Friday, July 28, 2017

Resident Evil The Final Chapter & Love in the Moonlight

July 27, 2017...

[TV Series / K-ture]



Love in the Moonlight... <3

was feeling , highly recommended...

---o0o---


July 28, 2017...

[Movies]

Resident Evil The Final Chapter



medyo nabitin yung panonood ko kahapon..
hindi kasi kinaya ng luma naming player yung disc..
pero hindi naman sira yung Blu-ray, gumana naman sa driver ng laptop...

so nag-originate pala yung T-Virus as a cure..
at yung supposed Last Stand sa Washington D. C. ay isang trap nina Wesker, isang massacre na si Alice lang ang nakaligtas..
kumbaga yun na yung paliwanag nila kung paano nawala yung iba pang mga bida sa istorya, lalo na si Jill..
though hindi na talaga nabigyan ng kasunod na istorya si Chris Redfield...

nasa 4,000 plus na mga tao na lang ang natitira sa mundo..
may 48 hours left na lang para mapigilan ang plano ng Umbrella..
at kakailanganin ni Alice na bumalik sa pinagmulan ng lahat, sa Hive sa Raccoon City...

Alice at Claire versus Isaacs at Wesker..
wala nang superhuman ability si Alice, kaya puros trick na lang yung ginawa niya..
kawawa si Scarlet Heart na isa sa mga representative ng Asia for the film dahil binaril na lang siya ni Alice sa halip na labanan nang mano-mano, at ginawa pa siyang pain sa mga zombie..
magastos din sa gasolina yung first defense laban sa mga basic zombie, pero kinulang pa yun..
andaming multi-barrel na baril sa movie na 'to...

nagtraydor ang Red Queen dahil naka-program siya na i-value ang human life..
at ni-reveal nga niya kina Alice na sinadya ang pagkalat ng T-Virus, na sinadya ang apocalypse, para i-reboot ang mundo at ang sangkatauhan - pero sa paraan ng Umbrella...

sa pagpasok na sa Hive namatay ang karamihan sa mga bida..
halos kada defense mechanism o trap nung Hive na pinapagana ni Wesker ay may napatay kina Alice...

sa Hive, nakita nina Alice ang cryogenic storage ng mga pinuno ng Umbrella, ang paraan nila ng Noah's Arc, saka sila gigisingin kapag ubos na ang iba pang mga tao at kapag tapos na ang zombie apocalypse na sinimulan nila..
yun yung rason kung bakit sila may pangontra sa T-Virus..
at kabilang sa mga natutulog na tao ang original na Dr. Isaacs...

hanggang sa 9 minutes na lang ang natitirang pag-asa para sa mundo..
astig yung Predictive Combat Software ni Isaacs, bale technologically modified na rin siya..
na-reveal rin kung sino ang traydor sa grupo nina Alice, at kagaya sa first movie, yung love interest ang lumitaw na kalaban..
ni-reveal rin na clone lang si Alice ni Alicia Marcus, ang may sakit noon na bata na sinubukang gamutin kaya d-in-evelop ng kanyang ama ang T-Virus..
mabilis na pagtanda yung sakit niya eh..
ang Red Queen naman ay i-b-in-ase rin kay Alicia, sa batang Alicia, kaya parang iisa na rin silang 3 - ang Trinity...

andun pa rin yung classic na leksyon sa mga kalaban pagdating sa mga action movies; huwag puros dada - patayin na lang kaagad ang mga bida para wala ng problema..
madali lang ang naging pagkatalo ni Wesker, empleyado lang siya ng Umbrella kaya napuruhan kaagad siya ng Red Queen matapos siyang i-fire ni Alicia na co-owner ng Umbrella..
si Claire naman na ang pumatay sa syota niya..
tapos balik na naman sa walang kamatayan na laser room..
isinakripisyo ni Alice ang ilang mga daliri niya para matamnan si Isaacs ng granada sa tagiliran, at boom, naagaw na niya sa wakas yung vial ng pangontra sa T-Virus...

pero muling napigilan ng original na Isaacs si Alice na pakawalan sa ibabaw ng mundo yung airborne na pangontra sa T-Virus..
at dahil likas na mapagmataas si Isaacs, ay naging Isaacs versus Isaacs pa yung labanan dahil hindi natanggap nung clone niya na clone nga lang ito..
at napakawalan na nga sa wakas ni Alice yung cure, kahit na maging siya ay may T-Virus din...

si Wesker ay namatay kasama ng lahat ng mayayaman at makapangyarihan na mga tao na ililigtas sana ng Umbrella, kasama na rin dun si Alicia na sinadyang pinili na manatili sa Hive...

pero hindi namatay si Alice, dahil yung virus lang sa katawan niya yung napuksa nung gamot, at hindi yung mga healthy cells niya..
free from infection na siya..
si Claire ay nabuhay rin sa ending, ang kaisa-isang bida mula sa game series na ipinakitang naka-survive hanggang sa katapusan ng movie series, at mukhang yun nga yung purpose nun..
bukod dun eh nakasama rin si Claire sa 3 RE movies..
kahit hindi matanggap ni Alice na isa lang siyang clone na bahagi ng Umbrella, sinabi naman sa kanya ng Red Queen na naging higit pa siya sa isang clone dahil nagkaroon siya ng kabuluhan at ng sarili niyang pagkatao..
at iniwan ni Alicia Marcus ang kanyang gift of memories para kay Alice...

hindi kaagad na natapos ang buhay ng lahat ng zombies sa mundo, dahil hindi naman basta-basta yung pagkalat nung cure..
at sina Alice na ang bahalang maglinis sa mga natitirang kalaban...



NOTE: both images are product of random Google Image Search...


Sauna 2017 & Some Imbeciles

kapag yung nasa tuktok ang nagsasalita ng masasama laban sa kapwa tao natin, eh palakpakan pa kayong mga putang ina ninyo kayo!
hangang-hanga pa kayo dahil kesyo eh astig ang Hokage na Mahilig at nagiging totoo lang sa kanyang sarili...

pero kapag kayo na ang nainsulto ng empleyado na mas mababa ang katungkulan kesa sa inyo, eh sasabihin ninyo na hindi na kayo iginalang..?
na binabastos na kayo...?

eh bakit hindi ninyo pag-isipan ang lahat ng pagkakataon na pinalakpakan at pinuri ninyo ang pambabastos ng Hokage na Mahilig sa ibang tao..?
o di kaya eh sa mga sarili nyo na lang mismo kayo magsimula..
ano bang pakiramdam noong kayo ang merong hindi nirerespeto na mga kalaban ninyo sa pulitika...?

and to think na pagiging makatwiran naman yung ipinaglalaban nung taong sinabon ninyo..
at ni hindi nga kayo dapat tinamaan sa mga sinabi niya kung hindi naman nga kayo mga tanga...

