naalala ko lang..
last June 28..
noong papauwi na ako sakay ng jeep...
may nakasabay akong isang mabokang mukhang mas bata pa kesa sa akin na lalaki..
ka-tipo niya yung batang Aeta (yata yun) na sumali dati sa Talentadong Pinoy at PGT..
nakaupo sila nung kausap niyang babae sa dulo ng jeep, sa may bungad..
ako naman ay nagdi-diretso sa kabilang dulo, malapit sa driver..
dahil nakasanayan ko nang sa ganung banda umupo para hindi ako nakakaistorbo ng ibang pasahero kapag magbabayad na ako...
noong nakaupo na ako..
biglang lumapit yung bata at nakisabay sa pagbabayad ko..
tas biglang nagtanong sa akin..
"sa call center po ba kayo nagta-trabaho?"..
ang
sagot ko naman eh "hindi" (bale sa buong buhay ko, pa-tatlong beses na
yun na may nagtanong sa akin kung sa call center ba ako nagta-trabaho,
siguro dahil sa buhok ko)..
mukha ba talaga akong taga-call center..?
anyway..
itinuloy niya yung interview niya..
"saan po ba kayo nagta-trabaho? para po kasing pamilyar kayo sa akin?"..
napaisip tuloy ako, are ga kaya'y modus? eh ano naman kayang klase ng gimik are..?
sinagot ko tuloy siya "ah.. hindi kasi nagta-trabaho"..
"hindi po kayo nagta-trabaho..!?" ang parang nagulat niyang reaksyon..
tapos nagdagdag na naman siya ng tanong, "eh bakit po ayaw nyong magtrabaho kuya?"..
(in fairness, marunong naman siyang gumalang at hindi niya ako napagkamalang babae pati..)
dineretsa ko tuloy ang makulit na bata ng sagot na "ayoko eh"..
nagtanong pa rin siya, "hindi nyo lang siguro tipo yung ganun.. eh business po, baka naman may business po kayo..?"
talagang napapaisip na ako noon, ano ba talaga ang gustong palabasin ng feeling close na batang 'to..?
sinagot ko pa rin siya, "ah.. parang ganun na nga..."..
tas talagang c-in-areer na niya yung interview niya sa akin, "ano pong business?"..
naisip ko tuloy na sumusobra na siya para alamin pa yung nature nung business na hawak ko..
sabi ko tuloy eh "hindi ko pwedeng sabihin eh"..
tas
siya naman eh, "ah, ganun po ba, curious lang po ako, eh kasi ayoko rin
naman pong maging habambuhay na lang na ***** (hindi ko masyadong
na-gets yung word), kaya baka naman po may maibibigay kayo sa aking mga
tip o advice..?"..
sabi ko tuloy eh "naku, hindi naman ako magaling sa mga ganyan"..
tapos
talagang parang pursigidong-pursigido siya, "ganto na lang po, may
number po ba kayo, baka naman po may number kayo na pwede kong
i-text??"..
tas sabi ko na lang eh, "naku, hindi na"...
mga ilang saglit rin siyang nanahimik..
eh parami na nang parami yung sakay nung punuang jeep na nasakyan ko..
tapos hindi pa rin siya umaalis dun sa upuan sa tapat ko..
maya-maya eh humirit na siya ng last offer niya..
"ah
ganito na lang kuya, iiwanan ko na lang sa inyo yung number ko, tapos
kung sakaling may time kayo, i-text nyo na lang ako.."..
aba't anak are ng puta, uutusan pa ako!?
eh sarili ko ngang buhay eh sira-sira na, tas hihingan pa niya ako ng payo..
basta sabi ko na lang eh, "naku, hindi na, hindi talaga ako magaling sa mga ganyang bagay.."..
matapos nung sagot kong yun eh nagpaalam na rin siya sa wakas at bumalik na dun sa katabi niyang babae...
minsan nakaka-buwiset din yung mga ganung klase ng tao..
basta-basta ka na lang kakausapin..
at tungkol pa sa mga bagay na wala ka rin namang alam...
ang lesson nung story..
hindi lahat ng lalaking naka-formal attire eh successful na professional..
kung successful ako, edi hindi na sana niya ako nakasabay pa sa jeep lalo't medyo nakabihis ako noon..
at ang isa pang lesson eh..
huwag basta-basta magtitiwala sa mga taong nagke-claim na kakilala ka nila o na pamilyar ka sa kanila...
No comments:
Post a Comment