Wednesday, April 16, 2014

Untimely Love Story (August 27, 2013 - Night Walk)

August 27, 2013..
(non-journal entry)

short update lang...

wala kasi yung mga tao sa kabilang bahay noong gabi..
kaya kinailangan kong i-check yung loob ng bahay nila (kung wala bang naiwang bukas na ilaw, appliances na nakasaksak pa na hindi naman ginagamit, o maling pagkaka-lock ng mga pinto)..
ganun kasi yung usual routine ko sa tuwing nababakante yung bahay nila...

mga 8:20 PM na noon..
eksaktong paglabas ko ng gate ng kabilang bahay..
eh narinig ko naman na nagbukas yung gate sa bahay ng Espasol..
medyo na-excite siyempre - yun yung naramdaman ko..
i was hoping na siya nga yun..
and even hoping na baka naman may interesante kakong mangyayari noong mga oras na yun..
kaya lumingon ako saglit sa direksyon nila para makita ko kung sino nga yung nagbukas ng kanilang gate..
and it was her..
kaso papasok na pala siya ng bahay noon..
kauuwi lang galing school..
akala ko nga noong umaga eh naka-ordinary siya ng Tuesday eh..
yun pala eh naka-uniform rin, at nag-sweater lang...

naisip ko lang..
minsan kasi ginagabi na siya nang pag-uwi..
tas naglalakad pa siya papasok ng subdivision hangga't maaari..
eh siyempre nag-aalala rin naman ako para dun sa kaligtasan nung babae..
wala man lang ba siyang boylet na nag-aalok maghatid sa kanya lalo't kapag ginagabi siya..?
o talagang ayaw lang niya..?

at naisip ko rin..
noon na rin lang ulit kami nagkita..
nang natural..
pero ewan ko kung nakita nga ba niya ako..
o napansin man lang..
basta ako nakita ko ang 'crush' ko..
pero 'konti lang'..
haha!


No comments:

Post a Comment