Wednesday, April 16, 2014

August 30, 2013 - The Devil Within Me

areng photo eh galing sa movie na The Purge..
wala lang..
pakiramdam ko kailangan ko rin ng ganung kalayaan eh...

kagabi na-activate na naman yung demonyo sa loob ko..
nagyabang kasi yung biological demon sperm donor ko eh..
nagtapon ng mga pinggan at ng upuan ko pa..
dagli kong kinuha yung bat ko..
at nang makita kong yung upuan ko nga yung nakabagsak sa may sahig..
sa sobrang galit ko eh yun yung nahataw ko ng bat..
ayun, durog na siya ngayon..
nagsisi ako siyempre..
ayaw na ayaw kong may nakakasira ng mga gamit sa loob ng bahay na 'to..
pero sa tuwing naa-activate yung demon-mode ko eh ako pa talaga yung naninira na..
nanginginig yung buo kong katawan pagkatapos nun..
nag-decide yung biological demon sperm donor ko na lumayas ng bahay..
humingi siya ng 20 Php sa asawa niya para pamasahe daw..
pero maya-maya eh bumalik ang putang ina..
naisahan lang pala ang asawa niya at pinambili ng sigarilyo yung perang binigay sa kanya..
hindi mapakali yung loob ko na kasama namin siya sa loob ng bahay..
isang demonyo na kayang gawin ang lahat para sa pera..
ayoko nang isipin kung ano pang kaya niyang gawin ngayong nagsisira na rin siya..
lumabas ako ng bahay..
i had to stay awake until 10:00 PM para pakalmahin ang sarili ko..
nakatambay lang ako sa tapat ng inuupahang bahay ng isa ko pang biological brother..
habang kasama yung bat ko..
tapos nung hindi ko na malabanan ang antok..
eh dun na ako natulog sa bahay nga ng biological brother ko..
nagpaalam lang ako at t-in-ext sa kanya kung anong kademonyohan na naman ang nangyari sa bahay ng nanay niya...

siyempre naisip ko rin..
na nakakahiya na naman ako sa paningin ng babaeng gustung-gusto ko..
sira na nga yung pamilya ko..
sira na nga yung pagka-nilalang ko..
tapos eh napaka-bayolente ko pa..
puros na lang ako kahihiyan..
minsan nga kapag pinagmamasdan ko yung wallpaper ko na picture niya..
hindi ko maiwasang humingi ng tawad..
dahil nagkagusto ang isang walang kuwentang kagaya ko sa kanya..
na sana naging deserving man lang ako na makilala siya..
pero wala eh..
isa akong natural na basura...

kahit na anong gawin ko..
this darkness is still consuming me...

---o0o---


sobra na..
wala na talagang katahimikan sa bahay na 'to..
simula noong July 14, 2006 hindi na natahimik ang kalooban ko..
simula noong araw na binastos nung magnanakaw na yun ang sense of security ko...

puros kademonyohan na lang ang nakikita ko..
tas sasabihan ako ng mga tao na mag-move-on..?
sino ba namang tanga ang makakapag-move-on mula sa isang trauma kung hanggang ngayon eh paulit-ulit mo pa ring nakikitang nangyayari yung masamang insidente na yun...?

halos araw-araw na naman ang nakawan ngayon..
may mabakante lang na mga kuwarto eh todo kalkal na ng mga cabinet at mga bag..
mahirap yung pakiramdam na paulit-ulit mong nakikita kung paanong magnakaw ang isang nilalang pero wala ka namang magawa para mapigilan sya..
parang parati na lang akong bumabalik doon sa nangyari noong July 14, 2006...

tas ngayon..
bukod sa pagnanakaw..
dahil wala ng manakaw at wala ng mahuthot na pera dahil baon na sa utang..
eh ayun at nag-level up na..
nagbabato na ng mga pinggan at upuan...

bukod pa yung araw-araw na pagtatalo..
murahan..
pang-aalipin sa may-ari nitong bahay..
pagdadabog..
at pag-aaksaya ng mga resources...

sino ba kasi ang nakaisip na mas maganda ang isang buong pamilya..?
hindi lahat ng bagay nadadaan sa pag-uusap at pag-uunawaan..
minsan may mga pagkakataon na ang tanging makapagbibigay lang sa'yo ng totoong katahimikan at kapayapaan ng loob ay ilang patay na katawan...

---o0o---


isa sa mga priority kong pangarap eh yung mamatayan ng biological demon sperm donor at biological demon brother..
i need a time to PURGE..
kailangan ko ng mapaglalabasan ng poot na 'to..
at kailangan ko rin ng ilang resulta - ng mga patay na katawan...


No comments:

Post a Comment