Showing posts with label tv series. Show all posts
Showing posts with label tv series. Show all posts

Saturday, February 7, 2026

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of February 2026 (Under the Table Proposal)

Loveless Story


January 31, 2026...

so far ang mga nag-reply sa akin ay yung 18 y/o..
si Attendant C..
at Attendant Ac, although parang automated response lang yung sa kanya..
tapos kahapon, si Attendant Ar naman...

nagbigay ng details niya si Attendant Ar..
kahit pa parang hindi naman siya nagdu-duty lately..
kaya nag-request na rin ako kung pwede ba niya akong ilakad kay Attendant Nc...?

is 💔 feeling , ang hirap maging masaya habang nabubuhay...

---o0o---


February 4, 2026...

[TV Series / Theory]

What Lies Beneath

sa tingin ko, yung tinatawag na Tito nung 5 bidang babae ang totoong killer..
related yata siya kay Alice..
at mukhang may kinalaman din siya sa pagkawala ni Alice noong bata pa ito..
disabled na yung asawa nun..
may mga kakaibang ikinikilos sa tuwing napag-uusapan yung tungkol sa mga kaso nina Alice at Louisa..
kaya posibleng siya ang original na kriminal na pinagmulan ng mga gulo doon sa istorya...??

is feeling , sa tingin ko...


>
napa-absent sa trabaho ngayong araw..
madaming iniisip...

it took many days..
pero nakumbinsi ko na kahapon si Attendant Nc na kausapin ako..
but it didn't turn out good..
kumbaga parang wala ng konsiderasyon yung rate niya this year..
aabot sa Php 18,900 for 3 hours..
as compared sa mas maganda niyang katrabaho na nasa Php 12,000 lang yung asking price para sa akin...

kaso hindi ko maalis sa isip ko na baka maging katulad nung last time si Attendant Jn..
na baka hindi siya willing sa lahat ng positions na ipapagawa ko..
at na baka hindi niya kayang magtrabaho ng naka-high heels...

so ayun..
kinapalan ko ang mukha ko this night para tanungin ulit si Attendant Nc..
kung willing ba siyang mag-under the table transaction para sa akin..?
para lang maalis ko yung unnecessary fees para sa management...

is feeling , ano kaya ang magiging sagot niya...??

---o0o---


February 5, 2026...

liban na naman sa trabaho..
inuna na muna ang pagsusulat ng mga Adventure template ko...

kakaiba si Attendant Nc ngayong araw..
malambing siya..
panay ang kiss sa pag-reply sa akin, bagay na hindi naman niya ginagawa dati..
pag-aaralan daw niya yung proposal ko na gumawa kami ng deal na labas sa management nila..
pero wala pa siyang sagot hanggang ngayong gabi...

is feeling , ano kaya ang magiging sagot niya...??

-----o0o-----


[V-League]


PVL All-Filipino Conference 2026


February 5, 2026...

Creamline versus PLDT..
ang dami ng live audience kahit na weekday..
nakabalik na nga sina Morado at Pons..
at reliable na addition ang Libero na si Nierva..
present naman si Atienza, pero not in uniform...

malakas na team kaagad ang kalaban..
the same challenge simula pa noong Champion era ng Creamline with Staunton..
kung makakaya ba nilang talunin ang PLDT...??

Set 1, Pons-Galanza-Caloy with BDL ang starters ng Creamline, pero mainit kaagad ang laro ni Davison, hirap ang Creamline na bantayan siya sa buong laro, unang nakalamang ang PLDT, buhay kaagad ang net at floor defense nila, kahit combination plays ng Creamline ay hindi basta-basta makatagos, Baldo for Galanza sa harap, double substitution nina Gumabao at Negrito at naghabol sila, pero kinapos sila dahil malaki na yung naging lamang ng kalaban before the chase, nanaig ang PLDT dahil nakuha nila lahat ng scoring stats kontra sa kanilang 8 errors..
Set 2, the same starters para sa Creamline, una na ulit nakalamang ang PLDT at nang-iwan na sila, nakuha nila ang attacks at kill blocks stats plus 7 errors ng Creamline..
Set 3, Baldo starts for Galanza, una pa ring nakalamang ang PLDT, habol nang habol ang Creamline pero paulit-ulit sa pagkalas ang PLDT, double substitution nina Gumabao at Negrito, Galanza para sa service at floor defense, pero kinapos pa rin ang Creamline...

3-0, panalo ang PLDT..
hindi pa pasado ang kasalukuyang Creamline laban kay Davison...

ganun pa din ang Creamline, ipinipilit na mapabagsak ang bola sa loob mismo ng court ng kalaban..
buhay naman ang attacks nila, pero talagang makulit lang ang blocking at floor defense ng PLDT..
kulang sila sa Middle Blockers na may zero tempo attack..
kailangan pang mas makabisa ni Morado ang laro ni Pons since ngayon lang sila nagkasama, at mapanumbalik ang connection niya sa mga dati na niyang attackers..
at kailangan ni Nierva na mapunan ang role ni Atienza sa Triangle Defense nila nina Galanza at Pons...

is feeling , ayos lang 'yan, Morado at Galanza.. bago pa ang team ninyo, kaya focus muna sa rebuilding...

---o0o---


[Sports]


February 5, 2026...

so pasok na si Alex Eala sa parehas na Quarterfinals ng Singles at Doubles..
para sa Abu Dhabi Open..
yung pinakauna niyang natalo ay nasa Top 100...

bago iyon ay umabot din si Eala sa Quarterfinals ng Philippine Women's Open..
pero it turned out naman na yung naging Champion doon ang nagawang makatalo sa kanya..
nasa Top 100 din yung Colombian na iyon...

is  feeling , World #11 at #2 Seed na kaagad ang susunod niyang makakaharap...

---o0o---


February 6, 2026...

so kinapos si Alex Eala sa laban niya sa Quarterfinals ng Singles..
di umubra sa World's #11...

pero kahit na ganun..
kahit magkasunod ang mga laban niya kagabi..
at kahit ilang araw na siyang may bandage sa isa niyang hita..
eh nagawa naman nilang mapataob ni Tjen ang #2 seed sa Doubles..
at dahil dun ay pasok na sila sa Semifinals...

is  feeling , focus na sa Doubles.. battle of endurance talaga...

-----o0o-----


January 31, 2026...

