Friday, April 25, 2014

A Laptop Sideline - April 20 to 25, 2014 (Eyeglass-Girl)

April 20, 2014...

nagsimula na nga yung Espasol na magsuot ng eyeglasses..
8:06 PM, nasa bahay nila siya noon..
nakita ko lang na pinagbuksan niya ng gate yung kararating lang nilang SUV..
naka-orange to red tee shirt, eyeglasses nga (medyo thick-frame na malalaki yung mismong glass), at naka-bun ang buhok...

---o0o---


April 22, 2014...

it's been a year since nagkakilala kami ng pormal nung Espasol..
bukod sa okasyon na yun..
eh wala namang nangyari sa araw na ito...

---o0o---


April 23, 2014...

bandang hapon na noon..
pinagwo-walker ko sa labas ng bahay namin yung baby..
tapos habang nasa may gate kami nung bata, eh biglang may lumabas sa poder nung Espasol..
i'm not sure dahil hindi ko na yun pinag-abalahan na tingnan pa, pero siya nga yata yun..
naisip ko lang noon na parang ang kapal din naman ng mukha niya..
na paanong nagagawa pa niyang magpakita sa akin pagkatapos ng mga nangyari..?
hindi ba pwedeng umiwas na lang siya sa paglabas-labas ng bahay nila tuwing nasa paligid lang ako, tutal eh bihira naman akong maglalabas ng bahay namin eh..?
kumbaga, matuto naman sana siyang t-um-iming..
hindi yung parang pinamumukha pa niya sa akin na nandoon lang siya... X(


by 4:11 PM..
eh nag-post ng [heart shape]..
para kanino naman kaya yun...?

---o0o---


April 24, 2014...

yung kliyente kong si Bella Padilla..
she has a unique way sa pagbili..
parati siyang tumatawag muna ng 'tao po!' bago bumili..
tapos parang nagpu-pure black na yung buhok niya...

---o0o---


April 25, 2014...

by 8:46 AM..
aksidente ko na namang nai-spot-an yung Espasol, with her Stepmom..
may binili yata sa norte..
naka-tangerine tee shirt, at eyeglasses pa din, habang nakalugay lang yung parang bumabalik na rin sa pagiging black na buhok...

---o0o---


yung tungkol naman sa kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko..
well, puros salita lang naman talaga ang mga tao eh..
kesyo susuportahan nila ako sa kung anuman yung gusto ko..
pero sa bandang huli, suggest pa rin sila nang suggest ng mga posible kong pasukin na trabaho na hindi naman home-based...

simple lang naman talaga yung kailangan ko..
time & space..
para makapag-concentrate ako sa mga project ko..
at basic needs na rin para sa araw-araw, yun eh kung gusto ko pa talagang mabuhay..
pero parang imposible na talaga ang lahat sa ngayon...

sa ngayon may sanggol na ulit dito sa bahay namin..
parang deja vu lang ng isang pangyayari a few years ago..
wala pa siyang isang taon..
so basically, kailangan ko pang maghintay ng mga 5 to 6 years para makalaya sa mga ganitong klase ng pang-abala..
ganun naman kasi sila parati..
sasabihin na kesyo gawin ko lang yung mga kailangan kong gawin..
pero kapag andyan na yung sitwasyon..
eh utos dito, utos doon..
tapos panunumbat at murahan naman yung susunod kapag hindi ka kumilos para sa kanila..
eh nai-stress na nga ako noong yung mag-asawang matanda pa lang ang nagsimulang magtitigil dito sa lintik na bahay na ito eh..
tapos dinagdagan pa nila ng isang batang alagain..
kaya wala rin akong nagagawa..
kaya maige pang huwag na lang mag-angat ng lapis...

tapos parati nila akong tatanungin kung ano ba talaga ang plano ko sa buhay ko..?
ay mga PUTANG INA NINYO!!!
maige pang magpakamatay na lang nga..
eh inangkin nyo na lahat ng oras ko dito sa mundo eh...


Saturday, April 19, 2014

A Laptop Sideline - April 16 & Above 2014 (The 19 K's of Being a Potassium)

April 16, 2014...

mga before 11:22 NN na noon..
kagagaling ko lang sa kabilang bahay..
pagbalik ko sa amin eh napansin ko na medyo umaambon na pala..
kaya naman naisip kong isilong na yung mga sinampay namin..
habang ginagawa ko ang bagay na iyon, eh saktong may lumabas naman sa poder ng Espasol..
hindi ko na lang yun pinansin noong una nitong pagdaan sa tapat ng bahay namin..
tapos mga 11:22 NN na nga ito nakabalik mula sa looban ng subdivision..
nakita ko na yung Espasol pala iyon..
naka-pink tee shirt siya at shorts..
tapos noong makapasok na siya sa bakuran nila eh parang medyo umingay sa bahay nila..
parang nagkakantiyawan, biruan, o ano..
ayun...

---o0o---


April 18, 2014...

Potassium - chemical symbol K, with atomic number of 19..
at dahil dyan, kaya kong bigyan ng 19 o higit pang meaning yang 'K' na yan ng isang taong Potassium...


ang 19 K's ng isang Potassium:
01) kay hirap
02) katanda na
03) kabansot
04) kaluko
05) kabastos
06) kawalan ng silbi sa buhay
07) kapangahasan
08) kakulit
09) kagulo
10) 'kakaabala
11) 'kakailang
12) kahiya-hiya
13) kadiri / 'kakarumi
14) 'kakaasar / 'kakabuwiset / 'kakayamot
15) 'kakasira ng araw
16) kaaway / kalaban
17) kamalas
18) kawalan ng dating sa mga babae
19) kawalan ng respeto sa sarili
 

feeling Certified Potassium.....

---o0o---


naalala ko lang..
it's been a year since our sexiest ice encounter..
parang ambilis lang nang takbo ng panahon, pero wala naman talagang nangyayari...


Friday, April 18, 2014

Letter for the Espasol #1 (April 7, 2014 - A Nightmare)

Mahal Kong Espasol,

kahit na gusto ko sanang hilingin sa'yo na tandaan mo man lang sana na minsan kitang minahal at na ikaw na ang pinakahuling babae na susubukan kong ligawan, eh hindi naman pala pwede..
dahil ang totoo ay naging isa lang naman akong bangungot para sa'yo..
i'm sorry..
ninais ko sanang bigyan ka ng good memories..
pero hindi ko naman naisip na puros nightmare o masasamang mga alaala lang pala ang naibigay ko sa'yo..
kaya naman kailangan mong kalimutan na lang ang lahat ng mga ginawa at sinabi ko sa'yo...

medyo marami rin akong pinanghihinayangan..
isa na doon yung hindi ko man lamang talaga nalaman kung sino nga ba ang mas matangkad sa pagitan nating dalawa.. X(
nanatili na lang na isang misteryo para sa akin ang pagkatao mo, ganun din ang lahat ng mga kuwento tungkol sa'yo na nagmula sa nakaraan..
at isa na lang ang nanatiling totoo sa bandang huli - at yun ay na isa kang salbaheng babae...

ang totoo..
parang gusto ko sanang may makilala at makausap na malapit o medyo malapit sa'yo..
naisip ko na baka sakaling sa ganung paraan eh mas maintindihan ko lahat-lahat ng mga nangyari sa pagitan natin..
pero hindi ko naman magawa yun, dahil na rin sa takot ko na baka hindi ko rin mapagkakatiwalaan ang taong yun kapag nagkataon, at baka isumbong rin lang niya ako sa'yo...

sa ngayon eh medyo umo-okay na ako..
naiiwasan ko nang silip-silipin ka sa kabila ng pagpaparamdam ng mga motion detector diyan sa bahay nyo..
iniiwasan ko na rin na i-check at i-note ang mga schedule mo o ninyo..

basta iniisip ko na lang na hindi ka na katulad ng dati..
na hinding-hindi nga kita magagawang mapagkatiwalaan - na pinakaayaw ko sa lahat ng klase ng tao..
bukod pa dun yung mga naging pagbabago na sa itsura mo..
na papangit ka nang papangit habang nagpapakulay at nagpapakulot ka ng buhok mo..
maging yung pagpapalit mo ng kulay ng drawing na kilay mo eh hindi rin kagandahan..
mas maganda pa rin yung Espasol na may jet black hair at black eyebrow..
kaya naman malaki talaga ang maitutulong mo para makalimutan na kita, kung itutuloy mo yang ginagawa mong pagpapasama sa itsura mo...

Nagmamahal,
Potassium


Fantasy Defense & MonTowers

are ang mga bago kong kaagapay sa paglimot ko sa nararamdaman ko para dun sa Espasol..
sa tulong na rin ng aking Lenovo tablet...


Fantasy Defense:


tower defense ang style ng game na 'to..
pero sa halip na mga tower o sasakyan, eh mga warriors yung ipinu-puwesto para sa depensa..
wala lang..
bukod sa strategic parati ang mga tower defense na laro..
eh naliitan ako sa mga 'unmodified' o 'untampered' costumes nung mga chicks dito (gaya na lang nung nasa image sa itaas), kaya masaya... ^_^


heto pa yung picture ng mga enemy boss, pero kulang ng isang lalaki..
nakakatuwa yung archangel at devil na boss dito dahil matalbog yung mga boobs nila habang nasa digmaan (though naka-mini version lang sila sa mga oras na yun)... XD


MonTowers:


battle at collection naman ang tema ng larong ito..
manghuhuli ka ng mga monsters, at isa-summon mo sila upang lumaban sa iba pang mga monsters na nandoon sa tower..
kapag nakuha mo yung coin o recipe ng isang particular na monster, eh saka ka lang magkakaroon ng kakayahan para i-summon yun...


ito naman yung isa sa pinaka-interesanteng aspeto nung game..
habang ina-upgrade mo ang monster mo para sila eh lumakas, eh mas lumiliit o nababawasan naman ang kanilang kasuotan (particularly sa mga girls)..
mas lumalakas na yung monster mo, eh mas sume-seksi pa sila - kaya mas masaya... ^_^


at are naman ang aking butihing game guide, si Tiana..
sa kanyang skimpiest costume doon sa game (pero hindi ko alam kung paano maa-unlock ang clothing niya na ito)..
bukod sa pagtuturo kung paano laruin yung game..
eh nagbibigay rin siya ng mga quest notification(s) para sa mga quest na posibleng makapagbigay sa'yo ng mga token, recipe, at coin rewards... ^_^



NOTE: lahat ng image na makikita sa post ko na ito ay pagmamay-ari ng kanila-kanilang game designer at developer..
wala po akong inaangkin sa alinman sa mga are...


Thursday, April 17, 2014

A Laptop Sideline - Early April 2014 Thoughts (Back to Writing)

April 1, 2013 noong nagsimula akong i-narrate ang tungkol sa Untimely Love Story ko..
at hindi ko na namalayan na mahigit isang taon na rin nga pala ang nakalipas simula noon...


