Friday, February 22, 2019

War Against Scholarship

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...

Playgirls' Client:

"makakaasa po kayo na ipagpapatuloy namin ang pagpitik sa gatas ng bayan..
ang mga lumang items na ipo-procure ay ide-declare bilang mga brand new at mahal..
at kung sakaling mabibisto ang aming pagnanakaw, ay isasauli naman namin ang gatas - minus the interest..."

Middle Fingerer:

"makakaasa po kayo na lilinisin natin ang history ng Dictator Clan..
na hindi natin kailanman hahayaang mabunyag kung paano nagawa ng grupo ng Cosplayer ang mga pagnanakaw nila noon..
at na ipapaubos ko ang isang religious race sa Southern Island..."

-----o0o-----

lumampas na sa 500 ang bilang eh, kaya mag-i-start na lang ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html

update ulit (503 + 238 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung nagluklok ng tao sa isang mahalagang branch, sa kabila ng kawalan ng kakayahan ng tao na iyon na sumunod sa sarili nilang mga patakaran
  • yung nagtuturo ng iba, maging yung hindi nila maidawit dun sa kaso, habang ipinagtatanggol naman yung ibang nalusutan DAW ng supply ng ilegal na droga
  • yung idolo noon si Hitler, pero noong nagpunta sa Israel eh ginamit pa yung alaala ng Holocaust para magkunwari na mabuti sila
  • yung inuna pa ang mga armas kesa sa isipin ang tungkol sa isyu ng kahirapan sa bayan
  • yung gustong bawiin yung amnesty na ibinigay noon sa isang taong lumaban sa tiwaling gobyerno, na ang sinisilip na butas ay yung pinagdaanan na proseso
  • yung umamin siya na meron nga at kasalanan niya ang pagkakaroon ng extrajudicial killings
  • yung nagagawa pa nilang magbakasyon sa ibang bansa sa gitna ng bagsak na ekonomiya ng bayan at sa kabila ng pagtanggi nila na tumulong sa pamamagitan ng pagpapagaan muna sa bagong sistema ng pagbubuwis
  • yung tutol kuno sa political dynasty pero kinukunsinti ang political dynasty ng sariling angkan
  • yung gustong ipaaresto yung witness sa pagpapasok ng mga ilegal na droga sa BOC
  • yung wala namang naparurusahan at papalit-palit lang naman ng katungkulan yung mga pinuno na nadadawit sa mga malalaking kaso ng kapabayaan
  • yung kagustuhan niya na ituring na rin siyang isang santo
  • yung mula sa lahi ng mga Bestfriend na suspected bilang drug-related personality, na itinanggi na may koneksyon sa pamahalaan, pero napatunayan na may papel nga sa pamahalaan
  • yung sobrang dali siyang makumbinsi pagdating sa ibang intel kuno at mga listahan, pero in denial pa noong una sa isyu ng magnetic lifters
  • yung balak pala tayong ipahamak dahil sa pangungutang niya sa Bestfriend Empire na malaki kung magpatubo kumpara sa ibang mga nasyon
  • yung gusto ngayon ng ROTC, pero siya mismo eh umamin na tinakasan niya ang ROTC noong kapanahunan niya
  • yung sinabi noon na dapat daw sundin ang seniority rule, pero hindi naman niya sinunod para sa 2nd reward
  • yung pagbanat sa isang taong simbahan nang wala namang ebidensya na ipini-present; kesyo nagbubulsa daw ng pera at baka drug-related din daw
  • yung seryoso daw sila sa kampanya laban sa ilegal na droga, pero siya mismo eh ginagawa lang biro ang tungkol sa pagdodroga
  • yung gusto nang ipapatay ang mga obispo, at ang pagtira sa bibliya
  • yung iniutos na ayaw makakita ng mga pari sa event na may kinalaman sa simbahan
  • yung pati bintang tungkol sa pagpapatumba ng tao eh joke lang
  • yung sexual attack sa kanilang kasambahay noong teenager pa siya base sa kanyang kuwento
  • yung tagalinis siya ng pangalan ng mga nabuking na magnanakaw ng pera ng bayan
  • yung planong palitan ang pangalan ng bayan para sa kapakinabangan ng amo nila

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan:
  • yung 3 PNPA cadets na inirereklamo dahil sa sexual harassment laban sa 2 lower classmen sa loob mismo ng academy nila
  • yung pulis na inirereklamo ng panggagahasa laban sa isang 15 y/o na dalagita kapalit ng paglilinis sa pangalan ng ama nito na idinadawit naman sa ilegal na droga
  • yung 2 pulis Novaliches na inirereklamo ng dahil daw sa panggagahasa sa isang babaeng nahuli ng dahil sa pagsusugal sa loob ng police mobile
  • sa Marcos, Ilocos Norte, yung Barangay Chairman na tinangkang halikan ang isang singer habang ito'y nagpe-perform
  • sa Baguio City, yung mga tinatawag na POSD Enforcers na nakunan ng video na nang-aagaw ng paninda ng isang taho vendor
  • yung mga police escort na namalo ng side mirror ng isang taxi habang naka-off-duty at nag-e-escort sa isang private individual
  • sa Pandacan, Maynila, yung pulis na motorcycle rider na nakabangga ng isang tumatawid na senior citizen
  • sa Iloilo, yung 3 tricycle na nabangga ng AUV na minamaneho ng isang pulis, kesyo nakatulog daw ito habang nagmamaneho at may sinasabi rin na mukhang nakainom daw ito
  • sa isang kampo sa Tagaytay, yung nakunan ng video na pamamalo ng isang Superintendent sa mga junior police gamit ang isang baseball bat
  • sa Moriones, Tondo, Manila, yung mga pulis na inirereklamo ng pananakit sa mga hinuli nila at paggalaw sa mga CCTV camera
  • sa Navotas, yung pulis at ang kasama niyang naka-AWOL na pulis, na inireklamo dahil sa pananakit
  • sa Guimbal, Iloilo, yung mag-amang Representative at Mayor na inireklamo ng pang-aabuso laban sa isang pulis
  • sa Santa Cruz, Manila, yung nagtatagong Kapitan at ang mga Kagawad niya na nanggulpi sa isang binatilyo kesyo hindi daw siya nakilala bilang kapitan nung biktima
  • sa Sampaloc, Manila, yung babaeng Barangay Kagawad na nanakit ng binatilyong nasita dahil sa curfew
  • sa Quezon City, yung dating Barangay Tanod at isang naka-AWOL na pulis na nahuli sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation
  • sa Bacoor, Cavite, yung dating Barangay Tanod na sangkot sa ilegal na droga, na ginagamit pa ang sarili niyang 12 y/o lamang na anak bilang courier
  • sa Bacoor, Cavite, yung number 1 na SK Kagawad na nakunan ng video at hinuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung Barangay Chairman na nahuli na gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga, at nahulihan din ng hindi lisensyadong baril
  • yung senior officer na tauhan ng Bureau of Fire Protection na nahuli sa anti-illegal drugs operation
  • yung Traffic Enforcer na kabilang sa mga nahuli sa anti-illegal drugs operation ng QCPD
  • sa Naic, Cavite, yung dating pulis at ang karelasyon niya na active jail guard na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Laguna, yung retiradong pulis na target at napatay daw sa anti-illegal drugs operation
  • sa Parañaque City, yung nahuling dating army officer na dawit sa kaso ng milyon daw na halaga ng ilegal na droga na naipasok sa parking lot ng isang mall
  • sa isang bar sa Taguig, yung pulis na naki-Halloween party habang naka-full alert ang kapulisan, na nahuli pa na gumagamit ng cocaine
  • sa Sta. Cruz, Laguna, yung pulis na protektor daw ng mga drug lord na napatay sa engkuwentro
  • yung 4 na pulis ang suspek ng PDEA, na posible daw na nakipagsabwatan para maipuslit yung nawawalang nasa Php 6.8 Billion na ilegal na droga na isinilid sa mga magnetic lifters
  • sa Fairview, Quezon City, yung 10 na naaresto sa buy-bust operation, na dating Quezon City police ang itinuro bilang source nila
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli ng mga Sampaloc police dahil sa pagdadala daw ng ilegal na droga
  • sa Lemery, Batangas, yung Traffic Enforcer na hinuli dahil sa ilegal na pag-iingat ng mga bala, mga magazine, at mga holster ng baril
  • sa Balete, Batangas, yung dating Konsehal ng bayan ng Balete na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Iloilo, yung kandidato sa pagka-Mayor na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Mabini, Batangas, yung Barangay Chairman na inaresto dahil sa pagtatago ng hindi lisensyadong M16 at mga bala
  • nitong katapusan ng 2018, yung 7 pulis na nasangkot daw sa indiscriminate firing nitong nakaraang holidays, bukod pa yung mga opisyales at sundalo na gumawa rin ng kaparehong offense
  • sa Davao Oriental, yung sundalo na nagpaputok ng baril at yung kasama niya na nambugbog sa 2 nakaupo sa may harapan ng tindahan
  • sa Iloilo City, yung Barangay Captain na naaresto dahil sa pamamaril sa convenience store
  • sa Pangasinan, yung Barangay Kagawad na namaril ng bahay
  • sa Marilao, Bulacan, yung dating Vice Mayor na aarestuhin sana dahil sa kasong qualified theft, pero may granada at baril pala at nag-resist
  • yung pulis Makati na nagpaputok ng baril sa kalagitnaan ng pista
  • sa Davao City, yung pulis na hinuli dahil sa pagpapaputok ng kanyang baril habang lasing, at kesyo nakikipag-away pa daw sa kanyang live-in partner noon
  • sa Cavite, yung Traffic Enforcer na nahulihan ng 2 baril habang naka-duty, na dati na rin daw nasangkot sa insidente nang pamamaril
  • yung dating kaso sa Cebu, yung lumabas sa imbestigasyon ng NBI na baril nga ng pulis yung nakatama dun sa bata na nadamay lang sa anti-illegal drugs operation
  • sa Pangasinan, yung 17 y/o na binatilyo na player ng DOTA na sasali lang daw sa tournament sa Baguio na napatay DAW ng mga pulis sa engkwentro
  • yung findings ng Public Attorney's Office na mukhang t-in-orture yung Santillan at posibleng staged yung pagkapatay sa kanya
  • sa Capas, Tarlac, yung nangyaring barilan ng mga pulis na nag-ugat sa road rage, na ikinamatay ng 2 pulis, 1 tanod, at 1 trabahador
  • sa Bocaue, Bulacan, yung babaeng teacher na pinatay sa pamamaril ng karelasyon niya na sundalo na nagbaril din sa sarili matapos yung krimen
  • sa Calamba City, yung may 1 patay at 2 sugatan matapos ang pamamaril at pananaksak ng retired na pulis at ng kanyang anak
  • sa Pasay City, yung 19 y/o daw na Chinese na nangmolestiya ng 3 babaeng estudyante, kung saan inudyukan daw ng mga pulis yung mga biktima para makipag-areglo na lang at humihingi din daw ng cut nila
  • sa Bocaue, Bulacan, yung hepe ng mga pulis na hinuli dahil sa pangingikil daw at sa paggamit ng mga sasakyan ng mga nahuhuli nilang mga drug suspect
  • sa Tanza, Cavite, yung Hepe ng Maritime Police Station, yung nahuli sa entrapment operation na tumatanggap ng marked money dahil sa pangingikil laban sa mga mangingisda
  • sa Taguig City, yung 2 pulis na nangingikil laban sa pamilya ng drug suspect daw para mapababa ang kaso nito
  • yung pulis na miyembro ng HPG na hinuli dahil sa pangingikil laban sa mga service vehicle ng isang call center company
  • yung Pulis Makati na hinuli dahil sa pangongotong sa mga habal-habal driver
  • yung MMDA Enforcer na nagpapanggap na pulis para makapangikil laban sa mga service vehicle ng isang offshore gaming company
  • sa Quezon City, yung MMDA enforcer na nahuli sa isang kainan na tumatanggap ng lagay mula sa hinuli nilang motorcycle rider
  • yung Team Leader ng Manila Traffic and Parking Bureau na hinuli dahil sa pangingikil
  • sa San Jose del Monte, Bulacan, yung kawani ng barangay na naaktuhan na nangingikil sa isang piggery, na baboy at pera ang hinihingi
  • sa Muntinlipa City, yung pulis na hinuli dahil sa pag-o-operate ng tupada
  • sa Tondo, Manila, yung 2 pulis na naaktuhan ng mga counterintelligence na pulis na nasa tupada
  • sa Quezon City, yung may 3 nahuli mula doon sa grupo na responsable daw sa serye ng mga panghoholdap sa mga e-games at bingo establishments, isa sa mga nahuli ay kasalukuyang Barangay Kagawad ng Maynila, tapos ay dating pulis daw ang leader nung grupo
  • sa Las Piñas City, yung grupo ng mga pulis na nasangkot sa kidnapping
  • yung BIR supervisor at examiner na inireklamo dahil sa pangingikil, na nahuli sa Batangas
  • sa Tagaytay City, yung 5 naaresto dahil sa pagbebenta ng ekta-ektaryang lupa na may mga pekeng titulo, na ang lider ay dating empleyado ng DENR
  • yung dating empleyado ng Maritime Industry Authority na hinuli sa entrapment operation dahil sa pagbebenta ng pekeng certificate of proficiency, na dati na ring nahuli dahil sa pagbebenta ng mga sagot sa exam, pero pinayagan na magpiyansa noon
  • sa isang mall sa Makati City, yung trainee para sa pagiging LGU Traffic Enforcer na nagnakaw ng motor
  • yung airport security screener, yung hinalungkat ang bag at pinagnakawan ang isang pasaherong Taiwanese
  • yung mga ghost employee daw sa Makati na tao ng Konsehal

