Friday, February 26, 2016

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Whole Week of February 2016 (Kick)

February 21, 2016...

8 days left...
feeling , sigh...
>
isa sa mga natutunan ko sa buhay...?

na hindi totoo na kapag patas ang trato mo sa ibang tao, eh automatically babalik sa'yo yung good karma.. :(
para lang yung fairy tale o alamat, kuwento-kuwento lang..
wala pa ring solusyon kundi ang magpakapagod para mabuhay...

unless anak ka ng kung sinong mayaman...
feeling , magpa-5 months na akong badtrip sa katawan na 'to...
>
okay na yung ibang design..
pero wala pang final logo..
meron na ring blank shirt templates for men & women..
yung digital translation na lang nung mga illustrations ang problema...
feeling , basta hindi sa akin ang investment - walang problema...

>
kapag gumaling na ako..
puputulin ko na ulit ang buhok ko...
feeling , medical goal...

---o0o---


February 22, 2016...

according to a source last Sunday..
mukhang cancelled nga daw yung event...
feeling , maige naman...
>
bad news..
another veteran retired..
kinakabahan na naman tuloy ako...

that's 14...
feeling , huwag naman please...
>
after someone's inquiry..
nag-release na nga ng statement yung grupo..
cancelled nga yung event..
hahanap daw muna ng mas secure na venue..
nag-i-issue na daw sila ng refund for the deposits na natanggap nila...

mukhang kinapos talaga sila sa suporta ah...
feeling , maige na rin yan...
---o0o---


February 23, 2016...

it's happening again... :(

isinuko ko yung babysitting allowance ko dahil i needed time for myself..
dahil hindi ko kayang full-time na bantayan yung bata..
pero heto ako at nagsasayang ng oras ko sa pag-aalaga..
maige sana kung normal yung bata eh..
samantalang yung mga taong higit na nakikinabang sa kanila eh pa-easy-easy lang habang tumatanggap pa rin ng pera..
may medical assistance pa rin kahit na hindi naman inaalagaan ang sarili nila...


tapos tatanungin ako kung nasaan na yung tee shirt design..?
putang ina! paano ako makakagawa kung maya't maya niyo akong dini-distract..
tapos sasabihin na madali lang yun..?
putang ina! edi ikaw ang mag-convert ng inked draft sa digital...

ayoko sanang maging masamang tao..
pero may sarili rin akong buhay eh...

kailangan ko ng pera dahil gusto kong gumaling at maging normal..
pero wala kayong respeto sa oras ko...
feeling , abuso na eh...
---o0o---


February 23, 2016...

'hope' is one of the best concepts na nagawa ng mga tao..
it's among those reasons kung bakit hindi basta-basta nagso-shortcut ang mga tao sa buhay...
feeling , 6 days left...
>
natatakot ako na baka hindi ko na siya makita ulit... :(

pero sirang-sira pa ako ngayon at andami ko pang kailangang ayusin sa katawan ko...
feeling , bakit ako ginanito ng mga nakatataas...?
>
siguro kung nabiyayaan lang sana ako ng mabubuting magulang..
baka nawala na yung cyst ko noong nasa college pa man ako..
at siguro naagapan ko 'tong pesteng sakit na 'to 8 years ago...

hindi na ba talaga ako pwedeng magmahal ulit...?
feeling , hindi na 'to maganda, lahat na lang ng nasa paligid ko ginagamit para ma-check ako...
---o0o---


February 24, 2016...

