Wednesday, April 16, 2014

Untimely Love Story (October 20, 2013 - "Labyu")

pasensya na kung hindi kumpleto ang entry ko para sa post na 'to..
naiwan ko kasi yung ibang data sa mismong unit ko... T,T

---o0o---


October 19, 2013...
unang umalis yung Espasol mga bandang 10:04 AM..
naka-casual lang..
pero bumalik rin naman kaagad siya by 11:42 NN..
tapos umalis pala siya ulit na hindi ko naman na-detect man lang..
at nakabalik muli mga bandang 1:40 PM...
hapon na..
by 4:14 PM eh lumabas sila ni Half-sister-in-law..
patungo dun sa direksyon na papalabas ng subdivision eh..
sexy kahit na medyo tag-lamig na..
naka-white tanktop na may flag print sa harap..
grayish o bluish shorts..
slippers..
tas nakalugay lang ng buhok..
wek, halos parehas ang porma namin ah..
bumalik yung magkapatid by 4:21 PM, after 7 minutes yun...
hanggang sa hindi ko na ulit siya nakita noong araw na yun...
ano nga ba..?
alam kong medyo mali na 'tong ginagawa ko..
nakinig na ako dati sa payo ng isa kong mabuting kaibigan, pero inulit ko pa rin eh..
siguro dahil kahit papaano sa ganitong paraan ko nailalabas lahat-lahat ng tampo ko sa mundo - sa tulong ng technology..
kawawa nga yung mismong journal ko eh, kasi mas marami na akong nasasabi ngayon online kumpara sa kanya..
eh kasi naman, bilang na bilang lang yung pages niya eh..
ewan..
i guess umaasa ako..
na malilinawan rin ako sa bandang huli..
na sa pamamagitan nito..
makakakita rin ako ng konkretong ebidensya..
picture o naka-tag na pangalan..
na makapagsasabing taken na nga ang puso ng babaeng pinaka-gusto ko sa ngayon..
kesyo M.U. (mukhang unggoy) pa lang o in a relationship na talaga sila..
sa sobrang pagpapahalaga ko sa mga detalye eh gusto kong malaman yung eksaktong istorya kung bakit hindi pwedeng ako na lang..
ito na lang yung naiisip kong paraan..
since pinagbawalan na nga niya akong maglalapit pa sa kanya..
tsaka tutal wala naman talagang ibang maaasahang data kundi yung mismong sa kanya galing eh..
hindi rin naman ako para gumamit pa ng mga tulay kung sa palagay ko eh wala namang patutunguhan yung laban ko...
labyu..?
galing siguro yun sa date..?
ano ga..?
suko na..?
nag-a-i-love-you na eh...? T,T
tama na ang pagiging loser..
kung kinakailangan na hindi na tayo lumaban para hindi na rin tayo maging talunan..
edi yun na ang gagawin natin sa susunod... T,T
end of Day 19..
[ feeling ang mga natatalo lang naman eh yung mga taong lumalaban..... ]

---o0o---


October 20, 2013..
ito na yata ang pinaka-huling blog entry ko..
ewan..
pero mukhang hindi ko na maikukuwento hanggang sa pinaka-ending itong Untimely Love Story ko... T,T
Sunday Samba-day..
umalis sila by 9:24 AM..
naka-black na medyo long-sleeved, parang 3/4 top..
black skirt..
sandals na makapal ang swelas, parang black tapos cream yung pinaka-swelas..
nakabalik sila by 11:37 NN..
pero hindi ko na siya nakitang bumaba sa SUV nila...
by 4:51 PM eh parang nakita ko siyang umuwi sa bahay nila..
naka-sleeveless black top yung pumasok ng gate nila eh..
tapos eh ka-korte niya..
pero hindi ko masabi kung siya nga yun, dahil marami silang bisita noong araw na yun..
that same day (bale night na), eh isinauli na rin sa kanila yung kotse nila...
end of Day 20..
at mukhang dito na napuputol ang Untimely Love Story ko... T,T

---o0o---


after October 20, 2013..
eh hindi ko na muling na-detect pa ang Espasol ko..
hindi ko malaman kung naka-bakasyon lang ba siya o kung tumuloy na dun sa PAL...

No comments:

Post a Comment