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • dahil hindi tiyak kung paano nagkaroon ng access sa VIP na plaka, sa Angeles City, Pampanga, yung sakay ng SUV na may plakang 8 na nanakit ng kapwa niya motorista

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung pagiging maselan at overprotective sa term na base naman sa pangalan ng dating hari ng Spain
  • yung pag-atake sa kalayaan ng Rappler gamit ang existence ng isang lumang article na mula pa sa panahon na hindi pa saklaw ng makabagong batas na ipinatupad
  • yung mga batas na pro-pets and pro-pet owners na mga asal peste naman
  • yung pati mga nagkalat na domesticated animals eh panira sa mga mamahaling proyekto ng pamahalaan
  • yung paglaganap ng mga batang palaboy na lantarang umaatake ng mga pasahero sa mga pampublikong jeepney
  • sa Makati City, yung lider ng Ipit-Bus Gang na ilang beses nang nakukulong pero parati rin namang pinakakawalan
  • sa Caloocan City, yung kaso nung anak na napatay ang sarili niyang ina noong 2017 at ang sarili naman niyang ama nitong simula ng 2019 
  • yung aprubado na yung 25% na increase sa opisyal na pamasahe sa jeep
  • yung nagtaas na rin ang pamasahe para sa mga pampasaherong bus sa kabila ng sunud-sunod na pagbaba naman kahit papaano ng presyo ng petrolyo
  • yung sa halip na tulungan muna ang mga mananakay na mapababa ulit ang halaga ng pamasahe kasunod ng paulit-ulit na pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo, eh mas gustong unahin ng mga economic advisers na pataasin na ulit ang rate ng taxation para sa mga produktong petrolyo
  • yung hanggang sa Php 9.00 lang daw pwedeng ibalik ang base fare sa mga jeep
  • yung kagustuhan na i-ban na ang mga provincial buses sa NCR
  • yung may mga piling provincial buses na pwede pa ring pumasok sa NCR hanggang sa Parañaque area 
  • yung dagdag travel time at dagdag pamasahe nga ang idinudulot ngayon ng PITX
  • yung nasa 9,000 na motorcycle riders na kumuha ng exam sa road safety daw, pero 7 lang ang nakapasa
  • yung 2 MMDA Enforcer na magkaangkas sa motor na nasita ng ordinaryong motorista, yung blinker ang ginagamit na ilaw at hindi pa nakasuot ng tamang helmet
  • sa Manila, yung MTPB Enforcer na nahuli dahil hindi nakasuot ng helmet, pero nakipagsagutan pa rin sa taga-HPG yata yun
  • sa Cavite, yung nasita sa checkpoint na nagpakilala bilang isang pulis, pero nasibak naman na pala sa serbisyo
  • sa Tagaytay City, yung firing range sa kampo daw ng Cavite Police kung saan may mga umaabot na slug ng bala sa isang subdivision sa hindi kalayuan
  • yung panibagong surprise inspection na isinagawa ng NCRPO, kung saan may mga nahuli na naman na nakainom at natutulog na pulis habang nasa duty
  • sa Anilao, sa Iloilo daw, yung mga pulis na naabutan na natutulog sa mismong presinto
  • sa Davao City, yung 3 pulis na sinibak DAW dahil nahuli at na-video-han na nag-iinom sa pampublikong lugar
  • yung nakuhanan rin ng video, yung 2 (yata iyon na) pulis na sinita ng mga kasamahan din nilang pulis dahil sa pag-iinuman
  • yung palpak pala yung mga police escort nung mga PDEA agent and company na natambangan sa Lanao del Sur
  • ang kahinaan ng seguridad sa kabubukas lang na Boracay
  • yung hindi pa rin 100% na nababayaran ng gobyerno ang lahat ng mga binilhan nila ng lupa para sa TPLEX project
  • sa iba't ibang lugar, yung mga construction contractors na hina-hire ng iba't ibang level ng gobyerno, na hindi muna pinag-aaralan kung may masisira bang linya ng patubig o linya ng kuryente sa dadaanan ng project nila bago sila magsimula
  • yung nasasayang na pondo ng TRAIN dahil sa mga contractors na hindi marunong magplano nang maayos ng kanilang mga dapat gawin
  • sa Amoranto Street sa Quezon City, yung 22-wheeler truck na lumubog ang mga gulong sa bagong gawa lang daw na kalsada
  • sa Pakil, Laguna, yung gumuho yung ginagawang extension ng tulay, na blacklisted pa pala yung nagtipid na contractor
  • yung may nag-collapse na sa hindi pa man natatapos at matagal nang itinatayong mamahalin na Ifugao General Hospital
  • yung kagustuhan na magdagdag pa ng mga dam kahit na alam na nila ang negatibong naidudulot ng mga yun dahil nga sa na-enhance ng mga simpleng ulan at bagyo
  • yung planong paglilinis ng Manila Bay na sa reclamation rin naman pala hahantong
  • yung balak daw magsira ng mga historical structures kapalit ng pagtatayo ng mamahalin na Bestfriend Imperial Bridge
  • yung maanumalya yung Imperial contractor na gagawa sa mga bagong tulay sa NCR, at naka-ban na sa World Bank
  • yung worth Php 10 Million daw na Stairway to Heaven project ng MMDA na hindi naman pala totoong kailangan dahil may alternative naman palang daanan
  • yung mga footbridge na nag-i-intersect sa mga kable ng kung anu-ano
  • yung planong kasuhan ng MMDA yung nag-upload nung video na nag-reveal muli tungkol sa iregular na pagtatayo ng isang footbridge
  • yung hindi matapos-tapos na road repair sa MacArthur Highway
  • yung project sa [Name of City] na mga poste na may pangalan ng mga street na madali lang nasira dahil mahuna yung ginamit na metal na materyales
  • sa DFA, yung natangay daw ng dating contractor yung mga data ng mga passport holders
  • yung mga katiwalian daw sa APO printing ng gobyerno na may kinalaman sa travel at sa sistema na rin sa printing
  • sa Mabini, Batangas, yung pabrika ng semento na 3 taon na DAW paso ang permit pero nag-o-operate pa rin
  • yung ginagamit ng mga political clans and alliance ang Party List system para mas makakuha ng mas maraming kapangyarihan
  • yung Representative na hindi sumunod sa security procedure sa NAIA
  • yung babaeng Representative na inirereklamo dahil DAW sa pagpapasagawa ng Gluta-drip session sa mismong opisina niya
  • yung pati naman mga bagay na hindi na dapat pinakikialaman pa dahil sa historical value eh talagang gusto pang pag-aksayahan ng panahon para lang masabi na nagtatrabaho sila
  • yung gustong sirain ng Bureau of Customs yung nasa Php 12,000,000 worth daw ng smuggled na mga sibuyas na nasabat nila sa halip na mapakinabangan ng mga mamamayan
  • yung nasa Php 120 Million daw na halaga ng nasabat na smuggled na bigas na nasa poder na ng BOC sa Zamboanga, pero talagang nawala pa
  • yung tila protektadong-protektado yung isyu tungkol sa mga magnetic lifters
  • yung mas nagmahalan pa ang presyo ng mga bigas sa lugar namin noong ipinatupad na yung panibagong naming system, kahit na kaparehas lang naman sa dati ang mga klase ng bigas na ibinibenta
  • yung madadamay pala sa pagtataas ang presyo ng mga karneng de lata sa oras na ipatupad na ang rice tariffication bill
  • yung may shortage na rin daw sa supply ng siling labuyo
  • sa Laguna, yung tone-toneladang mga kamatis na nasayang lang dahil hindi maibenta
  • sa Albay, yung oversupply ng sitaw sa kabila ng kakulangan ng supply sa ibang mga rehiyon
  • sa Candaba, Pampanga, yung oversupply ng Melon
  • sa Benguet, yung naging oversupply ng mga gulay
  • yung oversupply ng talong sa Nueva Ecija
  • yung hindi rin naman napababa ang presyuhan ng kamatis sa kabila ng labis-labis na supply nito dahil sa manipulasyon ng ibang supplier
  • yung mas pinagbabawalan na ang mga magsasaka na magbilad ng kanilang naaning mga palay sa kalsada, samantalang wala pa namang konkretong plano na nagagawa ang pamunuan para makapag-provide ng accessible na facility para matulungan sila
  • yung reklamo na ipinarating sa Ombudsman, yung ipinambayad pala ng NFA sa utang yung pondo na nakalaan para sa pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka
  • yung walang sumasagot sa mga tawag sa isang opisina ng SSS kahit na office hours pa naman
  • yung kagustuhan ng SSS na damay-damay ang mga miyembro sa pagsalo ng mga magiging dagdag na gastusin dulot ng pagpapalawig sa Maternity Leave and Benefits
  • ang kagustuhan ng SSS na gawin ng 15% ang porsyento nila sa kita ng mga tao para daw masalo ang kakulangan sa pondo ng ahensya nila
  • yung nasa maalin sa more than Php 10 Billion o 400 Billion pa pala ang mga hindi nasisingil na obligasyon ng SSS
  • yung gustong taasan ng PhilHealth ang contribution ng mga members para lang masalo ang Universal Health Care Bill, 50% na pagtataas ang gusto nila para sa pinakamababang rate ng contribution
  • yung patataasin rin ng pinahintulutang taas-singil ng mga supplier ng tubig sa NCR area ang VAT na kailangang bayaran ng mga consumers
  • yung babaeng mastermind daw sa ibang kaso, na c-in-laim kaagad nila na may kinalaman daw sa mga rebelde, tapos eh binawi rin yung paratang, kesyo wala daw pala silang sapat na ebidensya
  • yung mga pulis na nagpapaapekto sa isang fictional na TV program sa kabila ng pagkakaroon naman talaga ng katiwalian sa totoong buhay
  • yung naging pagkilos ng PNP at DILG laban sa isang TV program
  • yung planong bumuo ng Death Squad laban DAW sa mga rebelde
  • yung panay ang benefits para sa mga armadong tauhan, samantalang kulang pa sa benepisyo yung mga walang armas 
  • yung dagsa kaagad sa Senado yung mga tuta at bobong mga pulis na sabik na mang-aresto ng Senador kahit na wala namang warrant
  • yung profiling na ginagawa ng mga pulis sa mga miyembro ng ACT
  • yung hindi tugma-tugma ang statements patungkol sa bombing sa Mindanao
  • yung may pruweba naman na posible ngang may nagmamasid sa bahay ng isang Senador, pero kini-claim na kaagad ng mga nasa itaas na kesyo paranoid lang yung tao kahit na wala naman silang ginagawang imbestigasyon
  • yung namamanipula ang mga records o documents sa mga base
  • yung napatunayan na peke lang ang ibang bintang laban sa Senador na dating nasangkot sa mutiny
  • yung parang wala namang silbi ang mga desisyon sa mababang level na nagpapatupad ng hustisya, dahil hindi naman final ang desisyon hangga't hindi yun umaabot sa tuktok, pero ayaw naman nilang buwagin yung mga level sa ibaba kahit na ganun na nga yung setup
  • yung applicable yung seniority rule kahit na para sa mga taong gumagawa ng mali at hindi patas
  • yung inabsuwelto na ng Supreme Court ang asawa ng Diktador, sa kabila ng presence ng nakaw na yaman
  • yung pwede palang magpiyansa kapag ang nahatulan mong kaso ay kaugnay ng panggagago sa buong bayan
  • yung parang lumalabas sa naging desisyon ng korte na may mga opisyales na hindi namo-monitor kung saan napupunta yung malalaking budget na dumadaan sa kanila
  • yung bagong batas na magagamit ng mga halal na opisyales para protektahan ang mga SALN nila
  • yung nasa bilyong piso na tinatawag na Congressional insertions na napunta sa teritoryo ng head Representative
  • yung hindi pala tinanggap bilang mga ebidensya iyong findings ng Anti-Money Laundering Council na nasa Php 80 Million plus daw na pinaikot na pera ng mga suspek within just 30 days
  • yung tila daw may pinaboran na contractor at area ang Budget Secretary
  • yung Motor Vehicle Users’ Charge na ipinapaipit pala ng palasyo sa Budget Secretary