---o0o---


update ulit (138 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
  • yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
  • yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020
  • yung pahiwatig na gusto niyang ipatupad yung Martial Law na katulad nung sa Dictator Clan
  • ang paulit-ulit na pagre-relate ng mga tao sa kanyang mga rape comments na para bang ginagawa pang katatawanan ang bagay na yun

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • sa Ozamiz City, yung pagpatay o pagtumba daw ng mga pulis sa grupo ng mga suspek, at tila i-d-in-isplay pa ang mga bangkay nila sa harap ng munisipyo
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • sa Tondo, yung 2 lalaki na napatay ng mga pulis dahil nanlaban daw, at tila binutas-butas pa daw yung katawan, pero nakunan naman ng CCTV yung maayos nilang pagsama sa mga pulis
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
  • sa Ozamiz, yung nakunan ng video na pananakit ng isang police chief inspector sa isang nahuling suspek
  • sa Quezon City, yung pulis na dati nang nasuspinde, na inaresto dahil sa pambubugbog daw sa kanyang stepson
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • yung pulis na nang-rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
  • sa Manila, yung pulis na namaril sa isang bar, na napatigil gamit ang phaser gun
  • yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
  • sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
  • yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
  • sa Mandaluyong, yung 2 lalaki na hinuli dahil sa pag-iinuman sa kalye, pero nakunan ng cellphone video na pinagpapapalo ng kahoy ng isang pulis
  • yung sa General Trias, Cavite, yung 3 pulis na nang-torture rin daw ng 2 preso at pinilit pa yung 2 na maghalikan habang nanonood sila
  • sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
  • sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
  • sa Rodriguez, Rizal, yung road rage na nauwi sa barilan sa pagitan ng isang pulis at isang retired US navy, dahil dun ay nadamay at nabaril yung pasahero nung US navy 
  • sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
  • sa Taguig, yung magkakasabwat na mga barangay officials at isang pulis sa pangingikil sa mga taong hinuhuli nila
  • sa Antipolo City, yung 4 na pulis na inaresto dahil sa pangingikil daw sa isang PWD, mukhang may mga props rin sila na mga baril at ilegal na droga
  • yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
  • sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
  • yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga at miyembro rin daw ng sindikato
  • yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
  • yung nasa 160 pa na mga pulis na inire-recommend ng PNP-IAS na pagsisibakin na dahil sa involvement nila sa ilegal na droga
  • sa Bacolod, yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
  • sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
  • sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan
  • yung babaeng biktima daw ng tanim-droga teknik ng 11 Pulis Malabon

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
  • sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
  • yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
  • sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
  • hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
  • sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
  • sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
  • yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa
  • sa Tondo, yung taxi driver, na kolektor daw na asset ng mga pulis, na itinumba ng riding-in-tandem, kaso ay tumagos pa yung bala sa ulo nito kaya may babaeng nadamay at natamaan din
  • yung pagtumba sa foreigner na sangkot daw sa ATM skimming
  • sa Caloocan, yung tricycle driver na itinumba sa hindi pa malamang dahilan dahil wala naman ang pangalan niya sa listahan ng mga drug-related personalities, at may nadamay at natamaan pa na ibang tao sa pamamaril na yun

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan 
  • regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
  • sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
  • regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
  • dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
  • yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
  • ang naging pag-atake sa Resorts World Manila
  • yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
  • yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
  • sa Lanao del Norte, yung bilanggo na pinatay sa loob ng kulungan ng mga kakosa niya
  • yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
  • eh yung pagtutumba sa mga persons of interest na iniuugnay sa Bulacan Massacre, gayung dapat ay pinoprotektahan na sila ng mga pulis para naman mapalabas talaga yung totoo tungkol doon sa kaso
  • yung kapabayaan ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang pageant winner sa Samal Island na nauwi sa panlalaban DAW nito at sa pagpatay sa kanya
  • yung kapabayaan rin ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang 8 y/o na bata sa Nueva Ecija, na dahilan kung kaya't nagawa DAW nitong mang-agaw ng baril at makapagpakamatay
  • yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
  • yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
  • ang hindi pagtupad ng PHLPost sa kini-claim nilang bilis ng paggawa at pagde-deliver ng Postal ID, at ang kahinaan ng support center nila
  • yung mali at mapanlinlang na paraan ng evaluation ng Department of Tourism sa performance ng kasalukuyan at nakaraang administrasyon
  • yung problema sa mamahaling elevator para sa pedestrian overpass sa Lipa City
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
  • yung pagri-reveal ni Attorney Anderson sa tangka ng isang mataas na opisyales na mag-promote ng isang hindi qualified na tao para sa Bureau of Customs
  • yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
  • ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
  • yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR
  • sa Pandacan, yung 7 buwan na sanggol na nagtamo ng 3 tama ng baril dahil sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa kanilang lugar
  • follow up para sa 7 months old na sanggol news, hindi pala nagkusa yung mga pulis na imbestigahan kung sinu-sino nga ang totoong nakabaril doon sa bata, at may claim pa na diniktahan lang daw para pumirma sa affidavit yung lola nito
  • sa Pasay, yung pulis na naglabas at nag-display ng kanyang baril habang nakikipagtalo sa 2 binatilyo
  • sa Pasay, yung itinumba na negosyante na may-ari ng furniture shop na hindi daw kaagad hinayaan ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung 73 y/o na lalaki na nakaladkad at nagulungan pa daw ng bus, na hindi na naman hinayaan kaagad ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung kuwestiyonableng naging kahinaan ng seguridad sa Marawi sa kabila nang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao, sa kabila ng patuloy na mga bantaan mula sa magkabilang panig, at sa kabila ng pagkakaroon ng malaking halaga ng intelligence fund
  • yung pagkatumba sa 4 na suspected na miyembro ng Maute habang ibinabiyahe sila, ito ay sa kabila nang may ipinapatupad ng Martial Law sa region na yun
  • yung lalaking napagkamalan daw na miyembro ng Maute at hinihinalang t-in-orture ng mga sundalo
  • yung may mga nangyayari pa rin daw na nakawan sa mga lugar sa Marawi na kontrolado na ng mga militar
  • yung posibilidad daw na nakatakas na yung mga lider ng mga terorista sa lugar ng digmaan, gayung may claim rin ang mga awtoridad na kesyo natunugan naman daw nila yung tungkol sa pagtakas
  • yung pagpapadala ng mga tiwaling pulis sa lugar ng digmaan, sa halip na sibakin na sila sa trabaho at hindi na pasuwelduhin pa ng mga mamamayan
  • yung pagpapababa daw ng DOJ sa kaso ng Marcos Police Group
  • kasali pala yung Dictator Clan sa problema ngayon sa Norte
  • ang pag-amin ng miyembro ng Dictator Clan na binalewala nga nila ang proseso ng bidding sa kanilang pamimili

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • ang maya't mayang pagpapalabas ng fake news o mind-conditioning news ng mismong mga nasa katungkulan
  • yung mali-maling listahan na inilabas ng Napolcom
  • yung Oplan Cyber Tokhang
  • yung mga sundalo sa Marawi na napatay sa sarili nilang air strike na laban sana sa mga terorista
  • yung isa pang air strike na sa labas naman daw ng Marawi nangyari
  • yung isa na namang air strike na nakapatay sa sariling mga kakampi, pangalawa yata yun na nakapatay at ikatlo ng error
  • ang maya't mayang pag-target ng gobyerno sa basic needs para gawing gatasan ng buwis
  • yung naaprubahan na 24% increase sa cargo handling tariff
  • eh yung pati pagkanta sa Pambansang Awit ay balak nang lagyan ng limpak-limpak na halaga ng penalty
  • yung pahayag ng ilang kabilang sa Bilibid 19 na babaliktarin nila ang kanilang nakaraang mga statements kung ililipat sila ng piitan
---o0o---


July 24, 2017...

sa Manila..
yung pulis na namaril sa isang bar..
mukhang nag-ugat daw sa asaran eh...

ang good news..?
tinira ng phaser gun yung pasaway na pulis para mapigilan at mahuli na...

was feeling , anak ng.. meron naman pala nun eh...