March 30, 2014...

bago ako tuluyang dumako sa April..
this is a day after nung Red Roses Tragedy..
at sa araw na 'to, nag-decide ako na putulan na yung mahaba kong buhok (correction, bale pagka-basted ko pa lang noong March 29 eh naisip ko nang gupitin ang sarili kong buhok)..
pero maikli lang naman yung ibinawas ko sa pagkakataon na 'to...


that same day..
nakita ko sa tindahan sa may kabilang kalye yung pa-tatlo kong crush noong nasa elementary pa ako..
medyo chubby na siya at may dibdib na rin..
nakita ko na siya dati doon eh, pero mukhang doon na pala talaga siya nakatira (sa tantsa ko)..
hindi yun yung biological family niya, so i suppose na married na siya ngayon at nakatira sa mga biyenan..
noong una kaming nagkita, binati pa niya ako at tinanong kung graduate na ba ako..?
pero masyadong pormal yung pagkasagot ko sa kanya ng 'oo', na para bang hindi ko siya natatandaan, pero ang totoo eh nakilala ko na kaagad siya pagkakita ko pa lang sa kanya..
memorable siya para sa akin..
kasi siya yung kauna-unahang babae na diniskartehan ko sa grade school through letters and chocolates..
bukod pa dun yung pananambang at pagsabay ko sa kanya sa tuwing pumapasok na siya sa school (kasi taga-malapit lang sila sa school namin eh)..
kaso dumating sa punto na parang may pagka-bully na yung tingin ko sa kanya at sa mga barkada niya..
eventually sila nung isa kong kaklase yung nagkatuluyan...

tapos may isa pa akong naalala..
may pinsan rin siyang babae na classmate niya..
at according to rumors eh nagka-crush 'daw' yun sa akin..
minsan, habang nasa Flag Retreat na kaming mga estudyante (yung kakanta ng Lupang Hinirang at magbababa ng watawat ng Pilipinas bago kami magsipag-uwian)..
may nakarating sa akin na mensahe habang nasa pila pa kami..
isang hamon yun para sa isang suntukan..
at ang ikina-sorpresa ko - eh galing yun sa isang babae..
medyo boyish pa siya noon, pero tisay yun, matangkad, at maganda din..
tapos ayun, pinaratangan niya ako na inaagaw ko daw sa kanya yung pinsan nung crush ko, kaya kailangan naming magsuntukan..
pero dahil babae siya, eh dinaan ko na lang siya sa usapan..
tutal eh wala rin naman akong gusto dun sa pinopormahan niyang babae eh..
pinaliwanag ko yun sa kanya at naintindihan naman niya yun, at humingi siya ng paumanhin sa akin..
ewan, pero sa itsura niya noong kausap ko siya eh mukhang hindi naman siya handang makipag-away, mas mukha pa nga siyang masaya eh...

at dito nagtatapos ang aking maiksing throwback...

---o0o---


dreams of the morrow hath the shattered soul..
pride is lost..
wings stripped away, the end is nigh..

the fates are cruel..
there are no dreams, no honor remains..
the arrow has left the bow of the goddess...
 
feeling , iwas-INC na ako simula ngayon...

---o0o---


April 1, 2014...

ginawa ko na ang 2nd cut - ang final cut ng buhok ko..
at ang tawag sa tabas na ginawa - Potassium Cut..
bagay na bagay sa mga kagaya kong Potassium..
ang itsura niya eh parang Bob Cut na medyo sumasabog yung buhok sa likod..
hay.....
antagal ko pa namang iningatan yung ponytail ko..
para kasi sa akin eh halos katumbas yun ng top knot ng mga samurai eh..
palatandaan ng pagiging line artist ko.. 
at ang pagputol ko nun eh nangangahulugan ng pagbaba o kawalan na ng respeto para sa sarili ko...

---o0o---


April 2, 2014...

hindi na kita buburahin dito sa puso ko..
sarili ko na lang ang buburahin ko...
 
feeling , Potassium-mode...

---o0o---


April 6, 2014...

'first boyfriend'..
may mga bisita noon sa bahay ng Espasol eh..
at narinig ko lang yung phrase na yun..
ano pa ba ang pakialam ko kung sino ang tinutukoy nila dun...?


tapos short dream..
(by April 5 siguro 'to)..
nakaupo daw yung Espasol nang medyo paliyad on something..
parang nasa may kalye daw siya, o basta open area..
medyo malaki daw yung tiyan niya noon..
hindi naman tipong pang-buntis..
bilbil siguro yun... XD

---o0o---


halos ganitong-ganito yung naging istorya ko..
in-edit ko na yung lyrics nitong kanta:


My Stupid Mouth
by John Mayer

My stupid mouth
Has got me in trouble
I said too much again
...

...
...
...
Just dying for a subject change

Oh, another social casualty
Score one more for me

How could I forget?
**** said, "Think before speaking"
No filter in my head
Oh, what's a boy to do
I guess he better find one soon

...
...
...
...

And I could see clearly
An indelible line was drawn
Between what was good, what just slipped out and what went wrong

Oh, the way she feels about me has changed
Thanks for playing, try again.

How could I forget?
**** said, "Think before speaking"
No filter in my head
Oh, what's a boy to do
I guess he better find one

I'm never speaking up again
It only hurts me
I'd rather be a mystery
Than she desert me

Oh I'm never speaking up again
Starting now

One more thing
Why is it my fault?
So maybe I try too hard
But it's all because of this desire

Just wanna be liked
...
Looks like the joke's on me
So call me "Captain Backfire"

I'm never speaking up again
It only hurts me
I'd rather be a mystery
Than she desert me

Oh, I'm never speaking up again
I'm never speaking up again
I'm never speaking up again
Starting now
Starting now
 


feeling , The Potassium Song.....

---o0o---


April 7, 2014...

natanong ako nung isa kong kliyente sa yelo kung 'nagpagupit' daw ba ako..?
kahit depressed pa ako noong mga oras na yun, eh napangiti na lang ako at sinagot siya na ako lang ang nagputol sa buhok ko..
dapat nga ipapaliwanag ko pa na pinutol ko yun dahil na-basted ako ng gusto kong babae eh, pero hindi ko na lang itinuloy..
tapos napangiti na rin siya bago siya tuluyang umalis..
medyo chicks din yung isang yun..
hawigin siya ni Bella Padilla..
may highlights nga lang ang buhok niya, parang yung Espasol..
medyo skinny ang body type niya, pero may kaunting dibdib rin naman...

---o0o---


April 8, 2014...

by 7:26 PM..
saktong kaaalis ko lang nito sa kabilang bahay..
alam ko na noon na may nag-uusap na mga tao sa may katapat lang na bahay, sa may kalye..
pero pagbukas ko na nung main gate ng inuupahang bahay ng biological brother ko..
eh saka ko napansin na yung Espasol pala yun na kausap yung mananahi..
tapat na tapat pa siya doon sa may gate..
pero dedma na lang - basted eh..
tapos halos sabay na kami sa pag-uwi namin sa sarili naming mga bahay noon..
walang pansinan..
as usual..
parang hindi na ulit magkakilala...

---o0o---


April 9, 2014...

sa wakas!
nakatapos din ako ng isang matinong ballpen-portrait ng Espasol..
halos nakumpleto ko na yung sideview niya... 
feeling Potassium.....
 
---o0o---
 
 
 April 10, 2014...
 
tapos na!
at naubos ko na rin sa wakas ang budget para sa pang-e-Espasol..
at are, nauwi ako sa isang Lenovo IdeaTab A1000 for Php 5,999...

sana lang masamahan ako nare for the next few years..
sana naman hindi ito madamay sa mga parusa ko sa buhay...
 
feeling Potassium.....


pag-uwi ko pa nitong araw na ito galing sa mall..
eh nagkataong nakasalubong ko yung SUV nila habang papalabas ito ng subdivision..
hindi ko alam kung sino ang may dala nun during that time..
pero i'm sure hindi yun si Sir, kasi pagdating ko sa bahay eh nakita ko pa siya eh...

---o0o---


okay!
i-delay na muna ulit yang pagpapatiwakal na yan (medyo ayos na ako ngayon)..
sasabay na lang ulit ako sa ending ng One Piece...

ang bagong target:
[ ] Php 30,000 worth na kepyas ng mala-modelong titser...

lesson(s) learned:
- umiwas sa mga Iglesia
- may mga babaeng sumasang-ayon lang para lang matapos na ang usapan, but they do not necessarily mean it
- huwag nang magtitiwala sa mga tao
- daig ng pokpok ang normal na babae, sa pokpok eh basta usap-deal lang, pero sa normal na babae eh kakailanganin mo pang mag-analyze nang maige
- pwede lang ulit magmahal kung ako na ang liligawan

ang good news - pwedeng mag-deactivate ng Facebook gamit ang Google Chrome..
ang bad news - ang hirap maglagay ng password, at walang download option ang mga images sa Facebook..
mas mabilis pang mag-type dito sa cellphone ko eh... >,<
 
---o0o---
 
 
April 15, 2014...
 
medyo nagagawa ko nang balewalain yung presence nung Espasol dito sa lugar namin..
sa tulong na rin ng nilalaro kong Fantasy Defense sa tablet ko..
kahit pa anong pagpaparamdam ng mga motion detector sa bahay nila - eh dedma na lang..
tutal wala na rin namang mangyayari eh...
 

Wednesday, April 16, 2014

Done Moving.....

sa wakas..
bale, natapos ko ng i-move lahat ng entries mula sa luma kong blog site patungo dito sa bago kong blog site na wala ng content warning (noon kasi eh pang-mature audiences lang talaga yung blog na yun eh)..
pero ngayon, eh halos puros istorya na lang naman yung nilalaman nito, though may mga sensitibo pa rin namang mga topic paminsan-minsan - na hindi naaangkop sa masyadong mga batang readers..
at tsaka this time eh nabigyan ko na rin ng mas naaangkop na titulo itong blog ko...

at dahil tapos na nga ako sa aking paglilipat..
eh sa mga susunod na panahon eh magagawa ko na ulit na mag-post ng mga bagong entries..
dahil hindi pa ako tapos..
at may mga sumusulput-sulpot pang kaisipan sa akin from time to time...

thank you sa lahat ng nag-aabalang basahin ang mga blog entries ko..
kahit na mas madalas na negatibo yung mga thoughts na nilalaman nila...


A Laptop Sideline - Early April 2014 (Sleeping with Pills 2)

April 2, 2014...

hindi na kita buburahin dito sa puso ko..
sarili ko na lang ang buburahin ko...

 — feeling , Potassium-mode...

---o0o---


April 4, 2014...

ng dahil dun sa demonyong donor ng tamod, eh bawal na akong manghiram ngayon ng mga networking gadgets..
kaya naman are, asa na naman sa Globe para may makausap naman...

gusto ko na talagang tumakas sa mundong 'to..
hindi na lang 'to tungkol sa kanya..
oo, masakit talaga at nakakalungkot yung dinanas ko dun sa Espasol - na nakakawala na ng gana saken para mabuhay..
pero ang mas nakakasakit sa ulo ko ngayon eh yung pagbalik ko sa mga problema sa realidad:
- problema sa kahirapan
- problema sa mga utang na pwedeng ikakalaboso ng biological mother ko
- yung pagwawala at paninira ng biological demon brother ko ng dahil sa kagahamanan din sa pera
- yung tuluy-tuloy na pagkawala ng pera sa negosyong hinahawakan ko
- yung konsensya ko dahil hindi ko na matiis yung panlolokong ginagawa ko sa blood aunt ko
- pati yung pag-aalaga sa baby na nagiging dahilan ng pagdedemonyo nung donor ng tamod

walang kasalanan yung Espasol sa muling paglabas ng demon side ko..
kung tutuusin eh matagal ko nang problema yung mga nabanggit ko..
at yung pag-focus ko ng atensyon ko sa kanya eh nakatulong pa nga para ma-relax ako mula sa mga totoong problema ng buhay...

wala na lang talaga akong makitang rason para mabuhay pa..
yung mga gusto ko kasing gawin sa buhay ko eh puros pang-mayaman lang..
yung pagma-manga eh malaking sugal at kakain ng maraming panahon at fixed na espasyo..
yung balak ko namang magtayo ng gallery eh pera at space din ang kailangan..
useless na para subukan ko pa silang abutin..
nagkasakit na nga ako ng trauma sa mga magnanakaw..
tapos hindi ko na rin makita ang future ko, takot kasi ako na baka kapag sumubok na naman akong lumaban sa buhay (lalo na kung mag-isa na lang ako) - eh baka tamaan na naman ako ng malas at mabigo lang..
tanggap ko na, ito talaga ang kaparusahan ko sa pagtalikod ko sa mga diyos - ang unti-unting kamatayan..
mas masuwerte pa nga yung iba na namamatay na lang kaagad..
kesa sa akin na more on psychological ang pag-atake...


