Saturday, September 24, 2022

True Affiliation: The Devils within the System

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is ๐Ÿ’€ feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is ๐Ÿ’€ feeling , day 805...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
pero may mga kahalo dito na from 2021 pa...

update (188 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pabor na gawing optional ang pagsusuot ng face mask, kung kailan pa talaga tumataas na ulit ang mga kaso ng COVID-19
  • ang hindi pag-address sa banta ng misinformation laban sa bayan at sa kasaysayan
  • yung pag-veto sa bill na nagbibigay sana ng tax exemption para sa honoraria ng mga naging poll workers, samantalang may mga piling tao na madaming atraso sa hindi pagbabayad ng buwis
  • yung lagpas 1 buwan ang kanilang preparasyon, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kumpleto ang kanilang mga department heads
  • yung kagustuhan na magtalaga ng galing sa Judiciary branch sa ahensiya na nangangasiwa sa mga government-owned or controlled corporations (GOCCs), bagay na labag sa Constitution
  • yung itinalaga kaagad bilang Chairman ng COMELEC yung dati niyang abogado
  • yung personal na doktor daw ang itinalaga sa FDA
  • yung malalaki ang halaga ng contributions noong panahon ng kampanya na may mga nakuha na ngayong posisyon sa pamahalaan
  • yung ayon sa nagbitiw na opisyales na may kinalaman sa agriculture, ay ang Presidente daw talaga ang nag-utos na mag-import ng asukal
  • yung sinasabi na ideya na dobleng volume pa pala ng balak na i-import na asukal
  • yung wala daw siyang inatake, dahil ang mga social media farm employees ang gumagawa nun para sa kanila
  • yung verbal na manipulation sa inflation value
  • yung imbentong ideya ng Asia's fastest rising star
  • yung naging ganap na yung vape bill by default
  • yung pinayagan nang gawing voluntary na lang ang pagsusuot ng face mask outdoor
  • yung ayaw nang sumali sa International Criminal Court (ICC) dahil iniimbestigahan ng mga iyon ang mga irregularities sa war on drugs

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Cotabato City, yung mga anak ng Barangay Chairman at Tanod na nahuli dahil sa ilegal na droga
  • yung anak ng isang Mayor sa Negros Occidental na kasama sa mga nahuli sa isang drug buy-bust operation
  • yung jail guard sa Laguna Provincial Jail na nahuli sa buy-bust operation dahil sa pagbebenta ng shabu
  • sa Caloocan City, yung pulis na nahuli ng PDEA sa kanilang drug buy-bust operation, kung saan may iba pa daw itong mga kasamahan na pulis na nakatakas mula doon sa insidente
  • sa Badian, Cebu, yung pulis at 2 pa na nahuli sa drug buy-bust operation
  • sa Tuguegarao City, Cagayan, yung pulis at 2 magsasaka na nahuli sa drug buy-bust operation
  • sa Baguio City Public Market, yung katiwalian sa paniningil ng arrival fee
  • sa Pampanga, yung empleyado ng Angeles City hall na nahuli dahil daw sa pag-i-issue ng mga pekeng vaccination card
  • sa Tagum City, Davao del Norte, yung traffic enforcer na nahuli daw dahil sa kasong carnapping
  • sa Southern Police District, yung pulis na inaresto dahil daw sa reklamong pangmomolestiya laban sa isang menor de edad
  • sa Valenzuela City, yung pulis na kinasuhan ng rape laban sa 9 y/o na babaeng anak na kanyang live-in partner
  • sa Boracay, yung Mayor daw ng San Jose, Romblon na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Laurel, Batangas, yung Barangay Kagawad na nahulihan ng ilegal na baril at maging ng granada
  • sa Cagayan, yung nakunan daw ng video na pananakit ng 1 lasing na pulis sa 2 construction worker
  • sa Masbate prosecutor's office, yung kaso na isinampa laban sa nasa 21 na pulis dahil sa pagkamatay ng mismo nilang kabaro dahil umano sa hazing
  • sa Nueva Vizcaya, yung pulis na napatay dahil daw sa pamamaril ng kanyang kapwa pulis na natagpuan din namang patay kalaunan

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung may nag-aalok na daw ng tig-Php 1 Million para sa mga pamilya ng mga nawawalang sabungero bilang kapalit ng pag-uurong nila sa mga kaso
  • yung mga madre na nadamay sa kasuhan patungkol sa pagpopondo daw sa mga rebelde
  • yung sinasabi na mga pulis daw na protektor ng mga kidnapping syndicate na mga Imperial citizen ang target