>
so malulutas na ng pagmumura yung napipintong pagtataas ng mga bilihin na medyo abot-kaya pa sa ngayon (lalo na noon) para sa aming mahihirap...?

diyan ka lang magaling sa pagyayabang..
mabulaklak na mga pananalita..
samantalang yung mga kaibigan ninyong mga minero, antagal nang binababoy ang mga likas na yaman..
pero ngayon eh warning pa rin lang ang matatanggap nila, na kesyo tataasan ang buwis ng industriya nila..?
nailabas na yung mga figures noon, pero hanggang bantaan lang ngayon..?
matagal na mga panahon na na naipakita yung damages sa kalikasan, more than the benefit, pero hanggang verbal na paninita pa rin lang hanggang ngayon..?
maging si Lopez nga eh naibuwis na ng dahil sa impluwensiyahan na yan..
kaya bakit hindi na lang samsamin ng gobyerno lahat ng mga ari-arian ng mga mayayaman na yun, at yun na lang ang ipalit sa combo ng mga buwis na ipapapasan ng pamahalaan sa aming mahihirap, lalo na sa aming mga hindi naman umaasa sa buwanang suweldo...??

kunwari concern sa mga kasundaluhan, pero sila rin naman 'tong mga pabaya na hinayaan na lumala yung sitwasyon...

ultimo pagkampi sa grupo ng pulis na Marcos eh hindi kayang ipaliwanag...

tang ina ka!
nagsayang ka lang ng oras sa mga kuwento mo..
puros hugas-kamay ka naman...

was feeling , putang ina mo rin Hokage na Mahilig!

>
may naaresto na palang suspek dun sa pangre-rape ng pageant winner sa Samal Island..
kaso mukhang idinaan na rin sa tumbahan..
madaling araw daw napatay habang dinadala yung tao sa ospital eh...

sobrang tanga na ng mga pulis kung hindi pa rin nila ipinatutupad yung pagpoposas na nasa likod ang mga kamay, kahit pa may totoong sakit yung suspek..
tapos sasabihin na nanlaban..?
lokohan na..
kahit pa sa harapan mo iposas yung tao, basta i-secure mo nang husto eh hindi yun makakapanlaban..
makakapanlaban lang yun kung wala talagang pampigil sa kanya...

so ganun na lang yung proseso ngayon..?
magtumba ka ng suspek at case closed na..?
aba, eh mahirap na palang mapag-isipan ng masama ng ibang tao..
baka mamaya maituro ka pa ng taong may galit sa'yo para lang maipatumba ka sa mga awtoridad..
or worse, baka magamit pa yung teknik ng mga abusadong mga awtoridad, yung tipong sila yung gagawa ng masama tapos magtutumba na lang sila ng kung sinong pwede nilang ituro bilang suspek para i-claim na case closed na...?

was feeling , ano na lang ang silbi ng mga hukuman..? magbebenta ng lang ng mga TRO...??

>
patay sa PHLPost..
a few hours lang daw bago mag-reply..
pero kaya pala hindi nagre-reply..
s-in-een-zone lang ako... :(

para kayong yung isa kong kakilala..
before 2012 pa..
basta simula pa lang ng panahon ng Friendster..
puros seen-zoned lang yung inaabot ko..
at 5 years na yun sa Facebook... :(

was feeling , hindi rin naman makatawag sa 8888 dahil hindi naman libre...

---o0o---


July 25, 2017...

yung 4 na pulis ng Antipolo City..
yung inaresto dahil daw sa pangingikil sa isang PWD (wala ng mga binti yung tao eh)..
the usual case, inaresto daw ng dahil sa ilegal na droga...

pero noong naaresto yung 4 eh may natagpuan na hinihinalang ilegal na droga sa sasakyan nila, at baril (i assume na iba pa yun sa service firearm nila dahil nga sinita eh)...

was feeling , kumpleto sa props...

>
hala!
may 'made in Empire' missiles na nakatutok na sa bansa..
at 7 minutes lang ang kailangan para matamaan nun ang capital..
bale hostage na pala tayo ng Bestfriend Empire...?

ano kaya yun..?
fake news para makumbinsi ang mga tao na magpaubaya na lang tayo at magpagahasa sa Imperyo..?
o totoo bang nasa ganung level na ang pakikipagkaibigan ng mga Imperyalista...??

was feeling , alinman man ang totoo.. basta sana tamaan ng malalakas na sakuna yung bansa nila.. ma-extinct na ang mae-extinct.. mga putang ina!

>
umamin na yung miyembro ng Dictator Clan..
hindi nga daw dumaan sa bidding yung ginawa nilang pamimili..
kesyo iisa lang daw talaga yung supplier na pasok yung specifications nung produkto...

seryoso ba sila..?
eh sa pagkakaalam ko body lang ang puhunan ng brand na yun..?
basically, makina ng iba pang brands ng sasakyan yung gamit nila...

was feeling , tatak magnanakaw...

---o0o---


July 26, 2017...

okay..
so patay na rin yung suspek sa pangre-rape at pagpatay dun sa 8 y/o na bata sa Nueva Ecija..
bukod sa marami namang ebidensya ang nagtuturo sa kanya bilang suspek, eh ex-convict din pala siya...

halos ganun ulit ang istorya..
nasa custody na ng mga pulis pero nakakaagaw pa rin ng baril..
bukod kay Jackie Chan, kapag nakakita ako ng ordinaryong tao na nakapang-agaw ng baril habang nakaposas ang mga kamay niya sa kanyang likuran, at kapag nagawa niyang mamaril nang accurate o magbaril sa puso o ulo niya eh hahanga na talaga ako...

at malinaw na kapabayaan na naman 'to sa panig ng mga awtoridad..
ganun na lang parati ang script..
bakit, wala bang parang lock yung kaluban..?
bakit, wala bang lock yung mismong baril..?
bakit, wala bang paraan para ma-disable yung mga kamay ng bawat suspek...??

pero mukhang ganun na talaga ang trend sa ngayon eh..
madawit lang ang pangalan mo sa kaso ng rape at illegal drugs at automatic na ang kalalagyan mo..
hustisya na yun para sa kanila..
accomplishment..
napakasuwerte nga naman ni Jalosjos at hindi niya inabot ang era na 'to, at na-tolerate pa nga yung pagtakbo niya sa pulitika kahit na convicted rapist siya...

hindi naman sa concern ako sa human rights nung mga suspek, lalo na kung malalakas yung ebidensya laban sa kanila..
pero, parang hindi pa rin kasi tama..
hindi ka naman saksi sa mismong krimen para masabi mo na may sala nga ang isang tao, tapos ikaw yung magpapataw ng hustisya...?

siguro kung mapapatunayan man na kriminal nga ang mga suspek..
parang mas maganda na public execution yung gawin..
kung pwede nga sana eh hayaan yung mga kaanak ng mga biktima na makaganti man lang, kahit magulpi o paghahampasin man lamang nila yung kriminal, para lang makabawas sa sama ng loob nila..
pwede namang firing squad, though gastos pa yun sa mga bala..
pero mas maganda kung bigti na lang, para lubid lang ang puhunan..
tapos public execution nga, para at least malinaw sa mga tao kung paano pinatay yung kriminal, at posibleng matakot pa yung ibang mga kriminal...

hindi kagaya ng sistema ngayon na hindi mo masabi kung sinu-sino bang mga pulis ang gumagawa ng tama, at sinu-sino yung pinapaikot na lang ang batas sa mga kamay nila...