  • yung nasa bilyong piso rin na budget allotment para sa iba pang mga Representatives
  • yung inamin ng pinuno na ang Solicitor General ang trumabaho sa kaso ng Senador na dating nasangkot sa mutiny, pero iisang tao lang ang kanilang pinuntirya
  • yung hindi naman hinahabol ng Solicitor General yung mga sundalo at miyembro ng Philippine Constabulary na umabuso sa panahon ng Martial Law
  • yung premature campaigning na gumagamit ng term na "gusto namin ang boses mo sa ....."
  • yung Representative na nagbanta na hindi magri-release ng PRC license sa mga hindi nakakakilala sa kaibigan niyang premature campaigner
  • yung 2 nasa katungkulan na pinagtatakpan ang medical condition ng pinuno ng bansa, tapos saka nila sasabihin na hindi nila alam ang totoong nangyari kapag lumabas na ang totoo
  • yung hindi na alam ng Spokesperson ang pinaggagagawa ng pinaglilingkuran niya at may mga pagkakataon na mali-mali na ang kanyang mga pinagsasasabi sa publiko
  • yung pinagtakpan na naman yung istorya ng pinuno ng bayan tungkol sa sexual abuse laban sa kanilang kasambahay, na kesyo gawa-gawa lang daw iyon
  • yung presidential appointee sa board para sa mga State University, na pabirong nag-uudyok ng karahasan sa social media regarding collegiate basketball
  • yung kaalyado ng mga nasa posisyon na, pero ang plataporma kuno para sa panahon ng kampanyahan ay salungat sa mga patakaran na ipinatutupad na ng kanilang alyansa
  • yung miyembro ng Dictator's Youth na nakakuha ng posisyon, na ginagamit ngayon ang kapangyarihan para i-suppress naman ang mga aktibistang kabataan
  • yung miyembro ng Dictator's Youth na gustong tanggalan na ng scholarship ang mga estudyante na magpapahayag ng pagtutol sa pamamalakad ng pamunuan
  • yung tutol sila sa mga patakaran laban sa pagmumura sa mga piling lugar puwerket hilig gawin iyon ng pinuno ng bansa
  • yung may kalayaan yung isang government official na mag-post sa kanyang fake blog kahit na during office hours
  • yung binastos na rin ng isang government official at ng kanyang kaibigan ang mga PWD para lang i-promote ang gusto nilang anyo ng pamahalaan
  • yung ang balak na i-represent na partido ay sangkot sa anumalya ng NGO Queen
  • yung pinuri pa ng gobyerno yung university na nagkulang sa pagha-handle sa kaso ng bullying

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa Bacoor, Cavite, yung itiniwalag na pari na nahuli na gumagamit ng ilegal na droga for research daw
  • yung mga taong ang kakapal ng mukha na magsabi ng "i feel you" patungkol sa krisis na hinaharap ngayon ng bayan, pero patuloy naman ang pagsuporta sa mga palpak at tiwaling mga pinuno
  • yung pagiging bias ng maraming tao sa pagsagot sa mga survey lalo na yung mga taga-Southern Island
  • yung hindi rin tugma ang survey tungkol sa pagsuporta sa pinuno at pagtutol sa pananakop ng Imperyo
  • yung mga taong nagpapasalamat pa sa mga promotor, na kesyo hindi muna paaandarin ang kasunod na train, na para bang nasolusyunan yung problema na sila rin naman ang gumawa
  • yung tuwang-tuwa yung mga hindi nag-aambag dahil sa Universal Health Care Bill
  • yung adjustment na ginagawa ng mga ospital sa bill na ipapasa sa PhilHealth
  • yung mga iresponsableng mamamayan na nakakasira o naninira kaagad ng mga mamahalin na goverment projects
  • yung gustong gawin na Php 10 ang minimum na pamasahe sa jeep, at hindi na pasok dito yung kapritsosong modernization plan
  • yung gusto nang paabutin ng ibang transport group sa Php 12 ang minimum na pamasahe sa jeep
  • yung mga tusong transport group na mas gusto ang taas-pasahe kesa sa cancellation ng excise tax at VAT, dahil alam nila na mas malaki yung makukuha nila sa per passenger na taas-pasahe kumpara sa per litro na bawas-gastos 
  • yung mga masasamang jeepney driver na Php 9.00 ang iginiit na 20%-discounted rate na pamasahe, samantalang Php 8.00 lang dapat iyon
  • yung ginawang pag-atake ng mga netizens sa ipinakalat na maling address nung Prestigious Bully
  • yung ina-assume na kaagad ng mga mamamayan na maraming mapaparusahan na mga kabataan kapag naibaba na ang age for criminal liability
  • yung mga batang sinasadyang makipagpatintero sa mga dumadaang sasakyan sa lansangan
  • yung maging mga batang kababaihan sa panahon ngayon eh nanggugulpi na rin sa kalye habang kumukuha pa ng video ng karahasan nila
  • yung may gang war na rin sa [Name of City], malapit pa sa mismong munisipyo
  • sa Quezon City, yung babaeng hinoldap at hinipuan pa daw ng 2 menor de edad na lalaki na armado ng patalim
  • sa Caloocan, yung tila tino-tolerate na ng maraming tao ang patayan, at talagang may mga tao pa na nagchi-cheer para mangyari ito
  • yung tila statistical defense na ginagamit ng ibang mga tao para bigyan ng katuwiran ang nangyayari ngayon sa ekonomiya ng bayan, sa kabila nang presensya ng mga totoong ebidensya
  • yung maraming mamamayan na nagse-celebrate sa mga pampublikong parke, pero nag-iiwan naman ng napakaraming nakakalat lang na mga basura 
  • yung negative impact ng Climate Change sa agrikultura ng buong bansa
  • yung endangered na pala ang species ng Tawilis, pero mababa pa rin ang pagpapahalaga sa mga ito ng mga mamamayan ng bansa
  • yung pakikipag-agawan ng maraming non-mass transport vehicle sa supply ng limitadong petroleum products
  • yung isyu ng sexual harassment sa Miss Earth pageant
  • yung may mga nag-claim kaagad na nakakamatay daw ang Dengvaxia mismo, dahilan kung bakit marami tuloy mamamayan ang natakot na sa lahat ng klase ng mga vaccine
  • yung pinakamataas daw ang bilang ng mga insidente ng rape sa Safest City
  • yung parati na lang kini-claim ng pamahalaan na kesyo nahahaluan ng mga rebelde ang mga protesta laban sa palpak na pamumuno nila
  • yung pagiging balimbing ni MRT Man, na kaalyado na ngayon ng kaalyado ng mga dating magnanakaw at abusado sa katungkulan
  • yung inilaglag na kaagad ni MRT Man ang mahalay na halik ng kanyang dating amo nang mawala na siya sa katungkulan
  • yung maraming mga kandidato o campaign team nila ang pasaway sa pangangampanya
  • yung may mga artista na gumagamit ng pangalan nila para sa demolisyon, para sa kapakanan ng kaalyado nila sa pulitika
  • yung basta-basta na lang nagpapakalat ng hindi verified na listahan ang anak ng pinuno ng bansa sa social media
  • yung mga pinuno na nag-e-endorse ng mga bistadong kriminal
  • yung may bagong version na naman ng Dictator's Law history yung balimbing na tuta ng dating Diktador
  • yung sinasamantala ng Dictator Clan ang kakulangan sa recording technology at ang kawalan ng mga record noong panahon ng paghahari nila para palabasin na gawa-gawa lang ang mga pang-aabuso sa panahon ng Dictator's Law
  • yung kandidato na siniraan ang mga survey, pero ni hindi naman factual yung istorya
  • yung mang-aagaw na nga ng mga teritoryo ang Bestfriend Empire, tapos eh mang-aagaw pa ng mga trabaho yung mga mamamayan nila
  • yung sinisilip dito sa bansa ang pagkakaroon ng maraming mga taga-Bestfriend Empire na ilegal na nagtatrabaho, samantalang ang dami na ng mga Filipino na bumastos sa patakaran ng iba't ibang mga bansa nang dahil din sa paghahabol sa hanapbuhay
  • ang lantarang paninigarilyo ng mga mamamayan ng Imperyo sa mga NO SMOKING area sa kanilang probinsiya
  • yung mamamayan ng Mainland na tinapunan ng taho yung isang pulis na nagpapatupad ng anti-terrorism procedure sa pampublikong mass transport system dito sa bansa
-----o0o-----

February 18, 2019...

yung mga footbridge na nag-i-intersect sa mga kable ng kung anu-ano...

is feeling , ilang beses nang may ganung mga projects ah...

>
yung Traffic Enforcer na kabilang sa mga nahuli sa anti-illegal drugs operation ng QCPD...

is feeling , hindi matatapos ang giyera hangga't merong mga tao ang pamunuan na bahagi ng pagsu-supply...

>
dahil dun sa (matagal na palang) isyu ng pangalan ng chocolate biscuits..
naalala ko lang..
na kapag pinalitan na ang pangalan ng bayan, eh kakailanganin rin palang palitan ang citizenship ng bawat mamamayan, especially yung mga nasa documents...

ano namang racist dun sa dark chocolate..?
o may mga mamamayan lang talaga na masamang mag-isip at likas na mga basag-ulo...??

may authority ba ang mga mamamayan para sa paggamit nung term..?
eh kung tutuusin kasi eh pangalan naman ng dating hari ng country of origin nung product yung root word nung term eh...

is feeling ,  so ilegal din ba yung pangalan na Spanish Bread...??

>
wala na..
inaprubahan na pala yung increase ng contribution sa SSS.. :(
ito yung naka-design para tuluy-tuloy na tumaas hanggang sa 15%...

para ano..?
para mabili ang suporta nung mga kumukubra na ng pensyon...?

ang galing..
pinataas nila ang presyo ng petrolyo na damay ang maraming serbisyo at bilihin..
bukod pa yung pinataas nila sadya nang direkta ang presyo ng iba pang mga bilihin..
tapos babawasan pa nila ngayon yung pinagkakasyang budget ng maraming members para sa pang-araw-araw na gastusin...??

ang talino..
mga current contributing members ang magpapasan ng increase para sa pension ng mga hindi na naghuhulog..
para kang sumali sa tornohan na may mga kasaling scammers... :(

is feeling , madali nga lang naman ang magsulat.. dahil ang magpapasan naman sa mismong pahirap ay ang mga members din...

---o0o---

February 19, 2019...

yung planong kasuhan ng MMDA yung nag-upload nung video tungkol sa footbridge..
kesyo nakasara pa naman daw kasi iyon...

anak ng palusot..
eh hindi naman yun first time na nangyari..
ang mali ay sila at yung contractor nila na nagtayo nung footbridge..
kagaya rin sila ng maraming contractor na gawa lang nang gawa nang hindi kino-consider yung mga istruktura sa paligid...

kung totoong may plano sila, dapat na unang ipinalipat yung mga kable ng kung anu-ano..
bakit..?
kasi kung nasira nila ang mga iyon ay posibleng nag-cause sila ng problema sa serbisyo, kung anuman ang purpose nung mga kable na yun..
o di kaya ay kung kable iyon ng kuryente, eh posibleng nagdulot iyon ng kapahamakan sa mga mangggagawa kung sakaling nagkamali sila...

is feeling , babaliktarin pa kung sino ang gumagawa ng mali...

>
sa Davao City..
yung pulis na hinuli dahil sa pagpapaputok ng kanyang baril habang lasing..
kesyo nakikipag-away pa daw sa kanyang live-in partner noon...

is feeling , luge na naman ng almost Php 30,000 or up per month...

>
yung kandidato na siniraan ang mga survey..
pero ni hindi naman factual yung istorya...

totoong hindi accurate yung mga survey..
considering na few hundreds lang naman ang tinatanong dun..
tapos eh sponsored pa..
pero yung naggagawa ng bintang na kabaliktaran ng totoong nangyayari...??

bobo!

is feeling , galit ka ba dahil hindi kayo isinasali ng mga amo ninyo sa main group nila...??

>
hindi ko nakuha kung saan nangyari...

basta yung nakuhanan rin ng video..
yung 2 (yata iyon na) pulis na sinita ng mga kasamahan din nilang pulis dahil sa pag-iinuman...

is feeling , good versus bad...

>
[Heroes]

sa Batangas City..
yung 2 drug pusher na nakunan ng CCTV..
yung kitang-kita na binaril yung poser-buyer na operatiba...

napatay naman yung 2 lehitimong mga kriminal dun sa operasyon na iyon...

is feeling , ganun ang malinis na trabaho...

---o0o---

February 20, 2019...

sa Puerto Princesa, Palawan..
yung hepe ng Philippine Coast Guard na suspek sa pangingikil laban sa mag-asawang foreigner at local...

is feeling , under investigation pa daw...

>
stupid yung number portability..
hindi nga maganda yun kung sakaling may iba pang account (ex. electronic money) yung user na associated sa mobile number niya..
kalokohan kung patatawirin yun sa database ng 2 magkaibang system...

tsaka makakagulo nga yun sa pagba-budget ng load at sa paggamit ng mga promo..
though masosolusyunan naman iyon sa pamamagitan ng paglalagay ng label sa number ng bawat contact, para masabi kung taga-saang network na ba sila..
or mas mabuti sana kung gagawa na rin ng batas kung saan lahat ng promo ay unli- para sa lahat ng networks...

pero sa totoo lang..
pinaka-okay pa ring idea yung pananatili ng boundary sa pagitan ng mga networks...

is feeling , ang hirap kasi sa mga author, akala nila eh katulad nila ang lahat na tawag lang nang tawag, at walang problema sa budget...