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung hanggang ngayon ay walang makapag-address sa kanila tungkol sa nangyayaring pagpapakalat ng misinformation sa social media
  • yung under lang ang bayan ng samahan ng international community kapag manlilimos ng tulong, pero kapag mga pang-aabuso na ang pag-uusapan eh independent lang ang bayan
  • yung plano na kaagad na umutang ng nasa USD 300 Million daw mula sa World Bank, para daw sa digitalization para sa pangongolekta ng buwis
  • ang banta sa reliable auditing
  • yung may nakapasok ng kaso ng Monkeypox sa loob ng bayan
  • yung may local case na daw ng Monkeypox dito sa bayan
  • sa Hong Kong, yung napasok daw sila ng kaso ng Monkeypox, kung saan sumakay ang lalaking carrier sa Philippine Airlines
  • yung nasa 21 days pala ang incubation period ng Monkeypox, bago posibleng magpakita ng symptoms ang carrier nito, kaso wala namang ganung katagal na quarantine para sa mga international travelers
  • yung nakapasok na rin sa bayan ang mas nakakahawa pa na Centaurus Omicron variant
  • yung maraming paglabag sa health protocol sa panahon ng balik-eskuwela
  • sa Cebu City, yung hindi din pala kinonsulta ang DOH tungkol sa paggawang optional sa pagsusuot ng face mask
  • sa Iligan City, yung Kasalanang Bayan kung saan madami sa mga lumahok ay hindi na nagsuot ng face mask doon sa venue
  • yung ibinaba ang target ng pagbabakuna ng COVID-19 vaccine sa panahon nila
  • sa Bacolod City, yung nasa 300,000 na COVID-19 vaccines na na-expire na lang
  • yung nasa Php 5.1 Billion daw na halaga ng mga na-expire at mae-expire ng COVID-19 vaccines, base sa statement ay mukhang private sector ang nagpondo sa mga vaccines na iyon
  • yung ayon sa DOH ay nasa 20.6 Million na dami na ng doses ng COVID-19 vaccines ang either na-expire na o ang hindi naman nagagamit
  • yung pagtataas ng PhilHealth sa bilang ng libreng dialysis session hanggang sa 144 daw, samantalang ang daming balita tungkol sa kanilang mga pagkakautang
  • yung sinita na sobra-sobra daw na paniningil ng PhilHealth sa pamahalaan para sa subsidy nito para sa mahihirap na members
  • yung pahayag pa rin hanggang ngayong 2022 na aabot na lang daw hanggang sa 2027 ang actuarial life ng pondo ng PhilHealth
  • sa Bukidnon, yung kahon-kahon ng kamatis na itinapon na lang dahil daw hindi maibenta
  • yung nasa Php 400 to 500 na daw ang per kilo ng siling labuyo
  • sa Isabela, ang pagmamahal na din ng bentahan ng siling labuyo at maging ng bawang
  • sa La Trinidad, Benguet, yung pagbaba ng presyuhan ng mga gulay dahil sa oversupply
  • yung pumapalo na sa Php 400 ang per kilo ng sibuyas
  • yung pagtaas ng presyo ng puting sibuyas dahil sa kakulangan sa supply, umaabot na daw sa Php 600 per kilo
  • sa Batanes, yung nasa 25 metric tons daw ng bawang na nanganganib na mabulok lang
  • yung mababang bentahan ng bawang mula sa Occidental Mindoro
  • sa Nueva Vizcaya, yung bagsak na ang presyuhan ng luya dahil na naman daw sa oversupply
  • sa La Union, yung naapektuhan na ang industriya sa paggawa ng bagoong dahil sa pagtataas ng SRP para sa asin
  • yung nasa 93% daw ng supply ng asin sa bayan ay imported
  • yung pumapalo na sa Php 100 ang per kilo ng asukal ngayong August 2022
  • yung ilegal daw na paglagda ng Sugar Regulatory Administration sa resolusyon para sa pag-import ng nasa 300,000 metric tons ng asukal
  • yung tangka daw na pag-angkat ng raw sugar, samantalang malapit na daw ang anihan ng tubo dito sa bayan
  • yung Executive Secretary na ang daming liban sa mga pagdinig tungkol sa naging gusot sa asukal
  • sa Department of Agriculture, yung iniimbestigahan na overpriced daw na mga tractor
  • yung nasa Php 6.8 Billion daw ang backlog ng Land Transportation Office pagdating sa mga plaka, na gustong ihingi ng pondo para daw mai-outsource din
  • yung hanggang July 2022 ay may mga bumabiyahe para sa libreng sakay na hindi pa rin nababayaran para sa kanilang serbisyo
  • sa LTFRB, yung ginawa na nilang Php 12 ang minimum na pamasahe sa mga jeep, bukod pa yung increase para sa iba pang klase ng mga PUV
  • yung matagal-tagal na ring energy crisis sa Occidental Mindoro
  • yung panukala na suwelduhan ng Php 2,000 ang mga housewife, samantalang may klase na ng ayuda na ang requirement ay ang pagkakaroon ng anak
  • yung delayed daw na assistance na natatanggap ng mga nagrereklamong beneficiaries ng United Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST)
  • yung pangamba ng mga SPED teachers dahil hindi daw pinondohan ang Special Education Program
  • sa DSWD, yung sobrang pagdagsa ng mga estudyante at mga magulang para maghabol sa ipinangakong educational assistance
  • yung dinagsa na naman ang pamimigay ng educational assistance ng DSWD kahit na gumawa na sila ng paraan para subukang gawing organisado ang pamamahagi nila ng tulong
  • yung may mga 4Ps beneficiaries daw na nakiagaw pa mula doon sa ipinamahaging educational assitance ng DSWD, samantalang may version ng 4Ps na ang purpose ay para talaga sa pagpapa-aral sa mga anak
  • sa educational assistance ng DSWD, yung may mga pamilya na hindi kinaya yung online registration
  • yung nasilip ng COA sa DOH pa rin, yung nasa milyun-milyong halaga daw ng mga gamot na either nasira na o malapit nang mag-expire
  • yung nasilip ng COA sa PS-DBM, yung nasa Php 1.3 Billion daw na halaga ng mga PPE na hindi naman certified ng FDA
  • yung nasilip ng COA na deficiencies sa naging paggastos ng DepEd, nasa Php 4.5 Billion daw na kaugnay ng distance learning
  • yung nasilip ng COA sa DepEd na naman for 2021, yung pagbili daw ng mga ito ng mamahalin na mga laptop, na luma naman ang mga processor, sa tulong ng PS-DBM, kung saan nasa Php 2.4 Billion daw yung involved na halaga
  • yung nasilip ng COA sa DepEd at PS-DBM, yung zero accomplishment daw ng mga ito sa pagbili ng textbooks at iba pang learning materials para sa DepEd
  • yung nasilip ng COA sa CHED, yung kabiguan daw nito sa pagpapatupad nung Smart Campus Development Program para sa mga state universities and colleges na nagkakahalaga daw ng nasa Php 3 Billion
  • yung nasilip ng COA sa CHED, yung nasa Php 130 Million daw na labis na ibinayad nila para sa 3 colleges
  • yung nasita ng COA sa TESDA, yung halos Php 95 Million daw na halaga ng mga hindi pa naipapamahagi na toolkits
  • yung pagsita ng COA sa BOC dahil sa pinabayaan nito ang nasa 974 na importers na makapagpatuloy sa kanilang mga transactions sa kabila ng paglabag ng mga ito sa mga patakaran at batas
  • yung nasilip ng COA na kuwestiyonable daw na pagbili ng National Dairy Authority (NDA) ng fresh milk noong 2021, nasa Php 100 Million plus ang pinag-uusapan na halaga
  • yung nasilip ng COA sa Department of Tourism for 2021, yung excessive daw na paggastos sa mga hotel at restaurant
  • yung nasilip ng COA sa Department of Human Settlements and Urban Development for 2021, yung kinukuwestiyon nila ang validity ng nasa Php 5 Million plus daw na halaga ng grocery allowance at COVID-19 response assistance para sa kanilang mga personnel
  • yung nasilip ng COA sa free Wi-Fi program ng DICT, may mga hindi daw gumagana o di kaya eh mabagal ang connectivity
  • yung nasilip ng COA sa DICT, yung nasa Php 93 Million daw na halaga ng mga gadgets na nabigo silang ipamahagi
  • yung nasilip ng COA sa DSWD, yung nasa Php 1.9 Billion daw na halaga ng mga ayuda na hindi na naipamahagi pa
  • yung mga donasyon daw na pagkain at gamot para sana sa mga naging biktima ng Bagyong Ulysses sa Cagayan Valley, na na-expire at nabulok na lang sa warehouse ng DSWD
  • yung nasilip ng COA sa DSWD, yung nasa Php 5.3 Million daw na ipinamigay sa mga dating rebelde, pero kulang naman sa mga dokumento
  • yung nasilip ng COA sa Department of Transportation, yung nasa Php 1.6 Trillion daw na halaga ng mga delayed projects
  • yung nasilip ng COA sa LTO, yung higit daw sa Php 3 Billion na ibinayad na para sa hindi pa naman kumpletong projects
  • yung nasilip ng COA sa DPWH for 2021, yung nasa Php 245 Billion daw na halaga ng libu-libong projects na maalin sa na-delay o hindi na nagawa pa
  • yung nasilip ng COA sa PNP, yung mga hindi pa natatapos na 4 na gusali daw
  • yung nasilip ng COA sa PNP, yung nasa Php 267 Million daw na halaga ng mga donasyong sasakyan na nabigo silang i-record from 2017 to 2020
  • yung nasilip ng COA sa DILG, yung umaabot sa Php 577 Million daw na halaga ng COVID-19 fund na hindi naman nagastos nung ahensiya
  • yung nasilip ng COA sa Human Rights Violations Victims Memorial Commission, dahil sa delay sa pagpapatayo ng Freedom Memorial Museum na para sana sa mga naging biktima noon ng Martial Law
  • yung nasilip ng COA sa Davao City, yung nasa Php 188 Million daw na halaga ng mga property, plant and equipment na inalis sa kanilang books of accounts
  • yung nasilip ng COA sa Office of the Vice President for 2021, yung unnecessary daw na pag-hire ng mga private lawyers at consultants...
  • yung nasilip ng COA sa Office of the President for 2021, yung mahigit sa Php 30 Million na ginamit sa mga repairs, kung saan nasa Php 157,000 plus ay unutilized roof tiles
  • yung nasilip ng COA sa Office of the President for 2021, yung nasa Php 33 Million plus daw mula sa Php 52 Million plus na i-t-in-ransfer sa NTF-ELCAC na unliquidated pa rin sa katapusan ng 2021
  • ang pagbagsak ng Peso nang lagpas pa sa Php 58 na palitan kontra sa US Dollar 
  • yung nasa Php 588 Billion daw na unprogrammed funds para sa 2023
  • sa DPWH, yung Expanded Fund-Parking Scheme daw kung saan iniipit daw ang pondo kung hindi papaboran ang mga piling contractor
  • sa projects ng DPWH, yung may mga amount pero wala naman daw breakdown ng mga pagkakagastusan
  • sa Cagayan de Oro, yung nasunog na imbakan ng mga bala at pampasabog ng militar sa Camp Evangelista
  • yung red-tagging ng Komisyon sa Wikang Filipino laban sa ilang mga libro, kung saan yung iba ay patungkol sa Martial Law
  • sa Pasay City, yung film showing tungkol sa Martial Law na ipinatigil daw ng mga pulis kahit na may permit naman na nakuha mula sa barangay yung mga organizers
  • sa NTC, yung 2020 pa yung violation na sinasabi nila pero 2022 na ngayon at hindi pa rin nila natatapos yung isyu
  • yung muling pagkatalo ng isang kinikilalang journalist sa kaso, dahil ipinatupad ang bagong patakaran laban sa luma nilang nailathala na balita
  • yung tila mga mayayaman at maimpluwensiya lang ang nakikinabang sa pangkakaso ng cyberlibel
  • sa Masungi Georeserve, yung mga active at retired daw na opisyal ng gobyerno pa ang nagpatayo ng mga structures tulad ng resort doon sa area
  • sa Negros Occidental, yung 4 daw na engineer at 1 staff ng provincial government na sinuspende at kinasuhan dahil sa paggamit umano ng mga government vehicle para sa inuman lang
  • yung shooting incident sa araw ng graduation sa Ateneo de Manila University, na nangyari kung kailan may umiiral na gun ban, at nanggaling pa sa ibang isla yung suspek
  • yung nasa 30 pulis na kinasuhan sa Ombudsman dahil sa kuwestiyonable daw na pag-aresto noon sa binansagang Tinang 83
  • yung kaso ng hit-and-run laban sa isang tricycle driver sa Quezon City kung saan sasakyan ng pulis ang involved, yung 5 pulis na kinasuhan dahil daw sa tila cover-up na ginagawa nila doon sa imbestigasyon
  • sa General Mariano Alvarez yata, sa Cavite, yung nasa 5 estudyante na nabangga ng nagmamanehong pulis
  • sa San Pedro, Laguna, yung 2 menor de edad na suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang 7 y/o na babae, na nakakatakas mula sa kanilang CSWD
  • yung hindi na inusisa pa ang budget para sa Office of the Vice President, kahit pa may malaki itong confidential fund
  • yung no mercy daw pero tumatanggap naman ng mga sumusuko DAW, at naniniwala din sa mga sinasabi ng mga iyon
  • sa COMELEC, yung gustong mag-request ng budget para sa sarili sana nilang gusali sa panahon kung kailan baon na baon na sa utang ang bayan
  • yung hindi totoong bahagi ng Minority yung naging Commission on Appointments Minority Leader
  • yung Senador na umamin na madami siyang hindi naiintindihan sa kanilang mga pagpupulong
  • yung proposal na bigyan ng reelection option ang mga kritikal na katungkulan sa bansa
  • yung planong papalitan ang pangalan ng isang airport na may historical value at meron ding unresolved crime sa loob ng napakahabang panahon
  • yung pagnanakaw ng credit para doon sa airport, samantalang nabuo na pala yung ibang mga bahagi nun bago pa man naghari ang kasamaan sa bayan
  • yung alternatibo daw na solusyon na ibalik na lang ang pangalan ng isang airport sa dati
  • yung matanda na lumaban daw noon sa Martial Law, pero ipinagtatanggol naman ito ngayon
  • yung matanda na gustong bigyan ang pangulo ng kakayahan na magdeklara ng Martial Law nang mag-isa
  • ang paninira sa 1987 Constitution ng isa sa mga mismong promotor ng Martial Law
  • yung Senadora na protektor ng Martial Law
  • yung mga Senador na gusto nang ipalimot sa mga tao ang kasaysayan ng Martial Law
  • yung nagsasabi na magiging independent daw ang branch nila, pero mabilis na ipinagtanggol ang mga kakulangan sa mga in-address na issue sa SONA
  • yung binigyan ng katungkulan na protektor na ngayon ng mga unpaid estate taxes, samantalang Supreme Court na nga ang nagdesisyon tungkol sa bagay na iyon noon
  • yung muling pagbasura ng Sandiganbayan sa nasa Php 200 Billion na civil forfeiture case
  • yung pamilya na hindi uma-attend sa pagdinig tungkol sa pagkatagal-tagal na nilang mga kaso
  • yung pelikula para sa historical revision, na namimigay na ng libreng tickets para lang mawasak nila ang kasaysayan sa isip ng mga walang utak
  • yung pagtatakip ng MTRCB para sa pelikula na may layunin ng misinformation at historical revision

