i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
ang bilis ng takbo ng mga kaso ng mga miyembro ng alyansa simula pa noong pumasok ang generation na 'to..
masisipag ang mga trabahador..
pero yun nga lang - halos puros pabor sa alyansa ang mga desisyon... :(
-----o0o-----
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
update ulit (503 + 501 + 76 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- yung pangmamaliit kaagad sa mga kababayang atleta
- yung nag-offer ng bounty laban sa ibang napalaya ng palpak na sistema
- yung paninisi sa dating administrasyon kahit na ang pag-abuso sa sistema eh tao nila mismo ang may kagagawan, at sila mismo ay batid na may mga nagre-request upang magamit nga ang kahinaan nung sistema na iyon
- yung umamin tungkol sa pagpapa-ambush sa isang Mayor noong 2018
- yung nagtalaga na naman ng opisyal na may kinasasangkutan pang kontrobersya, kesyo suspek daw sa pagkamatay ng 10 preso
- yung palpak na tauhan na ibinalik na naman sa katungkulan
- yung sinabi habang nasa ibang bansa na may mga General daw na sangkot sa ilegal na droga, tapos sabay bawi dito sa bansa na kesyo wala daw pala
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
- yung 7 pulis-Antipolo na sangkot sa kuwestiyonableng buy-bust operation noong May 2019, kung saan kabilang din ang ilan sa 2013 Pampanga Ninja Cops
- yung report from Laguna, yung PDEA agent at kasamahan niya na nahuling gumagamit ng ilegal na droga
- yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG na bukod sa nakunan na ng video habang gumagamit ng ilegal na droga ay nahuli pa sa entrapment operation dahil sa pagiging pusher
- yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation malapit sa may New Bilibid Prison daw
- sa Taguig City, yung pulis na hinuli dahil kasabwat daw ito ng kanyang asawa na related sa ilegal na droga na ginagamit pa ang kanilang bahay bilang drug den
- sa Bacoor City, Cavite, yung Barangay Tanod na kasamang naaresto dahil sa pagtitimbre ng drug raid
- sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad at pamangkin niya na nahuli sa buy-bust operation
- sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad na nakunan ng video at nahuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga sa mismong bahay niya
- sa Cagayan de Oro, yung Barangay Kagawad na inaresto dahil sa involvement niya sa ilegal na droga
- yung Barangay Coordinator na hinuli dahil daw sa pangingikil ng nasa Php 18,000 kapalit ng pag-aalis ng pangalan ng isang drug surrenderer mula sa drug watchlist
- sa Commonwealth, Quezon City, yung 7 Barangay Tanod na sangkot sa pangingikil laban sa asawa ng isang drug-related personality, bukod pa sa pangre-rape daw nila dun sa babae
- sa Quezon City, yung pulis na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga baril at bala, ilan sa mga nasabat na armas ay government-issued pa daw
- sa Iloilo City, yung Jail Guard na nanutok ng baril sa bar
- yung pulis na nambugbog ng Traffic Enforcer sa daan dahil naabala daw siya ng panghuhuli nito
- sa Puerto Princesa, Palawan, yung babae na namatay sa pamamaril ng kanyang asawang pulis na nagbaril din naman ng sarili matapos iyong krimen
- sa Marawi City, yung pulis na hinuli dahil sa pagmamaneho ng carnap na sasakyan, bukod dun ay ni wala daw siyang lisensya
- sa Pasay City, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong kapalit ng hindi niya pag-i-issue ng ticket
- sa Manila, yung lolo na namatay matapos na mabangga ng motor na minamaneho ng isang pulis na lasing daw at mabilis magpatakbo
- sa Quezon City, yung Traffic Czar at mga kasamahan niya na nanira ng nasita nilang sasakyan na walang sakay
- sa Sariaya, Quezon, yung Barangay Kagawad at mga kaanak niya na nahuling nagpapatakbo ng online gambling
- sa Muntinlupa City yata iyon, yung teacher na nakunan ng video na nananampal ng mga estudyante
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
- yung Mayor ng Misamis Occidental na itinumba habang nasa custody na ng mga pulis
- sa Marikina, yung lalaki na napatay sa pamamaril ng isang pulis, may tama rin yung isa niyang kaibigan sa tiyan
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
- sa Las Piñas City, yung 3 pulis na naabutang natutulog sa ginawang inspeksyon ng NCRPO
- sa Antipolo City, yung pulis na nakunan ng video na nagsasabong
- yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG, na dati nang naalis sa serbisyo dahil din sa involvement sa ilegal na droga pero nagawang makabalik noong 2017 sa pagiging pulis
