Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (June 20, 2013 - Yellow Heels)

June 20, 2013..
(baka gawin ko rin ko ring journal entry)

since kaunti na lang naman yung natitira kong araw bago ko i-launch yung aking final attack..
ang aking requiem..
and since naputol ko rin naman yung ginagawa kong pag-iwas na makita si Miss Robledo araw-araw..
eh nag-decide na lang ako na lubusin na yung mga nalalabi kong panahon...

Espasol-exposure galore..
Espasol-Overload...

mga 4 to 5 times ko siyang nakita hanggang gabi..
pero ang pinaka-highlight..
eh nung oras na ng pagsamba nila..
naman!
(sorry, pero idi-describe ko muna ulit yung suot niya for a reason..)
naka white 3/4 top siya with black stripes..
tas yung itini-terno niya talaga dun na grayish-blue skirt..
(meron na akong kopya nitong ganito niyang porma eh..)
pero ang talagang nakakuha ng atensyon ko eh yung high heels na suot niya..
yellow yung majority nung kulay nun eh, na may konting black print..
medyo open yata sa toe area (not so sure, long range shot eh)..
tas puti yata yung pinaka-swelas at heels..
at naman!
sobrang HOT niya talaga.. ♥
yun pa nga lang tunog nung takong kapag inilalakad niya yung sapatos niya eh ka-seksi na sa pandinig.. ♥
the PERFECT WEAKNESS ko eh.. ♥
dalawang beses ko pa lang nakikita sa personal na naka-high heels yung babaeng yun, pero hangang-hanga na ako sa kanya..
siya lang yata yung kilala ko sa totoong buhay na magaling magdala ng ganun... ♥

ayun..
super attracted na naman.. ♥
kung bakit ba naman kasi nasa kanya yung ibang qualities na gusto ko sa isang babae...


anyway, last day na bago ang final attack..
sana naman may magandang mangyari kahit na papaano...

---o0o---


araw-araw sa tuwing nakikita ko ang biological demon father ko..
hindi ko maalis sa isip ko na gusto ko ring marinig yung version nung kuwento na galing sa kanya (bilang 3rd-hand source)..
bilang siya yung direktang napagkuwentuhan ng tungkol dun..
gusto kong malaman kung paano ba talaga yung eksaktong nangyari noon..
paano ba yung naging biro ni stepmom..?
natutuwa ba siya..?
kinikilig para sa sarili niyang stepdaughter..?
o yung tipo na nasa isip niya na "sobrang feeling naman ng pamilyang 'to para patusin ang anak-anakan ko"..?
at paano rin ba yung naging reaksyon ni Miss Robledo doon sa biro..?
napangiti ba siya..?
todo tanggi ba..?
kinilig nang kaunti..?
nabuwiset na parang gusto na niyang patahimikin yung stepmom niya sa pagkukuwento?
bigla bang sumama yung tingin niya..?
o baka naman, halos masuka-suka na siya dun sa biro..?

pero sa tuwing naiisip ko na biological demon father ko ang tatanungin ko..
eh hindi ko maiwasang mamuhi..
na para bang hinding-hindi ko magagawang pagkatiwalaan ang demonyong ito maging sa mga ganung bagay..
mamaya idamay pa niya ang mga Robledo sa mga utangan niya kapag nalaman niya kung anong balak kong maging koneksyon sa pamilya nila...

ngayon pa nga lang eh sobrang nakakahiya na ang biological family ko sa paningin ng ibang tao eh..
maya't maya ang sigawan at murahan..
sa tuwing nasisita yung biological demon father sa lahat ng mali nyang ginagawa eh palaging galit kaagad ang igaganti..
ganun din sa biological demon brother ko, mula sa issue ng facial wash patungo sa issue ng mga pambayad sa private school niya, hanggang sa issue ng church allowance nya sa bago niyang sinasambahan nang dahil lang sa isang babae..
eh araw-araw at gabi-gabi din ang pag-aaway at pagsisigawan..
minsan nga talagang madaling araw pa kung mag-drama lesson yung mag-ina eh..
ako man eh, minsan sa sobrang poot ko - eh hindi ko na naiiwasang itago sa publiko yung bayolenteng side ko...

talaga namang nakakahiya..
na baka nga naiisip na ni Miss Robledo na produkto ako ng masamang pamilya...


No comments:

Post a Comment