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung celebrities na sinisiraan na ngayon ang history
  • yung direktor at yung pelikula na layunin na wasakin ang kasaysayan
  • yung historical revision na ginagawa ngayon ng mga social media farm employees, kung saan ibang angkan na ang ginagawa nilang mga demonyo sa paningin ng mga panatiko
  • sa social media, yung mga kabilang daw sa majority na tinatamaan at nagre-react, pero ang topic naman ay tungkol sa mga mapanirang online trolls
  • yung mga siraulong mamamayan na nagpapahayag ng suporta para sa assassination na ginawa nung doktor sa Ateneo de Manila University shooting incident
  • yung mind conditioning naman ngayon sa survey na kesyo reliable daw ang automated selection nila
  • yung noontime show na nagpasaway na sa Zamboanga del Norte sa panahon ng mga subvariant ng COVID-19 Omicron
  • sa Espaรฑa, sa Maynila, yung away ng mga kabataan sa kalye, na lumabag na rin sa mga health protocol
  • sa Bulacan at Pampanga, yung mga warehouse na nabuking ng BOC na nagtatago ng libu-libong sako ng asukal
  • sa Caloocan, yung mga nasamsam na smuggled daw na asukal at bigas mula sa isang warehouse
  • sa Silang, Cavite, yung 3 bodega na nakitaan daw ng nasa 350,000 na sako ng mga smuggled na asukal
  • sa Subic, Zambales, yung naharang na cargo vessel mula daw sa Thailand na may dalang nasa 7,000 metric tons ng asukal
  • sa payment center sa mall, yung halos 100% increase nila para sa kanilang service charge for bills payment
  • yung mga jeepney driver na mali ang discount na ibinibigay sa mga senior citizen, na Php 10 ang sinisingil sa halip na Php 9 lang
  • yung madalas na overloading daw ng mga delivery truck na nagiging sanhi ng mas mabilis na pagkasira ng mga kalsada
  • sa Olongapo City, yung ama na napatay ang sarili niyang anak dahil sa dumi ng alagang aso ng mga ito
  • yung modus sa pamamalimos, kung saan gamit ang istorya ng batang may Cancer
  • yung paglaganap lately ng mga personalized na text promotion at text scam na patunay na nagkaroon ng leakage o bentahan ng personal information ng mga mobile users
  • yung mga nangangalap ng mga pangalan na konektado sa mga mobile numbers sa pamamagitan ng pagcke-ckeck sa mga messaging app
  • sa GCash, yung ililihim na tuloy nila ang pangalan ng padadalhan ng pera, bagay na mahalaga sa pag-confirm kung tama ba ang mobile number na nai-type, dahil sa paglaganap ng mga personalized na text promotion and scam
  • yung banta ng Marburg virus
  • ang banta ng Legionnaires' Disease
  • yung panibago na namang banta na dala ng Langya Henipavirus (LayV), na may na-detect na daw sa Imperyo
  • sa Misamis Oriental, yung nasabat ng BOC na nasa Php 18 Million na halaga ng smuggled na mga sibuyas na mula sa Imperyo
  • sa Misamis Oriental, yung nasa Php 36 Million daw na halaga ng mga smuggled na sibuyas na galing na naman sa Imperyo
  • sa Manila Port, yung mga nasabat na smuggled na carrots mula na naman sa Imperyo
  • sa Cavite, yung nabistong bodega kung saan may mga nadiskubre na pekeng mga sigarilyo at maging mga pekeng BIR stamp, kung saan 4 na Imperial citizen ang nahuli
  • sa Paraรฑaque City, yung 4 na Imperial citizen at 1 Taiwanese na nahuli sa buy-bust operation laban sa ilegal na droga
  • sa Quezon City, yung nasa Php 272 Million daw na halaga ng suspected shabu na nasabat mula sa isang Imperial citizen
  • sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation sa Cavite at Quezon City, yung umaabot sa Php 1.7 Billion na ilegal na droga ang nasabat, kasama na yung Php 272 Million from Quezon City kung saan 2 Imperial citizen ang nahuli
  • sa Malate, Maynila, yung nasa Php 102 Million daw na ilegal na droga na nasabat mula sa 2 Imperial citizen
  • sa Pozorrubio, Pangasinan, yung nasa Php 2.4 Billion daw na halaga ng hinihinalang shabu na nasabat sa buy-bust operation laban sa isang Imperial citizen
  • sa Mexico, Pampanga, yung 2 Imperial citizen na nahulihan ng nasa Php 408 Million daw na halaga ng shabu na nakasilid sa mga tea bag
  • sa Pasay City, yung naaresto na Imperial citizen dahil sa pagdadala ng baril at hinihinalang shabu, bukod pa sa may kasong rape din daw laban sa kanya
  • sa Pampanga, yung nahuli na POGO company na wala namang permit, kung saan sapilitan daw na pinagtatrabaho ang mga tauhan nila na Imperial citizen
  • sa Cainta, Rizal, yung nasa 70 Imperial citizen na POGO workers bukod pa yung bilang ng iba pang mga dayuhan, na nasagip daw mula sa mapang-abusong POGO company
  • sa Maynila, yung naaresto na 4 na Imperial citizen na suspek daw sa kidnap-for-ransom laban sa 3 kapwa nila Imperial citizen
  • sa Porac, Pampanga, yung nahuling 7 Imperial citizen at 2 lokal na mamamayan na mga suspek sa pagdukot sa isang Imperial citizen
  • sa Bacoor City, Cavite, yung 4 na Imperial citizen na nahuli dahil sa pagdukot nila sa kapwa nila Imperial citizen, nahulihan din daw ng mga ilegal na armas yung mga kriminal
  • sa Pampanga, yung nasa 43 na Imperial citizen na nasagip mula sa isang offshore facility na h-in-old daw ng kapwa nila Imperial citizen para mahingan ng ransom ang kanilang mga pamilya
  • sa social media, yung mga basurang Imperial citizen na ipinagdiwang ang assassination laban sa matino naman na dating pinuno ng Japan
  • yung marunong na rin ang Imperyo na gumamit ng mga pilotless na mga aerial vehicle
-----o0o-----


September 17, 2022...

sa Cainta, Rizal..
yung nasa 70 Imperial citizen na POGO workers..
bukod pa yung bilang ng iba pang mga dayuhan..
na nasagip daw mula sa mapang-abusong POGO company...

is feeling , ang gagaling talaga...

---o0o---


September 18, 2022...

sa Pampanga..
yung nahuli na POGO company na wala namang permit..
kung saan sapilitan daw na pinagtatrabaho ang mga tauhan nila na Imperial citizen...

is feeling , salamat sa mga pastillas...

---o0o---


September 19, 2022...

sa Nueva Vizcaya..
yung bagsak na ang presyuhan ng luya dahil na naman daw sa oversupply...

is feeling , walang magiging oversupply kung may paraan ng distribution sa iba pang mga probinsya at/o bansa...

---o0o---


September 20, 2022...

ewan ko lang ha..
pero kapag pinatatagal ang kaso nang husto..
bago ulit i-file..
ibig sabihin may hinihintay na maluto..
may hinintay na masira na mga ebidensya...

is feeling , may mali...


>
yung pangamba ng mga SPED teachers dahil hindi daw pinondohan ang Special Education Program...

is feeling , lagot na...

---o0o---


September 21, 2022...

yung matanda na lumaban daw noon sa Martial Law..
pero ipinagtatanggol naman ito ngayon...

alam ko na..
walang totoo sa mga ginawa nila noon..
natakot lang sila dahil nabibisto na sila noon..
kaya naman bumalimbing sila at nakihalubilo sa mga nagpabagsak sa kasamaan...

is ⚠ feeling , ang mga demonyong nagmanipula sa mga mamamayan...