[Games]

done with my latest Final Fantasy game..
hindi ko na lang ginawang Level 99 lahat ng characters..
naiyak naman ako kay Kuja at sa ending...

that's my 5th FF:
- Final Fantasy VIII
- Final Fantasy VII
- Crisis Core: Final Fantasy VII
- Final Fantasy IV (Remake)
- Final Fantasy IX


na-enjoy ko rin na ginamit ko yung pangalan niya dun sa laro... :)
feeling , tama na ang pantasya, seryosohan na ulit...
>
focus na sa tee shirt printing...

aanhin ang sandamakmak na mayayamang blood relatives kung hindi puwersahang bebentahan ng tee shirt... XD
feeling , One||Man||Team.
>
may ilan pa akong problema maliban sa kawalan ng Graphics Tablet...

yung Copy-Paste..
Resize..
Delete..
tsaka Fill Color..
parating nagpo-produce ng pixelated versions o copy..
wala namang problema kung sa straight lines..
pero bumababa yung quality ng images pagdating sa mga curves at diagonal...


meaning everytime na gagawa ako ng design na may bagong kulay..
wala akong template na pwedeng gamitin..
at back to zero parati ako with respect to curves and diagonal...
feeling , para sa pagiging normal ko...
>
eversince nalaman ko yung tungkol sa sakit ko..
everytime i'm taking that 20-minute walk papunta sa Lotto outlet, back & forth na yun..
parati kong iniisip at hinihiling - sa kung anumang entity na posibleng nakikinig sa akin..
na sana magkaroon ng paraan para gumaling naman ako kaagad..
at sana mabigyan ako ng pagkakataon to build that Bridge of Chance patungo sa babaeng gusto ko...

yun lang parati ang laman ng isip ko...
feeling , para sa babae...
---o0o---


February 25, 2016...

may Facebook na yung light counterpart ko... :)
feeling , testing...
>
4 days left...
feeling , 2 games left...

---o0o---


February 26, 2016...

[Public Interest]

sayang si Grace Poe..
parang mabait naman siya dati noong hindi pa niya alam na gusto siya ng maraming tao na tumakbo bilang Presidente eh..
pero ngayon, hinahanapan at tinitira na rin niya yung mga puna sa mga kalaban niya sa pulitika..
parang hindi lang kasi magandang pakinggan na naninira o nakikipagsiraan pa sa ibang tao... :(
 
parang masyadong naudyukan at na-excite na nga sa pagiging Presidente...

wala ba sa kanila yung kayang mag-focus na lang sa paglalahad ng mga plano nila para sa bansa..
pero siyempre, dapat yung realistic din...
feeling , sayang...
>
[Anime-Manga]

One Piece Gold... :D
feeling , maghihintay na naman ng free streaming...
>
ambilis na ulit ng takbo ng oras ko..
sa tuwing nagpo-focus ako on something, hindi ko na namamalayan ang takbo ng panahon...

matagal na rin noong huli kong maramdam yung ganun..
simula nang matigil ako sa pagdo-drawing ng comics ko at ng mga concept art ko, ngayon ko na lang ulit naramdaman na mabilis ang takbo ng oras ko (in a good way)... :)

i know it's not the easiest way out..
pero naubusan na rin ako ng praktikal na baraha eh..
ang sabi nga - choose a career which you enjoy..
at sa ngayon, ito lang yung pinakamalapit sa kung ano talaga yung gusto ko..
medyo buwis-mata lang nga... XD

at kahit papaano..
nalilibang naman ako..
para hindi ko masyadong naiisip yung babaeng yun..
para hindi ko masyadong naiisip yung dahilan kung bakit gusto ko pa ring subukang lumaban...

Friday, February 19, 2016

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of February 2016 (Heartless Valentine)

February 13, 2016...

sa wakas!
gumana na rin ulit yung tamang image preview para sa mga blog links ko... <3

feeling , still breathing...
>
ayun..
Picasa is retiring soon..
at may konting problema na sa transition...

unfortunately, hindi pa maganda yung controls sa nilipatan..
isang maling pindot, at sira ang buong album..
isa sa mga album ko ang nasira na, at ginawan ko na lang ng kopya.. :(
wala rin masyadong options dun... :(


aside from that..
walang backup ang mga album ko na konektado sa Blogger..
kaya kinailangan ko pang mag-mirror copy ng mga files..
sana lang hindi maapektuhan yung content ng Blogger eventually...