---o0o---


suko na ako..
kaya please lang, ayokong makarinig ng motivation mula sa mga taong mas masusuwerte pa kesa sa akin..
ayokong makarinig mula sa mga taong hindi pa nararanasan lahat ng sunud-sunod na kamalasan na natamo ko na..
sawa na akong makipag-usap sa mga taong nanghihinayang sa failures ko..
sawa na akong makipag-usap sa mga taong tanong nang tanong kung anong gusto kong gawin sa buhay, but then uutusan naman ako ng kung anong magagawa ko..
pagod na akong makipag-usap sa mga taong nakaka-appreciate sa buhay, at nag-iisip na masama ang mag-suicide...

kailangan ko lang ngayon ng mga bagong kakilala..
mga taong may access sa maramihang sleeping pills..
yung gagawin lahat para sa pera..
yung hindi ako pakikialaman sa pagdedesisyon ko para sa sarili ko..
ayoko namang dumaan pa sa doktor, dahil maniningil na nga yun para sa pagrereseta tapos eh
hindi ko naman sigurado kung sapat na pills na yung makukuha ko sa reseta nila...

bakit sleeping pills..?
ang totoo i don't know what it feels like to die using such..
ni hindi ko nga alam kung anong pakiramdam ng patulugin nun eh..
naiisip ko lang na since ganun yung tawag dun, eh baka naman tulog na ako nang mahimbing bago nila tuluyang sirain ang katawan ko..
siguro hindi naman yun masakit, o magko-cause ng ingay..?
at ang pinakamahalagang tanong eh epektib ba talaga siya sa pagpatay...?

kung mamamatay na lang kasi ako..
matitigil na ako sa pag-iisip..
matitigil na ako sa pamo-mroblema..
matitigil na talaga ako sa pagsasalita ng tungkol sa mga negatibong bagay..
matitigil na ako sa pangangarap..
matitigil na ako sa pag-aalala para sa mga gamit ko..
matitigil na yung phobia ko sa mga magnanakaw..
mawawala na rin yung takot ko sa masakit na kamatayan..
bukod dun..
hindi ko na rin aalalahanin kung anong isusumbat sa akin ng mga biologicals ko kapag nawala na ako...

ang kailangan lang naman eh hindi nila mapakinabangan lahat ng mga pinaghirapan kong makuha...

para sa ikapapayapa at ikatatahimik ng isip ko...


---o0o---


gusto kong mabura ang existence ko hindi lang dahil pagod na ako sa pakikipaglaban sa sarili ko..
gusto kong burahin na rin ang existence ko para makalimutan na lang sana ng iba lahat ng panget na mga alaala at kahihiyan na idinulot ko sa kanila...


---o0o---


basta..
kung matupad ko man yung last goal ko o mangyari na lang sya ng natural..
eh simple lang yung mga patakaran:
- bawal ang burol o lamay o pagluluksa
- bawal mag-alay ng kahit na anong uri ng dasal o panalangin para sa akin
- at kailangang i-cremate ako kaagad para tuluyan nang masira ang katawan kong 'to

yun na yung last kong chance para mapatunayan kung totoo man ang mga diyos na yan..
kung akong mali edi susubukan kong warning-an ang mga natitira pa sa mundo..
at tatanggapin ko ang lahat ng naghihintay na kaparusahan sa akin sa impiyerno..
pero kung sakaling ako ang tama, edi suwerte ko na lang..
mapapayapa na ako at magkakaroon ng katahimikan for eternity...


---o0o---


April 5, 2014...

sa ngayon gusto ko na lang munang malungkot..
sobrang sakit kasi..
at sobrang bigat ng pakiramdam ko..
pero ang mga tao naman sa paligid ko, eh pilit na ipinapasa pa sa akin ang mga problema nila...

hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa niyang magsinungaling sa akin..?
kung bakit kailangang magpabagu-bago ang mga sinasabi niya..?
nagkamali ba ako sa tanong ko..?
o napilitan lang ba siyang magbigay ng mga sagot niya, para lang matapos na ang 'bawat' usapan..?
bobo ako, tanga, at siguro nga insensitive..
hindi ko naisip na sa ikalawang pagkakataon eh nabubuwiset na pala sa existence ko yung babaeng gusto ko..
akala ko kasi eh 'okay lang'..
na pwede na ulit akong maglalapit sa kanya..
na pwede ko nang iparamdam yung feelings ko para sa kanya..
yun pala eh gustung-gusto na naman niya akong ipagtabuyan palayo...

why does she hate me so much..?
ano bang nagawa ko sa kanya..?
siguro nga napaka-undesirable ko bilang lalaki..
pero hindi ko maintindihan kung bakit parang ruming-rumi siya sa akin, at sa nararamdaman ko para sa kanya..?
ni hindi ko man lamang siya pwedeng mas makilala nang lubos..
'wag na'..
'hindi pwede'..
ano bang rason kung bakit hindi talaga pwede...?

nakakahiya ang mga ginawa ko..
sinayang ko na naman yung mga oras niya..
pati oras ng parents niya eh sinayang ko na rin minsan..
nagi-guilty ako..
naipahiya ko lang yata siya sa family niya ng dahil sa lahat ng ginawa ko..?
naipahiya ko rin siya maging sa mga bisita nila noong mismong araw na ibinigay ko sa kanya yung red roses, chocolate, at letters ko...

bakit ba kasi hindi na lang yun yung sinabi niya sa akin noong una pa lang (sa ikalawang pagkakataon)..?
dapat diniretsa na lang niya ako na 'ayaw niya talaga sa akin' at na 'huwag ko na siyang lalapitan kahit na kailan'..
dapat naisip ko na kung anuman yung mga isinagot na niya sa akin noong unang beses - eh yun na nga yun..
gaano ba talaga kahirap na maging totoo sa harap ng ibang tao..?
hindi ba mas naiwasan sana niya na mabuwiset sa akin kung sa simula pa lang eh idinispatsa na niya ako..
i trusted her words, pero wala naman palang totoo sa mga yun..
nawawalan na talaga ako ng tiwala sa mga tao...

piece of advice..
hindi maganda kung pabagu-bago ka ng mga binibitawan mong salita..
dahil kung parati mo yung gagawin - paano pa malalaman ng ibang tao kung kailan ka nagsasabi ng totoo at ng hindi..?
kung ayaw mo na nilalapitan ka ng mga taong hindi mo naman gustong umaali-aligid sa'yo..
mas mabuti pa kung sa umpisa pa lang sabihin mo na kaagad sa kanila yung totoo..
kesa naman magbibigay ka ng mga 'safe' na pahayag na kesyo 'okay lang', o 'sa isang araw na lang'..
dahil hindi matatapos dun ang mga bagay-bagay..
ang dapat sa mga basura itinatapon na habang maaga pa, kesa naman mabulok o kumalat pa lalo...

sobrang sakit ang magmahal o magpahalaga ng taong wala namang pakialam sa'yo..
bukod pa yung malaman mo na ruming-rumi pala siya sa pagkatao mo..
na kung pwede lang eh isusuka niya yung fact na nakilala ka niya..
kung kaya ko lang sanang burahin ang sarili kong existence para sa'yo..
yun na lang ang gagawin ko...
 

feeling Potassium.....


A Laptop Sideline - March 31, 2014 (Surge of Thoughts)

at natapos na nga..

may mga natutunan rin nga naman ako mula sa kabiguan kong ito..
at yun ay - na hindi na dapat ako nagtitiwala sa salita ng ibang tao..
o mas tama sigurong sabihin na hindi na dapat talaga ako magtiwala sa mga taong hindi ko pa naman nakilala noon..
how can you trust the word(s) of someone who never tells you the truth..?
kung parating babaliktarin ng isang tao yung mga nasabi na niya noong una..
eh magiging mahirap na para sa ibang tao na ma-determine kung kailan siya nagsasabi ng totoo at ng hindi..
hindi mo pwedeng asahan na parating magiging totoo ang ibang tao sa'yo..
kaya naman mas mabuti pang huwag ka na lang magtiwala sa kahit na kanino...

more than a year, 8 months, at 2 months..
kasalanan ko dahil napabayaan kong ma-develop yung feelings ko para sa kanya..
from September 27, 2011 to March 29, 2014 - halos 3 taon din yun..
halos 3 taon kong inasam yung pagkakataon na mas makilala siya sana..
mula sa impresyon ko sa kanya na para siyang mukhang lalaki (na kamag-anak ng isa kong hipag)..
hanggang sa tuluyan na niyang mabihag ang aking pagtingin...

itong bagay na 'to na parang pag-ibig na nga..
hindi ko naman hinanap 'to eh..
dumating na lang 'to sa akin sa panahon na walang-wala rin ako..
at wala akong kakayahan at karapatan na magmahal ng kahit na sino...

sabi ng ibang tao na masyadong maliit lang yung mundong ginagalawan ko..
kaya hindi ko dapat limitahan ang sarili ko sa 'kanya'..
pero tama nga bang solusyunan ko yung sakit na dinulot niya sa puso ko sa pamamagitan ng pagpapalawak pa sa mundong ginagalawan ko..?
ano bang magandang idudulot nun..??
paulit-ulit na akong nasasaktan, hindi lang ng dahil sa babae..
kaya paano naman ako makasisiguro na hindi na yun mauulit sa akin..?
ayoko nang muling ibuwis ang puso ko - tuluyan na akong nawalan ng tiwala sa mga tao...
at yung totoo, mas masakit na ngayon para sa akin ang dating ng mga encouragement mula sa iba...

bakit ayoko nang maghanap..?
dahil takot na akong muling matapat sa babaeng kagaya niya..
sa babaeng halos katulad lang nung Lider noon..
i don't have anything against that girl now..
kasi more or less eh alam ko na yung totoo mula mismo sa kanya..
pero siyempre hindi ko maiwasan na i-compare yung naging istorya ko sa kanilang dalawa..
dahil malaki talaga yung pagkakahawig 'nila' (yung plot ang ibig kong sabihin)...
ibig lang sabihin neto na sobrang daming beses ko nang nabiktima ng iisang 'pakagat' na teknik ng mga babae...

sa pananaw ko..
hindi dapat na kusang hinahanapan ng kapalit ang mga taong mahal mo..
dahil kung ganun rin lang ang gagawin mo - eh paano mo yun natawag na pagmamahal..?
dahil ba dapat parating unahin ang pagmamahal sa sarili..?
eh kaya mo nga mahal yung taong yun eh - dahil siya yung gusto mo para sa sarili mo...

ang ibuwis ang lahat sa ngalan ng pag-ibig..
ang puso, kahihiyan, oras, effort, at maging salapi..
umabot ako hanggang sa 2nd key move ko..
pero hindi ko pa rin nasulit yung pakiramdam...