>
yung put*ng inang diyos ninyo..
nasa Php 58.00 na ang palitan ng dolyar..
partida pa na humaharap ang pera ng USA sa inflation...

is feeling , tapos nagsasayang pa ng mga pamasahe.. pwede namang hindi kasama yung iba sa mga biyahe...


>
sa Tagum City, Davao del Norte..
yung traffic enforcer na nahuli daw dahil sa kasong carnapping...

is feeling , so pang-aagaw ng sasakyan ang solusyon sa problema sa trapiko...??


>
sa Pasay City..
yung film showing tungkol sa Martial Law na ipinatigil daw ng mga pulis..
kahit na may permit naman na nakuha mula sa barangay yung mga organizers...

is ⚠ feeling , malinaw na kung sino ang diyos nila...


>
yung mga Senador na gusto nang ipalimot sa mga tao ang kasaysayan ng Martial Law... ๐Ÿ™

is ⚠ feeling , mga protektor ng katiwalian.. mga terorista laban sa kasaysayan...


>
yung Senadora na protektor ng Martial Law...

huwag tayong maggaguhan..
nasa inyo ang mga sasakyan, tangke, barko, eroplano..
at ang mga bomba na kailangan ninyo..
2022 na ngayon, pero nariyan pa rin sila..
sinong maniniwala na wala kayong kakayahan na ubusin sila, sa kabila ng mga ibinibida na mga sumusuko..
common sense lang, na kapag may napasuko, edi sana matutunton yung base...

pero sa halip..
mga aktibista ang pinag-trip-an ninyo.. ๐Ÿ™
property ng ibang mga tao ang kinamkam ninyo...

is ⚠ feeling , kung paano ninyo tinarantado ang Coco Levy Fund, ganun din ninyo tinarantado ang lahat.. mga tarantado kayo...

---o0o---


September 22, 2022...

yung matanda na gustong bigyan ang pangulo ng kakayahan na magdeklara ng Martial Law nang mag-isa...

magkakasabwat kayong lahat..
maging ang mga itinuturo ninyong mga kaaway kuno...

is ⚠ feeling , lagot na.. mukhang may binabalak na naman sila.. mukhang doon napupunta ang mga confidential fund nilang lahat...??


>
ang paninira sa 1987 Constitution ng isa sa mga mismong promotor ng Martial Law...

is ⚠ feeling , kumikilos na si Satanas...


>
mukhang iyon ang dahilan kung bakit nagkaroon ng Hacienda Luisita Massacre..?
o Mendiola Massacre..
dahil may mga traydor sa hanay ng mga armadong empleyado noon..
mga demonyo na may kinalaman sa pagpapatupad ng Martial Law..
naki-blend sila sa mabubuting tao, at saka nagdulot ng bahid...

hindi kailan man nawala ang mga armadong empleyado ng Dictator Clan sa sistema... ๐Ÿ™

is feeling , matagal na nilang niloloko ang buong bayan.. hindi kailan man nakuha ang katarungan, dahil protektado ang sindikato nila simula't sapul...

---o0o---


September 23, 2022...

sa Masungi Georeserve..
yung mga active at retired daw na opisyal ng gobyerno pa ang nagpatayo ng mga structures tulad ng resort doon sa area...

is feeling , kagaya kung paano tinatarantado ang mga Lumad...


>
Asia's fastest rising star..??
umaangat ang ano..?
ang palitan ng dolyar laban sa piso...??

is feeling , very good...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of September 2022 (Bleeding & Losing)

Loveless Story


September 18, 2022...

napansin ko na may protektor ang isa sa mga manager na nakakausap ko..
kaya nagbakasali ako na humingi ng tulong sa kanya...

kaso..
lumalabas na kakampi nila yung taong totoong target ng mga nambintang sa akin..
yung taong dahilan kung bakit ako napahamak..
kaya mukhang malabo na i-suggest nila doon sa superior na i-reveal ang mga anonymous activity sa loob ng community...

is feeling , mas gusto ko na lang mamatay yung mga basurang 'yon.. mga literal na bastos sa kahit na sino at mayayabang...


>
[Medical Condition]

so malala na nga pala talaga ang lagay ko..
nabubulok na ang katawan ko..
talagang isinumpa ako... ๐Ÿ™

3rd time ko na na harapin ang depekto na 'to..
parang yung cyst ko lang, paulit-ulit..
at according sa internet, hindi natural na nagre-recur siya..
kaya naman totoo ngang may mali sa katawan ko... ๐Ÿ™

simula't sapul, mali ang lahat ng tungkol sa akin..
2014 noong unang beses ko siyang naranasan..
at zero contact ako noon..
kaya naman walang chance na nahawa lang ako..
late 2020 to early 2021 naman yung padalawang beses..
at may close contact na ako that time..
pero this time, sa ikatlong pagkakataon, na-trigger na naman iyon with zero contact..
kaya ibig sabihin na sariling katawan ko lang talaga yung may mali..
na depektibo talaga ako..
yung sarili kong katawan - it wants me dead...

ako yung inatake, kahit wala naman akong ginagawa laban sa ibang tao..
pero bakit ako na naman yung pinaparusahan ng ganito..?
nakatadhana na lang ba talaga ako na mamatay na lang nang ganito..??
isang basura lang...?

magtatapos yung Dream Date kung mawawasak na ang katawan ko.. ๐Ÿ™
ito ba ang dahilan kung bakit paulit-ulit siyang nawasak simula 2021..?
ito ba ang dahilan kung bakit paulit-ulit akong nawalan ng pondo sa cryptocurrency..?
dahil noon pa man, hindi na talaga pwedeng maisakatuparan yung Dream Date...??

is ๐Ÿ’€ feeling , paano pa ako lalaban, kung scripted na akong mabigo nang paulit-ulit...??

---o0o---


September 20, 2022...

yung biological mother ko..
gusto akong isama sa birthday celebration niya..
sa ibang probinsya...

pero ang hirap-hirap kasi..
hindi nila naiintindihan kung gaano kahirap yung buhay ko..
na lahat ng mga pinaghirapan kong kitain..
nauwi lang sa scam..
nauwi lang sa mga pagkalugi...

is feeling , kahit 1 panalo lang talaga ng jackpot sa Lottery, titigil ako sa trabaho at sasama sa celebration...


>
[Medical Condition]

mukhang cancer siya..
base sa mga signs..
to think na tinira talaga ako ng kapalaran sa mismong weakness ko..
sa mismong bagay na mahalaga para sa akin... ๐Ÿ™

kailangan ko ng Php 120,000..
to be divided into 3..
pero bago iyon, kailangan ko din munang pansamantala na gumaling..
gusto kong matapos lahat ng mga plano ko habang parang fit pa ako..
the same reason kung bakit hindi din talaga pwedeng magtagal masyado ang buhay na ito..
dahil ayokong maranasan ang lahat ng iba pang mga kabrutalan na ipapaligo sa akin ng tadhana... ๐Ÿ™

iyon yung dahilan kung bakit hinding-hindi ko matapos yung Dream Date..
kung bakit paulit-ulit na nasira iyon..
dahil bawal kong maranasan yung Dream Date..
kinamumuhian ko ang buhay..
dahil nilikha lang ng mga demonyo ang buhay ko para mamatay bilang isang talunan... ๐Ÿ™

is ๐Ÿ’€ feeling , Php 120,000.. kailangan kong maunahan ang kamatayan...

---o0o---


September 21, 2022...

[Manga Theory]

anak ng..
mala-Code Geass na si Im..
may kakayahan ang sasakyan niya na daig pa ang F.L.E.I.J.A. bomb..
iyon na nga kaya ang Uranus..??
mukhang iyon din ang ginamit upang burahin ang God Valley...

let's see..
so far heto na yung confirmed sa mga theory ko..
#2 kung saan pinakawalan ni Zoro ang ganap ng black o Haki-enhanced blade na Shusui..
#11 kung saan hindi nga si Sabo ang pumatay kay Nefertari Cobra...


One Piece Theory #12 and #13

sa tingin ko planong wasakin ni Luffy ang Red Line para maging isa na lang ang mundo..
although mananatili pa rin ang Calm Belt, eh existing naman na ang mga technology para baybayin ang dagat na iyon sa pamamagitan ng mga barko...

sa tingin ko din na hindi namatay si Sabo sa pagpapasabog sa Lulusia Kingdom..
base sa paglingon ni Sabo, posibleng nasa dagat na siya na malapit doon sa isla noong pinasabog na iyon ni Im...

is feeling , anong magagawa ng Pluton at ng Poseidon laban sa sasakyan ni Im...??


>
[Online Marketing]

surprisingly, madami na ulit yung bumibili ng mga bundle ko sa 2nd store this month..
hindi ko alam kung napansin ba nila yung sale ko dahil sa store wide sale nung management..?
o kung sacrificial purchases ba ang mga iyon...?

meron kasi akong ilang kliyente na lumalabis pa sa normal ang pagsuporta sa akin..
bumibili ulit ng mga project ko na meron naman na silang kopya..
at ayoko naman na nagsasakripisyo sila sa ganung paraan...

is feeling , sana talaga mga unique at authentic na transactions iyon...