[Trade]

day 781...

umangat na kaagad ang ARDR..
kahit hindi pa naman nagre-recover ang Bitcoin..
hindi ko na talaga alam kung paano ko pa mababawi yung mga pera ko na nakulong dun sa scam game at sa cryptocurrency market... 🙁

is feeling , tama na, please.. ang mga parusa...

---o0o---


February 1, 2026...

[Trade]

day 782...

malas talaga..
nakagawa ako ng wrong move..
mababa ang market ngayong umaga dahil bumagsak below USD 80,000 ang Bitcoin..
kaya sinubukan kong mas ibaba ang bid ko sa ARDR..
kaso bigla palang ginawa ng Binance na around 1/2 na lang yung lowest bid..
di katulad dati na parang nasa 1/5.. 🙁
dahil dun eh nawala tuloy yung mababa kong bid para sa ARDR...

level 47.5 to 56.5 na akyat ng ARDR..
USD 20 sana iyon para sa akin..
tapos nun ay umulit-ulit pala sila..
level 51.5 to 64.5..
USD 27 naman sana iyon..
level 54 to 61.5..
USD 14 naman sana iyon..
at nasa mataas na level pa rin sila hanggang sa mga oras na ito... 🙁

is feeling , nasipa pa tuloy ako mula sa mababa kong bid...

---o0o---


February 2, 2026...

[Trade]

day 783...

mas bumaba pa ang Bitcoin hanggang around USD 75,000..
pero talagang nanlaban pala ang ARDR... 🙁

level 53.6 to 95.8 yung naging mataas na pump kagabi..
USD 86 sana iyon para sa akin..
level 80.2 to 103..
USD 30 naman sana iyon..
level 84 to 103.5 bago muling bumaba ang chart nila..
USD 25 din sana iyon... 🙁

is feeling , sayang.. puros sayang...

---o0o---


February 3, 2026...

[Trade]

napakatanga ng mundo..
pumayag sila na digitally ma-trade ang mga gold at silver..
gamit yung lecheng XAU at XAG..
kaya naman nabibiktima na rin ngayon yung mga prescious metal ng market manipulation... 🙁

is feeling , mga tarantado.. wawasakin nila ang industriya...


>
[Trade]

day 784...

level 51.1 to 61 yung pahabol ng ARDR kahapon..
USD 18 din sana iyon para sa akin... 🙁

tapos heto..
medyo tumaas ang market..
napalayo na naman tuloy ako sa target ko... 🙁

is feeling , bagsak na.. kahit na sobrang risky yung 1/2 lang na lowest bid...

---o0o---


February 4, 2026...

[Trade]

day 785...

wala..
halos stable lang ang lahat...

is feeling , kailangan ko lang talaga ng chance para makatakas sa isinumpang buhay na ito...

---o0o---


February 5, 2026...

[Trade]

day 786...

bumaba pa ulit ang Bitcoin..
hanggang below USD 72,000 na..
pero noong madaling araw nangyari, kaya hindi ako nakapagbaba ng bid ko... 🙁

hapon nang lalo pang bumaba ang Bitcoin..
bumagsak na sila below USD 70,000 ngayong gabi...

is feeling , pwede kayong mag-crash pa.. pero yung sakto lang sa bid ko.. hindi na mas bababa pa doon...

---o0o---


February 6, 2026...

[Trade]

day 787...

bumagsak na below USD 63,000 ang Bitcoin..
although mahina ulit ang hila nila sa iba..
bumagsak pa sila sa near USD 60,000 ngayong umaga...

pero wala pa rin akong mapasukan na asset... 🙁

is feeling , konti pa.. kailangan ko ng FIDA sa level 9...


Saturday, November 15, 2025

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of November 2025 (Solana Fail)

Loveless Story


November 9, 2025...

at ayaw talagang tumigil ng mga kamalasan ko... 🙁

simula noong November 6..
tumigil yung pagtulo ng bubong namin..
hanggang kanina, naisip ko na mukhang naayos ko na yung problema..
na hindi na manganganib ang kisame namin sa panahon na ito ng panibagong malakas na bagyo..
pero hindi pala... 🙁

bumawi lang ako ng 1 oras na tulog kanina, matapos kong maligo ngayong hapon..
at pagkagising ko, eh untikan na akong patayin ng tiles namin dahil sa sobrang dulas..
sa loob ng maikling panahon eh biglang naging basang-basa na pala yung sahig..
dahil tumutulo na pala ulit yung bubong at kisame namin... 🙁

is feeling , ano ba talagang klase ng nilalang yung sumisira dun sa mga tapal na inilalagay ko...??

---o0o---


November 10, 2025...

[Manga Theory]

One Piece Theory #23

ngayon ko lang naalalang isulat ito...

mukhang agent ng SWORD si Aokiji, o Kuzan..?
dahil estudyante si Aokiji ni Vice Admiral Garp, posibleng may nakuha na silang intelligence over the years na nag-uugnay kay Marshall D Teach kay Davy D Xebec..
kaya naman sumapi si Kuzan kina Teach nang yayain siya nito..
para mas mabantayan niya ang development nung mga plano na nauugnay noon kay Davy D Xebec o Rocks D Xebec...

is feeling , basta, may lihim at mabuting motibo si Aokiji...


>
yung hanggang ngayon, hindi nila naiintindihan kung gaano kalaki ang naging damage sa akin nung lagpas 2 years na wasak ang nag-iisa kong graphics card slot..
wasak na ako noon, dahil sa online piracy..
pero noong hindi na ako makagawa ng mga project ko, walang nagawa yung ibang solid ko na supporters kundi ang iwanan na rin ako... 🙁

hindi basta nawasak yung slot nung graphics card..
winasak yun katulad kung paano paulit-ulit na winawasak ang bubong ng bahay namin..
na wala namang butas, pero parang gripo kung tumulo..
na para bang may put*ng inang nilalang ang sadyang nagpapapasok ng tubig-ulan doon sa mga yero... 🙁

tapos gusto ninyo na i-prioritize ko ang isang reunion na finance ang pakay..??
put*ng ina..
anong iaambag ko doon..?
mababawi ko ba doon yung lagpas 2 years na nawala sa buhay ko..?
mababawi ko ba doon yung utang na ayaw bayaran sa akin..?
mababawi ko ba doon yung pondo ko na paulit-ulit na nalulugi sa Binance..?
makakakuha man lang ba ako ng Endorphins mula doon...??

is feeling , sa bagay.. kailan nga ba nakaintindi ang mga mayayaman..? kailan ba nakaintindi ang mga taong hindi naman naliligo sa mga divine kamalasan...??