10 to 13 moves sa loob ng mahigit lang sa 2 buwan..
yun lang sana yung hinihiling kong pagkakataon para subukang makasama siya..
pero hindi pa 'nila' ako nagawang pagbigyan..
ginusto ko sanang malaman kung anong pakiramdam kung mahahawakan ko nang mas matagal ang kanyang kamay..?
kung anong pakiramdam kung mayayakap ko siya mula sa kanyang likuran..?
ginusto kong maramdaman kung gaano kalambot yung pala-ngiti niyang mga labi..?
ginusto ko siyang makasamang lumabas kahit na minsan lang, habang suot niya yung favorite Samba dress niya na ite-terno dun sa ireregalo ko sanang white wedge para sa darating na birthday niya..?
ang totoo, 'Kitten' yung palayaw na gusto ko sanang itawag sa kanya kapag naging close kami..
pero ikinalulungkot kong sabihin na wala nang matutupad sa mga pangarap kong iyon..
siguro dahil hindi naman niya talaga ako gusto simula pa lang noong una..?
o siguro dahil alam 'nilang' mahirap lang ako at hindi isang propesyunal..?
o siguro dahil din sa hindi naman ako miyembro ng Iglesia ni Cristo...?

nasira ko lang yung alaala sa kanya nung flowers last September 2013..
kung noon eh parang napaisip pa siya at napa-comment..
dun sa ikalawang flowers eh tila nadurog lang yung impression niya para doon sa 'nauna'..
na parang ang naging dating na lang sa kanya eh ngek!? 'ikaw lang pala yun!'..
at nasira ko lang yung naging misteryo noon...

for almost 1 year (magkakilala na kami noon) - pero kahit na kailan ay hindi man lang niya ako natawag sa pangalan ko..
isa rin yun sa nakakapanghinayang na bahagi ng love story ko..
siguro ganun talaga ako ka-undesirable..?
na walang ibang tao na gugustuhin na makilala man lang ako..
na isusuka nila yung fact na nakahalubilo ko sila..
sa tantsa ko eh iwas na rin yung pamilya niya sa paglapit sa akin..
hindi ko na kasi sila nagiging kliyente ngayon..
at doon na sila sa tindahan sa malayo nabili ng mas mahal na kaunti na yelo..
last September pa yata noong huli silang bumili dito sa amin..
ganun na siguro sila narurumi sa akin nang dahil sa naging feelings ko para sa isa nilang kapamilya..
mukhang nasira ko talaga ang mga bagay-bagay simula ng mahalin ko siya...?

sobrang kahiya-hiya na siguro ang tingin sa akin ng lahat ng nakakaalam dun sa insidente..
isang makapal ang mukha..
na mahirap lang..
na completely undesirable..
na ba-basted-ing Potassium..
yung Stepmom niya..
yung Half-Brother niya..
yung bisita nilang babae..
at lahat ng iba pang nakaalam ng tungkol sa ginawa ko noong araw na yun..
siguro lahat sila eh pinagtatawanan na lang ako ngayon..
kung pwede lang sana na mawala na ako dito sa lugar namin..
kung pwede lang sana na matapos na kaagad ang miserable kong buhay...

ni hindi man lamang ba ako deserving para sa isang 'sorry'..?
bakit wala man lang sa 'kanila' ang nagsabi sa akin na nakakagulo na pala ako sa kanila..?
bakit hinayaan nila na humantong pa sa ganito ang lahat..?
yung pakiramdam na unintentionally nakapag-iwan ka pala ng 'panget' na mga alaala sa taong gusto mo..
kasi inakala mo na 'okay' lang na lumalapit-lapit ka sa kanya..
pero yun pala eh ang totoo ay buwiset na buwiset, at iritang-irita na siya sa'yo, at matagal ka na niyang gustong i-dispatsa..
yung pakiramdam na nagiging panggulo lang pala para sa ibang tao ang existence mo...

naalala ko yung istorya nung isa kong mabuting kaibigan habang umiinom kami - patungkol yun sa sermon..
ang totoo, minsan na siyang nagkaroon ng girlfriend na mula sa INC, kaya pumasok sa isip ko na baka hindi naman talaga imposible na magkatuluyan ang dalawang tao na nagmula sa magkaibang sekta..
at mabalik dun sa birong-kuwento niya - sa tingin ko eh 'ganun' nga yung posibleng maging eksena sa Sambahan considering their number..
hindi ko alam kung gaano ka-accurate yung balita na hindi 'sila' pwedeng makipagrelasyon sa mga taong taga-ibang sekta o relihiyon..
ano ba kasi ang purpose nung ganung patakaran..? - para makapag-maintain o retain sila ng mga members, o di kaya eh para maka-recruit ng mga bagong kasapi..??
pero 'kung' totoo man yung ganung patakaran, eh siguro'y mabuti pa kung hindi na rin sila makikihalubilo sa mga itinuturing nilang 'iba'..
bumuo na lang siguro sila ng sarili nilang lungsod, probinsya, o bansa..
sila-sila na lang ang magsama-sama nang hindi na sila nakaka-attract ng 'iba'..
kung may ganun kasi talagang patakaran - eh ibig lang sabihin nun na hindi pantay-pantay ang turing 'nila' sa mga tao..
hindi kailanman maituturing na 'tama' ang isang paniniwala kung masyado itong mapagmataas..
sa pananaw ko, ang focus dapat ng mga paniniwala eh para magbuklod ng mga tao - hindi ang i-differentiate at ibukod sila mula sa isa't isa..
may mga kakilala naman ako na mula sa magkaibang sekta pero hindi naman sila tinutulan ng mga simbahan nila upang sila'y magkatuluyan..
kaya hindi ko talaga naiintindihan kung bakit may 'ganun' pang patakaran - na halos katumbas na ng pagiging racist..
kaya naman simula ngayon, eh hindi na ako makikihalubilo sa mga taga-INC na yan..
wala naman akong sapat na rason para kamuhian ang simbahan nila..
i'm not sure kasi kung related nga ba yung istorya ko sa grupo nila eh..
pero hindi ko talaga maiwasang uminit ang ulo kapag nakakabasa ako ng article tungkol dun sa 'isyu' na yun..
basta, iwas-INC na lang ako parati para iwas gulo..
are naman ay pananaw ko lang bilang isang Observer...

tungkol naman sa impiyerno at sa mga demonyo..
natural na bahagi na ng mga tao ang kabutihan at ang kasamaan..
kaya yun siguro yung dahilan kung bakit pati konsepto ng mga 'nakatataas' eh hinahati nila between good &amp; evil..
na para bang hindi nila matanggap na magkakambal na ang mga iyon - at gustung-gusto nilang iwaksi yung evil..
ang diyos at si Satanas - hindi ko talaga magawang paniwalaan na magkahiwalay ang dalawang entity na yun..
kasi kung ang diyos ang lumikha sa lahat ng bagay na nag-e-exist..?
kung siya ang lumikha sa dati niyang anghel na si Lucifer daw..?
edi ibig sabihin na sa kanya rin nagmula yung kasamaan..?
eh alangan namang si Lucifer ang mismong lumikha nun out of nothing..?
at tsaka kung talagang kalaban ng diyos ang mga demonyo..?
eh bakit hindi na lang niya tapusin ang mga ito, since sa kanya nga rin sila nagmula..? - para wala ng problema..
eh sino ga namang tanga ang maniniwala na magagawang ipagkatiwala nito ang kanyang mga nilikhang tao o kaluluwa sa impiyerno na teritoryo ng mga kalaban niyang demonyo..?
ganun ba siya katanga para tulungan pang lumakas ang puwersa ng kalaban niya..?
o itinuturing ba niyang basura lahat ng naging makasalanan niyang nilikha..?
sa tingin ko kasi, kung totoo man sila - eh iisa lang talaga silang entity..
o di kaya eh magkasabwat talaga sila kung kaya't may konsepto pa ng pagbubukud-bukod ng mga kaluluwa..
alangan naman kasing i-share mo yung mga nilikha mo sa isa mo pang nilikha (lalo na kung depektibo ito) para lang dito na sumapi ang mga ito..?
at hindi pwede yung 'eh sa ganun yun eh' na klase ng reasoning para sa argumento na 'to...

sa ngayon, wala na talaga akong makitang rason para mabuhay pa..
hindi ko afford yung propesyon na gusto ko..
hindi ko rin afford yung hobby ko..
walang taong nagmamahal sa akin - yung tipo ng pagmamahal na gusto kong maramdaman..
at malas ako sa halos lahat ng bagay na ginagawa ko..
matagal ko nang hindi nagugustuhan ang existence ko, bago ko pa man siya nakilala..
kaya gusto ko na lang na tuluyan na lang na maglaho..
kaya simula ngayon..
pag-aaralan ko na lang kung paano ko mapapatay ang sarili ko nang hindi naman ako gaanong nasasaktan..
doon ko na lang ipo-focus lahat ng natitira kong enerhiya sa buhay..
kung tutuusin eh madali lang yun para sa iba eh..
kaso eh takot akong masaktan..
at takot ako na baka naman pati sa pagsu-suicide eh malasin din ako - at ako'y maka-survive lang nang maka-survive..
kaya kailangan kong makabuo ng mas mapayapa at epektibong paraan...

---o0o---


isa sa mga wild kong pangarap..
eh ang makapag-piloto ng isang Knightmare Frame o di kaya ay isang Gundam Unit..
basta yung may cloaking mechanism..
flight-capability..
at may long-range na high-powered particle beam weapon..
bukod pa dun yung paggamit ng renewable energy source...

tapos eh papaslang ako ng mga hindi kanais-nais na grupo ng mga tao dito sa mundo..
yung tipong magpapasabog ng matataong tore sa mga piling araw, like twice a week..
at tsaka magpapalubog o magpapasirok ng mayayabang na barko at eroplano dyan sa tabi-tabi..

maganda sanang libangan yun lalo't inip na inip na ako sa buhay eh..
kaso ay hindi pa yun naaabot ng teknolohiya ng mga tao sa ngayon eh...


A Laptop Sideline - March 29, 2014 (THE END - Red Roses Tragedy)

March 29, 2014...

[thought sa madaling araw]
konting tulak pa siguro..
gusto ko ng concrete na sagot..
ayokong mag-assume base lang sa mga actions niya..
dapat straight to the point..
para sigurado ako na wala naman akong pagsisisihan kapag bumitaw na nga ako nang tuluyan..
considering na rin that this is the last chance for me para makaramdam ng ganito...

yung Potassium..
hindi ko rin naman alam kung ako nga yung tinutukoy niya eh..
ito ang tinatawag na kaparusahan para sa mga recon specialist na katulad ko..
i may be able to see everything, pero hindi ko naman talaga made-determine kung ano sa mga yun yung 'tama' at 'eksakto' na data...

basta itutuloy ko na 'to today..
gagamitin kong pawn yung flower plan..
tapos, i'll try to make sure na bibigyan naman niya ako ng konting time para makausap ko siya..
didiretsahin ko na siya at hindi ko na patatakasin nang wala man lang siyang binibigay na matinong sagot..
wala na akong pakialam dun sa number niya..
gusto ko na lang malaman kung handa ba talaga siyang magpaligaw sa akin o hindi..?
technically speaking - kung okay ba talaga para sa kanya na nilalapitan ko pa siya, o kung mas gusto ba niya na layuan ko na lang siya nang tuluyan...?

anuman ang mangyari..
anuman ang maging resulta ng gagawin ko..
at least, andun na rin yung mga letters ko to back me up..
hindi ko man magawang sabihin sa kanya ang lahat sa personal..
kahit papaano eh malalaman rin niya ang halos lahat-lahat ng nilalaman ng puso at isipan ko, kahit na bumitaw na nga ako...

good luck na lang sa isang Potassium na kagaya ko..
baka ito na nga 'yun' kapag nagkataon...
— feeling , Potassium pa rin...

---o0o---


[ikinasa na]
wala nang bawian 'to..
naikasa na eh..
kanina pa ako nanggaling sa Flowers &amp; Greens, mga pasado 8:00 AM..
tapos yung Toblerone eh hinanap ko pa sa tatlong magkakaibang supermart at grocery store, hanggang sa mapagod na ako kaya dumiretso na ako sa 7/11..
sayang kasi wala na nung red na Valentine theme, kaya black na lang yung binili ko - kesa naman Ferrero na husto lang sa mahal..
ang medyo bad news, lumabis ako sa budget dahil sa chocolate.. nag-increase din kasi yung presyo nung flowers pati yung delivery fee eh..
kaya there's no holding back now...