---o0o---


September 22, 2022...

patuloy ang paninira sa account ko.. ๐Ÿ™
can't believe na nagsimula ito dahil lang sa walang kautak-utak na bintang..
araw-araw binabahiran nung mga kriminal ang record ko..
para magmukha akong masama, na gaya nung kaaway nila...

sa totoo lang hindi ko na alam kung sino ang umaatake sa akin sa ngayon..
yun pa rin bang nagbintang sa akin..?
o sinusubukan ba akong inisin ng kaaway nila, para lalong lumala yung gulo at makipag-away na rin ako..?
kung ano man ang totoo..
ang lahat ng ito ay nag-ugat doon sa bintangero na iyon..
kaya naman dapat na siyang mamatay...

at hindi kumikilos ang mga nasa tuktok para parusahan ang mga kriminal upang matulungan naman ako... ๐Ÿ™

kailangan ko nang matuto na mag-inject ng rogue administrator nito...

is feeling , sana magkaroon naman ng silbi ang taglay kong kamalasan.. tutal eh lapitin na rin naman ako ng mga demonyo.. edi sana tamaan naman sila ng kamatayan dahil sa kamalasan ko...


>
[Lottery]

hindi ako nanalo..
ibig sabihin..?
wala akong panahon para magsaya..
para magbakasyon..
sa bagay, hindi din naman talaga masaya na makasama sila..
parang ordinaryong araw din lang..
na walang trabaho...

pero ang mas inaalala ko ay ang patuloy kong paglayo mula sa Dream Date..
ang muling pag-atake ng Cancer na ito..
pursigido sila na tapusin ako nang hindi ko natutupad yung Dream Date... ๐Ÿ™

is feeling , mga demonyo talaga kayo.. hinahayaan ninyong mabuhay yung mga totoong demonyo ng bayan.. habang kayang-kaya ninyong atakehin ang mahihina lang na kagaya ko...

---o0o---


September 23, 2022...

nakakainggit ang mayayaman..
kaya kasi nilang sisihin yung mga tao na tutok sa trabaho... ๐Ÿ™

pero hindi naman kasi nila maiintindihan..
nasa production ako..
hindi ako kagaya nila na the moment na natanggap sa trabaho eh automatic na ang daloy ng pera, may gawin man o wala...

hindi ko kayang ipaliwanag ang level ng taglay kong kamalasan..
kung paanong hinayaan ko na mautangan ako ng isang manggagamit lang na babae..
kung paanong ang USD 830 ko sa Binance, eh nasa USD 200 na lang sa ngayon at hinding-hindi ko ma-recover...

hindi ko kayang ipaliwanag kung bakit kailangan kong makaipon ng Php 150,000..
na hahatiin sa 4..
na may kailangan akong matupad na Dream Date bago man lamang akong mamatay..
na 4 na beses na yung nawasak dahil sa kamalasan ko..
pero literal na akong nakikipag-unahan sa kamatayan ngayon, dahil nagdudugo na yung katawan ko dahil sa Cancer ko..
pilit akong nagpapanggap na normal pa rin ako, at hindi ko alam kung kailan ako ilalaglag ng mismong katawan ko...

is feeling , kasama ko yung tao araw-araw.. hindi pa ba sapat 'yon..? bakit kailangan ko pa talagang magbakasyon kung kailan kailangang-kailangan ko ng pera...??

-----o0o-----


for this particular week lang..
umaabot na sa USD 721 yung halaga ng mga napakawalan kong opportunities sa Binance...

---o0o---


September 18, 2022...

[Trade]

gumawa ng quick pump yung JOE..
nasa 56% increase..
so USD 91 sana iyon para sa akin...

umangat din ang UFT ulit..
by 63%..
USD 102 sana iyon para sa akin...

base sa 2 samples na 'to..
walang specific na limit ang pagpa-pump ng mga whale..
kaya nilang magpakilos ng volume na nasa USD 7 - 74 Million ang agwat...

is feeling , pero bakit hinding-hindi ako makasabay sa mga balyena...??

---o0o---


September 19, 2022...

[Trade]

nakaka-3 crash na ang Bitcoin..
at pumasok pa naman ako sa pinakauna..
pero mabuti na lang at kahit papaano eh nahihila lang niya ang GMT sa kaparehong spot..
may resistance siguro doon...

ALPACA naman ang kumilos ngayong araw..
at double pump pa talaga ang nagawa niya..
33% yung unang pump..
USD 54 sana iyon para sa akin..
26% naman yung ikalawang pump..
so USD 57 sana iyon mula doon sa increased value para sa unang pump...

is feeling , bakit hindi ko magawang maranasan yung mga ganung klase ng kaligayahan...??

---o0o---


September 20, 2022...

[Trade]

VGX na naman..
nasa 32%..
USD 52 sana iyon para sa akin...

WRX na ulit kaagad..
nasa 26%..
USD 42 sana iyon para sa akin...

is feeling , yung iba kong mga binabantayan, sipa nang sipa.. nakailang sipa na nga eh.. pero yung tinatayaan ko, naipapako ko sa kamalasan...

---o0o---


September 22, 2022...

[Trade]

so naloko din ako ng Ethereum Merge.. ๐Ÿ™
sa halip kasi na umangat ang market nila, eh lalo pa silang bumagsak..
nagtampo yata ang mga miners nila dahil sa pagtitipid sa energy...

nagpasok pa naman ako ng ibang pera sa Katana..
kaso yung USD 4.33 ko..
nasa USD 3.09 na lang sa ngayon..
nadagdagan na naman tuloy yung mga amount na kailangan kong bawiin... ๐Ÿ™

is feeling , wasak na naman ako...

---o0o---


September 23, 2022...

[Trade]

so sumablay na naman ako sa GMT..
nasa USD 10 din yung napakawalan kong kita dahil sa pag-early out ko...

tapos nagpababa na naman ang BNB..
nasa 7.39% na lang ang APY niya..
paubos na nang paubos... ๐Ÿ™

is feeling , part 1 pa lang 'to...


>
[Trade]

at sandamakmak na naman ang mga na-miss ko sa watchlist ko... ๐Ÿ™

UFT na ulit kaagad..
nasa 37% increase..
USD 67 sana iyon para sa akin...

PROS na recently lang naging available sa BUSD trading..
nasa 46% naman..
USD 84 sana iyon para sa akin...

may nag-pump na rin sa XRP na napakarami ng supply..
nasa 41% recovery..
USD 75 sana iyon para sa akin...

tapos kumilos na rin ang RSR..
malaking 53% recovery..
o USD 97 sana para sa akin..
ang problema dito, gaya din nung sa iba, ni hindi siya bumaba hanggang sa USD 0.004 na binabantayan kong palitan bago ako tumaya...

bukod pa sa OGN..
yun namang iba na sumadsad na rin sa watch point ko..
eh involved naman sa Ethereum network, na bumagsak after ng ipinagmamalaki nilang Merge..
nasa 3 sadsad na assets din iyon..
pero hindi ko masabi kung ano na ang totoong bagsak na presyuhan nila dahil sa pagbagsak ng ETH...

is feeling , sobrang dami ko nang napapakawalan na kita...


Saturday, September 17, 2022

Courtesy for Corruption

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is ๐Ÿ’€ feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is ๐Ÿ’€ feeling , day 798...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
pero may mga kahalo dito na from 2021 pa...

update (174 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pabor na gawing optional ang pagsusuot ng face mask, kung kailan pa talaga tumataas na ulit ang mga kaso ng COVID-19
  • ang hindi pag-address sa banta ng misinformation laban sa bayan at sa kasaysayan
  • yung pag-veto sa bill na nagbibigay sana ng tax exemption para sa honoraria ng mga naging poll workers, samantalang may mga piling tao na madaming atraso sa hindi pagbabayad ng buwis
  • yung lagpas 1 buwan ang kanilang preparasyon, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kumpleto ang kanilang mga department heads
  • yung kagustuhan na magtalaga ng galing sa Judiciary branch sa ahensiya na nangangasiwa sa mga government-owned or controlled corporations (GOCCs), bagay na labag sa Constitution
  • yung itinalaga kaagad bilang Chairman ng COMELEC yung dati niyang abogado
  • yung personal na doktor daw ang itinalaga sa FDA
  • yung malalaki ang halaga ng contributions noong panahon ng kampanya na may mga nakuha na ngayong posisyon sa pamahalaan
  • yung ayon sa nagbitiw na opisyales na may kinalaman sa agriculture, ay ang Presidente daw talaga ang nag-utos na mag-import ng asukal
  • yung sinasabi na ideya na dobleng volume pa pala ng balak na i-import na asukal
  • yung wala daw siyang inatake, dahil ang mga social media farm employees ang gumagawa nun para sa kanila
  • yung verbal na manipulation sa inflation value
  • yung naging ganap na yung vape bill by default
  • yung pinayagan nang gawing voluntary na lang ang pagsusuot ng face mask outdoor
  • yung ayaw nang sumali sa International Criminal Court (ICC) dahil iniimbestigahan ng mga iyon ang mga irregularities sa war on drugs