PS: negative daw sa paraffin test yung suspek...

was feeling , gaano nga ba ka-accurate ang shortcut...?

---o0o---


July 27, 2017...

nakakaawa naman ang bansa..
pinatunayan lang ng kasalukuyang Department of Tourism ang maalin sa 2 bagay:
  1. na wala silang alam sa Statistics at evaluation
  2. o na sadya rin nilang binibilog ang utak ng mga mamamayan katulad ng iba pang mga opisyales

napakatusong hakbang na direktang pagkumparahin ang performances ng 2 administrasyon na gamit lang ang parehong unang bahagi ng termino ng mga ito..
totoong tama naman yung approach na yung mga data lang sa mga panahon na yun ang gamitin, dahil nga hindi pa naman nakukumpleto ang panunungkulan ng kasalukuyang gobyerno..
pero maling-mali na ikinumpara yung 2 para lang mapalabas na kahanga-hanga silang mga nakaupo ngayon, sa pamamagitan nga ng paglakdaw sa iba pang taon sa pagitan ng 2 administrasyon...

hindi naman ako Statistician..
pero kung talagang naghahabol sila ng comparison sa pagitan ng 2 gobyerno, mas tama na nag-compute sila ng rate of improvement na nakabase sa taon na sinundan ng kung anumang taon ang gusto nilang i-feature..
halimbawa, rate ng improvement ng performances mula 2009-2010 kumpara 2010-2011 versus rate ng improvement ng performances mula 2015-2016 kumpara 2016-2017..
hindi yung walang kautak-utak na pagkukumpara ng 2011 versus 2017..
eh sa laki pa lang ng agwat nung pinagkukumpara nilang panahon eh malabo nang maipakita yung koneksyon at accuracy eh..
at tsaka hindi rin naman talaga masasabi nung statistics kung may nagbago nga ba sa kita na may kinalaman nga sa pamamalakad, hanggang assumption lang ang magagawa nun...

tuso rin yun in the sense na posibleng may ambag pa rin ang strategy ng nakaraang pamunuan sa tagumpay na tinatamasa ng kasalukuyan (kung meron man)...

was feeling , parang fake news na rin 'to eh.. mali yung presentation.. sayang na naman ang buwis na pinapasuweldo sa kanila...

>
lagot naman sa ibang kabilang sa Bilibid 19...

magbabaliktad sila ng statements kung hindi masusunod ang gusto nila..?
ibig sabihin scripted nga ang mga statements nila..?
na nagsabwatan lang sila...?

was feeling , nagkalokohan na...

---o0o---


July 28, 2017...

sa Pasay..
yung nakunan ng cellphone video..
yung pulis na nakipagtalo sa 2 binatilyo, na naglabas at nag-display ng baril...

pero may claim na hindi rin daw maganda ang tabas ng dila nung mga binatilyo...

was feeling , kahit na.. kapag verbal pa lang ang labanan, hanggang verbal lang muna dapat.. kapag suntukan, suntukan lang.. saka lang dapat maglabas ng armas kapag delikado na ang sitwasyon o kung kriminal talaga ang kalaban...

>
nice one, Attorney Anderson!
astig yun!

nagkamali ka ng ibinoto na Hokage..
pero tama yang ginagawa mo ngayon..
ipagpatuloy mo yan, ibuking nyo lang ang mga ginagawang kahalayan ng mga Jonin na yan sa loob ng gobyerno...

at sa lahat ng mga Jonin at Chunin na nasaktan sa pahayag ni Attorney Anderson..
eh mga imbecile nga kayo kung ganun kababaw ang logic na gamit ninyo..
pwede naman nilang isipin na nagkamali lang sila ng ibinoto dahil hindi naman nila lubusang kilala yung isa, pero sa halip eh naisip nila na mga imbecile na din sila..
aw! ang hihina ng IQ..
sayang ang pinapasuweldo sa inyo ng mga mamamayan... :(

was feeling , mga ganung abogado yata ang kailangan ng bansa na 'to...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Whole Week of July 2017 (Need You)

July 22, 2017...

[V-League]

Creamline versus UP

didn't watch..
still watching BOTR... :D

anak ng!
parang BOTR rin ang istorya..
from 0-2, naghabol para maging 3-2...

last 1 match na lang..
Perlas ang huli nilang problema..
Ateneo versus Ateneo yun...

was feeling , salamat ulit team sa pagtulong niyo kay Morado...

>
[V-League]

BOTR - Battle of the Rivals

hindi nga todo na All-Star ang DLSU..
ang sarap pakinggan na 3 time Champion lang yung karamihan sa kanila, at yun ay dahil 2 beses binasag ng ADMU ang dynasty nila..
aw, wrong spelling para kay Morante sa introduction..
at si Cainglet lang yung walang Championship title sa kanila...

parang PVL versus PSL ang laban..
it only shows na hindi rin naman iwan ang PVL kahit na karamihan ng height at skills ay nasa PSL na..
pero astig talaga si Morado, walang takot, ginagamitan ng trick shots maging ang DLSU..
at si De Jesus, wala talagang kinatatakutan na blockers..
pero parang hindi nakalaro si Madayag...?

Set 1, 17-25, talo dahil sa errors ang ADMU..
Set 2, 21-25, nahabol naman ang kalamangan ng ADMU mula sa 2nd technical time-out..
Set 3, 25-19, ADMU naman ang naghabol, DLSU naman ang lamang sa errors, parang pinahina ang La Salle with Cha Cruz playing Libero, pero ambangis nung kinalaban ni Morado si Maraño sa joust sa net..
Set 4, 25-21, lamang ang ADMU mula umpisa..
Set 5, 15-13, palitan ng lamang, kaso mahaba yung naging pahinga ni Fajardo though maganda rin naman yung nagawa ni Saet while playing Setter...

still can't say na epic yung naging laban..
siguro parang Season 76 rin, pero andun si Gumabao..
hindi pa rin masasabi kung sino talaga ang mas malakas dahil wala si Kim Dy at ang adik sa bola na si Macandili..
pero hindi na masama..
natalo na nga sa wakas ni Valdez si Gumabao..
at natalo na ulit ni Morado si Fajardo..
maging si Cainglet eh nakakuha na ng panalo laban sa hindi nila matalo noon na DLSU...

plus, MVP pa si Morado ng team nila...

was feeling , a win is a win...

---o0o---


July 23, 2017...

[Video]

just added to my Stripper Playlist... <3

na-LSS nang dahil sa kapitbahay..
puros green at explicit na rap songs ang playlist nila eh...

Need You..
by Bosx1ne, JRoa, Skusta Clee, Emcee Rhenn, Flow-G, Bullet-D & Kent MNL...



feeling , anak ng mga F*ckboy...