>
yung bopols na Dictator's Youth..
yung hinahasa na ang kanyang nakuhang kapangyarihan...

kesyo tanggalan na daw ng scholarship ang mga estudyante na magpapahayag ng pagtutol sa pamamalakad ng kanilang pamunuan... :(

edi ba nga't bawal nga kasi ang freedom of expression sa panahon ng diyos nilang bangkay...

is feeling , mabuhay ang mga Diktador - sa Impiyerno!

---o0o---

February 21, 2019...

sa Makati City..
yung nakunan ng CCTV na senior citizen na naniningil ng kanyang pautang..
yung ginulpi ng kanyang mas nakababatang sinisingil..
na nasaksak naman nung matanda sa gitna ng pananakit nito...

tapos huhulihin nila yung nakakaawang matanda...??

hindi na ako nagtataka kung nagdala ng patalim yung matanda, dahil sa tendency nung napatay na manggulpi..
at kung sa mga mura o masasakit na pananalita man nag-ugat yung pananakit niya, eh hindi niya masisisi yung matandang inutangan niya...

murder yun kung biglang sinaksak yung napatay mula sa likod..
pero nag-usap pa naman kasi yung 2 eh..
at kitang-kita sa video na hindi nakalabas yung patalim nang magsimulang manggulpi yung napatay..
tama lang yung self-defense na ginawa nung matanda, dahil nga matanda na siya at ginugulpi na noong mga oras na iyon...

is feeling , kung sino yung may utang, eh sila pa talaga yung nagagalit...

>
yung nasa bilyon pa pala ang mga hindi nasisingil na obligasyon ng SSS...

tapos ipapasalo nila sa mga active members at employers yung mga gusto nilang ipatupad na adjustments para sa mga inactive na..?
kahit pa nasa Php 10 plus na billion yun, o 400 plus na billion, malaking pera pa rin yun..
gaano ba sila kadalas makakita ng iisang tao lang na nasa bilyon ang dala-dala parati na pera para maliitin nila yung worth nung hindi nila masingil...??

is feeling , o baka ang mga active members ang gusto nilang magbayad para sa mga kaibigang kompanya...??

>
so nagpapakawala sila ng mga imported sample supply sa dagat, kasi gusto nilang bigyan ng katwiran ang kagustuhan nila na i-enhance pa ang kanilang giyera..?
habang paunti-unting nagpaparamdam na kesyo kailangan talaga ng panibagong Dictator's Law...

is feeling , mahirap talaga kapag ang lumalaban ay siya rin mismo ang supplier...

---o0o---

February 22, 2019...

sa Iloilo..
yung 3 tricycle na nabangga ng AUV na minamaneho ng isang pulis..
wala naman daw nasaktan dun sa insidente..
kaso eh nangmura pa DAW at nanakot gamit ang kanyang baril yung pulis...

ayon sa mga nakasita dun sa pulis ay amoy alak daw ito noon..
at ayon naman sa imbestigasyon ay nakatulog daw yung pulis habang nagda-drive...

is feeling , sayang na naman ang almost Php 30,000 or up per month...

>
sa Tanza, Cavite..
yung Hepe ng Maritime Police Station..
yung nahuli sa entrapment operation na tumatanggap ng marked money...

nangingikil daw ito at humingi ng protection money mula sa mga mangingisda..
bilang kapalit daw iyon nang hindi panghuhuli sa kanila kung manghuhuli sila ng isda sa mga ipinagbabawal na lugar...

is feeling , madami-daming almost Php 30,000 or up per month yung nasayang sa grupo nila...

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of February 2019 (Stopper)

Loveless Story

February 16, 2019...

okay..
medyo na-distract ako dun ah...

nito lang tanghali..
isang hindi naka-register na mobile number ang tumawag sa akin..
nasagot ko naman yung tawag, pero hinding-hindi nagsalita yung nasa kabilang linya...

after kong mag-send sa kanya ng SMS na nagtatanong kung sino ba siya..
isinabay ko ang pag-search sa number niya gamit ang isang number identifier..
may nakuha akong alias at name of group, at iyon naman ang s-in-earch ko online...

kasabay nang pag-reply niya sa SMS, eh nasurpresa ako noong makita ko yung photos niya..
at na-confirm ko nga sa message niya na siya nga iyon..
apparently, bumalik din sa industriya yung babaeng nagbinyag sa akin..
mukhang kulang rin talaga na raket yung pagiging recruiter..
gamit niya yung luma niyang alias para makilala ko siya...

so ganun lang yun..?
at ini-expect niya na tutulungan ko siya..?
noong ako yung may kailangan ng simpleng tulong, automatic na block ang inabot ko mula sa kanya..
wala akong rason para maging mabuti pa sa kanya...

is feeling , fair trade lang tayo...

---o0o---

February 20, 2019...

adding random ladies from her supposed province..
hoping na may makakakilala sa kanya, na willing rin magbigay ng impormasyon...

bawal mag-add ng lalaki..
mahirap na..
baka kapatid at asawa pa ang mai-add eh...

is feeling , kailangan kong subukan lahat ng pamamaraan...

---o0o---

February 21, 2019...

mukhang mas napalapit pa ako sa hinahanap ko..
this time, within the territory...

i'm not so sure, pero mukhang dahil yun sa ginawa kong pag-contact sa isang common acquaintance..
isa siyang tao na hinding-hindi ko pa nakita na kasama nung grupo, sa kahit na anong era..
but still it triggered something...

ayun, nasermonan ako nung babaeng nagbinyag sa akin..
nakakaasar lang..
so kapag sa maling paraan nagkakilala ang 2 tao, ibig sabihin na masama na parati ang pakay nila sa isa't isa..?
na paninira na kaagad ng pamilya ang balak..?
ano yun, wala na kaming karapatan na magkakilala sa totoong mundo...??

ang kapal ng mukha..
eh siya itong nagnakaw ng number ko mula sa grupo..
at siya itong naunang nag-alok sa akin ng deal para sa pansarili niyang pagkakakitaan..
tapos palalabasin niya na ako ang nanggugulo...??

nagtatanong ako nang maayos..
pero walang gustong sumagot..
tapos pagsasabihan ako na huwag gumamit ng resources nang walang paalam..
eh hinahanap ko nga yung tao eh, so paano ako magpapaalam sa kanya..?
kung talagang concerned sila, edi sana sinagot na lang nila yung tanong ko..
tutal eh nagpapaliwanag rin naman ako nang husto..
para hindi na sana ako gumamit pa ng mga items..
pero dahil ina-assume nila na lahat ng tao eh gumagawa ng masama na gaya nila, eh mas nagiging komplikado na ang mga bagay-bagay...

ano ba naman yung ibigay nila sa akin yung details..
tapos pupuntahan ko yung lugar nang hindi nagpapakita dun sa tao..
kapag nalaman ko na buo pa pala ang pamilya niya, o may bago na siyang pamilya - edi titigil na ako..
pero huwag naman nilang asahan na basta na lang ako susuko dahil lang sa sinabi nila na huwag ko na siyang hanapin...

ginagago nila ang mga asawa nila, tapos ako ang pagsasabihan ng tungkol sa paggawa ng tama..?
at hindi rin ako kagaya ng mga kaibigan nila na inanakan na ang maraming mga nakakatrabaho nila, tapos eh iniiwan lang at magpapalit na ulit...

ang pinaka-update na nakuha ko mula sa kanya eh na hindi maganda ang kondisyon ngayon ni Miss C..
though hindi ko rin sigurado kung totoo ba yun, o kung nagpapaawa lang ba siya para makumbinsi akong tumigil na lang...

is feeling , kahit papaano may mga nagre-react na akong target...

---o0o---

February 22, 2019...

hindi rin ako nangarap na magkagusto sa isang babae na delikadong magustuhan..
wala noon sa bokabularyo ko na magkagusto sa isang ina...

pero hindi ko kontrolado kung sa kanya pinaka-nagma-match yung preferences ko pagdating sa babae..
at hindi ko rin kasalanan kung 'safe' siya according sa istorya ng maskara niya...

is feeling , hoy FATE.. huwag na huwag mong hahayaan na manggulo ang mga maduduming mag-isip na yun sa paghahanap na ginagawa ko.. or else gagamit talaga ako ng mga device at free Wi-Fi...

---o0o---

February 23, 2019...

58th (56th) quick newbie retirement...

is feeling , hindi importante kung wala naman akong nakuhang data...

-----o0o-----

[V-League]

February 16, 2019...

lagot..
tuluyan na ngang nagdamot ang ABS-CBN..
kailangan na ng account bago makapanood sa mga online platform nila... :(

is feeling , naman.. log-in muna bago nood...

>

UAAP Season 81 Women's Volleyball - Eliminations (Round 1)

UP versus UE

ang 1st 5-setter match ng Season 81...

Set 1, 25-12..
Set 2, 22-25, mabilis na bumawi ang UE..
Set 3, 23-25, nabigong mang-agaw ng set ang UP..
Set 4, 25-19..
Set 5, 15-12...

3-2, panalo ang UP laban sa UE..
parang naging labanan nina MVP Molde at Abil yung match..
malaki ang naitulong sa UE ng mga commercial league players nila...

Player of the Game si Estrañero with 2 points and 44 excellent sets..
Molde with 23 points from 19 attacks, 2 kill blocks, and 2 service aces..
may plus 10 excellent receptions pa siya..
Caloy with 17 points, 15 are from attacks..
Dorog with 12 points..
para naman sa UE..
Abil scored 20 points, plus 21 excellent receptions..
si Mendrez eh nalimitahan sa 8 points..
at si Arado naman contributed 32 digs and 18 excellent receptions...

FEU versus NU

depleted FEU versus Rookie NU..
mabilis nga rin silang iniwan ni Coach Babes...

Set 1, 22-25, naagaw pa ng NU yung set mula sa 21-14..
Set 2, 25-19, na-check na ng NU ang middle attack ni Domingo..
Set 3, 25-19, na-knee injury kaagad si Cagande, key and only Setter ng NU, sa first game nila..
Set 4, 25-12, at hindi na nga umubra ang improvised Setter para sa NU...

3-1, panalo ang FEU laban sa NU..
pero may malalakas na bagong players ang NU kaya maganda ang future nila with them..
ang bagong Jaja na si Lacsina, na naglalaro na sa lahat ng zone sa starting year niya..
at ang Ace-Player-to-be na si Robles, na may power, attack speed, agility, at blocking din..
sa panig naman ng FEU..
wala silang Ace Player ngayon, yung tipong kayang tumapat sa kakayahan ni Pons..
pero reliable naman si Ebon, tipong Basas ang kalidad ng laro..
lefty siya, at malakas din sa service...

Player of the Game si Ebon with 13 points from 9 attacks and 4 service aces..
may plus 4 excellent receptions pa siya..
Domingo and Guino-o both scored 11 points..
Malabanan with 10 points..
para naman sa NU..
Lacsina scored 14 pure attack points..
Robles with 13 points..
Paran with 11 points...

is feeling , umpisa na ng panibagong digmaan.. nakalipas na ang panahon ni Galanza.. so panahon naman ng maalin sa grupo nina Rondina o Molde para subukang wasakin ang dynasty...

---o0o---

February 17, 2019...

nakagawa na ng Kapamilya account para lang maka-livestream...

additional information..
naubos na daw ni Morente ang playing years niya sa UAAP noong first semester, so wala na yung pangarap niya na makasapi sa team na may -peat..
hindi naman ipinasok ni Coach Okumu si Magsarile sa UP lineup dahil marami pang kaagaw sa Outside Hitter na role..
last playing year naman sana ni Basas, na reliable player para sa FEU, kaso eh hindi na rin siya isinali dahil sa shoulder injury..
ngayon ko rin lang nalaman na pwede pala ang mga nagma-Masteral na maglaro sa UAAP...

AdU versus UST

full force na ang Adamson, no injury..
nawalan na ng playing time si Perez..
main Setter na si Yandoc..
si Genesis naman eh substitute lang sa sinumang naka-off na outside spiker...

hindi naman na naglaro si Laure para sa UST, hindi na niya tinulungan si Rondina..
mas malakas sana ang team nila kung nagsama pa sila ng kapatid niya..
pero nakuha naman nilang Setter ang kapatid ni Galanza...

ang 2nd 5-setter match para sa Season 81...

Set 1, 21-25, Permentilla-mode, may 3 blocks ang Adamson pero 12 naman ang errors nila..
Set 2, 21-25, Genesis time, at naka-Flora-mode ang opensa ng Adamson, may 3 blocks ulit sila pero 9 naman ang errors..
Set 3, 26-24, sa Adamson yung set sa simula, na naagaw, na nabawi rin naman..
Set 4, 26-24, malaki ang lamang ng Adamson sa umpisa pero nahabol, at late na nilang nabawi, 3 blocks pa rin at 6 na lang ang errors nila..
Set 5, 6-15, in-overkill na ng UST ang Adamson...

3-2, panalo ang UST..
after 7 years, ngayon na lang daw sila ulit nakatikim ng panalo sa opening match nila..
malakas nga si Eya Laure, at pati yung opensa ng Middle Blocker nila na si Galdones..
para naman sa Adamson..
ang lakas ng blocking ng Adamson, kaso hindi pa rin nila maiwasan ang mga errors..
malakas ang net defense ni Macaslang, kaso eh kulang siya sa atake, parang mas malakas pa rin kesa sa kanya ang atake ni Perez...