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Cotabato City, yung mga anak ng Barangay Chairman at Tanod na nahuli dahil sa ilegal na droga
  • yung anak ng isang Mayor sa Negros Occidental na kasama sa mga nahuli sa isang drug buy-bust operation
  • yung jail guard sa Laguna Provincial Jail na nahuli sa buy-bust operation dahil sa pagbebenta ng shabu
  • sa Caloocan City, yung pulis na nahuli ng PDEA sa kanilang drug buy-bust operation, kung saan may iba pa daw itong mga kasamahan na pulis na nakatakas mula doon sa insidente
  • sa Badian, Cebu, yung pulis at 2 pa na nahuli sa drug buy-bust operation
  • sa Tuguegarao City, Cagayan, yung pulis at 2 magsasaka na nahuli sa drug buy-bust operation
  • sa Baguio City Public Market, yung katiwalian sa paniningil ng arrival fee
  • sa Pampanga, yung empleyado ng Angeles City hall na nahuli dahil daw sa pag-i-issue ng mga pekeng vaccination card
  • sa Southern Police District, yung pulis na inaresto dahil daw sa reklamong pangmomolestiya laban sa isang menor de edad
  • sa Valenzuela City, yung pulis na kinasuhan ng rape laban sa 9 y/o na babaeng anak na kanyang live-in partner
  • sa Boracay, yung Mayor daw ng San Jose, Romblon na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Laurel, Batangas, yung Barangay Kagawad na nahulihan ng ilegal na baril at maging ng granada
  • sa Cagayan, yung nakunan daw ng video na pananakit ng 1 lasing na pulis sa 2 construction worker
  • sa Masbate prosecutor's office, yung kaso na isinampa laban sa nasa 21 na pulis dahil sa pagkamatay ng mismo nilang kabaro dahil umano sa hazing
  • sa Nueva Vizcaya, yung pulis na napatay dahil daw sa pamamaril ng kanyang kapwa pulis na natagpuan din namang patay kalaunan

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung may nag-aalok na daw ng tig-Php 1 Million para sa mga pamilya ng mga nawawalang sabungero bilang kapalit ng pag-uurong nila sa mga kaso
  • yung mga madre na nadamay sa kasuhan patungkol sa pagpopondo daw sa mga rebelde
  • yung sinasabi na mga pulis daw na protektor ng mga kidnapping syndicate na mga Imperial citizen ang target

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung hanggang ngayon ay walang makapag-address sa kanila tungkol sa nangyayaring pagpapakalat ng misinformation sa social media
  • yung under lang ang bayan ng samahan ng international community kapag manlilimos ng tulong, pero kapag mga pang-aabuso na ang pag-uusapan eh independent lang ang bayan
  • yung plano na kaagad na umutang ng nasa USD 300 Million daw mula sa World Bank, para daw sa digitalization para sa pangongolekta ng buwis
  • ang banta sa reliable auditing
  • yung may nakapasok ng kaso ng Monkeypox sa loob ng bayan
  • yung may local case na daw ng Monkeypox dito sa bayan
  • sa Hong Kong, yung napasok daw sila ng kaso ng Monkeypox, kung saan sumakay ang lalaking carrier sa Philippine Airlines
  • yung nasa 21 days pala ang incubation period ng Monkeypox, bago posibleng magpakita ng symptoms ang carrier nito, kaso wala namang ganung katagal na quarantine para sa mga international travelers
  • yung nakapasok na rin sa bayan ang mas nakakahawa pa na Centaurus Omicron variant
  • yung maraming paglabag sa health protocol sa panahon ng balik-eskuwela
  • sa Cebu City, yung hindi din pala kinonsulta ang DOH tungkol sa paggawang optional sa pagsusuot ng face mask
  • sa Iligan City, yung Kasalanang Bayan kung saan madami sa mga lumahok ay hindi na nagsuot ng face mask doon sa venue
  • yung ibinaba ang target ng pagbabakuna ng COVID-19 vaccine sa panahon nila
  • sa Bacolod City, yung nasa 300,000 na COVID-19 vaccines na na-expire na lang
  • yung nasa Php 5.1 Billion daw na halaga ng mga na-expire at mae-expire ng COVID-19 vaccines, base sa statement ay mukhang private sector ang nagpondo sa mga vaccines na iyon
  • yung ayon sa DOH ay nasa 20.6 Million na dami na ng doses ng COVID-19 vaccines ang either na-expire na o ang hindi naman nagagamit
  • yung pagtataas ng PhilHealth sa bilang ng libreng dialysis session hanggang sa 144 daw, samantalang ang daming balita tungkol sa kanilang mga pagkakautang
  • yung sinita na sobra-sobra daw na paniningil ng PhilHealth sa pamahalaan para sa subsidy nito para sa mahihirap na members
  • yung pahayag pa rin hanggang ngayong 2022 na aabot na lang daw hanggang sa 2027 ang actuarial life ng pondo ng PhilHealth
  • sa Bukidnon, yung kahon-kahon ng kamatis na itinapon na lang dahil daw hindi maibenta
  • yung nasa Php 400 to 500 na daw ang per kilo ng siling labuyo
  • sa Isabela, ang pagmamahal na din ng bentahan ng siling labuyo at maging ng bawang
  • sa La Trinidad, Benguet, yung pagbaba ng presyuhan ng mga gulay dahil sa oversupply
  • yung pumapalo na sa Php 400 ang per kilo ng sibuyas
  • yung pagtaas ng presyo ng puting sibuyas dahil sa kakulangan sa supply, umaabot na daw sa Php 600 per kilo
  • sa Batanes, yung nasa 25 metric tons daw ng bawang na nanganganib na mabulok lang
  • yung mababang bentahan ng bawang mula sa Occidental Mindoro
  • sa La Union, yung naapektuhan na ang industriya sa paggawa ng bagoong dahil sa pagtataas ng SRP para sa asin
  • yung nasa 93% daw ng supply ng asin sa bayan ay imported
  • yung pumapalo na sa Php 100 ang per kilo ng asukal ngayong August 2022
  • yung ilegal daw na paglagda ng Sugar Regulatory Administration sa resolusyon para sa pag-import ng nasa 300,000 metric tons ng asukal
  • yung tangka daw na pag-angkat ng raw sugar, samantalang malapit na daw ang anihan ng tubo dito sa bayan
  • yung Executive Secretary na ang daming liban sa mga pagdinig tungkol sa naging gusot sa asukal
  • sa Department of Agriculture, yung iniimbestigahan na overpriced daw na mga tractor
  • yung nasa Php 6.8 Billion daw ang backlog ng Land Transportation Office pagdating sa mga plaka, na gustong ihingi ng pondo para daw mai-outsource din
  • yung hanggang July 2022 ay may mga bumabiyahe para sa libreng sakay na hindi pa rin nababayaran para sa kanilang serbisyo
  • sa LTFRB, yung ginawa na nilang Php 12 ang minimum na pamasahe sa mga jeep, bukod pa yung increase para sa iba pang klase ng mga PUV
  • yung matagal-tagal na ring energy crisis sa Occidental Mindoro
  • yung panukala na suwelduhan ng Php 2,000 ang mga housewife, samantalang may klase na ng ayuda na ang requirement ay ang pagkakaroon ng anak
  • yung delayed daw na assistance na natatanggap ng mga nagrereklamong beneficiaries ng United Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST)
  • sa DSWD, yung sobrang pagdagsa ng mga estudyante at mga magulang para maghabol sa ipinangakong educational assistance
  • yung dinagsa na naman ang pamimigay ng educational assistance ng DSWD kahit na gumawa na sila ng paraan para subukang gawing organisado ang pamamahagi nila ng tulong
  • yung may mga 4Ps beneficiaries daw na nakiagaw pa mula doon sa ipinamahaging educational assitance ng DSWD, samantalang may version ng 4Ps na ang purpose ay para talaga sa pagpapa-aral sa mga anak
  • sa educational assistance ng DSWD, yung may mga pamilya na hindi kinaya yung online registration
  • yung nasilip ng COA sa DOH pa rin, yung nasa milyun-milyong halaga daw ng mga gamot na either nasira na o malapit nang mag-expire
  • yung nasilip ng COA sa PS-DBM, yung nasa Php 1.3 Billion daw na halaga ng mga PPE na hindi naman certified ng FDA
  • yung nasilip ng COA na deficiencies sa naging paggastos ng DepEd, nasa Php 4.5 Billion daw na kaugnay ng distance learning
  • yung nasilip ng COA sa DepEd na naman for 2021, yung pagbili daw ng mga ito ng mamahalin na mga laptop, na luma naman ang mga processor, sa tulong ng PS-DBM, kung saan nasa Php 2.4 Billion daw yung involved na halaga
  • yung nasilip ng COA sa DepEd at PS-DBM, yung zero accomplishment daw ng mga ito sa pagbili ng textbooks at iba pang learning materials para sa DepEd
  • yung nasilip ng COA sa CHED, yung kabiguan daw nito sa pagpapatupad nung Smart Campus Development Program para sa mga state universities and colleges na nagkakahalaga daw ng nasa Php 3 Billion
  • yung nasilip ng COA sa CHED, yung nasa Php 130 Million daw na labis na ibinayad nila para sa 3 colleges
  • yung nasita ng COA sa TESDA, yung halos Php 95 Million daw na halaga ng mga hindi pa naipapamahagi na toolkits
  • yung pagsita ng COA sa BOC dahil sa pinabayaan nito ang nasa 974 na importers na makapagpatuloy sa kanilang mga transactions sa kabila ng paglabag ng mga ito sa mga patakaran at batas
  • yung nasilip ng COA na kuwestiyonable daw na pagbili ng National Dairy Authority (NDA) ng fresh milk noong 2021, nasa Php 100 Million plus ang pinag-uusapan na halaga
  • yung nasilip ng COA sa Department of Tourism for 2021, yung excessive daw na paggastos sa mga hotel at restaurant
  • yung nasilip ng COA sa Department of Human Settlements and Urban Development for 2021, yung kinukuwestiyon nila ang validity ng nasa Php 5 Million plus daw na halaga ng grocery allowance at COVID-19 response assistance para sa kanilang mga personnel
  • yung nasilip ng COA sa free Wi-Fi program ng DICT, may mga hindi daw gumagana o di kaya eh mabagal ang connectivity
  • yung nasilip ng COA sa DICT, yung nasa Php 93 Million daw na halaga ng mga gadgets na nabigo silang ipamahagi
  • yung nasilip ng COA sa DSWD, yung nasa Php 1.9 Billion daw na halaga ng mga ayuda na hindi na naipamahagi pa
  • yung mga donasyon daw na pagkain at gamot para sana sa mga naging biktima ng Bagyong Ulysses sa Cagayan Valley, na na-expire at nabulok na lang sa warehouse ng DSWD
  • yung nasilip ng COA sa DSWD, yung nasa Php 5.3 Million daw na ipinamigay sa mga dating rebelde, pero kulang naman sa mga dokumento
  • yung nasilip ng COA sa Department of Transportation, yung nasa Php 1.6 Trillion daw na halaga ng mga delayed projects
  • yung nasilip ng COA sa LTO, yung higit daw sa Php 3 Billion na ibinayad na para sa hindi pa naman kumpletong projects
  • yung nasilip ng COA sa DPWH for 2021, yung nasa Php 245 Billion daw na halaga ng libu-libong projects na maalin sa na-delay o hindi na nagawa pa
  • yung nasilip ng COA sa PNP, yung mga hindi pa natatapos na 4 na gusali daw
  • yung nasilip ng COA sa PNP, yung nasa Php 267 Million daw na halaga ng mga donasyong sasakyan na nabigo silang i-record from 2017 to 2020
  • yung nasilip ng COA sa DILG, yung umaabot sa Php 577 Million daw na halaga ng COVID-19 fund na hindi naman nagastos nung ahensiya
  • yung nasilip ng COA sa Human Rights Violations Victims Memorial Commission, dahil sa delay sa pagpapatayo ng Freedom Memorial Museum na para sana sa mga naging biktima noon ng Martial Law
  • yung nasilip ng COA sa Davao City, yung nasa Php 188 Million daw na halaga ng mga property, plant and equipment na inalis sa kanilang books of accounts
  • yung nasilip ng COA sa Office of the Vice President for 2021, yung unnecessary daw na pag-hire ng mga private lawyers at consultants...
  • yung nasilip ng COA sa Office of the President for 2021, yung mahigit sa Php 30 Million na ginamit sa mga repairs, kung saan nasa Php 157,000 plus ay unutilized roof tiles
  • yung nasilip ng COA sa Office of the President for 2021, yung nasa Php 33 Million plus daw mula sa Php 52 Million plus na i-t-in-ransfer sa NTF-ELCAC na unliquidated pa rin sa katapusan ng 2021
  • yung nasa Php 588 Billion daw na unprogrammed funds para sa 2023
  • sa DPWH, yung Expanded Fund-Parking Scheme daw kung saan iniipit daw ang pondo kung hindi papaboran ang mga piling contractor
  • sa projects ng DPWH, yung may mga amount pero wala naman daw breakdown ng mga pagkakagastusan
  • sa Cagayan de Oro, yung nasunog na imbakan ng mga bala at pampasabog ng militar sa Camp Evangelista
  • yung red-tagging ng Komisyon sa Wikang Filipino laban sa ilang mga libro, kung saan yung iba ay patungkol sa Martial Law
  • sa NTC, yung 2020 pa yung violation na sinasabi nila pero 2022 na ngayon at hindi pa rin nila natatapos yung isyu
  • yung muling pagkatalo ng isang kinikilalang journalist sa kaso, dahil ipinatupad ang bagong patakaran laban sa luma nilang nailathala na balita
  • yung tila mga mayayaman at maimpluwensiya lang ang nakikinabang sa pangkakaso ng cyberlibel
  • sa Negros Occidental, yung 4 daw na engineer at 1 staff ng provincial government na sinuspende at kinasuhan dahil sa paggamit umano ng mga government vehicle para sa inuman lang
  • yung shooting incident sa araw ng graduation sa Ateneo de Manila University, na nangyari kung kailan may umiiral na gun ban, at nanggaling pa sa ibang isla yung suspek
  • yung nasa 30 pulis na kinasuhan sa Ombudsman dahil sa kuwestiyonable daw na pag-aresto noon sa binansagang Tinang 83
  • yung kaso ng hit-and-run laban sa isang tricycle driver sa Quezon City kung saan sasakyan ng pulis ang involved, yung 5 pulis na kinasuhan dahil daw sa tila cover-up na ginagawa nila doon sa imbestigasyon
  • sa General Mariano Alvarez yata, sa Cavite, yung nasa 5 estudyante na nabangga ng nagmamanehong pulis
  • sa San Pedro, Laguna, yung 2 menor de edad na suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang 7 y/o na babae, na nakakatakas mula sa kanilang CSWD
  • yung hindi na inusisa pa ang budget para sa Office of the Vice President, kahit pa may malaki itong confidential fund
  • yung no mercy daw pero tumatanggap naman ng mga sumusuko DAW, at naniniwala din sa mga sinasabi ng mga iyon
  • sa COMELEC, yung gustong mag-request ng budget para sa sarili sana nilang gusali sa panahon kung kailan baon na baon na sa utang ang bayan
  • yung hindi totoong bahagi ng Minority yung naging Commission on Appointments Minority Leader
  • yung Senador na umamin na madami siyang hindi naiintindihan sa kanilang mga pagpupulong
  • yung proposal na bigyan ng reelection option ang mga kritikal na katungkulan sa bansa
  • yung planong papalitan ang pangalan ng isang airport na may historical value at meron ding unresolved crime sa loob ng napakahabang panahon
  • yung pagnanakaw ng credit para doon sa airport, samantalang nabuo na pala yung ibang mga bahagi nun bago pa man naghari ang kasamaan sa bayan
  • yung alternatibo daw na solusyon na ibalik na lang ang pangalan ng isang airport sa dati
  • yung nagsasabi na magiging independent daw ang branch nila, pero mabilis na ipinagtanggol ang mga kakulangan sa mga in-address na issue sa SONA
  • yung binigyan ng katungkulan na protektor na ngayon ng mga unpaid estate taxes, samantalang Supreme Court na nga ang nagdesisyon tungkol sa bagay na iyon noon
  • yung muling pagbasura ng Sandiganbayan sa nasa Php 200 Billion na civil forfeiture case
  • yung pamilya na hindi uma-attend sa pagdinig tungkol sa pagkatagal-tagal na nilang mga kaso
  • yung pelikula para sa historical revision, na namimigay na ng libreng tickets para lang mawasak nila ang kasaysayan sa isip ng mga walang utak
  • yung pagtatakip ng MTRCB para sa pelikula na may layunin ng misinformation at historical revision