5:00 to 6:00 PM yung naibigay kong delivery time..
sayang nga eh, dahil hindi pa pala umaalis si Crush ngayong araw, hindi pa siya nanliligo hanggang kaninang 1:02 PM...

sana lang hindi siya umalis ng bahay ngayong hapon..
makisama ka naman FATE..
ibalato mo na sa akin areng posibleng huling pagkakataon na 'to...

good luck na lang sa sacrificial pawn ko...
— feeling , Potassium...

---o0o---


[THE END]
before 5:48 PM nangyari ang lahat...

kinabahan pa ako dahil halos bantayan ng lahat ng tao ang galaw ko..
yung biological demon sperm donor ko na naisipang tumambay sa may kalye namin..
yung biological brother ko na nagtataka sa ikinikilos ko sa bahay na inuupahan niya, kung bakit may mga bagay akong inihahabilin doon..
at yung biological mother ko na talagang pinagmasdan na ako at yung delivery guy sa mga huling sandali bago kami tuluyang dumiretso sa bahay ng Espasol...

ayun..
pagkakita pa lang sa amin ni Ma'am sa may gate nila eh parang sumimangot na..
para bang nasira ko yung araw niya ang dating ng itsura niya, parang nainis sa akin..
ewan ko ba kung seryoso lang siya o ano..
basta hindi na siya yung Ma'am na nakausap ko dati na nagagawa pang ngumiti at bumati..
i guess she had no choice, kaya tinawag na rin nga niya yung Espasol mula sa loob ng bahay nila...

pagkalabas ng babaeng mahal ko eh may kasunod siyang babae..
isang bisita na mas maganda pa nga kesa sa kanya..
at napahiya naman ako nung makita ako nun..
pagkakita pa lang niya doon sa red roses na dala nung delivery guy eh nag-react na siya..
may ngiti, na umiiirap yung mata, 'heto na naman' daw..
parang nailang siya na nainis sa ginawa ko..
pero kahit na sa mga sandaling yun hindi pa rin nabubura yung pagsulpot ng mga ngiti niya - na talaga namang kinaaasaran ko na...
inlove ako dun - but it doesn't seem 'real'...

pagkaabot sa kanya nung red roses..
eh inabot ko na din kaagad yung letters and dark chocolate, bago pa siya makatakas..
hindi ko na maalala kung nag-thank you man lang ba siya..
parang hindi na kasi eh..
tapos nag-request na ako kung pwede ko ba siyang makausap..
doon na niya ako kinausap sa garahe nila..
pumasok na rin ako, kasi ayokong mapahiya sa mga dumaraan na tao eh..
i tried to explain na hinihingi ko lang sana yung number niya dahil gusto ko na ngang umakyat ng ligaw sa kanya..
para mas madaling mag-schedule, di ga..?
pero ang mga nasabi lang niya eh 'wag na' at 'hindi pwede'..
basta may moment noon na iniwan niya ako pansamantala para itabi muna lahat ng items na ibinigay ko...

pagkabalik niya, parang gustung-gusto na naman niya akong i-dispatsa na..
i think she was whispering things as i was talking to her, pero hindi ko talaga yun maintindihan..
halos wala siyang ibang sinasabi, repetitive lang talaga..
ni walang justification why i can't at least try to get close to her..
so i had no choice but to ask her specific questions..
basically, it's a wrong move - dahil parang mas napagbibigyan mo ang isang taong ayaw magbigay ng detalye na itago na lang nga kung anuman yung nasa isip niya..
i asked her kung ang ibig ba niyang sabihin sa 'huwag na at hindi pwede' eh hindi ko talaga siya pwedeng ligawan..?
oo daw..
as in hindi siya komportable sa lahat ng ginagawa ko para sa kanya..?
oo daw..
as in kailangan ko ng itigil kung anuman ang ginagawa ko for her..?
oo daw...
ang kaisa-isang bagay siguro na nakalimutan kong itanong sa kanya na gusto ko talagang itanong, pero kailangan ng sobra-sobrang kapal ng mukha..
eh kung hindi ba talaga niya ako gusto, as a person..?

it was useless..
dahil wala talaga siyang balak na mag-explain..
kasalanan ko pa yata coz i didn't ask her to..?
ni wala man lang pampalubag loob na kesyo 'sasayangin ko lang ang oras ko sa kanya'..
kaya naglabas na lang ako ng sentimiyento ko..
i told her na hindi naman talaga ako umaasa pa na magiging kami..
na alam kong kung anuman yung mga nasabi na niya noong 'una', eh yun na yun..
na noong nalaman ko na wala pa namang magagalit dahil wala pa siyang boyfriend..
eh i just thought na baka naman pwede kong sulitin yung pagkakataon na yun..
dahil gusto ko pa sana siyang mas makilala..
at na gusto ko sanang mas maging 'open' sa kanya, regarding my feelings...

at ang parting words ko:
sorry sa lahat ng naging abala ko sa kanya..
thank you sa oras na ipinahiram niya sa akin..
at na hindi ko na ulit siya guguluhin kahit na kailan..
kailangan ko ba talagang ihingi parati ng paumanhin yung feelings ko...?

tapos nagpaalam na ako..
kusa na akong lumabas ng gate nila..'
habang pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko...

pagkauwi ko ng bahay..
bahagya lang akong nag-record ng mga memories ko..
tapos naiisip ko sa sarili ko na kailangan kong umalis ng mga oras na iyon..
na hindi pa ako pwedeng umiyak noon at doon..
nagbilin ako sa biological mother ko kung anong mga kailangan niyang gawin sa darating na gabi..
tapos eh umalis na ako..
mabuti naman at no comment na lang yung tsismosa sa mga 'nakita' niya...

karipas na ako sa pag-alis sa isinumpang lugar namin..
ang lugar na puros masasamang alaala na lang ang idinulot sa akin..
habang nasa daan, pinipigilan ko pa rin ang sarili ko na maiyak..
naaalala ko kasi noon lahat ng mga bagay na sinabi ko sa kanya..
sa personal, at pati na rin yung sa sulat..
i was thinking if na-appreciate man lang ba niya ako - kahit na minsan lang, kahit na papaano..
but it never seemed that way...
sa jeep eh maluha-luha na ang mga mata ko..
habang nagte-text ako sa mga kaibigan ko tungkol sa mapait kong sinapit sa kamay ng Espasol..
humihingi ng sympathy kumbaga..
tapos pagkadating ko sa bahay ng isa kong mabuting kaibigan..
eh hindi pa pala niya nababasa yung text ko sa kanya na makikituloy muna sana ako sa kanila..
binasa nga niya yun nung andun na ako..
tinanong niya kung 'ganun' nga ba daw yung nangyari - game over..
tapos hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag-iyak..
kinagabihan eh inilabas ko ang sama ng loob ko sa Red Horse at Tanduay Ice..
kasama ng iba pang mga mabubuting kaibigan...

disappointed ako dahil hindi na ako nakaabot sa 3rd key move ko..
haaay..
paano ko ba ise-celebrate ang birthday ng babaeng mahal ko ngayon..?
mabuti na rin nga na natapos na 'tong istorya na 'to..
mula sa Untimely Love Story ko hanggang sa mga Laptlop Sideline..
at least alam ko na na wala naman talaga akong dapat ng asahan mula sa kanya..
yung letters ko - sana lang talaga binasa man lang niya ang mga yun..
sa kanya ko na iiwanan ang puso ko..
at gaya ng pangako ko sa sarili ko - hindi na ulit ako magmamahal ng ibang babae..
unless may manligaw sa akin na tipo ko...

oo, nahulaan ko na yung magiging ending nito..
pero hindi ko pa rin naiwasan na masaktan nang sobra eh..
kumagat ako sa mga misleading niyang pahiwatig..
i trusted her word - their word..
na pwede akong maghintay until she graduates..
na okay lang sa kanya na muli kong ilapit ang sarili ko sa kanya..
at maging dun sa possibility na makukuha ko yung cellphone number niya..
kahit maliit lang na bagay ipinagtampo ko na...

nabaon lang ako sa kahihiyan..
right timing na wrong timing eh..
pinagkaloob sa akin ng FATE yung pagkakataon na yun - para matapos na ang lahat..
kaso marami rin namang sabihin na nating naka-saksi sa pangyayaring yun..
kumbaga, bakit hindi na lang naging mas pribado naman yung tagpong yun..?
nabigo ako sa harap ng maraming tao..
more accurately - nabigo ako sa pagkakaalam nila..
dun sa bobo kong biological mother na hanggang sa mga huling minuto bago ko ginawa yung last move ko, eh sigaw pa rin nang sigaw sa may kalye..
most probably, nai-tsismis na niya yung tungkol sa ginawa ko sa mga kasama namin sa bahay..
at pati na rin dun sa mga bisita ng pamilya nung Espasol noong hapon na iyon...

no thoughts..
no photos..
ginulo ko lang talaga siya..
wala man lamang good impression..
sabi nga ni John Mayer - i'd rather be a mystery than she desert me..
gaano ba kasi talaga kahirap na maging matapat sa ibang tao, and to just tell them to 'stay away'...

honestly, mas nawalan tuloy ako ng rason para ma-appreciate nga ang buhay..
ganun na nga ako dati eh, tapos 'nadagdagan' pa..
sobrang unfair eh..
sobrang naging unfair niya..
sobrang unfair ng lahat ng bagay na patungkol sa akin - hindi lang yung may kinalaman sa kanya..
i could have received a more decent ending kung naging matapat lang siya sa nararamdaman o iniisip niya..
i just don't get her...

pakiramdam ko tuloy na kaparusahan ko 'to dahil sa pagtalikod ko sa mga diyos..
na baka ito yung paraan nila - ang lahat ng mga kamalasang nangyayari sa buhay ko - para ipabatid sa akin na nagkamali ako, in my face...
yung pakiramdam na walang magmamahal sa'yo, at na magkakamali ka lang sa lahat ng gagawin mo..
lahat ng 'to ng dahil lang sa paghahangad ko na magmahal ng isang babaeng kasapi ng Iglesia Ni Cristo..
baka nga hindi ganito kabigat ang pakiramdam ko kung sinabi na lang niya na yung INC na yun ang dahilan kung bakit hindi pwede eh...

---o0o---


dreams of the morrow hath the shattered soul..
pride is lost..
wings stripped away, the end is nigh..

the fates are cruel..
there are no dreams, no honor remains..
the arrow has left the bow of the goddess...

- Loveless, from Final Fantasy VII: Crisis Core

---o0o---


at dito na nagtatapos ang Alamat ng Potassium...

---o0o---


all i wanted was a chance to love her..
what i got myself into is a chance to hurt & hate myself some more...



A Laptop Sideline - Almost The End of March 2014 (Potassium - Pota na nga. Assuming pa!)

March 22, 2014...

home alone by 5:44 PM..
tapos lumabas ng bahay, paloob ng subdivision, by 6:01 PM..
nasalisihan nga niya ako sa muli niyang pag-alis, ang she got home again by 7:19 PM...

nagtaka ako kung bakit hindi siya nagbubukas ng ilaw sa garahe nila, naisip ko tuloy na baka hindi siya makapasok sa loob ng bahay nila..
i was thinking kung dapat ko ba siyang puntahan doon at kumustahin..
kaso it was still a day before her graduation, and thinking of committing another 'violation' makes me feel guilty...

mga bandang 8:08 PM na nakauwi noon ang mga kapamilya niya...

---o0o---


March 23, 2014...

10:08 AM siya umalis sa kanila kasama ang tatay niya, at dala yung SUV nila..
mukhang graduation na nga ng bata..
kulot na naka-semi-ponytail na buhok, yung cream long-sleeves nilang uniform sa tourism, black skirt, black stockings, at black pumps...

yung mga naiwan eh nag-setup na ng sound system sa bahay nila dito..
pero technically, hindi yun videoke...

