Friday, August 26, 2016

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Whole Week of August 2016 (Perpetual Delay)

August 21, 2016...

done with the renovation - pero sa first phase pa lang..
naubusan lang ng budget sina manager...

pero sa Monday pa makakapag-start maglinis..
may commitment na for today eh..
rain or shine..
may meeting...


susubukang maiahon lahat ng natigil na nano-business starting next week...
feeling , 632 MB left...
---o0o---


August 22, 2016...

day 1 ng paglilinis..
parang naputukan ng bulkan sa dami ng gabok..
as expected, hindi kaya ng isang araw..
tang ina, nabalian pa ng kamao...
feeling , no resource for today...
>
mukhang may bago ring retirement for today...
feeling , operation Pokwang...
---o0o---


August 23, 2016...

pasado 9:30 PM na nakatapos kagabi ng paglilinis..
pero hindi pa rin ayos ang kuwarto..
hindi pa rin nalilinis ang Level 1 at Level 2 ng cabinet...

pero tigil rin muna sa paglilinis ngayong araw..
kailangang gumawa ng alphabet booklet para sa bata...


ang ref, hindi pa rin nalilinis..
at andaming gamit na kailangang labhan dahil sa gabok...
feeling , lesson learned - huwag magpa-renovate ng bahay kapag may mga gamit na at nakatira sa loob nito...
>
confirmed..
that's the 21st retirement...

naglilinis na rin sila ng mga records nila...

as for that Happily Married Rich Old Client..
kasama naman niya kahapon sina Miss H at Miss Ab..
mukhang humina nga ang raket nila, para makipag-deal ulit si Miss H sa matandang yun...

ako naman..
wala eh..
wala talagang nagbe-verify para sa akin..
o baka dahil napalitan ang pangalan ko... :(
feeling , nakaka-miss...
>
tapos na sa kid's stuff..
hindi pa tapos sa paglilinis..
yung mga dati kong computer components, ibinenta ko na sa mangangalakal dahil nakakatamad nang mag-ayos ng mga yun - kumita naman ng Php 60.00..
tapos sarado pa rin ang ice business... :(
feeling , 566 MB left...
---o0o---


August 24, 2016...

[Public Interest]

hindi magastos..?
walang special treatment para sa mga okasyon..?
walang palakasan system...?

mukhang sinabi lang lahat para ma-mind condition ang mga tao noon..
pero wala naman talagang tinutupad sa mga yun..
puros bluff lang...


at sa laki ng budget ngayon kontra sa drugs, eh takot pa rin silang magdala ng mga camera sa mga operasyon..
ni wala pa rin yatang namamatay at nata-tag na mga elite sa lipunan, mararangya, celebrity, at iba pang kilalang tao..
kapag kilalang tao ka - biktima ka ng droga..
pero kapag mahirap ka lang at may record ka na noon regarding drugs - sacrificial lamb ang bagsak mo...

ang consistent na lang sa mga pangako niya noon eh itong bloody government...

totoong maganda yung aim nila, though parang imposible dahil aminado sila na hindi naman nila kayang sugpuin ang mga sindikato ng droga mula sa labas ng bansa..
totoo rin na matagal nang may mga napapatay na inosenteng tao, na matagal nang nangyayari ang mga pag-atake ng mga vigilante..
kahit mismo sa Davao eh hindi natigil ang vigilantism since as early as 1998..
kaya malamang na hindi na rin talaga masugpo ang mga yun..
pero hindi pa ba obvious na marami na ang gumagamit sa War on Drugs just to serve their own motives...?

mga tiwaling pulis at government officials na naglilinis ng traces nila..
mga mismong sindikato..
mga vigilante..
baka nga pati mga gang eh nagagamit na pagkakataon yun para sa kanilang initiation rights..?
dahil sa go signal na pwede silang pumatay ng mga suspek, basta ba nanlaban ang mga ito..
kaya naman lahat ng mga namamatay ngayon eh sinasabing nanlaban daw - dahil yun na yung palusot na inihanda para sa kanila para mas mapabilis ang trabaho nila..
at yun yung butas na sinasamantala ng iba..
mga pulis at mga vigilante na nagtatanim ng ebidensyang baril at ebidensyang droga - hindi na 'to bago, kaya sinong makapagsasabi na hindi nagagamit ang teknik na ito sa ngayon...?

habang pumapatay ang iba para malinis ang lipunan, habang pumapatay ang iba para malinis ang sariling kaugnayan nila sa mga sindikato - may mga sumasabay rin sa mga nagaganap na patayan para ipakita naman na hindi nga pulido ang War on Drugs..
at walang ibang kawawa kundi yung mga inosenteng nadawit lang naman...

sa panahon ngayon..
dahil sa mga balita na itinutumba na nga ng mga pulis ang mga drug-related personalities, lumaban man sila o hindi..
nakakapagtaka pa ba kung meron nga sa kanila ang magde-decide na manlaban na lang para protektahan ang sarili nilang mga buhay...?

ang tanong..?
yung bilang ba ng lahat ng mga napatay na lehitimong mga kriminal, kahit na gaano pa sila karami in terms of proportion - sapat na ba yun para ma-justify ang pagkamatay ng mga inosenteng nadamay sa digmaan na 'to..?
o naiwasan ba sana ang lahat ng butas sa sistema nila kung pumayag lang sila na may camera sa lahat ng operasyon nila...?
feeling , and yet masaya ang ibang tao, dahil hindi naman sila related sa mga inosenteng biktima ng laban na 'to...
>
[Business]

bukas na ulit ang ice raket..
after 14 days ng puwersahang pagsasara..
maghahabol na ulit for Php 20,000 income...