Player of the Game si Eya Laure with 17 points from 13 attacks, 3 kill blocks, and 1 service ace..
Rondina also with 17 points, plus 17 digs..
Alessandrini with 15 points..
and Galdones contributed 8 points..
para naman sa Adamson..
Flora with 14 points..
Soyud with 13 points..
Permentilla with 12 points..
Dacoron with 10 points..
and Yandoc with 34 excellent sets..
kaso eh sariling errors pa rin ang kalaban ng Adamson hanggang sa ngayon...

ADMU versus DLSU

makikita na kung may makakatapat nga sa lakas ni Miss Everywhere..
key rookie rin nga yung Dela Cruz..
bench-mode naman si Tiamzon this season, mukhang hahasain na yung ibang mga rookie...

Set 1, 14-25, 12 ang errors ng Ateneo..
Set 2, 17-25, 12 pa rin ang pinakawalan na errors ng Ateneo..
Set 3, 25-16, nagkaroon ng konting Tiamzon time, pero nakabawi na ang Ateneo, La Salle naman ang nagpakawala ng 11 errors..
Set 4, 19-25, mabilis rin namang bumalik ang magandang laro ng La Salle...

3-1, panalo ang La Salle..
nasaan na ang #2 sa PVL...??

Player of the Game si Cheng with 13 points from 8 attacks, 2 kill blocks, and 3 service aces..
may plus 14 excellent receptions pa siya at 9 digs..
Luna with 11 points, 10 from attacks..
Dela Cruz also with 11 points..
parang umabot din sa double digits si Ogunsanya..
si Tolentino lang naman ang umabot sa double digits para sa Ateneo, with 16 points, 13 from attacks...

is feeling , hindi pa standard ang La Salle.. magkakaalaman kapag nakaharap na nila ang UP at UST...

---o0o---

February 20, 2019...

UST versus ADMU

3 years na palang hindi nananalo ang UST laban sa Ateneo...

Set 1, 21-25, naagaw ng Ateneo ang set, naging target ng services nila si Alessandrini..
Set 2, 18-25, mas maagang naagaw ng Ateneo yung set, nakagawa sila ng 6 kill blocks..
Set 3, 25-16, nakabawi naman ang UST, inilamang nila ang 8 service aces nila..
Set 4, 22-25, nakagawa ng early lead ang Ateneo na hindi na nalagpasan ng UST...

3-1, panalo ang Ateneo..
bad game for UST dahil hindi nila maprotektahan ang mga kalamangan nila...

Player of the Game si Madayag with 15 points from 9 attacks and 6 kill blocks..
Tolentino scored 22 points from 16 attacks, 4 kill blocks, and 2 service aces..
may plus 11 digs pa siya..
hirap naman na ang rookie na si Gandler na makakuha ng playing time para patunayan ang sarili niya..
para naman sa UST..
Rondina with 20 points, 19 from attacks, plus 24 digs..
Laure scored 12 points..
nalimitahan naman si Alessandrini sa 10 points sa kabila ng maraming attempts niya..
nagtapon ng 36 errors ang UST...

UP versus FEU

rematch ng PVL Finals sa Collegiate Conference...

Set 1, 25-18, 7 ang nagawang service aces ng UP, bukod pa sa 12 errors na napakawalan ng FEU..
Set 2, 20-25, naka-off sina Caloy at Molde, umasa sa mga rookie attackers ang FEU, 13 errors ang nagawa ng UP..
Set 3, 25-22, na-activate sina Caloy at Molde, naka-3 kill blocks ang UP..
Set 4, 25-20, nadomina na ng UP ang laban...

3-1, panalo ang UP..
mas lumalim pa ang bench nila ngayon..
ang lakas rin nga ng balik ni Dorog bilang attacker mula sa pagiging Libero..
para naman sa FEU..
ang daming nagawang net violations ni Domingo today...

Player of the Game si Caloy with 15 points from 12 attacks and 3 service aces..
Dorog scored 12 points..
at ang late na na-activate na si Molde scored 11 points, plus 17 digs..
nakagawa rin ang UP ng 14 service aces..
para naman sa FEU..
Ebon with 16 points, plus 10 digs and 7 excellent receptions, at nagkaka-muscle na nga siya ngayon..
Domingo with 11 points..
naaasahan na rin naman ng FEU yung Ronquillo...

is feeling , namantsahan ang UST dahil sa mga errors nila.. UP na lang ang malinis pa ang record sa mga baraha ko...

-----o0o-----

February 16, 2019...

[Medical Condition]

38 days after ng surgery..
nagsara naman na yung surgical wound ko..
kaso ukab siya, at naiwan din yung original na natural na naging butas niya noon..
makunat na rin yung balat ko sa part na iyon...

more than Php 10,000 + PhilHealth na worth ng hita... :(

is feeling , sayang...

---o0o---

February 18, 2019...

[Gadget-Related]

nitong 2019..
nasa 4% to 6% na yung battery consumption ng tablet ko habang naka-standby lang..
galing yun sa dating 2% to 3% na average...

so nasa ganung level ang pag-depreciate ng battery ng Lenovo after almost 5 years...

is feeling , pwede pa, hangga't hindi less than 24 hours ang battery life...

>
[Movie / K-ture]

Along with the Gods: The Two Worlds

well, the first time na nakita ko yung trailer niya noon eh inakala ko na tungkol lang talaga siya sa pagtimbang sa naging buhay ng isang tao sa mundo..
parang adventure lang sa afterlife...

pero magandang movie pala siya..
may misteryo yung naging buhay nung mortal na bida, at iyon yung nagdala ng magandang istorya...

matalino rin yung approach kung paanong yung pagiging mute ng ina nila yung nagdala ng challenge para maibigay yung tamang judgment sa bandang huli...

is feeling , pero kung ako yun.. mas gusto ko na pagkawala na lang ng existence ang maging kasunod ng kamatayan...

---o0o---

February 19, 2019...

gaya ng kinakatakutan ko noon..
ginagaya na nga nung bunso yung kuya niyang Autistic..
nag-mimic nung pagdudura at pagluluwa ng pagkain..
pero kaninang umaga, eh kahit sa loob mismo ng bahay eh dumudura na yung bunso...

tapos bukod sa pag-ihi sa pintuan, at pag-ihi sa may bintana..
ngayong umaga eh naisipan na rin nung Autistic na tumae sa likod-bahay namin..
doon sa lupa..
at saka niya nilaro yung tae niya...

is feeling , sinabi ko na kasi na huwag i-tolerate yung masasamang behavior eh...

---o0o---

February 22, 2019...

kanina, naisahan ako nung Autistic...

katatapos lang namin mag-drawing noon nung seemingly normal na bunso..
nang biglang lumapit sa amin yung Autistic..
una kong narinig na sinabi niya yung salitang 'zebra'..
tapos lumapit siya sa table, kumuha ng lapis, at sinabi naman yung salitang 'octopus'..
kaya naman inakala ko noon na gusto rin lang magpa-drawing nung Autistic...

kinuha nga niya yung hawak niyang lapis..
mabilis na tumungo sa direksyon namin nung bunso niyang kapatid..
ang nasa isip ko noon eh sa akin iaabot nung Autistic yung lapis..
pero nagulat ako noong bigla niyang saksakin sa dibdib, malapit sa bandang kilikili yung baby..
sa lakas ng pagkakasaksak niya eh natumba pa at napaupo sa sahig yung bata..
sinalo ko naman yung likod nung baby, habang kasabay na inaagaw rin yung lapis mula dun sa Autistic..
napaiyak na lang sa sakit yung bata, at pilit na nagpakarga na sa kanyang lola...

nakakapanginig lang ng laman..
yung makita ang isang nilalang na kayang manakit ng ibang tao habang tumatawa pa siya..
na para bang laro lang ang lahat para sa kanya, maging ang kapahamakan ng iba..
naisip ko na paano kung mapuruhan yung baby sa susunod..?
paano kung sa mata, o sa bibig, o sa tenga na niya saksakin yung bata sakaling magkataon na walang nakatingin sa kanila..?
mabuti na lang at kahit papaano ay yung side na walang tasa yung naitarak niya...

sino ba ang mas dapat bigyan ng pagkakataon na mabuhay..?
yun bang normal na bata ang dapat naming isugal hanggang sa mapuruhan na siya ng kanyang Autistic na kuya..?
kailangan ba talagang maghintay muna ng masamang pangyayari bago sila umaksyon nang tama...?

mahirap masabi kung kailan aatake yung ganung patraydor na ugali nung Autistic..
most of the time, parang naka-focus lang naman siya sa mga sarili niyang gawain sa sarili niyang mundo..
pero from time to time eh bigla na nga lang niyang naiisip na atakehin yung baby...

gaya kanina bago pa mangyari yung pananaksak..
naglalaro ng walis yung bata, nang mahuli ng lola nila na hinahampas na pala nung Autistic yung baby sa ulo..
pero mahina lang naman daw, dahil hindi naman nga umiiyak yung mas nakababata..
kaso ang masama sa pangyayari na yun, ay ginaya naman nung bata yung ginawa sa kanya ng kanyang kuya..
kaya maya't maya niyang hinabol ang kanyang kuya, para siya naman ang manghampas sa ulo nito...

hindi ito ang unang beses na ginawa nung Autistic yung pananaksak..
pero 2 beses ko nang personal na nasasaksihan yung ganun...

is feeling , kung ibili na lang kaya ng mga bagong parents yung mga bata..? tutal eh puros pera lang naman ang ipinagmamalaki...

Friday, February 15, 2019

League of Criminals & The Legend of Thieves

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...

ilan sa mga popular na teknik lately:
  • ang magpa-feature sa mga TV program
  • paggamit ng dialect
  • paggamit ng sign language
  • bukod pa yung magpakabit ng mga dambuhalang tarpaulin 2 years before, na ang laman lang eh mga picture at pangalan

-----o0o-----

lumampas na sa 500 ang bilang eh, kaya mag-i-start na lang ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html

update ulit (503 + 227 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung nagluklok ng tao sa isang mahalagang branch, sa kabila ng kawalan ng kakayahan ng tao na iyon na sumunod sa sarili nilang mga patakaran
  • yung nagtuturo ng iba, maging yung hindi nila maidawit dun sa kaso, habang ipinagtatanggol naman yung ibang nalusutan DAW ng supply ng ilegal na droga
  • yung idolo noon si Hitler, pero noong nagpunta sa Israel eh ginamit pa yung alaala ng Holocaust para magkunwari na mabuti sila
  • yung inuna pa ang mga armas kesa sa isipin ang tungkol sa isyu ng kahirapan sa bayan
  • yung gustong bawiin yung amnesty na ibinigay noon sa isang taong lumaban sa tiwaling gobyerno, na ang sinisilip na butas ay yung pinagdaanan na proseso
  • yung umamin siya na meron nga at kasalanan niya ang pagkakaroon ng extrajudicial killings
  • yung nagagawa pa nilang magbakasyon sa ibang bansa sa gitna ng bagsak na ekonomiya ng bayan at sa kabila ng pagtanggi nila na tumulong sa pamamagitan ng pagpapagaan muna sa bagong sistema ng pagbubuwis
  • yung tutol kuno sa political dynasty pero kinukunsinti ang political dynasty ng sariling angkan
  • yung gustong ipaaresto yung witness sa pagpapasok ng mga ilegal na droga sa BOC
  • yung wala namang naparurusahan at papalit-palit lang naman ng katungkulan yung mga pinuno na nadadawit sa mga malalaking kaso ng kapabayaan
  • yung kagustuhan niya na ituring na rin siyang isang santo
  • yung mula sa lahi ng mga Bestfriend na suspected bilang drug-related personality, na itinanggi na may koneksyon sa pamahalaan, pero napatunayan na may papel nga sa pamahalaan
  • yung sobrang dali siyang makumbinsi pagdating sa ibang intel kuno at mga listahan, pero in denial pa noong una sa isyu ng magnetic lifters
  • yung balak pala tayong ipahamak dahil sa pangungutang niya sa Bestfriend Empire na malaki kung magpatubo kumpara sa ibang mga nasyon
  • yung gusto ngayon ng ROTC, pero siya mismo eh umamin na tinakasan niya ang ROTC noong kapanahunan niya
  • yung sinabi noon na dapat daw sundin ang seniority rule, pero hindi naman niya sinunod para sa 2nd reward
  • yung pagbanat sa isang taong simbahan nang wala namang ebidensya na ipini-present; kesyo nagbubulsa daw ng pera at baka drug-related din daw
  • yung seryoso daw sila sa kampanya laban sa ilegal na droga, pero siya mismo eh ginagawa lang biro ang tungkol sa pagdodroga
  • yung gusto nang ipapatay ang mga obispo, at ang pagtira sa bibliya
  • yung iniutos na ayaw makakita ng mga pari sa event na may kinalaman sa simbahan
  • yung pati bintang tungkol sa pagpapatumba ng tao eh joke lang
  • yung sexual attack sa kanilang kasambahay noong teenager pa siya base sa kanyang kuwento
  • yung tagalinis siya ng pangalan ng mga nabuking na magnanakaw ng pera ng bayan
  • yung planong palitan ang pangalan ng bayan para sa kapakinabangan ng amo nila