>
nakalimutan ko palang i-log 'to last week...

a few days after kong mag-release ng 2nd chapter..
nakatanggap kaagad ako ng offer..
mula sa isang grupo na naka-base sa Canada..
kailangan daw nila ng animator para sa ginagawa nilang project..
kaya inalok ako kung tatanggap ba ako ng commission...

kaso na-overestimate naman nila ako..
nasa still images pa nga lang yung kakayahan ko eh..
ni hindi pa nga kumpleto yun..
tapos pagagawin kaagad ako ng animation...?

kaya ayun, tinanggihan ko rin..
delikadong sugal kung tatanggap ako ng project na ni hindi ko nga gamay..
magbubuwis ako ng oras para mas matuto, pero wala namang kasiguraduhan kung tatanggapin nga nila yung trabaho ko sa bandang huli..
considering na rin na low-level na computer system lang yung gamit ko ngayon..
kaya focus na lang muna sa series...

was feeling , thanks, but no thanks for now...

>
[V-League]

parang nabaliktad yung sitwasyon ng Power Smashers at Air Force..
mas mahina na ngayon ang Power Smashers, samantalang ang laki ng inilakas ng Air Force..
isang banta na ngayon ang Air Force...

AdU versus Pocari

malas naman..
wala ang main Setter ngayon ng AdU..
Set 1 lang yung maganda..
pero nawalan na naman sila ng loob..
si Galanza lang talaga yung lumalaban... :(

was feeling , maghihintay na lang ulit ng UAAP.. sana pwede ulit maglaro si Galanza sa Creamline kapag natanggal na sila sa liga...

---o0o---


July 24, 2017...

[Online Marketing]

busy day..
simula kahapon pa..
kaya halos wala akong nagagawa sa project ko...

may buyer na ulit kasi sa eBay..
nakabayad na ng electronic money, kaya inasikaso ko muna yung package..
okay naman na, at nasa LBC na yung item...

last 2 items for sale...

tapos diretso sa grocery after sa courier..
pero ilang linggo ko nang hindi nakikita si Emoji Girl... :(

was feeling , sana magtagumpay ulit yung shipment...

---o0o---


July 26, 2017...

[V-League]

AdU versus Bali Pure

talo na ulit ang Lady Falcons..
pero nakakuha naman ulit ng 1 set...

parang tanga naman ang S&A eh..
mas pinipili pa nilang magpalabas ng mga replay na episodes kesa ipalabas ng live yung PVL..
eh ilang beses nang paulit-ulit yung UAAP eh...

was feeling , naman.. deliver the goods...

---o0o---


July 27, 2017...

just received my 6th Resident Evil Blu-ray copy..
The Final Chapter...

kaso wala na sa tin can..
at isa pa, hindi kasya ang packaging nitong latest sa Blu-ray collection box ko...

mamaya ko na lang papanoorin...

was feeling , sa wakas! nakumpleto ko na...

>
may 39th retirement na rin...

nagdi-deplete na naman ang lineup nila..
at mukhang may struggle for them lately..
napansin ko kasi na napipilitan si Miss Al na pababain nang husto ang value niya..
eh halos luminya siya sa mga lower ranks sa kanila eh..
marami rin sa kanila yung madalas na mag-participate dun sa promo nila..
halos papatay na rin yung isang network na kinabibilangan nila dahil sa pagkagahaman ng mga tao dun...

bumalik naman na yung isa nilang bigatin..
pero hindi pa rin nagpaparamdam ulit si Miss C...

naisalba ko naman yung contacts ko dahil sa isang bagong network na nahanap ko...

was feeling , paano na kita makikita ulit niyan...?

---o0o---


July 28, 2017...

panibagong bagyo...

sabay-sabay na nga ang mga mamahaling gastusin..
yung pagbabayad sa Php 200,000 na loan..
yung pagbabayad sa Php 30,000 plus na laptop..
eh isinakripisyo na nga yung buwanang budget sa bigas para lang masunod na lahat ng putang inang luho ng demonyong yun eh..
kanin na nga lang yung pwedeng ipanglaman sa tiyan, tapos yun pa talaga yung isinakripisyo..
tapos ngayon eh ipinilit pa na sa Cavite mag-OJT..
sa ngayon eh mahigit sa Php 500 ang gastos araw-araw..
maige sana kung nakaka-sideline pa yung ina niya, kaso dahil sa mga alagain sa kapitbahay eh hanggang libre sa pang-ulam na lang yung meron siya..
slavery kapalit ng pagdamay sa pang-ulam, wow...

kesyo daw baka i-absorb nung company after ng OJT..
i-absorb..?
tanga ba siya, eh may isang school year pa siya sa kurso niya, at mga incomplete pa nga ngayon yung ibang mga subjects niya..
tapos nag-i-imagine sila na ia-absorb na kaagad nung kompanya..?
meron bang tanga na kompanya na gugustuhing kumuha ng empleyado na ni hindi nagigising sa sariling alarm niya sa umaga..?
meron bang tanga na kompanya na maghahabol sa isang empleyado na iniaasa pa sa ina ang halos lahat ng bagay..?
yung klase ng tao na busy at nagpupuyat sa gabi dahil sa paglalaro ng computer games sa mamahalin niyang laptop, tapos saka magmamadali sa mga dapat niyang gawin kapag kaorasan na..
kung night shift siguro, eh baka pwede pa yung hanggang 11:00 PM na gising...

tapos ako na naman ang sisisihin dahil sa cellphone..
mga putang ina ninyo!
yun ngang tig-Php 500 eh maya't maya ang bagsak sa sahig dahil nga walang pakialam sa halaga yung demonyong yun..
tapos magde-demand pa na smartphone ang dadalhin sa Cavite..?
gustong magpa-repair ng sirang iPhone 5 para lang maipagyabang na meron siyang iPhone..?
mga putang ina ninyo!
hindi ko kasalanan kung nawala ng basurang yun yung bagong smartphone niya within a f*cking week..
gusto nila ng sagot sa isyu na yun..?
putang ina! mag-ipon at bumili ng sariling cellphone, para maramdaman naman nung demonyo kung paano mawalan ng bagay na pinaghirapan niya...

tang ina!
Cavite, kayo na nga ang bahala sa demonyong yan..
banggain ninyo..
o pagbabarilin..
o gripuhan ng ilang libong beses..
basta pakipatay na please...

was feeling , eh kung i-submit ko kaya yang mga pangalan ninyo sa Double Barrel Drop Box...?

---o0o---


July 29, 2017...

so yung Despacito ay kanta tungkol sa slow penetration...?

is feeling , isa na namang variation ng Deep Inside of You...

>
wala munang trabaho ngayon..
magde-design muna ng trophy para sa liga..
pambayad utang na loob...

is feeling , Photoshop challenge na naman...


Friday, July 21, 2017

Congratulations, Evil!

ang ganda na sana nung bago pa lang magsimula eh..
andaming nagsusukuan..
andaming takot..
pero parang naging pakitang-tao lang ang lahat sa bandang huli...

sa ngayon, patuloy pa rin ang maraming masasamang tao sa kanilang mga gawain..
ang mga usual na kriminal sa mga lansangan..
ang mga sindikato ng panloloko..
ang mga armadong grupo..
ngayon nga eh di hamak na lumakas ang industriya ng tumbahan..
andiyan pa rin ang mga tiwaling mga tagapagpatupad ng batas..
at andiyan pa rin ang mga magnanakaw na empleyado ng bayan...

