Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (July 8, 2013 - False Hope)

July 8, 2013..
(non-journal entry.. at sa totoo lang, halos naging walang kuwenta rin yung entry ko noong Sunday T,T)

bale nga, hindi ko na muna ulit itinutuloy yung pag-iwas ko sa kanya..
nakita ko siya suot yung LCC basic uniform niya..
at chini-check ko na rin yung schedule niya..
para in case na kailangan ko na ulit na umiwas na masilayan siya, eh alam ko na kung anong mga oras ako hindi maglalalabas ng bahay namin...

may bago rin yatang dalagita na titira sa bahay ng mga Robledo..
parang naglipat na siya kahapon eh..
isang La Salle-ista..
hindi ko pa naman siya nakikita nang harapan, pero mukhang mas maganda naman siya kesa kay Miss Robledo...

---o0o---


at are ang reply ko sa pangalawa niyang masakit na message sa Facebook..
sent by July 8, 2013, at 10:08 AM:


at ngayon naman bawal na rin kitang i-PM..? T,T (nakakasakit ka na talaga ha)

Miss Robledo...

pasensya na, pero hindi applicable yung reply mo sa 12 questions ko..
kaya naman hindi ko pa rin matatanggap ang sagot mo...

gaya ng sabi ko noon, wala na sanang problema ngayon kung hindi ko na nalaman pa ang tungkol dun sa 'biro' na yun - dahil yun lang naman talaga ang gumulo sa lahat..
at gusto ko lang talagang maintindihan ang mga bagay-bagay..
ako lang talaga yung tipo ng tao na hindi gusto na may mga naiiwang tanong na gumugulo sa isipan ko..
ikinalulungkot kong sabihin, pero hindi pa sapat ang sagot mo ngayon para tuluyan na akong sumuko..
kung gusto mong matapos na 'to, eh kailangan mong magbigay ng mga sagot at linawin na ang mga bagay-bagay...

pero alam mo, kahit na gaano ko pa kagustong malaman yung mga sagot mula sa'yo..
eh hindi rin naman kita pwedeng pilitin na ibigay sa akin ang mga yun kung ayaw mo..
wala na akong magagawa kundi maghintay na lang..
hanggang sa ibigay mo na yung mga paliwanag na kailangan ko para matahimik na ako..
hindi ko alam kung hanggang kailan ba kita gugustuhin..
hindi ko rin alam kung hanggang kailan ko kayang maghintay para sa mga paliwanag mo..
pero bahala na ang pagkakataon..
it's either mauna akong mapagod..
o kung ikaw na mismo ang magbibigay sa akin nung mga sagot sa mga tanong ko...


anyway..
sa tono ng message mo eh mukhang naaasar ka na sa akin ah..?
kaya bibigyan ulit kita ng option kung talagang naaabala na kita, click mo lang 'to:
https://www.facebook.com/settings?tab=blocking
pumunta ka sa 'Privacy Settings' ng account mo..
tas piliin mo yung 'Blocking' tab..
under ng 'Manage Blocking', gamitin mo yung 'Block users'..
tas i-enter mo lang dun yung pen name ko na '*****'..
nakasulat na rin dun kung anong mangyayari kapag nag-block ka ng user..
bahala ka na...


alam kong nagiging medyo makulit na ako..
pero nawawalan na ako ng kontrol dito sa bagay na gumugulo sa dibdib ko..
sorry, pero hindi ko na maipapangako na hindi na kita muling tatanungin tungkol sa mga bagay na 'to..
gusto ko lang talaga ng peace of mind, dahil nahihirapan na akong iwasan ka habang ginugulo pa rin ako nung mga tanong sa isip ko na hindi mo naman sinasagot...

sorry talaga sa lahat ng abala...

---o0o---


parang mas nagiging creepy lang ang dating ko habang tumatagal ah...
hay.....T,T
pero ano bang magagawa ko..?
ganito talaga ako kapag may gusto akong malaman eh..
eh sa iniputan nila ako ng mga palaisipan sa utak ko eh...T,T

---o0o---


shit!
buti na lang nadaan pa sa 64MB shared memory ang unit ko..
at least, nawala na yung mga error...

another day ended for me..
at wala man lang nahuli..
pak!
sayang talaga yung isa eh..
akala ko pa naman tapos na ang paghahanap ko...

may mga bago nang naka-line-up..
pero ayun..
mukhang madadali..
pero mahirap talaga sa totoong buhay..
sana lang may mahuli na bukas...

sobrang down na ng pakiramdam ko..
sobrang pagod na sa kaiisip..
pero ang puso kong tanga eh nagpupumilit pa rin na makita ang katotohanan...

---o0o---


nakita na niya yung pinaka-latest kong message sa kanya..
seen by July 9, 2013, at 1:38 AM..
pero bakit hindi pa rin niya ako b-in-lock..?

bakit ba niya kasi pinapatulan pa yung 'Other' Inbox niya eh wala naman yung direct na notification ah..?
nakikita lang naman kung may bagong message dun kung bukas na rin yung Inbox mismo eh..
kung tutuusin pwedeng i-ignore na lang niya ako, dahil halos hindi na niya ako mapapansin dun...
isa siyang malaking palaisipan para sa akin...


No comments:

Post a Comment