nakapag-check na ulit ng isang box..
Level 1 at Level 2 na lang ng cabinet..
ang classified levels...


kaso may 1 pa pala akong nakaambang na mahabang trabaho..
dahil siguro sa nakaraang eleksyon..
napabayaan na ng Aunt-in-Law ko yung pagche-check ng record of transactions para sa remittance business since August 2015 pa..
kaya ayun, isang buong taon tuloy ang iche-check namin kapag nagkataon...
feeling , wala ng Daz eh...
---o0o---


August 25, 2016...

[Business]

iniisip ko kung bubuksan ko ba ulit yung GCash ko para sa publiko sa September..
kaso sa tuwing naaalala ko yung mga kliyente na nakakainan lang ng load..
parang nakaka-discourage... :(
feeling , andaming kailangang pag-ipunan...
>
kahit gaano mo i-improve yung bahay mo..
kung may kasama ka namang hindi nagbubuhos ng CR - eh wala rin...

yung tipo ng tao na mali ang paraan ng pagtitipid..
kesyo saka na lang niya bubuhusan yung ihi niya kapag tatae na siya, since every after meal naman siya kung tumae...

damn!
ampalot tuloy ng CR..
hindi pwedeng ipagamit sa bisita... :(
feeling , ang galing...
>
got 6 additional items for today..
at nagsisikip na...

ang mga meron na ako ay...

settings:
- classroom
- corporate office
- small apartment unit
- living room
- outdoor lounge
- bus stop with phonebooth
- public location
- beach (tama ang spelling :D )

V4 costumes:
- 2 sci-fi costumes
- 2 secretary outfit
- suspender
- maid uniform
- school uniform
- lingerie

G2F costumes:
- 2 sci-fi costumes
- delivery uniform
- lingerie
- office / party dress

G3F costumes:
- teacher's uniform / party dress
- secretary outfit
- nurse outfit
- lingerie
- bikini
- suspender
- school uniform
- navel piercings

Male costumes:
- suspender

Gadgets:
- smartphone
- tablet

i only got 199 MB left..
though pwede namang ilibre dun yung 8 GB space...
feeling , hanggang data collection lang muna ako...
---o0o---


August 26, 2016...

[Public Interest]

patas rin ang pananaw nitong si Mr. Patilya ah...?

sabi na nga ba eh, kapag celebrity ang drug user - siya ang biktima..
kaya dapat hindi pangalanan sa publiko...?

kawawa naman talaga yung mga nasa ibaba ng tatsulok..
naalala ko yung istorya nung isang user..
sa takot niyang ma-rehab dahil mga pulis yung ipinatawag para mag-escort sa kanya..
nagbitbit siya ng patalim (ewan, siguro kasi uso na rin noon yung mga balita regarding sa pagtutumba ng mga drug-related personalities)..
kaya ayun, pinatay na lang siya ng mga pulis..
naalala ko rin noon yung isang video mula sa ibang bansa, sa US yata..
isang suspek yung nagwawasiwas ng bladed weapon dahil inaaresto siya ng isang pulis..
may body camera siya kaya nakunan yung pangyayari..
habang nagwawasiwas yung suspek ng armas niya eh unti-unti itong lumalapit dun sa pulis..
yung pulis naman eh pinapakalma pa rin yung suspek, oo nakatutok dun sa tao yung baril niya para kapag nagkaubusan na ng option, pero ginagawa niya ang lahat dahil isa siyang alagad ng batas..
unti-unti siyang umaatras habang lumalapit yung suspek..
totoong mahirap malagay sa ganoong kalagayan, dahil posibleng ikaw talaga yung mamatay kapag nagkataon..
pero isa yung klase ng training na dapat pagdaanan ng bawat isang responsableng pulis..
in the end, kumalma yung suspek, at nagpaaresto na lang nga...

balik sa istorya ng mga pusher at user..
wala daw lugar ang mga pusher sa isang diyalogo..
so sigurado ang artista na ito na lahat ng pusher ay ginustong maging pusher..?
sigurado ba siya na walang biktima ng kahirapan sa hanay ng mga taong ito..?
sigurado ba siya na wala sa kanila yung napilitan lang na gawin yun para sa madaling pera para lang buhayin ang mga pamilya nila..?
oo masama yun, pero mas masama pa ba yun kumpara sa mga mamamatay tao, holdaper, magnanakaw, at mga kurakot na opisyales ng bayan..?
at paano yung mga pusher na napilitan lang na gawin yun dahil nahawakan na sila sa leeg ng mga tiwaling pulis na nagre-recycle ng drugs...?

pati ba naman sa ganitong paraan eh lalamangan pa rin nila ang mga mahihirap...?

>
[Movies]

August pala ang showing ng One Piece Gold dito sa bansa...