---o0o---


update ulit (128 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
  • yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
  • yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020
  • yung pahiwatig na gusto niyang ipatupad yung Martial Law na katulad nung sa Dictator Clan
  • ang paulit-ulit na pagre-relate ng mga tao sa kanyang mga rape comments na para bang ginagawa pang katatawanan ang bagay na yun

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • sa Ozamiz City, yung pagpatay o pagtumba daw ng mga pulis sa grupo ng mga suspek, at tila i-d-in-isplay pa ang mga bangkay nila sa harap ng munisipyo
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • sa Tondo, yung 2 lalaki na napatay ng mga pulis dahil nanlaban daw, at tila binutas-butas pa daw yung katawan, pero nakunan naman ng CCTV yung maayos nilang pagsama sa mga pulis
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
  • sa Ozamiz, yung nakunan ng video na pananakit ng isang police chief inspector sa isang nahuling suspek
  • sa Quezon City, yung pulis na dati nang nasuspinde, na inaresto dahil sa pambubugbog daw sa kanyang stepson
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • yung pulis na nang-rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
  • yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
  • sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
  • yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
  • sa Mandaluyong, yung 2 lalaki na hinuli dahil sa pag-iinuman sa kalye, pero nakunan ng cellphone video na pinagpapapalo ng kahoy ng isang pulis
  • yung sa General Trias, Cavite, yung 3 pulis na nang-torture rin daw ng 2 preso at pinilit pa yung 2 na maghalikan habang nanonood sila
  • sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
  • sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
  • sa Rodriguez, Rizal, yung road rage na nauwi sa barilan sa pagitan ng isang pulis at isang retired US navy, dahil dun ay nadamay at nabaril yung pasahero nung US navy 
  • sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
  • sa Taguig, yung magkakasabwat na mga barangay officials at isang pulis sa pangingikil sa mga taong hinuhuli nila
  • yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
  • sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
  • yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga at miyembro rin daw ng sindikato
  • yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
  • yung nasa 160 pa na mga pulis na inire-recommend ng PNP-IAS na pagsisibakin na dahil sa involvement nila sa ilegal na droga
  • sa Bacolod, yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
  • sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
  • sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan
  • yung babaeng biktima daw ng tanim-droga teknik ng 11 Pulis Malabon

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
  • sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
  • yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
  • sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
  • hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
  • sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
  • sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
  • yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa
  • sa Tondo, yung taxi driver, na kolektor daw na asset ng mga pulis, na itinumba ng riding-in-tandem, kaso ay tumagos pa yung bala sa ulo nito kaya may babaeng nadamay at natamaan din
  • yung pagtumba sa foreigner na sangkot daw sa ATM skimming
  • sa Caloocan, yung tricycle driver na itinumba sa hindi pa malamang dahilan dahil wala naman ang pangalan niya sa listahan ng mga drug-related personalities, at may nadamay at natamaan pa na ibang tao sa pamamaril na yun

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan 
  • regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
  • sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
  • regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
  • dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
  • yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
  • ang naging pag-atake sa Resorts World Manila
  • yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
  • yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
  • sa Lanao del Norte, yung bilanggo na pinatay sa loob ng kulungan ng mga kakosa niya
  • yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
  • eh yung pagtutumba sa mga persons of interest na iniuugnay sa Bulacan Massacre, gayung dapat ay pinoprotektahan na sila ng mga pulis para naman mapalabas talaga yung totoo tungkol doon sa kaso
  • yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
  • yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
  • yung problema sa mamahaling elevator para sa pedestrian overpass sa Lipa City
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
  • yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
  • ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
  • yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR
  • sa Pandacan, yung 7 buwan na sanggol na nagtamo ng 3 tama ng baril dahil sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa kanilang lugar
  • follow up para sa 7 months old na sanggol news, hindi pala nagkusa yung mga pulis na imbestigahan kung sinu-sino nga ang totoong nakabaril doon sa bata, at may claim pa na diniktahan lang daw para pumirma sa affidavit yung lola nito
  • sa Pasay, yung itinumba na negosyante na may-ari ng furniture shop na hindi daw kaagad hinayaan ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung 73 y/o na lalaki na nakaladkad at nagulungan pa daw ng bus, na hindi na naman hinayaan kaagad ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung kuwestiyonableng naging kahinaan ng seguridad sa Marawi sa kabila nang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao, sa kabila ng patuloy na mga bantaan mula sa magkabilang panig, at sa kabila ng pagkakaroon ng malaking halaga ng intelligence fund
  • yung pagkatumba sa 4 na suspected na miyembro ng Maute habang ibinabiyahe sila, ito ay sa kabila nang may ipinapatupad ng Martial Law sa region na yun
  • yung lalaking napagkamalan daw na miyembro ng Maute at hinihinalang t-in-orture ng mga sundalo
  • yung may mga nangyayari pa rin daw na nakawan sa mga lugar sa Marawi na kontrolado na ng mga militar
  • yung posibilidad daw na nakatakas na yung mga lider ng mga terorista sa lugar ng digmaan, gayung may claim rin ang mga awtoridad na kesyo natunugan naman daw nila yung tungkol sa pagtakas
  • yung pagpapadala ng mga tiwaling pulis sa lugar ng digmaan, sa halip na sibakin na sila sa trabaho at hindi na pasuwelduhin pa ng mga mamamayan
  • yung pagpapababa daw ng DOJ sa kaso ng Marcos Police Group
  • kasali pala yung Dictator Clan sa problema ngayon sa Norte

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • ang maya't mayang pagpapalabas ng fake news o mind-conditioning news ng mismong mga nasa katungkulan
  • yung mali-maling listahan na inilabas ng Napolcom
  • yung Oplan Cyber Tokhang
  • yung mga sundalo sa Marawi na napatay sa sarili nilang air strike na laban sana sa mga terorista
  • yung isa pang air strike na sa labas naman daw ng Marawi nangyari
  • yung isa na namang air strike na nakapatay sa sariling mga kakampi, pangalawa yata yun na nakapatay at ikatlo ng error
  • ang maya't mayang pag-target ng gobyerno sa basic needs para gawing gatasan ng buwis
  • yung naaprubahan na 24% increase sa cargo handling tariff
  • eh yung pati pagkanta sa Pambansang Awit ay balak nang lagyan ng limpak-limpak na halaga ng penalty
---o0o---


July 17, 2017...

sa Quezon City..
yung pulis na inaresto dahil sa pambubugbog niya sa kanyang stepson..
kesyo pangdisiplina daw niya..
kaso noong tinanong na kung bakit ginulpi yung anak-anakan, eh hindi niya rin masabi kung anong dahilan niya..
nakainom rin daw yung pulis na yun noon eh, at tsaka dati nang nasuspinde...

was feeling , yan tayo eh...

>
sa Bacolod naman..
yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation...

was feeling , andumi ng sarili nilang bakuran, pero hindi naman itinatapon ang lahat ng basura...

>
so ka-congra-congratulate pala kapag nasa tipo ng Miss Universe ang ni-rape ng isang tao, despite knowing na mauuwi siya sa tumbahan...?

ayos ang turo mo Hokage na Mahilig...

was feeling , nakaturol yata 24/7 yang sa'yo eh...