---o0o---


November 11, 2025...

nakatapos na rin sa pagbuo ng scenes para sa project #26..
kailangan na lang i-render yung mga natitirang hindi pa nagagawa..
tapos makaka-proceed na ako sa postwork...

is feeling , kahit hindi na katulad ng dati ang sitwasyon...

---o0o---


November 12, 2025...

nakatapos na rin sa mga render kanina..
took me 30 days para sa unang part...

plano ko sana na magsimula na rin kaagad sa postwork..
kaso, nag-assemble pa ako ng dish rack mula sa online store..
2 beses ko pang in-assemble, kaso kailangan pala talaga na i-modify (na naman) yung positioning nung mga butas ng screw, dahil tatama at tatama sa height ng gripo namin... 🙁

ang ending..?
konti lang ang mga pauna kong na-edit...

is feeling , naabala pa sa palpak na naman na online order...

---o0o---


November 14, 2025...

[TV Series]

Sins of the Father

matalino yung script nila for most part..
mula sa pag-solve ng mystery nung mga seed phrase..
hanggang sa ginawa nilang infiltration sa scam syndicate para mangalap ng mga impormasyon at magdulot ng internal conflict...

maganda yung twist..
maganda yung ginawa nilang upset laban sa mga bida..
at ang naging butas lang ay yung hindi matalinong script kung paano sila naisahan ng mga kalaban..
kung saan nag-iisa lang si Matthias at galing pa sa aksidente at sa coma..
pero sobrang daming bantay na pulis at nurse sa panig ng matitino ang nagawa niyang talunin..
na naging dahilan din upang mailigtas ng sindikato ang isa pa nilang miyembro na nahuli din ng grupo ng mga bida...

malaking bagay na pinatay si Colonel..
dahil siya lang ang bukod tanging pruweba ng mga bida na lehitimong operasyon ang ginawa nila laban sa sindikato..
siya din ang nagbibigay sa kanila ng manpower mula sa hanay ng mga awtoridad..
kaya naman nalagay talaga ngayon sa alanganin na sitwasyon ang mga bida...

sa ngayon, wala ng pag-asa kundi ang makuha ng mga bida ang suporta at tulong ng iba pang characters doon sa istorya..
ang katapatan ni PO2 Johnny sa batas at sa paglaban sa masasama, kasama ang kanyang partner..
ang mga nalalaman na ni Attorney Leah, at ang expertise niya sa batas..
ang testimonya ng mga scam victim na nauna nang natulungan ni Samuel..
ang tulong ni Roldan mula sa intensyon niya na magbago para sa kanyang anak, na may hawak din na record ng kanilang sindikato..
ang tulong ni Xenon na may kabutihan naman talagang taglay at napasama lang kay Jacob..
at ang tulong nung hepe ng mga pulis na mukhang nagawa namang konsensyahin ni Colonel...

is feeling , mukha namang magiging maganda ang muling pagbawi ng mga bida...


>
[Online Marketing]

ang bilis ng takbo ng mga araw..
halos kahalati na kaagad ng November ang nalagas..
at wala na ulit pumapasok na benta para sa akin... 🙁

dahil dun eh naglunsad na ulit ako ng panibagong sale..
then sa December ay iiwas na lang sa sale nung website, para hindi madamay yung mga project ko na hindi pa nakakaabot sa quota..
tapos eh gagawa na lang ako ulit ng sarili kong sale para dun sa mga safe na para idaan sa promo...

is feeling , ganito na naman...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Reinforced Conference 2025 (Round 2)


November 13, 2025...

Creamline versus Choco Mucho..
hindi ako nakapanood..
nakalimutan ko dahil sa editing na ginagawa ko...

Set 1, naiwanan ng Creamline ang Choco Mucho..
Set 2, naiwanan ng Creamline ang Choco Mucho..
Set 3, dumikit naman na ang Choco Mucho hanggang sa dulo...

3-0, panalo ang Creamline...

pero hindi ito ang importanteng topic sa ngayon..
tinalo noon ng Cignal ang sister team nila na PLDT na gamit lang ang local roster nila..
pagpasok ng Round 2, tinalo nila ang Akari..
at kanina eh tinalo na rin nila ang pinakamalakas mula sa pool ng Creamline, ang Zus at ang import nila na si Debeer..
malaki ang naitutulong ni Santos sa opensa nila..
pero bukod doon, eh base sa mga previous nilang laban sa Creamline, eh malakas ang floor defense nila dahil sa magandang blocking at coverage..
at iyon ang mga bagay na kailangang malagpasan ng Creamline sa magiging laban nila...

is  feeling , salamat, team.. para kina Morado at Galanza...

-----o0o-----


November 8, 2025...

[Trade]

day 697...

level 8.9 to 10.3..
USD 65 sana iyon para sa akin..
level 9.9 to 10.6..
USD 29 naman sana iyon... 🙁

is feeling , kung lilipat ako sa Solana asset..? eh sa anong asset naman ako makaka-1000%...??

---o0o---


November 9, 2025...

[Trade]

day 698...

level 9.6 to 10.2 na akyat ng C kagabi, bago yung power interruption..
USD 25 din sana iyon para sa akin... 🙁

is feeling , so lahat ng mga kamalasan na ito, eh talagang nangyayari lang nang dahil sa basura kong existence...??

---o0o---


November 10, 2025...

[Trade]

day 699...

level 9.7 to 11.7 kagabi..
USD 85 sana iyon para sa akin... 🙁

is feeling , tama na ang pagiging supot, C.. sumabog na kayo hanggang level 75...

---o0o---


November 11, 2025...

[Trade]

day 700...

nag-pump nga ang C kagabi..
pero gaya ng palagi nilang ginagawa, eh nag-retrace din naman kaagad sila... 🙁

level 10.4 to 12.4..
USD 79 sana iyon para sa akin..
bago sila muling bumaba sa level 10.3... 🙁

kaso simula hapon eh bumaba na ulit sila..
hanggang level 9.8... 🙁

is feeling , walang katapusang kamalasan...

---o0o---


November 12, 2025...

[Trade]

day 701...

so nagpakawala na naman nga ako ng possible exit point sa ibaba ng entry point ko..
pang-4 na ito... 🙁

mula sa level 12.4..
eh bumaba na ulit hanggang 9.4 ang C... 🙁

is feeling , puros na lang talaga kapalpakan...