>
[Public Interest]

ipinatupad noon ang Martial Law para makapagnakaw daw nang mas madali sa bayan..
nagpatupad ng mga economic policies para mas marami pa ang manakaw..?
at pinatahimik ang media para walang makaalam ng mga totoong nangyayari sa bayan...

ngayon, hindi basta-basta makapagpatupad ng Martial Law kasi pinapakiramdaman nila kung marami ang tututol..
base sa mga lumabas na comments noong nakaraang eleksiyon, lumalabas na marami ring tao ang mas pabor na may Martial Law na lang..
hindi ko alam kung anong basehan ng mga bugok na yun, pero one possible reason is that hindi sila aware sa mga nangyari noon dahil sa kahinaan ng paglalahad sa mga history books..
siguro kung hindi sila nagdadalawang isip na ilimbag at ipabasa sa mga kabataan kung gaano naging 'pasimpleng' madugo ang panahon na yun - baka nagkaroon pa ng totoong pagbabago sa bayan na 'to...


eh sa kasalakuyang gobyerno kaya..?
ipapakita kaya nila sa publiko lahat ng computations at allocations sa likod ng lumolobong budget..?
o isa rin ba 'tong mala-Martial Law na teknik...?

sana lang hindi mangyari yung iniisip ko...
feeling , bili na ng bodycams...
>
111 MB left...

hindi ko makuha yung opisina ng principal kasi kukulangin yung storage space ko...

Level 2 na rin lang ng cabinet ang kailangang linisin..
pero bad news, kasi nagka-mold yung helmet ng isa sa mga rebel spies ko... :(

feeling , baka bumalik na lang ako sa line art pagkatapos kong maglinis...
---o0o---


August 27, 2016...

2 weeks without Daz..
at nakakalungkot..
i was already there, but then it was taken away..
parati na lang ganun, hanggang 'almost', tapos mawawala rin...

nawawalan na rin ako ng pag-asa sa isang 'to..
from 2012 to 2016, that was 4 years of waiting..
and after only a few weeks, back to zero na naman ako...

i couldn't blame myself for spending money on "advanced education"..
dahil alam kong kailangan ko rin naman yun - it was an accomplishment, sa ibang perspective nga lang ng buhay..
at sa ngayon, thinking about multiple medical expenses, at paghahabol sa career - parang imposible na naman ang lahat..
hindi ko na naman mahahabol 'to sa isang iglap..
it could be 4 years again, or more...
feeling , Lotto na lang talaga ang pag-asa ko neto...
>
as for that Happily Married Rich Old Client...

as expected, hindi ma-verify yung 2 pa niyang active na account..
though yung account niya na pang-discourage ng ibang kliyente seems to suggest na alam nung ibang service provider na gumagamit talaga siya ng maramihang accounts..
or posible rin siguro na umaasa siya na mao-overlook nung mga babae yung actual record nila dahil lang sa maya't-maya ang pagpo-post niya...

also..
mukhang gumagawa rin ng sarili niyang tally yung account niya na nagpapakalat tungkol sa love story niya..
wala kasi sa main account niya na data na nagsasabing na-meet na niya si Miss Nk..
pero base sa statement ng account na yun eh mukhang nakatrabaho na nga nila ang isa't isa...

kaya ang ginawa ko..?
pinarating ko sa kanya na alam ko na active pa rin siya sa industriya sa kabila ng claim niya na iginarahe na niya si Miss C...
feeling , mga taong walang magawa sa sobrang dami nilang pera...


Friday, August 19, 2016

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of August 2016 (The Purge)


THANK YOU FOR THE 2nd 10,000 Views!

---o0o---


August 13, 2016...

[Gadget-Related]

2 things for today...

yung una..
dependent rin yung Iray sa quality ng scene na nire-render..
sa pagdami at sa pagtaas ng definition ng bawat texture sa eksena - sa mas paglaki rin ng kain sa processor at sa graphics card..
at kanina ko lang na-realize na hindi kaya ng basic laptop ang isang medyo defined scene...


ikalawa..
dahil sa pakikialam ng Google Photos sa mga existing links sa blog ko..
gumawa na ako ng panibagong album na papasukan ng mga recent files ko..
nasubukan ko nang mag-upload ng mga bagong photos kanina, at hindi naman niya pinatay yung links nung mga nauna ng photos papunta sa blog ko..
sana nga hindi na magkaproblema pa in the future...

dahil data loss ang pinaka-matinding kalaban naming mga nag-iimbak ng data...
feeling , anything but that...
---o0o---


August 14, 2016...

had a very busy day..
at hindi pa tapos ang buong araw...

woke up at 2:00 AM..
did my final render..
last day na kasi sa bahay nung laptop eh.. :(
tapos edit sa photoshop...


bago yun, kumuha na rin ako ng apartment..
isang maganda at low-cost na unit...

tapos gumawa pa ako ng isang original morphed character sa V4.2..
base dun sa sinusubukan kong kopyahin na model character...

before lunch, inusap naman akong i-check ang isang Toshiba Satellite na laptop..
Windows 10, I3, 6 GB RAM, at touch screen - ayos!
couldn't repair it using its existing system - andaming disabled functions; control panel, search function, Internet Explorer, network setting, wireless at cable-based LAN, tapos ambagal pa kahit wala namang kumakain sa processor..
kaya binanatan ko na ng System Restore pabalik sa May 2016...

tapos tang ina pa yung mga kalaban ko sa Clash Royale..
pare-parehas ang deck - yung iba andaming Legendary Cards..
imbalance..
puta, system setup...