---o0o---


July 19, 2017

Martial Law ang sagot ninyo laban sa banta ng terorismo..?
parang sinabi ninyo na forever na Martial Law na nga lang ang pag-asa... :(

puwes, eh kulang ang hanggang sa dulo ng taon kung nakakalimutan ninyong mag-isip..
hindi lang Maute ang demonyo ng Mindanao..
at may claim pa nga na may mga miyembro sila na nakatakas na mula sa giyera, meaning may kakayahan pa silang ma-revive..
andaming grupo dun na madalas na naghahasik ng lagim..
eh halos lahat ng may armas na grupo sa area nila eh may kakayahan na maging banta eh, maging yung mga private army nga..
naalala niyo ba kung sino ang totoong nag-massacre sa SAF 44 na tila hiyang-hiya kayo na habulin at pagbayarin...?

armas ang totoong kalaban sa Mindanao, at maging sa buong bansa..
sobrang dami nga lang ng grupo sa kanila...

kung meron mang Martial Law na kayang tumapos ng kasamaan at kaguluhan..?
yun eh yung estilo ng Martial Law ng Dictator Clan, pero itutuon mo sa tamang mga target..
patayin na lahat ng walang authority na magbitbit ng baril sa Mindanao..
hindi yung ang ta-target-in eh lider ng mga militante at aktibista..
basta tama ang target; edi dukutin, torture-in at paaminin pa kung sinu-sino pa ang mga kakampi , at patayin...

pero ang tanong siyempre eh kaya ba ng gobyerno na maging accurate...?

was feeling , let's face it.. pagpatay na rin lang talaga ang tanging paraan para burahin yung mga mas delikadong mamamatay tao dito sa bansa...

---o0o---


July 20, 2017...

ang gugulo nung mga taga-Marawi...

totoong may kasalanan rin ang mga kinauukulan kung bakit ganun ang kinahantungan ng terorismo sa bayan nila..
pero yung bumalik doon sa lugar habang hindi pa tapos yung giyera..?
parang kalokohan naman yun...

kesyo gusto daw makita yung lagay ng mga tirahan at ari-arian nila..?
bakit, hindi ba sila pinapapanood ng TV sa evacuation site para hindi nila malaman na malala na yung lagay ng bayan nila..?
para hindi nila malaman na hindi pa ligtas doon..?
eh umaabot pa nga yung mga ligaw na bala sa kapitolyo ng probinsiya nila eh..
tapos naiisip pa nilang mag-sightseeing...?

anak kayo ng mga pating!
hindi nga daw mabomba nang husto yung mga terorista dahil may mga hostage pa..
tapos gusto ninyo na bumalik na doon sa lugar ninyo..?
mga biktima ba talaga kayo o mga sympathizers..?
baka mamaya may makapagpuslit lang ng mga armas at pagkain para sa mga Satanistang yun nang dahil sa plano ng mga makukulit na yun..
o di kaya baka dumagdag lang sila sa mga hostage dahilan para hindi lalong masugpo ang mga lintik...

was feeling , palpak nga yung intel ng gobyerno.. pero hindi ba parang mas malala yung lagay ng intelligence ninyo sa mga pinaplano nyo na yan...??

---o0o---


July 21, 2017...

 sa Caloocan...

yung tricycle driver na itinumba ng riding-in-tandem..
na wala naman daw sa listahan ng mga drug-related personalities..
ang masama pa nun ay may iba na namang natamaan sa pamamaril na yun...

ano kaya yun..?
target dahil sa ibang bagay o conflict..?
o nagkamali ng pinatay yung mga tagatumba...?

kung seryoso talaga ang gobyerno na hindi nila tino-tolerate ang mga tumbahan..?
sa dami ng tumbahan na nakunan ng CCTV, kahit pa mga nakamaskara at walang plaka ang motor ng mga yun..
edi sana marami na silang naipresenta sa media na mga suspek..
pero anong dahilan at bibihira yung mga nahuhuli na ganun ang trabaho..?
kadalasan pa eh mga napapatay sa operasyon yung sinasabi na involved sa gun-for-hire (edi hindi na maiimbestigahan ang mga yun)..
samantalang yung mga kaso na wala namang kuha ng CCTV, at base lang sa mga istorya ang ebidensya eh nagagawa naman nilang aksyunan nang mabilis...?

baka naman hindi na lang talaga nila nilulutas yung mga kaso dahil nga hinusgahan na kaagad nila na masasama nga yung mga itinumba...

was feeling , ni hindi nila maisip na tadtarin ng checkpoint yung mga lugar kung saan madalas ang mga tumbahan...

>
sa Samal Island...

yung pageant winner na ni-rape daw at pinatay pa...

ano po pinunong Hokage na Mahilig..?
hindi siya pang-Miss Universe, pero sumasali sa pageant..
iko-congratulate nyo na po ba yung gumawa nun, maging kapalit man ang kanyang sariling buhay..?
at itutumba na rin po ba yung suspek dun sa kaso kahit wala pang masusing imbestigasyon...?

was feeling , kung sa sarili ba niyang mga anak na babae mangyayari yun, magagawa pa rin ba niya na mag-joke o humirit ng tungkol dun...?


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of July 2017 (Out of the Black Market)

July 15, 2017...

4 months na rin nga pala ngayon si Unit 02...

was feeling , 8 months pa...

---o0o---


July 16, 2017...

[V-League]

Creamline versus Pocari

nice one, Morado!
natalo na rin sa wakas ni Baldo ang Pocari..
yun nga lang, mukhang matatapos na rin yata ang streak nila..
iiwanan na ni Baldo si Morado..
mababawasan na naman ng attacker si Morado..
salamat National Team... :(


Battle of the Rivals

hala!
nakita ko sa Twitter yung bagong lineup..
ewan ko lang kung yun yung totoong mga maglalaro..
pero yari ang Ateneo sa ganung lineup ng DLSU...

was feeling , pwede bang yun na yung Championship Match..? paalis na si Baldo eh...

>
[V-League]

AdU versus UP

naman!
talo na ulit sina Galanza..
maganda ang Set 1, at nakuha nga nila yun..
natambakan sila sa Set 2 pero maganda yung ginawa nilang paghabol, tipong pwedeng pagkunan ng momentum para sa mga susunod na sets..
kaso iba ang kinalabasan, at tinambakan sila sa Set 3..
maganda ulit ang Set 4, AdU ang hinahabol, at una pa nga silang nakatuntong sa 20 points..
kaso nanlaban at tinapos na ng UP yung Match after 4 Sets para makuha nila ang kauna-unahan nilang panalo sa PVL...

as for Permentilla, off yung laro niya ngayon eh..
malungkot na naman tuloy si Coach Padda...


Battle of the Rivals

leche!
huli ko na nabasa..
wala palang schedule ng live TV broadcast..
1:00 PM pa naman ay naghihintay na ako..
July 22 daw yung schedule ng broadcast eh, by 6:00 PM...

noong oras ng balita, sinabi nga na lamang ng 2-0 ang DLSU..
naisip ko tuloy na wala na yun, na talo na..
nagulat na lang ako noong nabasa ko yung naging resulta nung laban..
nanalo pa ang ADMU sa paghahabol..
hindi ko pa napapanood yung laban, kaya hindi ko masabi kung scripted ba yung resulta o ano..
pero tiningnan ko nga rin yung actual lineup na naglaro; pinalakas yung sa ADMU, samantalang hindi 100% yung sa DLSU, kumbaga eh hindi yun yung Best Lady Archers..
pero kung totoo nga yung naging panalo ng Ateneo, eh magandang pambawi ng karangalan yun para kina Baldo at Morado..
at sa wakas ay natalo rin ni Baldo si Gumabao...


