Wednesday, April 16, 2014

Random Thoughts (February 2014)

February 18, 2014...

naman!
kung balak mong i-download lahat ng mobile-compatible mp4 content ng buong iyoTube site - eh kalabisan na yun!!
ire-request mo saken na iwanan kong bukas maghapon yung pangHIRAM lang na Wi-Fi router para lang makapag-download ka ng mga Pinoy scandal..
ay eh eh naman!
ni walang makikitang art sa mga yun eh..
purong bastusan lang..
hindi pa ga naman sapat na nakita mong kumangkang si Wally ng EB Babe..
sobra na eh..
pati pag-aalaga ng sanggol eh pinababayaan makapanood lang ng bold... 
feeling , sino ga ang totoo kong ama..?

ako pa ang nasisisi kapag nagdi-disconnect ang internet... >,<

---o0o---


ang pinagkakaabalahan ko lately..?

nagmimina ng tanso mula sa mga patapong kable..
kesa naman masayang lang talaga..
mga 2 kilos eh pwede na..
pambili rin ng flowers, haha!

yun nga lang..
talo pa sa sakit ng kamay at lintog sa mga daliri... XD


---o0o---


February 19, 2014...

naalala ko lang..
may nakagawa na pala nung isa mga scientific concepts na naisip ko a few years ago, na isinasama ko sa mga technologies na nag-e-exist doon sa manga universe na ginagawa ko...

may na-feature kasi noong isang araw sa news..
water-magnified (o basta liquid) na solar rays para sa mas efficient 'daw' na conversion ng solar energy into electrical energy..
70% more energy..?
ang pinagkaiba lang nung konsepto namin eh water-magnified nga yung kanila through a spherical glass-like medium..
wala lang..
sayang!
kung may pondo lang ako eh sana naka-imbento o nakapag-innovate na pala sana ako ng isang useful na bagay... 

feeling , tsk! sayang yun...

---o0o---


slight naughty encounter...

kanina kasi..
nasa may terrace ako nang biglang may dumaan na mga nag-aalok ng produkto..
may kinalaman yata sa O Shopping ng ABS-CBN..
isang babae at isang lalaki na parang 'may chance'...

may itsura yung babae..
ang totoo, medyo kahawig niya yung dati kong girlfriend..
pero naka-eyeglasses siya......

medyo nakakatawa sila..
kasi sa pagiging maboka nila (i assume, base sa trabaho nila), eh parang sila na mismo yung naliligaw sa daloy ng usapan...

nung nagsimula na kasi akong kausapin sila, eh bigla na silang nagsa-side-comment..
kesyo akala daw nila eh babae ako nung lapitan nila ako..
tas sabi pa nung babae eh, ang haba daw kasi ng buhok ko at mukhang babae daw yung iba kong features (naman..?)..
then sumabat yung kasama niya, baka naman daw artist ako (meron pa naman palang marurunong mag-isip dito sa mundo - eksakto!)..
edi sumagot ako na 'oo', line artist ako..
tapos naging makuwento na yung lalaking parang 'may chance' at kinausap na ako ng kinausap tungkol sa hobby ko..
balak pa nga akong i-refer sa isang grupo ng mga local animators/artists eh..
tumanggi na lang ako at sinabi ko na mas gusto kong magtrabaho nang mag-isa...

anyway..
sa gitna ng pag-uusap namin..
eh bigla na lang nagtanong yung babae..
eh drawing na full body kaya mo..? (may pag-mustra pa sa katawan niya, sabay tawa nung dalawa sa sarili niyang tanong)..
nabigla ako dun sa tanong niya..
hindi ko alam kung may meaning yung pagtawa nila o ano, o kung ako lang ba yung nagbigay ng meaning..
eh kasi naman..
noong nakita ko yung pagkakamustra nung babae sa figure niya eh nude painting yung kaagad na pumasok sa isip ko na balak niyang ipagawa..
nahiya tuloy ako, tas ibinaling ko na lang yung paningin ko doon sa ginagawa ko..
tas nung tanong pa rin sila ng tanong kung magkano, eh sabi ko na yung anime type lang yung mga dino-drawing ko..
ayun...
 

feeling , bastos...


No comments:

Post a Comment