5:45 PM noong makauwi yung mag-ama..
at iniharang na noon yung SUV sa view ng garahe nila..
kin-ongratulate siya pagkababa niya ng sasakyan..
tas may nagbiro pa sa kanya na 'pwede na daw siyang mag-boyfriend'...

medyo marami rin silang bisita noong araw na ito..
kaya naisip ko na mabuti na lang kako at ibinigay ko na yung regalo ko sa kanya nang maaga..
dahil kung hindi, eh malamang hindi na ako nakasingit sa kanya sa mismong araw ng party niya...

medyo gabi na pero malakas pa rin ang kantahan nila..
yung iba eh okay lang naman yung lakas ng boses, pero yung isang babae sa kanila eh kina-career ang mga kanta..
mahusay naman siya, kaso malakas talaga siyang kumanta..
kumakanta rin yata noon si Sir kung hindi ako nagkakamali, mga oldies at mahusay rin ang singing-voice ni niya..
kaso by 10:55 PM, eh naglabas na ng saloobin si Sir over the microphone..
tila may mga nagre-reklamo na kasi sa kanila..
nasabi tuloy ni Sir na kapag ang iba naman ang may celebration eh hindi nakakarinig ang mga ito ng reklamo mula sa kanila, at tsaka na minsan lang naman sila magkaroon ng okasyon sa loob ng isang taon..
mga lokong mga yun..
basag-trip sa graduation party ng Crush ko..
unfair nga namang mga kapitbahay yun - mga walang pakisama...

---o0o---


March 25, 2014...

3 chances yung napalagpas ko sa araw na ito..
chance para makuha ko na yung cellphone number niya..
dalawa kaagad hanggang mag-tanghali...

by 12:57 NN eh lumabas na sila dala yung SUV nila..
kinabahan ako na baka vacation-mode na sila, kasi nag-padlock sila ng gate which is unusual..
buti na lang at mali ang akala ko..
umuwi naman sila by 5:43 PM...

gabi na noong mapadaan yung dalawa kong kaibigan dito sa bahay..
mga 7:16 PM noon, at nakatambay kami sa may tapat ng inuupahang bahay ng biological brother ko..
nagkataon rin na may mga bisita noon yung pamilya ni Crush..
isang lalaki at isang babae na sakay ng motor..
tapos hindi ko inaasahan, eh lumabas siya ng bahay at dumaan sa tapat namin..
bumili pala siya ng softdrinks sa tindahan..
yun sana ang 3rd chance...

pero hindi pa doon nagtapos yun..
noong papaalis na ang mga kaibigan ko sakay ng Revo nung isa, eh napansin ko na parang may nagsasalitang babae sa may poder nina Crush..
tapos bago ako tuluyang makapasok ng bahay eh may lalaki pang nagsalita nang malakas na 'kawawa ka naman'..
sino at ano naman kaya ang tinutukoy nun...?

---o0o---


March 26, 2014...

10:09 AM nang pumunta siya sa tindahan sa may looban..
sakto namang halos kaaalis lang noon ng parents nila para magsauli ng sound system..
kaya ayun, sinundan ko na siya doon sa may tindahan para sa mahaba-habang usapan..
bago ko pa man siya maabutan, eh natapos na siyang bumili at pabalik na ng bahay..
nakita niya ako..
kinumusta ko siya and congratulated her dahil sa pagkaka-graduate niya..
then i told her na kailangan ko na this time yung number niya - yung cellphone number niya, na kaagad naman niyang sinagot nang 'wag na'..
i tried to justify to her na i need that para naman hindi ko na siya naaabala nang dahil sa mga wrong timing na paglapit ko sa kanya, and na baka kasi magsimula na ulit siyang magluluwas..
sumagot naman siya na hindi pa naman daw siya aalis dahil magpapahinga pa siya..
sinabi niya rin na nakikita ko naman daw kasi siya dito sa lugar namin eh..
kinulit ko pa siya hanggang sa umabot na kami sa bahay nila..
i promised her na hindi ko naman siya kukulitin sa text eh..
tapos medyo napagbago ko naman yung isip niya..
'sa isang araw na lang' daw..
napasambit tuloy ako na 'bakit hindi pa ngayon'..?
pero matigas talaga siya eh..
at sumagot ng 'sa isang araw na lang ha, aalis pa ako eh'..
hindi ko talaga siya ma-gets... T,T

ang masama pa nun..
eh nahuli ako ng biological mother ko na kasama siya..
kaya todo tsismis tuloy yung matanda pagkauwi ko..
ano ba daw ang ginawa ko 'doon'..?
nagpa-load ba daw sa akin yung tao..?
tapos noong hapon ay may iba na namang mga hirit..
ano daw ang kailangan sa akin ni [Crush's Name]..?
hiningi ba daw nun ang cellphone number ko..?
ang kapal talaga ng mukha..
feelingera eh..
paniwalang-paniwala doon sa crush-tsismis na nabalitaan niya noon...

by 10:32 PM, "you call it 'jealousy', i call it 'fear of losing you'"..
mukhang may iba talaga siyang nagugustuhan na 'nakakasabay' ko lang eh..? T,T
by 10:54 PM, "Potassium. Pota na nga. Assuming pa!"
so i guess, ako yung Potassium sa buhay niya at sa istorya na 'to...? T,T


again, hindi ako dapat magpadala sa mga ngiti niya..
this is just like the first time - she seemed very approachable &amp; entertaining in person, pero yun pala eh gusto na niya talaga na tantanan ko siya..
ang mahirap lang neto eh masyado nang dumikit sa schedule ko ng panunuyo sa kanya yung mismong pagkakataon ko sana para mas mapag-aralan ko kung ano bang balak niya saken..
dahil sa totoo lang eh hindi ko maintindihan kung saan ba ako dadalhin nung conflicting statements niya - na parang 'pwede', na parang 'ayaw' din naman...
haaay, Crush..
nakakatakot ka talagang babae ka... T,T


hindi ko kailangang maging guwapo para gawin 'to..
hindi ko rin kailangang maging mayaman..
pero kailangan kong isaksak sa kokote ko na huwag na lang isipin kung anuman ang mga posibleng sabihin at isipin ng ibang tao tungkol sa akin..
lahat naman ng matuwid na lalaki eh dumadaan sa ganitong proseso eh - yun nga lang, natural ng talunan ang iba sa amin, katulad ko na lang..
mag-iipon na lang ako ng kapal ng mukha para magawa ko lahat ng kailangan kong gawin para sa mga susunod na linggo...

---o0o---


March 27, 2014...

5th at 6th chance naman ang napalagpas ko sa araw na ito...

feeling angry naman siya by 4:14 PM..
sino na naman kaya ang nagpainit ng ulo niya...??


kapag ba natutunan ng isang babae na mahalin ang isang lalaki na sabihin na natin na 'mostly' eh nadaan lang siya sa kakulitan, eh maituturing ba yun na tunay na pagmamahal..?
patas ba talaga na pag-aralan ka pang magustuhan at mahalin ng ibang tao - ano ka, exam..!??
bakit ba kasi hindi na lang pumili ang lahat ng mga babae ng sasagutin nilang lalaki na base sa kung anuman yung pamantayan nila ng kani-kanilang ideal man..?
sobrang unfair...

---o0o---


March 28, 2014...

dalawang nasayang na chance at isang nabigo...

by 9:33 AM eh nai-spot-an ko siyang pumunta ulit doon sa tindahan papasok ng subdivision..
medyo natagalan siya doon, kaya inakala ko na yun na yung tsansa ko..
naisip ko na sa halip na sundan ko ulit siya doon sa tindahan, eh aabangan ko na lang siya sa may tapat namin at doon ko na lang siya kakausapin bago siya tuluyang pumasok sa bahay nila..
kaso bago pa man siya makadaan sa may harapan namin, eh lumabas naman itong si Sir ng gate nila, at parang nagmasid-masid sa paligid..
binantayan na yata ang dati niyang bunso..
kaya ayun, tiklop tuloy ako...

by 1:22 PM naman nanyari ang 9th and last chance..
bumili ulit siya sa tindahan sa may looban..
at ako naman eh inabangan ko na siya sa may harapan namin..
pagkadaan niya eh in-ambush ko na nga siya..
inulit ko sa kanya na 'ano ga, isang araw na', to remind her of what she told me the other day..
kaso nagsinungaling siya eh..
'huwag na daw' at 'hindi pwede'..
nakita pa ako ng Half-Brother niya paglabas nito ng gate..
hindi na ako naka-angal sa pandaraya niya..
eh kasi naman umasa ako eh..
tapos pinagsarhan na niya ako ng gate..
iniwanan na niya ako na natigilan doon sa labas ng garahe nila..
pero napansin niya yata yun, kaya inulit na lang niya sa akin na 'huwag na'...

sobrang sakit na naman..
at nakakapanghina (importanteng araw pa naman bukas)..
pinaasa niya ako doon sa number niya..
tapos parati pa niya akong pinagsasarhan ng gate at iniiwanan kapag gusto ko siyang kausapin..
yun ba yung tinutukoy niya na 'okay lang' na lumapit-lapit na ulit ako sa kanya..?
sana naman eh sumagot na lang siya ng 'hindi'..
parang tanga na talaga ang tingin ko sa sarili ko neto...

last chance na 'to..
dahil suko na ako sa pagkuha ng number niya..
ruming-rumi na yata talaga siya sa akin eh...

ano..?
itutuloy ko pa ba talaga 'to..?
o suicide na lang kaagad...?

so ganito na lang..
after ng flower plan bukas, at sumama lalo ang resulta ng mga gagawin ko..
eh stop na..
iwi-withdraw ko na lahat ng plano ko..
at babalik na lang ako sa pangongolekta ng Star Wars..
at sa pagbabasa ng One Piece manga hanggang sa ako ay mamatay na sa wakas...

nakikini-kinita ko na..
everything will turn into a nightmare..
pati ba naman feelings ko kailangan ko pang ihingi ng sorry..?
isa talaga 'tong setup..
s-in-etup ako ng FATE to fell for that girl na hindi ko naman gusto noon, knowing that she'd only treat me as trash..
ito yung mga pagkakataon na pakiramdam ko na sana 'wala' na lang ako...


A Laptop Sideline - Third Week of March 2014 (INC)

March 17, 2014..
ano kayang meron today...?

---o0o---


March 18, 2014...

sabi sa Showbiz news..
bawal daw para sa mga Iglesia Ni Cristo na makipag-relasyon sa mga taga-ibang sekta..
na kailangan pang magpa-convert ng isa..
hindi ko lang alam kung gaano ka-teknikal yung ibig sabihin nun..
kung tumutukoy lang ba yun sa usapin ng pagpapakasal at pagsasama habambuhay..
o kung applicable rin ba yun tungkol sa boyfriend-girlfriend relationship...

wala lang..
nakakalungkot lang na makarinig ng ganung klase ng istorya..
nakakasakit ng damdamin eh... T,T

---o0o---


March 19, 2014...

ang medyo good news..
pina-evaluate ko sa Customer Support ng Rastaclat official website yung Snoop Lion na nabili ko..
nag-e-mail ako ng photos &amp; descriptions nung bracelet na nakuha ko..
and they said na original nga daw yung nakuha kong item..
sounds good enough... — feeling , pero bakit hindi niya na-appreciate yun...?


about the Iglesia issue..
if that's the case, then it wouldn't be right to invest on her emotionally..
kapag nagmahal ka, i think na normal lang na i-consider mo yung possibility na yung tao na yun na yung makakasama mo sa habambuhay..
dahil kung hindi - eh ano pang rason at pinili mo siya..?
for experience..?
pamparami ng tally ng mga naka-relasyon mo na para kang isang fighter plane...?

isa lang akong hamak na Observer, na may history ng pagiging Roman Catholic na Christian..
kaya ano naman ang karapatan ko na magmahal ng isang Iglesia ni Cristo..?
simula pa lang, wala nang rason para ma-inlove siya sa akin..
hindi rin naman siguro yung pamilya niya yung tipo na babalewalain na lang yung difference pagdating sa religion..?
at pati na rin yung difference sa estado ng mga buhay namin...?

at siyempre, ako naman eh walang rason para magpa-convert sa kahit na anong religion ng dahil lang sa isang babae..
oo, gusto ko siya, at posibleng mahal ko na nga rin siya..
pero hindi naman ako ganung kasama para manggamit pa ng kung kaninong simbahan - mas mababastos ko lang nun ang mga diyos eh..
i just think it's unfair, na bakit kailangan pang mag-demand ng conversion..
hindi ba pwedeng magrespetuhan na lang ng kanya-kanyang mga paniniwala..?
hindi ba talaga pwede ang pagkakapantay-pantay para sa mga tao..?
hindi ba talaga totoo na may iisa lang na diyos, at kailangan pa ng conflict sa mga sekta...?