National Team

at yun nga..
malalagay sa alanganin ang Creamline kapag nawala na si Baldo..
basically, walang kayang sumalo ng posisyon niya bilang Outside Hitter, since wala na rin nga sa kanila si Galanza..
sa pagkatanda ko eh sa loob ang laro ni Balse eh, Middle Blocker yata...

at ang request ni Baldo sa mga teammates niya..?
at least mag-secure ng puwesto para sa Semi-Finals na mukha namang sigurado na kahit papaano...

was feeling , nagulo na yung liga...

---o0o---


July 17, 2017...

negative update...

may 38th retirement na..
medyo hinabol ko rin nga na makatrabaho yung isang yun..
kaso siya yung tipo na madalas na mag-NO sa akin..
isa pa naman siya sa may dating ang itsura..
at talagang nagdi-deplete na yung lineup nila sa panahon ngayon...

was feeling , pero nandun pa rin yung pangalan niya...

>
sa wakas, tapos na rin sa 2nd project..
took me 37 days para sa pagre-render..
at 9 days sa Photoshop (with day off)..
bale 46 days kumpara dun sa dati na 45 days..
okay sana kung ganun nga yung magiging average...

nai-submit ko na rin..
maghihintay na lang ulit ng approval..
hopefully, makahatak pa ng ibang buyers yung release nung chapter 2..
yung tipong bibilhin rin nila yung chapter 1 para masundan na nila yung istorya...

was feeling , good luck ulit!

---o0o---


July 18, 2017...

[Gadget-Related]

matapos lumagpas sa 500th charge yung tablet ko..
mukhang nag-deteriorate na ulit yung battery niya...

dati kasi nasa 1% hanggang 3% lang ang nababawas sa maghapon na naka-standby siya..
pero ngayon, more than 10% na sa maghapon, at nasa 9% within 7 hours...

was feeling , mga device nga naman...

>
approved na rin kaagad yung 2nd project...

nag-set muna ng 2 bagong characters, at may 2 pa na dini-design..
hindi ko pa alam kung anong gagawin ko para sa 3rd project..
yung iniisip ko kasing script eh para sa November pa, sa panahon ng katatakutan...

also considering some revisions para sa mga susunod na projects..
mukhang kailangang mag-adjust ng mga font size, para magmukhang mas may space ang bawat page...

was feeling , ang target ay hanggang August 10...

---o0o---


July 19, 2017

bad news..
na-kick out na ako sa black market...

wala eh..
naggahaman na yung mga tao dun..
for security daw..
pero pera lang naman talaga ang habol..
ginawa na kasing trabaho yung ganun sa halip na sideline lang..

malaki pa yung bayad kumpara sa bill namin para sa tubig per month eh..
kaya pass na ako dun..
bahala sila, magsama-sama silang bumagsak...

at ang bad news nga..?
eh sumabay pa yung pagka-kick out ko sa pagkawala nung contact detail nung target ko na taga-Pasay..
tapos hindi ko rin nakopya yung link para sa application form niya..
kaya naman wala na akong paraan para maka-connect pa sa kanya... :(

was feeling , putol...

>
[TV Series]

buti na lang at may Love in the Moonlight na ako tuwing umaga..
pero hanggang pakikinig na lang ako..
bawal nang tumutok sa TV eh...

PS: salamat kina Val Balita..
hindi magiging pang-umaga 'to kung hindi dahil sa palabas nila sa Southern Tagalog tuwing hapon... XD

was feeling , makiki-kilig na lang sa iba...

>
[V-League]

Creamline versus Power Smashers

cool versus power..
si Morado na ngayon ang Captain ng Creamline kahit na siya ang pinakabata (yata) sa team...

maganda ang laro considering na wala na nga si Baldo..
nakita talaga ngayon sa Creamline yung team effort..
3-0 Sets, at sa lahat ng yun eh Creamline yung naghabol sa bandang dulo..
hindi ko masyadong napanood yung 1st Set, pero si Morado yung tumapos dun..
sa 2nd Set naman kung saan natambakan ang Creamline, eh si Vargas yung nakaisip ng diskarte kontra Power Smashers, basta nadaan niya sa mga drop ball at off speed eh..
sa 3rd Set naman eh puros si Soriano na yung bumira sa middle sa bandang dulo na parang nawalan ng depensa laban sa kanya ang Power Smashers..
maging sina Racraquin at Bravo na hindi naman mga power- at speed-type na attackers eh naka-contribute din, lalo na si Bravo noong 2nd Set..
dahil dun ay nasa 5-0 na ang Creamline, may last 2 match na lang sila, at sigurado na para sa Semifinals...

nakakapagtaka nga lang sa Power Smashers at 3 beses nilang hindi naisara yung set...

was feeling , hooo! salamat sa pagtulong kay #12 Morado...

>
nag-ayos na muna ng apartment...

tapos pag-a-assign ng costume para sa mga bibida sa 3rd project...

in addition, may mga nakukuha pa akong ibang materyales na mas nagpapalawak sa library ko..
kaya mas lumalawak rin yung kakayahan ko para makagawa ng mga easy characters...

was feeling , umpisa na ulit...

---o0o---


July 21, 2017...

madami na namang natutunan...

may paraan na ako para makagawa ng sarili kong mga backdrop...

tapos..
ayos na rin yung ilaw nung apartment..
wala pa rin ako sa level ng paggawa ng sarili kong lighting setup para makapag-mimic ng lighting sa totoong mundo..
pero sa ngayon, magagamit ko yung emission properties bilang stable na light source...

was feeling , umpisa na ulit ng pagbuo ng mga eksena...

---o0o---


July 22, 2017...

[Gadget-Related]

ayos!
nadaan naman sa restart yung tablet ko...

after 2 or 3 charges, na kumakain siya ng 21% ng battery sa maghapon at 9% sa magdamag habang naka-standby lang..
eh are at naibalik ko na siya sa dati..
2 to 3% na lang ulit ang nagagamit niyang battery sa magdamag..
at maikli na lang ulit yung charging time niya...

mostly probably sa software yung error na yun..
dahil software naman ang nagdidikta kung paano gagamitin at paano muling pupunuin yung battery eh...

is feeling , buti na lang.. buhay pa after 3 years...

>
[Online Marketing]

okay naman yung sales ko for July..
merong mga naa-attract na bumili pa nung 1st chapter matapos kong ilabas yung 2nd chapter..
bale madali namang makita yun dahil magkasunod nga yung purchase nila..
siyempre yung iba eh mga dati nang bumili nung 1st chapter kaya nabili rin sila nung padalawa..
pero sana lahat nga nung buyers nung naunang chapter eh bumili rin nung bagong release...

in addition..
may bidder na ulit ako sa eBay..
at sana ay maging pulido ulit ang transaction na 'to..
bale, kakain ng oras yung paggagawa ko ng custom box at yung pagsi-ship nun...

is feeling , buti na lang may pagkakaiba sa purchasing power ng mga bansa...