pagbalik ko nung laptop nitong hapon, aabutan pa sana ako ng talent fee nung ina nung may ari nung laptop..
kaya kaagad na akong sumibat..
hindi naman kasi Computer Technician, kaya hindi ko linya na mag-ayos ng mga computer kapalit ng pera..
besides, mabait naman yung pamilya nila sa amin eh...
feeling , bukas, isang ordinary peasant na lang ulit ako...
---o0o---


August 15, 2016...

sayang ang mga resources..
madami na namang susulpot na mga bago habang wala akong magagawa...

hindi rin naman ako pwedeng bumalik sa line medium, kasi sobrang dumi pa ng bahay..
mga 1 month pa 'to bago bumalik sa ayos ang lahat...
feeling , gotta catch them all - yung mga resources...
>
[Public Interest]

tama yung sinabi nung nasa balita kanina..
ang kunwaring goal is to unite the nation - by pleasing yung mga taong ka-close niya..
ni hindi yata naisip na hati pa rin yung opinyon ng mga tao kahit malibing na yung bulok na bangkay na yun sa Libingan ng mga Ka-Close..
ang masama pa dun, maraming biktima yung bangkay na yun noon na mababastos ng kagustuhan ng nasa itaas...

ano ngayon kung may mga hindi sundalo na nakalibing dun..?
mga biyuda, artists, scientists, at maging Boy Scout..
ang tanong eh may ginawa ba silang mali laban sa bayan para ikumpara pa sila dun sa bangkay...?

tama rin yung opinyon niya..
kung talagang santo ang tingin nila dun sa bangkay..
edi igawa nila siya ng sarili nitong Libingan ng mga Magnanakaw sa Bayan o kung ano pang magandang pangalan para sa isang sementaryo sa sarili nilang teritoryo...

nagugulat nga ako sa mga lumalabas na datos ngayon eh..
na namemeke na yung bangkay noon pa mang panahon ng World War II..
siguro yun yung gustong linisin ng bulok niyang angkan...
feeling , baka nga killer rin talaga siya eh...
---o0o---


August 16, 2016...

840 MB left para sa storage..
nasa page 400 pa lang...

hindi lang ma-testing yung mga bagong materyales...
feeling , ito lang ang magagawa ko sa ngayon...
>
dahil sa mga karpintero dito sa bahay..
ngayon ko lang mas nakikita kung gaano talaga ka-demonyo yung taong yun...

ewan..
siguro inggit na inggit talaga siya sa asawa niya - dahil sa kanya yung bahay, dahil siya ang nagpapalamon sa kanya, at dahil nagawa pa nga nitong magpa-renovate ngayon...

ganito pala talaga siya katuso...

one time, inusap niya yung pamangkin niya na mag-ayos ng baradong tubo..
tinawagan niya sa telepono yung asawa ng pamangkin niya..
pero dahil likas na mainipin, kung anu-ano kaagad ang patalikod na isinumbat sa kaanak niya..
na kesyo hindi matinong kausap..
na kesyo magaling lang kapag ang mga ito ang may kailangan..
after a few more minutes, dumating naman yung pamangkin niya..
na-late kasi may inasikaso para sa scholarship ng anak niya..
pahiya tuloy yung demonyo...

pagdating naman sa biological mother ko..
heto, laging sinisiraan sa mga kababayan niya..
na kesyo bungangera..
na kesyo utusera..
na kesyo mali-mali ang desisyon sa renovation..
na kesyo laging ipinapasa sa kanya yung bata para alagaan..
pero sa bagay, alam naman nung mga karpintero yung totoo..
dahil sobrang daming ginagawa nung babae para sa bahay...

pero heto yung malupit..
regarding sa mga karpintero..
kapag kaharap niya sila, eh andaming kuwento..
ayun nga - paninira sa asawa niya..
tapos puros utos, ultimo pangunguha ng rambutan eh sa karpintero inuutos - sayang tuloy yung oras nila..
pati lighter eh hiram nang hiram..
tapos may mga sarili niyang gusto para sa renovation - eh wala naman siyang contribution..
ang masama, kapag nakatalikod na yung mga karpintero eh sinisiraan din ang mga ito..
kesyo hindi daw pulidong gumawa..
kesyo marumi daw gumawa..
kesyo ambagal daw..
kesyo may mga nami-miss na spot...

hindi niya yata naiisip..
walang engineer o architect para sa proyektong 'to..
kaya huwag kayong masyadong idealistic - lalo na kung wala naman kayong ambag...
feeling , isang natural na demonyo...
>
[Movies]

Now You See Me 2 

LOL! paking Macau teleportation trick..
ang habang hypnotism nun..
isang magicless at bayolenteng tatay ni Serena, este Harry Potter pala..
ang haba rin nung card trick laban sa mga Intsik..
magic sa fight scenes..
at magic versus medyo brute force nga...


pero si Morgan Freeman pa rin ang pinaka-mabangis..
walwal sila kay God...
feeling , okay naman...
---o0o---


August 17, 2016...

lagot!
may schedule ng brownout sa lugar namin..
7AM to 6PM..
last 11 minutes...

andami ko pang kailangang i-download... :(
feeling , break mode...
>
[Public Interest]

ang suwerte nung ibang pulis..
nadaan sa tamang proseso..
tapos sibak lang, walang salvage...