---o0o---


November 13, 2025...

[Trade]

day 702...

pump then dump ulit, sa tulong ng pesteng Bitcoin..
level 9.4 to 10..
USD 26 sana iyon para sa akin.. 🙁
bago sila bumaba sa mas mababa na level 9.3...

level 9.3 to 10.2 na akyat..
USD 40 naman sana iyon.. 🙁
pero talagang bumababa pa rin sila...

is feeling , walang kuwenta ang C dahil sa akin...

---o0o---


November 14, 2025...

[Trade]

day 703...

nanghila na naman ang demonyong Bitcoin..
umabot sa level 8.8 ang naging bottom ng C..
level 8.7 to 9.2..
USD 23 sana iyon para sa akin... 🙁

pero sa ngayon eh mas malalim pang Impiyerno ang hinahabol ng Bitcoin..
para lang ipamukha sa akin ang lagim ng taglay kong kamalasan... 🙁

is feeling , mga demonyo kayo...


Saturday, June 14, 2025

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of June 2025 (System Rebuilding)

Loveless Story


June 7, 2025...

[Gadget-Related]

nakatapos na sa paglilipat ng lahat ng files mula sa luma kong hard drive..
natapos ko na ngayong araw yung 3D assets...

installation na ng software yung sunod..
at tamang pagtitimpla ng driver para sa graphics card...

pero bago iyon, eh io-audit ko muna ulit bukas lahat ng folder..
para makasigurado ako na wala akong nalikdangan...

is feeling , hindi na muna mag-e-SSS...

---o0o---


June 8, 2025...

[TV Series]

put*ng ina..
Cardong Trumpo..
naglalaro ako ng trumpo noong bata pa ako..
hanga na ako noong audition pa lang niya, dahil nagpapaikot siya ng trumpo sa dulo ng maninipis lang na bagay..
pero ngayon lang ako nakakita na minanipula ang trumpo nang patawid sa maninipis din na bagay..
manipis na metal rod na pa-spiral pa, tapos mga alambre..
dati mga acrobat lang ang gumagawa nun, mga buhay na tao..
pero ngayon, kaya na rin ng umiikot na bagay na manipis lang ang dulo..
t*ng inang disiplina niya sa pag-master nung mga tricks na 'yon..
kabisado niya ang Physics ng laro niya...

traditional Filipino toy at game..
na sinasabing nag-e-exist na sa iba't ibang panig ng mundo noong BC pa lamang..
kaya talagang nagpakita siya ng local talent..
local talent na nahasa nang husto...

is feeling , Champion quality...


>
[Gadget-Related]

na-audit ko na lahat ng mga kinopya ko na files, tama naman..
nakapag-install na nung primary font na ginagamit ko sa comics ko..
na-install ko na yung lumang version ng 3D application program na ginagamit ko..
at nag-update na rin ako ng NVIDIA driver, yung may article tungkol sa pagpapagana nang ayos sa 3D program na gamit ko..
pero kailangan ko munang mag-unzip at maglipat ng 3D assets..
after that, saka ko pa lang mate-testing kung gagana nga ba nang maayos ang combination ng Windows 11, CPU, graphics card, NVIDIA driver, at Iray rendering ko...

is feeling , konti pa...

---o0o---


June 9, 2025...

[Gadget-Related]

anak ng ano talaga..
wala pang 1 buwan ang bago kong computer..
pero nakailang salo na kaagad ng power interruption... 🙁

is feeling , talagang puros pagkawasak lang ang meron sa buhay ko...

---o0o---


June 10, 2025...

dahil nambuntis na yung pinakabata kong biological brother..
at dahil magpapakasal na..
eh napunta na naman tuloy sa akin ang topic...

kesyo boto daw silang lahat na makapag-asawa ako... 🙁

seriously..?
sino bang matino na babae ang magmamahal sa isang lalaki na palpak sa lahat ng bagay..?
lalaki na zero ang nakukuha sa ilang buwan..?
lalaki na mas malaki pa ang binabayaran quarterly sa SSS at PhilHeath, kumpara sa pumapasok na pera buwan-buwan..?
sinong matinong babae ang tatanggap sa isang tao na pinatawan na ng d*e will be done...??

madali lang man*rjack ng babae..
kahit nga Php 500 lang..
o kahit nga rugby lang ang katapat eh..
pero malaking responsibilidad ang pagmamahal..
hindi iyon laro lang..
hindi iyon yung tipo na kailangan mong gawin, kasi kesyo kailangan mo ng caregiver kapag matanda ka na..
mahirap bumuhay ng mga tao..
lalo na sa panahon ngayon na ang mga tiwali na ang sinasamba ng maraming tanga... 🙁

wala akong plano na magpahamak pa ng ibang tao sa mga kamalasan na dinadanas ko..
gagawin ko na lang yung part ko para sa mundo..
hindi ako magko-contribute sa population explosion..
hindi ako gagawa ng carbon emitter..
hindi ako gagawa ng tao na baby pa lang eh nagsasayang na ng kuryente sa mga gadget..
hindi ako gagawa ng magko-contribute sa diaper waste..
hindi ako gagawa ng eventually magko-contribute sa sanitary pad waste..
simple lang ang goal..
ang mawala sa mundo na 'to nang hindi nakakaramdam ng sobra-sobrang sakit...

is 💔 feeling , tigilan nyo na ako...


>
[Gadget-Related]

nakapag-ayos na kahapon ng layout ng workspace para sa Photoshop ko...

ngayong araw naman..
hindi ko na muna pina-finalize ang workspace ko para dun sa 3D program..
nakapagsimula na sa pag-e-extract, paglilipat, at pag-o-organize ng 3D assets ko..
so far, gumagana naman sila sa loob nung program..
hindi ko pa lang nasusubukan na mag-produce ng actual render...

is feeling , may senyales na hindi gagana.. pero sana gumana pa rin...

---o0o---


June 11, 2025...