- yung ang daming isinisiwalat ngayon na modus ng mga armadong empleyado, pero ano bang ginawa nila noon pa lang na nalaman na daw nila ang tungkol sa mga ganun
- yung tangkang pagtatakip sa kaso ng Pampanga Ninja Cops noong 2013
- yung panibagong kaso ng pagkamatay sa PMA nang dahil daw sa hazing
- yung wala nang ipinagkaiba ang hazing mula sa bullying
- yung wala ng halaga ang mga karton para sa mga mangangalakal
- yung perwisyong idinudulot ng pag-a-adjust ng mga existing landline numbers
- yung pagtaas ng rate ng pamasahe sa provincial bus
- yung wala man lamang pakunsuwelo para sa mga motorista sa kabila ng hindi na pagiging expressway ng SLEX
- yung opisyales ng DOTr na isinisisi sa palpak na maintenance DAW ng nakaraang administrasyon iyong pagkasira na nangyari sa LRT 2, kahit na mahigit 3 taon na sila sa puwesto
- yung pagbaba ng presyo ng bentahan ng lokal na palay
- yung nakapasok na ang African Swine Fever (ASF) sa bansa
- yung may mga processed meat na rin na apektado ng ASF na hindi naman pinapangalanan yung kompanya
- sa Bulacan, yung paggamit sa isyu ng ASF para makapanabotahe ng negosyo ng iba
- yung balik operasyon na kaagad yung mga ipinatigil na laro ng PCSO, maging yung mga pinagdudahan na laro
- yung nagkaproblema daw yung gumagawa ng UMID card para sa SSS
- yung pagwawaldas ng pera ng bayan para sa pagbili ng 2 mamahaling jet
- yung report tungkol sa maraming kaso ng mga preso na napahamak habang nasa custody na ng mga awtoridad
- yung paglilipat ng mga Criminal Witnesses sa ibang facility (na hindi kulungan) noong June 2019 pa
- yung mga opisyales at dating opisyales na hiningan ng sulat at tulong nung pamilya nung convicted na rapist-murderer
- yung ayon sa record, na qualified ang NGO Queen sa paggamit ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), at rape ang kaso niya
- yung mga opisyales na isinasali ang mga kriminal na convicted for committing heinous crime sa nakagagamit ng good conduct time allowance
- yung libu-libo na DAW na convict na sangkot sa heinous crimes ang napalaya na dahil sa maling paggamit ng good conduct time allowance
- yung lumalabas nga na for sale pa yung Good Conduct Time Allowance sa bilangguan, ang access ng mga kontrabando papasok, at maging mga medical documents daw
- yung mga medical personnel ng New Bilibid Prison Hospital na kasabwat sa mga kalokohan ng mga bilanggong kriminal
- yung ngayon lang ginigiba yung mga kuwestiyonableng kubol sa Bilibid
- sa Bilibid, yung nasa 15 na pulis na nahuli dahil sa pagpupuslit ng kontrabando sa loob
- yung may panibago na namang civil case laban sa Dictator Clan ang ibinasura
- yung may nabalewala na naman na forfeiture case laban sa Dictator Clan
- yung kasunduan dun sa Imperial Telco, na planong maglagay ng facility nila sa provincial military base
- yung dinaya daw ang bidding para sa Kaliwa Dam para paboran yung Imperial contractor
- yung base sa kontrata ay may jurisdiction ang Imperyo in case na magkaroon ng kaso regarding sa Kaliwa Dam
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung hanggang sa panahon ngayon ay may mga insidente pa rin ng pangre-rape laban sa mga sariling kadugo
- sa Malabon, yung kaso ng pagpatay sa isang beautician kung saan kinunan pa talaga nung 2 kriminal yung ginawa nilang krimen
- yung mga nag-aalaga ng baboy na basta na lang ipinaanod sa ilog yung mga patay na baboy, kung kailan pa talaga may banta ng mabilis na lumaganap na sakit ng mga baboy
- sa El Nido, Palawan, yung Forest Ranger na napatay sa pananaga ng grupo ng mga illegal loggers
- yung lalong pagmamahal ng rate ng internet service sa panahon ngayon
- yung tila pagpabor ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa pantay na pagbibigay ng Good Conduct Time Allowance para sa lahat ng klase ng bilanggo
- yung palusot nung pamilya nung convicted rapist-murderer na kesyo nawala na daw yung mobile phone at number na magagamit sana bilang ebidensya
- yung banta ng terorismo laban sa supply ng petrolyo
- yung mga laos na personalidad at iba pa na kayang magbiyahe papuntang Russia
- yung 2 Imperial citizens na nahuli dahil sa pagmamaneho ng lasing, at wala pang lisensya
- yung apology nung nambangga na Imperial vessel na may timing
- sa Parañaque, yung Imperial prostitution den sa isang building na under construction pa
-----o0o-----
October 21, 2019...