tapos kapag kilalang tao - may human rights..
si Karen Bordador kulong lang..
kapag si Hero Bautista - siya ang biktima ng drugs..
wow!


i'm not saying na patayin na silang lahat..
gaya nga ng stand ko, yung mga lumalagpas na sa karapatan ng kapwa ang dapat lang mamatay o alipinin..
masyado lang unfair na yung mga nasa baba yung mas napupuruhan sa mga pag-atake na 'to..
tapos saka lang naglilinis ng hanay kasabay ng mga opensiba nila, edi hindi nga matitiyak na mga matitino lang na pulis yung lumalaban sa ngayon...

tsaka nakakaduda na yung sinasabi nila na wawakasan ang drugs..
dahil aminado sila na hindi nila kayang pigilan yung mga malalakas na sindikato sa labas ng bansa..
parang ginagawa na lang nilang dahilan yung drugs to setup something else...

tapos takot pa sa body camera..
kasi alam nila na may nangyayari ngang paglabag...

this is no longer a war against substance..
mukhang it's a war against anyone who questions them...
feeling , ano nga kayang motibo ng gobyerno na 'to...?
---o0o---


August 18, 2016...

[Public Interest]

nakakalungkot isipin na andami pa ring mga mamamayan yung walang pakialam..
at bukod sa walang pakialam, eh nambu-bully na naman sila sa social media - gaya rin ng teknik nila noong nakaraang halalan...

yung tipo na okay lang lahat yung mga ginagawa ni ano dahil siya ang binoto nila..
na okay lang na manira ng reputasyon ng ibang tao - paratang muna bago ang ebidensiya, basta masira lang yung pangalan nito sa publiko..
na okay lang na may mga namamatay na mga inosente basta ba hindi nila sila kaano-ano...


ganito na ba talaga kadesperado ang mga tao para makamit ang kaligtasan..?
na okay lang na hindi natututukan yung mga kaso ng rentangay, martilyo gang, at iba pang aktibo na grupo sa ngayon..?
(baka nga proof yun na hindi talaga drug addict lahat ng mga masasamang loob, dahil kung talagang 'perfectly' related ang drugs at kriminalidad - edi sana alam na nila ang identity ng mga halang ang mga kaluluwa na yun dahil nga may listahan sila ng halos lahat ng mga drug-related personalities)..
basta mawala lang muna lahat ng mga 'maliliit' na taong related sa drugs...?

aminado ang gobyerno na hindi 100% accurate yung mga nangyayaring pagpatay sa ngayon..
pero okay lang sa kanila at sa ibang tao na masakripisyo ang iba basta ba hindi sila related sa isa't isa... :(
feeling , tapos sinasabi ng iba na ganito yung vision nila para sa bansa - wow!
>
ewan..
parang sinusubukan lang akong lituhin ni Happily Married Rich Old Client..
ang sabi niya dati may agreement sila kaya nagretiro na si Miss C...

tapos naka-ilang beses na niyang pinaparating sa akin lately na they are not together..
na hindi pinatulan nung babae yung offer niya..
at na hindi consistent yung mga data na alam niya tungkol kay Miss C...


pero sa tingin ko nililigaw lang niya ako..
mukhang pinapakiramdaman lang niya kung may alam talaga ako tungkol sa kanilang dalawa...
feeling , ano nga ba ang totoo...?
>
may babae akong gustong i-date..
as in curious lang akong i-date siya...

kaso..
she's from the real world..
at wala akong alam about her..
body type is kinda broad..
pero she's cute - parang yung babae sa commercial ng Dove, yung gumagaya sa emoji..
no idea about her lovelife...


bukod dun..
siyempre hindi ko na naman sigurado kung matutuluy-tuloy ko ba yun..
ngayon pa na hati-hati ang budget ko..
madalas ko kasi siyang makita, kaya parang awkward kung magiging one time lang yun..
or kahit yung yayain siya, tapos eh may asawa na pala - mas awkward yun...
feeling , focus...
---o0o---


August 19, 2016...

[Strange Dream]

lumipat daw kami ng bahay..
green na bahay din..
may parang garahe sa right side, na may gate (my point of view, habang nakaharap ako doon sa bahay)..
tapos nasa side yung main door...


pagkadating pa lang doon, nangapitbahay kaagad ako sa opposite side nung kalye..
tapos nakasama ko daw sina Miss P..
may dalawa siyang kasama at kakuwentuhan (mga kagrupo niya) na hindi ko na matandaan kung sinu-sino..
tapos nandoon rin yata si Miss C noong time na yun, though hindi ko siya directly ka-interacting-an...

well, andun nga si Miss P, though parang nasa iba siyang katawan, pero ang awareness ko is that it was her..
nakaupo kaming 4, nakapuwesto sa may apat na sulok ng isang monoblock table..
parang kainan o karinderya yung setup nung lugar na yun..
nasa left side kami ni Miss P, habang nasa right side naman yung mga kakuwentuhan niya..
nagkukuwento siya tungkol dun sa food sa Victoria Court..
parang pinag-uusapan nila yung gagawin doon the next time na pumunta kami..
gaya nung Buffalo Wings, na kinain nila ni Miss C the last time i was with them..
tapos parang nag-inject pa ng artificial information sa akin ang utak ko..
may nabanggit rin kasi si Miss P tungkol sa panghimagas na cheese, na-imagine ko kung anong itsura nun - at napaisip pa nga ako nang matagal kung totoo nga bang may ganun o wala sa totoong mundo..
tapos may kinausap pa siya na parang nakatatanda sa amin - ewan, parang si Nanay Taps daw ng Dolce Amore eh...