[Gadget-Related]

so ayun..
palpak nga yung pinakauna kong in-install na driver ng graphics card..
naging komplikado ang problema ko dahil Windows 11 na ang system ko..
kailangang tugma ang OS sa driver ng graphics card, kaya walang paraan para magamit yung mga lumang driver na proven na gumagana para sa combination ng lumang graphics card at lumang version nung 3D software...

so nag-install ako ng designated install manager..
sunod doon ay nag-install na ako ng latest na beta nung 3D application..
sablay ulit yung combination at nag-request yung program ng higher version ng driver..
ginawa ko nga, at saka na gumana ang lahat...

sa ngayon ay patuloy lang ako sa paglilipat ng lahat ng 3D assets..
na ang sakit pala sa mata..
akala ko na madaling proseso lang ito, pero mabusisi nga pala ang pag-verify kung na-copy at napunta nga ba ang lahat sa tamang directory..
hindi katulad noon na hindi naman maramihan ang paglilipat ko ng files..
after that, saka ko susubukan na totoong mag-render, ng light at heavy scenes..
magtse-check kung mai-interpret ba lahat ng texture tulad ng resulta noon doon sa lumang version nung program..
at sana naman ay gumana nga ang lahat nang maayos sa puntong iyon...

is feeling , sobrang hirap na maipit sa pagitan ng kahirapan at ng patuloy na nagbabagong teknolohiya...

-----o0o-----


[V-League]


AVC Nations Cup 2025


June 7, 2025...

Philippines versus Mongolia..
mahina ang video transmission mula sa Vietnam..
madaming cute sa players at staff ng Mongolia..
palaging dikitan ang laban sa simula..
late na bahagi na ng Set 3 noong ipinasok si Nitura..
maganda ang back row defense niya..
at nakapagpa-sample din siya ng back row attack, na sa kanya din galing ang dig...

3-0, panalo ang Philippines..
kaso mas maganda yung pool na nakuha ng Vietnam..
delikado ang pool kung nasaan ang Philippines...

is  feeling , salamat, team.. para kina Morado at Nitura...

---o0o---


June 8, 2025...

Philippines versus Indonesia..
wala akong siesta dahil alanganing oras ang laban..
hirap ang Philippines na patayin ang bola dahil malinis ang depensa ng Indonesia..
tapos magaling pa ang Indonesia sa fast plays..
Set 2 nang ipasok si Nitura para sa double substitution..
nababad naman siya sa Set 4 matapos na ma-injure si Solomon..
na-extend pa ng Indonesia yung set, pero nagawa namang manaig ng Philippines...

3-1, panalo ang Philippines..
dahil dun ay Kazakhstan at Iran na lang ang banta laban sa kanila sa Pool B..
dahil international competition, eh halos arawan ang schedule ng digmaan..
mas may pahinga naman ang Pool A dahil mas kakaunti ang teams sa kanila...

is  feeling , salamat, team.. para kina Morado at Nitura...

---o0o---


June 9, 2025...

Philippines versus Iran..
ang team na nauna nang nakatalo sa Indonesia..
virtual elimination para sa kanilang 2, since halos sigurado naman na ang Kazakhstan na makapapasok sa top 4..
kaya crucial game ito..
nagagawa ng Philippines na makaagwat laban sa Iran..
Set 2 nang ipinasok si Nitura, dahil nakakadikit na ang mga kalaban, pero tinanggal din siya kaagad after ng failed attacks.. 
delikadong kalaban ang Iran dahil magaling sila sa paghahabol..
kalaban na ang nakalalamang sa Set 4, kaya ipinasok na ulit si Nitura..
umabot ang laban sa Set 5 dahil sa lakas ng blocking ng Iran, at sila nga ang nanaig sa bandang huli...

3-2, panalo ang Iran..
ang option na lang ngayon ng Philippines para makapasok sa top 4 ay ang talunin ang Kazakhstan in less than 5 sets...

mahina na Middle Blocker si Sharma..
madalas na hindi naman palo ang atake niya, malamya..
hindi rin siguro nakabuti na na-injure nga si Solomon...

is 💔 feeling , walang lugar ang swag hangga't hindi nagiging #1 sa Southeast Asia.. sorry, Morado at Nitura...

---o0o---


June 11, 2025...

Philippines versus New Zealand..
as expected naman, basta hindi nagpabaya ang team...

3-0, panalo ang Philippines..
parang pinarusahan sina Nitura at Canino...

is ⚠ feeling , hindi ko magawang magpasalamat, kasi 1 talo na lang at mawawalan ng saysay ang pagsali nila sa tournament.. pero para pa rin kina Morado at Nitura ang panalo na ito...

---o0o---


June 12, 2025...

Philippines versus Kazakhstan.. 
ang deciding match para sa pool nila..
na-injure si Sana Anarkulova noong laban nila sa Iran..
nagagawang makalamang ng Philippines..
nagagawa din nilang maghabol..
hindi din maganda ang floor defense ng Kazakhstan laban sa kanila...

3-0, panalo ang Philippines..
dahil dun ay may tantsa na ulit sila para sa podium finish..
at sila pa talaga ang nakakuha ng first seed sa pool nila dahil sa 5-setter match nila noon laban sa Iran, kaya may extra point sila...

is  feeling , sinuwerte sa kulam.. pero para pa rin kina Morado at Nitura ang laban na ito...

---o0o---


AVC Nations Cup 2025 (Semifinals)


June 13, 2025...

Philippines versus Chinese Taipei..
gabi na ang laban, lagpas pa sa pinaka-late na oras ng start ng mga laro sa PVL..
Morado and Liao Yi-Jen rematch..
nanlaban ang Chinese Taipei simula sa Set 3..
ipinasok si Nitura sa Set 3 at 4 para subukang mabago ang takbo ng laban..
pero na-extend nga ang match hanggang Set 5...

3-2, panalo ang Philippines..
dahil dun ay may tsansa na sila para i-challenge ang Vietnam..
mas kalmado na rin ang team sa pictorial this time..
natututo na siguro ng value ng humility...

is  feeling , salamat, team.. para kina Morado at Nitura...

-----o0o-----


June 7, 2025...

[Trade]

day 543..
11 days bago ang sunod na FOMC...

walang magandang nangyayari sa HAEDAL..
na pinalala pa lately ng The Trump and Musk Show... 🙁

level 11.5 to 12.4 kahapon..
USD 43 din sana iyon para sa akin... 🙁

is feeling , tama na.. pagod na pagod na ako sa perpektong sumpa na dala-dala ko...

---o0o---


June 8, 2025...

[Trade]

lahat ng assets na meron ako..
nasa bagsak na kalagayan dahil sa taglay kong antas ng kamalasan.. 🙁
HAEDAL..
LUNA..
AXS..
RON..
SLP..
ETH...

iyon, habang may mga asset naman na nakaaangat maging sa ganitong kalagim na panahon...

is feeling , alam na alam ng mga makapangyarihan kung paano sila maninira ng buhay ng isang nilalang...


