never ending 'TONIGHT' na 'to ah...
June 29..
naghihingalo na ngayon si Blue..
at wala man lang magawa ang isinumpa niyang amo kundi hintayin siya mismong mamatay bago siya tuluyang ilibing...
bakit ako pa talaga..?
yung category ko ba talaga yung pinakamasamang klase ng tao sa mundo..?
sa akin pa rin ba dapat isisi pati ang mga bagay na hindi na saklaw ng mga desisyon ko..?
paulit-ulit mo na lang pinaparamdam sa akin na malas talaga ako...
sorry, Blue & White..
kung alam ko lang na madadamay kayo sa parusa ng kalangitan sa akin..
edi sana hindi ko na lang kayo kinuha para alagaan..
nakakatakot isipin na may 3 pa kayong kauri na posibleng mapahamak nang dahil lang sa akin...
mga putang ina ninyong mga bathala kayo!
kung sakaling pumalpak ako sa huli kong plano..
sakaling totoong may afterlife..
kakampi talaga ako kay Lucifer..
tas hihilingin ko na sugurin yang buwiset mong kampo..
gusto kong ako mismo ang umupak sa'yo..
tas hindi ka namin tatapusin, gugulpihin ka lang namin for eternity para maranasan mo kung gaano ka hindi kapatas...
---o0o---
almost everything about me is broken now..
mula sa simula ng panahon ko eh ganito na lang ang mas madalas na mangyari..
isang almost broken na vessel na maraming kapintasan..
isang biological demon family na mas malala pa kesa sa isang broken family..
pati yung pangarap kong makatakas sa demonyong bahay na 'to eh nasira nung trauma na yun na gawa pa rin ng biological demon family ko..
yung business ng blood aunt ko dito sa branch namin eh halos broke na rin dahil sa kabobohan ko bilang manager..
pati puso ko eh broken na rin ulet..
at pati ang mga bagay na nagkakaroon ng kinalaman sa akin eh pakiramdam ko eh nasisira at namamatay na lang nang dahil rin sa akin...
paano pa ba ako magtitiwala nito sa sarili ko kung ganito na lang parati ang pinaparamdam sa akin ng pagkakataon..?
imposibleng coincidence lang ang lahat ng 'to..
there's gotta be a bullshit behind this curse...
---o0o---
pwede bang itigil na natin ang paninisi sa mga demonyo.. sa tingin ko iisa lang talaga yang naggo-govern sa lahat ng mabuti at masama...
---o0o---
kung tutuusin hindi lang ako ang nakakaranas ng kamalasan sa bahay na 'to..
andyan rin yung biological mother ko..
minalas na siya noon sa opisina nila dahil sa advanced monetization ng mga leave credits na yung mga bopols nilang administrative staff ang may kasalanan kung tutuusin..
at ngayon naman parang ini-in-in pa talaga ng kapalaran yung retirement papers niya sa GSIS..
bago pa man siya mag-retire eh na-detect na ng GSIS na nagka-error sa papeles niya - na ang mga bopols naman niyang mga kaopisina ang may kasalanan dahil sila ang nag-i-input nun sa computer at database ng GSIS..
noon pa man inasikaso na niya ang mga yun para sa mismong panahon ng retirement niya ay mabilis na lang sana ang takbo ng mga papeles niya..
pero ewan ko ba dine sa bopols din na GSIS, eh talagang hindi naayos yung kasimple-simple lang naman na error hanggang sa makapag-file na nga ang biological mother ko ng retirement eh..
yng iba daw eh as fast as a week lang ang itinatakbo ng mga dokumento..
pero areng minalas kong biological mother eh naka-isang buwan na, at hindi pa rin tapos ang pag-proseso sa retirement benefits niya...
so hindi lang talaga ako ang malas sa pamamahay na 'to..
ang tanong, eh sino nga ba ang nagdadala ng kamalasan sa amin..?
yung tuko ba na nakaka-suspetiya na 2 taon nang nasa loob ng bahay namin at hindi man lamang naghahanap ng kabiyak niya sa buhay..? parang walang instinct to breed eh..
yun bang kapritsoso kong biological demon brother..?
yun bang biological demon father ko..?
o kombinasyon ba nilang dalawang demonyo..?
o baka naman ang mismong pang-bopols na lifestyle namin..?
hindi kaya ang biological mother ko..?
o baka naman ako nga mismo ang super malas at nahawa ko lang ang biological mother ko..?
---o0o---
sobrang reklamador na ba ng dating ko..?
na parang wala na talaga akong na-appreciate dito sa buhay sa mundo..?
na parang wala na talaga akong ibang alam na gawin kundi magreklamo..?
ewan..
wala na rin akong naiintindihan..
pakiramdam ko na inuunti-unti na lang ako ng kung sinumang nakakataas sa lahat..
kasalanan ko ba ang lahat..?
pati ba yung mga bagay na hindi na saklaw ng mga aksyon ko, eh kasalanan ko pa rin kung bakit sila napapahamak na lang..?
sa bawat kamalasang natatamo ko..
nadodoble nang nadodoble naman ang takot ko na gumawa pa ng mga hakbang sa hinaharap..
hindi ito yung klase ng buhay na masasabing pinakamiserable na kumpara sa lahat..
pero hindi ko gusto ang pakiramdam na 'to na parang kakambal ko na talaga ang kamalasan..
checkmate na checkmate na ang dating ko neto...
sa mga bathala..
huwag nyo nang asahan na luluhod pa akong muli sa inyo..
katulad nang ginawa kong pambabastos sa inyo sa loob ng simbahang Katoliko kahapon..
sobrang nakakabastos na rin kasi ang pinaparanas nyo sa akin eh...
---o0o---
sorry sa lahat ng nakakabasa ng mga sentimiyento ko sa buhay..
huwag kayong mag-alala..
konting panahon na lang siguro at made-dedz na rin ako...
No comments:
Post a Comment