Loveless Story
March 25, 2018...
may nagawa na maling reaction ang katawan ko kahapon...
nagulat kasi ako noong nagkaroon ng pagkakataon para ipakilala ako ng isang kaibigang babae dun sa mga kasama niyang secondary sponsor sa kasalan..
nakakahiya mang aminin, pero ang naging first impression ko eh na baka inirereto niya ako dun sa Maid of Honor..
siguro dahil na rin sa nature nung event..
pero hindi ko rin na-realize kaagad na posibleng ipinapakilala niya lang ako dahil acquaintances/relatives yung mga babae nung Bride..
nasurpresa ako noong nagsimula nang mang-introduce yung kaibigan ko, "ay [My Name], si ano nga pala..."..
ni hindi ko na ginustong marinig pa yung pangalan nung babae..
bigla na lang pumasok sa isip ko na, "hala, hala, bakit naman ako!?"..
at dahil dun nagkusang gumawa ng defensive gesture ang katawan ko para mang-snub...
yung babaeng yun..
parati na lang siyang laman ng isip ko..
nagiging protective na ako para sa kanya, na para bang pag-aari na niya ako..
dahil dun, parang automatic ko na ring binabakuran yung sarili ko...
is feeling , ano bang iniisip ko...?
---o0o---
March 27, 2018...
hmmm..?
Waterfront Insular Hotel..?
Pearl Farm Beach Resort...??
so nasa ganung level ng bakasyon yung kailangan kong tapatan..?
pero yung tipo na hindi aalis ng Luzon..
and still, walang kasiguraduhan na makukumbinsi ko sila...
birthday na ni Miss H bukas...
is feeling , 4 months left...
---o0o---
March 28, 2018...
Happy Birthday, Miss H... :)
hindi pa kita pwedeng batiin sa ngayon..
eh kasi naman baka i-block mo na ang drone ko..
masuwerte na nga ako kahit papaano na hindi ako b-in-lock ng kaibigan mo kahit na related siya sa IT eh..
sa ngayon, hindi pa kita pwedeng kausapin hangga't hindi pa ako nakakapag-sorry sa kaibigan ninyo...
masaya ako na nakakilala ako ng isang katulad mo..
kahit na sa maling paraan..
ikaw yung nagpadama sa akin nung bagay na yun..
yung bagay na pinakamalapit sa katangian na pangarap kong makita sa babaeng mangangahas na magmahal sa akin..
dahil dun, kahit papaano, nagawa mong punan yung mga kulang sa buhay ko..
salamat sa pagiging isang war potential para sa akin...
is feeling , 125 days left...
---o0o---
March 29, 2018...
[Strange Dream]
nanaginip na ulit ako ng tungkol sa kanya...
may mga bago daw siyang lumabas na pictures..
makinis pa rin yung kutis niya..
though medyo nag-gain daw siya ng konting weight...
is feeling , sobrang nami-miss ko na siya...
>
sa wakas!
took me 7 days para matapos yung postwork..
bale inabot ako ng 53 days para matapos yung buong project..
lumabis ako ng 8 days...
kailangan na lang ng 5 promotional materials, at handa na akong mag-submit...
yung para sa first store na lang muna yung ipe-prepare ko para makapag-submit na ako ngayong gabi..
dagdag kita rin yun for March..
tapos bukas ko na lang gagawin yung para sa second store, dahil baka makapag-Easter Sale pa sila doon...
is feeling , Php 200,000 target.. 124 days left...
---o0o---
March 30, 2018...
akala ko madali na lang yung mga huling assignments ko..
pero mahirap talaga kapag wala pang templates bilang guide..
back to zero lahat ng concept..
ubos na naman ang araw ko sa pag-aayos ng mga kulang na requirements...
hindi rin maganda dahil nagdikit-dikit yung iba ko pang mga gawain..
end of the month tasks..
general cleaning..
magre-restock ng paninda..
magbabayad ng mga quarterly obligations..
mag-o-open ng bank account..
at siyempre, susubukan muli na makapag-set ng appointment kay Miss C...
kapag minalas-malas eh sakit ng mga paa na naman ang aabutin ko nito...
is feeling , burst mode...
-----o0o-----
[V-League]
UAAP Season 80 - Women's Volleyball (Round 2)
March 24, 2018...
FEU versus UP
hindi ako nakapanood..
3-1..
panalo ang FEU..
mukhang Set 1 lang ang nakuha ng UP...
DLSU versus UE
3-0..
overkill..
panalo ang La Salle..
25-8, 25-14, 25-12..
mukhang hindi umubra ang makulit na depensa ng UE laban sa consistent at malalakas na atake ng DLSU...
is feeling , hindi mabuti para sa Adamson kung hindi makaka-contribute ang UST, UP, at UE sa talo ng top 4 teams...
---o0o---
March 25, 2018...
NU versus UST
3-1..
naagaw pa ng NU ang Set 1 mula sa UST..
pero ipinakita ng UST na sila na talaga ang lamang from Set 2 to Set 4...
overkill na sa Set 4, 25-9..
panalo ang UST...
malaking tulong si Milena para sa UST..
si Rondina naman eh karapat-dapat na para maging Season MVP...