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung celebrities na sinisiraan na ngayon ang history
  • yung direktor at yung pelikula na layunin na wasakin ang kasaysayan
  • yung historical revision na ginagawa ngayon ng mga social media farm employees, kung saan ibang angkan na ang ginagawa nilang mga demonyo sa paningin ng mga panatiko
  • sa social media, yung mga kabilang daw sa majority na tinatamaan at nagre-react, pero ang topic naman ay tungkol sa mga mapanirang online trolls
  • yung mga siraulong mamamayan na nagpapahayag ng suporta para sa assassination na ginawa nung doktor sa Ateneo de Manila University shooting incident
  • yung mind conditioning naman ngayon sa survey na kesyo reliable daw ang automated selection nila
  • yung noontime show na nagpasaway na sa Zamboanga del Norte sa panahon ng mga subvariant ng COVID-19 Omicron
  • sa Espaรฑa, sa Maynila, yung away ng mga kabataan sa kalye, na lumabag na rin sa mga health protocol
  • sa Bulacan at Pampanga, yung mga warehouse na nabuking ng BOC na nagtatago ng libu-libong sako ng asukal
  • sa Caloocan, yung mga nasamsam na smuggled daw na asukal at bigas mula sa isang warehouse
  • sa Silang, Cavite, yung 3 bodega na nakitaan daw ng nasa 350,000 na sako ng mga smuggled na asukal
  • sa Subic, Zambales, yung naharang na cargo vessel mula daw sa Thailand na may dalang nasa 7,000 metric tons ng asukal
  • sa payment center sa mall, yung halos 100% increase nila para sa kanilang service charge for bills payment
  • yung mga jeepney driver na mali ang discount na ibinibigay sa mga senior citizen, na Php 10 ang sinisingil sa halip na Php 9 lang
  • yung madalas na overloading daw ng mga delivery truck na nagiging sanhi ng mas mabilis na pagkasira ng mga kalsada
  • sa Olongapo City, yung ama na napatay ang sarili niyang anak dahil sa dumi ng alagang aso ng mga ito
  • yung modus sa pamamalimos, kung saan gamit ang istorya ng batang may Cancer
  • yung paglaganap lately ng mga personalized na text promotion at text scam na patunay na nagkaroon ng leakage o bentahan ng personal information ng mga mobile users
  • yung mga nangangalap ng mga pangalan na konektado sa mga mobile numbers sa pamamagitan ng pagcke-ckeck sa mga messaging app
  • sa GCash, yung ililihim na tuloy nila ang pangalan ng padadalhan ng pera, bagay na mahalaga sa pag-confirm kung tama ba ang mobile number na nai-type, dahil sa paglaganap ng mga personalized na text promotion and scam
  • yung banta ng Marburg virus
  • ang banta ng Legionnaires' Disease
  • yung panibago na namang banta na dala ng Langya Henipavirus (LayV), na may na-detect na daw sa Imperyo
  • sa Misamis Oriental, yung nasabat ng BOC na nasa Php 18 Million na halaga ng smuggled na mga sibuyas na mula sa Imperyo
  • sa Misamis Oriental, yung nasa Php 36 Million daw na halaga ng mga smuggled na sibuyas na galing na naman sa Imperyo
  • sa Manila Port, yung mga nasabat na smuggled na carrots mula na naman sa Imperyo
  • sa Cavite, yung nabistong bodega kung saan may mga nadiskubre na pekeng mga sigarilyo at maging mga pekeng BIR stamp, kung saan 4 na Imperial citizen ang nahuli
  • sa Paraรฑaque City, yung 4 na Imperial citizen at 1 Taiwanese na nahuli sa buy-bust operation laban sa ilegal na droga
  • sa Quezon City, yung nasa Php 272 Million daw na halaga ng suspected shabu na nasabat mula sa isang Imperial citizen
  • sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation sa Cavite at Quezon City, yung umaabot sa Php 1.7 Billion na ilegal na droga ang nasabat, kasama na yung Php 272 Million from Quezon City kung saan 2 Imperial citizen ang nahuli
  • sa Malate, Maynila, yung nasa Php 102 Million daw na ilegal na droga na nasabat mula sa 2 Imperial citizen
  • sa Pozorrubio, Pangasinan, yung nasa Php 2.4 Billion daw na halaga ng hinihinalang shabu na nasabat sa buy-bust operation laban sa isang Imperial citizen
  • sa Mexico, Pampanga, yung 2 Imperial citizen na nahulihan ng nasa Php 408 Million daw na halaga ng shabu na nakasilid sa mga tea bag
  • sa Pasay City, yung naaresto na Imperial citizen dahil sa pagdadala ng baril at hinihinalang shabu, bukod pa sa may kasong rape din daw laban sa kanya
  • sa Maynila, yung naaresto na 4 na Imperial citizen na suspek daw sa kidnap-for-ransom laban sa 3 kapwa nila Imperial citizen
  • sa Porac, Pampanga, yung nahuling 7 Imperial citizen at 2 lokal na mamamayan na mga suspek sa pagdukot sa isang Imperial citizen
  • sa Bacoor City, Cavite, yung 4 na Imperial citizen na nahuli dahil sa pagdukot nila sa kapwa nila Imperial citizen, nahulihan din daw ng mga ilegal na armas yung mga kriminal
  • sa Pampanga, yung nasa 43 na Imperial citizen na nasagip mula sa isang offshore facility na h-in-old daw ng kapwa nila Imperial citizen para mahingan ng ransom ang kanilang mga pamilya
  • sa social media, yung mga basurang Imperial citizen na ipinagdiwang ang assassination laban sa matino naman na dating pinuno ng Japan
  • yung marunong na rin ang Imperyo na gumamit ng mga pilotless na mga aerial vehicle
-----o0o-----