hopefully, magawa naman nilang pulido yung transition pagdating nung panahon na yun...
feeling , external hard drive problems...
>
grabe!
nakaka-3 na sa record yung babaeng yun..
si Miss Cancel..
kahit medyo suki na niya eh wala siyang pakialam eh..
natanggap ng booking, tapos biglang cancel kapag tinopak..
wala talaga siya sa professional level..
ang masama nun, nahuhuli naman siya madalas sa mga kasinungalingan niya...


nakakalungkot lang..
kasi nadadamay yung reputasyon nung buong grupo dahil sa mga kagaya niya na walang sincerity sa mga binibitawan niyang salita...
feeling , mababang uri nga siya...
---o0o---


February 14, 2016...

naulit nung biological mother ko sa aking biological brother yung job offer sa akin sa USA bilang IT..
ayun, inuudyukan tuloy ako na tanggapin na yung trabaho at umalis na... :(


walang kaso sa akin na mawalay sa biological family..
pero yung mawalay sa lahat ng tao at bagay na totoong mahalaga para sa akin - yun ang hindi ko kaya...

kaya kahit na andun pa yung possible legit blondie experience na naghihintay para sa akin (*wink-wink)..
eh hindi ko talaga kaya..
hindi talaga ako magaling mag-adapt sa mga pagbabago... :(


and i guess hanggang dito na lang talaga ako..
pasensya na - tanga eh... :(
feeling , nasa akin talaga yung mga characteristics ng mga unsuccessful na tao...
>
balita ko suwerte daw yung mga loveless sa araw ng Valentine's eh...

siguro makakatanggap ako ng Php 100M pamaya...
feeling , gusto ko nang magpa-opera kaagad para maging normal na ako...
---o0o---


February 15, 2016...

kapag hindi ko ina-accept ang Friend Request ng isang tao..
ibig sabihin may mga bagay siya na hindi (pa) pwedeng malaman tungkol sa akin at/o dahil konektado siya sa sinumang threat para sa akin...

i wouldn't consider it as a privilege..
pero 'trust' ang tawag ko dito...
feeling , paano ba nila ako nahahanap...?
>
[Business]

kaya pala bumaba ang revenue ko..
nawala nga pala yung mga involved sa construction dito sa Branch namin..
dahil sa bagyo last December na dumurog dun sa probinsiya..
kaya andun sila at inaayos ang mga nasalantang bahay...
feeling , check (chess)...

>
hmmm..
they've been quiet since weekend..
napunan na kaya nila lahat ng vacant slots...?
feeling , lagot...
---o0o---


February 16, 2016...

[Gadget-related]

computer pa rin ang pinaka-flexible pagdating sa file management..
pero android tablet na siguro ang pinakamagaling sa pag-download ng mga videos..
long press at save lang eh..
kahit PC hindi kaya yun... :D
feeling , *wink-wink...
>
[Business]

design at logo for tee-shirt printing..
magtatayo ba ng sariling clothing brand ang biological brother ko...?
feeling , that would definitely need a kick...
>
si Miss H lang ang nagparamdam sa akin matapos ko silang batiin last Hearts' Day..
i guess nagbakasyon silang lahat...
feeling , miss ko na sila...
>
[Public Interest]

sa pagkakataon na 'to, may punto naman yung main argument ni Pacquiao..
magmahalan kayo kung gusto nyong magmahalan..
pero yung ikasal sa mata ng diyos - ibang usapan na yun...

gusto nilang irespeto sila sa kung ano sila, pero hindi naman sila marunong rumespeto sa kagustuhan ng diyos..
age of enlightenment..?
marunong pa kayo sa diyos...


tama lang na ikumpara ang mga tao sa mga hayop in general..
at wala talagang hayop na sumusuway sa reproductive instinct niya pagdating sa pagpili ng partner (though may iba na nagkakamali minsan ng sundot)..
yung hindi pagiging 'straight' ng ibang tao - produkto na lang yun ng rationality eh...
feeling , that's greed...
>
[Lottery]

sad news...