after some time, umuwi na muna ako..
balik sa kabilang kalye..
madilim na noong pumasok ako ng gate..
tapos naka-flashlight na ako pagpasok ko sa loob ng bahay...

for some reason, parang nag-jump yung scene sa ibang istorya..
may ibang tao na dun sa bahay..
one of them eh isang comics artist (comics, kasi western yung estilo niya)..
magaling siyang mag-ink, at kapatid ko daw siya - pero noon ko lang nakita ang mukha niya..
ch-in-eck at na-impress ako doon sa gawa niya..
then may biglang pumasok na lalaki, okay na daw yung gawa ng kapatid ko, at kinuha na yung ibang pages nung comics...

suddenly, isang batchmate ko from High School yung sumulpot sa tabi ko (sa right side)..
impressed na impressed din siya doon sa gawa nung kapatid ko daw..
she had her signature bob cut hair, pati yung malumanay niyang boses..
parang naiinggit siya dun sa lalaki dahil hindi pa niya naaabot yung ganung level ng skill..
at the same time, parang pinariringgan niya rin ako..
all the while, nagtataka lang ako what she was doing there..
umalis ako ng bahay saglit..
pero pagbalik ko eh nandoon pa rin siya...
feeling , ano na naman yun...?
>
[Public Interest]

haaay..
tanga rin 'tong bagong gobyerno eh..
wala na daw sisihan..
pero isinisisi sa nakaraang administrasyon yung tungkol sa drugs..
(pati nga yung tungkol sa pagpapalibing dun sa bangkay eh sa kanila rin isinisisi eh)...

matagal nang may drugs sa mundo mga unggoy!
nadaanan rin yan ng iba pang administrasyon (pati yung tungkol sa bangkay - wala lang sigurong nag-expect na may mga bastos na tao na mas magpapahalaga sa pakikisama kumpara sa nararamdaman ng mga biktima ng Martial Law)..
magtaka lang kayo kung wala man lamang lumabas na report against or tungkol sa mga nahuhuling drug operations noon...

haaay..
sa kagustuhang mapagtakpan ang butas ng mga ginagawa nilang pagpatay..
eh nagtuturo na ngayon ng ibang tao... :(
feeling , at proud na proud pa yung iba na ito ang binuo nilang gobyerno...
>
692 MB left..
nakausap ko na rin ulit ang isang dating senior sa 3D arts...

pero bukod dun..
mukhang nanganganib na rin yung account ko..
may problema ngayong kinakaharap ang fantasy world..
mukhang may mga nasagasaan sila sa loob ng industriya..
kaya ngayon eh inilalabas ng mga taong 'to yung mga sikreto at ipinapakalat sa social media..
crab mentality..
damay-damay na sa pagbagsak...


walang nagbe-verify sa akin..
so mukhang mawawala na yung account ko...
feeling , ambilis ng mga pangyayari...
---o0o---


August 20, 2016...

[Gadget-Related]

anak ng!??
in-overwrite ng Blogger yung isa kong draft na naka-ready na sana for today...

ulit na naman ang trabaho ko nare... :(
feeling , data loss...

Friday, August 12, 2016

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of August 2016 (Last Week to DAZ)

August 6, 2016...

[Gadget-Related]

tang ina!
back to experimental mode...

ang mga problema:
- any changes na gawin ko sa mga dati ko ng existing albums eh sumisira sa link nila sa blog ko
- naka-auto backup yung Google Album Achive, kahit anong i-upload ko doon sa mga existing albums eh ginagawan niya rin ng backup sa ibang album (parang tanga)


well..
hindi naman ako galit..
pero sa tingin ko, tama na yung paraan ng Picasa noon sa pagma-manage ng mga photos..
mas madali siyang i-manipulate...
feeling , problema 'to...
---o0o---


August 7, 2016...

nothing for today..
friends' day kasi kahapon..
kaya tinanghali ng gising...

after 8 months na 'to, haha!
feeling , break...

>
buti pa si Strawberry, maya't maya kong nakikita ang online account..
samantalang yung isang yun eh ang hirap hanapin... :(
feeling , i can't track you right now...
---o0o---


August 8, 2016...

[Business]

at dahil sobrang dumi ng bahay namin sa ngayon..
tigil na muna ang paggawa at pagbebenta ng yelo..
siguro tigil operasyon na muna for the rest of August...

since 2009 at noong may malakas na bagyo last 2013 o 2014 yata..
ngayon na lang ulit mahihinto yung operasyon ko..
sayang lang kasi naghahabol pa ako ng Php 20,000 accumulated net income niya...

feeling , sacrifices - para sa kapritso ng may-ari ng bahay...
>
doing a new render..
pasado na yung latest G2F character design ko..
bale may 3 na akong models na magagamit sa ngayon...