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan:
  • yung 3 PNPA cadets na inirereklamo dahil sa sexual harassment laban sa 2 lower classmen sa loob mismo ng academy nila
  • yung pulis na inirereklamo ng panggagahasa laban sa isang 15 y/o na dalagita kapalit ng paglilinis sa pangalan ng ama nito na idinadawit naman sa ilegal na droga
  • yung 2 pulis Novaliches na inirereklamo ng dahil daw sa panggagahasa sa isang babaeng nahuli ng dahil sa pagsusugal sa loob ng police mobile
  • sa Marcos, Ilocos Norte, yung Barangay Chairman na tinangkang halikan ang isang singer habang ito'y nagpe-perform
  • sa Baguio City, yung mga tinatawag na POSD Enforcers na nakunan ng video na nang-aagaw ng paninda ng isang taho vendor
  • yung mga police escort na namalo ng side mirror ng isang taxi habang naka-off-duty at nag-e-escort sa isang private individual
  • sa Pandacan, Maynila, yung pulis na motorcycle rider na nakabangga ng isang tumatawid na senior citizen
  • sa isang kampo sa Tagaytay, yung nakunan ng video na pamamalo ng isang Superintendent sa mga junior police gamit ang isang baseball bat
  • sa Moriones, Tondo, Manila, yung mga pulis na inirereklamo ng pananakit sa mga hinuli nila at paggalaw sa mga CCTV camera
  • sa Navotas, yung pulis at ang kasama niyang naka-AWOL na pulis, na inireklamo dahil sa pananakit
  • sa Guimbal, Iloilo, yung mag-amang Representative at Mayor na inireklamo ng pang-aabuso laban sa isang pulis
  • sa Santa Cruz, Manila, yung nagtatagong Kapitan at ang mga Kagawad niya na nanggulpi sa isang binatilyo kesyo hindi daw siya nakilala bilang kapitan nung biktima
  • sa Sampaloc, Manila, yung babaeng Barangay Kagawad na nanakit ng binatilyong nasita dahil sa curfew
  • sa Quezon City, yung dating Barangay Tanod at isang naka-AWOL na pulis na nahuli sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation
  • sa Bacoor, Cavite, yung dating Barangay Tanod na sangkot sa ilegal na droga, na ginagamit pa ang sarili niyang 12 y/o lamang na anak bilang courier
  • sa Bacoor, Cavite, yung number 1 na SK Kagawad na nakunan ng video at hinuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung Barangay Chairman na nahuli na gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga, at nahulihan din ng hindi lisensyadong baril
  • yung senior officer na tauhan ng Bureau of Fire Protection na nahuli sa anti-illegal drugs operation
  • sa Naic, Cavite, yung dating pulis at ang karelasyon niya na active jail guard na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Laguna, yung retiradong pulis na target at napatay daw sa anti-illegal drugs operation
  • sa Parañaque City, yung nahuling dating army officer na dawit sa kaso ng milyon daw na halaga ng ilegal na droga na naipasok sa parking lot ng isang mall
  • sa isang bar sa Taguig, yung pulis na naki-Halloween party habang naka-full alert ang kapulisan, na nahuli pa na gumagamit ng cocaine
  • sa Sta. Cruz, Laguna, yung pulis na protektor daw ng mga drug lord na napatay sa engkuwentro
  • yung 4 na pulis ang suspek ng PDEA, na posible daw na nakipagsabwatan para maipuslit yung nawawalang nasa Php 6.8 Billion na ilegal na droga na isinilid sa mga magnetic lifters
  • sa Fairview, Quezon City, yung 10 na naaresto sa buy-bust operation, na dating Quezon City police ang itinuro bilang source nila
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli ng mga Sampaloc police dahil sa pagdadala daw ng ilegal na droga
  • sa Lemery, Batangas, yung Traffic Enforcer na hinuli dahil sa ilegal na pag-iingat ng mga bala, mga magazine, at mga holster ng baril
  • sa Balete, Batangas, yung dating Konsehal ng bayan ng Balete na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Iloilo, yung kandidato sa pagka-Mayor na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Mabini, Batangas, yung Barangay Chairman na inaresto dahil sa pagtatago ng hindi lisensyadong M16 at mga bala
  • nitong katapusan ng 2018, yung 7 pulis na nasangkot daw sa indiscriminate firing nitong nakaraang holidays, bukod pa yung mga opisyales at sundalo na gumawa rin ng kaparehong offense
  • sa Davao Oriental, yung sundalo na nagpaputok ng baril at yung kasama niya na nambugbog sa 2 nakaupo sa may harapan ng tindahan
  • sa Iloilo City, yung Barangay Captain na naaresto dahil sa pamamaril sa convenience store
  • sa Pangasinan, yung Barangay Kagawad na namaril ng bahay
  • sa Marilao, Bulacan, yung dating Vice Mayor na aarestuhin sana dahil sa kasong qualified theft, pero may granada at baril pala at nag-resist
  • yung pulis Makati na nagpaputok ng baril sa kalagitnaan ng pista
  • sa Cavite, yung Traffic Enforcer na nahulihan ng 2 baril habang naka-duty, na dati na rin daw nasangkot sa insidente nang pamamaril
  • yung dating kaso sa Cebu, yung lumabas sa imbestigasyon ng NBI na baril nga ng pulis yung nakatama dun sa bata na nadamay lang sa anti-illegal drugs operation
  • sa Pangasinan, yung 17 y/o na binatilyo na player ng DOTA na sasali lang daw sa tournament sa Baguio na napatay DAW ng mga pulis sa engkwentro
  • yung findings ng Public Attorney's Office na mukhang t-in-orture yung Santillan at posibleng staged yung pagkapatay sa kanya
  • sa Capas, Tarlac, yung nangyaring barilan ng mga pulis na nag-ugat sa road rage, na ikinamatay ng 2 pulis, 1 tanod, at 1 trabahador
  • sa Bocaue, Bulacan, yung babaeng teacher na pinatay sa pamamaril ng karelasyon niya na sundalo na nagbaril din sa sarili matapos yung krimen
  • sa Calamba City, yung may 1 patay at 2 sugatan matapos ang pamamaril at pananaksak ng retired na pulis at ng kanyang anak
  • sa Pasay City, yung 19 y/o daw na Chinese na nangmolestiya ng 3 babaeng estudyante, kung saan inudyukan daw ng mga pulis yung mga biktima para makipag-areglo na lang at humihingi din daw ng cut nila
  • sa Bocaue, Bulacan, yung hepe ng mga pulis na hinuli dahil sa pangingikil daw at sa paggamit ng mga sasakyan ng mga nahuhuli nilang mga drug suspect
  • sa Taguig City, yung 2 pulis na nangingikil laban sa pamilya ng drug suspect daw para mapababa ang kaso nito
  • yung pulis na miyembro ng HPG na hinuli dahil sa pangingikil laban sa mga service vehicle ng isang call center company
  • yung Pulis Makati na hinuli dahil sa pangongotong sa mga habal-habal driver
  • yung MMDA Enforcer na nagpapanggap na pulis para makapangikil laban sa mga service vehicle ng isang offshore gaming company
  • sa Quezon City, yung MMDA enforcer na nahuli sa isang kainan na tumatanggap ng lagay mula sa hinuli nilang motorcycle rider
  • yung Team Leader ng Manila Traffic and Parking Bureau na hinuli dahil sa pangingikil
  • sa San Jose del Monte, Bulacan, yung kawani ng barangay na naaktuhan na nangingikil sa isang piggery, na baboy at pera ang hinihingi
  • sa Muntinlipa City, yung pulis na hinuli dahil sa pag-o-operate ng tupada
  • sa Tondo, Manila, yung 2 pulis na naaktuhan ng mga counterintelligence na pulis na nasa tupada
  • sa Quezon City, yung may 3 nahuli mula doon sa grupo na responsable daw sa serye ng mga panghoholdap sa mga e-games at bingo establishments, isa sa mga nahuli ay kasalukuyang Barangay Kagawad ng Maynila, tapos ay dating pulis daw ang leader nung grupo
  • sa Las Piñas City, yung grupo ng mga pulis na nasangkot sa kidnapping
  • yung BIR supervisor at examiner na inireklamo dahil sa pangingikil, na nahuli sa Batangas
  • sa Tagaytay City, yung 5 naaresto dahil sa pagbebenta ng ekta-ektaryang lupa na may mga pekeng titulo, na ang lider ay dating empleyado ng DENR
  • yung dating empleyado ng Maritime Industry Authority na hinuli sa entrapment operation dahil sa pagbebenta ng pekeng certificate of proficiency, na dati na ring nahuli dahil sa pagbebenta ng mga sagot sa exam, pero pinayagan na magpiyansa noon
  • sa isang mall sa Makati City, yung trainee para sa pagiging LGU Traffic Enforcer na nagnakaw ng motor
  • yung airport security screener, yung hinalungkat ang bag at pinagnakawan ang isang pasaherong Taiwanese
  • yung mga ghost employee daw sa Makati na tao ng Konsehal

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • dahil hindi tiyak kung paano nagkaroon ng access sa VIP na plaka, sa Angeles City, Pampanga, yung sakay ng SUV na may plakang 8 na nanakit ng kapwa niya motorista