kanina ko lang napansin..
within 7 draws after makuha yung jackpot sa Grand Lotto..
yung combination pool ko, nakakuha ng 1 jackpot prize, at 3 second prize.. :(
that's 4 out of 7...


sayang..
Php 30,000,000 rin yun eh.. :(
4 na jackpot na ang nakakawala sa akin... :(
feeling , may pampa-opera na sana ako eh...
---o0o---


February 17, 2016...

[Movies]

may Star Wars pala ulit for this year (2016)... :)
feeling , wala pa nga akong Blu-ray nung Episode VII eh...
>
[Public Interest]

homosexuality among animals ay product lang ng human research..
walang taong makapagpapatunay na nangyayari yun sa ibang nilalang dahil nire-resist nila ang gender assignment nila..
in the end, sinusunod pa rin nila ang gender assignment nila for reproductive purposes..
walang makapagpapatunay na kaya nilang magpalit o magwaksi ng gender dahil sa pagmamahal...

as for religion..
mukhang human interpretation rin nga yung nangyayari sa mga turo ng diyos..
at kung kukuwestiyunin nila yun, sisirain nila ang pundasyon ng simbahan...

pero sa opinyon ko, sapat na talagang basehan ang genital para malaman mo kung ano ka talaga..
unless hermaphrodite yung tao o special case...

humihingi sila ng pagtanggap mula sa ibang tao, pero hindi naman nila matanggap sa mga sarili nila yung gender assignment na pinagkaloob sa kanila ng nasa itaas...
the human mind - sobrang komplikado...
feeling , greed for acceptance...
>
lost another game..
hindi ko na tuloy alam kung paano pa ako makakalaban.. :(
i'm in a hurry now..
gusto kong gumaling na..
at gusto ko siyang makita ulit...

pero walang nangyayaring maganda...
feeling , alam kong mali ako.. pero malay ko bang sa ganitong pagkakataon ko siya makikilala...
---o0o---


February 18, 2016...

they pulled out the event information..
it's either, they already filled all the available slots..
or, they're cancelling the event due to lack of participants - thus the lack of funding...
feeling , which is which...?

>
pero sa ngayon..
preoccupied lang talaga ang isip ko ng dalawang bagay..
yung paggaling ko mula sa sakit ko..
at yung kagustuhan ko na makilala na yung babaeng yun...
feeling , check (chess)...
---o0o---


February 19, 2016...

nagkasala ako ng greed..
late last year, i was surprised to know na posibleng may delikadong sakit pala ako (delikado as in threat sa pagkakaroon ko ng lovelife)..
at kasabay pa nun, nakilala ko yung babae na gusto kong makilala sa totoong mundo (what a coincidence!?)..
and again, naisip ko na wala ng ibang paraan kundi ang magmadali ulit...

andami kong gustong gawin..
pero natatakot akong pumili ng ibang daan..
gusto ko kasi na hindi ko na aalalahanin at panghihinayangan yung mga perang matatapon ko sa investment..
kung sa pagpapagamot man yun nitong nabubulok kong katawan mapupunta..
kung para sa pagiging normal na tao - na pwedeng magmahal..
kung para sa high-end graphics computer man, para matuloy ko na yung pag-aaral ko..
kung para sa action figure gallery..
sa sariling bahay..
sa mga negosyo..
para sa savings..
para sa luho ng katawan..
o kung para sa pagbili ng kalayaan ng babaeng yun...

habang tumatagal, dumadami lang lalo yung mga gusto kong makuha..
samantalang hindi magaganda ang nangyayari sa mga raket ko lately..
that shitty December typhoon..
ang papangit nang papangit na takbo ng ekonomiya..
yung hinding-hindi ko masapul na research..
etc., etc..
isama na ang nabubulok kong pag-uugali..
dahilan kung bakit bumabagal lalo yung proseso para sa akin...