last week na rin ng pag-aaral ko sa ngayon..
dahil lilipat na sa boarding house yung may-ari nung laptop..
licensed pa naman yung software ko na inilagay dun... :(


after this mahihirapan na ulit akong makakuha ng unit..
kahit isakripisyo ko yung medical savings ko, hanggang basic laptop lang ang mabibili ko..
mahirap rin na magpatulong sa mga biologicals..
bukod kasi sa ipinangutang na renovation sa ngayon..
papunta rin sila sa Singapore by the end of August..
tapos Hong Kong naman by December...
feeling , haaay, sayang lang sa gaming yung laptop na yun...
>
[Public Interest]

yan na nga ang sinasabi eh..
name drop nang name drop kahit na hindi niya naman kilala o hindi siya witness sa mga paratang laban dun sa mga tao..
butas tuloy kaagad ang reliability nung list...

at sa sobrang busy nila sa drugs..
napapabayaan na nila yung ibang mga totoong kriminal na mas karapat-dapat na pagpapatayin..
dapat kasi unahin muna yung mga kriminal na tumatapak sa karapatan ng ibang tao, sa halip na yung mga kriminal dahil lang sa technicalities na wala namang sinisira kundi yung mga sarili lang nilang mga buhay...


tapos ang gusto shoot to kill kaagad...?
feeling , listahan yata ng mga kaaway yun eh.. next time, listahan naman ng noisy noong elementary ha...
---o0o---


August 9, 2016...

[Lottery]

my pool got its 6th jackpot sa 6/55 ng Lotto kagabi..
24 na rin ang nakukuha niyang 2nd prize...
feeling , how do i jumble you...?
>
[Public Interest]

shit!
sobrang creepy na ng Facebook..
well, not really creepy para sa akin, kumbaga nakakatulong pa nga siya eh...

sobrang lakas ng facial recognition niya..
na tipong kahit blurred pa yung mga photos na nasa album mo..
magagawa pa rin niyang i-suggest sa'yo as friend(s) yung mga taong kahawig ng nasa album mo...


at dahil nga dun sa feature na yun..
3 na sa kanila ang nakikita ko ang mga real Facebook account through suggesting Friends...
feeling , hindi na talaga safe mag-share ng mga photos online...
>
did a repeat render today..
kahit na brownout - asa sa battery...

one way para matuto - is to mimic..
at dahil sa pangongopya ng settings, napagana ko rin yung Bonnie at Colleen skins na nakuha ko..
kapuputi nga lang...


naka-set na rin yung isang pares for a render tomorrow...

still need more decent skins for V4...
feeling , last few days ng pag-aaral...
>
[Public Interest]

isang simpleng analogy na napapanahon din...

kung may pulis, sundalo, lalo na kung mataas na heneral..
may mga nakuhang awards na related sa katungkulan niya..
kaso na-involve sa drugs whether totoo o frame up lang..
tapos pina-shoot to kill mo ASAP..
after that, ipapalibing mo pa rin ba siya sa Libingan ng mga Bayani dahil sa qualifications niya...?


eh yun ngang bangkay na nagtraydor sa mga mamamayan noon..
na naging dahilan ng mga torture at pagpatay sa maraming inosenteng buhay..
(analogy ulit, kasalanan daw ni Noynoy na sumugod yung mga SAF sa Mamasapano - hindi ba yun katumbas na kasalanan ni Marcos na pinilit at ipinatupad niya ang Martial Law na naging dahilan ng napakaraming pag-abuso noon)..
tapos pwede pa rin daw yung bangkay niya dun sa sikat na libingan dahil minsan siyang naging sundalo...?

alin ba ang mas matimbang dapat..?
ang pagiging sundalo o ang pagiging traydor sa mga mamamayan...?

basta kapag natuloy yan..
sana lang talaga may lumitaw na bayani para durugin na nang tuluyan yang bangkay na yan..
or better - pasabugin na ang buong angkan ng mga Marcos tutal gustung-gusto talaga nila yang Libingan ng mga Bayani na yan...
feeling , ang sasaya ng mga kaibigan - tuluy-tuloy lang ang pakikinabang sa puwesto...
---o0o---


August 10, 2016...

[Movies]


EFFing BMW biike...

pero sayang, wala na si Jill Valentine..
hindi kasi pang-aksyon si Sienna Guillory eh..
pero buti may Claire Redfield pa rin...
feeling , hihintayin pa ang Blu-ray months after January 2017...
>
hindi ko alam kung ganun nga ba yung trend in general..
o kung depende yun sa tao...

pero sa case ni Miss P..
ginawa niya talagang misleading yung mga information about her - in favor of her..
hindi lang isa ang anak niya (at least 2 na), at edited rin yung age..
that was the reason kung bakit hindi tumugma yung declared age niya kumpara sa years in service niya at sa age kung kailan nabasag yung virginity niya..

they probably do that para palabasin na hindi pa sila masyadong 'gamit'..
malayo rin yung totoong pangalan niya sa alias na ginagamit niya...


anyway, wala namang kaso sa akin yun..
napaisip lang ako kung ganun din ba yung ginawa ni Miss C sa data niya..
kasi kung ganun - mas mahihirapan pa akong mahanap siya...
feeling , Facebook, ikaw na muna ang bahala sa pagha-hunt...
>
did another repeat render..
medyo pasa yung skin nung lalaki, baka mas gumanda kapag inalis ko na yung mga buhok sa katawan..
at pwede na yung Bonnie skin, konti lang yung kinulang niya..
pero that's the closest to being realistic para sa V4 ko...