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung pag-atake sa kalayaan ng Rappler gamit ang existence ng isang lumang article na mula pa sa panahon na hindi pa saklaw ng makabagong batas na ipinatupad
  • yung mga batas na pro-pets and pro-pet owners na mga asal peste naman
  • yung pati mga nagkalat na domesticated animals eh panira sa mga mamahaling proyekto ng pamahalaan
  • yung paglaganap ng mga batang palaboy na lantarang umaatake ng mga pasahero sa mga pampublikong jeepney
  • sa Makati City, yung lider ng Ipit-Bus Gang na ilang beses nang nakukulong pero parati rin namang pinakakawalan
  • sa Caloocan City, yung kaso nung anak na napatay ang sarili niyang ina noong 2017 at ang sarili naman niyang ama nitong simula ng 2019 
  • yung aprubado na yung 25% na increase sa opisyal na pamasahe sa jeep
  • yung nagtaas na rin ang pamasahe para sa mga pampasaherong bus sa kabila ng sunud-sunod na pagbaba naman kahit papaano ng presyo ng petrolyo
  • yung sa halip na tulungan muna ang mga mananakay na mapababa ulit ang halaga ng pamasahe kasunod ng paulit-ulit na pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo, eh mas gustong unahin ng mga economic advisers na pataasin na ulit ang rate ng taxation para sa mga produktong petrolyo
  • yung hanggang sa Php 9.00 lang daw pwedeng ibalik ang base fare sa mga jeep
  • yung kagustuhan na i-ban na ang mga provincial buses sa NCR
  • yung may mga piling provincial buses na pwede pa ring pumasok sa NCR hanggang sa Parañaque area 
  • yung dagdag travel time at dagdag pamasahe nga ang idinudulot ngayon ng PITX
  • yung nasa 9,000 na motorcycle riders na kumuha ng exam sa road safety daw, pero 7 lang ang nakapasa
  • yung 2 MMDA Enforcer na magkaangkas sa motor na nasita ng ordinaryong motorista, yung blinker ang ginagamit na ilaw at hindi pa nakasuot ng tamang helmet
  • sa Manila, yung MTPB Enforcer na nahuli dahil hindi nakasuot ng helmet, pero nakipagsagutan pa rin sa taga-HPG yata yun
  • sa Cavite, yung nasita sa checkpoint na nagpakilala bilang isang pulis, pero nasibak naman na pala sa serbisyo
  • sa Tagaytay City, yung firing range sa kampo daw ng Cavite Police kung saan may mga umaabot na slug ng bala sa isang subdivision sa hindi kalayuan
  • yung panibagong surprise inspection na isinagawa ng NCRPO, kung saan may mga nahuli na naman na nakainom at natutulog na pulis habang nasa duty
  • sa Anilao, sa Iloilo daw, yung mga pulis na naabutan na natutulog sa mismong presinto
  • sa Davao City, yung 3 pulis na sinibak DAW dahil nahuli at na-video-han na nag-iinom sa pampublikong lugar
  • yung palpak pala yung mga police escort nung mga PDEA agent and company na natambangan sa Lanao del Sur
  • ang kahinaan ng seguridad sa kabubukas lang na Boracay
  • yung hindi pa rin 100% na nababayaran ng gobyerno ang lahat ng mga binilhan nila ng lupa para sa TPLEX project
  • sa iba't ibang lugar, yung mga construction contractors na hina-hire ng iba't ibang level ng gobyerno, na hindi muna pinag-aaralan kung may masisira bang linya ng patubig o linya ng kuryente sa dadaanan ng project nila bago sila magsimula
  • yung nasasayang na pondo ng TRAIN dahil sa mga contractors na hindi marunong magplano nang maayos ng kanilang mga dapat gawin
  • sa Amoranto Street sa Quezon City, yung 22-wheeler truck na lumubog ang mga gulong sa bagong gawa lang daw na kalsada
  • sa Pakil, Laguna, yung gumuho yung ginagawang extension ng tulay, na blacklisted pa pala yung nagtipid na contractor
  • yung may nag-collapse na sa hindi pa man natatapos at matagal nang itinatayong mamahalin na Ifugao General Hospital
  • yung kagustuhan na magdagdag pa ng mga dam kahit na alam na nila ang negatibong naidudulot ng mga yun dahil nga sa na-enhance ng mga simpleng ulan at bagyo
  • yung planong paglilinis ng Manila Bay na sa reclamation rin naman pala hahantong
  • yung balak daw magsira ng mga historical structures kapalit ng pagtatayo ng mamahalin na Bestfriend Imperial Bridge
  • yung maanumalya yung Imperial contractor na gagawa sa mga bagong tulay sa NCR, at naka-ban na sa World Bank
  • yung worth Php 10 Million daw na Stairway to Heaven project ng MMDA na hindi naman pala totoong kailangan dahil may alternative naman palang daanan
  • yung hindi matapos-tapos na road repair sa MacArthur Highway
  • yung project sa [Name of City] na mga poste na may pangalan ng mga street na madali lang nasira dahil mahuna yung ginamit na metal na materyales
  • sa DFA, yung natangay daw ng dating contractor yung mga data ng mga passport holders
  • yung mga katiwalian daw sa APO printing ng gobyerno na may kinalaman sa travel at sa sistema na rin sa printing
  • sa Mabini, Batangas, yung pabrika ng semento na 3 taon na DAW paso ang permit pero nag-o-operate pa rin
  • yung ginagamit ng mga political clans and alliance ang Party List system para mas makakuha ng mas maraming kapangyarihan
  • yung Representative na hindi sumunod sa security procedure sa NAIA
  • yung babaeng Representative na inirereklamo dahil DAW sa pagpapasagawa ng Gluta-drip session sa mismong opisina niya
  • yung pati naman mga bagay na hindi na dapat pinakikialaman pa dahil sa historical value eh talagang gusto pang pag-aksayahan ng panahon para lang masabi na nagtatrabaho sila
  • yung gustong sirain ng Bureau of Customs yung nasa Php 12,000,000 worth daw ng smuggled na mga sibuyas na nasabat nila sa halip na mapakinabangan ng mga mamamayan
  • yung nasa Php 120 Million daw na halaga ng nasabat na smuggled na bigas na nasa poder na ng BOC sa Zamboanga, pero talagang nawala pa
  • yung tila protektadong-protektado yung isyu tungkol sa mga magnetic lifters
  • yung mas nagmahalan pa ang presyo ng mga bigas sa lugar namin noong ipinatupad na yung panibagong naming system, kahit na kaparehas lang naman sa dati ang mga klase ng bigas na ibinibenta
  • yung madadamay pala sa pagtataas ang presyo ng mga karneng de lata sa oras na ipatupad na ang rice tariffication bill
  • yung may shortage na rin daw sa supply ng siling labuyo
  • sa Laguna, yung tone-toneladang mga kamatis na nasayang lang dahil hindi maibenta
  • sa Albay, yung oversupply ng sitaw sa kabila ng kakulangan ng supply sa ibang mga rehiyon
  • sa Candaba, Pampanga, yung oversupply ng Melon
  • sa Benguet, yung naging oversupply ng mga gulay
  • yung oversupply ng talong sa Nueva Ecija
  • yung hindi rin naman napababa ang presyuhan ng kamatis sa kabila ng labis-labis na supply nito dahil sa manipulasyon ng ibang supplier
  • yung mas pinagbabawalan na ang mga magsasaka na magbilad ng kanilang naaning mga palay sa kalsada, samantalang wala pa namang konkretong plano na nagagawa ang pamunuan para makapag-provide ng accessible na facility para matulungan sila
  • yung reklamo na ipinarating sa Ombudsman, yung ipinambayad pala ng NFA sa utang yung pondo na nakalaan para sa pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka
  • yung walang sumasagot sa mga tawag sa isang opisina ng SSS kahit na office hours pa naman
  • yung kagustuhan ng SSS na damay-damay ang mga miyembro sa pagsalo ng mga magiging dagdag na gastusin dulot ng pagpapalawig sa Maternity Leave and Benefits
  • ang kagustuhan ng SSS na gawin ng 15% ang porsyento nila sa kita ng mga tao para daw masalo ang kakulangan sa pondo ng ahensya nila
  • yung gustong taasan ng PhilHealth ang contribution ng mga members para lang masalo ang Universal Health Care Bill, 50% na pagtataas ang gusto nila para sa pinakamababang rate ng contribution
  • yung patataasin rin ng pinahintulutang taas-singil ng mga supplier ng tubig sa NCR area ang VAT na kailangang bayaran ng mga consumers
  • yung babaeng mastermind daw sa ibang kaso, na c-in-laim kaagad nila na may kinalaman daw sa mga rebelde, tapos eh binawi rin yung paratang, kesyo wala daw pala silang sapat na ebidensya
  • yung mga pulis na nagpapaapekto sa isang fictional na TV program sa kabila ng pagkakaroon naman talaga ng katiwalian sa totoong buhay
  • yung naging pagkilos ng PNP at DILG laban sa isang TV program
  • yung planong bumuo ng Death Squad laban DAW sa mga rebelde
  • yung panay ang benefits para sa mga armadong tauhan, samantalang kulang pa sa benepisyo yung mga walang armas 
  • yung dagsa kaagad sa Senado yung mga tuta at bobong mga pulis na sabik na mang-aresto ng Senador kahit na wala namang warrant
  • yung profiling na ginagawa ng mga pulis sa mga miyembro ng ACT
  • yung hindi tugma-tugma ang statements patungkol sa bombing sa Mindanao
  • yung may pruweba naman na posible ngang may nagmamasid sa bahay ng isang Senador, pero kini-claim na kaagad ng mga nasa itaas na kesyo paranoid lang yung tao kahit na wala naman silang ginagawang imbestigasyon
  • yung namamanipula ang mga records o documents sa mga base
  • yung napatunayan na peke lang ang ibang bintang laban sa Senador na dating nasangkot sa mutiny
  • yung parang wala namang silbi ang mga desisyon sa mababang level na nagpapatupad ng hustisya, dahil hindi naman final ang desisyon hangga't hindi yun umaabot sa tuktok, pero ayaw naman nilang buwagin yung mga level sa ibaba kahit na ganun na nga yung setup
  • yung applicable yung seniority rule kahit na para sa mga taong gumagawa ng mali at hindi patas
  • yung inabsuwelto na ng Supreme Court ang asawa ng Diktador, sa kabila ng presence ng nakaw na yaman
  • yung pwede palang magpiyansa kapag ang nahatulan mong kaso ay kaugnay ng panggagago sa buong bayan
  • yung parang lumalabas sa naging desisyon ng korte na may mga opisyales na hindi namo-monitor kung saan napupunta yung malalaking budget na dumadaan sa kanila
  • yung bagong batas na magagamit ng mga halal na opisyales para protektahan ang mga SALN nila
  • yung nasa bilyong piso na tinatawag na Congressional insertions na napunta sa teritoryo ng head Representative
  • yung hindi pala tinanggap bilang mga ebidensya iyong findings ng Anti-Money Laundering Council na nasa Php 80 Million plus daw na pinaikot na pera ng mga suspek within just 30 days
  • yung tila daw may pinaboran na contractor at area ang Budget Secretary
  • yung Motor Vehicle Users’ Charge na ipinapaipit pala ng palasyo sa Budget Secretary
  • yung nasa bilyong piso na tinatawag na Congressional insertions na napunta sa teritoryo ng head Representative
  • yung nasa bilyong piso rin na budget allotment para sa iba pang mga Representatives
  • yung inamin ng pinuno na ang Solicitor General ang trumabaho sa kaso ng Senador na dating nasangkot sa mutiny, pero iisang tao lang ang kanilang pinuntirya
  • yung hindi naman hinahabol ng Solicitor General yung mga sundalo at miyembro ng Philippine Constabulary na umabuso sa panahon ng Martial Law
  • yung premature campaigning na gumagamit ng term na "gusto namin ang boses mo sa ....."
  • yung Representative na nagbanta na hindi magri-release ng PRC license sa mga hindi nakakakilala sa kaibigan niyang premature campaigner
  • yung 2 nasa katungkulan na pinagtatakpan ang medical condition ng pinuno ng bansa, tapos saka nila sasabihin na hindi nila alam ang totoong nangyari kapag lumabas na ang totoo
  • yung hindi na alam ng Spokesperson ang pinaggagagawa ng pinaglilingkuran niya at may mga pagkakataon na mali-mali na ang kanyang mga pinagsasasabi sa publiko
  • yung pinagtakpan na naman yung istorya ng pinuno ng bayan tungkol sa sexual abuse laban sa kanilang kasambahay, na kesyo gawa-gawa lang daw iyon
  • yung presidential appointee sa board para sa mga State University, na pabirong nag-uudyok ng karahasan sa social media regarding collegiate basketball
  • yung kaalyado ng mga nasa posisyon na, pero ang plataporma kuno para sa panahon ng kampanyahan ay salungat sa mga patakaran na ipinatutupad na ng kanilang alyansa
  • yung miyembro ng Dictator's Youth na nakakuha ng posisyon, na ginagamit ngayon ang kapangyarihan para i-suppress naman ang mga aktibistang kabataan
  • yung tutol sila sa mga patakaran laban sa pagmumura sa mga piling lugar puwerket hilig gawin iyon ng pinuno ng bansa
  • yung may kalayaan yung isang government official na mag-post sa kanyang fake blog kahit na during office hours
  • yung binastos na rin ng isang government official at ng kanyang kaibigan ang mga PWD para lang i-promote ang gusto nilang anyo ng pamahalaan
  • yung ang balak na i-represent na partido ay sangkot sa anumalya ng NGO Queen
  • yung pinuri pa ng gobyerno yung university na nagkulang sa pagha-handle sa kaso ng bullying

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa Bacoor, Cavite, yung itiniwalag na pari na nahuli na gumagamit ng ilegal na droga for research daw
  • yung mga taong ang kakapal ng mukha na magsabi ng "i feel you" patungkol sa krisis na hinaharap ngayon ng bayan, pero patuloy naman ang pagsuporta sa mga palpak at tiwaling mga pinuno
  • yung pagiging bias ng maraming tao sa pagsagot sa mga survey lalo na yung mga taga-Southern Island
  • yung hindi rin tugma ang survey tungkol sa pagsuporta sa pinuno at pagtutol sa pananakop ng Imperyo
  • yung mga taong nagpapasalamat pa sa mga promotor, na kesyo hindi muna paaandarin ang kasunod na train, na para bang nasolusyunan yung problema na sila rin naman ang gumawa
  • yung tuwang-tuwa yung mga hindi nag-aambag dahil sa Universal Health Care Bill
  • yung adjustment na ginagawa ng mga ospital sa bill na ipapasa sa PhilHealth
  • yung mga iresponsableng mamamayan na nakakasira o naninira kaagad ng mga mamahalin na goverment projects
  • yung gustong gawin na Php 10 ang minimum na pamasahe sa jeep, at hindi na pasok dito yung kapritsosong modernization plan
  • yung gusto nang paabutin ng ibang transport group sa Php 12 ang minimum na pamasahe sa jeep
  • yung mga tusong transport group na mas gusto ang taas-pasahe kesa sa cancellation ng excise tax at VAT, dahil alam nila na mas malaki yung makukuha nila sa per passenger na taas-pasahe kumpara sa per litro na bawas-gastos 
  • yung mga masasamang jeepney driver na Php 9.00 ang iginiit na 20%-discounted rate na pamasahe, samantalang Php 8.00 lang dapat iyon
  • yung ginawang pag-atake ng mga netizens sa ipinakalat na maling address nung Prestigious Bully
  • yung ina-assume na kaagad ng mga mamamayan na maraming mapaparusahan na mga kabataan kapag naibaba na ang age for criminal liability
  • yung mga batang sinasadyang makipagpatintero sa mga dumadaang sasakyan sa lansangan
  • yung maging mga batang kababaihan sa panahon ngayon eh nanggugulpi na rin sa kalye habang kumukuha pa ng video ng karahasan nila
  • yung may gang war na rin sa [Name of City], malapit pa sa mismong munisipyo
  • sa Quezon City, yung babaeng hinoldap at hinipuan pa daw ng 2 menor de edad na lalaki na armado ng patalim
  • sa Caloocan, yung tila tino-tolerate na ng maraming tao ang patayan, at talagang may mga tao pa na nagchi-cheer para mangyari ito
  • yung tila statistical defense na ginagamit ng ibang mga tao para bigyan ng katuwiran ang nangyayari ngayon sa ekonomiya ng bayan, sa kabila nang presensya ng mga totoong ebidensya
  • yung maraming mamamayan na nagse-celebrate sa mga pampublikong parke, pero nag-iiwan naman ng napakaraming nakakalat lang na mga basura 
  • yung negative impact ng Climate Change sa agrikultura ng buong bansa
  • yung endangered na pala ang species ng Tawilis, pero mababa pa rin ang pagpapahalaga sa mga ito ng mga mamamayan ng bansa
  • yung pakikipag-agawan ng maraming non-mass transport vehicle sa supply ng limitadong petroleum products
  • yung isyu ng sexual harassment sa Miss Earth pageant
  • yung may mga nag-claim kaagad na nakakamatay daw ang Dengvaxia mismo, dahilan kung bakit marami tuloy mamamayan ang natakot na sa lahat ng klase ng mga vaccine
  • yung pinakamataas daw ang bilang ng mga insidente ng rape sa Safest City
  • yung parati na lang kini-claim ng pamahalaan na kesyo nahahaluan ng mga rebelde ang mga protesta laban sa palpak na pamumuno nila
  • yung pagiging balimbing ni MRT Man, na kaalyado na ngayon ng kaalyado ng mga dating magnanakaw at abusado sa katungkulan
  • yung inilaglag na kaagad ni MRT Man ang mahalay na halik ng kanyang dating amo nang mawala na siya sa katungkulan
  • yung maraming mga kandidato o campaign team nila ang pasaway sa pangangampanya
  • yung may mga artista na gumagamit ng pangalan nila para sa demolisyon, para sa kapakanan ng kaalyado nila sa pulitika
  • yung basta-basta na lang nagpapakalat ng hindi verified na listahan ang anak ng pinuno ng bansa sa social media
  • yung mga pinuno na nag-e-endorse ng mga bistadong kriminal
  • yung may bagong version na naman ng Dictator's Law history yung balimbing na tuta ng dating Diktador
  • yung sinasamantala ng Dictator Clan ang kakulangan sa recording technology at ang kawalan ng mga record noong panahon ng paghahari nila para palabasin na gawa-gawa lang ang mga pang-aabuso sa panahon ng Dictator's Law
  • yung mang-aagaw na nga ng mga teritoryo ang Bestfriend Empire, tapos eh mang-aagaw pa ng mga trabaho yung mga mamamayan nila
  • yung sinisilip dito sa bansa ang pagkakaroon ng maraming mga taga-Bestfriend Empire na ilegal na nagtatrabaho, samantalang ang dami na ng mga Filipino na bumastos sa patakaran ng iba't ibang mga bansa nang dahil din sa paghahabol sa hanapbuhay
  • ang lantarang paninigarilyo ng mga mamamayan ng Imperyo sa mga NO SMOKING area sa kanilang probinsiya
  • yung mamamayan ng Mainland na tinapunan ng taho yung isang pulis na nagpapatupad ng anti-terrorism procedure sa pampublikong mass transport system dito sa bansa
-----o0o-----