nakakapagod lumaban sa ganitong hindi ka-patas na playing field..
pero para sa mga takot na mag-take ng shortcut - wala namang choice kundi ang magpatuloy pa rin..
kung magiging patas lang sana sa akin ang pagkakataon kahit na minsan lang..
binigyan nila ako ng pesteng sakit na 'to nang walang valid source, yun man lang sana eh alisin nila sa akin nang kusa...
feeling , 10 days left...
>
Php 1,420,500..
ganito kalaki ang worth nun... :(
feeling , dammit...
>
Dolce Amore pala ang kasunod na kuwento ng Harry Potter... XD
feeling , Muggles...

---o0o---


February 20, 2016...

[Business]

lagot ako..
mukhang parehas ng magkakaroon ng deposit fee at/o maintenance fee yung dalawa kong loading raket... :(
feeling , another check (chess)...

Friday, February 12, 2016

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of February 2016 (Bunnies)

February 6, 2016...

lately, naiinggit ako dun sa isa kong kakilala na IT..
mayaman siya, though hindi naman siguro bilyonaryo..
well, pinanganak rin nga pala talaga siya na mayaman na..
madali lang yung trabaho niya, minsan nga eh wala na daw siyang ginagawa kundi parang tumambay at magpataba..
ganun talaga yung trabaho ng mga programmer lalo na kung mabilis kang makatapos sa task mo..
sobrang laki ng sweldo niya..
nasa hundred thousand ang napupunta sa TAX..
at nasa hundred thousand din ang napupunta sa simbahan nila...


how i wish na kaya ko ring magtapon ng ganung kalaking pera..
pero it seems too late now..
pinapamukha na sa akin ng FATE na nagkamali ako ng piniling path..
na dapat kinalimutan ko na lang yung hilig ko sa arts..
na dapat sinunod ko na lang kung ano yung natapos kong kurso...

pero wala na akong magagawa sa ngayon..
mukhang kailangan ko na lang talagang panoorin na mawala lahat ng inaasam ko sa buhay ko... :(
feeling , almost 8 years of research and still nothing...
>
madali na lang hulaan yung ending nung buong nobela ko..
everyone knows where everything leads to..
pero gusto ko pa ring umasa na may mangyayari pa ring maganda bago pa man matapos yung istorya..
nakakabagot naman kasi kung puros negative things na lang yung nakasulat dun...
feeling , para sa Php 200,000...
>
sana isang araw magawa ko nang ngumiti..
yung totoong ngiti na galing sa puso ko..
hindi yung ngiti na dinulot lang ng ibang tao..
pero yung tipo na kayang sabihin na masaya ako dahil naranasan kong mabuhay...
feeling , damn, you're making me think...
---o0o---


February 7, 2016...

the last time na nagkita kami noong November, nasa 14 pa lang yung record nila..
pero ngayon, nasa 21 na yung encounter nila nung senior ko..
grabe! naka-berserk-mode yata yung mayaman na yun eh..
inlove na siguro yun dun... :(
feeling , samantalang wala na akong magawa para makalaban pa...
---o0o---


February 8, 2016...

talagang ginagawa nila ang lahat para maka-attract ng attendees ah..
patunay na hindi pa nila napupunan lahat ng slots...