hanggang dun muna para sa V4 habang wala pa akong face morph...

started positioning my original G2F character..
crossed leg sitting position - like a boss...
feeling , that's 3 days left...
>
[Gadget-Related]

Z Brush..
the software that i need para matutong maging creator o 3D sculptor...

kaso..
nasa $700 plus yung licensed software..
100 GB HDD + SDD requirements..
at mas mataas ang PC specs na kailangan compared sa DAZ..
isama pa yung pen tablet na kailangan to maximize its use...

feeling , hindi na biro yun...
---o0o---


August 11, 2016...

done with the render of the boss..
magse-set ulit pamaya ng pose habang wala yung estudyante..
para diretsong render bukas ng umaga habang gumagawa ng Friday tasks...

also..
got 5 more skins for my V4.2, mga tamlayin nga lang..
2 sets; isang living room, at isang malaking office..
may kasama pang costume and lighting..
magagamit ko rin siguro yun sa pase-setup ng classroom ko... :)

feeling , kahit walang PC, trabahuhin na ang resources...
---o0o---


August 12, 2016...

busy..
nakakita ng mayaman na source eh..
600MB worth of key items... ^_^

nakuha ko na yung magiging uniform ng teacher ko...
feeling , my last 3D weekday...
>
[Strange Dream]

had a dream last night..
a long one..
kaso nabura sa memory ko pagkagising ko...

the other night naman..
medyo maaksyon yung panaginip ko...

nasa vicinity kami ng elementary school na pinanggalingan ko..
hindi ko maalala kung sinu-sino ang mga kasama ko..
parang bumili kami ng mga makakain doon sa kanto dun..
tapos sumakay na kami sa tricycle..
for some reason nag-solo ako sa pagsakay doon sa isa..
at pumara naman kami sa malapit lang, doon lang sa tapat ng main gate nung school..
yung mga kasama ko ibinaba doon mismo sa right side nung kalye, sa may tapat ng gate..
pero medyo nagtaka ako dahil sa kabilang side ng kalye ako ibinaba nung nasakyan ko, opposite sa daloy ng mga sasakyan...

anyway, nagbayad na ako ng pamasahe..
pero walang barya yung parang kalbo na driver..
nang biglang may sumulpot na mga lalaki na magka-angkas sa motor..
kontra din sa daloy ng mga sasakyan yung takbo nila..
tapos sinabi nung driver nung tricycle na 'yan na ang riding in tandem!'..
parang Bumbay yung itsura nung dalawa (o baka Middle East Asian), at wala silang suot na helmet..
nalito ako nang malaman ko na mga killer sila...

bumagal yung takbo ng motor nila..
tapos sabay na bumunot ng mga silver na baril..
hanggang sa nagpaputok na ang isa sa kanila ng isang beses lang..
napaisip ako kung sino ba ang binaril nila..
nasa direksyon ko kasi yung pagbaril nila..
pero parang tumagos sa may kabilang bakod yung bala..
sa sobrang kalituhan, bumagsak na lang ako sa kalsada nang padapa na parang ako yung tinamaan...

tapos sumilip yung dalawa sa kabilang bakod..
na-realize ko naman na wala naman akong tama..
at nang makakuha ako ng tiyempo, eh tumakbo na ako papatakas..
for some reason, napasok ako sa isang parang kalye sa subdivision na may mga damuhan at halamanan sa gitna..
ang gusto ko lang noon eh makalayo sa kanila..
gumapang ako sa mga halamanan para walang makakita sa akin..
tapos saktong pagsilip ko sa hinawi kong halaman..
nakita ko yung isa sa mga riding in tandem..
on foot na lang siya..
naka-white jacket siya..
tapos pagkakita niya sa akin ay sabay tutok sa akin nung baril niya..
napaisip tuloy ako kung ako ba talaga ang target nila..?
muli akong tumakas nang pagapang..
at nagising na ako dahil sa takot ko...
feeling , ayokong mamatay sa ganung paraan...
---o0o---


August 13, 2016...
feeling , plus 1 week.. maige rin naman pala yung paminsan-minsan nagbe-break ang manga, para hindi tuluy-tuloy lang ang pag-aaral ko...
>
[Gadget-Related]

let's see...
so yun nga ang problema ko ngayon sa Google..
walang paraan para mag-upload ng photos sa Album Archive..
pero kapag sa Google Photos naman idinaan ang mga uploads, eh automatic na ginagawan sila ng backup sa Album Archive...

para lang tanga kasi nga sa Google naman inilalagay yung mga photos..
pero bina-back-up-an pa rin nila sa kaparehong storage...
feeling , redundancy.. sayang sa storage space...
>
[Public Interest]

ayaw nyo talagang magpaawat sa pagpapalibing sa Libingan ng mga Ka-Close..?
o Libingan ng mga Kaibigan..?
o Libingan ng mga Kakampi ha...?
feeling , ilibing na nga lahat ng mga magkakakampi na yan para tapos na ang pulong!
>
mahigit 1 month rin naman pala akong nakapag-aral ng DAZ kahit papaano...

already got the support pack for V4.2..
isang base na lang ang kulang...

nakakalungkot lang dahil titigil na naman ako...
feeling , FATE.. parati na lang ganun.. everytime na makikita ko yung bagay na gusto ko talagang gawin - kaagad niya rin namang binabawi ang lahat...