massage] habang pina-process yung account ko, LOL... XD

---o0o---


April 21, 2018...

[Manga]

loko rin 'tong si George Morikawa eh...

inilaban niya kaagad si Ippo sa World's Rank #2 na si Gonzalez..
dahil dun, natalo si Ippo sa pangalawang pagkakataon at naging Broken pa...

suspetiya lang nila noong una na Broken na nga si Ippo..
pero hinayaan nilang bumalik pa rin sa boxing yung bata..
pinalakas pa nila ang lower body niya..
at sa tulong ng weights at bowling, ay na-develop nga ng bata yung New Dempsey Roll..
mahabang panahon ang ginugol para sa recovery sana ni Ippo...

nakabalik si Ippo sa ring..
inilaban siya sa isang Filipino champion na hindi naman talagang malakas, pero pag-angat lang sa katatayuan sa buhay yung motibasyon nito..
nangulit si Ippo na gusto niyang tapusin yung laban na gamit ang New Dempsey Roll..
pero dahil Broken na nga siya, eh hindi niya rin yun nagawa nang tama, at natalo ulit siya...

nangako si Ippo kay Kumi na magreretiro na siya sa ikatlo niyang pagkatalo..
nasira ang pangako ni Ippo na magkikita sila ni Miyata sa isang professional boxing match, na ikinahinayang nung isa..
at hindi niya rin natupad yung huli niyang kagustuhan na ipapakita niya kay Coach Kamogawa yung pinaghirapan nilang buuin na New Dempsey Roll...

tapos ngayon, biglang magpapahiwatig ang ina ni Ippo na posible itong bumalik sa mundo ng boxing kapag nakakita na ito ng panibagong rason para maghangad ng bagong adventure...

WTF..?
eh anong purpose nung pagkatalo niya laban sa desperadong Filipino, kung babalik rin ulit siya sa boxing..?
samantalang pwede naman na yung mangyari matapos niyang matalo noon kay Gonzalez...

is feeling , naman, Morikawa.. may mga nararamdaman ka na nga, tapos gaganyan-ganyan ka pa...