Another Poison
Adu versus ADMU
13th 5-setter match for the season..
kinapos ang Dark Horse..
panibagong upset para sa Adamson.. :(
3 games na yung pinapakawalan nila nang dahil sa mga maling desisyon...
battle of attackers ang Set 1..
nasa Adamson ang kalamangan hanggang 19th point nila..
na-extend pa yung set, pero nakuha pa rin naman yun ng Lady Falcons, 26-24..
maagang naiwan ang Adamson sa Set 2, 8-3, pero nakadikit rin naman sila ulit sa kalaban..
kaso naiwan ulit sila mula sa pagkaka-tie, 16-11..
natapos ang Set 2 sa score na 25-19, at 9 ang napakawalang errors ng Adamson..
Lady Falcons naman ang unang nakalayo sa simula ng Set 3, 8-1, tapos hanggang 16-8..
pero nadelikado pa sila at nakalapit ang Ateneo sa as much as 2 points na agwat..
good thing, natapos pa rin ng Adamson yung Set 25-21..
nauna na namang nakalayo ang Lady Falcons sa Set 4, 8-2, at medyo nakalapit ang Ateneo hanggang 16-13..
kaso inilabas pala ni Coach Padda ang activated na si Tempiatura sa set na yun, at si Ponce na ang nag-Libero mula doon..
nag-stick si Emnas kay Galanza para sa mga huling puntos nung set, dahil dun ay na-check siya at nag-commit pa ng ilang errors..
at naagaw pa nga ng Ateneo ang Set 4, 26-24, at na-extend pa tuloy yung match..
nadala ng ADMU yung lakas ng laro nila sa simula ng Set 5, nakadikit pa naman ang Adamson hanggang 13-12, pero tinapos din ng Ateneo yung match sa score na 15-12...
nasayang ang effort ni Galanza..
at hindi pa rin niya natatalo ang Ateneo since Season 76..
9-2 na sana ang record nila ngayon, o at least ay 8-3 since na-3-0 sila ng UST noon...
sa punto na 'to, masuwerte na ang Adamson kung magagawa pa nilang 7 Wins - 7 Losses yung record nila..
8 Wins - 6 Losses yung pinakamaganda, at malalaglag sila kung 5 Wins - 9 Losses lang (meaning wala na silang matatalo sa DLSU, FEU, at UST)..
magkakaroon lang sila ng pag-asa sa Top 4 kung magiging 7 Wins - 7 Losses din ang record ng NU..
kaya naman kailangan ng Adamson ang tulong ng FEU at UP para pababain pa ang NU..
malas na lang ng NU kung matatalo rin sila ng UE, at magiging 6 Wins - 8 Losses yung record nila...
is feeling , naman kay Padda at Emnas o'.. umayos naman kayo para kay Galanza...
-----o0o-----
March 26, 2018...
bakit sila ang magdidikta kung kailangan ko bang iwanang bukas parati ang pinto ng kuwarto ko o hindi..?
eh kaya ko nga pinalagyan na ng pinto eh, dahil ayoko nga na kung sinu-sino ang pumapasok..
at lalong ayoko na pumapasok yung Autistic sa kuwarto ko...
tapos kasalanan ko na naman kung delikadong masira yung mga gamit nila dahil dun sa anak nilang Autistic..
gagawa-gawa sila ng depektibong bata tapos ako ang mananagot para sa mga masisirang gamit nila..?
2 lang naman yun eh; either bantayan nila yung gadget nila para hindi durugin nung bata, o yung bata mismo ang bantayan nila habang tumatakbong mag-isa yung device..
kaso eh puros pasarap sa buhay ang gusto, sanay na sanay mag-relax..
tapos parating sa ibang tao ang sisi..?
tutal may sarili naman silang bahay, eh kung hindi kaya sila sumisiksik dito para lang mapagaan yung sariling mga gawain nila...?
is feeling , may katapusan ang lahat ng bagay...
---o0o---
March 27, 2018...
ang suwerte talaga nung mga magulang nung mga bata..
at least sila eh puros backstab lang ang inaabot na mga sumbat..
pero sa kabila nun ay nae-enjoy pa rin nila yung oras nila para sa pagtatrabaho o pagkita ng pera at sa pagre-relax...
hindi kagaya dito sa bahay..
basta makita ka lang na mag-CR, kumain, o uminom ng tubig eh ang iniisip na nila ay wala kang ginagawa..
at na pwede ka na nilang utusan na mag-alaga ng mga bata...
bakit yung mga yun nagagawa nilang irespeto yung oras..?
pero kapag nasa bahay ka eh automatic na kasambahay lang ang turing sa'yo..?
nagtatrabaho ako para makatakas na ako sa bahay na 'to..
wala kayong authority sa akin..
at lalong wala kayong karapatan na sayangin ang oras ko...
besides, siya lang naman talaga ang dahilan kung bakit nagiging maligalig yung mga bata eh..
sa tuwing nakikita kasi siya nung mga yun eh alam na alam nila na masusunod yung mga gusto nila..
dahil dun ay nagiging demanding lang yung behavior nung 2 bata...
kung gusto mong matanda ka, ikaw na ang tumanggap dun sa job offer nila..
Php 10,000 monthly bilang driver at yaya nung Autistic..
magsama-sama na kayo sa impiyerno...
is feeling , hinding-hindi ko irerespeto yung mga nilalang na tamod lang ang puhunan para mabuhay.. yung mga nilalang na nag-anak lang para maging dependent sila ng mga misis nila...
>
[TV Series]
The Good Son
si Olivia yung panggulo sa imbestigasyon..
dahil iba yung ibinibigay niyang statements kumpara sa mga totoong nangyari (base sa mga ipinapakitang flashback)..
dahil sa mga kasinungalingan niya kaya lalong gumugulo yung imbestigasyon...
is feeling , 3 weeks na lang at makakatulog na ulit ako nang mas maaga...