Saturday, April 12, 2014

Untimely Love Story (June 21, 2013 - Picture ng Espasol)

June 21, 2013..
(non-journal entry)

well..
bale sinulit ko nga talaga yung Espasol-exposure galore ko..
hanggang sa pinakahuling araw na 'to (na wala rin namang kasiguraduhan kung are na nga ba ang huli)...

i get to see her twice..
noong una eh by 7:00 AM, naka-casual na lang siya sa halip na office attire..
tapos naging busy ako watching the NBA Finals..
congrats sa Miami Heat by the way!

noong hapon naman..
mga 2:00 PM nun..
eh naramdaman ko na nagbukas yung gate nila..
narinig ko na parang may mga babaeng nag-uusap sa poder nila..
so na-curious ako kung sino ba ang mga yun..
at pagsilip ko nga eh nakita ko si Miss Robledo..
kabiruan yung stepmom niya, bago sila tuluyang umalis ng subdivision..
ayun..
siyempre nagtaka ako kung paanong nandoon na siya nung mga oras na yun.. (- -)??
hindi ko siguro namalayan ang pag-uwi niya dahil sa panonood ko ng basketball...

sa tingin ko..
mukhang nakatapos na nga siya ng OJT niya last week..
at nakabakasyon na siya nitong nagdaang linggo, habang nag-aasikaso ng enrollment niya para sa semester na 'to..
bale late ng isang week kumpara dun sa ibang mga estudyante...

---o0o---


hmmm... ano pa nga ba..?
technically kasi, today is June 22 na..
at ito ang araw ng aking Requiem..
ang araw ng paghuhukom..
ang effort to regain PEACE - as in kapayapaan ng aking loob...

kagabi nakausap ko yung isa kong bestfriend..
at sa sobrang tanga ko talaga lately eh saka ko lang napansin yung punto niya..
nasa akin na yung ibang data na kailangan ko, matagal na..
pero kinailangan ko pa siyang makausap para lang mapagtanto ko yung point of view niya..
well, hindi namin masasabi kung gaano ka-accurate yung ideya niya..
kung yun ba yung totoo..?
kung may mga parte ba nun na akma nga dun sa kung ano ang totoo..?
or kung mas tama ba yung hinala ko..?
siyempre hindi naman kasi kami si Miss Robledo para i-claim kung ano ang katotohanan para sa kanya...

may mga nagawa akong pagkakamali..
sobra akong nagmadali, thinking na anytime posibleng maging taken na ang puso ng babaeng gusto ko..
so it was a combination of fear at nitong uncontrollable urge to get to know her na nakapag-push sa akin to finally make a move - the WRONG MOVE, i guess..
wala akong paraan noon para magsagawa ng advance recon upang makakuha ng mga data tungkol sa kanya..
ang ginawa ko eh isinabay ko yun sa pag-i-introduce ko ng sarili ko sa kanya, at bilang resulta - naging obvious kung ano yung totoong pakay ko sa pakikipagkilala ko sa kanya..
sobrang HINDI SWABE..
at saka ko na nga lang nalaman yung agwat namin sa edad at yung tila zero romantic background niya o kung ano pa man ang mas akmang term para dun...

ganito kasi ang mangyayari..
if ever tama yung theory ng bestfriend ko, na si Miss Robledo yung tipo ng babae na hindi pa ready or ni hindi man lamang alam kung paanong mag-react sa mga ganitong sitwasyon..
eh posibleng mas mawala lang siya sa akin kapag nagpumilit pa ako sa mga gusto kong malaman about her...

sa kabilang banda naman..
kung sakaling yung theory ko ang totoo..
it's either makukuha ko na yung inaasam kong katahimikan ng isip by breaking my heart some more at ipamukha sa sarili ko na walang puwang sa buhay ko ang pag-ibig o mas tama sigurong sabihin na wala talagang inilaang lugar para sa akin ang konsepto na yan ng pag-ibig..
or kung sinuswerte pa rin naman (kahit na nawawala na yung salitang yun sa bokabularyo ko), eh posibleng pumabor pa sa akin ang sitwasyon na 'to..
either way, matatapos na ang mahigit isang buwan kong pag-iisip at makakapag-move-on na ako para gumawa ng panibagong desisyon sa buhay...

ano nga ba..?
nakakakaba naman..
go for it or NOT..?

---o0o---


at sa mga naku-curious kung ano ba talaga ang itsura nitong babae na kinababaliwan ko..
kung bakit ba hindi ko na lang siya magawang pakawalan nang basta-basta..
eh are ang sample pic niya:
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

ayan!
si Espasol..
(yun yung tawag ko sa kanya dahil bitter ako, haha! may nakita kasi akong isang picture niya kung saan sobrang puti ng mukha niya, kaputi na nga niya eh, tas mas pinaputi pa yung itsura niya, haha!)
sobrang yummy niya di ba..?
haha!
just kidding..
naglilibang lang, kinakabahan na kasi ako sa gagawin ko eh... >,<


No comments:

Post a Comment