>
[Trade]

day 544..
10 days bago ang sunod na FOMC...

alanganin na angat ulit mula kahapon..
level 11.7 to 12.6..
USD 42 sana iyon para sa akin... 🙁

is feeling , hindi ba talaga pwedeng maging patas ang mundo para sa akin.. kailangan ba talaga na miserable ang katuparan ng d*e will be done...??

---o0o---


June 9, 2025...

[Trade]

day 545..
9 days bago ang sunod na FOMC...

bumaba na naman ang HAEDAL ngayong araw... 🙁

is feeling , 3 beses nagawa noon ng HAEDAL.. 2 beses noong wala pa sila sa Binance.. kailangan ko lang munang maka-exit sa level 20...

---o0o---


June 10, 2025...

[Trade]

day 546..
8 days bago ang sunod na FOMC...

medyo umangat naman ang HAEDAL ngayong araw...

is feeling , maawa naman kayo sa akin.. abutin nyo muna ang level 20...

---o0o---


June 11, 2025...

[Trade]

day 547..
7 days bago ang sunod na FOMC...

level 12.2 to 13.4 yung huling naakyat ng HAEDAL..
USD 54 din sana iyon para sa akin..
pero bumaba na ulit sila ngayong gabi... 🙁

is feeling , hindi ba talaga pwedeng maging maayos ang lahat para sa akin...??

---o0o---


June 12, 2025...

[Trade]

day 548..
6 days bago ang sunod na FOMC...

pababa na naman ang HAEDAL ngayong araw..
wala talagang kuwenta ang pagtaas-baba ng Bitcoin..
sa tuwing sinasabi ko kung ano yung gusto kong mangyari..
automatic na yung kabaliktaran ang nagaganap... 🙁

is feeling , hindi na nila magawang mag-pump gaya ng dati.. dahil nasa poder nila ako...

---o0o---


June 13, 2025...

[Trade]

day 549..
5 days bago ang sunod na FOMC...

at ganun-ganun na lang..
bagsak na naman ang palitan ng HAEDAL..
USD 30 din sana para sa akin yung ginawa nilang recovery from level 10.8 to 11.4...

at ayun pa nga..
bumagsak na kaagad ang HAEDAL below 10..
1 level na lang at aabot na sila sa dati nilang bottom..
sa ganitong punto ay umaabot sa USD 230 ang nalalagas sa pondo ko... 🙁

sa ngayon eh umaabot na sa USD 20,000 yung napapakawalan kong potensyal na kita..
dahil lagi na lang akong nasa itaas ng mga palitan... 🙁

is feeling , tama na.. magpakita naman kayo ng awa...


Saturday, April 26, 2025

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Full Week of April 2025 (500 Days of Failed Retrieval)

Loveless Story


April 19, 2025...

[Gadget-Related]

sa sobrang walang kuwenta ko talagang tao..
eh heto..
wala ng silbi ang Facebook Messenger para sa akin..
bawal maka-receive ng message kapag offline ang account ko... 🙁

group chat na lang ang gumagana para sa akin sa ngayon..
na malamang eh itulad na rin nila sa PM in the future...

hindi ko sigurado..
pero mukhang ang paraan lang para maka-receive na ulit ako ng message..
eh kung ia-allow ng ibang user ang pa-back up sa conversations nila gamit ang secured storage..
na hindi ko naman maintindihan kung bakit hindi ginawang default setting ng Facebook..
samantalang encrypted na nga ang message na ii-store nila sa ganung paraan, at kahit sila eh hindi nila magagawang basahin...

is feeling , pati paniningil ko ng utang eh nasabotahe...

---o0o---


April 20, 2025...

ngayong hapon..
may nagpunta sa bahay para mamigay ng campaign materials..
at nakakarumi ang sinabi sa akin..
iboto daw lahat nung tumatakbong Senator sa partido ng mga kriminal..
para daw hindi ma-impeach ang kanilang Vice President...

so tinanggap ko yung mga papel..
at itinapon ko kaagad sa basurahan..
para wala ng makinabang sa mga yun..
nabawasan sila ng campaign materials na ipamamahagi sana nila sa mga bobong panatiko...

is feeling , ganun din sana ang gawin ng ibang mga responsableng mamamayan.. tanggapin lang nang tanggapin ang campaign materials ng kasamaan, at itapon kaagad sa basurahan para hindi na kumalat pa...

---o0o---


April 22, 2025...

[TV Series]

okay sanang panoorin yung Happiness..
si Han Hyo-joo na clone ni Song Hye-kyo..
character ng magandang babae na marunong makipaglaban..
kaso sobrang gabi na talaga para makayanan ko pang panoorin..
kung tutuusin, hirap na nga akong manatiling gising sa oras ng Saving Grace..
pero kahit papaano may video files naman nun ang ABS-CBN sa YouTube, at may rewind din sa hapon..
yung mga hindi local TV series sa pagkakaalam ko eh bawal nilang i-upload sa YouTube...

is feeling , sayang naman.. sana ilipat sa timeslot ng Meteor Garden in the future...

---o0o---


April 23, 2025...

may kung anong solid ang tunog na tumutulo sa kisame ng kuwarto ko..
bagay na hindi naman nangyayari noon..
at nasa 1 buwan pa lang matapos na i-repair ang bubong namin..
hindi ko alam kung tubig ba na mula sa namuong hamog..?
o ipot ng ibon o paniki...?

okay lang kahit ipot na lang..
huwag lang sana tubig..
dahil hindi pa maulan sa panahon ngayon..
pero paano kung umulan..?
ano, pababahain nila sa loob ng kuwarto ko...?? 🙁

is feeling , tama na ang mga trahedya sa buhay ko.. tumigil na kayo.. huwag ninyong itapon yung Php 50,000 na nagastos sa repair...


>
[Gadget-Related]

dahil sa paulit-ulit na illegal shutdown ng computer ko..
dahil sa pumapalpak ko ng UPS..
eh nabura na tuloy ang history ng mga application program ko..
at hindi na rin sila makagawa ng panibago... 🙁

kundangan naman kasi..
nasa 10 years dapat ang lifespan ng computer..
tapos almost 5 years naman para sa UPS..
hindi yung puwerket ako ang involved, eh dapat lagi na lang wasak ang lahat... 🙁

is feeling , tama na.. tigilan nyo na ako sa mga trahedya...