February 9, 2019...

yung mamamayan ng Mainland..
yung tinapunan ng taho yung isang pulis na nagpapatupad ng anti-terrorism procedure sa pampublikong mass transport system...

is feeling , basura na ang trato nila sa mga taga-probinsya nila...

>
[TV Series]

Alamat ng Munggo

ang explanation kung bakit year 2017 pa lang eh gumagastos na sila para sa pagpapakilala..
habang paulit-ulit na itinatanggi ang totoo nilang plano...

is feeling , alamat ng bisyo...

---o0o---

February 10, 2019...

yung hindi matapos-tapos na road repair sa MacArthur Highway..
kesyo madali rin daw masira yung mga ginagawang section...

is feeling , combination of all factors...

>
yung oversupply ng talong sa Nueva Ecija...

mukhang nakagulo talaga sa schedule ang mga enhanced na sama ng panahon...

pero makatutulong pa rin sana ang coordination since ilang beses ng may mga ganung pangyayari..
at natatantsa naman kasi ang harvest time...

is feeling , hindi na natuto ang mga pinuno...

>
sa Quezon City, yung nakunan ng CCTV..
yung babaeng hinoldap at hinipuan pa daw ng 2 menor de edad na lalaki..
armado sila ng patalim...

nahuli rin naman yung mga suspek..
at lumalabas na nasa edad 15 at 16 yung mga kriminal...

so hindi pa rin sila dapat parusahan..?
mga inosente pa rin sila sa tayong iyon...?

is feeling , mga kababayan na protektor ng mga kriminal na kabataan...

---o0o---

February 11, 2019...

sa Mabini, Batangas..
yung pabrika ng semento na 3 taon na DAW paso ang permit..
pero hanggang ngayon eh nag-o-operate pa rin at nakakaperwisyo pa...

is feeling , nasaan yung enforcement ng batas dun...??

---o0o---

February 12, 2019...

yung panay ang benefits para sa mga armadong tauhan...

pabahay..
health benefits..
taas-suweldo..
(bukod pa yung kita mula sa mga extra nung mga kurakot sa mga hanay nila)..
tapos lately naman eh discount sa pamasahe sa isang uri ng PUV...

eh may mga nakakasabay ako sa pampublikong sasakyan na either hindi na sinisingil ng driver out of respect..
o di kaya eh yung armadong tauhan na mismo ang walang pagkukusa na magbayad eh..
tapos dadagdagan na naman sila ng benefits...?

paano yung mga teacher, kailan ba ituturing na mahalaga rin sila..??
bukod sa pagtrato sa kanila bilang mga potential enemies...?

para kasing binibili lang yung suporta ng mga may armas eh... :(

maganda yung concept nung discount..
in fact, mas magandang ideya nga kung libre na eh..
pero yun ay kung perperkto ang sistema ng paglilingkod sa bayan...

is feeling , sorry sa mga teacher.. hindi kayo magagamit kapag puwersa-han na ang labanan eh...

>
sa isang theme park sa Pasay City..
yung 19 y/o daw na Chinese na nangmolestiya ng 3 babaeng estudyante...

so mga comfort women na rin ang tingin nila sa mga taga-probinsiya nila...??

nahuli naman yung manyak na Imperyalista..
kaso ay inudyukan daw ng mga pulis yung mga biktima para makipag-areglo na lang..
at humihingi pa daw ng cut yung mga tiwali..
ni hindi nga daw sila sa Women's Desk idinaan..
dahil dun ay 5 pulis ang sinibak DAW sa kanilang mga puwesto...

tinatamad siguro sa paperwork.. :(
kaya naghabol na lang ng extra income...

is feeling , biktima na nga ng Imperial Citizen.. tapos eh biktima pa ng sariling mga kababayan...

>
yung League of Criminals...

parang ang ganda ng plano nila para sa bayan ah..?
  1. may long-term na kriminal na mula pa sa Dictator Era
  2. may kriminal na pasimuno ng Balik-Nakaw technique
  3. may kriminal na may malakihan at mabilisang cash flow sa kanilang bank accounts
  4. may isa pang suspek sa pagkakaroon ng kaugnayan sa NGO Queen 
  5. at may kriminal na pinagtatakpan ang mga obvious na tumbahan 

siguro nga wala naman talagang tao sa fleld nila na hinding-hindi masusuportahan ng maruming pera at/o influence..
na parang imposible na 100% clean money lang ang nasa likod nila..
pero para talaga mag-promote ng mga bistadong kriminal...??

is feeling , mabuhay ang Dictator Clan, mabuhay ang M.A.D. Alliance..? panatilihing malinis ang history nila...??

PS:
hay..
naalala ko tuloy ang purpose ng Lupon ng Panggagago..
para magkaroon ng mga Jonin na sasang-ayon na lang sa lahat ng ididikta ng Dictator Clan... :(

tapos kriminal na Cosplayer din yung mascot nila...

is feeling , totoong kaunlaran ang habol nila.. kaunlaran para sa mga sarili nila...

---o0o---

February 13, 2019

sa Singaporean MRT station..
yung local model na binatikos ang pananamit...

maganda yung taste niya sa pananamit..
tuldok... XD

so indecent lahat ng mga tao simula't sapul..?
dahil lahat naman ay ipinanganak ng hubo't hubad..
so indecent kung anuman yung natural na state ng lahat ng tao...??

walang standard na culture sa mundo...

is feeling , huwag igu-Google yung pangalan...

>
inatake na ang kalayaan ng Rappler... :(

parang tanga lang yung palusot..
kesyo applicable daw yung kaso dahil naka-publish pa rin yung article..
eh hindi ba kaparehas lang yun ng lumang balita sa TV o radyo na meron pang existing na recording..?
eh hindi ba kaparehas lang yun ng balita sa na-preserve na lumang diyaryo...?

lahat ng medium na yun, muling maa-access kung may gugustuhin na mag-access..
ang pagkakaiba lang eh mas madaling ma-access at makopya ang anumang naisulat na online..
kaya naman publishing date ang dapat na maging basehan, at hindi yung existence lang...

yun ay kung totoong patas ang sistema ng J Branch na itinatag ng alyansa ng kasamaan...

is feeling , mabuhay ang mga tiwali...

>
Part 1

kumikilos na naman ang mga historical revisionist..
ang santo this time...

1A) clearly, ginagawa niya 'to para i-glorify ang pamilya ng amo niya..
ang taga-pondo nila ng nakaw na yaman..
ang Dictator Clan..
pagpapatuloy lang ito ng naudlot na plano noon ng Bangkay na Diktador...

1B) kakambal rin 'to nung fictional na istorya nung Monarch..
na kesyo may sobrang yaman na mamamayan noon na binili nang buo ang isang hiwa-hiwalay na bansa..
yung angkan na sobrang bobo, kesyo napakarami daw ginto, pero hindi nag-invest sa army for territorial claim..??
eh kahit mga Muslim at iba pang mga katutubo siguro ay hindi papayag na nabili rin nung mokong yung mga lugar nila eh..
gusto lang nilang pagdugsungin yung istorya na kesyo sa pamilya nga ng Monarch nanggaling lahat ng mga yaman na ninakaw nila...

is feeling , sensitive part...

>
Part 2

Maharlika..?
pero madami ang naghihirap..?
sa usapin na lang nang panggagatas sa petrolyo eh marami na ang kawawa eh..
baka naman Maharlikang mga Magnanakaw...??

2) feasible lang yung pagpapalit ng pangalan kung mayaman ang nasyon..
basically, panibagong atake at paglapastangan iyon sa budget at panahon..
bakit...??

oras na magpalit ng pangalan eh marami rin ang babaguhin sa buong bayan..
maraming pagkakagastusan..
and with big projects come big kickbacks..
kahit pa hindi ibilang yung mga private entities...

nariyan ang pangalan ng mga ahensya, at automatic na damay ang mga documents o forms nila (remember yung mga establishments na nagde-demand ng PSA version sa halip na NSO version ng mga birth certificate?)..
damay ang mga seals..
nariyan ang mga kanta na may national value..
nariyan ang mga IDs, especially yung mga permanent..
ang mga public documents ng mga mamamayan..
mga textbooks..
ultimo lahat ng mga address..
at lahat ng mga bagay na may ganung nakasulat na pangalan...

kahit pa sabihin na libre ang mga magiging gastos..
eh hindi rin yun magiging libre dahil sa gatas pa rin kukunin ang mga iyon...

galit kuno sa banyagang mananakop (na hindi nagbibigay ng tulong)..?
pero tuta ng kababayan na mananakop...??

is feeling , linisin ang pangalan ng Dictator Clan!

---o0o---

February 14, 2019...

kasalanan ng nakaraang pamunuan dahil f-in-ilter nila noon ang listahan ng NGO Queen sa ngalan ng kampihan..
pinapalabas na tuloy ngayon ng mga magnanakaw na mga inosente sila...

mas poprotektahan na nila ngayon ang opisyal na listahan ng NGO Queen..
o baka ipatumba na nila yung tao eventually...

is feeling , mga inosente sila dahil legal naman ang pagnanakaw ng gatas sa bayan na 'to...

---o0o---

February 15, 2019...

kapag lumabas na Dengue yung sakit nung isang bata na kakilala namin..
eh mapapatunayan nun na hindi 100% na effective laban sa Dengue ang Dengvaxia...

is feeling , we'll see...

>
kritikal nga pala ang 2019...

hindi mga tuta ang mawawalang mga Jonin..
well, hindi ako sigurado sa inclination nung 2 matahimik, pero kahit papaano eh makatwiran pa yung 2 natitira..
so 2 non-automatic-yes vote rin yun para sa sistema...

is feeling , kaya hindi dapat makapagdomina ang samahan ng mga magnanakaw...

>
wala rin naman mangyayari kahit na mahuli pa yung mga illegal at illegally placed campaign materials eh..
madali lang nilang maisisisi sa mga trabahador sa ibaba o sa mga kalaban nila ang anumang violations...

is feeling , kaya nga hindi sila ang personal na nagkakabit ng mga ganun eh...

>
9 na ang nasa lineup ko..
hindi naman mga purong malilinis ang pangalan..
mga nabatikos na rin na mga tao..
pero kahit papaano eh yung mga wala namang bistadong krimen laban sa bayan...

2 ang nasa panig ng ginagamit na maskarang samahan ng Dictator Clan..
so basically, funded sila ng nakaw na yaman..
pero umaasa ako na magiging makatwiran naman sila, at hindi mag-aasal tuta, sa oras ng kadiliman...

4 naman yung under evaluation pa base sa mga posisyong nahawakan na nila at mga batas na nagawa nila...

is feeling , kaso ang dami pa ring mga mamamayan ang mahilig sa mga magnanakaw...