---o0o---


March 21, 2014...

ano nga ba 'tong napasok ko..??
bakit ba naman kasi sa kanya pa ako nagka-gusto..?
parang imposible talaga eh..
ako man yung ma-inlove lalo sa kanya, o kung aksidente man siyang ma-inlove sa akin - anuman ang mangyari eh wala rin namang patutunguhan...

hindi naman sa completely impossible na masolusyunan yung problema..
i believe nakakilala na ako minsan ng babaeng willing na magpa-convert out of Iglesia just for the sake of love..
pero ang isa pa kasing problema sa akin eh - wala naman akong kinabibilangan na sekta para lipatan nya just in case eh..
at parang sobrang aga pa para isipin yung ganung bagay..
pero siyempre, kailangan kong i-consider lahat ng risk sa sitwasyon kong ito...

kaya ako nagtataka kung bakit ba gusto ko pa ring mag-exert ng effort..
magsayang ng pera..
magbuwis ng kahihiyan..
at i-risk na masaktan lang ang aking damdamin..?
gusto ko ba talagang gawin 'to para lang maranasan ko ulit kung paano magmahal..?
ano, liligawan ko siya at hihintayin ko na basted-in niya ako, o kung hindi man mangyari yun eh ako na ang kusang titigil at magpapaalam once maabot ko na yung limit ko...?

kahit na papaano ko pa isipin..
mas tunog-praktikal pa rin talaga na mangolekta na lang ng Star Wars habambuhay..
o kahit nga siguro ang umarkila na lang ng pokpok na teacher eh mas magandang ideya eh..
kahit na yumaman pa yata ako in an instant eh bawal pa rin ako para sa kanya..
ano ba talaga ang gusto kong mangyari..???


Ang Alamat ng UAAP Women's Volleyball Season 76

hindi po akin areng picture ha, kitang-kita naman doon sa taas (upper right portion) kung para kanino ang copyright nare eh.. thank you sa kanya..
ako'y nakiki-share lang po ng moment dahil wala naman ako doon sa venue para makuhanan ng litrato yung naganap na kasaysayan...

sa totoo lang, ngayon ko lang talaga tinutukan ng panonood ang isang UAAP Women's Volleyball League..
noon kasi eh Shakey's V-League lang ang nakahiligan ko dahil madali lang silang mapanood noon sa Channel 11 ng GMA (noong panahon na malinaw pa yung 11 namin T,T)..
pero since luminaw na rin naman ang Channel 36 namin lately (dating Studio 23, na naging ABS-CBN Sports &amp; Action na), eh sa wakas eh nakapanood na rin ako ng halos isang buong UAAP Season...

kahit na hindi ko naman napanood yung mga nakaraang season eh masasabi kong are na yung Best Season Ever para sa history ng Women's Volleyball..
simula pa lang eh Ateneo Lady Eagles na ang team ko dahil kay #5 Mae Tajima..
kung may nakakalungkot man sa istorya na are, eh yun eh dahil hindi pa nade-develop nang husto yung laro ni Tajima - na enough sana para maging key player na siya ng Lady Eagles...

pero anyway, heto yung importanteng kuwento dito:

hindi man ako isang Atenista (pero naging kapitbahay naman nila ako dati XD), eh sobrang kahanga-hanga talaga yung naging performance nila this season..
halos isa lang silang rookie team, pero nakagawa sila ng isang alamat..
mula sa pagiging 3rd seed sa naunang dalawang rounds ng liga..
eh sumuong sila sa isang nakakatakot na ladderized type ng elimination para makarating sa Finals..
una nilang tinalo ang AdU Lady Falcons nina Pineda at Zapanta, na isa ring napakahusay na team sa kabila ng hindi naman talaga pagiging sobrang tatangkad ng mga players nila..
sunod nilang pinabagsak ang newly improved at naging sobrang lakas na team ng NU Lady Bulldogs
na nagkaroon ng twice-to-beat na advantage - ang team na inisip ng karamihan na siyang haharap sa DLSU sa Finals..
pero hindi doon nagtapos yun..
Lady Eagles ang nag-draw ng first blood para sa first game ng Finals (though technically speaking, eh may 1 match advantage na rin naman noon ang DLSU for sweeping the first two rounds)..
bukod sa unang talo yun ng DLSU sa season na ito, eh yun rin yung talo na tumapos sa napakahaba na nilang winning streak na nagsimula pa sa ibang season..
hindi naman naging maganda ang 2nd game para sa ADMU, nagka-injury si Lazaro at maging si Valdez eh parang nagkaroon rin ng iniinda.. lumaban pa rin yung team nila sa pamamagitan ng pagbabalasa ng bench, na na-prove naman na may potential din.. pero hindi naging sapat yung puwersa nila noon para makuha ang ikalawa sana nilang panalo..
sa pagpasok ng 3rd game, eh kapansin-pansin na ang improvement ni Ahomiro sa kanyang laro, na parang determinado na siyang ipapanalo ang team niya ulit.. isang talo na lang kasi nila, at DLSU na ang makakakuha ng kampeonato.. sobrang naging higpit ng naging labanan.. nahuka man ng Lady Eagles ang first 2 sets, eh nakabawi naman ang Lady Spikers sa 3rd at 4th set.. sobrang naging nakakakaba ang 5th set, pero sa bandang huli eh ADMU pa rin ang nanalo, at isang medyo crucial na tawag ng error sa last play ang tumapos sa larong iyon..
Game 4 - ang best game ever.. kinuha ng Ateneo ang match na iyon kasama na rin ng championship sa isang napakagandang 3-0 na laban..
tinalo nila ang noon eh tila hindi matitinag na DLSU, na nagkaroon pa ng thrice-to-beat advantage - ang team na meron ng 3 sunud-sunod na championship..
hindi lang nila tinapos ang winning streak ng La Salle, pero dinurog rin nila ang goal ng mga ito na makamit ang pang-apat nilang kampeonato - na isang record sana (to think na kakailanganin ulit nilang mag-ipon ng mga kampeonato bago nila muling i-attempt na magawa yung record)...

isang team na hindi inasahan ng nakararami na makararating sa Finals..
ang team na hiniling ko lang na sana ay makapasok sa Finals kahit na papaano..
pero sa bandang huli, eh sila pa ang rookie team na nakapagbigay sa Ateneo ng first championship 'daw' nila sa larangan ng Women's Volleyball..
tamang-tama lang para sa kanila ang naging battle cry nila na #HeartStrong..
isa talagang alamat ang team nila..
si Captain Baldo, ang best Libero na si Lazaro, ang rookie setter na si Morado, ang elevator na si De Jesus, ang lefty na si Ahomiro, kasama pa ang iba nilang teammates (what happened to Llaneta by the way..???)..
well-deserving rin si Coach 'Thai' Bundit sa bonus na matatanggap niya..
at dahil doon - eh para sa kanila talaga ang UAAP Women's Volleyball Season 76... T,T


A Laptop Sideline - Second Week of March 2014 (The Graduation Gift)

March 9, 2014...

a friend of mine gave me a tip kung saan posibleng makabili (sa local market) nung item na gusto ni Crush..
luckily, kasama dun yung brand name at product name nung item...

since that day, eh naging busy na ako sa pag-authenticate nung pinagbibiling item na yun..
tas idiniretsa ko na rin nga yun sa isang deal with an online seller...


please..
sana totoo 'tong Rastaclat - Snoop Lion (Rasta) na 'to... >,<
— feeling , gusto ko sanang ibigay sa'yo lahat ng gusto mo na makakaya ko namang ibigay, kaso - hindi ko alam kung paano tamang made-determine kung ano ang original at ano ang hindi...

---o0o---


March 10, 2014...

ay hindi nakatulog kagabi sa sobrang excited na makakuha ng Snoop Lion Rasta... T,T
— feeling , at sino na naman yang masuwerteng lalaki na you'd still choose, Ineng..? kakasakit ka ng damdamin...

---o0o---


March 11, 2014...

nakuha ko na rin yung Rastaclat bracelet na gusto ni Crush..
at ang totoo..
hindi ako satisfied...

bago yung mismong istorya..
naalala ko lang na parang katuparan 'to noong isang napanaginipan ko noong March 8 lang - na nakakuha nga daw ako ng kopya nung bracelet na gusto ng babaeng gusto ko..
at nakakatuwa yun para sa akin...

tapos salamat nga pala talaga ng malaki sa kaibigan ko..
kasi if not for him, eh hinding-hindi ko malalaman siguro yung label at name nung item na hinahanap ko...

back to the main topic..
so i had a lot of trouble sa pag-determine whether original yung mga Rastaclat na ibinibenta online dito sa loob ng bansa..
kinailangan kong pag-aralan yung: orientation nung triple Rasta rope, bilang ng chain link, orientation nung Snoop Lion signature & emblems, itsura nung end caps, detalye ng mga materyales na ginamit, klase ng locking mechanism, itsura nung etiketa, at itsura nung pouch..
merong mga kaparehas, merong naiba - pero halos lahat naman ng aspeto eh tumama sa mga detalye ng lahat ng existing versions nung bracelet na nakita ko...

ang hindi ko lang talaga ma-gets after kong i-inspect itong item is that hindi pulido yung metal part niya..
the gold doesn't look like gold (kung paano siya i-showcase sa mga sample images, na usually eh sadyang mas maganda naman kesa sa mass-produced replicas nila)..
it looks darker na parang medal lang sa school..
may konting mantsa-mantsa o spot-like discoloration dun sa gold plating, lalo na doon sa mga end caps..
meron pang parang tumigas na epoxy sa lock..
tapos may bukul-bukol sa gold plating (na i think normal naman based sa ilang reference photos na nabusisi ko)..
may electroplated-electroplated pang nalalaman..
basta, hindi siya pulido..
mukhang pang-hundreds lang yung itsura niya..
hindi pang-Php 1,350.. (and to think na ipinagpalit ko doon ang sana ay Asajj Ventress, o Jar Jar Binks, o Destroyer Droid with shield, o di kaya ay isang AAT para sa droid army ko - *palm face*)... T,T

hindi naman sa talagang o completely nanghihinayang ako..
hindi lang talaga ganun yung in-expect ko..
hindi ko tuloy malaman kung na-scam ba ako o ano eh..?
tapos eh ayaw pang mag-reply sa inquiry ko sa e-mail yung official website nila..
kumbaga, naghalu-halo sa akin yung pakiramdam eh..
na excited na maibigay yung gift ko kay Crush..
na parang naluge din sa expectation..
o di kaya ay posibleng naluge nang totoo (in terms of monetary value)..
na parang hyper at full of energy ako noong binubuo ko pa lang yung plano - pero biglang bumulusok paibaba at nawalan ng lakas nung makita ko na yung mismong item sa personal..
na nahihiya for what i'm about to do (hopefully by tomorrow)..
na takot na baka peke nga yung nabili ko dahilan para hindi yun ma-appreciate ni Crush..
o baka original naman nga yun, pero hindi pa rin siya maa-appreciate ni Crush dahil sa kondisyon o dating niya...

haaay..
no choice..
ibibigay ko na rin 'to at bahala na siyang mag-judge..
itapon na lang niya sa basurahan kung peke o pangit ang dating sa kanya..
sa ngayon eh tatapusin ko na yung kalakip nareng liham..
tas eh magpi-pictorial ng konti para sa documentation at para na rin sa bago kong gagawing album - ang Espasol Love-Project... T,T
— feeling , ano..? maganda pa rin bang ideya na sundin yung requested item mo...?


anyway, nagpadala na ako ng inquiry at sample photos doon sa official website ng Rastaclat..
at base naman sa findings nila eh mukhang authentic nga daw yung nakuha kong item..
well, i really hope that's the case...