-----o0o-----


[V-League]


AVC Champions League 2025


April 20, 2025...

Creamline (PH) versus Jordan..
hindi national team ang mga kalaban nila, mahirap lang banggitin yung mga pangalan kaya country na lang ang gagamitin ko..
kasama nga ng Creamline ang Angels at PLDT sa pag-represent sa Philippines..
wala sa lineup nila sina Caloy, BDL, at Lazaro..
m-in-aximize naman ng team ang paggamit ng 3 foreign reinforcement...

madami ding live audience kahit na mahal ang tickets ng AVC...

Set 1, Baldo-Staunton-Kudryashova muna para sa Creamline, off kaagad ang floor defense nila, maagang nakalamang ang Jordan, Kolomoyets for Bernardo, Gumabao at Dimaculangan sa double substitution, malapit na sa dulo noong makadikit ang Creamline, Galanza for Staunton sa service at para sa depensa, na-extend nina Baldo at Galanza ang laban, at nagawa nga nilang maagaw ang set dahil sa kanilang 3 kill blocks plus 7 opponent errors..
Set 2, Kolomoyets starts for Bernardo, maagang naagaw ng Creamline ang kalamangan, double substitution nila at reliable naman si Dimaculangan, Pons for Baldo para sa depensa sa likod, Galanza ulit for Staunton para sa service at depensa, at napanindigan ng Creamline ang kanilang lead hanggang sa dulo, nanaig sila dahil sa kanilang 12 attacks and 5 service aces..
Set 3, Bernardo starts for Panaga naman at ganado na siya, una na silang nakalamang this time, double substitution nila, de Jesus for Kolomoyets para sa service at depensa, lagpas 10 daw ang errors ng Creamline, pero nagawa pa rin naman nilang manaig sa laban...

3-0, panalo ang Creamline...

is  feeling , nice one, team.. ayos na reinforced debut.. para kina Morado at Galanza...

---o0o---


April 21, 2025...

Creamline (PH) versus Kazakhstan..
gabi na ang schedule ng match nila..
Kolomoyets laban sa kanyang mga kababayan..
mas mataas ang ranking ng bansa nila...

Set 1, Baldo-Staunton-Kudryashova plus Kolomoyets starts for Creamline, maagang nakalamang ang Kazakhstan, malakas ang blocking nila at malalakas pang pumalo, tapos ang dami pang service error ng Creamline, double substitution nina Gumabao at Dimaculangan at maganda ang nilaro ni Dimaculangan, hindi nakalapit ang Creamline sa Kazakhstan dahil sa 5 kill blocks and 2 service aces nila..
Set 2, nadadali sa reception at coverage ang Creamline, Pons for Baldo, mas nakakadikit naman sila this time, Galanza for Staunton sa likod, pero muling kinapos ang Creamline dahil sa 17 attacks ng Kazakhstan..
Set 3, maaga na ulit na nakalamang ang Kazakhstan, Bernardo for Panaga at maganda na naman ang contributions niya, hindi malakas ang impact ng mga import ng Creamline, double substitution nila, pero muli nga silang kinapos...

3-0, panalo ang Kazakhstan..
lamang sila sa attacks, kill blocks, and service aces..
hirap ang Creamline na pigilan ang mga atake ng outside spikers nila..
samantalang madalas silang mabalikan ng sarili nilang mga atake..
matatangkad ang players ng Kazakhstan, pero may floor defense sila...

is 💔 feeling , sorry, Morado at Galanza.. pero at least ay pasok na ang team sa Quarterfinals...

---o0o---


AVC Champions League 2025 (Quarterfinals)


April 24, 2025...

Creamline (PH) versus Thailand..
dahil sa pagkapanalo ng Kazakhstan laban sa Jordan ay na-secure nga ng Creamline ang isang slot para sa Quarterfinals..
untikan pang PLDT ang nakaharap nila..
nagawa nga ng PLDT na makipagsabayan sa isang team from Thailand, kaya sana naman ay magawa rin ng Creamline...

nagbaba na rin ng presyuhan ng tickets para sa AVC dahil matumal ang bentahan noon..
at dumami-dami nga ang live audience this time...

Set 1, Baldo-Staunton-Kudryashova plus Kolomoyets start for Creamline, maagang nakalamang ang Thailand, and dami kaagad errors ng Creamline, Pons for Baldo, double substitution nina Gumabao at Dimaculangan, nahuli ang paglaban nina Pons at Kolomoyets, nakuha ng Thailand ang set dahil sa kanilang 16 attacks..
Set 2, Pons starts for Baldo, Galanza for Staunton para sa service at floor defense, dikitan ang simula ng laban at nagawa pa nga ng Creamline na makalamang, naagaw ng Thailand ang kalamangan sa bandang kalagitnaan, Gumabao for Galanza tapos palit din ulit noong nasa service na, de Jesus para sa service pero namigay siya ng puntos, Staunton for Pons sa harap, Bernardo in, pero kinapos ang Creamline dahil sa 16 attacks and 1 service ace ng Thailand..
Set 3, Galanza starts for Staunton, dikitan na ulit ang simula ng laban, double substitution ng Creamline, at doon na kumalas ang Thailand, hindi na nga nagawa pang makahabol ng Creamline...

3-0, panalo ang Thailand..
mas mahina ang Creamline kapag madaming import..
malaking tapon yung Set 1..
patunay dun ang pag-rely pa rin nila sa triangle defense nina Atienza, Galanza, at Pons..
dapat malakas na Opposite Hitter ang 1 pa nilang kinuhang import at hindi Outside Hitter lang...

is 💔 feeling , sorry, Morado at Galanza...

-----o0o-----


April 19, 2025...

[Trade]

day 494...

3rd possible exit point sana kaninang umaga..
bago muling bumaba sa level 35..
USD 31 sana iyon para sa akin... 🙁

araw-araw pa rin na kumikita ang WCT..
hindi ko lang mapakinabangan dahil sa long term na hinihintay ko... 🙁

hapon nang gumawa na ulit ng pump ang WCT..
pero hindi ko pa alam kung anong pinaplano nila..
sana lang eh magtuluy-tuloy na sa level 100...

is feeling , gawin nyo na.. dire-diretso hanggang level 100...