7:00 PM yung start nung event..
so mga 5-hour run kung hanggang 12:00 AM..
may showdown, sa pagitan ng 3 groups..
yung mga hindi mananalo ng combination, pwede na ring manalo ng solo date with their trainees, or even those na hindi pa naman VIP..
may automatic big discount na rin for the next solo booking within 2 weeks and a day...

feeling , desperate measures...
>
they only got 7 days left..
we'll see...
feeling , greed will lead to downfall...
---o0o---


February 9, 2016...

lagot..
kung isasali ang recovery period..?
ibig sabihin pala na February na ang deadline ko..
para makaabot ako sa April...
feeling , patay ako dun...
>
they moved their deadline again..
13 days..
at in-open na nila yung concern regarding discretion..
mukhang may balak rin silang magdumi dahil sa plain shirt...?
feeling , sana huwag ka na lang maka-attend...
---o0o---


February 10, 2016...

acting active lately...?
feeling , something's fishy...
---o0o---


February 11, 2016...

she's starting to sound like a regular service provider..
mas professional ang dating niya noon... :(

ayokong makita siya na iniaalok pa niya ang serbisyo niya... :(
feeling , please stop...

>
[Strange Dream]

i was observing the neighborhood, daw..
for some reason, i was aware na masama ang pakilasa ni Stepmom..
tapos coincidentally, bumili naman ng gamot yung 2 batang kapitbahay nila...

kinabahan ako kasi nilapitan ako ni Stepmom..
meron na siyang dalang gamot, na nasa banig pa nito..
she seemed surprised na may nagbigay sa kanya ng gamot, na hindi niya alam kung sino..
so i told her na yung 2 bata yung nakita kong bumili ng gamot..
pabiro naman niyang sinabi na baka daw ako ang nagsabi sa mga yun (which meant na nagpapalakas ako sa kanya)...

pero iba ang nasa isip ko noon..
i was thinking of asking her kung saan ba ang probinsiya niya..
curious kasi talaga ako kung anong kinalaman niya kay Miss H..
pero bago ko pa yun natanong sa kanya, may inulit siya sa akin na pabor, about installing something..
i told her na titingnan ko, at lumiban na kaagad siya pauwi sa kanila...

habang papauwi si Stepmom, saktong may mga naglabasan sa poder nila..
yung Babaeng Peke ang Kilay yung isa sa kanila..
sinasaway niya yung fit niyang ate sa pagbibiro nito..
it seemed na binigyan nito ng malisya yung nakita nilang pag-uusap namin ni Stepmom..
kasunod nung ate ay yung Half-Sister nila, pero tahimik lang siya..
at yung huli ay hindi ko sigurado kung lalaki o babaeng maikli na kulot na de-kolor ang buhok..
nagpaalam na yung 3 kina Stepmom at Babaeng Peke ang Kilay..
nasa parang likod ng owner-type jeep na yung setting ko..
umub-ob na lang ako sa loob nun, pero nasisilip ko pa rin yung paligid ko..
at si ate, talagang nilapitan pa ako, siguro para maitsurahan ako..
pero hindi ko na lang inangat ang ulo ko noon...

after that, nag-ring yung cellphone ko, at nagising na ako..
mae-expire na daw kasi yung load ko soon eh..
ang ending..?
hindi ko na tuloy natanong si Stepmom...
feeling , hala, nanghihimasok ng panaginip...
---o0o---


February 12, 2016...

[Book]

Updated Casting Proposal (Incomplete):
• Empoy as me..
• Marian Rivera as Almeja
• Bela Padilla as Anne
• Maja Salvador as Miss A
• Jinri Park as Miss J
• Kamille Filoteo as Strawberry (dahil sa front teeth)
• Valentina Nappi as Miss C (dahil sa cleft chin)
• Ava Dalush as Miss Ab (dahil sa body type)
• Lucy Li as Miss D
• Mikaela Lagdameo as Miss Co
• Abby Poblador as Miss H
feeling , still 16 chapters.. 1 new character, ngayon ko lang nakilala si Lucy Li...
>
last 2 weeks for me... :(
feeling , patay ako...
>
[Anime-Manga]
feeling , minus 1 week.. nakakaiyak ang pagkakaibigan sa pagitan ng Mokomo Dukedom at ng Kougetsu Clan ng Wano Country...
---o0o---


February 13, 2016...

lagot, magre-retire na pala ang Picasa..
sana naman hindi mawala sa transition ang mga files ko... :(
feeling , external hard drive problems...