---o0o---


March 12, 2014...

gabi na noong mai-spot-an ko siya eh..
nagpunta sila sa may tindahan sa looban siguro na kasama ang Stepmom niya..
tapos eh sinundan pa sila nung Half-Brother niya...

aabangan ko na sana sila sa may tapat ng bahay namin eh..
tapos eh saka ko ibibigay yung regalo ko para sa kanya pagdaan nila pabalik..
wala na akong pakialam kung kasama pa niya ang Stepmom at Half-Brother niya..
kaso nung kinuha ko na yung gift box mula sa higaan ko at dumaan na ako sa sala namin, eh nahuli ako nung biological demon sperm donor ko..
tumingin siya sa akin na para bang gusto niyang sabihin na 'huli ka! kanino mo ibibigay yan ha!?'..
kaya ayun at hindi na ako nakatuloy na lumabas sa pinto namin..
tapos nung sumenyas na yung aso nila na malapit na silang makabalik..
eh saktong uwi rin naman nareng biological demon brother ko...

tama na rin nga na w-in-ithdraw ko yung misyon..
kundi eh yari ako..
at ayun nga, i failed na ibigay sa kanya yung regalo ko the day after ko yung makuha... T,T

---o0o---


March 13, 2014...

by 9:03 eh lumabas na sila para sumamba ng Thursday..
suot niya yung favorite Samba dress niya, at isang sandals yata na may flowery topping...

naisip ko noon na 'kung hindi ngayon, eh kailan pa'..
kaya nag-decide ako na gamitin na yung oportunidad na yun para maibigay ko na sa kanya yung regalo ko..
binalak ko na abangan yung pag-uwi nila..
tapos eh kung sakaling siya yung maunang bumaba ng sasakyan at magbukas ng gate nila, eh ia-ambush ko na siya..
kahit na sa harapan pa ng buong pamilya niya..
basahin na lang kako nila yung sulat ko, in case na magduda sila sa intensyon ko...

by 11:13 eh nakabalik na nga sila..
nagbigay ng warning yung aso nila..
at pagsilip ko sa recon spot ko, eh si Half-Brother ang nakita kong nagbukas ng gate..
nalungkot ako, kasi naisip ko na mission failed na naman..
pero ilang saglit lang eh nakita kong bumaba na rin ng kanilang SUV si Crush..
tumungo siya doon sa labas ng maliit na gate na pinabahayan na nila sa aso nila, para siguro i-suppress yung kanilang alaga..
at sa puntong iyon eh nabuhayan ako...

kaagad kong kinuha yung regalo ko na pansamantala kong itinago sa may bintana, sa likod ng kurtina..
mabilis akong lumabas ng bahay at tumungo sa labas ng gate namin..
tapos eh tinawag ko na kaagad ang pangalan ni Crush, at medyo lumingon naman siya..
ewan ko ba kung ginusto niya akong dedmahin o kung na-conscious lang siya..
saktong isasara na kasi niya noon yung kalahati ng main gate nila eh..
at parang nag-focus na lang nga siya sa pag-aayos nung mga pang-sara at pampa-stable na metal bars..
habang hinihintay ko siyang pansinin akong muli, eh nahuli pa nga ako ni Half-Sister na naghihintay sa harapan ng garahe nila..
tapos nung malapit na ulit si Crush sa may bukas pang parte ng gate nila, eh saka ko inabot yung gift box sa kanya..
'ano daw yun?' ang tanong niya pagkaabot ko dun sa regalo, at ang nasabi ko na lang yata eh 'wala lang'..
pakiramdam ko kasi kailangan kong magmadali noon para mabawas-bawasan naman yung violations ko eh..
nag-thank you naman siya..
after that eh nagpaalam na rin kaagad ako sa kanya..
bahala na kako yung sulat ko na mag-explain sa kanya kung ano bang nangyayari..
ambilis ng tibok ng puso ko noong mga oras na iyon...

ilang beses ko pa siyang nakita noon..
pero ewan ko ba..
at ganun na nga nagtapos yung araw na yun...

---o0o---


March 15, 2014...

mukhang walang naging impact yung graduation gift ko ah..?
hindi katulad noong nakaraang Rose Incident last September 27..
mas maige pa nga yata kung anonymous na lang eh...?

no photos..
no thoughts..
ni hindi nga niya isinusuot eh...

haaay.....
mukhang nasira ko lang ang mga bagay-bagay ah..?
hindi niya yata na-appreciate na sa akin nanggaling yun..
baka nga masira na rin yung tingin niya pati doon sa flowers na natanggap niya last year eh..
i guess she doesn't really like me..
siguro 'wala' lang nga ako para sa kanya..
siguro nagkataon nga lang na nakasabay ko sa mga moves yung Luckiest Guy on Earth niya... T,T

---o0o---


upcoming storm...

recently bumalik na yung problema namin sa mga credit card..
dati kasi eh napag-desisyunan na namin na takasan na lang yung obligasyon ng biological mother ko doon, after na hindi sumunod yung international bank sa terms of payment na ini-offer nung isa nilang agent..
kaso, ang problema eh ini-refer na nung bangko sa isang law firm yung paniningil sa utang ng biological mother ko..
at ang additional problems eh alam nila yung home address namin, at pati mga contact numbers namin...

sobrang nakakaasar..
at sobrang unfair..
bago pa man makapag-retiro sa trabaho niya ang biological mother ko eh nag-request na siya doon sa pesteng bangko na yun ng pay lite option, dahil alam niyang mahihirapan na siyang magbayad nun kapag nawala na siya sa serbisyo..
pero anong ginawa ng mga lintik..?
pinabayaan lang nilang lumala yung sitwasyon ng biological mother ko..
naputulan na nga ng regular na suweldo yung tao, at eventually eh nawala na sa serbisyo..
at kasabay noon, eh nabaon na rin siya sa mga interes at penalties nung credit card niya...

oo, kasalanan niya na naghulog siya ng malaking halaga ng pera nang hindi man lamang gumagawa ng isang written agreement with that f***ing bank..
oo, kasalanan niya na nakikipag-deal siya over the phone nang hindi man lamang nagre-request ng isang written contract, at ni hindi man lamang kinukuha yung pangalan at contact information nung agent na kausap niya..
pero parte na yun ng kamang-mangan niya pagdating sa mundo ng finance eh..
at may kasalanan din doon yung pesteng bangko at ang mga field agents nila..
dahil basta lang nilang inio-offer sa mga empleyado yung mga maysa-demonyong credit card nila nang hindi man lamang nagbibigay ng mga detalyadong paliwanag..
more than the benefits of those f***ing cards, eh sana naman mas nagtutuon sila ng pagbibigay ng information regarding sa problema na maaaring kaharapin ng isang card user once na pumalya na siya sa pagbabayad ng utang nila..
dapat nga eh i-explain rin nila nang ayos kung paanong hindi nakabubuti ang pagbabayad lamang ng minimum amount due nung card eh...

halimbawa na lang eh sa isang bangko ng mga direksyon..
ilang buwan na kaming nagbabayad ng halaga na higit na mas malaki kumpara sa minimum amount due nun..
pero lumalabas na halos 50% nung ibinabayad namin monthly eh kinakain lang ng interes..
so paano na lang pala kung minimum amount due lang yung binabayaran namin..?
edi parang niloloko lang pala namin ang mga sarili namin nun..
at base sa evaluation ko, kung susundin namin yung current rate namin ng pagbabayad monthly - eh mado-doble namin yung halaga ng total amount due namin bago pa namin tuluyang mapatay yung credit card na yun..
so that means a 100% nang pagkalugi para sa amin..
kaya naman it's better to kill it ASAP with one blow, kesa daanin naman siya monthly at magtapon ng doble ng kailangang salapi...

bakit ko 'to sinasabi ngayon..?
at ano ang kinalaman nito sa love story ko..?
dahil sa pesteng kahirapan na yan!
at dahil sa pesteng mga mapagsamantalang bangko na yan!
eh nanganganib na masira na naman yung negosyo ng blood aunt ko na ipinagkatiwala sa akin..
halos kasisira nga lang nun sa mga tao dahil sa nakaraang eleksyon sa probinsiya ng biological mother ko eh..
tapos heto na naman ngayon ang isang nagbabalik na problema..
sobrang laki ng hinihinging halaga nung international bank..
at halos imposible para sa biological mother ko na mabayaran nga ang mga iyon..
kahit yung pera na galing sana sa dati niyang pinagtrabahuhan eh parang iniin-in rin muna ng pagkakataon, para maparusahan kami..
pero ayun, at basta-basta na naman pumirma sa isang written agreement with the law firm this time..
so basically, wala na siyang kawala once na pumalpak siya sa pagbabayad niya sa pagkakataon na 'to..
nang dahil sa pirma niya, eh maaari na siyang makulong..
ayoko namang mangyari yun, kaya ayun at halos ipahiram ko na sa kanya lahat ng pera ng negosyo ng blood aunt ko..
halos Php 30,000 na naman yung nawawala sa pondo nun..
at paunang bayad pa lang yun para doon sa 2 credit card ha...

hindi ko maintindihan..?
bakit noong biological demon sperm donor ko yung gumawa ng katangahan eh natulungan naman siya ng mga tao..?
eh ni hindi nga sa amin napunta yung mga perang ipinangutang at winaldas niya - kundi sa sugal lang eh..
ginawa daw nila iyon para maiwasang masira yung pangalan namin - ang pesteng apelyido namin..
para daw maiwasan ang iskandalo..
pero bakit ngayon..?
pagkakakulong na itong pinag-uusapan namin, pero parang wala lang sa kanila..
hindi ba mas malaking bahid iyon sa iniingatan nilang pangalan kapag nagkataon...?

ang mga posibleng maging resulta ng ginawa kong iyon..?
kawalan ng tiwala ng mga kliyente kapag wala na akong mailabas na pera..
paglipat ng mga kliyente namin sa ibang padalahan ng pera papunta doon sa probinsiya nila..
at eventually, ang muling pagbaba, or worse eh tuluyang pagkawala ng komisyon ko.. T,T
lahat ng ito ay nangyayari kung kailan ikinakasa ko na lahat ng buwis-buhay kong plano para sa babaeng nagpapatibok ng puso ko...
ngayon nyo sabihin sa akin, wala ba talaga akong karapatan na kamuhian ang sarili kong mga biological...?

i hate it sa tuwing pinapamukha sa akin ng kapalaran na wala akong karapatang maging masaya..
na sisirain niya lahat ng mga plano ko sa pinaka-kritikal nitong mga sandali..
na wala akong karapatang magmahal at mahalin..
hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka nga wala talaga akong ibang patutunguhan kundi tiyak na kamatayan lang...