>
[Trade]

kinaya ng Usual..
kinaya ng Heima..
kinaya ng Solayer..
lahat sila nagawang pumalo sa USD 1.00..
pero bakit kapag pumapasok na ako sa asset..
eh puros na lang bad news..
bad news..
bad news... 🙁

is feeling , kahit 2 pagkakataon lang.. kailangan ko lang talagang makalaya kasama ng lahat ng pinaghirapan ko...

---o0o---


April 20, 2025...

[Trade]

ang dagdag na problema ko sa trading simula noong nawasak ang slot para sa graphics card ko..
bukod sa kamalasan..
at bukod din sa banned na ang Binance dito sa bayan..
eh sobrang laki ng kain ng CoinGecko at CoinMarketCap sa memory.. 🙁
kayang-kayang pabagsakin ang computer ko..
at patayin ang sira kong UPS...

is feeling , ang hirap mag-monitor...


>
[Trade]

day 495...

umangat ang WCT kagabi at nagpatuloy pa nga sa pag-pump ngayong umaga...

sorry sa pondo ko..
kung hindi sana ako pumalpak noong mga nakaraang araw..
edi ang dali lang sana para sa akin na magdesisyon ngayong araw..
level 35 to 60, nasa USD 960 na sana ako noon..
level 37 to 45, aangat sana sa USD 1,166..
level 35 to 56 ngayong araw, aangat sana sa USD 1,864..
na-recover ko na sana ang pondo ko..
at kumita pa sana ako ng nasa USD 600 bilang bonus... 🙁

USD 335 yung posible ko sanang kitain kanina kung buo lang yung pondo ko..
pero sobra akong nalimitahan..
USD 184 sana yung na-recover ko kung nakapagbenta ako sa peak..
hapon kasi noong gumawa na ng dip ang WCT, kaya naman natakot na ako..
pero USD 124 na lang yung naisalba ko, kinulang na ng USD 60... 🙁

dahil sa latest kong sablay..
eh pumapalo na sa USD 16,000 ang hindi ko napapakinabangan na mga kita simula noong Imperial New Year ng 2024... 🙁

is feeling , sorry.. WCT, bumaba ka muna ulit sa level 40...

---o0o---


April 21, 2025...

[Trade]

day 496...

sablay na naman kahapon..
hindi ko napakinabangan yung entry point sa level 46..
nag-short pump ang WCT hanggang level 51..
so USD 60 sana iyon para sa akin... 🙁

umaga nang umakyat na naman sila matapos ang dip..
kasabay ng pag-akyat ng Bitcoin..
level 48 to 52, USD 46 sana para sa akin..
level 47 to 49, USD 23 sana para sa akin..
lagpas USD 100 na naman sana na dagdag pondo... 🙁

is feeling , WCT, baba muna hanggang level 40 para makapasok ako...

---o0o---


April 22, 2025...

[Trade]

day 497...

hindi ako makabalik sa WCT kahapon dahil name-maintain nila ang level nila..
dahil na rin sa pag-angat ng Bitcoin..
kailangan kong makapasok ulit sa kanila bago yung schedule ng perpetual contract sa April 24...

nakaakyat pa sila from level 46 to 48, bago nag-dip ngayong umaga..
USD 23 sana iyon para sa akin..
USD 25 naman from level 43 to 45... 🙁

lagpas USD 1,000 na kaagad ang napapakawalan ko sa WCT in just 7 days... 🙁

gabi na noong makapasok ako malapit sa level 40..
at medyo minahalan ko pa ang bili ko...

is feeling , WCT, panahon na.. level 100, para sa panahon ng bagong perpetual contract...

---o0o---


April 23, 2025...

[Trade]

day 498...

napamahal ako ng bili ng WCT..
dahil umabot pa sila below level 39..
basta hindi sila dapat umabot sa dati kong entry point na level 35, at lalo na kung below..
dahil mangangahulugan iyon na palpak na naman ako...

sumablay din kaagad ako nitong umaga..
umabot sa lagpas level 43 ang WCT..
USD 40 sana iyon para sa akin bago sila muling nag-retrace sa entry point ko... 🙁

tanghali nang nag-retrace na naman ang WCT..
gabi nang nag-exit na muna ako nang may USD 5 na dagdag pondo..
masyado na naman kasing malapit sa entry point ko..
bukod pa sa delikado na ulit ang taas ngayon ng Bitcoin...

is feeling , tumigil na kayo sa pagre-retrace.. tumbukin nyo na lang kaagad yung level 100...

---o0o---


April 24, 2025...

[Trade]

day 499...

nagising na ulit sa isang pangit na umaga..
matapos kong mapakawalan yung posibleng kita kahapon..
eh pagkalugi na naman ang sumalubong sa akin ngayon.. 🙁
talagang kung kailan pa may naka-schedule na perpetual contract...

umaangat ang WCT kagabi bago ako natulog..
kaya naman napilitan akong bumili ng mas mahal kesa sa dati..
kung na-maintain kasi sana yung level ay papalo ang 24-hour change nila pagpasok ng madaling araw..
pero hindi ganun ang nangyari..
minutes lang matapos akong makapasok sa WCT, eh bumulusok na pala sila sa pagkalugi hanggang below level 38.. 🙁
umaga pa lang eh pababa na pala ang direksyon ulit ng Bitcoin..
iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi makapalo ang WCT..
at wala ngang nangyaring pump noong dumating na yung oras nung perpetual contract... 🙁

is feeling , mga hayop kayo.. WCT, abutin nyo na lang yung level 100 habang natutulog ako...

---o0o---


April 25, 2025...

[Trade]

day 500...

pumasok na muna ako sa savings ng WCT..
kahit pa mababa lang ang interest nila...

nagawa na naman ng ARDR na mag-pump nang lagpas sa 100%...

may pumasok din na bagong asset..
halos kaparehas ng WCT ang total at circulating supply..
pero nasa mas mataas silang level ngayon..
kapag umabot sila sa USD 1.00 eh mangangahulugan na ako nga ang nagbigay ng sumpa laban sa WCT...

magtatanghali noong lumapit nang husto ang WCT sa entry point ko..
pero halos sakto lang para may kitain ako..
magbebenta sana ako kung dumaan man lamang sa level 42 eh..
USD 43 naman sana para sa akin kung nasakyan ko yung level 38 to 41 na akyat nila... 🙁

is feeling , 500 days na nang pagkalugi.. pabayaan nyo na lang kasi akong magising na nasa level 100 na ang WCT...