sa Cagayan de Oro..
yung Barangay Kagawad na inaresto dahil sa involvement niya sa ilegal na droga...
is feeling , kahit saang island pa...
>
sa Bilibid..
yung nasa 15 na pulis na nahuli dahil sa pagpupuslit ng kontrabando sa loob...
is feeling , kakampi ng mga mamamayan, o ng mga kriminal...??
|
>
kahanga-hanga lang yung mga ganung klase ng tao..
yung hindi naghahabol ng kapangyarihan o karangalan para sa pangalan..
yung hindi ipinagbibili ang prinsipyo kapalit ng inaambisyon ng nakararami mula sa hanay nila...
and to think na ang Cosplayer ang naglagay sa kanya sa posisyon..
i won't say na perpekto siya..
pero mabuti na hindi siya nakibahagi sa mga operasyon ng alyansa..
hindi ako sigurado regarding sa mga naging aksyon niya sa mga kaso ng Cosplayer..
pero maraming usapin ang ginamitan niya ng isip, sa halip na magpadikta sa impluwensiya ng iba..
ilan sa pinakamahalagang tinutulan niya ay ang tungkol sa paglilibing ng basurang Diktador sa isang makabuluhang libingan, at ang tungkol sa katotohanan ng bilangan...
is feeling , kung mas marami lang sana ang kagaya niya...
---o0o---
October 23, 2019...
naibigay na ang reward #3..
isang obvious na tuta at miyembro ng alyansa base sa kanyang record ng mga desisyon...
is ⚠ feeling , mapapahamak na naman ba ang lahat...??
---o0o---
October 24, 2019...
sa Puerto Princesa, Palawan..
yung babae na namatay sa pamamaril ng kanyang asawang pulis..
nagbaril din naman ng sarili iyong pulis pagkatapos ng ginawa niyang krimen...
is feeling , ganitong kaso na naman.. mga armado na tinatamaan ng topak...
>
yung report tungkol sa maraming kaso ng mga preso na napahamak habang nasa custody na ng mga awtoridad...
is feeling , shortcut...
>
yung may mga processed meat na rin na apektado ng ASF...
ayaw pangalanan yung brand para daw hindi matakot ang publiko..
eh mas nakakatakot nga para sa mga consumers na hindi nila alam kung anong brand ang dapat nilang iwasan...
curious lang ako..
hindi man delikado yung ASF laban sa mga tao..
pero posible bang maging carrier ng ASF ang mga tao na nakakain at nakahawak ng mga infected na karne...??
is feeling , salamat sa mahigpit na pagbabantay.. lalo pang kumakalat yung virus...
---o0o---
October 25, 2019...
yung may nabalewala na naman na forfeiture case laban sa Dictator Clan...
lynching na lang talaga ang solusyon...
PS:
f*ck!
so pwede palang makialam ang Solicitor Assassin sa kaso na 'to..??
eh kakampi nga ng Dictator Clan yung put* na yun eh...
so ito ang dahilan kung bakit siya ipinuwesto doon...??
is feeling , salamat sa pagluluto ng mga kaso nila matapos ang ilang dekada...
>
sa Antipolo City..
yung pulis na nakunan ng video na nagsasabong...
is feeling , kulang pa yung suweldo, kailangan pang isugal para lumago...
---o0o---
October 26, 2019...
yung panibagong kaso ng Mayor na itinumba..
Mayor ng Misamis Occidental..
tinambangan habang nasa custody na siya ng mga pulis...
is feeling , kasali na naman daw yung Mayor sa listahan ng mga related sa ilegal na droga...