September 10, 2022...

lumalabas na isa nga sa mga paraan ng mga texters ng promotion at scam upang makuha ang pangalan ng nagmamay-ari ng isang mobile number ay ang i-check kung may existing account nga ba yung may-ari sa mga messaging app...

parang tanga kasi yung nag-text sa akin recently..
halata naman na hindi actual na pangalan yung gamit ko, pero ganun pa rin yung ginawang pagbati sa akin...

is feeling , duda ako na manual ang ginagawa nila.. sa tingin ko automated ang pag-i-input nila ng mga nakukuha o hinuhulaan nila na mga mobile numbers...

---o0o---


September 12, 2022...

yung pinayagan nang gawing voluntary na lang ang pagsusuot ng face mask outdoor... ๐Ÿ™

siguradong mas dadami na lalo ang mga pasaway..
kahit sa outdoor na puno naman ng mga tao, hindi na rin magma-mask ang mga 'yon...

is feeling , mga terorista...


>
alamat ng 31 Minions..?
pero ni hindi nga makumbinsi nang husto ang mga tao para magpaturok na ng COVID-19 vaccine booster shot...

is feeling , kaduda-duda...


>
yung sinasabi na mga pulis daw na protektor ng mga kidnapping syndicate na mga Imperial citizen ang target...

is feeling , under investigation...

---o0o---


September 13, 2022...

[Natural Calamities]

sa ibaba..
nasa Magnitude 5.7 na lindol..
sa may area ng Davao Oriental...

is feeling , kayo na ang bahala...


>
yung ibinaba ang target ng pagbabakuna sa panahon nila..
para sa COVID-19 vaccine ito...

is feeling , nahahalata yata na wala namang 31 Minions na sumusunod...


>
sa Iligan City..
yung Kasalanang Bayan kung saan madami sa mga lumahok ay hindi na nagsuot ng face mask doon sa venue...

is feeling , ang luwag kasi...


>
sa educational assistance ng DSWD..
yung may mga pamilya na hindi kinaya yung online registration...

is feeling , yun talaga ang mahirap pagdating sa ibang tao eh.. inaakala nila na yung mga bagay na accessible para sa kanila, eh accessible din para sa lahat...

---o0o---


September 14, 2022...

yung pahayag pa rin hanggang sa ngayon na aabot na lang daw hanggang sa 2027 ang actuarial life ng pondo ng PhilHealth... ๐Ÿ™

matapos ang increase..?
na may kasunod pa na magiging increase..?
eh paano kami na mga naghuhulog nang regular..?
hayaan na lang mamatay kapag naospital...??

is feeling , libre kasi kayo nang libre sa mga hindi naman nagbabayad...


>
yung sinita na sobra-sobra daw na paniningil ng PhilHealth sa pamahalaan..
para sa subsidy nito para sa mahihirap na members...

is feeling , ano ba talaga..? kulang ang pondo o labis kung maningil...??


>
yung hindi na inusisa pa ang budget para sa Office of the Vice President..
kahit pa may malaki itong confidential fund... ๐Ÿ™

is feeling , basta may confidential, may lihim...


>
sa Mexico, Pampanga..
yung 2 Imperial citizen na nahulihan ng nasa Php 408 Million daw na halaga ng shabu na nakasilid sa mga tea bag...

is feeling , ang gagaling talaga...


>
yung modus sa pamamalimos..
gamit ang istorya ng batang may Cancer...

sa kalagitnaan ng taon na ito..
may lumapit sa amin na mag-ina, na kung umakto ay parang kakilala..
sinabi nung babae na Cancer patient yung kasama niyang batang lalaki, na natulungan daw namin noong 2019 o 2020 yata..
basta years ago..
ang sabi niya noon na gusto lang daw niyang magpasalamat, dahil naka-recover na yung bata..
na saktong birthday nun that day, kaya naman gusto lang nilang humingi ng financial na tulong para makauwi na sila sa probinsiya...

ngayong araw..
may lumapit sa amin na ganun din ang istorya, not sure kung the same lang ba na babae..
natulungan naman daw namin yung batang may Cancer nito lang December 2021..
kaso ay namatay na at kailangan nila ng tulong sa pagpapalibing...

kung siya man yung dating babae, na nagsabi na humihingi sila ng pera para makabalik na sa probinsiya..
eh anong ginagawa niya ulit dito sa lugar na ito...??

is ⚠ feeling , may mga tao talaga na gagawin ang lahat maloko lang ang kapwa nila...

---o0o---


September 15, 2022...

sa Pampanga..
yung nasa 43 na Imperial citizen na nasagip mula sa isang offshore facility..
na h-in-old daw ng kapwa nila Imperial citizen para mahingan ng ransom ang kanilang mga pamilya...

is feeling , lahi ng mga kriminal...


>
sa DPWH..
yung Expanded Fund-Parking Scheme daw..
kung saan iniipit daw ang pondo kung hindi papaboran ang mga piling contractor...

is feeling , kaya nga siguro...


>
confidential fund..?
o pampasuweldo sa mga social media farm employees para sa disinformation...??

is feeling , secret...


>
yung mababang bentahan ng bawang mula sa Occidental Mindoro...

is feeling , may banta daw sa supply, tapos biglang ganito...??

---o0o---


September 16, 2022...

sa Laurel, Batangas..
yung Barangay Kagawad na nahulihan ng ilegal na baril at maging ng granada...

is feeling , ehemplo...


>
sa projects ng DPWH..
yung may mga amount..
pero wala naman daw breakdown ng mga pagkakagastusan...

is feeling , magic...


>
sa LTFRB..
yung ginawa na nilang Php 12 ang minimum na pamasahe sa mga jeep..
bukod pa yung increase para sa iba pang klase ng mga PUV...

thank you..
ang laking tulong...

is feeling , golden age ng kahirapan.. rising star ng mga sindikato...